Game Over (EndMira: Ice -- bo...

By alyloony

28.9M 742K 198K

Five years have passed and finally, Timi is back in the Philippines. Being away and studying culinary abroad... More

Intro
chapter 1 (01/05/15)
Chapter 2 (01/08/15)
Chapter 3
Chapter 4 (2/2/15)
Chapter 5 (2/9/15)
Chapter 6 (2/17/15)
Chapter 7 (2/24/14)
Chapter 8 (03/13/15)
Chapter 9 (3/19/15)
Chapter 10 (3/28/15)
Chapter 11 (4/6/15)
Chapter 12 (4/15/15)
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16 [6/16/15]
Chapter 17 (6/20/15)
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 (Last Chapter)

Chapter 19

645K 17K 4K
By alyloony

Chapter 19



[Ice's POV]



"Mapapagalitan ka na naman ng manager mo," sabi ng kakambal kong si Aiscelle sa akin nang makita niya akong papalapit sa dining area.

Nginitian ko lang siya at kumuha ako ng omelete na kinakain niya.

"Anong palusot na naman ang gagawin mo kung bakit may hiwa ka sa labi?" she asked me.

I just shrugged at pinagpatuloy ko ang pagkain ko.

Last night, nagkaroon na naman ng tantrum si Erin at sugat sa labi naman ang natamo ko.

Sa totoo lang, sanay na ako sa ganito. Wala sa akin na masaktan niya ako physically. Pero ang ikinababahala ko ay ang kalagayan niya.

She's still suffering from PTSD and depression. Nagkakaroon na rin siya ng mga mood swings and I am scared for her.

Ayokong tuluyang masira ang buhay niya.

Pero hindi ko na rin kaya ang ipinapagawa niya.

"Ice... gagaling pa kaya si Erin? Makaka recover pa kaya siya?"

Bumuntong-hininga ako, "let's hope for the best."

Natahimik kami pareho ni Aiscelle.

Ako,busy sa pagkain ng dahan-dahan dahil ang sakit ng labi ko. Si Aiscelle naman, busy na nakaharap sa laptop niya habang kumakain.

Malamang, work na naman yan.

Work-a-holic talaga ang kakambal ko. Manang mana sa parents namin. Matalino si Aiscelle at talagang masipag kahit nung nag-aaral pa lang kami. Competitive pa masyado.

Magandang katangian yun. Pero sabi nga nila, lahat ng sobra ay masama.

Dati, her goal is to please our parents. At dahil doon, napapabayaan niya ang ibang bagay na dapat niyang pahalagahan.

Katulad ni Jasper.

Takot siya sa magiging opinyon ng parents namin pag nalaman nilang boyfriend niya si Jasper kaya naman tinago niya iyon. Maliban sa akin eh wala nang ibang nakakaalam. Kahit ang ibang members ng EndMira eh hindi nila alam ang bagay na yun.

Ilang beses ko siyang sinabihan na hindi niya pwede yun itago ng matagal na panahon. Na it's either ipaalam niya na sa lahat at ipagmalaki niya ang boyfriend niya... o pakawalan na niya si Jasper dahil nahihirapan na ito.

Pero ipinilit niya ang sa tingin niya ay tama kaya naman ang naging kapalit ay ang pagkawala sa kanya ni Jasper.

"Aiscelle."

"Hmm?" sagot niya nang hindi man lang inaalis ang tingin sa laptop niya.

"Tapusin mo muna ang pagkain mo bago yan."

Sumulyap siya sa akin at nginitian ako.

"Para kang tatay kung magsalita. Yun lang, hindi ako sasabihan ni dad ng ganyan because he's also doing the same thing."

"Aiscelle.." sabi ko naman ng may pag babanta sa boses. "Seriously, wala ka na bang ibang alam kundi trabaho?"

Aiscelle closed her laptop and then she gave me a sad smile.

"Dati lovelife, kaso two days ago, ni-reject na naman ako ng ka-banda mo."

"Kinausap mo si Jasper?"

Tumango siya, "yep. I told him that I still love him at nakikipagbalikan ako. Gusto kong mag start over ulit kaming dalawa. Sabi ko, hindi na namin kailangan i-sekreto. Na okay na sa akin ipaalam sa lahat. Pero wala, nagmamatigas pa rin siya. Pinapairal niya ang pride niya."

Natahimik ako bigla.

"So... ano nang plano mo?" tanong ko sa kanya.

"Magta-trabaho ako."

"About Jasper?"

Iniwas niya ang tingin niya sa akin, "kailangan niya pa ng time, Ice. But I know he still loves me. At kung time ang kailangan niya, ibibigay ko yun sa kanya."

Napa-buntong hininga na lang ako.

"Minsan kasi kahit mahal mo ang isang tao, kung pagod ka na, aayaw na talaga ang puso mo."

