(R-18)A TASTE OF BEBENGKA

By KeichiYeol

57.2K 2.2K 436

*EMBRACE YOUR PASSION AND ALLOW YOUR STRENGHTS TO GROW. YOUR CONFIDENCE IN YOUR ABILITIES WILL NATURALLY GRO... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32

CHAPTER 26

1.6K 68 20
By KeichiYeol

MAKALIPAS ang isang linggo at mga buwan ay umikot ang mundo ko kasama si Delvin at ang batang si Noah.

Para kaming isang maliit na pamilya ayon sa mga taong nakakakilala sa amin.

Kapag nakikita nila kaming magkasama na tatlo ay para daw talaga kaming isang pamilya.

Nakakatuwa lang isipin na parang nasanay na kami ni Delvin sa pag-aalaga sa bata.

Hindi naman naging sagabal sa amin ang bata. Nakakapag focus parin ako sa aking pag-aaral at maging si Delvin ay nagagawa din nito ang mga nakagawian na niyang gawain.

Gumagawa talaga kami ng paraan para magkaroon ng time para sa bata.

Sa umaga at hapon nasa UNI ako abala parin sa studies, habang sa mga oras na iyon ay si Delvin naman ang abala sa pagbabantay kay Noah.

Kapag gabi naman ay si Delvin ang busy pero ilang oras lang ay agad din ito nakakabalik ng bahay.

Umikot ang pang-araw-araw namin routine sa ganon at ni isa sa amin ay walang nagrereklamo.

Bagamat natutuwa pa nga kami dahil feeling namin magulang na kami ni Noah.

Nag hired na din ng kasambahay si Delvin sa bahay para kahit papaano ay mapanatiling malinis parin ang bahay.

Minsan napapadalaw din sa bahay si kuya Ahmon. At maging siya ay tuwang-tuwa na alagaan si Noah.

Noong unang malaman nito ang tungkol sa bata ay labis ang kanyang pagtutol.

Subalit napakiusapan ko din siya na hayaan nalang kami ni Delvin sa aming pasya.

Wala naman din siyang nagawa kahit pa labag iyon sa kanya.

Sa huli ay mas napapalapit pa nga siya kay Noah kaysa sa amin ni Delvin.

{"Babe, pauwi na kami ni Noah sa bahay. Anong oras ka uuwi? Mis na kita, i mean namimis kana namin ni Noah."}Untag ni Delvin mula sa kabilang linya.

Napangiti nalang ako sa mga linyahan niya. Idadamay pa ang isang 8 months old na bata sa kalokohan niya.

"Baka mamayang hapon pa, nasaan na pala kayo ngayon?"Tanong ko.

{"Nandito kami sa Condo ni Hanzo, gusto daw niya makipag laro kay Noah."}Sagot niya.

"Akala ko ba nasa Laos Village kayo?"Takang tanong ko.

Dahil ang paalam nito sa akin kagabi ay dadalhin niya sa LAOS VILLAGE si Noah para makilala ng pinsan nito ang batang anak ng kanyang yumaong ex-girlfriend.

Kaya hindi ko maiwasan magworry kapag lagi niyang ipinapasyal ang bata sa kung saan-saan.

{"Don't worry babe, saglit lang naman kami. Mahilig lang talaga sa bata si Hanzo kaya pinagbigyan ko na."}Katwiran naman niyang sabi.

Napailing nalang ako sa dahilan nito."Oh siya sige na nga. Basta pagdating sa bahay ay painumin mo siya agad ng serup niya para di siya magkatrangkaso."Litanya kong aniya.

{"Yes babe, i'll do that. Uwi ka agad ah, i miss you."}Delvin.

"Sige...uwi din agad ako. I miss you too."Pagkasabi ko non ay pinatay kona agad ang tawag dahil baka pag tumagal ang usapan namin sa linya ay mag-iba nanaman ang topic.

Lalo na mukang nasa good condition nanaman si Delvin.

Lagi naman eh!

"Hey girl, sasama kaba para sa first mission natin mamaya?"Untag na tanong sa akin ni Haruka na bigla nalang lumitaw sa tabi ko.

Ngunit umiling-iling lang ako bilang sagot sa tanong niya.

Abala ako sa pagtitipa ng laptop dahil sa mga information na naipon ko about sa group na napapabalitang isa sa pinaka delikadong criminal organization gangland dito sa pilipinas.

Umupo si Haruka sa upuang nasa tabi ko at napapabuntong-hininga nalang siyang humarap sa laptop na nasa harapan din nito.

