Removing Her Facade

By Kunizzy

8.6K 244 88

Salliene Kye Diaz a woman of shattered pieces. Got adopted by her tito's family. Met this guy who'll eventual... More

NOTICE:
Simula
1
2
3
4
5
6
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30

7

309 8 0
By Kunizzy




Agad kaming nagbihis ng damit ng makabalik sa classroom. Tapos ng magbihis si Aubrey pero dahil nabasa siya kanina kaya nagbihis na siya ng bagong damit. Habang ako ay hindi pa nakapag palit ng damit dahil agad akong tumakbo ng napagtanto ang nangyari.

Palingo-lingo ako habang naka upo na sa silya. Pilit kong inaalis sa sistema ko ang kahihiyang nararamdaman ko sa harap ng tao sa gym kanina. Although hindi lang ako mag-isa ang gumawa non pero ang isipin na napaka confident ko ay nakakahiya.

"Shaira pano ulit yong pose?" tanong lalaking kong kaklase sa babae.

"Gan'to yon oh!" dinemonstrate iyon babae sa harapan ng iba ko pang mga kaklase. Marami ang natawa sa ginawa ng kaklase. Pati na rin si Aubrey sa gilid ko.

Tinampal ko ang sarili at sinabihan na normal lang iyon bago nilihis ulit ang tingin sa katabi ko.

Tinitigan ko ng mabuti ang babae. Iniisip ko kung KSP ba talaga 'to. May problema ba siya sa buhay? Is she okay?

"Ang lagkit bebs.. Baka mahulog ka na sa'kin nyan." anas niya bigla sa akin.

"Hindi naman, tinitignan ko lang kung okay ka lang ba." kumunot ang ulo niya dahil sa sinabi ko.

"Huh? Ayos lang naman ako bakit ba?"

"Wala lang, napansin ko lang kasi na you seem to be fond of attention."

"Gaga! Tungkol ba to kanina? Hindi kinikilig lang ako sa inyo ni Jandrik." paliwanag niya. Huh? Bakit naman? Kumunot ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

Bakit naman siya kinikilig eh wala naman kaming ginagawa at tsaka puro kahihiyan lang kaya ang nangyayari.

"Wala akong problema, ngumisi lang naman ako dahil naalala ko yong nangyari kahapon!"paliwanag niya sa'kin.

"I'm completely fine!" dagdag niya pa. Tumawa lang sa naging reaksiyon niya.

Abala Ms. Candice sa pagsasalita sa harapan. Nakikita ko na kahit maloko ang mga kaklase paminsan-minsan di naman maipagkakaila na mababangis sila pag pag-aaral na ang pag uusapan and i'm the black sheep of our section. Lahat sila magaling pwera lang sa akin.

Palagi lang akong nakatunganga sa labas ng bintana kahit nasa harapan ko lang naman si maam kaya madalas na suki ang apelyido ko pag may oral recitation.

Sa morning sched namin ngayong araw, dalawa lang klase na papasukan namin. ICL kami sa ibang subjects kay mataas ang vacant time namin ngayon. Alas nuebe pa lang ng umaga kaya naisipan muna namin ni Aubrey na sa library tumambay. May aircon kasi at free wifi kaya magandang gawin standby.

"Bebs ikaw na sumulat ng name ko" anas ng babae sakin at ngumisi. Inirapan ko siya sa mata bago pumunta sa log book para isulat ang mga pangalan namin.

"Nagbabasa ka pala?" sarkastikong tanong ko sa kanya.

"Sa tingin mo.." bulong niya sa akin at binalik na ang mukha sa aklat.

Ganyan kami pag sa library kami nagpapalipas ng oras. Kukuha ng aklat para kunyari nagbabasa pero ang totoo naman ay nag ti-tiktok lang o nag fa-facebook.

Syempre dapat naming maging maingat para naman hindi kami mahuli ng librarian. Baka e ban na kami dito pag nagkataon.

Kaya nong nakaramdam na kami ng pagkabagot ay lumabas kami sa library para libutin ang buong eskwelahan.

"IGOP hunting tayo girl?" anyaya ni Aubrey.