Hindi sumagot si Aiscelle pero kita ko ang sakit sa mga mata niya.

"Aiscelle, do you really love him?"

"I do! Wag mong kwestyunin ang nararamdaman ko!"

"Pero bakit hindi ka gumagawa ng paraan para bumalik siya sa'yo?"

"I talked to him! Pero ayaw niya! Pinairal niya ang pride niya!"

"Siya ba talaga ang nagpapa-iral ng pride ngayon? Hindi mo ba naisip na baka hindi pride ang pinapairal niya. Baka pinoprotektahan niya lang ang puso niya?"

Napatayo si Aiscelle sa upuan at nakita kong may namumuong luha sa mga mata niya.

"What do you want me to do?! Araw-araw ko siyang suyuin? Araw-araw akong magmakaawa? I'm not like that Ice! You know I am not like that!"

"Kasi sanay kang ikaw ang hinahabol-habol ni Jasper?"

Hindi siya umimik at naupo ulit siya. Agad niyang pinunasan ang luha sa mga mata niya.

"I don't know what to do anymore. I just want him back."

Lumipat ako ng upuan at tinabihan ko si Aiscelle. I placed my arm around her shoulders at nilapit ko siya sa akin. Ipinulupot naman niya ang mga braso niya sa bewang ko.

"Then get him back. Hindi pa naman huli ang lahat 'di ba?"

"Ice?"

"Hmm?"

"I know Jasper loves me so much. P-pero, tingin mo ba kaya niya akong ipagpalit?"

"Alam mo Aiscelle, wag kang pakakampanti sa thought na mahal ka niya. Pwedeng magbago yun lalo na sa sitwasyon niyong dalawa ngayon. Maraming pwedeng mag mahal sa kanya na kaya siyang tratuhin ng tama."

"I'm scared."

I pat her head.

"I know sis. I know how you feel. I really do."

Inangat niya ang tingin niya sa akin then she smiled at me.

"You really love her. Timi, I mean."

Nginitian ko siya at tumango ako.

Biglang may pumasok na idea sa isip ko.

"Aiscelle, I gotta go!"

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin.

"Wait, sabi mo mamaya pang hapon ang rehersal niyo?"

"May kailangan lang akong gawin."

I kissed the crown of her head at dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko.


~*~


[Timi's POV]

11:30 pm na, nasa kama pa rin ako.

Ayoko nang bumangon. Ayoko nang pumasok. Gusto ko na lang matulog at mahiga sa kama.

Bwiset na Ayen yun, sasapakin ko talaga siya.

Paano kagabi nag punta dito sa condo at may dala-dalang alak. Nakipag-inuman sa aming dalawa ni Rika. Wala raw siyang kainuman kasi hindi naman niya pwedeng yayain ang EndMira dahil may rehersal sila at bawal silang uminom. Kaya kami ang napag-tripan niyang yayain.

At bwiset, ang sakit ng ulo ko. Bwiset talaga.Ba't ba ako pumayag makipag-inuman sa mokong na yun?!

Buti na lang at rest day ko ngayon!

"Wake up, sleepy head!" naka-ngiting sabi ni Rika habang naka-silip sa room ko.

Bumangon ako at minasahe ko ang noo ko.

Ang sakit talaga ng ulo ko!

Tinignan ko si Rika.

"Ba't naka-ngiti ka? Ba't parang wala kang hang over?"

"Paano kasi isang baso lang ininom ko. Kayong dalawa ni Ayen, para kayong sira kagabi. Dami kong videos na nakuha!"

"Eh? Rikaaaaa!!! Unfair ka! Dapat nagpakalasing ka rin! Hindi naman pwedeng ako lang ang nag s-suffer sa hangover!"

"Dalawa kayo ni Ayen!"

"Umuwi na ba siya?"

"Hindi. Andoon sa kusina at nakikikain."

Napa-tayo ako bigla.

"Ba't hinayaan mo siyang pumunta sa kusina?! Edi inubos niya ang pagkain natin!"

"Ah Timi--!"

Dali-dali akong lumabas sa kwarto ko para puntahan sana si Ayen kaya lang napatigil ako bigla nang makita kong may lalaking naka-upo sa living room namin.

What the hell is he doing here?!

"---nandyan si Ice," sabi ni Rika.

Napalingon si Ice sa akin at nginitian ako.

"Good morning!" ngiting-ngiti niyang sabi.

Ay anak naman ng ano! Oh gosh!

"Timi, ang gulo ng buhok mo. May panis ka pang laway! May muta pa mata mo!" bulong ni Rika sa akin.

Hindi ko siya pinansin at nilapitan ko si Ice.

"What are you doing here?" taas kilay kong tanong sa kanya.

"Uhmm.." naka-ngiti niyang sagot.

