This Is, Love (GxG)

By ellyciaDC

169K 4.5K 1K

Professor x Student!!! [ Hi, this is my first time finishing a book here on Wattpad. I hope this story entert... More

Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Finale
Author's Gratitude

Special Chapter 1

2.2K 72 56
By ellyciaDC

"Behind the scenes"
(Throwback in italic font)



Lovely Uzziah





The sun's up today, and the blue sky above greeted us with a cold breeze.

I watched the two girls in front of me as I sip my hot tea here on the patio, sitting unbothered. Our daughter was happily planting flower seeds and other sorts of plants in our garden while my wife was busy building the tree house on her own. 

I don't know what's with them, but I already advised them that they should ask for some help from the experts, but they insisted on doing it alone. 

Hindi na lang ako tumutol dahil mas gusto daw nilang sila ang gagawa para sa bahay. I let them; they also didn't want me to move and help them. They have treated me like a queen ever since we became a family. 

I am beyond proud of them for being mature and so caring about me. It's weekend now, kaya malakas ang loob nilang gumawa ng kung ano para sa bahay. 

Letyzia keeps on looking at me while plastering her wide smile while also doing her job with her little hands. This kid makes me laugh a lot with her cute actions. She's just like that; even the first time I see her at CCF, she loves to take a glance at me and smile, and I find it so funny of her. I can also see that she's happy about what's happening right now. It's so obvious from the dirt around her face and her clothes. 

"Mommy Love, look! The sunflower I planted last week has already grown a cute stem!" She squeaked with joy while pointing her cute little finger on the ground as she called me. Nakaluhod pa ito sa lupa at pinantayan ng tingin ang maliit na stem na tumubo doon, kaya halos magdikit na ang mukha nito sa lupa para busisiin mabuti ang halamang tumubo.

Napailing na lang ako dahil sa sobrang tuwa niya sa tinanim niya noong nakaraan. 

"You did a great job, baby! Keep up the good work! After that, we'll eat ice cream!" 

"No ice cream, Love," my wife said in nonchalance. 

Parehas kaming nalungkot nung bata dahil sa sinabi niya. She's busy nailing the wood for the ladder up the tree. Hindi man siya nakatingin sa gawi namin ay alam naming seryoso ito sa sinabi niya. 

She's wearing a white muscle tee sando and a denim jumper while wearing a black baseball cap, just like what Letyzia's wearing right now. They are always matching with clothes, and they wear their cap backwards. 

Napabuntong hininga na lang ako, at napiling humigop muli ng tea at nagsimula nang tumayo sa kinauupuan ko. 

"Mommy, gusto ni Mommy Love ng ice cream, can we give her a chance this time? Please?" I heard my daughter say to her in a pleading tone. 

"No. If I said no, it's a no, okay?" 

Napagdesisyunan ko na lang pumasok sa loob at hinayaan na sila sa mga ginagawa nila. I'll just prepare our lunch so we can eat together later.

I put the mug in the sink and washed it thoroughly. After that, I get the ingredients in the fridge to start preparing. 

Once I settled all the ingredients in front of me and looked at each, I started crying out of nowhere...

Nope, I just remembered that day when I expected our supposed to be first lunch together. OUT. OF. NOWHERE. 

This is crazy of me. 






After hugging her for the first time and knowing that she's okay to have a lunch date with me, I immediately told my staff at Valentía Restobar to close the rooftop because I'll use it this lunch. 

Matapos kong kausapin ang mga staff ko ay hindi ko mapigilang ngumiti nang malawak at ramdam ko na ang pamumula ng mga pisngi ko sa sobrang kilig na nararamdaman ng puso ko. 

I can't believe this is real!

Pinaypayan ko ang sarili ko sa sobrang tuwang nararamdaman ko. I can also hear my own heartbeat in my ears. I spin myself in my swivel chair and stifle my happy squeaks. 

"Get a grip on yourself, Lovely! It's just a lunch! Oh my gosh! You're so hopelessly in love with her!" I said to myself and stopped my swivel chair from spinning dahil nahihilo na rin ako. 

I walked back and forth in front of my table while biting my nail to think of what I was supposed to do until I got a brilliant idea. 

I got my phone in my bag and texted her to distribute my activities to her classmates. I reasoned that I have an important matter to attend to, but the truth is, I will just prepare for our lunch. 

I want it to be perfect so I can still have the opportunity to repeat this kind of date with her kahit na alam kong hindi ito date para sa kanya. 

Once she's done replying to me, I swiftly get my things and go out of the university to drive towards my restaurant. 

"Ma'am, good morning! The rooftop is already closed as per your instruction." The receptionist greeted me once I stepped foot inside. 

"Thanks," I said happily with my cheeky smile. I am just so happy right now. 

Dumiretso ako sa kusina, and I saw them busy preparing for the orders of other people inside the restaurant. I search for Chef Mico, the one responsible for the food here and at age 40s. Mabuti na lang at nakita ko agad.

Bumati rin ang ibang kitchen staff sa loob, kaya bumati lang rin ako at mas inabalang puntahan si chef. 

"Chef!" I called him, and he immediately responded, kahit na busy siya sa pagpeplating.

"Hi, Ma'am! Naparito ata kayo? May kailangan ba ngayong report?" Usal nito habang nagsasaboy ng sauce sa plato. 

Tumabi ako sa kanya. "Do you have a spare stove? I'm planning to prepare something special for my special person." Masaya kong tanong dito. 

He looked at me, na parang nang-aasar pa. He knows who I'm talking about. "Hindi ba't may klase ka ngayon? At sure na ba yan na tutuloy?" Usisa pa nito. Sa kanya lang rin kasi ako natutong magluto ng ibang putahe, and he knows what happened to the dinner I planned. Kahit na alam ko namang walang kasiguraduhang pupunta siya dahil hindi naman siya nagsabi directly sa akin, pero syempre I expected her to consider my invitation. It just didn't happen. 

"Yeah, she said yes to me! And I want to prepare the food personally. So...do you have some spare stove? So I could start the preparation. Ilang oras na lang at lunch na." 

"Okay, okay. Sumunod ka sakin," he said, and so I followed. Pumunta kami sa kabilang pwesto at pinaalis niya ang ibang staff na naghihiwa ng mga rekados para lang makapwesto ako. 

