In Love With The Sinner (Sinn...

Par yurikurama24

799 6 8

Blurb Jarred Rein Vergara gwapo, matalino, mayaman, higit sa lahat babaero. Iyong huli lang talaga ang panira... Plus

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Epilogue

Chapter 37

13 0 0
Par yurikurama24

Chapter 37

Nakatulala lang si Ella sa isang gilid sa may hardin habang inaalala na naman ang anak. Hindi na naman niya mapigilan ang kanyang mga luha sa nagbabadyang pag-agos nito. Pakiramdam niya ay kakambal na ng buhay niya ang pag-iyak dala ng labis na sakit, lungkot at nakaraang nakaukit na sa katauhan niya.

Halos nasa isang linggo na rin mula ng ipakita sa kanya ni Jarred ang video ni Jarra na umiiyak at nakita pa niya ang tilamsik ng dugo na hindi niya malaman kung saan nanggaling. Ang huli lang niyang natatandaan ay ng itulak ng girlfriend ni Jarred ang anak niya. Pagkatapos noon naputol na ang video. Hindi niya alam kung anong nangyari kay Jarra sa mga oras na iyon. Bagay na mas lalo niyang ipinag-alala sa anak.

Sa video na iyon ay hindi naman niya maunawaan kung nasaan ang anak, palagi na lang kasing madilim o malamlam ang liwanag tuwing nakikita niya sa video si Jarra. Kaya ang huling iyon ay hindi niya alam kung saan.

Bilang ina ay sobrang sakit sa puso niya ang kanyang nasaksihan, habang naririnig na tinatawag siya ng anak. Pakiramdam niya ay parang unti-unting hinihiwa ang kanyang puso para mas maramdaman niya ang sakit.

Mula ng araw na iyon ay wala na siyang naging balita pa kay Jarra. Naging tikom ang bibig ni Jarred sa mga tanong niya. Hindi ito nagsasabi kong maayos lang ba ang anak niya o ano. Dahil tuwing nagtatanong siya, iba ang nagiging sagot nito. Bagay na lalong nagbigay takot sa kanya. Kahit anong pagmamakaawa niya sa lalaki ay wala itong ibinibigay na sagot.

"Ella," tawag sa kanya ni Manang Lena kaya mabilis niyang pinalis ang luhang nag-uunahan na naman sa kanyang mga mata. Napatayo rin siya kaagad mula sa pagkakaupo at hinarap ang matanda.

"May ipag-uutos po kayo? Pasensyahan na po kung medyo napatigil po ako. Tapos ko na po kasi ang ipinagagawa po ninyo," may pagmamadali niyang saad na nginitian lang ng matanda.

"Wala naman. Nakita lang kasi kitang tulala na naman at umiiyak kaya nilapitan na kita. Pasensya ka na Ella wala din akong makuhang sagot kay Sir Jarred. Hindi ko naman mapilit sa mga tanong ko. Lalo na at matanda na ako, pero kailangan ng pamilya ko ang perang sinasahod ko dito."

"Naiintindihan ko po kayo manang. Malaking tulong po sa akin na nandito po kayo. Kahit po papaano, lumalakas ang loob ko," mahigpit na yakap mula kay Manang Lena ang natanggap ni Ella. Bagay na mas lalo niyang ikinaiyak. Pero kahit papaano ay nakakagaan sa  pakiramdam niya.

Samantala, nasa condo lang ni Kisha si Jarred ng araw na iyon. Inanyayahan kasi ito ng dalaga na doon na lang kumain ng lunch lalo na at nagluto ito.

Hindi ganoong kagaling magluto si Kisha kaya naman tuwing inaanyayahan siya nito ay pinagbibigyan na lang niya. Kay sa mag-away silang dalawa.

Nakangiting inilapag ni Kisha sa lamesa ang sinigang na hipon. Itinuro pa ng yaya niya kung ano ang sangkap at kung paano niluluto ang putaheng iyon. Simple lang naman, pero sa tulad niyang ngayon pa lang nag-aaral magluto ay nahihirapan siya.

"Masarap?" saad ng dalaga na hindi mapigilan ang matamis na ngiti.

Napatango naman si Jarred habang humihigop ng mainit na sabaw. "Pwede na."

Napanguso naman si Kisha sa narinig. "Ang daya naman. Pwede lang ba talaga?"

Napailing naman si Jarred sa reaksyon ni Kisha. "Biro lang masarap."

