(R-18)A TASTE OF BEBENGKA

By KeichiYeol

57.2K 2.2K 436

*EMBRACE YOUR PASSION AND ALLOW YOUR STRENGHTS TO GROW. YOUR CONFIDENCE IN YOUR ABILITIES WILL NATURALLY GRO... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32

CHAPTER 28

789 38 7
By KeichiYeol

SOMEONE's POINT OF VIEW POV;

"You asked me what am i doing here? Aren't you glad to see me?"Nakangising tugon ni Andrea habang karga parin nito ang batang si Noah.

Humigpit ang pagkuyom ni Chiara sa kanyang kamao at hindi nito maitago ang labis na panginginig dulot ng matinding galit.

"You must be out of your mind, Give me the baby, Andrea!"Nanggagalaiting angil naman ni Chiara.

Lalong napangisi si Andrea dahil sa tugon sa kanya ni Chiara."Oh c'mon! This baby is not even yours!"

"Don't pull that crap on me! Either he's mine or not...none of your fucking business! Just give him to me right now!"Atungal ni Chiara at pasimple nitong inihanda ang sarili upang tangkain sugurin si Andrea.

Subalit agaran naman iyon napansin ni Delvin kaya nilapitan niya ito para pakalmahin.

"Babe, Let me talk to her."Mahinang usal ni Delvin."Mabuti pa Andrea ibigay mo na sa amin ang bata bago pa may magawa ako sayo!"Baling naman nito kay Andrea.

"Oh. Really?"Andrea.

Nakangisi namang inilahad ni Andrea ang bata sa babaeng katabi nito na walang imik.

Maingat naman iyon inabot ng babae.

Pag-angat ng babae sa kanang braso nito upang isaayos ang pagkarga sa bata ay hindi nakaligtas sa paningin ni Delvin ang isang pamilyar na tattoo mula sa braso ng babae.

Could it be?

Sambit ng isang diwa ng binata sa pagkat bigla itong nabahala sa maaaring tama ang kanyang hinala.

"We're taking the baby!"Seryosong sambit lang ni Andrea.

Nanlaki ang mga matang nanigas sa kinatatayuan nito si Chiara buhat sa kanyang narinig.

"Anong sabi mo?!"Nandidilim paningin na singhal ni Chiara.

"What in the world do you mean Andrea?!"Hindi rin makapaniwalang saad ni Delvin.

"I said...kukunin namin ang bata."Tugon ni Andrea sabay irap nito sa dalawa.

Lalong naguluhan ang dalawa sa sinabi ni Andrea.

"Wag mo ubusin ang pasensya ko sa kabaliwan mo!"Galit na angil ni Chiara.

"Anong kalokohan yang pinagsasabi mo Andrea?"Anas naman ni Delvin.

"The kid has nothing to do with us Andrea! Anong karapatan mong kunin ang bata?"Nagtitimpi parin sa galit na bulyaw ni Chiara kay Andrea.

Hindi itinago ng dalaga ang labis na pagkainis at pagkapoot kay Andrea.

Sa isiping pati ang walang kamuwang-muwang na bata ay idadamay nito ay lalong nagpapakulo sa dugo ng dalaga na kulang nalang ay sugurin niya si Andrea.

Bago pa man makasagot si Andrea ay sumingit naman magsalita ang babaeng katabi nito.

"We need to go now!"Mahinang saad nito kay Andrea.

"Wait lang, hindi pa ako tapos sa dalawang ito eh!"Pagtutol ni Andrea.

"Wala na tayong oras Andrea, baka magalit si Boss!"Pangangatwiran naman ng babae.

Gumuhit ang pagkadismaya sa mukha ni Andrea dahilan sa sinabi ng babae."Kainis naman eh! Kung kailan...Ahhhh!"

Nauwi sa malakas na sigaw ang pagmamaktol ni Andrea ng hindi nito napansin na nasa likod na pala niya ang galit na galit na si Chiara.