"If you need anything, just call me over there, okay? Good luck, and I trust your cooking," he said with a smile, tapping my head. He's like my uncle here, kaya ganyan niya ako ituring.

I smiled at him too and gave him my gratitude for allowing me to ruin the kitchen while they're working as well. 

I get all the ingredients at the pantry. Some of the staff asked for permission to help me, but I refused because I was determined to do this on my own. 

I am preparing her favorite dish, Sinigang, together with cheesy boneless bangus, vegetable salad, tempura, baked strawberry cupcakes with a chocolate filling inside, and a strawberry iced tea for drinks. 

I smiled happily after seeing all the finished products of my cooking. 

"You can be the master chef here," komento ni Chef Mico matapos niyang makita ang ginawa ko. 

I chuckled at his remarks as I proudly said my thanks to him. 

"Iba na talaga ang nagagawa ng love." Pailing-iling pa nitong dagdag habang tumatawa atsaka ako iniwan para ipagpatuloy ang trabaho niya. 

"I'll do anything for her." Habol kong sagot dito habang nakatalikod sa akin. 

He nodded. "I know, and I hope you get what you deserve, Lovely. You're such a pure soul," he said over his shoulder and went back to work. 

I smiled again, satisfied with what I did for our first date. This is it; this is the start of our getting to know each other. I'll do anything just to let her know that I'm here for her. 

"Ma'am, kami na po ang magdadala niyan sa rooftop." Saad ng isang kitchen staff sa akin matapos kong makabalik sa reyalidad ng pagdedaydream ko. 

"Okay, salamat. Make sure to put it nicely, okay? Make it extravagant." Pabiro ko pang sabi sa kanila na sinuklian nila ng mga ngiti at pagsang-ayon. 

Ramdam ko na ang tagaktak ng pawis sa noo at leeg ko dahil may kainitan dito sa kitchen because of the heat from the stove. 

I was wiping my sweats with my arm when I felt my phone vibrating in my pocket. I thought it was her, but it's just Natalie. 

"Yes, Nate?" Masaya kong sagot dito, pero napalayo din ang tenga ko dahil sa singhal na inabot ko mula sa kanya. 

"Where the hell are you?! You weren't in your class earlier!" 

Napapikit ako dahil sa panenermon niya. I check the clock inside the kitchen at ganon na lang ang pagkataranta ko nang makitang lunch time na. 

Mukha akong hulas na hulas dahil sa pawis at ang dumi na ng suot ko!

"Oh–uh...well, Natalie. I'm here at my restaurant. I'll call you later, okay? I'm in a rush! Bye!" 

"Ziah—" I ended the call without a second thought.

Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa pagkataranta. Anong oras na pala. I immediately went to my office and looked for some spare clothes to wear. Mabuti na lang at may natabi ako ditong white polo, hindi naman nadumihan ang skirt ko, kaya naman hindi na ako nag atubiling magbihis. 

I sprayed my favorite sweet perfume and retouched my make-up so I could look presentable when she comes. 

Grabe na rin ang kabog ng dibdib ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. It's just lunch, Lovely. 

It's a fucking lunch date! This is the first time I'll be able to talk to her face to face and with just the two of us! Of course, I'll be nervous as hell. 

"You can do this; take it slow and act normal. Be you!" Usal ko sa sarili bago lumabas ng office ko at napagdesisyunan ko nang umakyat sa rooftop. Baka kanina pa siya nag-aabang sakin sa school; hindi ko pa naman nasabi kung saan kami. 

I'll just message her na lang. 

"Ma'am, andyan na pala kayo, all set na po ang lahat. Ready na para sa date niyo." Nagthumbs up ang waiter na tumulong sa pagprepera ng table for us. 

Labis naman ang pagkamangha ko sa ginawa nila. Kahit na open window ang rooftop at maliwanag, they still put in an effort to place and lit a long candle in the middle of the table. It also has white flowers in the vase, and the utensils were accurately placed like an expensive set up together with the dishes I cooked earlier. I gasped!

"Wow! Thank you guys for doing this! I can't believe you pulled this off. Thanks for your efforts," I said with joy at nawala na ang kaba na nararamdaman ko sa dibdib ko dahil sa nakitang preparation nila. 

"Wala yun, Ma'am. Mukhang napakaimportante kasi ng kadate niyo kaya ginandahan na rin namin. Sana mag-enjoy po kayo Ma'am. Una na po kami." Saad ng isa sa akin. 

"Thank you talaga, and she's really important to me—more than my life," I said honestly at napakagat na lang bigla sa ibabang labi dahil sa walang preno kong bibig. 

"Anyway, please let me know kung nandito na siya. Here's her picture. Accommodate her immediately. Thanks again." Dagdag ko pa na tinanguan nila agad at nagpaalam nang muli para bumalik sa kani-kanilang gawain. 

Naiwan akong mag-isa ngayon dito sa rooftop, pinagmamasdan ang ganda ng pagkakaayos nila para sa munti kong paghahanda para sa lunch date na sobrang kinatuwa ng puso ko. 

I can't help but smile like crazy habang naglalakad na ako patungo sa upuan upang maupo. 

I opened my phone once I settled on my seat and messaged her to go directly here at Valentía as I was waiting for her. 

While waiting for her response, ay huminga muna ako nang malalim at pinakalma muli ang aking sarili dahil naguumpisa na naman akong mag-overthink ng sasabihin sa kanya. 

"Hi, nice seeing you here." Saad ko habang inilalahad ang aking kamay sa hangin, nagkukunwaring may kausap. 

Napabuga na lang ako ng hininga dahil sa sinabi ko. 

"Uhm, finally, nasolo rin kita?" 

"Shit, ang creepy ko sa lagay na yun. I don't want her to feel uncomfortable around me. Tsk. What should I say to her?" Napakagat ako sa ibabang labi para mag isip muli.

"I finally have the chance to talk to you after all these years, Yunis..." 

I groaned, baka mabigla siya kapag ayun ang sinabi ko. Argh! Think properly, Lovely! You're old enough for this. 

Ramdam ko pa rin ang kabog ng dibdib ko dahil sa hindi mapakali kong nararamdaman ngayon. I managed to breathe in and out just so I could relax myself. 