"Thank you pero ikaw na lang. Maglalaro lang ako ng hill climb kailangan kong paramihin ang pera ko para makabili na ako ng rollercoaster" Tinaas niya yong kilay niya sa akin.

"Ako o iyang hill climb mo?" bigla niyang tanong.

"Hill climb..."

Nasaksihan ko yong pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Lumukot ng bahagya ang kilay niya. Her emotions are showing right through her face. I can definitely say that she's an open book. Umupo siya sa tabi ko at nanatiling tahimik. Hindi ko alam kung naoffend ko ba siya o ano.

Humalakhak ako sa pag iinarte niya. Pero alam kong nasaktan ko yong damdamin niya.

"Sorry, it was so insensitive of me. Biro lang yon but it crossed the line." I apologized to her sincerely. Nanahimik siya at nanatiling walang imik kaya mas lalo akong kinabahan. Pero maya-maya niyan ay may ngising sumilay sa labi niya at humalakhak.

"Nakakatawa yong guilt-face mo bebs. Akala mo agad akong nasaktan sa sinabi mo? Hindi nohh.. Ilang beses na nga akong pinagtabuyan ni Zander eh pero hindi ako tumigil." She smiled proudly at what she just said.

Gulat at pagkabigla naman ang naramdaman ko sa sinabi niya. Inimbitahan niya ako kanina na maghanap ng gwapo pero it turns out na may gusto na pala siya?

"B-bakit ka pa naghahanap?" Tanong ko sa kanya ng makabawi. "Bakit naman hindi?" diretsong sagot niya sa'kin. I saw pain and disappointment in her eyes.

"Vacant ninyo?"

Sabay kaming napalingon ni Aubrey sa nagtanong nito. And speaking of the devil, andito ang lalaking pinag-uusapan namin ni Aubrey. He was standing in front of us, kasama yong si Jandrik.

"Oo, kayo ba?" Si Aubrey na ang sumagot sa tanong ng lalaki. Kita kong tumango ang lalaki sa sagot nito. Bumaling ang tingin ko kay Aubrey ngayon at nagkatingin kami. She put her index finger in between her lips 'shh..' and then winked at me.

So she had an unrequited love towards that guy. Nakakatakot magmahal, di mo alam kung totoo ba ang pagmamahal na pinapakita nila sa iyo o puro kasinungalingan lang. I was busy looking at Aubrey kaya di ko napansin na tinititigan na pala ako ni Jandrik.

Tumagilid ang ulo kong tumingin sa kanya. Gusto kong magtanong sa kanya kung ano ang sadya niya sakin pero nahihiya ako dahil palagi kong naaalala ang pangyayari kahapon.

"Uhh, vacant niyo?" tanong niya sa'kin.

"Oo, mapeh at philo lang ang klase namin sa umaga." sagot ko sa kanya.

Naunang naglakad si Aubrey at Zander sa aming dalawa ni Jandrik. At masasabi kong bagay nga sila. But I keep wondering kung bakit siya inayawan ni Zander? May iba ba ito? O talagang ayaw niya lang masira yong pagkakaibigan na meron sila. Madalas ko kasi iyong napapanood sa mga pelikula sa TV.

A movie where the male lead and the female lead are afraid to tell the truth about their true feelings. Sinisekreto nila sa isa't- isa ang nararamdaman dahil sa takot na mawasak ang bond na nabuo sa pagiging magkaibigan nila.

Pero iba ang sa kanila ni Aubrey. Sinabi niya sa akin kanina na sanay na siyang ipagtabuyan ni Zander. So it means...

Teka... umamin ba siya?

Tumingin ako sa likuran ng dalawa habang naglalakad. Nalulungkot ako sa sitwasyon ni Aubrey. It hurts when you are rejected without even doing anything yet. Her love is being denied by someone she cared. Mas tumagal ang paninitig ko sa likuran ni Zander dahil gusto kong maintindihan kung bakit sa kaibigan pa nahulog itong si Aubrey. I won't deny the fact na gwapo ito pero...

"Huwag yan, may nagmamay-ari na diyan." Kuha ni Jandrik sa atensyon ko.

"Nagmamay-ari? What do you mean? Sino? Si Aubrey ba?" Desperadang tanong ko sa kanya.