Napaliyad ito sa sakit dulot ng pagsabunot sa kanya ni Chiara. Sa sobrang galit ng dalaga ay siyang pagtulak nito dahilan upang matilapon sa sahig si Andrea.

Matapos niyang gawin iyon ay kanya naman binalingan ng masamang tingin ang babaeng karga parin ang bata sa mga sandaling iyon.

Akmang sugurin ni Chiara ang babae upang agawin ang bata dito subalit mabilis na nakalayo ang babae.

Tinangka pa nitong lumabas ng pinto subalit gayon nalang ang pagkagulat niya ng nasa likuran na pala niya si Delvin.

Parang isang kisap-matang naagaw agad ni Delvin ang bata mula sa kamay ng babae.

Subalit agaran naman siyang sinunggaban ng dalawang lalake ngunit dahil mabilis siya kumilos ay kanya naman nailagan ang mga ito sabay sipa sa kanila tuwing tatangkain nilang lapitan siya.

Hanggang sa mapaatras palabas ng bahay si Delvin na karga-karga parin ang bata.

Sinubukang agawin ulit ng babae ang bata mula kay Delvin subalit bigo parin ito.

Agad namang sumunod sa labas si Chiara upang awatin ang babae hanggang sa nauwi na nga sa intense na labanan.

Pinaulanan ng suntok at sipa ni Chiara ang babae ngunit gayon lang kadali para sa babae na iwasan ang mga suntok at sipa nito.

Ilang sandali pa ay nawindang si Chiara ng mabilisan siyang mahuli ng babae upang sakalin siya nito patalikod.

Dahilan kaya hindi na makagawa ng pagsugod at pag iwas si Chiara.

Malaki at matangkad ang babae kaya hirap si Chiara na baklasin ang matigas nitong braso na nakapalibot sa kanyang leeg.

Hirap siyang huminga subalit nanatili siyang nagpaka tapang at nag-isip ng paraan kung paano ito makakaligtas mula sa pagkaka sakal sa kanya ng babae.

Habang si Delvin ay patuloy parin sa pakikipag laban sa dalawang lalake. At higit siyang naantala nang makitang nahihirapan si Chiara sa kamay ng babaeng katungga nito.

Idagdag mo pang sa mga sandaling iyon ay nagising na si Noah bagamat umalingasaw sa paligid ang malakas nitong pag iyak.

"Damn it!"Napapamurang sambit nalang ni Delvin.

"Hindi man kita kayang labanan, kaya parin kitang patayin tulad ng ginawa ko sa lola mo! HAHAHA!"Mala demonyong ngisi na saad ni Andrea ng makatayo na ito mula sa pagkahandusay sa sahig at humalakhak ng malakas.

Nilapitan niya si Chiara na namumula na dahilan sa higpit ng pagsakal sa kanya ng babae.

Tinitigan ng matalim ni Chiara si Andrea at hindi iyon nagustuhan ni Andrea.

Kaya isang malakas na sampal ang ipinukol nito kay Chiara "Don't you freaking look at me like that bitch, it's creeping me out!"Malakas na bulyaw sa kanya ni Andrea.

Ngunit mas lalong diniinan ni Chiara ang pagtitig kay Andrea na kulang nalang ay patayin nito sa pamamagitan lang ng masamang titig ang kaharap.

"Kailangan na natin umalis Andrea, tapusin muna ang babaeng ito nang makaalis na tayo. Ako nang bahala sa lalake at sa bata, kaya bilisan mo na!"Atungal na sambit ng babaeng nasa likod parin ni Chiara.

Mas lalong napangisi si Andrea at naghanap ito ng bagay na pwede niyang gamitin upang saktan si Chiara.

May nakita siyang glass vase na malapit sa night stand ng sofa at iyon ay kanyang dinampot sabay hampas nito sa pader upang mabasag.

Kinuha nito ang isang matulis na kapiraso ng basag na vase tsaka nakangising lumapit kay Chiara.

