Sa Taong 1890

By xxienc

85.7K 3.5K 1K

Siya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang... More

Mula sa May-akda
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70

Kabanata 65

612 23 6
By xxienc

|Kabanata 65|


          Nakatitig lamang ako sa kaniya na kung hindi siya muling magsasalita ay hindi ako makababalik sa aking diwa.

          "Ayos lamang ba iyon, Binibini?"

          "Kasi... hindi ako lumalabas sa mga panahong ito. Wala pa akong ganang gawin iyon, huwag ka sanang masaktan ang iyong damdamin."

          Mabilis siyang napangiti at umiling, "Hindi, Binibini. Naiintindihan kita." Napalingon naman siya sa mansiyon saka bumaling uli sa akin. "Kung ayaw mong lumabas ay ayos lamang ba kung sa inyong hardin tayo sa likod ng inyong mansiyon?"

          Tahimik na lang akong bumuga ng hangin saka tumango. "Sige, maaari iyon." Nilingon ko naman si Mang Kardo na nakatayo na ilang metro mula sa akin. Marahil ay lumayo na siya nang dumating si Primitivo. "Mang Kardo, alis muna ako ha."

          Malapad ang kaniyang ngiti na ibinigay. "Sige po, Senyorita. Maraming salamat sa pagbigay ng kaunting oras."

          Tinanguan ko naman siya bago umalis at naglakad na papunta sa likod ng mansiyon. Hindi ko na muli pang sinulyapan si Primitivo na ramdam ko naman na nakasunod sa akin. Tahimik na lang akong naglakad papunta sa upuan doon at kaagad na umupo. Napatayo naman kaagad ako nang umupo siya sa tabi ko kaya naglakad-lakad na lang ako sa tabi ng mesa at pinagmasdan ang buong paligid. Matagal-tagal na rin mula noong nakatambay ako rito. Ito ang pinakatahimik na lugar sa buong Casa Del Veriel. Maingay naman kasi sa silid ko dahil doon ako laging pinapagalitan ni Ama.

          Tipid ko naman na nilingon si Primitivo na natahimik matapos kong iwasan. Kasi naman eh, hihirit pa. Pinagbigyan ko na nga lang na masamahan ko ay gusto pang umupo sa tabi ko.

          "Masaya pala akong sa wakas ay ika'y pumayag na sa ating pag-iisang dibdib," biglang sabi niya kaya mas napatingin ako sa kaniya na hindi maipinta ang mukha. Nakatingin ako sa kaniya na tila ba'y tatlo ang kaniyang mga mata.

          "Ha?"

          "Sinabi ng iyong ama," paglinaw niya. "Kaya walang masidlan ang aking tuwa habang inaantay ang araw na iyon." Muling nabuhay ang kaniyang masiglang mga mata. Nakangiti na rin siya ngayon na tila ba'y walang nangyari kanina.

          "Ah iyon ba? Paulit-ulit na kasi si Ama kaya napilitan na ako."

          Hindi ko na lamang sasabihing pipigilan kong mangyari ang kasal. Dahil kahit anong gawin ko rin naman ay mangyayari't mangyayari pa rin iyon dahil marami sila at ako lang mag-isa. Hindi ko na rin naman alam kung anong gagawin ko. Mananahimik na lamang ako at kikilos ng walang nakakalam sa aking plano. Kung ipagpipilitan ko rin naman kasing sumalungat sa kagustuhan nila ay alam kong mas lalong lalala ang lahat. Maaaring magbago na naman ang takbo ng panahon.

          "Naniniwala rin akong balang araw ay matututunan mo rin akong mahalin at makakalimutan mo ang nakaraan, lahat ng sakit at pagdurusa na naramdaman mo. Pangako kong aalagaan kita at hindi kita sasaktan."

          Kakaawaan ko ba siya o kamumuhian? Hindi ko alam. Lalo na at kabilang rito ang kaniyang damdamin dahil sa sinabi niyang nagugustuhan niya ako. Hindi ko lubos na maisip na masasaktan ko ang mga taong naging totoo sa kanilang mga nararamdaman.

           "Sasabihan lang sana kitang huwag kang umibig sa akin ng husto. Baka hindi ko masusuklian iyon. Ayaw lang kitang masaktan."

          "Hindi ako susuko, Binibini. Tiyak akong mamahalin mo rin ako balang araw," pagtitiyak na aniya habang nakatingin sa akin. hindi ko na tuloy alam kung ang maisasagot ko sa kaniya. Ngunit, bahala nga siya na pinaniniwalaan niya. Basta ako, nakatuon lamang sa layunin ko, ang hindi mamatay sa araw ng aking kasal.

