Sa Taong 1890

By xxienc

85.8K 3.5K 1K

Siya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang... More

Mula sa May-akda
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70

Kabanata 61

491 23 32
By xxienc

|Kabanata 61|


Isang katok ang narinig ko mula sa labas ng silid. Napatayo na lang ako mula sa higaan na kanina pa nakatulala dahil sa nangyari. Binuksan ko ang pinto at nakitang nakasandal doon sa gilid ng pinto si Agustin. Ngumiti naman kaagad siya nang makita ako.


"Halika na. Kumain na tayo," aya niya saka tumayo ng maayos. Tumango naman ako saka nginitian siya pabalik.


"Tamang-tama ang dating mo, dahil gusto ko nang kumain," natatawang tugon ko. Natawa naman siya kaya napailing ako. Isinara ko na ang pinto ng silid saka kami sabay na bumaba roon. Huling tingin ko sa relo kanina ay alas-sais na. Halata rin ang oras dahil sa mga kumain-kain sa baba. Kadalasan doon ay mga nakadamit ng pangbihis, halatang hindi taga-rito. Ang mga taga-rito naman kasi ay may sariling bahay, kusina at kainan kaya roon sila kumakain.


Pumwesto naman kami sa may hagdan nang makitang bakante ang mesang naroon. Magkatapat kaming umupo. Maya-maya pa ay nilapitan kami ng isang binata sabay tanong kung ano ang kakainin namin. Si Agustin na ang nagsalita.


"Bigyan mo kami ng kung anong patok ninyong pagkain dito," aniya pa. Umalis naman ang binata matapos niyon. Bumaling naman siya sa akin ng may kaunting ngiti sa labi. "Mabigat pa rin ba ang nararamdaman mo?"


Umiling kaagad ako at napatingin sa mesa. "Hindi. Ayos na ako. Kailangan ko lang na... kalimutan ang nangyari."


Napatitig lang siya at hindi na ako tinanong pang muli. Galit din ako sa sarili ko dahil sa lahat ng taong kasama ko ngayon ay si Agustin pa. Hindi naman sa ayaw ko sa kaniya, ngunit ang nais ko lang sabihin ay bakit niya pa kailangang masaksihan ang sakit na pinagdadaanan ko. Bakit sa kaniya pang nagugustuhan ako? Bakit sa kaniya pang walang ibang ginawa kung hindi ang pasayahin ako? Mas lalo ko lang siyang sinasaktan. Ayaw kong gawin iyon sa kaniya dahil hindi siya karapat-dapat na masaktan ng gaya ko.


Inalis ko na lang ang lahat ng mga iniisip ko nang dumating na ang pagkain namin. Nagdasal na ako at kumain na kami. Tahimik ko lang siyang pinagmasdan na hinahayaan akong maging tahimik at pinoproseso ang mga nangyayari. Ngumiti na lang ako sa kaniya at kumain na ulit.


"Nakapunta ka na ba rito noon?" tanong ko. Tumingin naman siya sa akin na napatigil pa ang kaniyang kutsara sa ere. Mabilis naman siyang umiling at tinuloy ang pagkain.


"Hindi pa. Unang beses kong makapunta rito ay ngayon."


Hindi nawala sa mukha ko ang ngiti, "Ako rin." Isang katanungan ang kumawala sa aking isipan nang maalala kong itatanong ko pala iyon sa kaniya. "Paano mo nalamang pupunta ako rito?"


Napangiti naman siya pagilid habang kaharap ang mangkok ng ulam nang marinig ang aking tanong. Napailing siya na tila sinasabi niyang hindi niya ibubulgar iyon. "Hindi ko na lamang iyon sasabihin. Ang mahalaga'y nakita kita at nasamahan."


Napanguso ako kaagad nang marinig ko ang kaniyang tugon. Mas lalo pa siyang natawa nang makita iyon at ang mga mata koy naniningkit na habang sinasamaan siya ng tingin. Naging tahimik na ang nalalabi naming minuto sa pag kain.


"Halika, magpahangin muna tayo."


Napatayo na siya matapos uminom kaya mabilis akong sumunod sa kaniya. Lumabas naman siya kaya gumaya na rin ako. Pareho kaming napatingala sa kalangitan habang nakatayo sa labas ng bahay. Malamig ang simoy ng hangin, marami ring mga butuin sa langit, malaki ang bilog na buwan, at tahimik ang buong paligid na sinasamahan ng mga tawa at pag-uusap ng mga tao sa paligid. Nakatitig lamang ako sa kalangitan habang humahanga sa ganda nito.


"Gusto ko ng makalimutan ang lahat ng mga bagay na naging dahilan ng pagdurusa ko," bulong ko sa hangin habang nakapikit. "Ayos lang ba sa iyong maglakad-lakad muna tayo?" baling ko naman sa kaniya na napalingon sa akin. "Ayaw ko pa kasing matulog dahil magulo pa ang isipan ko. At saka, pakiramdam ko ang sikip ng puso ko – ng lahat, kapag naroon ako sa silid."


Nakangiti naman siya na tumango, "Kung iyan ang nais mo. Saan mo ba nais na pumunta?"


Napakibit-balikat tuloy ako sa tanong niya. "Hindi ko alam. Hindi ko naman kasi alam kung anong mayroon sa kanilang lugar."


"Kung ganoon, maglakad na lamang tayo. Bahala na kung saaan tayo dadalhin ng ating mga paa."