"Sa pagmamay-ari na part ay secret lang naming dalawa 'yon. I can't break my friend's trust kaya sorry sa part na 'yon. And also, bakit ka ba nagtatanong gusto mo ba? Ba't di na lang ako gwapo na, free pa." litanya ng lalaki sa akin habang nakangisi.

Ang hangin.. Kaya siguro free pa siya dahil walang interesado..

Pero hindi ko maipagkakaila ng totoong gwapo siya. Sadyang mapaglaro lang talaga siguro siya kaya siguro walang nagtatagal sa kanya kasi pati damdamin ng babae ay pinaglalaruan niya.

"Thank you sa offer." sarkastiko akong ngumiti sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Agad naman siyang nakasunod sa'kin. Kaya agad din akong humingi ng pasensya sa kanya. Alam kong nakakainsulto iyong huling sinabi ko sa kanya. I should have just kept it inside of my head.

"Ayos lang naman I can take take your jokes, cute nga eh." saad niya bago ginulo ang buhok ko.

Magkasama kaming apat na nilibot ang buong Campus para naman libangin ang mga sarili namin. And as I observed Aubrey and Zander, ay parang may pader na nakapalibot sa kanila. They were almost there but not quite. May pagkakataon na medyo inaayawan ni Zander ang pagiging clingy ni Aubrey sa kanya.

Katulad na lang kanina, habang nagbibiruan ang dalawang lalaki at wala sa isip na inakap ni Aubrey ang braso ni Zander ay mabilis na hinawi ito ng lalaki. Napansin ni Aubrey na nakita ko iyon. Peke siyang ngumiti sa akin. Ano mo'y hindi nasasaktan.

Being rejected and disregarded hurts. Alam ko yon dahil napagdaanan ko na rin yon. Magkaiba lang ang situation. But it is almost the same nga lang.

Nang mag lunch break ay sabay sabay na kami nina Zander, Aubrey at Jandrik sa school canteen para kumain ng lunch. At dahil nga palagi din naman akong naghahanda ng baon sa school ay tanging dessert at juice na lang ang binibili ko.

Wala silang tatlo dahil andun at nakapila pa sa bilihan kaya boring din akong naka upo mag isa sa pwesto namin. Biglang pumasok sa isipan ko ang pinsan. Baka sawi rin siya sa crush niya ganoon na lang ang nangyayari sa kanya sa tuwing uuwi siya ng bahay. Matamlay at para sobrang bigat ng pinapasan niya.

Pero bakit gusot-gusot ang uniporme niya?

Kung sadyang problema lang iyon sa pag-ibig bakit ganun na lang kagulo ang itsura niya sa tuwing uuwi siya ng bahay?

"Hui! Ang lalim ah?" biglang singgit ni Aubrey na ngayon ay dala na niya ang order niya.

"May problema ba?" nag aalala na tanong niya.

"Aub pag nasasaktan ka ba sa trato ni Zander sayo iiyak ka ba?" matamang tanong ko.

Natigilan siya sa ginawang pag-aayos ng nasa tray na pagkain niya sa mesa. She looked at me. Now with a more focused gaze.

"Minsan." tanging sinabi niya bago ipinagpatuloy ang ginagawa.

Maya maya ay kaagad na sumunod ang dalawang lalaki. Kaagad na umupo sa harap ni Aubrey sa Zader habang katabi naman ni si Jandrik.

Beneath the table, I felt Aubrey's hand squeezed my hand. Maybe she wants to assure me that she is okay.

Ng nagring ang school bell hudyat na tapos na ang break, ay kanya-kanya kaming nag balik sa loob ng room namin. Afternoon session na namin ngayon. At kagaya ng madalas na reaksyon ng mga kabataan, inaantok. Pati na rin ako.

Maypagka boring kasi ang boses ni ma'am kaya mabilis din kaming nadadala antok. Madalas ngang tumatama sa mesa ang ulo ko dahil sa sobrang bigat nito. I don't want to do anything kung hindi ang matulog lang.

Sumandal ako sa balikat ni Aubrey pag may pagkakataon pero mabilis pa sa alas kwatro si Aubrey kung makataboy sa ulo ko sa tuing nahuhuli niya ang tingin namin na nasa ganitong posisyon.