           "Hindi ka pala abala?" pag-iiba ko ng paksa. Alam ko naman na ang pag-uusapan lang namin ay ang nalalapit na kasalan.

          "Hindi. Nilaan ko ang araw na ito upang ika'y dalawin."

           Minsan, sa sitwasyon na ito naiisip ko si Agustin. Dati rin ay ganito rin siya kaso hindi ko naman masyadong pinapansin ang kaniyang nararamdaman para sa akin. Pero, ang kaibahan lang ay kaibigan lamang talaga ang tingin ko kay Primitivo at hindi na magbabago iyon. Gagawin ko rin naman ang lahat hindi lang mamamatay sa kasal.

          "Kumusta ka pala, Binibini? Sana ay maayos lamang ang iyong kalagayan. Nabanggit ni Ina na tutungo siya rito anumang araw para tulungan kang maghanda."

          "Ayos lang naman ako. Mas mainam na huwag na lang mag-abala pa si Donya Amelia. Tiyak akong gagawin ni Ina ang lahat para maging maayos ang lahat."

          Hindi ko gusto na may mangungulit at manggugulo sa akin. Ayaw ko ng maraming atensyon na nakatuon sa akin sa darating na mga araw dahil mahihirapan akong kumilos kapag nangyari iyon.

          "Sasabihin ko iyan kay Ina ngunit alam kong hindi talaga iyon nagpapapigil. Nasasabik din iyon sa kasalan."

          Naiintindihan ko naman si Donya Amelia, lalo na at panganay na anak niya ang ikakasal. Ngunit, mas mainam talagang hindi na siya makialam pa. gusto kong payapa ako at ayaw ko ng may magdidikta sa akin sa kung anong gagawin, susuotin, o kung ano pa man. Sana hindi na lang siya darating.

          Wala na akong nagawa kundi ang tumango. Patuloy lang ang naging kumustahan namin ni Primitivo. Madalas siya lang din ang nagsasalita na sinasagot at tinatanong ko rin naman pabalik. Kahit pa hindi ako sang-ayon sa kasunduan ay ayaw ko naman na ipawalang-bahala siya. Mabait si Primitivo pero ayaw ko rin na bigyan siya ng motibo. Hindi rin naman nagtagal ay umuwi na siya. Kahit inimbitahan ko siyang kumain muna ay tinanggihan niya iyon dahil doon na lang daw siya sa kanilang tahanan kakain.

          Umakyat na ako pabalik ng mansiyon at napatigil sa may pintuan ng azotea nang makasalubong ko ang tao simula pa lamang ng napunta ako rito ay pinakulo na talaga ang aking dugo. Si Dueña Hilda. Papalapit siya sa akin mula sa itaas. Nang masilayan ko siya ay kaagad na bumalik sa akin ang lahat ng galit at pagkamuhi ko sa kaniya. Mas lalo pa iyong lumala nang ngumiti siya sa akin. Hindi iyon ngiti na sinsero, nakakainis na ngiti iyon.

           "Binibining Kristina, akala ko'y ikaw ay mayroong panauhin? Bakit hindi mo pinatuloy muna?" aniya pa saka huminto isang dipa ang layo mula sa akin.

            "Huwag mo akong kausapin na para bang wala kang kasalanang ginawa sa akin." Matutulis na mga tingin ang ibinigay ko sa kaniya na ikinataas lalo ng kaniyang mga kilay.

            "Hindi kita maintindihan."

            Napaismid naman ako dahil sa kaniyang sinabi. "Huwag ka nang magmaang-maangan pa. Alam ko na ang lahat."

            Napatigil naman siya kasabay ng pagkawala ng kaniyang mga ngiti. Blanko na siyang nakatingin sa akin na nakataas pa ang kaniyang noo. "Ginawa ko iyon para sa iyo. Para hindi masira ang pangalan mo."

            "Para sa akin?! Hindi ko kailangan ng tulong mo!" Hindi ko na pinigilan pa ang galit ko. "Anong ginawa mo nang dahil lamang sa dahilan mong para sa akin? Dahil doon nawala sa akin ang mga taong mahalaga sa puso ko. Dahil sa ginawa mo, hindi mo lang ako sinaktan, pinatay mo na rin ako. Tapos sasabihin mong ginawa mo para sa akin? Hindi iyon para sa akin, para iyon sa kagustuhan mo at sa taong sinusunod mo!"