Dahil alam niyang busy ako kaya hindi na ito umimik at nangulit pa.

Mas tinuon ko parin ang atensyon sa aking pinagkakaabalahan.

Alam kong importante ang first mission namin na pumunta sa isang lugar kung saan may naganap na suicide tungkol sa isang artista na bigla nalang daw nagpakamatay.

Subalit mas nakuha ng interest ko ang paghalungkat sa issue ng gangland group na pinagkakaabalahan ko.

Higit sa lahat, konektado din ito kay Rosela na napag alaman kong Andrea pala ang totoong pangalan nito.

"Chiara!"

Napaigtad ako sa gulat ng biglang lumitaw sa tabi ko si Fidel."Dang Fidel, bakit kaba nanggugulat?"Taas kilay lingon ko sa kanya.

Subalit seryoso lang itong umupo sa isa pang upuan na nasa tabi ko at pasimple nitong sinilip ang laptop na nasa harapan ko.

"Sorry, pwede ka bang makausap?"Baling nito sa akin.

"Can't you see? I'm busy!"Malamig na tugon ko.

"Tungkol ito sa mission ko."Fidel.

Napalingon ako sa kanya."Pati ikaw may mission din?"Gulat na tanong ko.

Naramdaman ko naman ang paglapit ni Haruka sa tabi ko."Anong mission mo Fidel?"Nakangising tanong din nito.

"Isang napaka delikadong mission!"Seryoso parin na tugon niya.

"Tungkol saan?"Curious na ako dahil sa napaka lamig na expression nito.

Pagkwan ay itinuro niya ang laptop ko kung saan doon nakalantad ang news about the Gangland group.

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang nais nitong iparating.

"You mean...it's about those people?"Sambit ko.

Tumango naman siya."Yes."

"No way! Delikado yan Fidel. Balita ko marami na din sumubok na hikayatin ang tungkol sa grupo na yan pero nauwi lang sa wala ang lahat. Ayon pa nga sa nasagap kong balita ay iilan na daw ang namatay na criminology students dahil sa mission na gaya ng sayo. Hindi kaba natatakot?"Seryosong singit naman ni Haruka."They will kill you mercilessly! No one will care if you die."Dagdag niya pang sabi.

Narinig ko na din ang tungkol sa bagay na iyon. Marami rin daw umatras na students na inatasan sa ganoong mission dahil sa takot na baka sila naman ang bawian ng buhay.

"I'm not afraid of them! For fuck pete's sake!"Matigas na sagot ni Fidel.

"Tsk! Nagtanong pa ako. Nakalimutan kong si Fidel Anderson pala itong kausap ko."Napapailing na ani Haruka."And you girl, ano na? Sasama kaba sa'kin or hindi?"Baling naman nito sa akin.

"No!"Walang alinlangan kong sagot.

"You're driving me crazy girl! I really thought na ikaw makakasama ko sa mission na ito. But in the end tatanggihan mo lang pala ako!"Nagtatampo na atungal ni Haruka tsaka padabog na tumayo nang biglang tumunog ang selpon nito.

"Maybe sa next mission nalang kita masasamahan Haru, pasensya na."Sambit ko.

"I knew it! Basta next time hindi kana pwede tumanggi pag niyaya kita, got it?"Ani Haruka.

Nakangiti naman akong tumango sa sinabi nito."Yeah, sure."

Sumilay ang napaka ganda nitong ngiti pagkwan."Good. Okay bye, aalis na kami."Pagkatapos ay nagdash na itong lumabas ng library.

At dalawa nalang kami ni Fidel ang naiwan sa loob.

"Now tell me Fidel, Do you have anything to say?"Seryosong nilingon ko si Fidel.

Kampante lang ito nakatitig sa akin."Gusto ko lang sabihin sayo na, you better stop searching for those fucking people. Napaka delikado, please let me take care of this matter."He says.

Napakuyom ako sa aking kamao in irritation."Nahihibang kaba? Hindi mo alam ang pinagsasabi mo Fidel! I'm doing this dahil gusto ko silang pagbayarin sa ginawa nila sa lola ko. Ngayon paba ako aatras kung kailan marami na akong alam tungkol sa kanila?"Nanggagalaiti sa inis na saad ko.

