Game of Love 2: Still in Love...

By JeraldineTanL

3.3M 40.4K 4.5K

PUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, ev... More

PROLOGUE
[ 1 ] Comeback
[ 2 ] A Jealous Ex-Girlfriend
[ 3 ] A New Friend
[ 4 ] Enjoy
[ 5 ] A Friendly Conversation
[ 6 ] The Truth Behind Her Death
[ 7 ] The Other Sides of the Story
[ 8 ] The Reunion
Game of Love Softcopy :)
[ 9 ] Change
[ 10 ] Who's that girl?
[ 11 ] Shane Alvarez
[ 12 ] Desperate
[ 13 ] Unexpected
[ 14 ] It's Her
[ 15 ] Shane and Jin
[ 16 ] Friends
[ 17 ] Confrontation
[ 18 ] Exclusively Dating
[ 19 ] Plan
[ 20 ] Caught in the Act
[ 21 ] The Result
[ 22 ] Truth and Lies
[ 23 ] A Different Person
[ 24 ] Memories of the Past
[ 25 ] Jin is Dead
[ 26.1 ] Letting Go
[ 26.2 ] So In Love
[ 27 ] Game
[ 28 ] Gab and Terrence
[ 29 ] Accident
[ 30 ] Temporary Memory Loss
[ 31 ] Remember
[ 32 ] Mental Hospital
[ 33 ] Batman
[ 34 ] Leave
[ 35 ] Feelings
[ 36 ] Back to Normal
[ 37 ] Hate
[ 38 ] Perfect
[ 39 ] Best friend and Girlfriend
[ 41 ] Trap
[ 42 ] A Big Problem
[ 43 ] Solution
[ 44 ] Trials
[ 45 ] Mad
[ 46 ] Minor Accident
[ 47 ] Trust
[ 48 ] Caught
[ 49 ] Tired
[ 50 ] Love
[ 51 ] Good Day
[ 52 ] Obstacle
[ 53 ] Past
[ 54 ] Forgive
[ 55 ] Unexpected
[ 56 ] Brother
[ 57 ] Lose
EPILOGUE + Author's Note
Special Chapter 1: Aine & Steven
Game of Love Book
Special Chapter 2: Honeymoon
Wattpad presents Game of Love (mini tv series on TV5)
Special Chapter 3: Baby

[ 40 ] Hello and Goodbye

38.4K 426 28
By JeraldineTanL

Chapter 40: Hello and Goodbye

Hinihintay ni Jin na matapos ang meeting ni Gab. Nasa loob siya ng office room ni Gab at hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Nang matapos ang meeting ni Gab, agad siyang sinalubong ni Haeja. Simula nang makaalis sila sa mental hospital na iyon ay ipinasok na ni Gab si Haeja sa kumpanya ng pamilya nila bilang ikalawang sekretarya niya.

"Sir Gab. Miss Jin is waiting for you at your office," sabi sa kanya ni Haeja.

"Sige. Lunch time na kaya kumain na din kayo."

"Okay, Sir."

Madaling pumunta si Gab sa opisina niya. Nakita niya si Jin na nakatungo at natutulog. Napangiti siya at nilapitan ito kaagad. Alam niyang kanina pa ito naghihintay. Bubuhatin niya sana si Jin para ilipat sa sofa pero nagising ito.

"Gab, s-sorry. Nakatulog pala ako."

"Naghintay ka ba ng matagal?"

"No, not really. Kanina ka pa ba dyan?"

"Kakarating ko lang din. Kakatapos lang ng meeting namin."

"Nagluto pala ako ng pagkain para sa 'yo. I know you're very busy and you don't have much time to buy something to eat so I brought you lunch."

"Matikman nga ang luto ni Chef Tan."

Tumayo si Gab at umupo sa sofa. May nakapatong sa lamesa na bag at binuksan niya iyon. Inayos ni Jin ang pagkain ni Gab para makakain na ito.

"Hindi mo ba ako sasabayan kumain?"