Mabilis akong tumango habang nakatawa ng kaunti. Naglakad na kami sa kasalungat na direksyon ng pinanggalingan namin. May mga tao ring kagaya namin ay nasa labas pa ng kanilang mga bahay. May ibang nakikipag-usap sa kanilang mga kapitbahay at may iba namang nagpapahangin. Pinagmasdan ko na lang sila habang dumadaan kami. Hindi rin nagtagal ay nakarating naman kami sa may parte na puro kahoy na ang nasa bawat gilid ng kalsada at wala ng mga bahay. Madilim-dilim din iyon, ngunit mabuti na lang at may mga dalang lampara ang mga taong nakaksabay namin na naglalakad papunta sa hilagang direksyon.


"Saan po pala ito patutungo?" tanong pa ni Agustin sa isang lalaking nasa tabi namin at napalingon sa kaniya. Pati na nga ang kaniyang kasamang bata na sa tingin ko ay walong taong gulang pa.


"Papunta ito sa plasa. Naroon din ang pamilihan," tugon niya. "Bago lamang kayo rito?"


"Opo, kadarating lang namin kanina," si Agustin.


"Magkapatid ba kayo? Kung hindi naman kaya ay mag-asawa?"


Mabilis na nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong ng lalaki. Sabay naman kaming napatingin ni Agustin sa isa't isa habang nakakunot ang mga noo. Bigla ko namang naalalang hindi pala binibigyan ng pagtanggap kapag magkasama ang babae at lalaki sa kapanahunang ito kapag hindi magkadugo. Kahit pa nga magkasintahan pa ay kailangan ay may kasamang iba ang babae. Kaya sigurado akong kapag malaman ng lalaking wala kaming ugnayan ni Agustin ay hindi na magiging maganda ang kaniyang tingin sa amin.


"H-hindi po —"


"Opo! Tama po kayo," mabilis kong singit nang sumagot si Agustin. Napalingon naman siya sa akin kasabay ng pagkunot lalo ng kaniyang noo. Pinanlakihan ko naman siya ng mga mata sabay ngiti sa lalaki nang tumingin siya sa amin.


"Saan?"


"Iyong tanong niyo po."


"Oo, alin doon?" naguguluhan na pagklaro niya. Natawa naman ako ng lihim nang napatahimik na lang si Agustin.


"Kung magkaano-ano po kami," nakangisi kong sagot. Sana mas maisip niyang magkapatid kami. Halata naman kasing mas bata ako kay Agustin dahil sa bata kong mukha. Si Agustin kasi kung sa Ingles pa ay ang manly ng kaniyang awra. Mapapalingon ka talaga kapag nakita mo siyang dumaan sa tabi dahil sa kakisigan.


"Ah, mag-asawa nga kayo. Hindi naman kasi kayo magkamukha para maging magkapatid. Sa tingin ko nga rin ay bago pa lamang kayo ikinasal."


Napakamot tuloy ako sa likod ng aking tenga nang marinig ag mga pinagsasasabi ng lalaki. Naku naman po. Pati nga rin ang katabi ko ay napatikhim na lang at tumingin sa unahan na siyang ikinatawa ko dahil sa kaniyang reaksyon.


"Anak niyo po?" pag-iba ko na lang ng paksa sabay tingin sa batang tahimik lang sa tabi nito. Nakahawak pa ito sa kamay ng lalaki habang naglalakad at maya-maya ang kaniyang paglingon sa akin habang nag-uusap kami.


"Oo, ito ang aking bunso. Si Vicente."


"Magandang gabi po, Ginoo at Binibini," bati pa ng bata. Naalala ko tuloy sina Benoy sa kaniya. Matagal na rin mula noong nakita ko sila uli. Sana pagbalik ko ay makapag-usap kami at magkasama.


"Magandang gabi rin, Vicente," tugon ni Agustin.


"Kumusta ka, Vicente. Pauwi na ba kayo?" tanong ko naman.


Sunod-sunod ang naging pagtango niya. "Opo, Binibini. Nasasabik na nga ako at tiyak akong hinihintay na kami ng aking ina."


Hindi nagtagal ay dumating na kami sa kanilang plasa. Mabilang na rin ang mga taong naroon ngunit masigla at maingay roon. Nagpaalam naman ang mag-ama sa amin noong nakarating kami at lumihis na sila ng landas sa amin. May nakita naman kaming grupo ng mga tao na nakaupo paikot sa harap ng malaking siga at nagkakasiyahan. Isang lalaki ang lumapit sa amin mula sa kanilang grupo. Nakangiti siya saka niya hinila si Agustin papunta sa kanilang grupo kaya sinenyasan naman ako ni Agustin na sumama. Umusog naman ang iba saka niya hinawakan si Agustin sa balikat para umupo kaya magkatabi kaming umupo.


Sa tingin ko ay magkakaibigan sila. May hawak pang gitara ang isa at iba naman ay nagkakantahan. Hindi ko alam kung anong kanta iyon pero masigla iyon at tungkol sa magandang pag-ibig. Pechay, galing pa ako sa pagkasakit ng damdamin. Pero ayos lang din nang sa gayon ay maging daan ito ng unti-unti kong paglimot.


Nagsimula na uli silang tumugtog ng kanta at masigla pa rin iyon. Napalingon na lang ako kay Agustin habang nakigaya sa kanilang pumalakpak sa bawat ritmo ng kanta. Nakangiti siya ng malapad habang nakatingin sa kanila. Kaya habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko maiwasang mapangiti. Ilang beses ko namang nagawang pagmasdan siya sa malapitan ay masasabi kong iba ang sandaling ito. Ang saya niya na hindi ko kayang tanggalin ang kaniyang ngiti sa kaniyang labi. Handa akong gawin ang lahat makita lang siyang masaya. Ang tanging ginawa ko lamang ay lihim siyang titigan buong sandaling kumakanta ang lahat.