"You think i don't fucking know about that? Chiara i know everything though! Kaya ko ito sinasabi sayo dahil ayokong masaktan ka. Anong magagawa mo para mahuli sila? Wala kapang kakayahan na huliin ang mga kagaya nila. Hindi yun ganoon kadali Chiara."Umiigting panga na tugon nito at halata sa kanyang mga mata ang labis na pag-aalala.

Pero hindi parin ako nagpatinag sa kanyang mga sinabi. Buo na sa loob ko ang gumawa ng paraan para maipaghiganti ang lola ko sa mga taong yun.

Lalo na ang Monster na yun kung sino man siya at kung ano ba talaga ang koneksyon ko sa taong yun.

"I know wala pa akong kakayahan na mahuli sila pero hindi ibig sabihin na wala akong gagawin! I have to find out everything about them as soon as possible. Lalong hindi ko pwedeng ipaubaya sa mga pulis ang nangyari sa lola at pinsan ko dahil magpahanggang ngayon wala parin silang napapatunayan. Sa madaling salita...wala silang ginagawa and that makes me deadly mad!"Mahabang sansala kong aniya sa galit na galit na tinig.

"I understood Chiara. I know how it feels na gustong-gusto mong gantihan ang mga taong nakagawa ng malaking kasalanan sayo, pero isipin mo din ang kapakanan mo."Abiso nitong anito at halatang nag-aalala talaga siya sa akin.

"Naisip ko din yan Fidel, kaya nga palihim ko ginagawa ito eh. Ayokong malaman ng mga taong mahalaga sa akin ang binabalak ko."Nanlulumong tugon ko tsaka napabuntong-hininga.

Lalo na kay Delvin, hindi niya ito maaring malaman.

"Pag-isipan mong mabuti mga kilos mo Chiara."Abiso nitong sabi."Nitong mga nakaraang buwan, may napapansin ka bang bumabagabag sa'yo?"Dagdag niya pang tanong.

"Ang totoo niyan, few days napapansin ko din ang mga kahina-hinalang kalalakihan na umaaligid sa akin. Hindi naman nila ako sinasaktan or inaano pero nadi-distract ako sa presensya nila. Tuwing tatangkain ko naman silang lapitan para kausapin ay agad silang umaalis kaya lalo akong naiirita. Hindi ko tuloy alam kung bakit nila iyon ginagawa at sino ba talaga ang nag-utos sa kanila na bantayan ako!"Iritadang usal ko.

"Akala ko ako lang nakapansin nun, nahalata mo rin pala. Alam mo ba kung bakit lalo silang nagiging mahigpit na bantayan ka? It's because they already know na marami ka nang alam tungkol sa mga taong nagbabalak na patayin ka noon."Fidel.

"What do you mean Fidel? Paanong...?"Hindi ko pa natutukoy ang sasabihin nang magsalita siya.

"Tulad ng sabi mo nadi-distract ka sa presensya nila, hindi mo ba alam na bawat galaw mo ay alam din nila? Alam nila kung ano mga pinaggagawa mo Chiara."Atungal niya.

Nabahala naman ako sa kanyang sinabi. Paano niya nalaman ang mga bagay na yun?

Akala ko walang ibang nakakaalam sa mga pasikretong lakad ko para lang sumagap pa ng information about those people.

"Like i told you Chiara, i know everything."Anito na para bang nababasa nito ang aking iniisip.

"How did you know all of that? Sinusundan mo ba ako?"Confused kong tanong sa kanya.

Napahugot siya ng malalim na hininga bago muling nagsalita."Nope, dito lang kita nababantayan sa UNI pero hindi sa labas."

"Kung ganon, paano mo alam ang bagay na yan?"Tanong ko.

Pagkwan ay marahan siyang tumayo at namulsang tinalikuran ako.

Subalit kaagad ko siyang pinigilan sa braso nito."Fidel...sabihin mo nga sa akin, noon ko pa ito gustong itanong sayo pero hindi ako nagkakaroon ng lakas na tanungin ka. Pero this time tatanungin na talaga kita!"Huminga ako nang malalim bago muling nagwika."Why are you doing this?"

Minuto siyang nanatili na nakatayo at hindi nakaimik. Hanggang sa humarap siya sa akin suot ang napaka seryosong expression sa gwapo nitong mukha.

"I just want to protect you."Fidel.

Gumuhit sa mga mata nito ang hindi maitatagong pagkabahala at pag-aalala.

"But why?"Punong-puno nang katanungan na sambit ko."We know a lot of each other's secret's considering how were not that close."Dagdag kong saad.