"Katapusan muna Chiara, Kahit kailan wala akong pinagsisihan sa pagwasak ko sa pamilya mo dahil kulang pa yan sa ginawa sa'kin ng gagong yun! Kaya uubusin ko kayo."Punong-puno ng poot at galit na sigaw ni Andrea sa mukha ni Chiara.

"You are really something Andrea! Hinding-hindi ko parin nakakalimutan ang ginawa mo sa pamilya ko punyeta ka! Pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo tandaan mo yan!"Malamig na litanya ni Chiara at mas pinakatitigan niya ng nakakamatay na tingin si Andrea.

Gumuhit naman sa mukha ni Andrea ang magkahalong galit sabay dampi nito sa mukha ni Chiara ng kapirasong basag na vase.

"Ang lakas ng loob mong pagbantaan ako! Paano kong sabihin ko sa'yo na katapusan muna ngayon? HAHAHA."Parang nahihibang na tugon ni Andrea.

"Hindi mo paba tatapusin to Andrea? Gusto mo ako na tumapos eh!"Naiinip na singit naman ng babae.

"SHUT UP!"Malakas na sigaw ni Andrea sa babae."Ako lang dapat ang tatapos sa kanya! Kaya wag kang atat dyan Tere!"Dagdag pa nitong sigaw.

Hindi na nakaimik ang babae ngunit halatang naririndi na din ito sa inasal ni Andrea.

Kaya sinamantala ni Chiara ang pagkakataong iyon upang buong lakas niyang inundayan ng apak ang paa ng babae dahilan para mabitawan nito si Chiara.

At mabilis namang inagaw ni Chiara ang basag na vase sa kamay ni Andrea na siyang ikinagulat nito.

Nang maagaw nito ang basag na vase ay walang alinlangan niya iyon iniwasiwas sa mukha ni Andrea.

"AHHHHH! MY FACE! MY PRETTY FACE!"Malakas na sigaw ni Andrea sabay luhod nito sa sahig habang nakahawak sa duguan niyang pisngi na nagalusan ng malaking sugat.

Halos hindi na ito mapigil sa pagsigaw na may kasamang iyak dahil sa kanyang natamong sugat at halos magtalsikan ang dugo niya sa sahig.

Agad naman inihagis ni Chiara ang basag na vase at mabilis itong sumugod sa babaeng pilit lumalayo sa kanya.

Tagumpay naman itong nakalabas ng pinto subalit natigilan siya ng mapatingala siya kay Delvin na hinihingal na nakatayo sa kanyang harapan.

Hindi magkanda ugagang napasilip ang babae sa likuran ni Delvin ng makita nitong nakahandusay na sa sahig ang dalawang lalake na walang malay.

Umatras ng bahagya ang babae ngunit napalingon ito ng mapansing nasa likod na pala niya si Chiara.

"Tang-ina naman oh, bakit ngayon pa! Bwisit!"Napapamurang bulong ng babae ng mapagtanto nito na wala na siyang takas.

Sinubukan pa nitong manlaban subalit huli na nang hampasin siya ni Chiara sa ulo nito gamit ang isang maliit na mesa na dinampot niya mula sa sala.

Kaya ilang saglit pa ay tuluyan nang bumagsak sa sahig ang katawan nito na wala nang malay tao.

Pagkatapos ay walang pakundangan namang binalikan ni Chiara ang kanina pa nagsisigaw sa pag iyak na si Andrea.

Marahas nitong pinunit ang manipis na telang trouser ni Andrea at pagkatapos ay agad na isinaksak iyon sa bunganga ni Andrea.

Kasunod non ang pagtali niya sa magkabilang kamay ni Andrea. Sinubukan pang magmatigas ni Andrea subalit sunod-sunod na sampal lang ang inabot niya sa galit na galit na si Chiara.

Napuno ng dugo ang mga palad ni Chiara dulot ng pagsampal nito kay Andrea na duguan ang mukha dahil sa sugat na natamo nito.