Hindi rin naman nagtagal pa masyado ang klase at agad din na ibinigay ang dismissal sa amin. Napapatalon ako dahil sa sobrang sayang nangyari. Ayaw ko nang tumambay pa ng mas maraming oras sa paaralan. Nakakapagod.

"Bye Aub." mabilis na saad ako bago tuluyang tumakbo palabas sa silid namin.

Malapit na ako sa mismong gate ng paaralan ng mahagilap ng tingin ko ang naka upong si Jandrik malapit sa kung nasaan ang malaking santos sa likuran niya. Hindi ko na siya nilapitan pa at tinuon na lang buong atensyon sa pag uwi.

Nang makalabas ako sa gate ay agad akong pumara ng jeep pa uwi sa bahay namin.

Pasado alas singko na ng hapon ako naka uwi ngayon dahil sa inaayos na daan malapit lang sa Fuente Circle. Halos isang oras din ang biyahe ko galing Urgello hanggang Mabolo.

Nang makapasok ako sa bahay ay wala pa si Kae. Alas singko na. Matagal siyang umuwi ngayon gayong hanggang alas kwatro lang naman ng hapon ang klase nila.

I opened my phone to check, baka may text siya. But to my dismay, ni kahit isa ay wala ito.

To Kae:

Kae alas singko na asan ka na?

To Kae:

Huwag ka masyadong mag tagal ah, baka maagang dumating ang mga magulang mo.

To Kae:

Baka hanapin ka.

I sent all my messages to pero ilang minuto pa ang lumipas ay wala pa rin siyang reply sa akin. Medyo kinakabahan na ako dahil sinubukan ko rin siyang tawagan ay hindi ito sumasagot.

Hindi ko na masyado pang dinidibdib ang kabang naramdaman at magsimula na lang mag luto para sa hapunan namin mamaya. At habang abala ako sa pagluluto ay palagi kong tinitingnan kung may reply na ba si Kae sa mga messages ko.

Tapos ng maluto ang kanina at ang pritong talong, tsaka pa nag ring ang phone ko. Patakbo ko itong pinuntahan at sinagot ang nakarehistron numero na may pangalan ni Kae sa itaas.

"Hello, Kae?" tanong ko sa linya. Walang sumagot kaya inulit ko pa ang pagtawag sa pangalan ng pinsa.

"A-ate." tanging saad ng pamilyar na boses sa kabilang linya. Nanginginig ang boses nito at halatang umiiyak ito.

"Hello, Kae asan ka? Gusto mo sunduin kita? Sabihin mo asa ka?" Natataranta ko ng tanong sa kanya.

Maraming tanong ang pumasok sa isipan ko tungkol sa pinsan. I have so many doubts about her. Pansin kong umuuwi siya minsan ng may maraming pasa sa hita. Simula nong lumipat ako dito sa bahay nila ay lagi kong nakikita na nagsusuot g shorts itong si Kae pero simula nung nag bukas ulit ang klase ay madalang nalang siyang nagsusuot nito.

Palagi nalang pajama o di kaya'y leggings. Medyo naging matamlay na rin ang pakikitungo nito sa akin. Malaki rin ang pinagbago ng ugali niya. Mas mainitin ito ngayon at hindi na masyadong nagpapalambing.

"Pa uwi na po ako ate. Malapit sa fire station lang po ako. Huwag niyo na po akong sundu-"

Kaagad kong binaba ang tawag at dali daling pinatay lahat ng kuryente sa bahay at nilock ang pinto. Tuwalya lang ang pinatakip ko sa dibdib habang mabilis na tinakbo ko mula sa bahay namin papunta sa fire station.

Naiinip ako naghintay sa pedestrian lana para lang makatawid. At nang mag go signal ay tinakbo ko naman ito. At mula sa hindi kalayuan ay tanaw ko na ang naglalakad na si Kae.

Tulad lang din ng mga nakasanayang araw, magulo ang mukha, may bahid na umiiyak ito at gusot-gusot ang uniporme ang bumungad sa akin. Mabilis na inayos ko ang itsura ng mukha nito at tinali ang nagsasabog na buhok nito sa mukha.