Makalipas ang ilang oras ay wala pa rin akong natanggap na kahit ano mula sa kanya, kaya napagdesisyunan ko ng i-message siyang muli just to make sure that she's really coming.  

I was really hoping for her appearance, and I am anticipating having lunch with the girl of my dreams. 

So, I tried calling her dahil baka kung ano na ang nangyari doon papunta rito. 

Tumayo ako at nagdial ulit ng number niya. "Come on, pick up—" 

"Ma'am..." I was cut off by someone who I thought was her, but she's not. 

Mabilis akong lumingon sa pag-aakalang nandyan na nga talaga siya at sinamahan lang siya ng empleyado ko dito sa restaurant. "Yes? Is she here already?" I said with so much hope at napahigpit na rin ang hawak ko sa phone ko. 

Her face immediately turned into something I couldn't comprehend. "Uhm, nandito na po siya..." 

"Great! Where is she? I told you to assist her immediately." Nakahinga ako nang maluwag dahil sa nalamang nandyan na siya, pero ganoon na lang rin ang pagsikip nito nang magsalitang muli ang empleyado ko.

"Uhm...kasi Ma'am ano...may kasama po siyang iba at mukhang date ho iyon."

Tila nabingi ako sa narinig at nahigit ang hininga ko kasabay ng pagdurog ng puso ko. 

So, that's why she's not answering my calls and messages?

She's dumping me with whom? Why the fuck am I hurting like this? I should expect it, right?

Pinigilan ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko at pinanatiling kalmado ang postura at ekspresyon sa mukha ko. I fake a smile. "Oh," at napatawa ng pagak. "I see...who's with her?" I said, trying not to wave my voice, but I failed. Napalunok na lang ako at napasandal ang pang-upo sa lamesa sa likuran ko upang suportahan ang sariling nanghihina na. 

Agad naman akong nilapitan ng empleyado ko pero winaksi ko lamang ang kanyang paghawak sa akin. 

"Pasensya na ma'am, pero hindi po namin kilala yung kasama niya. Lalaki po yun na kulay brown ang buhok at may kagandahan ang pangagatawan at itsura." 

Tumulo na ng tuluyan ang luhang kanina ko pa pinipigilan, pero mabilis akong tumalikod sa kausap ko upang hindi niya makita ang pagluha ko. 

I curled my fingers on the pearl white tablecloth as I gripped it for some sort of support. Dahil gusto ko na lang ihagis ang mga nasa lamesa ngayon habang nanlalabo na ang mga mata ko sa mga luhang tuloy tuloy sa pag-agos

She's with Lewis; I'm sure of it!

Ganon na lang ba kadali ang paglaruan ang damdmain ko?

Ang sakit lang. Umasa ako...na sana hindi na talaga dapat. Dahil sino nga ba ako sa buhay niya? She just knows me as her professor and nothing else. 

Ang tanga ko talaga.

"Ma'am—"

"Kayo na lang kumain nito," Walang buhay kong sabi sa kanya at mabilis na nilisan ang rooftop, with my heavy heart and disappointed feelings towards her. 

Ang hirap mong mahalin, Yunis. 

As I was stepping my foot off the stairs, I also managed to wipe away my own tears. Nakasalubong ko si Chef Mico na akmang aakyat sa rooftop but we met halfway. 

"Lovely...are you alright?" He asked with so much concern at lumingon sa kung saan na sana ay hindi ko na lang sinundan ng tingin dahil nandoon ko sila nakita.

I was right; they're having a date at mukhang nag-eenjoy sila dahil bakas sa ngiti ni Lewis na sobrang halatang-halata na. At hindi ko na kailangang alamin pa ang itsura niya kahit na nakaharap ang likod nito sa akin, baka mas masaktan lang ako kung makita ko pang masaya siya sa piling ng step brother ko.

She's having a date with him, huh? While she chose to forget what was supposed to be planned for our lunch.

Lalong kumirot ang puso ko at mas binilisan ko na lamang ang paglisan sa lugar na iyon kahit na sinundan ako ni chef hanggang sa makalabas ako. 

Wala akong pinansin ni isa sa kanila.

I fucking hate myself for expecting something from her. I'm so dumb and hopeful for something that's very unlikely to happen.

Sino ako para pagbigyan niya ng kaunting oras niya? Paglaanan ng kaunting atensyon. 

Masyado akong nawili na baka may pagkakataon akong mas mapalapit sa kanya, hindi ko na namamalayang umaasa lang ako sa wala. 

Umalis ako sa restaurant ko dala ang bigat ng pakiramdam sa loob ko. I cried inside my car at the school's parking lot before I decided to go out. Nawalan na rin ako ng gana kumain sa kabila ng gutom ko. Para saan pa at kakain ako. Sapat na yung pinakain niyang pagpapaasa sakin.

At walang kwenta iyang nararamdaman mo, Lovely. Forget it. Forget that she'll give you a chance. 

In my wildest dream, literally.



*******





Xyianne




"Mommy! Mommy! Umiiyak na naman si Mommy!" Tarantang sigaw ng anak ko mula sa likuran ko habang hatak-hatak ang laylayan ng strap ng jumper na suot ko. 

Hindi ko ito masyadong narinig dahil sa pagpukpok ko sa kahoy gamit ang martilyo, but the way that her face showed me ay alam kong nakakabahala na naman ito. 

"Why? What happened?!" Mabilis ko itong nilingon habang may pag-aalala sa mukha ko. 

"Si mommy Love po, she's crying again, mommy!" 

Hindi ko na inatubiling hatakin ang kasama kong si Trixie dahil sa narinig at mabilis akong tumakbo sa loob ng bahay upang hanapin siya. 

"She's in the kitchen!" Habol ng matinis na boses mula sa likuran ko. Tumakbo na rin pala ito at malakabayo pa sa bilis dahil naabutan agad ako nito. 

Agad akong nagtungo sa kusina kung saan niya sinabi, at hinanap ang asawa ko dahil wala akong makita kahit na anino nito kundi ang mga rekados na nakalapag lamang sa ibabaw ng counter. Palagay ko'y magluluto ito. 

Sa naisip na baka nahiwa nito ang sarili ay mas lalong dumoble ang kaba at pag-iisip ko. 

