Sa Taong 1890

By xxienc

85.7K 3.5K 1K

Siya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang... More

Mula sa May-akda
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70

Kabanata 58

484 16 9
By xxienc

|Kabanata 58|


"Senyorita?"


Naglakad naman ako sa papunta sa pinto nang marinig ang boses ni Isay.


"Bakit, Isay?" taka kong tanong dahil kabibigay lang niya ng meryenda ngayong umaga.


"Mayroon kang sulat galing kay Ma-mateo Quilario?" Bakas sa kaniyang boses ang pagtataka nang basahin iyon. Nagdugtong naman ang aking mga kilay.


Sino naman si Mateo? Bakit may sulat at bakit ngayon pa nagparamdam ang taong iyan?


Pinadulas naman ni Isay sa ilalim ng pinto ang isang mapusyaw na kayumangging papel kaya napayuko ako upang pulutin iyon. Naroon pa rin ang pagdugtong ng mga kilay ko nang bali-balktarin ang sobre upang basahin ang mga nakasulat.


Binibining Maria Graciana Kristina Del Veriel

Mateo Quilario


Iyon ang nakasulat sa likod ng sobre. Mas lalo tuloy na kumunot ang aking noo dahil sa nabasa. Alam niya ang kompletong pangalan ni Kristina?

"Salamat, Isay," mabilis kong sabi saka naglakad papunta sa may bintana at umupo sa upuang naroon.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at mabilis iyong binuksan at pinasadahan ng tingin. Pamilyar.


· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·

Abril 17, 1890

Binibining Martina,

Sinusulat ko ang liham na ito kasama ang kahilingan na sana ay makarating ito sa iyo. Batid kong ikaw ay nagtataka nang mabasa ang pangalang nakasulat sa labas nito. Ngunit hayaan mong ako'y magpakilala. Ako ito, ang ginoong sinagot mo ng 'Oo' noong ika-pito ng Marso.


Napatigil naman ako sa pagbabasa dahil doon. Si..si Joaquin ito?!


Kinakailangan kong magpalit ng pangalan sapagkat ayaw kong madamay ka pa sa nangyayari sa aming pamilya at iniiwasan ko rin na magkaroon pa ng pag-uusapan sa bayan kung sakaling mabasa ang pangalang nakasulat sa sobre. Ngunit, iyan ay pangalan ko rin, ang aking ikalawang pangalan at ang apelyido ng aking Ina.

Kumusta ka na, mahal ko? Sampung araw matapos ang isang buwan ng pagiging magkasintahan natin, humihingi ako ng patawad dahil sa mga pangyayaring naganap at hindi man lang tayo nagkaroon ng oras na magkasamang dalawa o mamasyal man lamang.

Batid kong labis ang iyong gulat sa pangyayari at marahil hanggang ngayon ay hindi mo pa rin matanggap ang mga ito. Huwag ka ng labis pang magpagod sa kakaisip tungkol sa akin at sa aking pamilya. Magiging maayos lamang ang aming kalagayan.

Ikalawang araw mula noong kami ay dumating rito ay unti-unti kaming nakikibagay rito. Bagaman naninibago sa lahat ng mga bagay rito ay ginagawa namin ang lahat nang sa gayon ay matuto at makibagay sa lalong madaling panahon.

Maganda rin ang kanilang lugar dito ngunit mas maganda pa rin ang ating bayan. Lalo na at nariyan ka. Napaisip tuloy ako sa lugar kung saan tayo madalas na magkita. Sa tagong talon ng kagubatang walang hanggan. Marami tayong masasayang alaala roon na tiyak din akong hindi na madadagdagan.


Hindi ko na namalayan pang tumulo na ang mga luha kong ilang araw kong pinipigilan. Sumikip ang dibdib ko habang patuloy na binabasa ang kaniyang sulat. Kahit pa masaya ang kaniyang sulat ay hindi pa rin maitatago ang sakit sa likod ng mga salitang iyon.


At alam mo ba, ang bait ng mga tao rito kagaya ng mga nariyan. Tumutulong sila at nagbibigay pa ng iilang mga kailangan. Nakakahiya na nga at tinatanggihan na ni Ina ngunit mapilit sila. Mabubuti ang kanilang mga puso kaya makakaasa kang nasa mabuting kalagayan lamang kami.

Nagpapagaling na rin si Ama at inaalalayan lang namin palagi. Si Ina naman na halatang naninibago sa lahat ay hindi namin pinapabayaan. Madalas ko siyang makitang umiiyak ng palihim ngunit ngumingiti kapag nasa aming harapan. Ipagdasal mo na magiging maayos lamang ang aking Ina at maging matatag siya.