"Ako nga pala si Diego," pakilala naman ng laaking humila kay Agustin matapos ang kantahan. "At sila ang mga kaibigan ko. Sina Maria, Jose, Teo, ..." tuloy-tuloy niyang pagpapakilala pa sa iba.


"Ako naman si Agustin. At si Martina, kaibigan ko." Kumaway ako sa kanilang lahat habang nakangiti naman sila pabalik sa akin.


"Magkaibigan lamang pala kayo? Akala ko ay mag-asawa kayo?" sabi naman niyong si Teo na ikinalobo ng ilong ko. Isa pa ito eh.


Natawa naman sa tabi ko si Agustin at kaniya namang panunukso ang iba. "Kung iyan ay pahihintulutan, bakit hindi?" Sira.


Mas lalo tuloy na naghiyawan ang lahat dahil sa sagot ni Agustin. Hindi ko tuloy mapigilang matawa rin at pagkuwa'y napailing. Puro kalokohan talaga itong mga nalalaman niya. Pasimple ko na lang siyang kinurot nang matagpuan ko ang sarili kong hindi maitago ang pag-ngisi at umiinit pa ang mga pisngi.


"Sana ay mangyari iyan!" hirit naman niyong Arman.


Hindi na lang ako kumibo pa at pinanatili na lamang iyon sa aking isispan. Tumogtug na uli sa Francisco, ang siyang may dala ng gitara, kaya tahimik lang akong nakinig sa kanila habang kumakanta. Umaayon pa ang kanilang malumanay na kanta sa tahimik na gabi. Habang nakatitig ako sa apoy na nasa aking harapan ay inisip ko ang nasaksihan ko kanina.


Minsan ding naging laman ng puso ko si Jaoquin pero noong patuloy pa ako sa pagkapit sa pangako namin sa isa't isa ay nagawa niya akong bitawan at iwan sa ere. Handa pa akong komontra kay ama para lang maisalba ko ang aming relasyon ngunit nagpakasal naman siya sa iba. Hindi man lang niya ako hinintay ng kaunti kung nais na rin niya talagang matapos ang aming ugnayan.


Wala naman na akong magagawa dahil nangyari na rin ang bagay na iyon. Nais ko na lang nakalimutan ang lahat at iwan na lamang iyon sa nakaraan. Sigurado akong makabubuti rin ang lahat ng ito sa takbo ng panahon. Mahapdi man ang puso ko ngayon ay alam kong maghihilom din ang sugat na ito.


"Natuwa ako ng husto," turan ko habang tahimik naming binabagtas ang daan pabalik sa tinutuluyan namin. Ni hindi pa nga kami nalalayo mula sa plasa. Nilingon ko naman siya at nakitang nakatingin na pala siya sa akin. Mabilis akong napaiwas ng tingin dahil sa gulat.


"Ako rin. Sigurado akong hindi ko makakalimutan ang gabing ito." Narinig ko ang munti niyang pag-ngiti kaya napalingon ako sa kaniya. Nakangiti siya ng malapad, mula sa magkabilang mga tenga.


"Agustin," pagtawag ko sa kaniya. "Salamat sa lahat ng ginawa mo ngayong araw." Huminto ako sa paglalakad saka siya hinarap. Huminto rin naman siya at humarap sa akin ng may ngiti sa kaniyang labi.


"Huwag kang magpasalamat. At hindi mo kailangang magpasalamat. Karangalan ko, Martina, at gagawin ko ang lahat makita ka lang na masaya."


Tila nahulog ang puso ko nang marinig ang mga iyon mula sa kaniya. Nawala ang ngiti ko at malungkot siyang tinignan. "Hi-hindi mo ako dapat minahal, Agustin. Sinasaktan lang kita."


Mas lalo siyang napangiti na ikinapunit ng puso ko. "Hindi mo matuturuan ang puso, Martina. At ayos lamang sa aking masaktan basta't ang mahalaga ay hindi ka nasasaktan."


Napaiwas ako ng tingin sa kaniya nag maging dahilan iyon ng pag-ipon ng mga luha ko sa gilid ng aking mga mata. Bakit ka ba ganiyan, Agustin? Ang martyr mo.


"Halika na. Umuwi na tayo," aniya kaya tumango ako at naglakad na uli kami.


Tahimik lang naming binabagtas ang daan at maya-maya rin ang pagsulyap ko sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kaniya. Mahalaga siya sa puso ko at nasasaktan ako kapag nasasaktan siya. Ang gusto ko lang ay maging masaya siya.pero ako itong dahilan kung bakit siya nasasaktan. Napabuntong-hininga na lang ako at tumingin ng diretso sa daan.


Napansin ko naman ang pagiging seryoso at tahimik ni Agustin habang naglalakad kami. Panay rin ang kaniyang pagtingin sa buong paligid na tila ba ay may binabantayan. Kumabog naman ang puso ko dahil sa kaniyang mga ginagawa kahit pa man hindi niya iyon pinapahalata sa akin. Ngunit, hindi kasi lumalampas sa akin ang ganiyang mga pagbabago dahil may pagkakataong malalaman at mahahalata ko iyon. Hindi ko tuloy alam kung ano ang irereaksyon ko dahil kinakabahan na ako.


"Agustin, a-ayos ka lamang ba?" tahimik ko tanong saka naman siya napatingin sa akin. Tumango naman kaagad siya saka ngumiti.


"Oo, ayos lamang ako," aniya. "Ngunit, huwag kang mabahala at mataranta, may kutob akong hindi maganda ito."


Dahil sa sinabi niyang huwag mataranta at mabahala ay mas lalo pa akong nagulat. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Natawa siya ng kaunti habang nakatingin sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit?"


"Hindi ba't ang sinabi ko ay huwag kang mabahala? Huwag kang mag-alala walang masamang mangyayari sa'yo habang narito ako."