           "At may lakas ka pa ng loob na ako'y pagtaasan ng boses?"

          "Bakit? Akala mo ba ay hindi ko magagawa iyon? Akala mo ba dahil malapit tayo sa isa't isa dati ay hindi na ako magagalit sa iyo? Nagkakamali ka. Wala akong pakialam kung sino ka pa o kung ano ka pa, dahil nagkasala ka sa akin. Pinangunahan mo ang lahat."

          "Hindi mo pa rin ba naiiintindihan? Mayroon ka ng nobyo at kayo ay ikakasal na ngunit nakikipagrelasyon ka pa rin sa lalaking itinuturing ng excumunicado? Hindi ka na naihiya o inisip man lamang ang sasabihin ng mga tao sa paligid mo? Teniente Mayor ang iyong ama, Kristina, hindi mo ba inisip iyon? Madudungisan ang kaniyang pangalan at ang iyong pamilya kapag nalaman iyon ng mga tao sa paligid."

          "Iyon lamang ba ang mahalaga para sa inyo? Lagi na lamang. Hindi ba mahalaga ang nararamdaman ko? Iniisip ko naman ang kapakanan ng lahat ah. Alam ko ang ginagawa ko, kaya naman kahit konti man lamang ay huwag niyo nang sawsawan pa ang kung ano man ang kasiyahan ko."

          "Kristina! Bumalik ka nga sa iyong katinuan!"

          "Bumalik ka na rin sa pinanggalingan mo! Ayaw na kitang makita pa rito. Umalis ka na at huwag na huwag ka nang magpapakita pa sa akin at pagsabihan o utos-utosan man lang sa kung ano ang dapat kong gawin sa buhay ko. Hinding-hindi na ako susunod pa."

          Napangisi naman siya sa akin na ikinakati ng ulo ko dahil sa inis. "Hindi mo ako mapapalis dito. Ang iyong ama lamang ang maaaring makapapaalis sa akin dito."

          "Kung ganoon, gawan mo iyan ng paraan kung ayaw mong ako mismo ang magbibigay ng dahilan para umalis ka rito na hindi mo na nanaisin pang bumalik pa sa pamamahay na ito."

          Pinansinkitan ko siya ng mga mata habang nakatitig sa kaniya. Hindi ko akalaing aabot sa ganitong masasagot ko siya ngunit kahit papaano ay lumuwaga ng puso ko dahil nailabas ko na sa kaniya ang galit na nararamdaman ko dahil sa nangyari kay Joaquin at Agustin. Hinding-hindi ko siya mapapatawad.

          Masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya bago ako naglakad palayo sa kaniya at dumiretso na sa itaas. Nagngangalit ang puso ko habang mabibigat na hakbang ang ginawa papunta sa aking silid. Hinding-hindi matatahimik at mapapanatag ang puso ko kapag narito pa siya sa pamamahay na ito dahil maaalala ko na lamang kung ano ang nagyari kay Agustin. Siya ang dahilan niyon.

          "Anak."

          Nawala ang pagdugtong ng mga kilay ko at ang kunot ng aking noo nang makita si Ina sa loob ng silid. Nilapitan ko siya kaagad. "Ina, mayroon bang suliran?"

          Napailing kaagad siya saka hinawakan ako sa braso at hinila paupo sa giilid ng higaan. Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko dahil nakatitig siya sa akin kasabay ng paghaplos ng aking ulo.

          "Ayos ka lamang ba? Mayroon ka bang dinaramdam pa?" usisa niya.

          Napakunot tuloy ang noon ko nang marinig iyon. Alam kong maalalahanin si Ina sa akin pero tila ba'y mayroon siyang ibang nais na sabihin.

          "Anong ibig niyon sabihin, Ina? May nangyari po ba?"

          Mabilis siyang napailing, "Wala. Wala, anak. Napag-alaman ko lamang mula sa iyong ama na ikaw ay pumayag ng ipakasal kay Ginoong Primitivo. Totoo ba iyon?"

          Napayuko naman ako saka huminga ng malalim. "Oo, Ina, tama ang sinabi ni ama."

          "Tiyak ka ba sa iyong nais? Hindi ka naman niya sinaktan upang pumayag, tama ba? Hindi ba ito labag sa iyong kalooban? Hindi na ba magbabago ang iyong pasya?" sunod-sunod niyang tanong. Napahawak naman ako sa mga kamay ni ina. Kahit kailan talaga ay nakapamaalaga niya sa akin at maalalahanin.