Buong lakas na iniluwa ni Andrea ang tela na nakapaloob sa bunganga niya.

Tanging iyak at hagulgul nalang ang nagawa ni Andrea bagamat nabalot na nang paghihinagpis at galit ang puso ni Chiara kaya ni isang katiting wala siyang nararamdamang awa dito.

Napapailing nalang na nakamasid sa kanyang ginagawa si Delvin na pilit pinapatahan sa pag iyak ang batang si Noah.

Ngunit

"Hold on babe, don't do it!"Sambit ni Delvin nang makita nitong sinakal ni Chiara si Andrea.

"Punyeta ka! Sabihin mo sa akin kung sino ang taong dahilan ng walang katapusan mong paghihiganti sa pamilya ko. Sabihin mo!"Nanlilisik na sigaw ni Chiara sa pagmumukha ni Andrea.

"T-that man...i love him so much."Mahina ngunit nanlulumo na tugon ni Andrea."Pero dahil sa ginawa niya kaya ako nagkakaganito. I hate him...i hate him!"Parang nasisiraan ng katinuan na angil ni Andrea.

Pak*

Isang malakas na sampal ang pinukol sa kanya ni Chiara dahilan upang matigilan ito sa pagwawala.

"Sino? Sabihin mo kung sino ba talaga ang taong yun! Anong kinalaman namin sa kanya? Magsalita ka Andrea!"Nanggigil sa galit na bulyaw ni Chiara.

Ngunit

Isang nakakapag painit ng dugo na ngisi ang tinugon ni Andrea sabay sabing..."Kilala mo ang taong yun, sobrang galing niyang magtago. Hindi ako makapaniwala na wala ka parin pala alam hanggang ngayon."

Sa sobrang inis ni Chiara ay agaran itong dumampot ng nagkalat na piraso ng vase of flower sa sahig.

Walang alinlangan nitong ibinaon sa balikat ni Andrea dahilan upang mapasigaw ito sa sakit.

"Tell me...who the hell is he? Papatayin kita kapag hindi mo pa sinabi ang totoo Andrea! Nandidilim paningin ko sayo punyeta ka!"Malakas na bulyaw ni Chiara.

Napaatras ng bahagya si Andrea palayo kay Chiara. Nakaramdam ito ng matinding takot at panginginig habang naka tingala sa nanlilisik mata ni Chiara.

Nakikita nito na kaya siyang patayin ni Chiara kung kailan niya gustuhin sa mga sandaling iyon.

Kaya hindi naitago ni Andrea ang kanyang takot na nararamdaman kay Chiara sa unang pagkakataon.

Napaiwas siya ng tingin kay Chiara dahil pakiramdam niya ay hinihila ng mga mata ni Chiara ang kaluluwa ni Andrea dahilan upang balutin na siya ng kilabot at takot.

"L-let me go! Let me go...!"Malakas na atungal ni Andrea.

Agad naman lumapit sa gawi nila si Delvin at marahan nitong inilayo si Chiara sa nagwawalang si Andrea.

"Chiara. That's enough."Mahinang saad ni Delvin sabay yakap nito kay Chiara.

Nanlambot ang tuhod ni Chiara at napaupo sa sahig habang ang walang emosyon nitong titig ay nakatuon parin sa pilit nagpupumiglas at nagwawala na si Andrea.

Ilang sandali pa ay...

Hindi na napigilan ni Chiara ang maiyak at kusa naman itong napahawak sa braso ni Delvin.

Malugod naman siyang inalalayan ni Delvin habang karga parin ang batang si Noah na tumahan na sa pag iyak.

Naramdaman agad ni Chiara ang presensya ni Delvin na yumakap ulit sa kanya at napapikit pa siya ng damain nito ang madiin na paghalik sa kanya ni Delvin sa ulo.

"It's okay babe, husssh tahan na."Pag-aalo nito kay Chiara na humihikbi ng mahina.

Hindi nalang nakakuha ng sasabihin si Chiara sa halip ay itinuon nalang nito ang lahat sa pag iyak.