"Hindi na importante kung bakit, basta gusto lang kitang protektahan that's all!"Pagkatapos nito iyon sabihin ay tuluyan na niya akong tinalikuran palabas ng library room.

Kaya naiwan akong aligaga at naiinis dahil wala man lang akong matinong sagot na natanggap mula sa kanya.

Lalo akong naguguluhan at naiirita.

Simula pa lamang kasi ng unang pagkikita namin noon ay ramdam ko na ang pagiging protective nito sa akin.

Hindi ko nga alam kung coincidence lang ba talaga ang palagian naming pagkikita at pagsasama sa iisang lugar.

Katulad nalang nitong UNI na pareho naming pinasukan at same course pa talaga kami.

That makes me curious even more kung ano ba talaga ang dahilan nang lahat ng ipinapakitang kabaitan sa akin ni Fidel.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na dahil kay Delvin kaya niya ito ginagawa, sa pagkat wala pa naman alam si Fidel na may namamagitan sa amin ni Delvin.

Hindi naman kaya dahil may gusto siya sa akin?

No!

Malabo din yata yun eh.

Kainis, dagdag pa sa iniisip ko ang bagay na iyon. Lokong Fidel na ito, kahit kailan punong-puno talaga siya ng pagka misteryoso.

Bigla ay sumagi sa isip ko ang sinasabi nitong mission tungkol sa Gang group na yun.

Mas lalo pa tuloy akong nagka interes na alamin ang lahat tungkol sa mga yun.

Kung ano ba talaga ang business meron sila, kung ilan ba ang sakop nila na organization at higit sa lahat ay kung sino ba talaga ang pinaka boss nila.

Bagamat nag-aalala naman ako nang maalala ang sinabi ni Haruka kanina tungkol sa mga dating Criminology students na nagtangkang imbestigahan ang gang group.

Gang group?

Isa sa bumabagabag sa isip ko ay kung ano ba ang totoong tawag sa grupo na iyon maliban sa gang group.

Kailangan ko malaman para mas madali ko silang ma-search eh.

Muli akong umupo at humarap sa laptop. Nag type ako doon at nagsearch ng pangalan ng grupo na pinaka mapanganib sa buong mundo.

Pero sa kasamaang-palad ay wala talagang lumalabas.

Sa inis ko ay padaskol kong isinara ang laptop at napapasabunot sa ulong sumandig sa likod ng swivel chair.

"Kainis!"Naiiritang usal ko.

Sa inis ko ay napapabuntong-hininga nalang ako sabay pikit ng aking mga mata.

Maya-maya pa ay biglang nagring ang selpon ko na nakapatong sa mesang katabi ng laptop.

Kaagad ko iyon dinampot at tiningnan kung sino ang tumatawag.

At gayon nalang ang pag-upo ko ng tuwid nang makita kung kanino galing ang tawag.

Kenji's Calling...

After nang ilang buwan na nakalipas ay ngayon lang ulit ako nakatanggap ng tawag mula sa kanya.

Simula kasi noong camp training namin ay wala na akong balita sa kanya.

Ang alam ko lang, ayon sa mga kapwa ko students ay nagpunta daw siya sa Russia ang President Officer namin na si Kenji.

Ang dahilan?

Well, walang nakakaalam.

Hindi sinabi kung bakit ito biglaang nagpunta sa Russia. Marahil ay may importanteng bagay lang siyang ginawa doon.

Di naman iyon maiiwasan dahil nga napaka taas ng position niya sa UNI na ito at malamang sa malamang marami din siyang koneksyon sa ibang bansa.

Napag alaman ko din mula kay Delvin na konektado din pala si Kenji kay Blake.

Ibig sabihin lang noon ay malaki talaga ang role ni Kenji pagdating sa Justice Industry.

"Chiara's Speaking."Mahinang usal ko.

{"Hey Ara, how are you?"}Kenji.

"Well, i'm good Mr. President."Kalmado lang na tugon ko.

Dinig ko pang napa smirk siya sa kabilang linya.{"C'mon Ara, wag mo naman ako masyadong igalang sa pakikipag-usap. Hindi ako sanay eh."}Atungal niya.

"But i have to."Pagtanggi ko.

{"Mabuti pa mag-usap nalang tayo sa personal. Pwede kabang pumunta dito sa Office ko? I'll wait for you."}He says.

Sigundo bago ako makasagot. Bigla sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Fidel kanina, na maaring wala nga akong kakayahan na huliin ang mga bastardong  iyon pero nakalimutan kong may Kenji pala akong pwedeng hingian ng tulong kung sakali.