"Love!"

"Love where are you—" Bungad ko pagpasok pero natigil din nang makita ko siyang nakasalampak sa sahig, sapo-sapo ang mukha gamit ang kanyang mga palad at humihikbi. 

Madalas siyang ganito...

"What's wrong, Love? Why are you crying again?" Pag-aalalang tanong ko sa kanya at masinsinan siyang hinawakan sa kanyang mga palad na nakatakip pa rin sa kanyang magandang mukha. 

"Are you hurt? Nahiwa ka ba? A-anong masakit sayo? W-what do you want this time? Is this about ice cream?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya upang makasiguradong ayos lang siya. Hinawakan ko na lang din siya sa mga balikat nito dahil ayaw niyang tanggalin ang nakaharang sa mukha niya.

Labis ang pag-aalala ko kapag nagkakaganito siya. Hindi ko naman mapigilang maging ganito siya, but I promised her that time when I got married to her that I'd do anything to understand and love her in any circumstances...such as this. 

Wala akong narinig na imik bagkos ay patuloy lamang ito sa paghikbi. 

Ang batang nasa likuran ko naman ay tumungo sa kabilang gilid nito upang tulungan ako sa pag-aalo sa kanyang ina. She's been my wingwoman every time we're having this kind of episode. With her young mind, I can see that she's mature and careful when it comes to her, and I admire this kid so much. Hindi talaga ako nagsisi na naging anak ko siya. 

And besides...ito din naman ang gusto niya, kaya wala siyang magagawa kundi intindihin ang mommy niya. 

Suminghot muli ang babaeng kanina pa namin gustong kausapin at patahanin, kaya naman nabalik ako sa kasalukuyan. 

"Love? Please tell me what's wrong this time." Pagsusumamo ko dito. Ganito siya, iiyak bigla pero hindi naman agad sasabihin ang dahilan, pero kapag sinabi na niya, natataranta kaming dalawa ni Trixie para solusyonan ang pag-iyak niya. 

"Mommy kasi ayaw mo pa payagan sa ice cream eh!" Aba't nanisi na naman! Ako na lang lagi ang may kasalanan dito sa pamilyang ito.

Minatahan ko siya dahil lalong umiyak ang asawa ko. "Go get some water for your mom." Utos ko dito. 

Inalalayan ko naman sa pagtayo ang asawa kong kanina pa nakasalampak sa sahig. Nako naman! Ang lamig pa naman ng sahig. 

Hirap akong suyuin siya dahil ayaw niyang ipakita ang pag-iyak niya. "Love, come on, let's go to the living room and sit there." Pakiusap ko, pero dahan-dahan din naman nitong ibinaba ang kanyang mga palad na nakatakip sa mukha niya kanina pa at mag-isang tumayo para magtungo sa living room on her own.

Naiwan akong nakanganga sa pagkabigla dahil wala na naman siya sa mood at mukhang ako na naman ang dahilan. 

Ako na lang palagi...

Pero ginusto ko ito eh. 

"Lagot ka na naman, mommy!" Bulong nito at humagikgik pa sa gilid ko, nilabas nito ang dila niya para lalo akong asarin at nagtungo nang mabilis sa living room dala ang basong may tubig nang akmang sisinghalan ko siya. Ang hirap maging magulang kapag ganito ang anak mo. Sobrang lakas mang-asar at laging kakampi ang mommy niya!

Bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang mga ingredients sa counter na hindi pa nagagalaw. Mukhang may naisip na naman siyang ikakabago ng mood niya. 

Ano na naman kaya? 

Does she find the labanos more white than her skin, and does she make a big deal out of it? 

Or does she find tomatoes disgusting? Where in fact, she eats it freshly, like it's a kind of snack for her. 

Or does she think that I don't love her anymore when I refused her to eat ice cream?

Either way, I don't think I can list down all the possibilities of her mood swings. It changes every damn time.

It's been months since I became more careful and observant of her actions because the blame always ends with me. Ako ang nakikita ng mga mata niya palagi. Kumbaga, cravings niya ako.

Hindi naman siya ganito palagi. May times na over-over ang pagkaclingy at pagmamahal niya. Tipong isang buong araw kaming nasa kwartong dalawa at ayaw niya akong paalisin sa pwesto ko. Tipong gusto niya lagi akong nakikita. 

If I want to pee, she'll come with me. The worst is when I'm pooping, and she kind of likes the smell of it! I swear, this woman I married has a more insane side I never imagined I would experience. She's so fond of me. Obsessed maybe.

But I'm not complaining...I was just not expecting any of this to happen. I was just not truly educated about the possibility that those kinds of weird things might happen to her and me. 

It's another level of maturity to understand her, and I am not letting this thing affect me just because I am suffering from her mood swings and undeniable weirdness towards the things around us. I signed up for this, so I would do anything to understand her. As her dedicated wife. Under most of the time because I don't want to mess with her. Malala ang tampo kapag sinuway ko siya. 

Besides, I was under her a bunch of times...but it's been a long time now...and I missed our little lovey-dovey time.  

"Mommy!" I snapped back to reality again after realizing that I was too occupied with my thoughts and forgot that I have a crying wife in the living room. 

Dali-dali akong tumabi sa kanya na ngayon ay tahimik na nilalaro ang kanyang mga daliri at nakanguso na parang bata habang namumula ang mga pisngi at ilong nito mula sa pag-iyak kanina. 

I motioned my head to Trixie to do her thing for a while habang inaalo ko ang kanyang ina, mabilis naman itong sumunod at iniwan kaming dalawa dito sa sala. 

Hinawakan ko siya at marahang hinaplos, nagulat pa ako sa naramdaman ko. I smiled out of nowhere, na mabilis niyang napansin, kaya sinamaan niya ako ng tingin at tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya. 

"Love, come on, what's wrong this time?" Pinanatili kong kalmado ang aking sasabihin, kahit hindi ko na naman alam ang gagawin ko. 

Umusog ito nang kaunti para bigyan kami ng espasyo sa isa't isa, kaya napabuntong hininga akong muli. 

"You don't love me anymore, do you?" She said out of nowhere. Puno pa ng hinanakit ang boses niya, kaya labis akong nabahala. Bakit naman niya biglang nasabi yun?

