Dark Obsession / Dark Plans...

By noowege

925K 20.8K 2.3K

Saonna Rojas believed she was just an ordinary college girl with her best friend slash brother living with he... More

𝐷𝑎𝑟𝑘 𝑂𝑏𝑠𝑒𝑠𝑠𝑖𝑜𝑛
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Epilogue
A/N
Dark Plans
Prologue - Dark Plans
Chapter 1 - Dark Plans
Chapter 2 - Dark Plans
Chapter 3 - Dark Plans
Chapter 4 - Dark Plans
Chapter 5 - Dark Plans
Chapter 6 - Dark Plans
Chapter 7 - Dark Plans
Chapter 8 - Dark Plans
Chapter 9 - Dark Plans
Chapter 11 - Dark Plans
Chapter 12 - Dark Plans
Chapter 13 - Dark Plans
Chapter 14 - Dark Plans
Chapter 15 - Dark Plans
Chapter 16 - Dark Plans
Chapter 17 - Dark Plans
Chapter 18 - Dark Side
Chapter 19 - Dark Plans
Chapter 20 - Dark Plans
Chapter 21 - Dark Plans

Chapter 10 - Dark Plans

1.7K 54 18
By noowege

Para akong sinilaban nang marinig ko iyon. Tila pakiramdam ko, kialangan kong iwasan siya sa pagkakataong iyon. I went to the town just to get away, feeling like I was hiding from something, even though I didn't know why I was avoiding him. Hindi ako nagdalawang isip na talikuran siya at mas piniling huwag nang pakinggan ang iba niya pang sasabihin.

Tulala na pinagmasdan ko ang mga batang naglalaro sa maalikabok na kalsada. Hindi nila alintana ang init. Parang ang saya-saya ng nilalaro nila. Tipid akong napangiti sabay simsim ng softdrinks sa straw ko. Naalala ko ulit ang mga katagang sinabi ni Diego.

Ako ang dahilan kung bakit niya nagawang tumagal sa ibang bansa. Nabanggit niyang nagtiis siya. Bakit siya magtitiis? Di ba at iyon ang pinangarap niya simula noong bata pa kami? Bakit sasabihin niyang pagtitiis ang ginawa niya? Hindi niya ba nagustuhan ang ginawa niya sa ibang bansa kasama ang kapatid niya?

Wala naman ako doon. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya sa ibang bansa no’ng nandoon siya. Posible ba na magbago ang mga gusto niya sa buhay? Posible ba na ang dating mga gusto niya’t pinangarap ay ayaw niya na ngayon? Napabuntong hininga ako. Maging ako ay hindi ko masagot ang katanungan kung bakit kailangan ko siyang layuan ngayon. Kaya’t papaano ko nagagawang isipin pa ang mga pangarap niya?

Inubos ko ang softdrinks ko at ganoon din ang tinapay. Balak kong magtungo sa playground ngayon. Iilang bata ang naabutan ko doon. Malapit iyon sa malaking ilog ng Nieves. Naupo ako sa gutter at pinagmasdan ang unahan. Inubos ko ang natitirang oras ko sa paglilibot. Ngayon ko lang nagagawa ito. Madalas akong nasa mansyon lang ng mga Harvoc.

Gabi na nang makauwi ako. Sinakto kong mga bandang 9 ng gabi na ako makauwi para hindi maghinala si Mama. Kaarawan ni Madam Saonna ngayon kaya magtataka siya kung bakit ang aga kong nakauwi gayong siguradong magiging abala ang lahat ng tauhan sa ginagawang kasiyahan.

Paniguradong ini-expect niyang mas gabi pa sa alas nwebe ang uwi ko. Magdadahilan na lang ako pagkarating na umuwi ako ng maaga o nauna na sa mga kasama ko. Ganoon naman ako madalas, e. Hindi ko kasi tepong magtagal sa mansyon kung hindi naman kailangan.

Nasa daanan na ako pauwi sa amin. Tahimik at madilim na sa parteng iyon. Kung hindi lang dahil sa ilaw sa labas ng bahay na abot hanggang doon sa daan ay baka hindi ko na maaninag ang daan.

Sanay na ako sa dilim doon at medyo namemorya ko na. Natigilan lang ako nang makarinig ng halinghing ng kabayo. Agad na sinalakay ng kaba ang dibdib ko sa napansin. Mula sa kadiliman ay humakbang palapit sa liwanag sa daan ang bulto ng lalaking pamilyar sa akin.

