MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG...

By jhuennstorm

39.2M 910K 52.9K

Si Allyson Ramirez. Spoiled Brat, Maldita. Maganda at hinahangaan ng mga Lalake sa School nila, lahat na yat... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
author's note;
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
A night before ally's birthday
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
♥♥special note♥♥
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
PASILIP SA BOOK 2
thank you!
editing
book two
RF/FC
Book na siya.
MIBF
Dreame

CHAPTER 32

365K 8.9K 339
By jhuennstorm


FRITS'S P.O.V.

"Saan pupunta si Luke?" Tanong ni Drek.

Nasa loob kami ng classroom namin. Nang makita naming nagmamadaling tumakbo palabas si Luke. Kakatapos lang kasi ng breaktime namin no'n.

"Ewan ko!" Sagot ni Patrick.

"Girls nakita niyo ba kanina si Allyson Ramirez yung naging Campus Princess last year?"

"Oh, Bakit?"

"Hinimatay daw!" Usal ng
classmate kong babae.

Nagkatinginan ang apat kong kaibigan. Tapos lumapit si Drek sa tatlong babae na classmate namin.

"Ahm... tama ba ang narinig ko mga pretty girls hinimatay si Ally?"

Kilig na kilig ang tatlo. Nang lapitan sila ni Drek,

"Ahh— Oo! Nasa clinic siya ngayon." Sagot ng isang girl.

Kumindat si Drek "Thank you girls."

"Kyaaah!" Sigaw ng tatlo.

"Nasa clinic daw si Ally, puntahan mo na Frits." Bungad ni Drek ng makabalik.

"Psh! Bakit ako?"

"Kunwari ka pa Frits. Concern ka rin naman kay Ally. Puntahan mo na!" ani Drek.

Kinuha ko ang libro ko At nagkunwaring nagbabasa. "Busy ako, kung gusto niyo kayo na lang."

Nagkibit-balikat ang tatlo. "Okay, sige ayaw mo kami na lang." Ani Troy.

Agad na Tumayo ang tatlo upang puntahan si Ally.

"Teka saan kayo pupunta?" Tanong ko. Kahit alam ko naman kung saan sila pupunta.

"Eh, di dadalawin namin si Ally." Ani Troy.

"Sasama ka ba?" Tanong ni Patrick.

"Fine, Sasama na ako!" sabi ko

"Kunwari ka pa. Sasama ka naman talaga." ani Troy.

Hindi ako kumibo. Tinapunan ko ng masamang tingin si Troy, pero sa sarili ko. Matinding pag-aalala ang nararamdaman ko para kay Ally. Kanina ko pa gustong tumakbo papunta sa clinic. Nahihiya lang ako sa mga kaibigan ko. Numero uno kasi ang mga iyon na alaskador.

Pagdating namin sa clinic tulog pa si Ally. Naroon si Luke at Zyruz at Dianne. Pumasok kaming apat kahit na nga pinagbabawal na maraming tao sa loob ng clinic.

"Anong nangyari kay Allyson?" Tanong ni Luke.

Tumulo ang luha ni Dianne. Habang nakatingin kay Ally. "Hinimatay siya. kasi na balitaan niyang namatay ang parents niya ngayon."

"Ha? Papaanong nangyari iyon?" Tanong ni Luke.

"Hindi ko alam Luke. Basta kanina may kausap siya sa cellphone niya. ang Tita niya yata iyon. Tapos umiyak na siya nang umiyak. Sabi niya patay na raw Mommy at Daddy niya. Kaya siya hinimatay."

Lumapit si Luke sa nakahigang si Ally. At hinaplos ang buhok. Bakas sa mukha ni Ally ang matinding kalungkutan kahit tulog.

"Kawawa naman si Ally." Ani Luke,

"Salamat nga pala sa pagpunta niyo dito." Sabi ni Dianne.

"Mommy... Daddy."

Napalingon kaming lahat ng magsalita si Ally. Hinawakan ni Dianne at Zyrus ang kamay ni Ally,

"Kaya mo yan Ally!"

"Mommy... Daddy. Wag niyo akong iwan." Umiyak nang malakas si Ally habang natutulog. Marahil nanaginip siguro siya. "Please! Hindi ko kayang mag-isa."

"Kaya mo 'yan andito naman kami ni Dianne!' Sagot ni Zyrus.

Mayamaya idinilat na ni Ally ang mga mata niya. Nakita niya ang mga tao sa loob ng clinic.

"Hindi pala talaga paniginip ang lahat. Wala na ang Daddy at Mommy ko." Umiyak siya ng umiyak. Sobrang lakas.

Niyakap siya ni Dianne. "Kaya mo 'yan! May dahilan si God kaya nangyari ang lahat ng ito sa'yo. Kaya mo 'yan!"

"Dianne... Hindi ko kayang tanggapin. Mahirap, sobrang hirap. Bakit ako pa? Ang sakit-sakit." umiyak ulit siya ng malakas.

"Bigyan niyo ng tubig!" Sabi ng Nurse.

Kumuha ng tubig si Luke at binigay kay Ally. "Uminom ka na muna ng tubig Ally."