"No, enjoy the food. Actually, I really have to go. Hinintay ko lang talaga na dumating ka. Ngayon na ang alis ni Kuya pabalik ng China."

"Sasamahan na kita."

"No, Gab. Okay lang ako. You're very busy at ayoko na dumagdag pa."

"Magdate na lang tayo kapag hindi na ako busy."

"I would love to, Mr. Teppei. For now, I should get going. I'll see you tomorrow. Bye, hon!"

Hinalikan ni Jin sa pisngi si Gab at saka siya umalis doon. Ayaw niya na istorbohin pa si Gab dahil alam niya na sobrang busy ito sa trabaho. Pumupunta na lang siya sa opisina nito para dalhan ito ng pagkain at para makita din si Gab.

Pumunta sa airport si Jin para ihatid ang kapatid na ngayon ay aalis na. Sa ibang bansa na kasi sila nagtrabaho simula nang mamatay si Jin pero nang malaman nila na buhay ito ay napapadalas ang pag-uwi nila sa Pilipinas para makita ito.

"Princess!" tawag sa kanya ni Axel.

Napatingin si Jin sa direksyon kung saan may narinig siyang sumigaw at kaagad na tumakbo doon. Nakita niya ang kapatid na naghihintay.

"Kuya Hiroshi."

Niyakap niya ng mahigpit ang kapatid.

"Do you really have to go?" tanong ni Jin.

"Yes, Princess."

"But I don't want you to leave."

"You can always go to China to see us and likewise. We can always come here whenever we want to see you."

Sumimangot si Jin. Ayaw niya na pa sanang umalis ang kapatid pero kailangan. Mamimiss niya ito ng sobra at alam niya na sa pasko pa sila ulit makakapagkita.

"Smile, Princess. Stop frowning. I don't like seeing you like that. I’m sure Mom and Dad would also think the same."

"I'm gonna miss you, Kuya."

"I will, too."

Tinawag na ang flight number ng eroplano na sasakyan ni Axel.

"I have to go now. Take care of yourself, okay?"

"I will. Take care, too."

"Alam kong aalagaan ka ni Gab kaya kapag may ginawa siya para paiyakin ka, babalik ako dito para bugbugin 'yon."

"Kuya!"

"I'm just kidding. I just want to see you smile before I leave."

"I'll call you as often as I can. I love you, Kuya."

"I love you, too."

Niyakap pa nila ulit ang isa't isa bago umalis doon si Axel. Nang hindi na siya makita ni Jin, umalis na siya doon at umuwi. Siya na ang nakatira sa bahay nila ngayon. Hindi na siya sa condominium unit ni Terrence nakatira.

Nakahiga siya sa sofa nang marinig niya ang tunog ng phone niya. Nang tingnan niya ito ay tumatawag ang best friend niya na si KL kaya sinagot niya ang tawag.

"Hello!"
"Bessy!" sigaw nito sa kabilang linya.

"What is it, Bessy?"

"I’m sorry. Hindi ako nakasama na ihatid si Kuya Hiroshi sa airport."

"Okay lang, KL."

"By the way, are you busy?"

"No, not at all. Wala naman akong lakad ngayong araw. Bakit nga pala?"

"Well, there's this newly opened bar and guess what? I want to party tonight! Tinawagan ko si Aine kaso busy siya ngayon kaya ikaw na lang ang yayayain ko na sumama sa 'kin. Umiinom ka naman, hindi ba?"

"Yes, but--"

"Samahan mo na ako, bessy! Let's have fun!"

"Itatanong ko muna kay Gab--"

"No! 'Wag mo susubukan na magtanong sa kanya dahil sigurao ako na hindi ka papayagan nun. Come on, bessy! It’s just for tonight."

"Okay, fine. Count me in."

"I'll drop by at your house at eight in the evening. See you!"