"Kasi naman... nakakatakot kaya. Ano ba kasing meron?" kinakabahan kong tanong.


"Huwag kang lumingon ha?" Tumango ako. "May mga lalaking kanina pa nakasunod sa atin. Hindi ko alam kung anong kailangan nila kaya kailangan nating mawala sa kanilang paningin."


Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko matapos marinig ang sinabi niya. "Ha? Sigurado ka ba riyan?" Tumango siya.


Inilahad naman niya ang kaniyang kaliwang palad sa akin. "Maaari mo bang hawakan ang aking mga kamay? Kahit ngayon lamang."


Napatitig pa ako roon ng ilang segundo bago tinaggap iyon at bumulong, "Kahit pa panghabang-buhay." Malamig ng kaunti ang kaniyang kamay at bahagyang malambot iyon. Hindi ko mawari kung bakit dahan-dahan ko na lang na naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.


Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. Nakatitig siya sa akin pabalik. Pakiramdam ko ay bumagal ang oras habang nakatingin ako sa kaniyang mga mata. Napaisip ako habang sinisisi ang sarili ko. Bakit ngayon lang? Bakit ngayon ko lang napagtanto na higit siyang mahalaga sa puso ko? Maraming tao na ang nagsabing iyon nga ang katotohanan ngunit bakit hindi ko man lang naisip iyon?


"Handa ka na ba, Binibini?" Malamyos at tila bulong na kaniyang sabi na ikinabalik ng aking diwa. "Pagbilang ko ng tatlo, tatakbo tayo patungo sa kagubatan. Mas mainam doon dahil mayroon tayong matataguan kumpara rito. Hindi ko alam kung anong kailangan nila ngunit mahalagang umalis na tayo rito para sa iyong kapakanan."


Tumango ako at hinigpitan ang pagkahawak ko sa kaniyang kamay. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngunit pakiramdam ko ay kapag bumitaw ako ay mawawala siya ng tuluyan at kukunin mula sa akin.


Naglakad kami ng ilang metro pa bago siya nagsimulang magbilang. "Isa..."


"Dalawa..."


"Tatlo."


Sabay kaming napatakbo papunta sa aking kaliwa at sinuong ang madilim na kagubatan. Naroon man ang pangamba na nararamdaman ko sa aking puso ay mas nangibabaw ang pagiging panatag nito dahil alam kong ligtas ako kapag kasama ko siya.


Nauuna siyang tumatakbo habang mahigpit ang kaniyang pagkahawak sa kamay ko. Nakatingin lamang ako sa kaniya habang papalayo kami. Mas lalo akong nagalit sa sarili ko. Sinayang ko ang mahabang panahon at sinaktan ko lamang siya na walang ginawa kung hindi ang pasayahin at protektahan ako. Kagaya ngayon.


Sinubukan kong lumingon upang tignan kung sino ang humahabol sa amin. Nang magawa ko iyon ay roon ko napagtantong nasa panganib nga kami. Kung hindi ako nagkakamali ay higit sa apat na mga lalaki ang nakasunod sa amin habang tumatakbo rin. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nila kami sinusundan. Ano ang kailangan nila at sino ba sila?


Bumalik ang tingin ko sa harap at tumakbo si Agustin sa ibang direksyon, pakaliwa, kaya mabilis akong sumunod. Kumabog tuloy ang puso ko dahil sa gulat nang marinig ang sigawan ng mga lalaking humahabol sa amin. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko o kung ano ang sasabihin ko kay Agustin na ngayon ay nakakunot ang noo habang tumatakbo.


Pakanan na kami sa banda ng kalsada nang biglang bumagal ang kaniyang pagtakbo. Naguguluhan akong tumingin sa kaniya na nakatingin sa harap, kaliwa at kanan. Sinundan ko naman ang kaniyang mga tingin at doon nakitang may mga lalaking tumatakbo papalapit sa amin sa bawat direksyon. Pechay.


Tumigil si Agustin sa pagtakbo at hinigpitan ang paghawak sa aking mga kamay sabay taas niyon papunta sa kaniyang dibdib at hinawakan ng kaniyang kanang kamay. Lumingon naman siya sa aming likuran kaya nakigaya na rin ako. Papalapit na rin sa amin ang mga lalaki mula roon. Tumakbo na uli si Agustin sa direksyon sa harap namin nang matigil siya. Doon ko nakitang ilang metro na lamang ang kanilang layo sa amain at nagsimula na kaming pinalibutan ng mga ito.


Nakita ko na sila ng malapitan at hindi ko maintindihan kung ano sila. Nakapatantalon sila na nakarolyo ng ilang ulit sa may binti at nakasuot sila ng kayumangging kamisa de chino. At sa kanilang mukha ay may takip din iyon na mata lang ang nakikita. Hindi ko naman masyadong naaninag ang kulay ng kanilang bandana na suot dahil sa dilim.


Napalingon uli ako sa likod at nakitang nakalapit na rin sila sa amin. Pinalilibutan na kami ng mga ito na nasa sampu ang bilang. Hindi ko na napigilan pang kabahan at mabahala. Hindi para sa akin kung hindi para kay Agustin dahil alam kong ano mang sandali ngayon ay makikipaglaban na naman siya sa mga masasamang tao.


"Ano ang kailangan ninyo?" malamig ang boses ni Agustin nang sabihin niya iyon na ikinatingin ko sa kaniya.


"Ang buhay ng binibini."


Kumabog ang puso ko at ilang mga tanong ang nangibabaw sa aking isipan. Ano ang kailangan nila sa akin? Papatayin ba nila ako? Bakit kailangan ang buhay ko?


"Haharapin niyo muna ang aking bangkay," mariing sagot ni Agustin na ikinalingon ko sa kaniya at mas lalong kumabog ang puso ko.