“D-Diego...”mahinang usal ko. Namamangha na pinagmasdan ko siya.

Nakasuot ng long sleeve na bukas ang bandang dibdib. Nakatupi ang sleeves hanggang siko. Matikas na tumayo siya sa harapan ko. Agad na sinalakay ako ng mamahalin niyang pabango.

“Inneya.” Mahina ang banggit niya sa pangalan ko pero umabot pa rin sa pandinig ko.

Bakit nandito siya? Hindi ba siya nagpunta sa kaarawan ng mama niya? Kanina pa ako nakaalis at iniwan siya doon sa ilalim ng puno. Tapos hanggang ngayon maabutan ko pa rin siya dito hanggang ngayon. Sa gitna ng kadiliman. Halatang nag-aabang sa akin na makauwi.

“Bakit nandito ka? Paano ang birthday ng-”

Natigilan ako nang humakbang siya palapit.

“Pumunta na ako. I greeted her and go. Maintindihan niya.”

Napanganga ako. “Pero importanteng nandoon ka.”

“But you're more important, Inneya.”

Mas lalo akong natigilan. Anong importante sa pagpunta niya dito? Wala namang emergency. Walang kahit na anong dahilan para mag-stay siya dito ngayon at hintayin ako.

“Nag-alala ako na baka anong nangyari sa'yo kanina no'ng umalis ka. Kaya naghintay ako.” Bakas ang pag-aalala sa mga mata niya hanggang ngayon.

Nagkatitigan kami ng ilang saglit. Saglit na katahimikan ang dumaan bago ako nagsalita.

“Ayos na po ako. Salamat. Pasensiya na sa abala. A-Aalis na ako.” Bahagya akong yumuko.

Akmang lalampasan ko na siya nang magsalita siya.

“Alam kong nagulat ka sa sinabi ko kanina. And I'm sorry.”

Napalunok ako't binalingan siya. Kung ganoon, lalayo na siya? Hindi niya na ako lalapitan simula ngayon? Naintindihan niya na ba ang sitwasyon? Magiging tahimik at maayos na ba ang lahat?

May pagsusumamo sa mga mata niya.

“Am I bothering you, Inneya?”

Napaawang ang bibig ko. Agad akong sinalakay ng kaba sa dibdib. Kahit kailan hindi ko inisip na ganoon siya. Gusto ko siyang lumayo sa akin pero hindi sa gano'ng dahilan.

“Just tell me, kung nakakaabala na ako lalayo ako, Inn.” Nanatili ang lungkot sa kaniyang mga mata.

“Diego...” Hindi ko na alam ang sasabihin.

“Maiintindihan ko, hindi ko rin ito ginusto pero naramdaman ko na lang bigla, and I'm sorry if that makes you uncomfortable. I'm so sorry.”

Kumuyom ang kamao ko. Nakagat ko ang ibabang labi nang makaramdam ng pagsikip ng dibdib.

“I'm going back to states tomorrow. Thankfully, I see you for the last time before I go... and I was given an opportunity, Inneya.”

Hindi nakatakas sa paningin ko ang pamamasa ng mata niya. Tila iiyak. Tila may mahuhulog na luha doon ngunit pinipigilan niya. I didn't expect to make him cry. He's not that fragile to cry over someone like me. I'm not worth crying for, so please don't dedicate those tears to me.

Sa pangalawang pagkakataon. Aalis ulit siya. Ngunit hindi na tulad noong masaya ko siyang pinuntahan sa mansyon para bigyan ng flute. Ngayon ay babalik siya sa ibang bansa ng may pasakit na dala dahil sa akin.

Ano ba itong pinaparamdam mo sa'kin Diego? Ano ba itong paninikip dito na hindi ko mawari? Bakit kailangan ko itong maramdaman?

Katahimikan ng gabi, mahihimigan ang mga insekto na papalit palit sa pagtunog na nagkalat sa paligid. Tinatanaw ko ang likuran ni Diego. Nakasakay na siya ng kabayo. Tila pinapabagal lamang ang paglalakad ng kabayo niya. Tila binabagalan niya ang pag-alis. Sinadya niya ba talaga iyon o pakiramdam ko lang?

Nagkalat ang mga umiilaw na alitaptap sa paligid, napakaganda ng gabi. Ngunit ang atensyon ko ay nakatuon sa likuran ng lalaking papalayo... sa likuran ng lalaking binibagalan ang pag-alis. Tila hinahamon akong sumunod. At habang papalayo siya ay tila bumibigat ang pakiramdam ko.