Pilit kong kinakalma ang sarili ko ngunit wala na akong nagawa pa nang tuluyan na akong napahagulgol dahil sa mga nalaman. Hindi ko akalaing ganito ang magiging epekto sa akin ng mga taong minsan kong nakasama rito. Naaawa ako sa kanila at kasabay niyon ang ang galit ko. Kung bakit pa kasi kailangang mangyari ang bagay na ito?


Ikaw, mahal ko, kumusta ka na? Kumusta na kayo? Kwentuhan mo ako sa mga nangyari sa inyo at sa ating bayan. Nangungulila na kami sa inyo at nais namin kayong makita. Ngunit, batid naming hindi na mangyayari iyon kaya kumakapit na lamang kami sa mga alaalang magkasama pa tayong lahat.

Ikumusta mo kami sa kanilang lahat. Kung pahintulutan ay sana muling magtagpo ang ating mga landas. Susulatan kita uli at sana ay matutugunan mo itong aking liham.

Iyong-iyo,

Mateo Quilario

· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·


Nakatingin lamang ako sa liham habang patuloy na umiiyak hanggang sa lumabo na ang aking paningin at halos hindi na ako makahinga. Hindi ko alam kung bakit labis ang pag-iyak ko. Wala na nga akong lakas nang tumayo ako at sinalampak ang sarili sa higaan at doon ikinalma ang sarili. Hindi ko namalayan pang nakatulog na pala ako.


· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·

Abril 20, 1890

Mateo Quilario,

Masaya akong pinadalhan mo ako ng liham. Susulatan dapat kita sa kasunod na araw ng inyong pag-alis ngunit hindi ko alam kung saan ko iyon ipadadala. Ngayon lamang dumating ang liham, ngunit, masaya ako nang matanggap ko 'to.

Paumanhin kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito sa iyong pamilya. Nalulungkot ako sa lahat ng ito. Nais ko na kayong makitang muli. Kahit ilang araw pa ang lumipas mula noong kayo ay lumisan ay tila ba mahabang panahon na iyon.

Ganoon pa man ay masaya akong malaman na maayos lamang ang inyong kalagayan diyan. Hindi na ako labis na mag-aalala kung ano na ang nangyayari sa inyo. Hinihiling kong sana ay masaya ang inyong pamumuhay riyan saka lang papanatag ang aking loob.

Maayos naman kami at kagaya ng naikwento ko sa iyo sa nauna kong mga liham ay narito pa rin ako sa aking silid. Hindi pa rin ako papayag sa nais nilang mangyari dahil kapag hindi ko napigilan ang lahat ng iyon pagsisisihan nila ang lahat.

Sabi nina Kuya at Isay, bumalik na uli ang sigla ng bayan at wala na ang kanilang takot sa sinasabing mga rebeldeng nasa paligid pa rin. Ang balita sa akin ay ipapamahagi raw ang iilan sa inyong mga lupain sa mga hikahos at ang iba ay mapupunta sa pamahalaan. Batid kong ikakasakit ng inyong mga puso at loob ang balitang ito ngunit alam kong nais niyong malaman ang kinahinatnan ng mga bagay na inyong pinaghirapan.

Labis ang kalungkutan ko sa mga ito. At kung maibabalik ko lamang ang lahat, hindi ko hahayaang mangyari ito sa inyong pamilya. Alam kong mabubuti kayong mga tao at walang ibang nais kung hindi ang kaayusan at kapayapaan sa bayan kaya hindi karapat-dapat na mangyari ito sa inyo, ang maliitin at dungisan ang inyong pangalan.

Nangungulila na rin kami sa inyo. Inaalala ko na lamang ang mga araw na magkakasama pa tayong lahat at pawang nakatawa lamang. Tiyak akong magkikita pa tayong muli kaya huwag kang mabahala. Hinding-hindi ako bibitaw, Mateo.

Nagmamahal,

Martina

· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·


Ipinasok ko na sa sobre ang papel saka iyon inilagay sa mesang pang-aral na pinailaliman ng kaunti sa bandeha ng pagkain. Umupo na lang ako sa higaan at nagbasa ng libro pampawala ng kabagutan sa buhay. Tila mababaliw na ako rito sa loob ng silid na walang ibang ginawa kung hindi ang kumain, umupo, matulog, kumain, umupo, magsulat, matulog. Paulit-ulit na lamang.


Halos matapos na nga ang buwan ng Abril hindi pa rin ako makalabas dito. Seryoso ba talaga siyang hanggang sa kasal 'to? Pechay, hindi man lang ako naaarawan.