"Ate.." nanginginig na sambit nito sa akin.

Hindi ko na muna pinansin pa ang pagtawag niya. Minabuti kong ayusin ang maling pagkakabatones ng suot niyang uniporme. Nasasaktan ako sa iniisip kung sakaling totoo ito.

"Halika na uwi na tayo?" parang may bukol sa lalamunan tanong ko sa kanya. I tried my best to remain composed sa harap niya. I want he to see me as someone na masasandalan niya. As someone where she can openly open her secrets to.

Tumango siya.

Hawak-hawak ko ang kamay niya habang naglalakad kami pabalik sa bahay. Sinabi ko sa kanya na baka nasa bahay na sila tita dahil alas siyete na ng gabi.

"Kaya kung magtatanong sila bakit ngayon ka lang umuwi wag ka na lang mag salita ah..." pangungumbinsi ko sa kanya.

"Si ate ang bahala." pagpapatuloy ko.

Hindi na siya sumagot pero ramdam ko ang paghihigpit ng hawak niya sa palad ko.

Nang makarating kami sa bahay ay tama nga ang hinala ko. Nasa pintuan si tito Merceli inaantay ang pagdating namin. Nag mano muna kami sa kanila bago sinagot ang binatong tanong nila para sa aming dalawa.

At gawa ng napag-usapan namin sa highway kanina, nanatiling tahimik sa gilid ko si Kae.

"Naubos raw kasi ang baon nitong si Kae kaya sinundo ko siya kanina sa school, huwag ka pong mag alala tito tapos ko naman ang pagluluto." normal na ani ko sa kanya.

Kae has strict parents especially tita Mai. May curfew siyang alas singko ng hapon. At dahil sobrang istrikto ng mga magulang niya nawawalan ng lakas ng loob itong si Kae na ibahagi ang nararamdaman niya sa mga magulang.

Yes masayahin at parang loko-loko kung umasta itong si Kae pero alam kong kaplastikan lang ito. I find it hard to ask questions about her life. Palagi siyang may paraan to divert it into something else. Ayaw niyang pag usapan ang buhay niya.

"Ayos ka lang ba?" mahinang tanong ko.

Magkatabi kaming nakahiga sa kama niya. The lights are dim. Tanging ilaw lang na nagmula sa labas ang meron.

"Hmm." si Kae.

"Matutulog ka na?" pangungulit ko.

"When life gets a little bit fucker, sabihan mo lang si ate ah." ani ko.

Wala na akong iba pang narinig mula kay Kae. Ramdam ko na ring nakatulog na ako kaka antay sa kanyang buksan ang topic tungkol kanina.

Malakas ang ihip ng hangin na pumapasok sa loob ng bintana ni Kae. Naging ko sa kaluskos ng hangin na naririnig ko. As I about to close my eyes, narinig ko ang mumunting paghikbi ni Kae sa tabi ko.

I tried not to move, not to talk and interfere. I will let her have her time for herself. Kung ano man iyan, gusto kong siya mismo, yung nagmumula mismo sa labi niya lumabas ang mga salitang gusto niyang ibahagi.

Minutes have passed, tumahimik na sa pag iyak si Kae. Nilingon ko ang gawi niya at nakita itong mahimbing na natutulog.

"You look at peace when you're sleeping." bulalas ko.








_______________________________________

A/N: hi po sa inyong lahat, Would only like to tell po that this chapter is already done revising na po. Thank you for your continuos love and suppot. Enjoy READING :)

Don't forget to like and comment..

                                                                                                       -kuni

Continue Reading

You'll Also Like

26.8K 346 37
Ballerine Maeze Castillo, a theater arts student wants revenge from Lorenzo Reigan Maxwell, the golden boy and baseball captain studying psychology...
24.5M 714K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
467K 8.2K 13
SYNOPSIS How long can a wife endure the pain? The pain of loving her husband who's inlove with someone else? Hanggang kailan niya pagbabayaran ang...
1.4K 94 18
|"The point of being young is to love someone freely and endlessly."| Two young people who are rebels. Don't like the way of their family. One just l...