At oo, nanalo siya.

Dahil natagpuan ko ang sariling tumatakbo upang sundan si Diego na papalayo. Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa ko ito sa kabila ng lahat ng pag-iwas ko kay Diego.

I'm doing what my heart tells me, I think I might regret letting him leave like this. Tila agad naglaho ang lahat ng inaalala ko nitong mga nagdaang taon. My mind is clouded. I can no longer see the consequences of the decisions I'm making. All I see is what's happening now... what I'm feeling now.

Bahala na, kung ano man ang magiging resulta nito. Bahala na!

Nang lingunin ni Diego ang likuran at nakita akong sumusunod ay agad niyang pinatigil ang kabayo. Mabilis niya itong nakabig at binitiwan ang renda upang bumaba. Kitang gulat na gulat siya, tila naguguluhan pero tanging gusto ay lumapit.

“Inneya...” Nagtaas-baba ang dibdib niya dahil sa paghahabol ng hininga. Dumaan ang dila sa ibabang labi niya at pinagmasdan ako.

Alam kong kapag sinabi kong huwag siyang umuwi, ay hindi siya uuwi. Kitang kita ko sa mga mata niya ang desperasyon na lapitan ako... na makasama ako.

Kanina, gusto ko siyang habulin. Ngunit hindi ko naisip kung ano ang sasabihin kapag nasa harapan na siya. Ngayo'y blangko na ako.

“Ayaw mo ba akong umalis?” aniya na tila nanghuhula.

Umiling ako. “Kailangan mong umalis.”

Iyon ang pinaka hindi pwedeng mangyari. Hindi ako ang magdedesisyon, wala akong karapatang gawin iyon.

"Do you have anything you'd like me to do?" It sounds like he's obedient and ready to do whatever his master tells him, like a loyal dog.

God, Diego. Don't act like this. Hindi ka dapat nagiging ganito ka-desperado. Isa kang Harvoc. Keep your honor on the top.

Tumingkayad ako para abutin ang pisngi niya, pinatakan ko siya ng halik doon. Nang humiwalay ako ay tulala na siya.

“Huwag kang gumawa ng bagay na hindi pinag-iisipan,” ani ko at nagbitiw ng mapait na ngiti. “Kahit kailan hindi ako hihingi ng kahit anong bagay mula sa'yo, maliban sa mag-ingat ka at huwag mong pabayaan ang sarili mo.”

Napasinghap ako nang yakapin niya ako. Isang napakahigpit na yakap na tila iyon na ang una't-huli.

“Okay, I will do that.” Garalgal ang boses niya at ramdam ko ang pag-asa doon.

Nagbigay man iyon ng pahiwatig o ano, hindi ko alam. Ngunit gumaan ang loob ko matapos iyon. Nagbalik na sa ibang bansa si Diego. Bago siya lumisan, hinanap niya ako mula sa mga katulong na nasa labas na nakatayo. Nag-aabang kami sa pag-alis ng mag-amang Ervien at Diego.

Agad napaawang ang labi ko nang magtama ang mga mata namin.

“Please, here's my number. Kahit sa isang buwan, kahit isang text lang,” aniya nang bigla siyang makipagkita sa akin sa greenhouse.

Nagpapasalamat akong nerespeto niya ang kagustuhan ko na gawing pribado ang interaksyon naming dalawa. Ang importante ay huwag akong lumayo.

Ngumiti ako sa kaniya at bahagyang tumango. “Susubukan ko, Diego.”

Ang sinabi ko ay nagbigay ng pag-asa sa mga mata niya.

Pormal na tumango lang siya nang magkatama ang mga mata namin bago tuluyang sumakay sa kotse. Sabay silang pumasok ni Senyor Ervien. Hanggang sa lumisan na nang tuluyan ang sasakyan.

“Magkano ba ang keypad na cellphone, Sabel?” Isang araw naitanong ko.

Nagulat pa si Sabel nang itanong ko 'yon.

“Keypad talaga? Pwede namang touch screen ang bilhin mo. Para ka namang matanda niyan.” Ngumiwi pa si Sabel.

“Pang-text lang naman ang kailangan ko.”

“Samahan kita sa bayan kapag day off na'tin,” aniyang excited pa. Kalaunan ay kumunot ang noo nito. “Siya nga pala, bakit bigla mong naisip bumili? May ka-text ka na?”

Namilog ang mga mata ko. “W-Wala, ah. Naisip ko lang bumili. M...Mayroon na kayong ganoon lahat, samantalang ako na lang itong wala. Para na rin ma-text kita kapag may kailangan ako.”