Napaangat ang tingin ko patungo sa pinto nang makarinig ng kaluskos ng susi mula sa labas. Napairap na lang ako saka bumaling sa larawan ni Kristina na nakasabit sa tapat ko. Kakain ka na naman, Senyorita. Tch.


Maya-maya pa ay pumasok na si Isay habang nakatayo naman sa may pinto si Dueña Hilda at naghihintay sa kaniya. Inilagay na ni Isay ang dala niyang bandeha ng pagkain. Nakita ko namang nagsalubong ang kaniyang mga kilay saka dahan-dahan na inabot ang liham na nasa ilalim. Napatingin naman siya sa akin saka ako tipid na tumango. Mabilis niyang inilagay ito sa ilalim at binitbit na ang bandeha.


"Meryenda, Senyorita," ani Isay kaya nginitian ko siya.


Bumaling naman ako kay Dueña na inililibot ang kaniyang mga tingin sa paligid. Kung hindi man ako sermonan umagang-umaga ay narito naman para ako tiktikan. Simula noong araw na nagpunta ako sa daungan ay mas lalong naging mahigpit na si Ama. Wala na talagang nakakapasok at kung meron man ay binabantayan naman ng maigi ni Dueña.


Bumaling naman siya sa akin at naging seryoso ang kaniyang ilang segundong titig. Tumingin na lang uli ako sa librong hawak ko sabay iling. Pasimple ko ring tinanaw si Isay nang papalapit ito sa kaniya. Tuluyan na rin silang dalawang nakalabas at narinig ko ang muling pagtunog ng mga susi.


Ipadala mo iyan, Isay.


Ipinalobo ko na lamang ang aking pisngi saka humipan sa buhok kong nagkalat sa may noo at walang ganang tumayo mula sa higaan. Dumiretso ako sa estante ng mga libro at ibinalik ang hawak ko. Kahit pa magbasa ako ay iilang linya lang din naman ang papasok sa isip ko at pagkatapos niyon ay matutulala na ako sa kawalan.


Nababagot na pinagtatanggal ko na lang ang mga libro at pahapyaw na pinagbubuksan ang mga iyon at mabilis na pagbuklat ang ginawa sa mga pahina. Ipinahangin ko na lang iyon sa mukha ko at naamoy ko pa ang makaluma nitong amoy.


Unang dating ko rito ay pansin na pansin kong malinis ang mga librong ito at walang kaalikabok-alikabok na makikita. Masasabi ko talagang mahilig magbasa si Kristina. Ang dami nito kaya minsan naitanong ko rin sa sarili ko kung nabasa na niya ba ang lahat ng ito. Ipinagtataka ko ring marunong siyang magbasa o pinahihintulutan siya.


Ngunit sabi nga ni ama binibigyan niya si Kristina sa lahat ng mga bagay na kung iisipin ko ay hindi maaari. Pinaaral niya ito at binigyan pa ng Dueña. May mga libro rin at malayang makagagawa ng mga nais niya. Subalit sa huli may kalakip din itong kapalit.


Hindi ko alam kung pang-ilang beses na itong paghinga ko ng malalim at pagbuga ko ng hangin. Wala na akong naiintindihan sa mga nangyayari. Umiling na lang ako saka kinuha ang isang libro mula sa may ulonan ko. Isang papel ang nahulog mula sa tabi nito matapos kong makuha ang libro. Napunta iyon sa tabi ng paa ko kaya magkarugtong ang mga kilay ko nang pulutin ko iyon.


Isa iyong sobre at walang nakasulat sa labas nito. Kuryuso ko iyong inusisa at nakitang nakatanggal na ang selyo nito. Ibig sabihin ay nabasa na ito ni Kristina.


Aba'y natural, Chestinell.


Pero kanino naman kaya ito galing?


Kaagad akong napaupo sa sahig at sumandal sa estante saka mabilis na binuksan iyon. Hindi ko alam pero may kaunting kaba sa puso ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at binasa na iyon.


Enero 15, 1887

Kristina,

Hindi ko labis maunawaan kung bakit mo ginagawa ito? Sinabi mo sa akin na hindi mo siya magugustuhan ngunit bakit hanggang ngayon ay ikaw lamang ang palagi niyang bukam-bibig? Ano ang ginawa mo sa kaniya, Kristina? Bakit labis niya na akong kinasusuklaman?

Mahal ko siya, ngunit anong iyong ginawa? Inagaw mo siya sa akin! Labis ko siyang iniibig—buong puso at kaluluwa at handa akong gawin ang lahat mapasaakin lamang siya! Subalit nang dahil sa iyo, galit at pagkasuklam na lamang ang naroon sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. Na tila ba'y hindi niya nais na naroon ako sa kaniyang paligid at pinandidirian niya ako! Nang dahil sa iyo, hinding-hindi ko na makukuha si Antonio. Kasalanan mo ang lahat!