Pero parang nakakahiya din eh. Ngunit wala naman siguro mawawala kung susubukan ko.

Kaagad kong pinatay ang tawag nito tsaka tumayo at huminga ng malalim.

"I can do this!"Bulong ko sa sarili.

Pagkatapos ay nagmadali na akong lumabas mula sa library at taas noong naglakad sa malawak na hallway.

After few minutes ay nasa harapan na ako ng nakasarang pinto ng office ni Kenji.

Medyo kinakabahan din ako pero kailangan kong maging kalmado at cool sa harapan ni Kenji.

Ilang buwan din kaming hindi nagkita at isapa napaka hirap niyang mahagilap.

Kaya pagkakataon ko na din ito para makausap siya.

Bahala na.

Kakatok pa sana ako nang biglang bumukas iyon at bumungad sa akin ang nakangiting si Kenji.

Napaka normal lang ng kanyang porma na lalong bumagay sa ganda ng katawan niya.

Napansin ko agad ang magulo nitong buhok na tama lang ang haba.

At halata din sa medyo tumutubo nitong balbas na mukang napapabayaan na niya ang kanyang sarili pero langya napaka gwapo parin niya sa lagay na yun ah.

"Come in!"Niluwagan naman nito ang pagbukas sa pinto at niyaya akong pumasok na sa loob.

Walang imik naman din akong humakbang papasok.

Namangha ako sa ganda at laki ng office niya.

As in sobrang laki at may mahahabang leather couch na magkaharap sa center ng room.

"Have a seat, Ara."Paanyaya pa nito.

Umupo naman ako sa mahabang leather couch. At maya-maya pa ay naramdaman ko nalang ang pag-upo ni Kenji sa tabi ko.

Inabutan niya ako ng isang cup of tea."Have some, Ara."Saad nito at marahan naman nag sip ng inom sa kape nito.

Ako naman ay tahimik lang na nakamasid sa kanya.

He looks so tired.

Is he okay?

Napansin ko kasi sa mga mata nito na parang kulang na kulang siya sa tulog.

Pagkwan ay nagtama ang paningin namin ng lingunin ako nito.

"Okay kalang? Ang laki ng eye bags mo!"Yun ang unang kataga na lumabas sa bibig ko.

Napangisi naman siya, ngisi na may halong ngiti."Napansin mo ba?"Sagot niya.

"Obvious ka kaya!"Sambit ko.

Humugot siya ng mahabang hininga tsaka pasimpleng sumandig sa likod ng malaking couch at pikit-mata itong nakatingala sa kisame.

"Haah! Finally i feel peace kahit nakaupo lang ako sa tabi mo Ara. I want this with my entire soul."Pikit-mata niyang anito at panay hugot nito ng malalim na hininga.

"What's happen? May problema kaba Kenji?"Hindi ko magawang itago sa sarili ang pag-aalala sa kanya.

Ngayon ko lang kasi siya nakitang ganito umakto. Daig pa ang isang tao na pasan ang buong mundo.

"Sometimes i just want to disappear and gone! I don't know what to do anymore."Pagkwan ay seryosong tugon nito tsaka umupo ng tuwid at pinasadahan ako ng tingin."But...no matter how hard I try to think about something else, my thoughts always go back to you."

Napakurap-mata ako sa huli nitong sinabi."Huh? What are you saying all of sudden? Okay kalang ba talaga?"Naguguluhang tugon ko.

Pagkwan ay napapailing siyang umiwas ng tingin sa akin."Um, nevermind. Marami lang talaga gumugulo sa isip ko, pero okay lang ako Ara."He smiled at me.

Pero iyong ngiti niya ay may halong lungkot na labis kong ikinabahala.

Sa nakikita ko ay mukang malabong makausap ko siya tungkol sa bagay na sadya ko sa kanya.

Baka makadagdag pa ako sa iniisip niya eh.

"Kung ganon, bakit mo ako pinapunta dito?"Seryosong tanong ko.

"Para makita ka, ilang buwan din akong nawala."Pag-amin nitong tugon.

Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi."Dahil lang don?"Pagtataray ko.

Napangiti naman siya sa atungal ko."Hindi mo ba ako namis, Ara?"

Napanganga naman akong nakatitig sa kanya."I'm sorry, but i have nothing more to say. You are making me extremely anxious right now Kenji."Naiilang na sambit ko.