          Dahan-dahan akong tumango. "Oo, Ina. Tiyak na ako rito. Kailangan kong sumang-ayon dito dahil ayaw kong may masaktan na naman akong mga tao dahil lang sa pinaglaban ko ang kagustuhan ko na salungat ng sa kanila."

          "Ayaw ko lamang na ika'y gumawa ng mga hakbang na labag sa iyong loob at maaari mo ring pagsisihan balang araw. Isipin mong mabuti ang lahat ng mga hakbang na gagawin mo dahil hindi mo na maibabalik pa ang nakaraan upang itama ang mga pagkakamali mo o kung ano mang bagay na maaari mong pagsisihan na hihilingang sana hindi mo na lamang ginawa."

          "Hindi, Ina. Para ito sa ikabubuti ng lahat."

          Napatitig naman siya ng ilang sandali sa akin bago huminga ng malali. "Kung iyon ang pasya mo ay hindi kita pipigilan. Tandaan mo lamang lagi na kapag mayroon kang kailangan ay lumapit ka lang sa akin."

          "Huwag kang mabahala, Ina. At saka, ikaw naman lagi ang taong nilalapitan ko kapag mayroon akong suliran, at mananatiling ikaw iyon hanggang sa huli." Niyakap ko siya kaagad at dinama ang sandaling iyon. Salamat, Ina.

          "Hindi ko rin naman po katayuan na makialam sa inyo ni Ama ngunit sana ay huwag na po kayong magalit sa kaniya at mging malamig sa pakikitungo sa kaniya. Sana po ay hindi ako maging dahilan kung bakit kayo nag-aaway ni ama. Ayaw ko pong masira ang inyong pagsasama."

          Bumitaw naman siya sa yakap saka hinawakan ang gilid ng aking ulo. "Huwag kang mabahala, anak. Hindi ikaw ang dahilan niyon... ngunit, kasi... dahil din naman sa kaniyang ginawa sa iyo. Wala akong alam na nagkaroon na pala sila ng kasunduan na ipag-isang dibdib kayo ni Primitivo. At mas malala pa niyon ay kahit alam na niyang hindi ka sang-ayon doon ay pinipilit ka pa rin niya."

          "Hindi ko rin po maintindihan kung bakit kailangan na ipakasal ako kay Primitivo."

          "Iyon nga, anak. Ngunit palagi na lamang niyang sinasabing para iyon sa inyong kapakanan at kinabukasan."

          Napatitig naman ako sa sahig nang marinig ko iyon. "Maaaring iyon nga, Ina. Marahil ay tama rin si ama. Marahil ay para rin ito sa amin. Kaya, Ina, isa na ing iyon sa mga dahilan na isinaaalang-alang ko upang pumayag sa kasunduang ito."

          "Kung ganoon, para sa iyo, ay iisipin ko na laman na ganoon nga," bahagyang nakangiti na aniya. "Kaya mula ngayon, masaya kong sasalubungin ang araw na iyon."

          Mabilis akong tumango, "Ganoon nga, Ina. Tama kayo. Maging masaya lang tayo. Wala na akong ibang hangad pa kung hindi ang maging masaya ang lahat at wala ng suliran pang darating. Maaaring ito ang magdadala sa atin sa kapayapaan."

          "Kung ganoon, masaya ba nating sasalubungin ang araw na iyon?"

          "Opo, iyon po ang nais ko. Sana maging maayos lamang ang lahat at naayon sa plano nila." At doon ako kikilos, gagawin ko ang lahat upang hadlangan ang taong o mga taong nais na kumitil sa buhay ko.

          "S'ya, magiging ganoon nga iyon, anak. Huwag kang mag-alala walang mangyayaring hindi kanais-nais. At kapag nagbago man ang iyong pasya, sabihan mo kaagad ako at gagawan natin iyan ng paraan." Tumango ako sa kaniya.


          "Magandang araw, Senyorita!"

           Halos magkasabay na mga bati ng mga bata na sina Benoy, Isko, Doray, Tinong, at Sandro nang makita nila akong nakatambay sa hardin sa likod ng mansiyon. Isang araw na naman kasing walang magawa sa silid. Kaagad ko silang kinawayan na mabilis na tumakbo papalapit sa akin.

          "Magandang araw rin sa inyo. Kumusta na kayo?" Isa isa ko silang niyakap at kinurot ang mga pisngi. Matagal-tagal ko na rin silang hindi nakita.