Marahas akong umiling at lumapit sa kanya para hawakan ang mga kamay nito. "Ano ka ba, Love! Sino ba nagsabi niyan sayo? Atsaka, bakit mo iniisip yan? Hindi yan totoo, promise!" Bwelta ko sa sinabi niya, pero tinignan lang ako nito at sumagot. 

"But you didn't show up to our lunch date before when you said yes to me!" Inis nitong sagot kaya napanganga na lang ako. 

Lunch before? 

Oh...

That one...

Here we go again...hindi na talaga niya nakalimutan yun. Pinagsisihan ko na nga yun ng sobra eh. 

Nagrelapse na naman ata ang mahal ko.

"Love," tawag ko sa kanya at huminga nang malalim bago magpatuloy, "...matagal na yun diba? Tapos na yun, atsaka pinagsisihan ko na yun dati pa. Kaya stop thinking about it because that was in the past."

"But, what if you dump me again? What if I cook our lunch today and you don't find it satisfying anymore? What if..." At umiyak na naman siya. 

"Love, hinding hindi yun mangyayari, okay? Malabong malabo. I only have eyes for you and you alone. It will never happen again, okay? Tsaka ikaw ang pinaka the best sa pagluluto ng food natin mapabreakfast, lunch at dinner man yan." Pagpapagaan ko ng loob niya at sana ay umipektib dahil wala na akong maisip na gawin para lang hindi siya mag-overthink na naman. 

"Are you sure?" Tanong nito at lumambot bigla ang ekspresyon ng mga mata nito sa akin na kanina ay nagtatampo. 

Tumango ako ng ilang ulit at ngumiti sabay yakap dito at isandal ang kanyang ulo sa aking dibdib matapos ko siyang halikan sa noo. 

"I am always sure about you and our family, Love, as you're always sure of me from the start," I said genuinely while caressing her carefully. 
 

Napatawa kami nang bahagya dahil sa naramdaman naming dalawa. 

Mabuti nalang kahit na mabilis magbago mood niya, mabilis lang rin siya amuhin. 

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at iniharap ko siya sakin at pinagmasdan ang kabuuan nito kahit na nakaupo kaming dalawa sa couch. 

I slowly glanced at her body until my eyes made their way up to her beautiful, angelic face. I watched how her parted lips breathed air, and her nose perfectly complimented her brows and overall facial features. I unconsciously bit my lower lip as I admired her exquisite beauty until now. And then my eyes finally met hers, those dark orbs that bore intently into mine, then suddenly, we both smile like crazy-in-love teenagers.  

"I can't wait any longer," I said happily, which she reciprocated with a genuine smile and teary eyes. 

"I am too," she said, almost whispering. Gumapang na naman ang init sa mukha ko at ang kakaibang pagkabog ng puso ko dahil sa pagka excite at pagmamahal sa babaeng kaharap ko. 

I leaned closer to her, and she doesn't flinch. I hold her face gently with my free hand and kiss her lips softly and sweetly. 

I removed my face from hers at kita ko ang paghabol nito sa aking labi matapos kong ipaghiwalay ito. I guess I'm not the only one who's hungry for some lovey-dovey. 

I chuckled at her as she fanned her lashes towards me with her fluttered eyes. 

Agad na namula ang kanyang mga pisngi dahil sa narealized niyang paghabol, tila nahiya sa kanyang inasal kaya napakagat ito sa ibabang labi niya at mabilis na iniwas ang kanyang mga tingin sa akin kaya lalo akong natawa. 

Para kaming mga batang nahiya sa crush niya. 

"M-magluluto lang ako," she said in a hurry. Kung tutuusin kaya ko naman magluto para sa amin, pero ito na lang daw sana ang itira ko sa kanyang gawain dahil hindi naman daw siya lumpo para hindi kumilos sa bahay. 

Pinagmasdan ko siya sa pag aasikaso sa kusina, naghihiwa na ito ng mga ingredients para sa sinigang. Alam kong ayun ang lulutuin niya dahil sa mga nakaready na ingredients. 

My favorite. 

Hindi ko kasi talaga siya hinahayaang kumilos kilos masyado sa bahay dahil—

"Uh!" Rinig kong hinaing niya, kaya naman sobrang taranta kong napatayo dito sa kinauupuan ko. 

"Love? Ayos ka lang? Nahiwa ka ba?!" Tanong ko at napatakbo na lang bigla dahil sa itsura niyang hirap na hirap na. 

Para siyang namimilipit sa sakit at napayuko pa ito sa counter, kaya mabilis ko siyang inalalayan, pero ganoon na lang ang gulat ko nang makita kong basa ang sahig na kinatatayuan niya. 

Shit!

"Uh...ouch, Yunis! Ang s-sakit..." she said with so much pain. 

Napatulala ako ng ilang segundo para iprocess ang mga nangyayari ngayon.

Para akong naestatwa. 

"Aaahhh! Manganganak na ata ako!" Daing pa niya sa namimilipit na boses habang nakahawak sa kanyang tyan na ngayon ay kumikirot. 

Tang ina! Manganganak na ang asawa ko!

At oo, buntis siya. Kaya ganyan na lang ang pagbabago ng mood niya. 

Pero teka! Manganganak na ang asawa ko!!!!

Shit! Paano ba ito?!

"T-teka, Love...A-ano, halika, dito muna tayo sa sala." Mabilis kong iginaya siya paalis ng kusina at pinaupo sa mahabang couch habang hawak hawak din ang tyan nito sa maingat na paraan. 

Kanina ko pa nararamdaman ang paggalaw ng tyan niya noong nag-uusap palang kami, kaya hindi ko mapigilang hindi matuwa kahit na nagtatampo siya. 

"Letyzia! Call the hospital!" Sigaw ko sa sala. Alam kong nasa paligid lang ang anak ko dahil alerto rin ito sa nangyayari sa mommy niya. 

"Nandyan na mommy!" Sigaw nito at pawis na pawis pa pagpasok ng bahay. 

"Ahh! Yunis!!!" Paghihinagpis nito sa sakit at nakurot pa ako sa braso ko. 

"Oouucchh! Love naman!" Sabay kong daing sa pagsigaw niya.