"Totoo?"

"Yup," ani Jarred na nagpatuloy lang sa paghigop ng mainit na sabaw.

"I love you hon. Mabuti naman at nagustuhan mo. First try ko pa lang naman iyan. Kung masarap na ngayon mas sasarapan ko pa sa susunod. Kain na," masayang saad ni Kisha na ikinatango na lang ni Jarred.

Naghayin na rin ng kanin si Kisha at kumuha ng orange juice na mas nauna na niyang natimpla kanina.

"Dito ka na magdinner mamaya hon. Try kong magluto ng adobo baka ma-perfect ko na ngayon," masayang saad pa ng dalaga.

"Okay. Hindi na ako babalik sa opisina. Wala naman akong meeting ngayon. Natapos ko na ang trabaho ko kanina."

"Talaga? Thank you hon."

"Pambawi ko na rin sa hindi mo na pang-aaway dahil sa ginagawa ko sa anak ni Ella."

Umasim namang bigla ang mukha ni Kisha ng marinig ang pangalan ng dalaga. Sa totoo lang kumukulo talaga ang dugo niya sa mag-ina na iyon. Wala lang talaga siyang magawa sa kung ano mang plano ni Jarred. Kaya pinilit na lang niyang ngitian ang kasintahan bilang sagot.

"I love you hon," ngiti lang ang ang naging tugon ni Jarred sa sinabing iyon ni Kisha. Kahit medyo nakakapagtampo ay itinuon na lang ni Kisha sa pagkain ang sama ng loob. Para hindi na sila mag-away pa.

Matapos kumain ay nagtungo si Jarred sa living room habang si Kisha na ang nagdayag ng kanilang pinagkainan at pinaglutuan.

Nakatingin lang si Jarred sa labas glass window na nandoon. Tanaw na tanaw niya ang malawak at napakaraming gusali na nakatayo mula sa pwesto niya.

Hindi niya alam kung ano ba ang tama o mali sa ginagawa niya. Pero sa katotohanan alam niyang mas lamang ang mali kay sa tama sa kanyang ginagawa.

Dumaan na naman sa kanyang gunita ang mukha ni Ella na nagmamakaawang sabihin niya kung nasaan ang anak nito. Nandoon na siya eh, kahit nandoon ang awa. Pinapangunahan pa rin siya ng pride, at galit. Nandoon pa rin ang paninindigan niyang habang hindi nagsasalita si Ella hindi niya ibabalik ang anak nito.

"Hindi Ella, hinding-hindi," bulong pa niya.

Naramdaman na lang ni Jarred ang mainit na haplos ng malambot na kamay sa kanyang katawan. Nakatalikod siya dito kaya damang-dama niya ang malambot nitong dibdib na dumadampi sa kanyang likuran. Bagay na nagpapabuhay sa kanyang kalamnan.

Nag-init siya lalo na ng maramdaman niya ang kamay ng babae na humahaplos sa kanyang harapan. Lalo lang nitong pinag-iinit ang kanyang katawan. Unti-unti na ring nabubuhay ang apoy ng pagnanasa kay Jarred.

Kainitan sa labas, ngunit kakaibang init din ang ipinaparamdam ng babaeng kung saan-saan na humahagod ang kamay. Idagdag pa ng maramdaman niyang lalo ang dibdib nitong halos nakadikit na sa balat niya ng itaas nito ang suot niyang damit.

"Make love with me hon," ani ng mapang-akit na tinig na lalong nagpasiklab kay Jarred.

"E-Ella," bulong niya ng biglang maramdaman ang pagtigil ng babae sa ginagawa.

"Why?" malambing pang tanong ni Jarred.

"What did you say?" inis na tanong ni Kisha na biglang tumigil sa ginagawa. Ang init na kanina lang sumiklab ay para ding apoy na mabilis na nabuhusan ng tubig at dagling namatay.

Napakunot noo naman si Jarred na hindi aware sa simabi niya.

"What's wrong with you?"

"Natanong mo pa talaga ako niyan? So tama akong katulong at amo kayo na may benepisyo."

"Anong sinasabi mo Kisha?"

"Hindi ako bingi Jarred. You called me Ella. Ella? What the fvck! Dinig na dinig iyon ng dalawang tainga ko Jarred hindi ako tanga."

Doon lang napagtanto ni Jarred ang sinabi niya. "Let me explain Kisha."