          "Ayos lamang po kami, Senyorita," tugon ni Doray. "Na-miss ka po namin ng husto, sobra!" aniya pa.

          "Ako rin, na-miss ko kayong lahat. Pasensya na't naging abala lang ako sa mga bagay."

          "Ay naku, ayos lang po iyon, Senyorita. Hindi ka man po namin nakausap ay nakikita ka naman po namin mula sa malayo kay masaya na po kami roon," wika ni Isko.

          "Opo. Mas nag-aral pa po kami ng mabuti para maipagmamalaki mo," sabi naman ni Tinong.

          "Palagi naman iyon, Tinong. Kahit saan, kahit kailan, ipagmamalaki ko kayo. "

          "Kumusta na po kayo, Senyorita?" biglang tanong ni Benoy kaya niyakap ko naman siya pagilid. "Hindi ko na po kayo nakikitang ngumingiti eh. Tila po ba ay mayroon kayong mabigat na pinagdaraanan."

          "Paumanhin po, Senyorita, ngunit narinig din po naming kayo ay ikakasal na? Totoo po ba iyon?" singit ni Tinong.

          Dahan-dahan naman akong tumango. "Oo, ayos lamang ako. Iyon nga ang pinagkakaabalahan ko. Totoo ang inyong narinig, ikakasal na nga ako. Kagustuhan iyon ng aking ama."

          Napatakip pa si Doray sa kaniyang bibig dahil sa gulat nang marinig ang aking tugon. Pawang nanlalaki naman ang mga mata ng iba na halatang hindi makapaniwala sa kanilang narinig.

          "Sang-ayon po ba kayo roon, Senyorita?"

          "Sino po ang inyong mapapangasawa?"

          "Kailan po ang kasalan?"

          Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako sa kanila dahil sa kanilang sunod-sunod na mga tanong. Napakainosente nga nila at hindi nila alam ang tungkol sa mga bagay na kagaya ng kasunduang pagpapakasal.

          "Ang kasal na iyon ay para sa ikabubuti ng lahat kaya pumayag ako. Ayaw kong may mga mahihirapan nang dahil sa akin."

          "Sino po siya? Kilala po ba namin? Mahal niyo po ba, Senyorita?" biglang tanong ni Sandro. "Ayon kasi sa aking lola ay kapag nagpakasal ang dalawang tao ay mahal na mahal nila ang isa't isa."

          Tumango naman ako sa kaniya. "Tama ang iyong lola, Sandro. Ngunit kami ay magkaibigan lamang, kaibigan ang turing ko sa kaniya. Kilala niyo naman yata si Ginoong Primitivo, hindi ba? Siya ang ipinagkasundo sa akin."

          "Siya? Si Ginoong Primitivo?" gulantang na wika ni Doray. Hindi ko tuloy alam kung bakit ganoon na lamang ang kaniyang naging pagtauli sa nalaman.

          "Oo, Doray, si Ginoong Primitivo nga. Bakit? Mayroon bang suliran?" kuryoso kong tanong.

          "Wa-wala naman po, Senyorita. Hindi lang ako makapaniwala na siya."

          "Pero ibig sabihin ay hindi niyo mahal si Ginoong Primitivo, Senyorita? Huwag na kayong magpakasal. Hindi po magiging maganda ang kahihinatnan niyon," nakangusong turan ni Benoy.

          "Wala na akong magagawa pa roon, Benoy. Itinakda na ang lahat na mangyari. Kailangan ko ring gawin iyon, para maging masaya ako sa hinaharap."

          Lahat ng kanilang mga mukha at nakatingin sa akin na tila hindi nila naiintindihan ang sinasabi ko at pawang mga nakaawang ang mga bibig.

          "Kailan po kayo ikakasal, Senyorita? Kami po ba ay inyong paanyayahan?" tanong ni Tinong.

          "Sa ikalawang linggo na iyon. At oo naman, kailangan naroon kayo sa araw ng aking kasal. Nais kong magdasal kayong magiging maayos lamang ang lahat at magiging masaya ang araw na iyon."

          "Opo, Senyorita! Gagawin namin iyan."