Sa isip ni Chiara ay bumalik lahat ng alaala kung saan naabutan nito noon ang kanyang wala nang buhay na lola Belen.

Muntik na siyang mawala sa katinuan kanina at gusto na nitong wakasan ng buhay si Andrea.

Ngunit dahil sa pag awat sa kanya ni Delvin kaya nahimasmasan siya at napaupo nalang buhat nang matinding galit at kalungkutan sa puso nito.

Tanging iyak nalang ang magagawa niya sa mga sandaling iyon.

Masakit parin para kay Chiara ang pagkamatay ng kanyang lola kaya minsan dahil sa galit ay hindi nito maiwasan ang mawalan nang hwisyo lalo na kapag kaharap na nito ang taong dahilan ng pagkamatay ng kanyang pinaka mamahal na lola.

Umiiyak man ay agaran naman nitong kinuha mula kay Delvin ang batang si Noah.

Niyapos niya ng mahigpit ang bata sabay dampi ng halik sa pisngi nito."Thank god, you're safe Noah."Tanging bulong niya na animo'y mis na mis niya ang bata.

Ikinulong ni Delvin sa matigas at malaki nitong braso si Chiara habang kayakap din ang batang si Noah.

Ayaw na ayaw niya kasing nakikita na nalulungkot ang dalaga lalo na kapag umiiyak ito.

Nasasaktan siya na parang dinudurog ang parti ng kanyang pagkatao.

At makitang mas higit nahimasmasan ang dalaga matapos nitong yakapin si Noah.

Hindi niya alam kung paano ipagtatapat ang lahat sa dalaga tungkol sa batang si Noah.

Gayon pa nga at sobrang napamahal na si Chiara sa bata.

Nahihirapan siyang magdesisyon bagamat mas ninais na nitong manahimik nalang muna habang hindi pa gaano malinaw ang lahat.

***

"Are you okay now babe?"Nag-aalalang tanong ni Delvin sa tahimik na si Chiara habang katabi nitong nakahiga sa kama ang tulog na si Noah.

Ilang minuto na din nasa loob ng kwarto si Chiara kasama si Noah upang painumin ng gatas at para na rin makatulog ang bata.

Habang kapapasok lang ni Delvin sa kwarto galing sa labas.

Labis siyang nag-alala sa kasintahan kaya naman hindi nito maiwasan ang suriin siya minu-minuto kung ayos naba ang dalaga o hindi.

"Wag kang mag-alala Delvin, ayos lang ako."Tipid na ngiti nitong baling kay Delvin.

Maingat naman tumabi ng higa si Delvin sa likod niya sabay yakap dito."I was really fucking worried kanina eh."Bulong niyang tugon.

"Pasensya kana, hindi ko lang napigilan sarili ko eh!"Ani Chiara.

"Just don't do that again, ako na bahala kay Andrea. Tumawag na ako kay Blake na magpadala siya ng police dito para damputin ang dalawang yon."Usal ni Delvin.

Maingat naman bumaling ng higa paharap si Chiara kay Delvin at nagtama ang kanilang mga mata.

"Pero paano mo mapapatunayan ang mga kasalanan nagawa ni Andrea? Wala tayong mabigat na ebidensya sa pagpatay niya kay lola Belen at sa nangyari sa pinsan kong si Brando. Paano?"May pagkabahalang sambit ni Chiara.

Iniangat ni Delvin ang braso nito upang hawakan ang pisngi ni Chiara sabay ngiti sa kanya."Don't worry about that babe, tulad ng sabi ko...ako na ang bahala."Sinseridad na tugon naman ni Delvin."Hayaan na natin na ang hustisya mismo ang magpasya sa parusa na matatamo ni Andrea. I'll make sure na pagbabayaran niya ang kanyang ginawa!"Dagdag niya pang sabi upang mapakalma si Chiara at mapagaan ang loob nito.

Pagkwan ay bahagyang bumangon si Chiara at ganon din si Delvin.