Pagkwan ay tumawa siya ng hindi naman ganon kalakas. Napapikit pa ako ng pingutin nito ang ilong ko sabay sabing..."Lalo kang nagiging cute pag nagsusungit eh. Yan ang isa sa namis ko sayo."Saad pa niya.

Napanguso nalang ako at hindi na nakaimik pa.

Tulad parin siya ng dati, feeling close talaga kung makitungo at hindi ko maintindihan kong bata parin ba tingin niya sa akin or ano!

Pagkwan ay tumayo siya at naglakad paliko patungo sa kanyang mesa. Pagkatapos ay kaagad din siyang bumalik ng upo sa tabi ko nang makuha nito ang isang black ipad.

"I have something to show you."Mahinang saad niya sabay scroll nito sa kanyang Ipad.

Maya-maya pa ay may ipinakita ito sa akin.

At doon may isang article news about sa isang illegal business na pagmamay-ari ng tinatawag na MOUSE Organization.

Marami itong illegal business sa iba't-ibang parti ng pinas na kumakalat at kahit ang gobyerno ay hindi ito magawang puksain.

Sa kadahilanang napaka delikado ng organization na iyon. Kaya nilang ubusin ang pamilya ng sino man magtangkang bulabugin sila.

At ang mas ikinagulat ko pa ay nang mabasa kung sino ang mga taong konektado sa organization na iyon.

Ayon sa news article na nakasaad ay kabilang si Andrea Piero sa isang pamilya na mamamatay tao at may mga malalaking gangsters na ang nagkalat sa bansa.

Hindi nabanggit kung sino sa panig ng pamilya nito ang pinaka kinatatakutan ng lahat.

Nakasaad pa sa pinaka huling update ang tungkol sa isang NONEM Organization na kumakalaban sa MOUSE organization.

"Mouse Organization vs Nonem Organization? What are these people?"Hindi makapaniwalang banggit ko.

"MOUSE organization ang totoong tawag sa Gangland group dito sa bansa na binansagang criminal and killer gangland group. At ang NONEM organization naman ay grupo na may dalawang role bilang grupo. Maari silang kakampi ng kabutihan at maaari din kalaban. Depende sa kung anong situation, pero ang matindi pa dyan ay ang grupo na yan ang kumakalaban sa MOUSE organization."Baling nitong anito."You are searching for them right?"Dagdag niya pang tanong.

My god!

Ang dami niyang alam tungkol sa mga taong iyon.

Mga bagay na kanda-hirap akong hanapin at alamin pero napaka dali lang non para sa kanya na malaman.

Ganito nga talaga siguro ang totoong nagagawa ng isang tao na mataas ang position sa Crime Investigation Unit.

Napaangat ako ng tingin sa kanyang sinabi."H-how did you know?"

"Well, Bago ako umalis papuntang Russia, may isang tao akong inatasan na bantayan lahat ng kilos mo."Mataman siyang nakatitig sa akin.

Nanlaki ang mga mata kong humarap sa kanya."So it means...ikaw ang nag-utos sa mga lalakeng iyon na bantayan bawat galaw ko?"Pagalit na atungal ko.

Napaismid siya at nangunot ang noo nito na para bang hindi niya inaasahan ang naging reaction ko.

"Hold on a second Ara! What are you talking about? Sinong mga lalake ang tinutukoy mo?"Nagtatakang tugon nito.

"Edi sino pa! Yung mga lalake na palagi nalang nakabuntot saan man ako magpunta. Ikaw pala nag-utos sa mga iyon? This is so unfair!"Akma akong tatayo dahil sa inis ng huliin nito ang pulsuhan ko tsaka marahang pinaupo paharap sa kanya.

"Please calm down! Hindi ko alam ang tungkol dyan Ara, i swear wala akong kinalaman sa mga yon."Pangangatwiran niya.

"Eh diba nga kasasabi mo lang na may inatasan kang tao para subaybayan mga galaw ko? Hindi ba sila ang tinutukoy mo?"Confused kong usal.

Sunod-sunod naman siyang napapailing."Tama ka, may pinakiusapan akong tao na bantayan mga kilos mo pero hindi sila yun."Kenji.

Bigla akong nahimasmasan sa kanyang sinabi."Hindi sila ang tinutukoy mo?"

"No!"Tanggi niya.

"Kung ganon, eh sino?"Gulong-gulo na ako ng mga pagkakataong iyon.

"Si Haru, siya ang inatasan kong bantayan ka."Sagot nito.