          Natigilan naman ako nang mapagtanto ko kung ano ang sinabi ko. Labin-isang araw na lamang at darating na ang araw na pinakahihintay ko ngunit ikinakatakot ko rin. Ang araw ng kasal. Gustong-gusto ko nang matapos ang misyon ko ngunit natatakot akong baka hindi ko magawa iyon. Natatakot akong baka mamamatay pa rin ako sa araw ng kasal. Hindi ko kayang mangyari iyon. Matapos ang lahat ng mga paghihirap at mga naranasan ko rito hindi ko matatanggap na hindi ako magtatagumpay. Kung kaya't gagawin ko ang lahat, malaman ko lang kung sino ang papatay sa akin. Tiyak akong hindi iisa lang, marami sila.


⋅─────────⊱༺ ·𖥸· ♡⁠ ·𖥸·༻⊰─────────⋅

          "Maraming salamat at ika'y pumayag sa aking paanyaya, Binibini."

          Magkatapat kaming dalawa ni Primitivo na nakaupo sa karwahe habang papunta sa sentro ng bayan. Sabado ngayon at muli na naman siyang dumalaw sa mansiyon para anyayahan akong mamasyal. Kahit pa ayaw ko ay hindi na rin ako nakatanggi dahil ayaw ko naman na saktan ang damdamin niya at isawalang-bahala ang kaniyang mga ginagawang mga hakbang para maging maayos lamang ang pagitaan naming dalawa.

          "Walang anuman, Ginoo," tahimik kong tugon at bumaling na sa labas ng bintana. Hindi naman ako nagtanong kung saan kami mamasyal. Ayaw ko na rin naman na magbukas pa ng paksa dahil hahaba pa ang pag-uusapan namin.

          Ilang araw na ang lumipas ngunit tila kay presko pa rin ng mga sugat sa puso kong hindi pa naghihilom dahil sa nangyari kay Agustin. Mabigat pa rin sa puso kong alalahanin ang nangyari sa kaniya na hindi ko kayang tanggapin. Wala na rin akong nakuhang balita mula kina Ina o ate Guada na marahil ay patuloy pa rin na inaalam ang nangyari. Kung sana lamang ay mapabilis na ang kanilang pagtuklas. Kung sana lamang ay buhay pa siya. Kapag nangyari ang bagay na iyon, mas magkakaroon pa ako ng lakas at dahilan para gawin ang misyon ko.

          Alam kong alam na ng dalawa ang nangyari kay Agustin dahil sigurado akong sinabi iyon ni kuya Lucas at kagaya ng sinabi ni Ina na kaniyang sasabihin sa kanila. Kaya hindi rin sila nag-uusap tungkol sa bagay na iyan dahil masakit sa kanila at hindi nila lubos akalaing mangyayari iyon.

          Ang hindi ko namalayan ay nakarating na pala kami sa bayan. Nawala ang pagiging tulala ko sa kawalan nang makita ang isang pamilyar na pigura na naglalakad sa plaza. Ms lalo pa akong nalungkot nang makilala kung sino iyon. Wala na akong nagawa kung hindi nag titigan ang kaniyang papalayong pigura na hindi alam na narito pala ako. Galit man ako sa kaniya ay hindi nawala sa isip ko kung alam ba niyang ikinasal na si Joaquin. Matagal ng gusto ni Clara si Joaquin na nagawa niya pa akong saktan, bantaan, at masamain para lang makuha niya si Joaquin. Ngunit wala rin, dahil sa iba pa ito ikinasal.

          Hindi ko alam kung patuloy ko siyang pagdududahan dahil sa mga salita niyang maaaring magpapatunay na siya nga ang pumatay ka Kristina dati. Siya ba talaga?

           Natagpuan ko na lamang ang aming sarili na nakasakay pa rin sa karwahe ngunit nakahinto na sa harap ng gusali kung saan naroon ang teatro. Nauna na siyang bumaba na kaagad din akong inalalayan pasunod sa kaniya.

          Umalis na ang karwahe na aming sinakyan at napatingin ako sa paligid. Marami ring mga tao ang pumapasok doon na halatang manonood. May mga magkakaibigan, magkakapatid, magkasintahan, at may pamilya. Halata naman kasi ang kanilang mga ugnayan dahil sa mga pananalita at kilos.

          "Manonood tayo ng teatro, Binibini."

          Napalingon ako sa kaniya nang marinig ko siyang magsalita. Tumango na lang ako saka naglakad na kami papasok. Naalala ko tuloy 'yong araw na unang beses akong nakapunta rito. Kasama ko pa noon sina Kuya at ang magkakapatid na Varteliego pati na rin si Carolino. Masaya kaming noong araw na iyon kaso kung iisipin ko ay hindi na rin muling mangyayari iyon. Wala na akong ibang magawa kung hindi nag alalahanin ang mga iyon.