Nagharap silang dalawa."Kakausapin ko si Andrea tungkol sa taong yun."Ani Chiara sa napaka seryosong tinig.

Mariin naman siyang hinawakan ni Delvin sa mga palad nito."Kaya mo bang gawin yun nang hindi mo siya masasaktan? You almost kill her a while ago."Delvin asked.

Sigundo bago nakasagot si Chiara."Susubukan ko."

"Okay ganito nalang para sigurado sasamahan kita. Baka kasi ano pang magawa mo eh, kilala kita babe. Hindi mo kayang kontrolin minsan ang galit sa puso mo at ayokong makagawa ka ng bagay na balang araw ay pagsisisihan mo."Malugod na tugon ng binata sa dalaga.

Napatango nalang si Chiara at marahan itong bumaba sa kama. Nilingon niya ng tingin ang natutulog na si Noah bago pa ito magpasyang lumabas ng kwarto kasama si Delvin.

Subalit bago pa man sila tuluyang makalabas ay natigilan sila nang may pamilyar na boses silang naririnig galing sa sala.

"Chiara? Chiara?"

Mabilis na naglakad palabas ang dalawa upang puntahan ang taong tumatawag sa ngalan ni Chiara.

Pagdating nila sa sala ay naabutan nila ang lola Donita nila na nawindang sa mga nagkalat na bahid ng dugo sa sahig at ang mga gamit na nagkalat.

"Lola Donita?"Gulat na untag ni Chiara.

Agad naman napahakbang ng lapit ang lola Donita nito na sobrang nag-aalala.

"Jusko hija! Anong nangyayari dito?"Hindi mapakaling tanong nito.

"Kayo po, anong ginagawa niyo dito?"Sa halip ay nababahalang balik tanong ng dalaga.

"Diba dapat ako muna ang sagutin mo kung anong nangyayari? Bakit may mga dugo sa sahig? Kinakabahan ako pagdating palang namin dito kanina."Bakas sa boses nito ang labis na pagkasindak.

"Po? May kasama kayo?"Nagtatakang tanong ulit ng dalaga.

Bagamat bago pa man makasagot ang ginang ay nakuha ng atensyon nila si Delvin na kagagaling lang sa guest room kung saan niya iniwan doon kanina si Andrea at ang babaeng kasama nito.

"God damn it! Where the fuck are they?!"Halos mapasabunot sa ulo na banggit ni Delvin sabay dukot sa selpon nito mula sa kanyang bulsa at saka may tinawagan sa kabilang linya.

Nagtataka naman lumapit sa kanya si Chiara."Bakit Delvin? Anong problema?"

"Wala sila sa guest room, doon ko lang sila iniwan kanina eh."Naiinis na sambit ni Delvin.

Akmang takbuhin ni Chiara ang guest room para silipin kung totoo ba ang sinasabi ni Delvin.

"Sinong sila hijo?"Naguguluhang baling sa kanya ng lola Donita nila.

"La, dalawang babae. Mapanganib ang dalawang yun, hindi ko alam paano sila nakalabas ng bahay."Natatarantang turan naman ni Delvin.

Subalit...

"Naku kanina lang pagdating namin sa tapat ng gate ay may mga kotse na nakaharang. Hindi nga kami agad nakababa sa taxi eh, hindi ko alam kung anong nangyayari dahil pinigilan ako ng pinsan mo na bumaba sa kotse."Lola Donita says.

Naalarma naman agad si Chiara sa sinabi nito habang si Delvin ay abala na sa pakikipag usap sa taong kausap nito sa kabilang linya.

"Anong ibig mong sabihin lola Donita? At sinong pinsan ang tinutukoy po ninyo?"Mapang usisang baling nito sa kanyang lola Donita.

"Eh sino pa bang pinsan mo ang tinutukoy ko, kundi si Brando."Lola Donita.

Halos manlaki ang mga mata ni Chiara sa gulat."Po? Si...Brando?"