Ako naman ay halos manigas sa gulat dahil sa pag-amin nito na hindi ko akalain.

"What? You mean...si Haruka?"Halos magtalsikan na ang laway ko sa gwapo niyang mukha.

Sumilay ang ngiti sa labi nito at napapailing."Yes, si Haruka."

"But why? Seriously! Kaya ba palagi siyang nasa tabi ko?"Napapraning kong sambit.

"Ang totoo niyan, gustong-gusto ka ni Haru. Kaya naisipan ko na habang wala ako, mas maigi yung lagi kanyang nasa tabi para mabalitaan niya ako sa mga ginagawa mo."Paliwanag niya.

Lalo pa tuloy akong naguguluhan."Sumasakit ulo ko sa nangyayari! At bakit mo naman ako pinapabantayan kay Haru? In what reason? At paano mo nakilala si Haru?"Sunod-sunod na tanong ko.

"It all started when i saw you noong nakaraang buwan, bago ka palang dito sa UNI at nakita ko na madalas kang palihim na pumapasok sa VIP room office. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng students sa room na iyon, buti nalang nga nasaktuhan kita ng mga araw na iyon dahil kung ibang tao lang nakakita sa'yo ay marahil matagal ka nang pinaalis sa UNI. Simula noon nagduda na ako sa kakaibang kinikilos mo and at the same pinag-alala mo ako. Kaya nang malaman ko na ang pakay mo pala ay halungkatin ang isang napaka delikadong case about sa grupo na iyon napagdesisyunan ko na...tulungan ka."Mahabang paglalahad nito.

Naitulos ako sa aking pag-upo dahil sa mga ipinagtapat nito na nagbigay sa akin ng realization sa mga bagay na ginagawa ko noon hanggang ngayon.

I have no idea na nakita pala niya ako ng mga panahong iyon na ang akala ko ay walang ibang makakahuli sa akin.

Labis kasi na ipinagbabawal ang room na iyon dahil para lang yun sa case na hindi basta-basta inilalantad sa publiko.

Doon ko nga lang nakuha ang ibang information na naipon ko about those group eh.

"I'm sorry pero i have my reason kung bakit ko iyon nagawa."Nahihiyang usal ko.

"Alam ko Ara, kaya nga gusto kitang tulungan eh."Anito.

Napaangat ako ng titig sa kanya."Tutulungan mo ako? Pero baka malagay sa kapahamakan ang position mo dahil lang sa akin."Nababahalang sambit ko.

Kahit ang totoo ay sobrang natuwa ako sa kanyang sinabi. Na siya na mismo ang nagkusa para tulungan ako at hindi na ako nahirapan pang pakiusapan siya.

Ngunit andon parin sa isip ko na baka mapahamak siya lalo na ang position niya.

Pagkwan ay tumawa siya pero sakto lang ang lakas non na kami lang dalawa ang nakakarinig.

"You don't have to worried about that, Ara."Prente lang na sabi nito.

"Pero kasi nag-aalala parin ako Kenji."Tugon ko.

Napalabi ako ng hawakan nito ang kamay ko."Just trust me. And in one condition."

"Anong condition?"Curious kong tanong.

"Don't do anything reckless na maglalagay sayo sa kapahamakan. For now just go with the flow, act normal lang. That will do."He says in a serious tone.

"O-okay i got it. But why are you helping me too? I mean...why is everyone willing to help me?"Hindi ko na napigilan ang sarili na itanong ang mga katagang iyon.

To think na si Fidel ay handang protektahan ako sa hindi maipaliwanag na dahilan ay gulong-gulo na din ako.

Ngayon naman ay si Kenji na handang isakripisyo ang sariling position para lang tulungan ako at wala din akong idea kung bakit niya iyon gagawin para lang sa akin.

It's driving me crazy!

I've got more curious and anxious at the same time.

Why are they doing this?

What for?

In what reason?

Naguguluhan na talaga ako.

"I have a personal reason kung bakit ko ito gustong gawin para sayo Ara."Gumuhit sa mga mata nito ang kalungkutan at ramdam ko sa kanyang boses ang labis na pagkabahala.

"Pwede bang sabihin mo nalang nang hindi na ako nagtataka or naguguluhan kakaisip?"Atungal ko.

"Darating tayo dyan, pero hindi muna ngayon. I'll tell you everything once na ma-settle na ang lahat."Kenji.

Pagkwan ay tumayo siya at kumuha ng wine sa isang tall fridge na nasa tabi ng kanyang mesa.