"What?! Ice, kung tungkol na naman ito sa---"

Naputol bigla ang sasabihin ko dahil bigla akong may narinig na kumahol.

"Yes?" ngiting-ngiti na sabi ni Ice.

"W-wait, i-is that a---?"

May kumahol ulit.

At mula sa likod ni Ice ay may lumabas na tuta na color brown.

"Oh my gosh!" napatakip ako ng bibig.

Binuhat ni Ice yung puppy at ipinatong niya sa hita niya.

Ang liit-liit niya. Ang taba. Ang fluffy! Sobrang cute!!

Parang nawala bigla ang hangover at badtrip ko.

"C-can I touch him?"

"Sure," nakangiting sabi ni Ice.

Binuhat ko yung doggy.

"Hello little one!"

Dinilaan niya ang daliri ko at niyakap ko siya.

Gusto kong maiyak dahil sobrang cute!!!

"Anong name niya?" tanong ko kay Ice.

"Hotdog," nakangiti naman niyang sabi. "And he's yours now, Timi."

"H-Hotdog? Talaga? Akin siya? Teka paano mo nalaman?"

We used to have a dog. Hotdog din ang name. Actually, kay mommy yung dog na yun. Sabi niya, dalaga pa raw siya, kasama na niya si Hotdog. Then nung pinanganak ako, si Hotdog daw ang pinaka first ever bestfriend ko. Kaya lang namatay siya nung 4 years old ako.

Sa totoo lang, wala na ako halos matandaan na memory kay Hotdog. Pero nakikita ko siya sa mga photos ko nung maliit pa ako. And eversince, I have a soft spot for dogs.

"Nung naginuman kami ng dad mo, pinakita niya mga childhood photos mo. Tas nakita ko si Hotdog, so naisip kong bihlan ka ulit ng golden retriever."

Kung itong lalaking 'to, hindi ako pina-iyak at sinaktan ng husto, lalapit ako sa kanya ngayon at yayakapin ko siya ng pagka-higpit higpit.

Pero hindi.

Hindi ko pwedeng gawin yun.

Ayokong tanggapin yung binibigay niya. Pag tinanggap ko 'to, parang unti-unti ko na rin siyang pinapapasok ulit sa buhay ko.

Pero kasi...

Napatingin ako sa puppy. Ang cute talaga! I want him! Hindi ko siya kayang ibalik kay Ice. Hindi!

Oh my gosh!

Bwiset na yelong 'to, nadali niya ang soft spot ko!

"Ayaw mo ba sa kanya Timi? O-okay lang naman sa akin na ako na lang mag-aalaga kay Hotdog."

"No!" mabilis kong sagot. "I-I mean. Busy ka! Mas busy ka pa sa akin. MAmaya hindi mo siya maalagaan ng maayos. Mapabayaan lang siya. Baka magkasakit o mangayayat lang siya. Tsaka nakapag-alaga ka na ban g aso? Ang mommy ko marunong kaya matutulungan niya ako. Baka wala ring tao palagi sa bahay niyo. Kailangan ng company ni Hotdog kasi baby pa siya. At kawawa siya kung---"

"Timi, it's alright. Binili ko talaga siya para sa'yo," naka-ngiting sagot ni Ice.

Nakakainis! Ba't siya ngumingiti ng ganyan!

"Baka kasi isipin mo kaya ko kinuha 'to kasi binili mo sa akin! Concern lang ako doon sa aso!"

Mas lalong lumawak ngiti niya, "don't worry. Alam kong concern ka lang talaga sa aso kaya hindi ko iisiping dahil sa akin kaya mo siya kinuha."

Pinanliitan ko siya ng mata, "why are you smiling like that?!"

"Wala lang."

"You don't believe me!"

"I do!"

"Liar! Hindi ka talaga naniniwala sa akin!"

"Hay naku Timi ang sakit sa tenga ng boses mo!" singit ni Ayen na may dala-dalang pagkain."Hi bro!" bati ni Ayen kay Ice.

Nginitian siya ni Ice.

Nilingon ulit ako ni Ayen. "Dami-dami mong sinasabi kay Ice. Gusto mo naman yung aso! Tinis pa ng boses mo! Mas lalo akong nagkaka-hangover sa'yo eh!"

Bwiset ang isang 'to ah!

Ibinigay ko ulit si Hotdog kay Ice at nilapitan ko si Ayen. Kinuha ko yung bowl ng pagkain na hawak-hawak niya.

"Cereal ko yan!!" reklamo niya.

"Ako bumili neto! Patay gutom!"

"Akin na yan!!"

"Ayoko!!"

"Ayen, hayaan mo na yung pagkain. Kailangan mo nang maligo kasi pupunta na tayong studio," sabi naman ni Ice kay Ayen.

"You don't need me there. Okay na yung mga songs ah?"