Tandaan mo ito, Kristina. Hinding-hindi ko hahayaang magkaroon ka ng kasiyahan. Hindi mangyayari iyon. Gagawin ko ang lahat, dugo, pawis, apoy, o kung ano pa ang maaaaring maging kasangkapan upang pigilan iyon, gagamitin ko. Kahit pa kamatayan.

Wala akong pakialam kung kanino ka pa anak o kung sino ang ginagawa mong panghuhugutan ng lakas ng loob. Ngunit, titiyakin kong pagsisisihan mo ang lahat ng ito.

Clara



Natigil pa ang aking paghinga at malalim at sunod-sunod din ang pagkurap ko habang binabasa ang liham. Totoo ba itong binabasa ko o nananaginip lamang ako? Mula ito kay Clara at sulat ito ng pagbabanta. Nang dahil lamang sa isang lalaki.


Biglang kumabog ang puso ko. Sandali..i-ito ba ang sinasabi ni Clara na inagaw ni Kristina? Na pinaratangan niya ako dahil paulit-ulit ang pag-agaw ko sa kaniya ng mga lalaki? Ito rin ba iyong nasa su-sulat ni Kristina na nabasa ko dati?


Mabilis pa sa kidlat akong napatayo at nagpunta sa may ilalim ng higaan at hinila papalabas ang kaban ni Kristina. Kaagad kong inilabas ang mga sulat at tinignan ang bawat petsa ang pahapyaw na binasa ang mga nakasulat. Tiyak ako, tiyak akong may isinulat si Kristina tungkol sa bagay na ito. Nabasa ko iyon.


Napatigil ako nang mabasa ko ang isang sulat. Tinignan ko ang petsa. Enero 15, 1887. Kagaya iyon sa petsa ng sulat ni Clara.


"Hindi ko naman inaasahang magkakaroon ng pagkagusto ang lalaking iyon sa akin na ikinasuklam niya. Ginawa ko nga ang lahat nang sa ganoon ay matulungan siyang maibigan nito ngunit siya lang naman ang gumawa ng dahil upang mawalan ito ng pagkahalina sa kaniya. Eres tan lamentable, Clarita."


Ito nga! Ito nga iyon. Parehong araw nilang isinulat ang mga ito. Maaaring natanggap muna ni Kristina ang sulat bago niya ginawa ang kaniya. Kung ganoon, si lalaki–si Antonio ay may gusto kay Kristina pero hindi siya nito gusto. Ito namang si Clara ay hindi alam na tinutulungan pala ni Kristina na magustuhan ni Antonio pero siya rin naman ang dahilan kung bakit hindi siya nito nagustuhan.


Eh pechay pala ito eh! Kasalanan niya pala tapos nandadamay ng iba. Nagbabanta pa. Ang kapal ng mukh—sandali...


Hindi kaya...si Clara ang may pakana ng pagkamatay ni Kristina sa kasal niya?


Tama! Ganoon na lamang ang pagbabanta niya na isinali niya pa ang kamatayan. Labis nga ang pagkasuklam ni Clara kay Kristina dahil dito na papatay pala siya ng tao. Kaya naman pala ang lala ng mga pananalita at mga tingin niya sa akin simula noon nakarating ako rito. Tila ba may malaki akong atraso sa kaniya.


Ngunit, taong 1887 pa ito nangyari. At tatlong taon pa ang lilipas bago mangyari ang kasal sa 1890. Bakit..ngunit ang haba naman ng panahon bago niya gawin ang bagay na iyon? Kumg ako siya, mawawala rin naman ang galit ko sa isang tao sa loob ng mga panahong iyon.


Pero kung tutuusin, bakas sa kaniyang liham ang matinding galit niya kay Kristina. Halos marinig ko na nga ang kaniyang boses habang binabasa ang bawat salita mula roon. Ganoon na lamang niya marahil kamahal ang lalaking iyon na kaya niyang gumawa ng isang napakalagim na bagay. At nasaan na kaya ang Antonio na iyan?


Ngunit, paano naman si Ama? Pinagbantaan niya rin ako noong nakaraang mga araw. Papatayin niya rin ako. Ano ito? Siya ba ang pumatay sa akin sa araw ng kasal ko? Ngunit bakit? Ikakasal na nga ako kay Primitivo at iyon din naman ang kanilang nais kaya bakit niya ako papatayin? Marahil ba ay nasabi niya lamang iyon dahil sa galit? Oo, tama, tama. Maaaring iyon nga ang dahilan. Hiindi rin naman ako naniniwalang pagkatapos niya ipagkasundo ako sa lalaking nais nila ay papatayin nila ako.