"Anong sasabihin mo? Naalala mo lang bigla ang ginagawa niya sayo? Naalala mo ang ginagawa ninyo? Fvck you Jarred! Hindi ako tanga para hindi maramdaman na tuwing magkasama tayo lumilipad ang isip mo. Isa pa kung hindi mo na mahal ang babaeng iyon. Hindi mo tutulungan ang anak ng babaeng iyon na maipagamot. Jarred anak niya iyon sa ibang lalaki. Tapos ikaw pa magpapagamot. Ano ka charity? Bakit hindi mo na lang sila pabayaan at hayaang mamatay ang anak niya!"

Nagulat din si Jarred sa ginawa. Hindi niya nakontrol ang sarili at bigla na lang niyang nasampal si Kisha. Alam niyang masakit iyon lalo na at lalaki siya at babae ito.

"Sinasaktan mo na ako ng dahil lang sa katulong na iyon!"

"I'm sorry Kisha?"

"Sorry? Matapos mo akong pagbuhatan ng kamay. Maayos naman tayo bago ka pumuntang probinsya, pero ng bumalik ka at nasa bahay mo na ang babaeng iyon naging magulo na ang relasyon natin. Mas may oras ka pang dalawin ang anak ni babaeng iyon sa ibang lalaki kay sa magkaroon ng oras sa akin!"

"Sorry Kisha."

"Don't  say sorry if you don't mean it! Mahal kita Jarred, ang tagal kong naghintay para maging akin ka. Nangako ka na ako lang. Pero bakit ka nagkaganyan. Mahal mo ba ako? Answer me Jarred!"

Napahilot na lang si Jarred sa sentido sa tanong na iyon ni Kisha. Madali lang namang sumagot na mahal niya ang dalaga pero hindi niya magawang magsalita. Bagkus ay iba ang lumabas sa kanyang bibig.

"Hindi ako mabuting tao Kisha. Madami rin akong nagawang kasalanan. Pero ang lahat ng ginagawa ko kay Ella ay parte ng paghihiganti ko sa kanya. Oo galit ako. Galit na galit ako sa kanya dahil sa iniwan niya akong walang matinong dahilan. Basta na lang niya ako iniwan ng hindi ko alam kung bakit. Kaya sa tingin mo. Paano ko mapipigilan ang sarili kong hindi gawin ang nauna kong plano. Sinabi ko sa sarili kong huwag lang magpapakita si Ella, kasi pahihirapan ko siya hanggang sa hindi niya ako binibigyan ng katanggap-tanggap na rason kung bakit niya ako iniwan. Ngayon masisisi mo ba ako kung bakit ko ginagawa ang bagay na ito!"

"Kung ganoon naman pala. Forget her! Kung ayaw magsalita, huwag mong pilitin. Maliban na lang kung mahal mo pa ang babaeng iyon. Kaya kahit napakatagal ng panahon hindi ka pa rin makamove on. Ano ako ginagamit mo lang?"

"Shut up! Wala kang alam!"

"Di ipaintindi mo! Paano ko malalaman kung wala kang sasabihin. Ibig sabihin mahal mo pa talaga ang babaeng iyon. Matapos kang iwanan ng walang dahilan? Nandito ako Jarred, huwag kang magpakatanga sa babaeng iyon!"

"I said shut up! Ayaw ko na siyang pag-usapan! Don't give me a reason to leave you, permanently."

Nawalan ng sasabihin si Kisha ng maramdaman niya ang galit kay Jarred. Napahugot na lang siya ng hangin ng magsimulang maglakad si Jarred patungong pintuan.

"Hon!" tawag niya ngunit hindi naman siya pinansin ni Jarred.

Hinayaan na lang niya ang kasintahan na umalis. Alam niyang hindi na ito babalik sa mga oras na iyon. Napakuyom na lang ng kamao si Kisha.

"Gusto mong maghiganti sa kanya hon? Bakit hindi mo na lang gawin ang mas mabilis na paraan para saktan si Ella? Ako na ang gagawa para mas mabilis na mawala sa landas mo ang mag-inang iyon. Sa akin ka lang Jarred. Sa akin ka lang," may diing saad pa ni Kisha ng magbilis itong nagtungo ng kwarto niya para makapagbihis at para masimula ang plano niya.


Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

452K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
175K 9.5K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
136K 3.3K 52
What will you do if you end up in someone else body?
7.6M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...