Tang ina! Ang sakit! Bakit kailangan mangurot?!

"I...I feel like pooping! Oh gosh..." Usal nito habang himas-himas ang kanyang nakalobong tyan at namumuo na rin ang pawis niya sa noo.

Mabilis na kumilos si Trixie sa pagpunas ng pawis ng kanyang ina, habang ako naman ay tarantang pinakalma ang asawa ko kahit na sobrang hirap niyang tignan dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya ngayon. 

Ilang segundo ang nakalipas ay narinig ko na lang rin ang ambulansya sa labas. 

"Go, open the gate, and let them in!" I tried to calm myself, but seeing my wife tear up because of unbearable pain ay taranta na lang ang naramdaman ko. Pinipisil pisil ko rin ang kamay nitong mahigpit na nakahawak sa akin habang patuloy rin ako sa pag-inda sa kada kurot na nakukuha ko mula sa kanya kada daing niya sa sakit. 

May times na hinahampas pa ako nito at parang iire na anytime.

Shit! Nasaan na ba ang mga medic?!

"Ma'am, excuse me po," mabilis akong umalis sa pwesto ko, pero nanatiling nakakapit si Love sa kamay ko at ayaw akong paalisin sa tabi niya. 

Pumwesto ang medic at nagcheck ng vitals niya. 

"Hindi na ho ito aabot sa hospital, ma'am, mas maigi pong dito na po siya manganak." Sambit ng nurse na lumapit din kanina sa kanya para konsultahin siya. 

Napakagat na lang ako sa ibabang labi at napapikit. 

Patuloy ito sa pag-inda sa sakit at mukhang hindi na talaga siya aabot sa hospital kahit ipilit ko man. 

"Huwag po kayong mag-alala, may mga gamit na po kaming nakahanda at Obstetricians na kasama sa ambulansya dahil nung tumawag po ang anak niyo ay sinabi na agad niyang lalabas na ang kapatid niya." Imporma ng nurse na umaalalay sa asawa kong hindi ko na alam ang nararamdaman dahil tatahimik at biglang aaray na naman siya. 

Tumingin ako kay Trixie at binigyan siya ng proud smile, masaya itong ngumiti. Alam ko kung gaano siya kaexcited magkaroon ng kapatid, kaya naman matapos naming ikasal ay nagplano agad kami ni Love na magkaanak. Dahil gusto rin niyang tuparin ang promise niya sa bata. 

The doctor advised that it's more effective if she takes the test first for IVF because she has matured eggs that were more fertilized and it has more chance for the development of a baby and also her age has a more successful rate for pregnancy, it's also her choice to bear the child first. She willingly wants to do it. So I let her be, and I supported her all the way. I also want that she carry our child, and added to that, I'm also busy with work. 

Dumating na ang doctor at may mga dala na ring mga kagamitan para sa panganganak nito. Nandito kami ngayon sa guest room. 

I never thought that she'd give birth here at our house. I thought we prepared enough for this day, dahil nakaready na rin ang hospital nila Bridge for this, but we can't assume what will happen next, right? This was just so unexpected. 

Gusto ko man siya dalhin sa mas maayos na facilities, but this was the best decision for her birthing. Sensitive din kasi ang pagdadala niya.

Nasa tabi niya ako habang umiiri siya, grabe ang hirap na pagmasdan kung paano niya iluluwal ang bata. 

Grabe ang sigaw at pagiipit niya sa mga kamay kong kinukuhanan niya ng lakas. 

Pawis na pawis ito at halos maiyak sa sobrang hirap. Habang namumutla ako dito sa tabi sa sobrang kaba. 

"Push!" said the doctor.

"Aaaahhhh!!" Medyo nanghihina na nitong sigaw at halos mawalan na ng hininga.

Lalo akong kinabahan nang maramdaman kong nanghihina na ang hawak nito sa akin.

"L-love..." Tawag ko dito para hindi siya tuluyang mawalan ng malay. 

"Again, push!" Saad ng doctor at grabe na lang ang kabog ng dibdib ko nang hindi siya sumigaw. 

"Love!" Tawag ko sa kanya. 

"Excuse me, ma'am." Saad ng nurse at balak pa akong paalisin sa tabi niya. 

"No! What's happening?"

"Love!" Nakapikit na kasi ito at hindi na ako hawak. 

Mariin kong tinignan ang dibdib nito kung himihinga pa ba siya dahil sobra na akong natatakot sa nakikita ko. No way...

"Misis, saglit lang po," 

"Love!" 

"Check her vitals." Maagap na sabi ng doctor. 

"Love? Don't do this to me. Kaya mo yan!" Sigaw ko pa dito. 

Naluluha na ako sa sobrang kabog ng dibdib ko sa takot at pag-aalala.

"Mommy! Ano na po nangyayari?" Sigaw ng bata sa labas ng pintuan. 

Unti unti nang nadudurog ang puso ko sa bilis ng kilos ng mga tao sa loob at sa pagaasikaso sa asawa kong hindi na umiimik. 

"Love, please!" I said pleadingly. I tried reaching out to her, but the people inside were doing their best in a fast phase just so they could revive my wife. 

Shit! Bakit naman ganito!

Lord, please don't do this to us!

"Love..." Iyak kong tawag dito at napatakip na ng mukha dahil sa pagdadasal at pag-iyak.

"Okay, good! Lovely, can you hear me?" Tanong ng doctor, kaya mabilis akong tumingin sa gawi ng asawa ko at hinawi ang mga nurse na nakaharang. 

I saw my wife alive! OH GOOD LORD! THANK YOU SO MUCH!

Tumango ito sa doctor at ginawaran ako nang mabilis na ngiti matapos akong tignan na para bang nagsasabi na ayos lang siya. 

"Are you ready, Lovely?" Tanong muli ng doctor. 

Tinanguan nito ang doctor at huminga nang malalim bago sumagot, "I'm always ready, doc," she said determinedly again. 

Halos lumabas na ang puso ko matapos niya iyong sabihin habang nakatingin sa akin ng sobrang lalim. 

This woman really never fails to make me feel things. She's so incredibly amazing. Kahit nag-agaw buhay na!

Pinakaba niya ako ng sampung milyong beses!!!

"Last push!" Sigaw muli ng doctor.