"Bago ka magulat sa pagsulpot ko gurl eh ipaliwanag mo muna sa akin kung totoo ba ang nasaksihan ko kanina?"

Mabilis na napabaling ng lingon si Chiara mula sa likod nito kung saan naroon ang pinsan nitong si Brando na nakatayong nakatitig sa kanya.

Maging si Delvin ay natigilan na din at gulat na napalingon kay Brando.

Hindi namalayan ni Chiara ang mga luha na lumandas sa kanyang pisngi at patakbong sinugod ng yakap ang pinsan nitong si Brando.

"Brando...Oh god! Okay kana? Seryoso? Nakakapag salita kana ulit?"May halong saya na turan nito habang kayakap ang pinsan.

Napapangiti at napapatango naman ang kanyang pinsan sabay yakap din nito sa kanya pabalik na animoy namis din niya si Chiara.

"Ang drama mo ah, obvious ba? Naririnig mo na nga akong nagsasalita tapos magtatanong kapa gaga."Pilyong sambit naman ni Brando.

"Hindi mo naman masisisi si Chiara, sobrang nag-alala rin yan sayo eh."Turan naman ng lola Donita nila.

"Oo na, eh pero tama na ang drama gurl."Pilit nitong pinakalma si Chiara at ilang sandali pa ay dumistansya na sila sa pagyakapan."Okay na ako, kaya wag ka nang mag-alala. Pero maiba ako, totoo ba ang nakita ko kanina?"May pagtatakang dagdag nitong sabi.

"I'm so relieved Brando dahil magling kana."Puno nang kasiyahang saad nito sa tuwa na makitang ayos na ang kanyang pinsan."Pero teka, Anong nakita na pinagsasabi mo?"Pagtatakang tanong nito Chiara.

Napatingin naman ng bahagya si Brando kay Delvin na noon lang niya nakita sa unang pagkakataon.

Maging si Delvin ay seryoso din napatitig kay Brando.

"Nakita ko kanina si Ahmon, marami siyang kasamang mga lalake. Gulat na gulat nga ako eh, hindi ako makapaniwala na siya si Ahmon kaya sa sobrang curious ko ay sinundan ko siya. Pero mas higit akong nawindang sa hindi  inaasahang makikita ko na ginawa niya."Mahabang paksa ni Brando.

"Ano ba talaga ang nakita mo? Anong ginawa ni kuya Ahmon?"Punong-puno ng pagtatakang tanong ni Chiara.

"Nakita ko...kinaladkad niya si Roseta. As in parang ginawa niyang hayop si Roseta, kaladkarin ba naman habang nakahawak sa buhok ni Roseta. Nung una hindi ko nakilala si Roseta pero nang makita ko sa malapitan ay napatunayan kong siya nga yun. I'm so devastated sa mga nasaksihan ko. Alamo yun,si Ahmon na dati ay naka wheelchair lang at hindi nakakapagsalita ay magaling na at si Roseta na impakta ay kinaladkad niya papasok sa kotse, kaalis lang nga nila eh kasi binugbog talaga ni Ahmon si Roseta na halos maubusan na nang lakas at alamo ba na tinatawag niya si Ahmon nang..."Bago pa man matukoy ni Brando ang iba pa nitong sasabihin ay natigilan sila ng mabilis na lumabas ng bahay si Delvin.

Labis naman iyon ipinagtaka ni Chiara kaya sinundan niya ito para pigilan."Delvin, saan ka pupunta?"

"Aalis lang muna ako saglit, dito lang kayo. I'll be right back babe."Pagkatapos sabihin iyon ni Delvin ay mabilis niyang dinampihan ng halik sa labi si Chiara bago ito nag dash ng takbo palabas ng gate sakay ng motorbike nito.

"Gurl? Who is that handsome guy? Jowa mo? OMG! Ang dami ko na palang hindi alam grabi."Halos mapatakip sa bibig na usal ni Brando.