"Yes but may onti ata silang ipapaayos sa'yo doon sa isang single natin? Gusto kasi nila na mag collab ang EndMira at si Mia."

Naalala ko si Mia. Siya yung girl na ginawan ng song ni Ayen. Yung girl na sinupladuhan ng bwiset na matakaw kong kaibigan na 'to.

"Uy, collab? Masaya yun!" singit ko naman sa usapan nila. "Ang galing kaya ni Mia!"

"Yeah, narinig ko siyang kumanta at magaling nga siya. She deserves to be recognized," sabi naman ni Ice.

Kinunutan lang kami ng noo ni Ayen at inagaw niya ulit yung cereal na kinakain niya.

"Babalik ako mamaya, maginuman ulit tayo," sabi niya sa akin.

"No. Ayoko."

"Basta."

After that inayos niya na yung gamit niya dahil aalis na sila ni Ice.

Si Ice naman, may pinapakita sa akin na booklet para kay Hotdog.

"Napa-bakunahan ko na si Hotdog pero kailangan mo siya ulit ibalik sa vet. Don't worry, yung vet niya malapit lang dito sa inyo para hindi hassle mag dala. Pwede ko sa'yo ituro next time. Or kung okay lang sa'yo sasamahan kita pag ibabalik mo na siya doon."

Napangiti na lang ako.

Nakakainis. Bakit ganito. Dahil sa aso natutunaw ang puso ko sa kanya.

Hindi. Hindi pa pwede. Wag Timi. Wag. Wag talaga. Bawal.

Guard your heart!

Pero ngayong araw lang... dahil aaminin ko ang saya ko ngayon dahil sa kanya.

Ngayon lang talaga.

I'll be nice to him.

"Thanks Ice," nakangiti kong sabi sa kanya.

I think I caught him off-guard dahil bigla na lang siyang napa-kurap at napatitig sa akin.

Bumilis bigla yung tibok ng puso ko.

Agad siyang umiwas ng tingin at hinawakan niya yung puppy.

"Y-you're welcome."

Nakita ko bigla ang pamumula ng tenga niya.

Pakiramdam ko nagiinit din ang mukha ko. Ano ba 'to! Nakakainis naman! Bakit ganito?!

I cleared my throat.

"S-so.. uhmm... hanggang anong oras ang rehersal niyo?" tanong ko.

"Ah... baka hanggang 8pm."

Tumango ako, "okay.. may...may gagawin ka ba after?"

Oh god, Timi. What the hell? What the hell are you thinking?!

"Wala. W-why?"

"Wala lang. Dinner tayo---kasi binigyan mo ako ng puppy."

Boom.

Wala.

Wala na.

Bwiset.

Niyaya ko siya.

Stupid stupid me!

"Talaga? I-I mean sure! Sige! Gusto ko! Okay na okay! I mean, I would love to!"

Oh Timi, wag kang ngingiti. Bwiset. Wag kang kikiligin. Leche ka. Tatampalin kita! Malandi kang babae ka!

Yang lalaking yan ang nanakit sa'yo.

Keep a straight face. Pakita mo sa kanyang hindi big deal sa'yo ang dinner na yon!

"Okay. See you later," nag kibit-balikat lang ako at ibinaling ko ang atensyon k okay Hotdog. I bite my lower lip para maiwasan ko ang pag-ngiti.

Keep a straight face. Keep a straight face..

"Ice tara?" rinig kong sabi ni Ayen.

Kahit matakaw siya at moody at hindi ko maintindihan kung minsan, tuwang-tuwa ako sa pagdating niya.

I LOVE YOU TO THE MOON AND BACK JARREN REYES!

"Sige, una na kami Timi," paalam ni Ice na ngiting-ngiti pa rin.

Tumango lang ako sa kanya at tumingin ako kay Ayen.

"Wag ka nang babalik dito!" sabi ko sa kanya.

"Hindi mo ako mapipigilan!" natatawa-tawa naman niyang sabi.

Naunang lumabas sa unit namin si Ice. Nagpaiwan naman si Ayen at binulungan ako.

"Ba't ngiting-ngiti ang isang 'yun? Anong gayuma ginamit mo sa kanya at para siyang high na high ngayon?"

Hinampas ko siya balikta.

"Bwiset ka! Lumayas ka na!"

Tumawa siya ng malakas at tuluyan nang lumabas ng unit namin.

Kainis!

"Kailangan mo ng tulong kung ano ang isusuot mo mamayang gabi?" naka-ngiting sabi ni Rika sa akin.

Oh god.

Hindi ako makapaniwala na niyaya ko si Ice!


To be continued....

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 314K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
11M 110K 79
Published under Pop Fiction (2014)
202K 11.6K 69
[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili...
1.3M 67.2K 56
Cupid Gone Wrong Book 2 Light only