"Aaaahhhhhhh!" Mahaba niyang sigaw kasabay ng pag-iri nito. 

Hindi ako makahinga nung umiri siya. Feeling ko pati ako umiiri na rin dahil sa natutunghayan ko. 

Hindi talaga biro ang mag-anak. Jusko, parang ayaw ko na manganak dahil sa nakikita ko.

Umalingawngaw ang iyak ng bata matapos niya ilabas ang lahat ng lakas niya para matiwasay na mailabas ang anak namin. 

Mabilis akong lumapit upang tignan ang baby na ibinabalot sa puting tela at dahan-dahang ibinibigay kay Love na ngayon ay hinang-hina na ngunit mabilis ring tumulo ang mga luha nito nang maidikit na sa kanya ang baby namin. 

Para akong lumilipad sa alapaap dahil sa nasaksihan ko. Ang unang pagsilay ko sa mag-ina ko, ang unang sulyap ko sa baby naming dalawa. She's so adorable, ang taba at namumula mula ang pisngi nito na parang kamatis, nakuha niya ang kaputian ni Love, ang buhok niyang katulad sa kulay ng aking buhok, ang haba ng mga pilikmata at may kakapalan rin ang mga kilay katulad ko, ang tangos din ng ilong nito at ang mga labi na kasing pula ng rosas at kasing hugis ng labi ni Love, pero mas lamang ang itsura ko sa appeal ng mukha ng baby but overall, she's so pretty and I wanna hug her so bad!

My heart is so happy seeing them, my love, and our baby girl. 

Naluha ako kasabay niya at parehas kaming napatawa sa tuwa. 

"She's here," malambing na sabi niya. 

"Congratulations po," sabi ng mga nurse at doctor.

Tumango ako sa kanila at nagpasalamat ng sobra dahil sa pagtulong nila sa amin. Muntik na akong mawalan...hindi ko kaya.

"Pwede ho ba natin papasukin yung anak ko? Kanina pa ho niya gustong pumasok." Tanong ko sa mga ito, sumang-ayon naman sila at pinapasok agad si Trixie na mabilis na tumakbo at sobrang excited na lumapit sa kabilang pwesto ng kama upang tignan ang kapatid niyang matagal na niyang inaasam. 

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Hindi na natanggal katulad na lang ni Love na sinulyapan ako dahil sa pagkatuwa niya sa reaksyon ni Trixie nang makita ang baby. 

"Waaahh!!!! Mommies ang ganda ganda ni Xanthayah Lovinia!" 

Napanganga kaming dalawa ni Love dahil sa tinuran ni Trixie. Ano daw? May name na yung baby namin? 

Ang pagkakaalam ko nag iisip pa kami ng names niya nung mga nakaraan at hindi pa kami decided, pero itong batang ito na ang nagdedisyon. 

She giggled at our reactions, dahil literal na napanganga kami sa pagkabigla.

Kumurap-kurap ako. "W-what?" 

"Ayah po ang nickname niya Mommy. Pero ang whole name niya is Xanthayah Lovinia!" Sobrang laki ng ngiti niya sa amin habang ang mga kamay nito ay naglulumikot dahil gusto niya hawakan ang baby, pero sabi ng doctor sa kanya ay bawal pa dahil sensitive pa ito at wala siyang gloves sa kamay. 

"W-well, that's a very beautiful name, baby Ayah..." Sambit ni Love sa malambing nitong boses sabay hinaplos si Trixie sa ulo at pinakatitigan din ang baby na nakahiga sa kanyang dibdib. 

"Ayah, our little angel." Dagdag ko pa sa kanilang dalawa, kaya parehas silang napatingin sakin at nagbigay ng matamis na ngiti. 

Bakas ang galak at pagmamahal sa mga mata namin dahil sa dumating na biyaya sa aming munting anghel. 

Akala ko mawawalan na ako ng mahal sa buhay kanina, ngunit matapang talaga ang asawa ko. Lumaban hanggang sa huli, kumapit at handa palagi sa kahit ano mang mangyari sa kanya. 

I'm always in awe of her bravery and the way she takes things in life.

Wala na talaga akong mahihiling pa sa buhay na meron ako, kundi ang manatili sila sa buhay ko. 



"Apo! Nasaan ang apo ko!" 

"Ilabas niyo ang apo ko!" 

Nagsisigaw na malaking boses ni Daddy sa loob ng bahay. Rinig na rinig siya mula dito sa second floor. Ang tatay ko talaga kahit kailan, muntik na tuloy magising ang mag-ina kong nagpapahinga na ngayon. 

Bantay sarado pa rin ako dahil baka kailangan ako ni Love. Nagrequest din muna ako ng isang private nurse para umalalay sa amin dahil hindi pa ganon kalakasan ang asawa at anak ko at kailangan pa rin nila ng monitoring at alalay ayon sa doctor. 

Mabilis akong lumabas ng kwarto, narinig ko rin ang pagtawa ni Trixie sa sala na kanina pa nanunuod ng TV nang makita niya ang lolo niyang tarantang pumasok sa loob ng bahay. 

"Daddylo!" Masiglang talon nito sa couch, patungo sa lolo niya. Sinalubong nito ng yakap.

"Apo, miss na kita, visit me sometimes after school, okay?" Saad nito kay Trixie matapos yakapin. 

"Where are your moms? Atsaka nasaan na ang kapatid mo?" Tanong nito agad. Alam na alam ang pakay niya.

Kita ko si Manang Rosita na napailing iling na lang habang tumatawa matapos niya akong makita. Nandito kasi ako sa hagdan at nakahalukipkip ang mga braso dahil para siyang batang may regalong hinihintay na makuha. 

Sinamahan ni Manang si Trixie sa kusina para maghanda ng meryenda. Kaya naiwan si Daddy mag-isa. 

"Dad, please lower down your voice." Bungad ko dito at bumaba na ng hagdan. I hugged him and gave him a peck on the cheek. "They're resting as of the moment." Sambit ko matapos ko siyang batiin.

"Anak, congrats!" Mangiyak-ngiyak niyang turan sa akin at niyakap akong muli. 