Kaya isa lang ang may kasalanan ng pagkamatay ni Kristina. At iyon ay si Clara.


Napahilamos na lang ako sa mukha ko at iniligpit na ang mga sulat. Ibinalik ko na rin ang liham na galing kay Clara roon sa estante ng mga libro. Ang akala ko pa naman ay nakita ko na ang lahat ng mga liham na gawa ni Kristina at ang mga para sa kaniya. Hindi ko tuloy maiwala sa isip ko ang mga salita ni Clara. Siya nga ba talaga ang papatay sa akin? Paano naman niya ako papatayin? Napakamot na lang ako sa ulo ko. Aish, hindi ko na alam.


Ngunit, sana ay maipadala ni Isay ang liham.



"Senyorita?"


Nakarinig ako ng boses mula sa labas ng pinto matapos kong sindihan ang mga lampara sa aking silid. Maya-maya pa ay may mga susing muling tumunog at ilang sandali pa ay bumukas iyon at lumantad si Isay na kasama si Dueña Hilda. Pumasok naman silang dalawa at humiwalay si Isay para magtungo sa bihisan.


"Kailangan mong maghanda sapagkat patungo rito ang pamilya ni Don Miguel at sabay kayong maghahapunan."


Pagkatapos na pagkatapos kong marinig iyon ay mabilis akong napairap. Naman oh!


Narito pa ang isa ko na namang problema. Hindi pa pala natatapos ito. At hindi ko alam kung kailan ba ito matatapos at mapuputol. Ngunit, ang tanging magagawa ko lamang muna sa ngayon ay manahimik at huwag ng papalapag pa sa mga nais nila. Nang sa gayon ay iisipin nilang sumasang-ayon na ako sa kagustuhan nila.


Napakamot na lang ako sa aking noo at sumunod kay Isay sa bihisan. Nadatnan ko siyang naghahanda ng maayos na maiisusuot ko. Lumingon naman siya sa akin saka siya ngumiti na kaagad ko namang tinugunan.


"Naipadala mo ba?" bulong ko sa kaniya. Mabilis at tipid naman siyang tumango.


"Heto, Senyorita," usal niya matapos tumingin sa likuran ko at alam kong naroon nakasunod si Dueña Hilda.


Tinanggap ko na ang damit saka lumabas silang dalawa at nagbihis na ako. Hindi na ako pinahintay pa ni Dueña Hilda at pinasabay na niya akong bumaba papunta sa kainan. Gabi na at maghahapunan na rin.


"Senyorita, binabalaan kita. Huwag kang gumawa ng mga hakbang na ikagagalit ng iyong ama at ikapapahamak mo," babala niya pa habang pababa kami ng hagdan.


"Gagawin ko ang nais kong gawin, Dueña. Hindi ko kailangan ng utos mula kanino," tugon ko saka iniwan na siya roon at nagmadaling nagpunta sa kainan.


Nadatnan ko na doon sina Ina, at tatlo, saka iilang mga taga-silbi na naghahatid ng mga pagkain sa mesa. Wala pa si Ama. Nasaan kaya siya?


Kaagad naman akong nilapitan ni Ina nang makita niya akong papasok. Yumakap siya sa akin ng ilang mga sandali kaya niyakap ko rin siya pabalik. Ilang segundo kaming nanatiling magkayakap. Matagal ko nang nais yakapin si Ina ngunit hindi ko lang magawa dahil sa sitwasyon ko. Habang kayakap ko kasi si Ina ay kahit papaano ay napapanatag ang aking loob.


"Ayos ka lamang ba, anak?" kaagad niyang tanong matapos niyang bumitaw sa yakap. "Kumusta ka na? Ano bang klaseng tanong ito na kahit magkasama lang naman tayo sa iisang bahay," umiiling na aniya.


"Ayos lamang po ako, Ina. Nangulila nga ako sa inyo kahit pa nasa iisang bahay tayo, sabi niyo nga," sagot ko saka tumawa ng kaunti.


Napatitig naman siya sa akin kaya nagdugtong kaagad ang mga kilay ko. "Bakit po, Ina?"


Ngumiti siya, "Matagal-tagal ko na ring hindi nakita ang iyong ngiti na kahit tipid lamang."


Natulala tuloy ako ng ilang sandali. Tama si Ina, matagal-tagal na rin akong hindi naging masaya o tumawa man lang dahil sa mga nangyayari ngayon. Parang kahit ngumiti ako ng ilang segundo ay hindi karapat-dapat dahil ang lala ng lahat. Nakakakonsesyang ngumiti sa dami ng problema.