          Inalalayan naman ako ni Primitivo na pumwesto sa may bandang gitna na mga upuan para saktong nasa tapat namin ang entablado. Marami-rami rin ang mga tao sa loob at sa aking palagay ay magsismula na.

          "Sana ay iyong magustuhan ang ipapalabas ngayon," bulong niya mula sa aking kanan. Tipid akong tumango at napatingin na sa harap nang dumilim ang paligid, hudyat na magsisimula na ang pagtatanghal.

          Iniwala ko na lang ang mga bagay na iniisip ko at sinubukang pagtuonan ng pansin ang nangyayari sa harap. Ilang minuto akong nanood at hindi nagtagal ay naintindihan ko kung ano ang takbo ng kwento. Tila ba'y inaasar pa ako dahil halos tugma ang nangyayari sa palabas sa nangyari sa akin.

             May isang ginoong umibig sa isang binibini. Matagal na niya itong iniibig ngunit hindi niya magawang umamin sapagkat ayaw niyang masira ang kanilang pagkakaibigan. Pinayuhan siya ng kaniyang mga kaibigan na umamin bago maging huli ang lahat ngunit natatakot siyang gawin iyon. Ganoon pa man ay dumating na rin ang araw na naging matapang na siya at aamin na siya sa kaniyang nararamdaman kaya niyaya niya ang babae na lumabas. Habang hinahanda niya ang kaniyang sarili na umamin ay mayroong dumating na mga tulisan na pilit sinasaktan ang binibini. At kagaya ng mga gagawin ng mga lalaking karakter ay kaniyang ipinagtanggol at prinotektahan ang babae hanggang sa dumating ang sandali na siya na ang binaril ng mga masasamang-loob. Tila ba'y sinalamin sa kalagayan namin ni Agustin ang kanilang inaarte ng mga sandaling ito. Habang nakahandusay ang lalaki sa lupa ay dinaluhan naman siya ng babae. Umiiyak ito at pagkuwa'y inamin ang nararamdaman nito para sa ginoo. May iniinda man na sakit ay nakangiti pa rin ito habang nakikinig sa sinasabi ng binibini. At ganoon din ay kaniyang inamin ang lihim niyang nararamdaman para sa binibini.

          "Babawian ako ng b-buhay na ma-masaya sapagkat alam kong i-iniibig mo rin ako," turan ng lalaki.

          Nang marinig ko ang katagang iyon ay walang isang segundo ang lumipas nang tumuo ang isang luha mula sa aking mata. Tila ba'y ibinalik na naman ako sa sandaling nangyari iyon kay Agustin. Muli na namang bumukas ang sugat sa puso ko na hindi pa gumagaling dahil hindi ko magawang tanggapin ang pangyayaring iyon. Dahil kahit anong gawin kong pagkumbinsi sa sarili kong lilimutin ko na, kailangan ko ng limutin, tatanggapin na lang, hindi ko pa rin magawa. Dakilang sinungaling ako kapag iyon ang pag-uusapan.

          Hindi ko na napigilan pang maluha at maiyak habang pinapanood ko ng patuloy. Napansin ko namang napalingon sa akin si Primitivo kaya napapahid ako ng mga luha ko kahit patuloy pa akong humihikbi at umiiyak.

           "Ayos ka lamang ba, Binibini? Mayroon bang problema?"

          Napatakip ako sa aking bibig at tahimik na umiiyak. Itinaas ko sa kaniya ang kanan kong kamay, pahiwatig na ayos lamang ako. Ngunit ang totoo hindi naman talaga. Ang sikip ng dibdib ko na halos hindi na ako makahinga. Mas lalo pang dumilim ang paningin ko dahil sa mga luha na naipon sa aking mga mata. Mabilis kong kinuha ang panyo sa aking bolso ngunit kasabay niyon ang pag-abot ni Primitivo ng sa kaniya.

          "Ito, Binibini."

           Umiiyak akong umiling at pinahid ang panyong hawak ko sa aking mukha. Panyo iyon ni Agustin na ibinigay sa akin noong huli kaming nagkita. Kahit pa ang sakit sa puso ay pinilit ko ang sarili ko na kumalma at tumigil na. Ayaw kong may makakita pa sa aking umiiyak ako. Lalo na si Primitivo na nakita na nga ako. Wala man lang siyang kaalam-alam na nangyari na pala ang bagay na iyon kay Agustin.