Pinutol na ni Jin ang tawag. Binuksan niya ang tv at nagtingin tingin sa mga Korean channels. Namimiss niya na ang panonood ng ng mga ganoong klaseng palabas. Noong nasa Korea pa siya nakatira, palagi lang siyang nasa bahay at nanonood ng tv at naging libangan niya na 'yon. Sakto naman na may ipinalabas na commercial na si Terrence ang endorser.

'Hindi ko na nakakausap si Terrence. Kamusta na kaya siya?'

Naramdaman niya na naman ang guilt dahil sa ginawa niya kay Terrence. Hindi na siya nito tinatawagan at nawawala na din sa isip niya na tawagan ito dahil palagi niyang naiisip si Gab. Nakaramdam din siya ng kaunting lungkot. Ang tao na minsan naging sentro ng buhay niya ay malayo na ang loob sa kanya ngayon.

Kinuha niya ang phone niya at sinubukan niyang tawagan si Terrence pero hindi na macontact pa ang number nito kaya naisipan niya na ang manager na lang nito ang tawagan. Agad din naman nitong sinagot ang tawag.

"Hello. Who is this, please?"

"It's me, Shane."

"Shane Alvarez?"

"Yes, it’s been a while."

"How are you?"

"I'm good. How is Terrence? I can't contact his number. What happened?"

"He’s more busy now. He changed his number."

"Is that so? Can you text me his new number? I need to talk to him."

"Okay, I’ll send it to you."

"Thank you. Bye!"

"Bye!"

Nang matanggap na ni Jin ang text ng manager ni Terrence ay agad niyang tinawagan ang number na yon. Maswerte lang siya at nasagot kaagad ang tawag niya.


"Hello?"

"Terrence. It's me, Jin."

"What do you want from me?"

"Why are you talking like that? You changed your number without letting me know. What happened?"

"I don’t think I should explain everything to you and I don’t have to let you know everything about me now. I’m busy and--"

"Wait! I'm sorry."

"It’s already in the past. Let’s just forget everything about it."

"Are you mad?"

"I have to go. Bye, Jin."

"Wait--"

Bigla na lang naputol ang tawag. Hindi maintindihan ni Jin kung bakit ganoon na ang trato sa kanya ni Terrence. Alam niya na may kasalanan siya dito pero mahalaga pa din sa kanya si Terrence kaya naman nasasaktan siya sa ipinaparamdam nito sa kanya.

~

"Bessy, tama na 'yan. Ang dami mo nang nainom."

Kanina pa pinipigilan ni KL si Jin sa pag-inom ng alak. Ang dami na nitong nainom simula nang dumating sila doon at alam niya na lasing na ito. Hindi niya alam kung ano ang problema ng kaibigan pero sinabihan siya nito na 'wag ipaalam kay Gab ang pagpunta nila sa bar dahil magagalit ito.

"Bessy.."

"I'm alright, KL. Don't worry about me. I can handle this."

"Let's go. Ihahatid na kita pauwi sa inyo."

"You can now go home if you want. I can go home alone."

"Ano ba kasi ang nangyari? Why are you getting yourself drunk? Why are drinking so much? Hindi ko maintindihan."

Hindi sumagot si Jin. Tiningnan niya ng deretso sa mata si KL.

"Look at me, KL. I'm not drunk. I heard that something came up and you have to go. Kaya ko ang sarili ko, bessy. I promise you that I will safely arrive home. Don’t worry too much about me. You have something important to go to."

"Sigurado ka ba dyan?"

"Yes."

"Ano ba kasi ang nangyari sa 'yo?"

"Nothing. I just miss my kuya. Go!"

"Okay, I'll get going. Binayaran ko na lahat ng nainom natin ngayon. Tama na sa pag-inom ah? Text me when you're home, okay?"

"I promise."

Umalis na doon si KL kaya naiwan siyang mag-isa. Nakaupo siya sa harap ng bar counter at patuloy na inuubos ang laman ng bote ng beer. Kumpara noon, mas mataas na ang alcohol tolerance niya kaya hindi pa siya talagang lasing pero ramdam niya na ang matinding hilo.

"You're Jin, right?"