Hinawakan naman niya ako at itinulak ng mahina papunta sa kaniyang likuran. Nakita ko namang naghahanda na ang mga lalaki na umatake sa kaniya. Mas lalo pa akong kinabahan nang pati siya ay bahagya nang yumuko para makipaglaban. Alam kong walang inuurungan si Agustin kaya kinakabahan ako para sa kaniyang kaligtasan.


Natulala ako nang biglang sumuong ang dalawang lalaki nang sabay at inatake si Agustin. Kaagad naman niyang iniwasan ang bawat pagsuntok ng mga ito at sa halip ay pinagbubugbog niya ang mga ito. Sunod-sunod na ang naging pag-atake ng mga lalaki sa kaniya at wala akong nagawa kung hindi ang maging estatwa at manood lamang sa kanila at walang kalaban-laban.


Doon ko napansing may dala palang mga kahoy ang iba. Mas lalo pang bumilis ang puso ko at nanlamig ang buo kong katawan ang gamiton nila ang mga iyon. Tanging pag-ilag lamang ang nagagawa ko kahit hindi naman ako ang kanilang tinatamaan. Mabuti na lang at madaling nakakailag si Agustin. Mabilis naman niya akong hinila papunta sa kaniyang likod nang kaniya-kaniyang lapit ang iba mula sa kabilang direksyon.


"Agustin, mag-iingat ka! Sa iyong likuran... ilag!" nanginginig ako at wala sa sariling binabalaan si Agustin.


Bumalik sa aking isipan ang isang alaala kung saan una ko siyang nakita. Doon iyon sa tagong eskinita ng San Luisiano habang may mga lalaking tinatangkang nakawan siya. Ang kulit ko pa noon dahil sinuong ko ang eksenang iyon at sinubukang iligtas siya ngunit sa huli ako lang naman pala ang inililigtas niya mula sa mga iyon. Hindi ko makalimutan ang sandali iyon, dahil kagaya ngayon, tinaya niya ang buhay at kaligtasan niya upang iligtas ako mula sa mga masasamang tao.


Bago ko pa mapagtanto ay natagpuan ko na lang ang sampung lalaking nakahiga na sa lupa habang namimilipit sa sakit. Mas lalo pa akong namangha sa galing ni Agustin. Bigla siyang humarap sa akin at naaninag ko mula sa liwanag ng buwan ang kaniyang mga pawis na tumutulo mula sa kaniyang noo. Hinahabol niya rin ang kaniyang mga hininga at napangiti sa akin ng kaunti sabay haawak sa gilid ng aking ulo.


"A-ayos ka lamang ba, Binibini?" halos pabulong na niyang sabi. Mabilis naman akong tumango habang nakatulalang nakatingin sa kaniya. Hinawakan niya uli ang aking kaliwang kamay. "Halika na, Umalis na tayo," aniya kaya tumakbo na uli kami.


Hindi pa ako nakatakbo ng ganito kabilis sa tanang buhay ko. Lalo na sa gitna ng kagubatan. Ngunit kahit pa ganoon ay wala akong pakialam dahil alam kong kapag kasama ko siya, kahit anong panganib ang sasalubungin namin ay magiging ligtas ako.


"Bumalik kayo rito!" Isang sigaw ang narinig namin mula sa likuran at kasunod niyon ay isang putok ng baril.


Tila nahulog ang puso ko't lumabas ang aking kaluluwa nang marinig iyon. Sabay pa kaming napayuko ni Agustin at nagtakip ng tenga. Napatakbo pa ako lalo ngunit natigil iyon nang huminto si Agustin kaya nasali ako. Napalingon ako sa kaniya na ngayon ay nakatingin sa akin.


"Naaalala mo ba ang araw na hinatid kita sa inyo dahil tumakas ka at nagpunta sa paglilitis?" biglang tanong niya na kahit pa man ay hindi kita ay napakunot ang aking noo.


"Gawin natin uli iyon," aniya na hindi ko maintindihan kung bakit ako mas lalong kinabahan. "Magbilang ka hanggang isang-daan ngunit ikaw naman ang umalis sa pagkakataong ito."


"Hindi. Hindi ko gagawin iyan," mariin kong sabi. "Aalis tayong dalawa ng magkasama."


"Tumakbo ka at huwag na huwag kang lilingon," pagsawalang-bahala niya sa sinabi ko.


"Agustin, hindi ko gagawin iyan." Naging mahigpit ang paghawak ko sa kaniyang kamay. Sunod-sunod din ang aking pag-iling.


Ikinahulog ng pso ko nang hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at sapilitang tinanggal iyon mula sa aking pagkahawak sa kaniya. "Magbilang ka na."


"Agustin, Agustin, hindi —" Napatigil ako nang bumitaw na siya sa akin at tumalikod sabay lakad pabalik sa kinaroroonan ng mga lalaki. "Umalis ka na!" matigas niyang utos.


"Agustin!" muli kong pagtawag sa kaniya. Ano ba ang ginagawa niya? Nahihibang na ba siya?


"Bilisan mo, Martina!" sigaw niya na ikinakabog ng puso ko. Iyon ay parang hindi si Agustin ang nagsalita at mariin ang kaniyang pagbigkas.


Nagsimula ng magluha ang mga mata kong umiiling habang unti-unting umatras at napatakbo na palayo sa kanila.


"Isa... dalawa... tatlo...."


Nanginginig ang mga tuhod ko habang mas lalo pang binilisan ang pagtakbo. Hindi ko na maintindahan ang labis na pagbilis ng tibok ng puso ko habang sinusuong kong mag-isa ang madilim na daan at iniisip si Agustin na naiwan doon. Bakit niya ginawa iyon?