"Aba, hindi lamang ba kayo lalapit dito?" biglang singit ni kuya Lucio na tumayo mula sa kaniyang upuan.


"Tila ba'y may galit pa yata sa atin si Martina at si Ina lamang ang kaniyang kinumusta," nagtatampo naman ang tono ni kuya Lucas.


"Naku, hindi naman nakakapagtaka ang bagay na iyan," dagdag pa ni kuya Marco.


Dahil sa mga naging asal nila ay natawa ako saka umiling. Pati na rin si Ina ay napangiti saka giniya na niya ako papalapit sa kanila. Ang o-oa naman ng mga ito.


"Kayo naman, nagtampo kaagad. Lalapit din naman ako sa inyo ah," nguso ko pagilid sabay yakap sa kanila.


"Tiyak akong matutuwa ang Gobyernadorcillo kapag nalaman niya ang bagay na iyo."


Magsasalita pa sana ako nang sabay kaming napalingon sa may pintuan nang marinig ang boses nina Ama at Don Miguel na nag-uusap. At sila nga ay papasok na kasama ang buong pamilya Letreval. Nakangiti ng malapad si Donya Amelia habang nakakapit sa kaniyang asawa. Nakasunod naman sa kanila si Primitivo at Guillermo.


"Magandang gabi, Donya Florentina," sabay pa na bati ng mag-asawa habang papalapit sa amin.


"Magandang gabi po, Donya Florentina," bati naman ni Primitivo.


Nagsipagbati naman sila sa isa't isa at ako naman ay umatras at nanatiling tahimik sa tabi. Ngayong gabing ito, susubukan kong magtimpi at pipigilan ko ang sarili ko kahit susubukin nila ang aking pasensya. Wala na akong pagpipilian pa. Kung gusto nilang tatahimik ako, tatahimik ako. Pero hindi ibig sabihin niyon ay tatahimik na lamang ako hanggang sa huli.


"Magandang gabi, Binibing Martina."


Napatingin naman ako sa nagsalitang si Primitivo na nakalapit sa akin. Saglit ko siyang tinignan saka tipid na tumango ng isang beses.


"Magandang gabi rin," tugon ko saka naglakad na papunta sa aking upuan.


Alam ko naman na mabuting tao si Primitivo pero hindi maaaring maging malapit siya sa akin o mas lalo siyang magkagusto dahil masasaktan ko lamang siyang hindi matutuloy ang kasal kalaunan.


Hindi ko na siya nilingon at pinansin pa at alam kong nasaktan siya sa asal ko. Masanay ka na, Primitivo, at patawad.


Maya-maya pa ay umupo na sila sa dating inupuan noong nagpunta sila rito. Nag-uusap pa sila ng ilang mga sandali habang nanatili pa rin akong nakatingin sa aking plato at hindi kumibo. Nagtuloy-tuloy iyon lalo na noong pagkatapos na magdasal at nagsimula ng kumain.


"Batid naming mahalaga ang paksang pag-iisang dibdib habang tayo ay magkasama," panimula ni Don Miguel kaya napapikit ako at bumuga ng hangin matapos sumubo ng ulam.


"Ngunit, naiintindihan kong hindi naman palaging ganoon dapat ang ating pinag-uusapan," patuloy niya kaya naman nagtawanan silang dalawa ni Ama.


Kayo lang naman ang natutuwa sa mga bagay na ito eh.


"Sí, sí. Kaya kukumustahin ko ang iyong panganay," tugon ni Ama sabay baling kay Primitivo. "Kumusta na, hijo?"


Asues, eh ako, Ama, hindi mo ba ako kukumustahin? Mabuti pa ang hindi mo anak, kinukumusta mo. Hay naku.


"Maayos lamang po ako, Don Agaton. Maraming salamat," tugon niya. "Mga Hunyo o Hulyo at magtatapos na ako ng abogasya."


"Aba'y nakakatuwa naman iyan. Galingan mo sapagkat ilang buwan na lang din ang natitira," ani Ama.


"Opo. Maraming salamat po. Nakatutuwa nga at sabay kami nina Lucas na magtatapos," kwento niya pa kaya napatingin ako kay kuya Lucas.


Tama, kaunti na lamang. Magiging opisyal na manggagamot na rin siya. Nakatutuwa lamang at sana ay maabutan ko pa ang panahong iyon.


"Masaya nga ako rito kay Lucas. Pinagmamalaki ko itong aking anak."