          "Ayos ka lamang ba, Binibini? Nais mong lumabas at umalis na rito?"

          Napabuga ako ng hangin saka umiling sa kaniya. "Hi-hindi. Ayos lang. A-ayos lang ako. Na-nadala lamang ako sa kanilang pagtanghal."

          Nakakunot ang kaniyang noo, bakas na naguguluhan sa nangyari ngunit may kaunting ngiti sa kanyang labi. "Hindi ko tuloy alam kung ako ba'y matutuwa na iyong nagustuhan ang itinanghal o mababahala sapagkat ikaw ay umiiyak."

           "Huwag mo na lamang akong pansinin."

            Umiwas na ako ng tingin at bumaling na uli roon sa entablado. Napailing naman ako nang ipinakitang panaginip lamang pala iyon ng lalaki. Naging dahilan iyon ng pag-amin niya sa kaniyang nararamdaman dahil baka maging totoo iyon. Kagaya ng sa kaniyang panaginip ay mayroon ding pagtingin sa kaniya ang binibini at ngayon ikinakasal na sila.

          Kung sana lamang ay panaginip lang ang lahat, ngunit hindi. Totoo iyon. Totoo ang pangyayaring iyon. Wala na si Agustin. Hindi iyon panaginip.

          Matapos naming manood ng teatro ay sinama niya ako na kuaminsa isang kainan sa may plaza. Mabuti na lamang at hindi na niya ako kinulit tungkol sa nangyari sa teatro at tahimik na lamang kaming kumakain. Hindi rin nagtagal ay hinatid na niya ako pauwi.

           "Binibini, maraming salamat sa pagtugon sa aking paanyaya," aniya matapos huminto ang karwahe sa harap ng mansiyon.

           "Wala iyon, Ginoo. Maraming salamat din." Tumango naman siya kaya nagpaalam na ako. "Sige, bababa na ako. Mag-iingat ka pauwi." Binuksan ko na ang karwahe saka bumaba na.

            "Sandali lamang, Binibini."

            Napalingon ako sa kaniya nang tawagin niya ako. Nakita ko naman na mayroon siyang kinuha mula sa bulsa kaniyang panlabas na suot. Isang bagay iyon na nakabalot sa isang pulang tela. Ilang segundo siyang nakatitig doon ay maya-maya pa ay kaniyang inabot sa akin. napaayos naman ako sa pag-upo at may pag-aalangang tinanggap iyon.

           "Para sa iyo ito, Binibini. Nang makita ko ito ay kaagad na ikaw ang pumasok sa aking isipan. Naisip ko kasing magbigay ng handog sa iyo bago tayo ipag-isang dibdib. Kaya binili ko iyan."

           Nahulog naman ang tingin ko papunta sa bagay na hawak ko kaya naman unti-unti kong tinggal ang pagkabalot nito. Doon ko nasilayan ang maypagka-ginto at rosas na kulay ng isang payneta. Halatang mamahalin iyon dahil kumikinang pa ang iilang mga diyamante na naroon at dahil sa magandang mga pakurba-kurba nitong disenyo. May isang malaking bulakalak na puti naman sa gitna nito na mas nagpaganda.

          "Nais ko sanang suotin mo iyan sa araw ng ating kasal."

           Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Doon nakita ko ang kaniyang mga tingin na hindi ko maipaliwanag. Malungkot? Hindi ko maintindihsn. Magkarugtong ang mga kilay kong nakatingin sa kaniya.

          "Kahit iyon lamang. Alam kong kaibigan lamang ang tingin mo sa akin. Ngunit kahit ang isang kahilingan ko lang sana ay gagawin mo."

           Hindi ko naman maintindihan kung ano ang nais niyang ipahiwatig ay tumango na lamang ako. "S-sige. Sige, susuotin ko."


Sa Taong 1890

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 91.4K 86
An unexplainable tradition of Saint Harvest when it comes to their school organization where all of them are part of the campus royalties The goal of...
415K 15.2K 64
Former A KPOPER IN 1894 [ Mariano Brothers Series #1 ] COMPLETED ✔️ Naniniwala ka ba sa Reincarnation? Pano kung malaman mong nabuhay ka na pala noon...
253K 5.3K 70
(This story is half love story and half thriller) Solve the mystery of Class M-13........ A section that is known as the BEST SECTION, Respectful, He...
84.5K 3.5K 33
An accident that will bring her back to her past life. Credits to Bb Mariya for the cover ✨ Started: May 12, 2020 Ended: November 28, 2020 Highest Ra...