Umismid si Sabel. “Sus, maniwala. Ayos lang naman. Nasa tamang edad ka na para lumandi. Basta ba ipakilala mo ko, ha!”

Napanganga na lang ako. Kalaunan napagtanto kong tama siya. May makaka-text na nga ako. Pero hindi lang naman si Diego ang dahilan. Atsaka, halatang iba ang nasa isip ni Sabel, hindi naman talaga ganoon iyon.

Biglang nag-flashback sa utak ko ang senaryo kung saan hinalikan ko sa pisngi si Diego. Biglang uminit ang pisngi ko sa ala-alang iyon. Ngayon ko naitanong sa sarili ko kung bakit ko nga pala ginawa iyon.

Day-off, sinamahan nga ako ni Sabel sa sentro ng bayan para bilhin iyong cellphone na gusto ko. Pinu-push niya na bumili nga ako ng touch screen kaysa keypad. Kaya napilitan ako at iyon na lang ang binili.

Excited din agad siyang turuan ako. Pati social media accounts ginawan niya rin ako. Nakiki-wifi ako sa kapitbahay namin ni Sabel at nang mapag-isa ay agad kong tinipa ang pangalan ni Diego.  Doon nahanap ko siya, napangiti ako nang makita ang mga picture niya. Nahanap ko ang picture niya kung saan nakatayo siya at dagat ang background. Tila nasa yatch, may hawak na beer sa kabilang kamay.

Tiyak sa kanila itong sasakyan, narinig kong may mga yatch ang pamilya niya. He manages to maintained a formal and classy demeanor despite a small smile.

Sa pagtingin-tingin  ko sa mga picture niya, may tila nabuksang bagong mundo sa harapan ko. Ang mga babaeng magaganda na kasama niya, mga kaibigang nakapaligid sa kaniya. Sa isang picture lang, umaabot ng ilang libo ang reactions, maraming comments at iilang share. Mapapanganga ka na lang.

Napasinghap ako nang mapindot ko ang heart react sa isa sa picture niya sa Instagram. Natatarantang nilapag ko kaagad ang phone ko. Hindi ko alam kung papaano tanggalin iyon, sana pala nagpaturo ako kay Sabel.

Ilang saglit ay biglang tumunog ang phone ko. Ngali-ngali ko iyong tiningnan. Namilog ang mata ko nang makita ang message na nandoon. Kay Diego.

DiegoXInn:

Inneya?

Bakit ang bilis niya naman yatang napansin ang react ko? Parati ba siyang nakatutok sa phone niya? May iba naman yata siyang ginagawa maliban sa pag-atupag sa cellphone niya.

Inneya:

O

Ngali-ngaling ni-send ko iyon. Wala pang ilang segundo may reply na agad siya.

DiegoXInn:

How did you...

Napangiti ako at nagtipa.

Inneya:

Tinuruan ako ni Sabel.

DiegoXInn:

Can I call? Can I have your number?

Ilang saglit akong napatitig sa screen ng phone ko. Ayos lang naman, 'di ba? Isa siya sa dahilan kaya mayroon akong phone ngayon.

Kaya pinasa ko sa kaniya ang number ko. Ilang segundo lang ulit ang dumaan at nag-ring na ito.

“Inn?” Sa mababa niyang boses.

Nakailang buntong hininga ako at bumaling sa paligid. Naka-upo ako sa kawayang upuan sa labas ng bahay. Sa malapit na poste, nandoon ang peso wifi. May kaunting signal ang sim ko, mabuti na lang.

“K-Kumusta?” Nilakipan ko ng mahinang tawa, sakto lang para marinig niya.

“I'm fine.”

Mga ilang minuto ang pag-uusap namin. Hindi ko namamalayang naging kumportable na ulit kami sa isa't-isa. Siguro ayos lang naman ito... kahit may pagdadalawang isip.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 58.4K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
193K 4.9K 11
Sa kabila ng isip batang katangian ni Yuka ay minahal siya, tinanggap, at inalagaan ni William. Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay mas naging protekt...
611K 13.3K 22
Lahat ng himpapawid ay kanyang liliparin. Maging ang malalim na dagat ay kanya ring lalanguyin. Pati ang pagpapansin ay kanya na ring gagawin; makuha...
4.8K 268 46
LORDS SERIES #2 Anica Carcueva is a con artist that targets big companies and businesses. She used different kind of hypnotism nd tricks to scam her...