Napalingon ako kay Ama nang marinig ko ang mga salitang iyon. Nakangiti siya habang kausap si Primitivo. Nahagip din naman ng aking mga mata ang ngiti sa labi ni kuya Lucas. Aba'y siguraduhin mo lang, Ama. Malilintikan ka sa akin kapag sinaktan mo si Kuya.


Nanatili naman ang kanilang pag-uusap habang kumakain. Naging tahimik lamang ako at nakatingin sa aking pagkain sa buong oras na iyon. Tanging tipid na tango at iling lang ang ginagawa ko kapag kinakausap nila ako. Bahala sila riyan.


Kahit anong paksa na nga ang kanilang pinag-uusapan na pawang si Ama at Don Miguel lamang ang pangunahing nag-uusap. Mabuti na lamang at walang naging paksang kasal ang napag-usapan.


Ninais ko na ngang umalis doon kahit pa hindi ako nakinig sa mga pinag-uusapan nila dahil wala namang kahit anong kaugnay sa pagkamatay ni Kristina. Sa tingin ko naman ay mga inosente ang mga taong ito sa pagkamatay niya.


Gusto ko nang humiga at matulog kahit hindi naman ako napagod buong araw. Ang totoo rin niyan ay ayaw kong makasama ang mga taong ito sa loob ng mahabang panahon kung iyon lang din naman ang magiging dahilan upang makalabas ako sa nakababagot kong silid. Mas gugustuhin ko pang ikulong ako roon kaysa makasama ko sila.


Mabuti na lamang at pinaakyat na ako ni Dueña papunta sa aking silid mga sampung minuto yata matapos ang kainan. Lihim naman ang ngiti ko habang nagpaalam kina Ina at Kuya. Tipid ko na lamang na tinanguan ang kabilang pamilya saka masayang umalis doon.


Sinamahan ako ni Dueña Hilda papunta sa itaas dahil siya rin naman ang magsasara ng pinto. Kinindatan ko na lamang siya ng kilay bago ako pumasok. May silbi rin naman pala itong si Dueña Hilda paminsan-minsan.


Nang makapasok ako ay kaagad kong tinanggala ng binihis kong damit na isinapaw ko sa aking pantulog at mabilis na lumundag sa aking higaan. Kaagad kong niyakap ang aking unan at kumot saka nakangiting pumikit.


Hay, salamat naman at makakatulog na rin ako. Pero pinutol talaga nila ang muli naming pagtatagpo kanina. Kairita.


· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·

Abril 23, 1890

Binibining Martina,

Labis akong natuwa nang matanggap ko itong iyong liham. Nagpapasalamat akong nakarating sa iyo ang aking ipinadala. Mabuti na lamang at nagtagpo ang landas ng ating mga liham na idinulot ng mga kalungkutan sa mga nangyayari.

Hihingi pala ako ng paumanhin, uli kung nagawa ko na, nang hindi ko natugunan ang iyong mga liham na ipinadala sa akin dati. Naging masalimuot ang aming buhay noong mga panahong iyon at wala na akong sandaling mailaan upang bumasa. Patawad din sapagkat hindi ko na alam kung nasaan na napunta ang mga iyon dahil kung sino sino na lamang ang nagpunta sa aming tahanan ng mga panahong iyon.

Ngunit, lubos ang aking pasasalamat sa iyo dahil hindi mo nagawang bitiwan ang aking mga kamay sa gitna ng mga kaguluhan na nangyayari sa aking buhay. Hindi ko lubos maisip kung nangyari iyon at marahil ay hindi ako magiging ganito katatag para sa aking pamilya at sa iyo.

Nalulungkot ako nang malamang ikinulong ka ng iyong Ama sapagkat hindi niya nais ang ating relasyon at tutol ka sa pagpapakasal. Paumanhin at kailangan mo pang maranasan ang bagay na iyan. Ngunit, sana ay maintindihan ka niya at pagbibigyan na lamang sa iyong kahilingan.

Patuloy pa rin pala ang pagpapagaling ng aking Ama at nasa mabuting kalagayan na siya. Nagsimula na rin kaming maghanap ng papasukang trabaho. Huwag kang mabahala sapagkat nasa maayos lamang kaming kalagayan. Ipanatag mo ang iyong loob, mahal ko.

Hindi mo kailangan na humingi ng tawad sapagkat hindi mo kasalanan ang mga nangyari. Hinihiling kong sana'y maging matatag ka at maging maayos ang inyong pamilya. Nais din namin kayong makita at makasama ngunit hindi maaari.

Ngunit, tandaan mong mahal kita. Magkikita tayong muli.