Natuod na lamang ako sa biglaan niyang pagyakap nang mahigpit sa akin. "Congrats, anak. Pwede na ko lumisan dahil natuklasan na kitang ikasal at ngayon ay maging ina." Madamdamin nitong usal kaya napahiwalay agad ako sa pagyakap sa kanya at sinamaan siya ng tingin. 

"Dad, ano ba yang sinasabi mo? Nanganak lang asawa ko gusto mo na agad umalis sa mundong ito. Hindi ako papayag." Masungit kong sagot dito at ginaya na siya sa couch upang maupo. 

Nagpunas ito ng luha, "I'm just so happy, anak. I can't believe that everything is possible. I'm really sorry for stopping you from being you." Honest niyang sabi. 

Napahinga ako nang malalim bago tumabi sa kanya at tapikin ang kanyang binti nang marahan. "It's done, dad. Okay na ako, okay na tayo. You've changed, and I'm so grateful for that. So please, stop na sa pagdadrama, kota na ako sa kaba kanina, kaya relax muna tayo, okay?" Sagot ko dito at ngumiti nang maiksi. Hinawakan nito ang kamay kong nakalapat sa kanyang binti at ngumiti rin sabay tumango. 

"I admired your wife for being brave and for fighting. It's really not easy to give birth..." May luha na namang pumatak sa kanyang mata at doon ko naalalang nawala ang nanay ko dahil sa panganaganak sa akin. 

Kaya imbis na siya lang ang umiyak ay pati ako nadamay na. 

Shit, hindi ko na naisip yung pangyayaring iyon dahil sa sobrang takot kanina...now I know how he felt at that time, how my mother's lover felt like the moment my mom passed away. 

Tumawa ako habang umiiyak dahil dapat masaya kami ngayon, pero ito nag iiyakan kami ng tatay ko. 

"Ano ba yan, Dad! Halika na nga, I'll show them to you." Pagbabago ko sa topic namin dahil kahit gusto kong alalahanin ang mga bagay na malungkot ay mas gusto ko na munang magpasalamat sa Diyos dahil buhay ang mag ina ko. 

Masaya akong sobra ngayon. Abot langit talaga. 

Nagpunas ako ng luha at inalalayan ang tatay ko sa pagtayo at paglalakad patungo sa kwarto namin kung saan mahimbing na nagpapahinga ang baby at si Love. 

Once I opened the door, I immediately saw the nurse na kinakausap si Love. Gising na pala. 

"Ay, ito na po pala sila Ma'am." Sagot nito kay Love na nag-angat ng ulo para tignan kami. 

Umalis ang nurse sa kwarto at lumabas muna sandali dahil sinabihan ko rin itong magmeryenda muna sa baba. 

"Hon, Dad..." she said in her raspy voice at ipinilig muli ang kanyang ulo sa malambot na unan. Katabi nito ang natutulog at cute size na baby namin. 

"Lovely, congratulations. I'm so proud of you and my apo." Masaya nitong sabi sa mababang boses at lumapit sa gilid ng kama upang tignan mabuti ang baby. 

Bakas sa mata nito ang kislap nang masilayan na niya ito at hinawakan na rin ang maliit nitong kamay. 

"Kamukha mo, anak. Sinasabi ko na nga ba." Matawa tawa nitong komento, kaya nangunot ang noo ko dahil parang ayaw pa niya. 

Naramdamanan ko ang pagpisil sa kamay ko dahil nasa tabi naman ako ni Love at nakaupo habang hawak hawak ang kamay niya. "Bakit parang lugi ka pa ata, Dad? I'm beautiful too!" Bwelta ko dito na medyo kalakasan, kaya napapitlag ang baby. 

"Babe! Kalma, dad wasn't referring to anything." Suway nito sa akin, kaya napaikot na lang ako ng mga mata ko dahil hindi ko na mapigilan, lalo kasing natawa yung tatay ko. 

"Ikaw ba naman ang paglihian ng sarili mong asawa. Pero hindi ako nagrereklamo. Kita mo pulang pula yung pisngi parang nangangamatis pa." Komento ulit nito.

Bigla tuloy nahiya si Love dahil sa sinabi ng tatay ko. Paanong hindi mangangamatis? Pinapak ba naman araw-araw yung kamatis! Tapos kapag naubusan, pinapalayas ako sa bahay! Kaya no choice ako kundi pumunta sa bahay ni Daddy para kumuha doon. 

Hinalikan ko na lang ang likod ng palad ng asawa ko at ngumiti sa kanyang namumulang mukha. She's adorable. 

"Anong pangalan ni baby?" Tanong ni Dad at tumingin sa amin. 

"Ayah daw tawag sa kanya dad, but her full name is Xanthayah Lovinia na pakana ng isa mo pang apo." Sagot ko agad na kinaliwanag ng mukha nilang dalawa. 

Maganda naman talaga yung naimbento ni Trixie. She's smart about making a name with a hint of our names in it. 

"Ayah...ang cute cute naman ng palayaw ng baby namin na yan!" Malambing at pinaliit na boses ang narinig namin mula sa tatay ko, kaya parehas kaming napatingin ni Love sa isa't isa at sabay kaming natawa nang malakas. 

Nagising tuloy ang baby at nag iiniyak kaya habang tumatawa kami ay inaalo naman ng tatay ko si Baby Ayah. 

Welcome to our lovely family and to the better world we'll build for you, our little angel.

Together with my wife, eldest daughter, and Dad...we will love you to the fullest.

Xanthayah Lovinia A. Zamora.  

******

(Lovely's IG post)

*******




A/N:

How to read the baby's name.

Xanthayah Lovinia (San-ta-yah La-vin-ya

Special Chapter 1 is done! And happy 100k reads mga accla kayoooo!!! 😭 SALAMAT SUPER SA PAGTITIIS SA PAGBABASA SA STORY KO HAHAHAHAHAHA 

Ayan nanganak na!

Manatiling in love, everyone! 

Keep safe, lahams ko kayo mga bente <'3

Until the next.

xoxo,

ellyciaDC 

Continue Reading

You'll Also Like

7.4K 206 4
ProfxStud
1.3K 49 7
gxg Profxstud and (intersex)
1.4K 79 14
Mackenzie Sawyer has lived with her uncle Charlie Swan for as long as she can remember. It has always been the two of them majority of the time, in a...