"Labin-dalawa..labingtatlo —"


Napatigil ako sa pagbilang pati na rin sa pagtakbo nang makarinig ako ng putok ng baril. Tila ba'y napatigil din ang oras at naging dahan-dahan ang paglingon ko sa aking pinanggalingan kasabay ng mabilis, malakas, at nag-ngangalit na tibok ng puso ko. Nakaramdam din ako ng kagyat na paglamig ng buong katawan ko na tila ba may malamig na hangin ang dumaan.


Isang luha ang sumabay sa pagpatak nang ibulong ko ang kaniyang pangalan, "Agustin?"


"Hanapin niyo siya!" Nakarinig muli ako ng boses mula sa kanilang kinaroroonan kaya tila nakidlatan ang puso ko. Anong nangyari? Ba-bakit may putok ng baril? Para..para saan iyon?


"Bilis!"


Mas lalong kumabog ang puso ko nang nagsigawan na sila sa kahit-saang direksyon. Tumulo na ang mga luha ko at mabilis akong tumalikod at tumakbo ng muli papalayo. Naramdaman ko ang buong katawan kong nanginginig habang inaalis ang masasamang pag-iisip. Habang tumatakbo na ako ng mag-isa ay nakaramdam na ako ng takot. Hindi para sa akin kung hindi para kay Agustin. Kung ano na ang nangyari sa kaniya.


Kaagad akong napahinto at tumingon sa pinagmulan ko. Alam kong pagagalitan niya ako kapag ginawa ko ito ngunit hindi ko maatim na iwan na lamang siya roon. Naghanap ako ng kahoy na mapagtataguan pansamantala habang binabantayn ang mga lalaking umalis at makalayo sa kakahabol sa aking iniisip nilang nakalayo na.


Hindi na ako nagsayang pa ng oras at mabilis na tumakbo patungo sa kinaroroonan ni Agustin. Natagpuan ko siyang bahagyang nakahiga sa lupa kaya kaagad ko siyang nilapitan habang patuloy pa rin sa pagluha. Nakahawak siya sa kaniyang may dibdib habang tila ba'y may iniindang sakit dahil sa sunod-sunod na pagkislot.


"Agustin..?" pag-iyak ko.


Mabilis siyang napalingon sa akin kasabay ng pagdalo ko sa kaniya sa lupa. "Martina? B-bakit ka pa narito? Hindi ba't sinabi..ko sa iyong umalis ka na?" Bakas sa kaniyang boses ang gulat at pagkairita.


"Hindi kita ma-maaaring iwan na lamang dito." Inalalayan ko naman siya at pinasandal sa hita ko. Doon ko naaninag gait ang liwanag ng buwan ang dugong umaagos sa kaniyang may dibdib. Nakita ko rin ang kaniyang pamumulta at ang tila inaantok na mga mata na nais ng pumikit. "Ano... Anong nangyari sa i-iyo? Bakit ka du-duguan?" natataranta kong tanong sabay hawak sa kaniyang bandang may sugat.


"Ahh! Masakit," pagkislot niya.


Mas lalo pa akong napaiyak nang marinig ang boses niyang halos pabulong na. "Paumanhin, hindi ko sinasadya."


"Huwag kang hu-humingi ng tawad. U-umalis ka na lang. Iligtas mo ang iyong... sarili," buntong-hiningang aniya at napaubo na hindi ko namalayang dugo na pala iyon.


Habang nakatingin ako sa kaniyang naghihingalo at nahihirapan sitwasyon ay hindi ko na mapigilan pang mapahagulgol na lamang. Hindi ko lubos inakalang darating sa puntong mapupuruhan siya ng dahil sa pagliligtas sa akin. Matagal na niyang ginagawa iyon at ngayon ko pa lang napagtanto kung ano nga ba talaga siya sa puso ko.


"Hindi..." pag-iyak ko. "H-hindi ko kayang iwan ka rito. Mahal na mahal kita, Agustin. Mahal kita." Umagos na ang mga luha ko habang nakatingin sa kaniya na pilit gumigising at humihinga habang iniinda ang sakit na nararamdaman. Tuwa ang naramdaman ng puso ko nang bigkasin ko ang mga salitang iyon.


Nakita ko siya napangiti. "Ka-kay tagal kong hi...hinitay na marinig iyan mula sa iyo. Ngayon..babawian ako ng buhay na ma-masaya sapagkat alam kong i-iniibig mo rin ako."


"Hindi. Hi-hindi ka mamamatay, Agustin. Huwag mong sabihin iyan. Pakiusap..pakiusap mabuhay ka para sa akin." Niyakap ko siya habang umiiyak ako. "Pakiusap.., Agustin, hindi ko kakayaning mawawala ka."


"Hanapin ninyo ang babae! Malalagot tayo kapag nakatakas iyon!" rinig naming sigaw mula sa hindi kalayuan.


Napahawak naman ng mahigpit sa aking kamay si Agustin matapos marinig iyon kaya napabaling ako sa kaniya. "Pakiusap, Binibini. U-umalis ka na. Iligtas mo ang iyong sarili, pa-pakiusap. Hindi..hindi na ako maliligtas pa at ikakapahamak mo pa kapag magkasama ta-tayo. Kaya..umalis ka na. Kailangan mong ma-mabuhay para sa ating dalawa. I-ikakapanatag iyon ng aking puso."


"Agustin..."


"Ma-masaya akong makilala ka, Martina. At masaya akong inibig kita at pa-patuloy kitang iibigin. Ka-karangalan kong protektahan ka at...pa-paumanhin dahil hindi na kita mapoprotektahan. Mag-iingat ka palagi, Martina."


"Hindi.."


"Mahal na mahal kita, Binibining Martina. Mahal na mahal kita."