Tiningnan niya si Luke at tumango siya bago kinuha ang isang basong tubig. "Salamat Luke."

"Ihahatid na kita sa Bahay niyo Ally." Ani Luke.

Pagkatapos ubusin ni Ally ang tubig na nasa baso. Tumango siya kay Luke.

"Kailangan kong makita ang bangkay ng magulang ko, kailangan kong pumunta ng Amerika, kailangan kong malaman ang buong katotohanan na kahit sobrang sakit kailangan kong harapin ito na mag-isa lang, para sa magulang ko. Maraming salamat sa concern niyo sa'kin.

Inakbayan ni Zyrus si Ally. Kitang-kita ko ang pag-aalala ni Zyrus kay Ally.

"Nandito lang kami para sa'yo." Sabi niya.

Mapait ang ngiti ni Ally at tumingin kay  Zyrus.  "Salamat." Pagkatapos binaling niya ang tingin kay Luke. "Tara na! Luke." Naunang lumabas si Ally. 

Nagsalubong ang tingin namin kaya bigla akong umiwas sa kanya. Nakita kong pilit na ngumiti si Ally.

"Maraming salamat sa pag-aalala niyo. Kahit pala ganito ako may concern pa rin pala kayo sa'kin. Thank you. Tapos tumulo ang luha niya.

Tumalikod na siya sa'min. Pero hinila ko ang braso niya at niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko na kasi kayang kontrolin ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Wag mo na tayong mag-away ngayon. Umiyak ka ilabas mo ang bigat na nararamdaman mo. Gusto kong umiyak ka sa mga bisig ko Ally." Bulong ko sa kanya.

Unti-unti kong naramdaman ang mga braso niya at ang mahigpit na yakap niya sa'kin. At doon tuluyan ng bumigay si Ally. Umiyak siya nang umiyak ng sobrang lakas habang nakayakap siya sa'kin. Hindi ko alinta ang uniform kong nabasa ng mga luha niya, basta ramdam ko pa rin ang mahigpit na yakap sa'kin ni Ally. Inilabas niya sa'kin ang lahat ng bigat sa loob ng dibdib niya. Gusto kong ipakiramdam sa kanya na nakahanap siya ng kakampi sa pamamagitan ko.

"Thank You Frits, nabasa tuloy ang uniform mo." sabi niya ng matapos siyang umiyak. Nakayakap pa rin siya sa'kin.

"Okay lang!" Sagot ko. At pasimple kong pinunasan ang luha ko.

"Umiiyak ka ba Frits?"

Hindi ako sumagot. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Gusto kong iparamdaman sa kanya na nandito lang ako para sa kanya.

"Thank you!" Sabi ni Ally sa paos niyang boses. Tapos kumalas na siya sa pagkakayakap sa'kin. "Luke, Tara na, salamat guys!" Ani Ally.

Tumalima naman si Luke at inalalayan niya si Ally hanggang makalabas ng clinic.

"Bakit sumama si Ally kay Luke? Babaero iyon."  Ani Troy.

"Kababata namin si Luke. Si Luke ninang at ninong niya ang parents ni Ally." sagot ni Zyrus.

"I see... Kaya pala gano'n na lang ang concern niya kay Ally." Sagot ni Troy ulit.

"Mauna na ako sa inyo pupunta ako sa bahay nila Ally, tatawagan ko rin sila Mommy." ani Dianne.

"Samahan na kita, Dianne!" Sagot ni Patrick.

"Thank you Patrick." Kung wala sigurong problema baka kinilig na si Dianne kay Patrick. Pero dahil ramdam nila ang lungkot ni Ally. Hindi siya nakaramdam ng konting kilig ngayon para kay Patrick.

"Oh, paano guys! mamaya na lang." ani Patrick.

"Ingatan mo 'yang si Dianne, baka kung saan mo siya dalhin ah!" Sigaw ni Drek.

"Ulol! Wag niyo akong itulad sa inyo!" Sigaw din ni Patrick.

"Nasan na si Frits?" Tanong ni Drek.

"Baka sumunod kila Ally." Sagot ni Zyrus.

"Ikaw, hindi ka ba susunod sa bahay nila Ally?" Tanong ni Drek.

Umiling siya. "Uuwi ako ng bahay tatanungin ko si Mommy kung anong nangyari. Siguradong alam nila iyon kasi magkalapit lang ang bahay namin sa bahay ni Ally sa Amerika."

"Gano'n ba!"

"Sige, mauna na ako sa inyo, salamat sa concern niyo kay Ally." ani Zyrus. Tapos tumayo na  siya at umalis ng school.

Walang nagawa ang mga professor namin ng magditch kaming lahat.

Continue Reading

You'll Also Like

83.5M 1M 56
Aragon Series #2 : What will happen if Mr. Maniac John Dale Aragon meets Ms. Pervert Natasha Feddiengfield ?
2.3M 7.9K 5
Gangster Series #1: Bharbie Anne Safari When she entered Journal Academy, she found out that her grandfather is the owner of the school but she didn'...
10.8K 1.2K 58
Completed yet still under revision. Happiness isn't in the choosing, maybe it's in the pretending; that wherever we have ended up is where we intende...
25.8K 1.3K 19
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...