"Saka ko na ipapaliwanag Brando, ituloy mo yung sinasabi mo kanina. Ano pang nasaksihan mo?"Sa halip ay baling niyang tanong kay Brando sa napaka seryosong tinig.

"Okay ganito kasi yun...narinig kong tinawag niyang...!"

"Hija tingnan mo ito, diba si Ahmon to?"

Naudlot ang pagsasalita ni Brando nang sumingit sa kanila ang lola Donita nila na may hawak na kwintas at may pendant iyon na heart shape.

Inilahad ng lola Donita nila kung ano ang laman ng heart shape pendant na iyon.

At doon halos kapwa nanlaki ang mga mata ni Brando at Chiara sa kanilang nakita.

"Oh my god! Totoo?"Hindi makapaniwalang sambit ni Brando.

Habang si Chiara ay nanlambot ang tuhod sa kanyang nakita at wala sa sariling nabitawan nito ang pendant na naglalaman ng isang larawan.

Larawan ng kuya Ahmon nito kasama ang may napaka lapad ng ngiti na si Andrea.

No! Hindi maari. Paanong nangyari ito?

Naguguluhang usal ng isang diwa ni Chiara.

"Ibig sabihin...si Kuya at Andrea ay matagal nang magkakilala?!"Walang buhay na saad ni Chiara.

"Hindi lang yun, i think they have a deep past relationship gurl. Kita mo naman sa lawaran eh, my god!"Atungal naman ni Brando."But wait...did you just say Andrea? You mean...Andrea ang totoong pangalan ng babaeng yun?"Naalintanang tanong pa ni Brando.

Tanging ang pananahimik nalang ng dalaga ang naisagot nito kay Brando dahil sa mga pagkakataong iyon ay maging siya...

Naguguluhan sa lahat ng kanyang hindi inaasahang malaman ukol sa kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanyang kuya Ahmon at sa babaeng kumitil sa buhay ng kanyang mahal na lola.

"Ang babaeng ito ba ang pumatay kay ate Belen? Itong babaeng kasama ni Ahmon sa larawan?"Nanginginig sa galit na turan naman ng lola Donita nila.

Napatango naman si Brando bilang pagsagot sa katanungan nito.

Kaya sa galit at inis ng lola Donita nila ay napaluhod nalang ito saka doon napahugulgul ng iyak.

Kaagad naman siyang inaluhan ni Brando."Kaya pala niya tinatawag na honeybabe si Ahmon dahil may nakaraan pala silang dalawa! Kaya ba halos durugin ni Ahmon si Roseta este Andrea kanina dahil sa galit. Dapat patayin na siya ni Ahmon eh, kulang pa nga yun sa ginawa ng impaktang Roseta na yun!"Nanggagalaiti sa galit na sambit nito.

Habang si Chiara ay lihim na napakayukom ng kamao sabay sabing...

"Si K-kuya Ahmon...siya ang tinutukoy ni Andrea na...Monster?! Pero kailan pa? Paano sila nagkakakilala ng Andrea na yon!"Mahinang bulong ni Chiara at naramdaman agad nito ang mabibigat na luha sa kanyang mga mata."HINDI!...HINDI PWEDE! BAKIT?...BAKIT SI KUYA PA! BAKIT! AAAHHHHH!"

Sa sobrang galit ng dalaga ay hindi nito napigilan ang sarili na mapasigaw ng malakas.

Pakiramdam niya durog na durog ang puso niya ng mga sandaling iyon.

Dahil hindi niya matanggap na ang kanyang pinaka mamahal na kuya Ahmon ay ang taong matagal na niyang hinahanap at kinagagalitan na siyang naging dahilan ng pagkasira ng kanilang masayang pamilya at ang pagkamatay ng kanyang pinaka mamahal na...

Lola Belen.

Kuya Ahmon!

What is going on?

Bakit nangyayari ito sa atin?

What have you done to our family?

***MONTERELAOS.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 36.8K 62
WATTYS WINNER When her fiancé ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...