Tanging pag-iyak na lang ang naging tugon ko sa kaniya. Ang hapdi ng nararamdaman ng puso ko sa mga sandaling ito.


"U-umuwi ka na sa atin, Martina. Bukas ng umaga..kailangan mo nang umalis nang hindi ka nila... masusundan. Ipa..ngako mong maging ligtas ka at maayos. H-huwag mo na akong alalahanin pa sapagkat hi-hihimlay akong masaya dahil kapiling kita sa aking mga huling... sandali. Huwag ka na ring u-umiyak dahil wala na ako sa tabi..mo para pahiran ang iyong mga luha."


Parang gumuho ang buong mundo ko nang marinig ang mga salitang iyon mula sa kaniya. Iyon ay mga huling salitang nais kong marinig. Hindi mapigilang pag-iyak lamang ang nangyari habang kayakap ko siya. Mahigpit ko siyang niyakap, kasabay ng takot na hindi ko na siya muling mayayakap pa. Tila ba'y isang... hindi ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko. Ang sikip ng dibdib ko at ng aking baga. Parang hinihigop ang hangin sa aking paligid. Ang hapdi at sakit sa puso habang kayakap siya at wala man lang akong magawang kahit na ano upang tanggaling ang sakit na iniinda niya.


"Bilisan ninyo!"


"Sige na, Martina. U-umalis ka na.."


Niyakap ko siya ng mahigpit. "Mahal na mahal kita, Agustin."


"Mahal na mahal kita, Martina." Yumakap siya pabalik. "Sige na. Tumakbo ka at huwag kang tu-tumigil hanggang makarating ka sa bahay na iyon. At huwag na huwag kang..lilingon at babalik pa rito."


Mahina niya na akong itinulak pabitaw sa yakap at papalayo sa kaniya. Nakita kong umiiyak din siya habang iniinda ang sakit na nararamdaman sa kaniyang dibdib. Pinipiga ang puso kong nakatingin sa kaniyang nagdurusa ng dahil sa akin. Kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko kung bakit nagyari iyan sa kaniya.


Ngumiti siya sa akin sabay tango na pagpapahiwatig na umalis na ako. Kinamumuhian ko ang sarili ko habang unti-unting tumatayo at umaatras papalayo sa kaniya. Hindi ko na maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko habang ginagawa ko iyon. Hindi ko siya kayang iwan dito ngunit kailangan ko nang umalis.


Mapait na ang nalasahan ko sa aking bibig na tila ba'y mula sa aking sikmura nang dahan-dahan na akong tumalikod at nagsimula nang tumakbo papalayo sa kaniya. Umiiyak ako ng husto habang binabagtas ang mahabang kalsada sa gitna ng kagubatan. Tila ba'y dinudurog ang puso ko kasabay ng pag-agos ng maraming luha mula sa aking mga mata. Gusto kong sumigaw ngunit walang boses na lumalabas mula sa bibig ko. Gusto kong saktan ang sarili ko pero wala na akong lakas pang gawin iyon.


Ang sakit sa pusong isipin na iniwan ko siya roon habang nag-iisa at nagdurusa kahit kailangan niya ng tulong, kahit pa kailangan niya ako. Napahagulgol pa ako ng lalo habang pinipilit na makarating sa bahay. Kahit nanginginig ang mga tuhod ko ay kinalma ko na lamang ang puso ko at pinahid ang mga luhang umaagos mula sa aking mga mata at bumasa sa buong mukha ko. Isang kislap ng pag-asa ang bumalot sa isip ko nang matanaw ko na ang panuluyan. Tahimik na sa buong paligid at wala na akong nakita pang mga tao na nasa labas ng kanilang mga tahanan.


Pagbukas ko sa pinto ng bahay ay bumungad sa akin ang iilang mga tao na nag-uusap habang nakatambay sa kainan. Nakita ko naman ang may-ari na nakatayo sa kaniyang pwesto sa may bukana ng bahay. Nasaksihan ko ang panlalaki ng kanilang mga mata nang makita ako. Tuluyan na akong napaupo sa sahig at napaiyak.


"Tu-tulungan niyo po ako..," hagulgol ko.


"Binibini? Anong nangyari sa iyo?" Isang babae ang mabilis na lumapit sa akin. Kaagad akong napatingin sa kaniya nang daluhan niya akong umupo sa sahig.


"Pakiusap, tulungan niyo ang kasama ko. Ma-may mga taong humahabol sa amin at..binaril siya. Nasa..nasa kagubatan siya. Pakiusap! Iligtas niyo siya.."


Samut-sari namang bulungan at pag-uusap ang natanggap ko. May iba naman na nagsilabas ng bahay upang puntahan daw ang iilang mga kalalakihan sa kanilang baranggay. Lumapit naman sa akin ang may-ari at lumuhod sa akin tabi.


"Huwag kang mabahala, Binibini. Maililigtas siya," pagtitiyak niya. "Ito ang aking may-bahay. Sasamahan ka niya sa iyong silid at maghintay ka lamang doon. Babalik ako rito upang magbalita."


"Pupuntahan ko muna ang kaniyang sinasabing ginoo. Huwag kayong magpapapasok kahit na kanina," baling niya sa kaniyang asawa.


Umalis ang lalaki at inaalo na ako ng babae at inalalayan patayo. Huminga ako ng malalim at sumama sa kaniya sa taas. Pakiramdam ko ay mugto na ang aking mga mata sa kakaiyak. Hindi na nga rin ako maayos na nakakahinga dahil doon. Nakarating kami sa silid at tinulungan niya akong umupo sa upuan. Kinuha naman niya ang damit ko mula sa bolso at inilagay sa higaan. Nag-abot naman siya ng isang basong tubig saka ko iyon tinanggap.