Napatingin siya sa lalaki na nakaupo sa upuan sa kanan niya at nakilala niya ito kaagad.


"Oh, it's you. You are Mika's manager, right?"

"Yes, its me."

Tiningnan niya ng maigi ang lalaki. Hindi nito masyadong kamukha si Gab pero may pagkakahawig sila sa ilang features ng mukha.

"May problema ba?" tanong sa kanya ni Marc.

"Wala."

Agad na na-acknowledge ni Marc ang ganda ni Jin noong una niya pa lang itong makilala. Alam niya na may potential itong maging artista kaya interesado siya dito.

"Do you want to be my talent? I can make you an actress."

"No, thanks. I’m not into show business."

"Friends?"

"Excuse me?"

"I’m asking you if you want to be friends with me."

"Sure, why not?"

"Mag-isa ka lang ba?"

"Sa totoo lang, may kasama ako pero umalis na siya."

"Mind if I join you?"

"Go on. This is  a free country. You can do everything you want as long as it is not against the law."

"Lasing ka na, Miss."

"Hindi ako lasing, okay? Bakit ka nga pala nandito?"

"I manage this bar."

"Really? Manager ka nga talaga."

"May problema ka ba kaya ka naglalasing?"

Nanahimik si Jin. Naaalala niya na naman si Terrence. Mahalaga sa kanya si Terrence pero pakiramdam niya ay inilalayo nito ang sarili sa kanya.


'Why are you like this, Terrence? Why are you doing this to me?' tanong niya sa isip niya.

Malinaw sa kanya ang nararamdaman niya. Mahal niya talaga si Gab at kaibigan lang ang tingin niya kay Terrence pero naging malaking parte ito ng buhay niya nitong mga nakaraang taon kaya hindi madali sa kanya ang ginagawa ni Terrence na pagdistansya sa kanya.

"Mind to share?"

"I don't trust you, Marc. I'm leaving."

Naglabas siya ng pera at inipit 'yon sa bote ng beer. Tumayo na din siya pero dahil sa pagkahilo niya ay muntik na siyang matumba pero naalalayan siya ni Marc.

"Thanks."

"May sasakyan ka ba?" tanong ni Marc.

"I'll just take a cab."

"Ihahatid na lang kita sa inyo. Delikado na sa labas lalo na at nakainom ka."

"No, I would rather go home alone."

"May tama ka na ng alak. Kapag gago 'yong driver ng taxi na masasakyan mo, baka ano pa ang mangyari sa 'yo."

"I don't trust you."

"You don’t have to trust me, Jin. Hayaan mong ihatid kita. Hindi ko naman sisirain ang pangalan at trabaho ko."

"Okay, if you insist."

Inalalayan ni Marc si Jin hanggang sa makarating sila sa kung saan nakapark ang sasakyan niya at inihatid siya nito sa bahay nila.

"Thank you, Marc."

"You're welcome."

Lumabas na si Jin ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay niya. Kagaya ng sinab- niya kay KL, agad niya itong tinext pagkauwi niya. Habang nakahiga ay patuloy pa din siyang nag-iisip at hindi niya makalimutan ang pag-iwas na ginawa ni Terrence sa kanya.

'Siya na mismo ang lumalayo sa akin kaya wala na akong magagawa.'

Napagdesisyunan niya na simula bukas ay tatanggalin niya na sa buhay niya si Terrence. Ayaw niya na ipagsiksikan ang sarili niya sa tao na ayaw sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 60.6K 47
Book 3 of Falcon University Series (Josh & Red's story)
4.7M 112K 56
SIGNED STORY UNDER DREAME! Dreame Account: GandangSora ---- Ang kwento ng matalinong-pilosopo na si Miller! Kung gusto nyong malaman ang kwento ng l...
7.4M 206K 44
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
312K 5.6K 48
Ranked #39 in Romance Hahaha kaya ba ayaw mong mag seryoso? Kasi natatakot kang maiwan? Nakangating sambit niya pero alam mong seryoso siya. Mali na...