Iyong-iyo,

Mateo Quilario

· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·


Itinago ni Isay ang liham na iyon sa kaniyang palda nang pumasok siya sa aking silid kasama si Dueña Hilda. Inaasahan na ni Ama na matagal nang tapos ang aming relasyon ni Joaquin kaya ganoon na lamang kami kaingat ni Isay na ilihim ang mga pagpapadala at pagtanggap ng mga sulat. Baka naman kasi pati pa ito ay mawawala at mapuputol.

Noong bumalik siya dala ang aking pangahapon na meryenda ay inipit ko uli ang sobre sa ilalim ng bandeha na kaniya namang kinuha at sinasabi pagkatapos na naibigay na niya kay Mang Pedring. Napapangiti na lamang ako habang inaalala si Joaquin. Hindi ko tuloy akalaing may ikalawang pangalan pala siya. Mateo.


· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·

Abril 25, 1890

Mateo Quilario

Sa bawat pagtanggap ko ng iyong mga sulat ay parehong tuwa at lungkot ang aking nararamdaman. Natutuwa ako sapagkat natanggap ko pa rin ang iyong mga liham at nalulungkot ako sapagkat ganitong sitwasyon na lamang tayo nakakapag-usap.

Ngunit, hindi pa rin nawawala sa akin ang pag-asang magtatagpo tayong muli. Nagpapasalamat akong hindi ka bumibitaw. Tandaan mo laging hindi ako bibitaw. Narito lamang ako para sa iyo, para sa inyo. Ipinagdarasal ko kayo palagi.

Alam kong nasa maayos kayong kalagayan at magiging maayos pa iyon. Ikumusta mo rin ako sa kanila at pakisabing nangungulila na sila rito sa inyo. Kaming lahat. Kinakaya ko rin ang nangyayari sa akin at tanggap ko rin ang pagkakakulong ko sa aking silid kung iyon kamang ang paraan upang mapigilan ko ang kasal. Huwag kang mag-alala sa akin, maayos lamang ako.

Mag-iingat kayo riyan palagi. Susulatan kita uli, Mateo.

Nagmamahal,

Martina

· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·


Isang araw.


Dalawang araw.


Apat na araw.


Anim na araw.


Isang linggo.


Dalawang linggo.


Tatlong linggo na ang lumipas ngunit wala na akong natanggap pang muli na liham mula kay Joaquin. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanila sa loob ng panahong iyon. Ayos lamang kaya sila? Bakit hindi na niya ako sinulatan pa? Hindi na niya muling tinugunan pa ang liham kong ipinadala sa kaniya noong Abril 25. Tatlong linggo na ang lumipas mula niyon. Nagpadala pa ako ng mga liham kasunod niyon ngunit kahit iyon ay wala ring tugon. Ano ba ang nangyayari?


Napabuga ako ng hangin habang nakatanaw sa labas ng bintana. Labis na napakadilim na at napakatahimik ng buong paligid. Tanaw ko sa baba ang sentro ng bayan na nagkikislapan dahil sa mga ilaw at lamparang nakasindi. Ang payapa ng buong bayan ngunit napakagulo ng aking isipan.


Anong nangyari kay Joaquin? Galit na siya sa akin? May mali ba akong nasabi? O mayroon kayang problema silang hinaharap? Ayos lamang kaya sila?


Naging pabalik-balik ang paglakad ko sa harap ng bintana habang yakap-yakap ang sarili. Malamig na simoy ng hangin ang naging dahilan ng pangangatog ko ngunit kasalanan ko rin naman dahil binuksan ko ang bintana. Ngunit, mas mahalaga naman ang mga bagay na nasa aking utak kumpara sa lamig na nararamdaman ng aking katawan.


Napatigil ako saka ipinatong ang dalawang palad ko sa bintana. Tila ba'y kumakarera ang isipan ko. Habang nakatanaw ako sa madilim na paligid ay hindi ko maiwasan ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Kagat-labi na lang ako habang kinakalma at kinukumbinsi ang sariling tama ito. At kahit pa nga mahangin ay pinagpapawisan na ang mga palad ko.


Hindi maaari ito. Nais ko nang malaman ang kaniyang kalagayan. Hindi tatahimik ang loob ko kung nakatambay lamang ako rito. Kailangan ko itong gawin.


Pupunta ako sa De Alrazon.



Sa Taong 1890

Continue Reading

You'll Also Like

191K 6.9K 39
Esta Vez. Mga salitang ipinagwalang-bahala ni Selry. After all, it was just a part of a weird dream. Weird, dahil sa paulit-ulit na lamang niyang nap...
32.3K 241 47
These poems and declamation pieces will be written in either tagalog or english. These are originally made so take out with full credits. Remember: P...
132K 9.1K 102
Si Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan n...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.6M 293K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...