"Ano ba ang nangyari sa inyo, Binibini?" usisa niya saka umupo sa higaan na katapat sa akin. Natulala naman ako ssa basong ipinatong ko sa ibabaw ng aking mga tuhod.


"Hi-hindi ko alam. Bigla na lamang kaming hinabol..ng mga iyon. Inilagay niya sa panganib ang buhay niya pa-para maging ligtas ako...pero iniwan ko lang siya roon," muli kong pag-iyak.


"Sshh, huwag ka ng umiyak, Binibini. Babalik siya rito. Babalik siya," pagpapagaan niya ng loob. "Kaya dapat pagbalik niya ay nasa maayos kang kalagayan. Halika at magbihis ka muna."


Hindi naman ako kumibo at patuloy lamang sa pag-iyak. Narinig ko ang kaniyang paghinga ng malalim kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin siya sa akin ng may kalungkutan sa kaniyang mga mata.


"Masakit, hindi ba?" Umiiyak akong tumango. "Pero magpakatatag ka para sa kaniya. Ano mang sandali ngayon ay darating siya kaya naman kailangan niya ng taong masasandalan kaya kailangan mong maging matapang sa kung ano mang maaaring mangyari."


Tama, tama siya. Hindi ako pwedeng maging mahina nalang at umiyak. Masakit sa akin ang nangyari kay Agustin pero kailangan kong maging matapang para sa kaniya. Alam kong babalik siya at susunod siya sa akin dito. Dahan-dahan akong tumango at uminom uli ng tubig.


Nagpunta na kaagad ako sa palikuran at naghilamos at nagbihis. Hindi na rin ako nagtagal pa at bumalik na para kapag dumating si Agustin ay nariyan kaagad ako. Tahimik kaming dalawang naghintay. Nakaupo lamang ako sa may mesa at nakatitig sa apoy ng lampara na nakasindi roon. Siya naman ay nakaupo lamang sa dulo ng higaan. Hindi ko maiwasang isipin si Agustin at kung ano man ang kaniyang kalagayan niya ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit ang tagal nila. Nasaan na kaya sila?


"Unang beses itong nangyari sa aming lugar," biglang sabi niya. "Kaya hindi ko maintindihan kung sino ang maaaring gumawa niyon sa inyo. Mabubuti ang mga tao rito at wala silang layunin na manakit ng iba."


Dahan-dahan akong tumango, "Na-naniniwala po ako sa inyo." Ngumiti naman siya na nagpapahiwatig na magiging maayos lamang ang lahat.


Mabilis kaming napatayo nang makarinig ng katok sa pinto. Ganoon na lamang ang pagkabog ng puso ko habang nagmamadaling lumapit doon. Binuksan naman ng babae ang pinto at bumungad sa aming ang may-ari ng panuluyan. Bakas sa kaniyang mukha ang pagod buhat ng pagtakbo. Hinahabol niya pa nga ang kaniyang hininga sa may pinto. Napatingin naman ako sa labas at sa kaniyang mga tabi. Nakita kong walang katao-tao roon. Mas lalo tuloy na kumabog ang puso ko.


"Na-nasaan po si Agustin? Nasaan po ang kasama ko?" kaagad kong tanong.


Napatingin siya sa kaniyang may-bahay bago napatingin sa akin. Tinignan ko naman ang babae na magkarugtong ang mga kilay. Naging tahimik ang lalaki ng mahabang sandali kaya tinanong ko uli siya. Ang bilis ng tibok ng puso ko.


"Nasaan na po siya? Maayos na po ba ang kaniyang kalagyan?"


"Nakita namin ang lugar na sinasabi mong sa kagubatan, ngu-ngunit wala na siya roon. Wala ng tao sa paligid pati na rin ang mga taong sinasabi mong hinahabol kayo," tugon niya na naging dahilan ng pagkahulog ng puso ko. "Naroon pa rin ang mga kalalakihan upang usisahin at tignan ang buong lugar. Sana..sana ay nasa maayos lamang siyang kalagayan."


Hindi ko na naiwasan pang maluha. Sobrang gulo na ng isipan ko sa kung anong maaaring nangyari kay Agustin. Paano na lamang kung sinaktan siya ng mga iyon? Mas mainam kung nakatakas siya ngunit labis siyang napuruhan para makaalis sa lugar na iyon sa loob lang nga maikling oras na iyon.


"Sa-salamat po. Babalitaan niyo..po ako kapag dumating siya o nahanap siya," maluha-luha kong wika. Tumango naman siya sabay labas ng babae kaya nanghihina na ako nang sinara ko ang pinto. Napasandal ako roon at umiyak ng tuluyan. Napadausdos ako paupo sa sahig habang tinatakpan ang bibig at umiiyak. Maniniwala at maniniwala akong nasa maayos na kalagayan si Agustin.


Kasalanan ko ang lahat ng ito. Sana hindi na lang kami umalis dito. Sana hindi na lang ako naging emosyonal ng sobra nang sa ganoon ay hindi ko mailalagay sa kapahaamakan ang buhay niya. Kung sana lamang ay maibabalik ko ang nakaraan sisguraduhin kong masaya siya at hindi masasaktan.


Sana, sana bumalik na siya. Hinding-hindi ko patatawarin ang sarili ko kapag nawala siya.


Sa Taong 1890

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 260K 81
A school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.6M 293K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
3.2M 91.4K 86
An unexplainable tradition of Saint Harvest when it comes to their school organization where all of them are part of the campus royalties The goal of...
45.6K 5.1K 81
Chelsea Reyes, a former homeschooler since childhood, wants to go to regular school as a Grade 10 student. She then enrolled in Empyrean Academy, or...