Maya-maya pa ay umupo ulit siya sa tabi ko tsaka nagsalin ng wine sa glass nito.

"Okay fine, hindi na ako mangungulit. Pero hindi mo naman siguro ito ginagawa dahil sa may gusto ka sa'kin noh?"Walang alinlangan kong sabi.

Natigilan siya sa pagsalin ng wine nito sa glass at napalingon sa akin.

Ilang minuto yata siyang nakatitig lang sa akin na para bang gulat na gulat ito sa aking sinabi.

"No way! Could it be?"Nandilat-matang usal ko at bahagyang napaurong ng upo palayo sa kanya."Wag mong sabihin na...may gusto ka sa'kin Kenji?"Prankang litanya ko pa.

Hindi nakaligtas sa akin ang malapad na ngiting sumilay sa kanyang mala Lee Jun Young na ngiti.

"Isipin mo na kung anong gusto mong isipin Ara."Kalmado lang niyang tugon tsaka pasimpleng nilagok ang wine nito.

"Pero...posible naman na tama ako diba?"Hindi parin nagpapatalo na ani ko.

Muli siyang lumingon sa akin na nakangiti."Well, no comment."

Napahugot naman ako ng hininga in a relief way.

Kinabahan ako sa maari niyang isagot dahil baka pag nagkataon na tama nga ang hinala ko ay maiilang na talaga ako sa kanya.

Isa pa may boypren na ako at si Delvin yun.

Tumayo na ako para sana magpaalam subalit may naalala pa pala ako na hindi naitatanong sa kanya.

"Oo nga pala, may hindi kapa nasasagot sa tanong ko kanina."Baling ko sa kanya na prente lang umiinom ng wine.

"Meron ba? Ano yun Ara?"He asked.

"Paano mo nakilala si Haru?"Tanong ko.

Pagkwan ay maingat niyang ipinatong sa mesa ang empty glass tsaka marahang tumayo paharap sa akin.

"She didn't tell you?"Kenji.

"Tell me what?"Taas kilay na tanong ko.

Umiling-iling at napa smirk siya tsaka tumugon nang..."So hindi talaga niya sinabi sayo na pamangkin ko siya? Tch! That brat!"

Shock!

Pamangkin?

"Huh? Ibig sabihin...ikaw pala ang uncle na lagi niyang nababanggit sa akin?"Gulat na gulat kong sambit.

"Oh! So nababanggit din pala niya ako sa'yo."Kenji smitten.

"Yup, pero never niyang sinabi na ikaw yun."Tugon ko.

At natawa nalang si Kenji."Haha! No wonder."

Natawa nalang din ako sa aking nalaman. Hindi ko inaasahan na magtito pala ang dalawa, tsaka ko lang narealize na kaya pala kakaiba yung pangalan nilang dalawa.

Kenji and Haruka.

Dahil mag-tito pala silang dalawa. Obviously pangalan palang eh.

"Siya ba ang pamangkin mo na binilhan mo nang cake noon?"Natatawang turan ko nang maalala iyong gabi na nagkamali pa siya ng cake na binili.

Napakamot siya sa pisngi at umiling-iling."No, bunsong kapatid niya yun. Haru doesn't like cake, unlike sa kapatid niyang yun na mahilig sa cake."Tugon niya pang sabi.

Napatango-tango nalang ako."Sa bagay ngayon ko lang naalala na ayaw pala ni Haru sa matatamis. Ang dami niyang ayaw, napaka maselan talaga niya."Sang ayon ko.

"But she really likes you though."Kenji's gaze makes me stun in a minute.

"Haha pansin ko nga."Pag-sang ayon ko sabay tawa ng mahina."So paano, kailangan ko na umuwi. Pagabi na pala!"Paalam ko nang makitang 6 pm na pala.

Ganon kabilis ang oras, baka kanina pa naghihintay sa akin si Delvin.

Palabas na sana ako ng pinto ngunit napahinto ako ng hawakan ni Kenji ang braso ko dahilan upang mapabaling ako sa kanya.

Sa mga sandaling iyon ay napaka kalmado lang niyang nakatitig sa akin pero pansin kong nangungusap ang mga mata nitong nakapako sa mata ko.

"Mag-iingat ka, Ara."Napaka lalim na sambit nito.

"Parang hindi mo naman ako kilala, but anyway thanks."Tipid na ngiting tugon.

"That's not what i mean."Lalong sumeryoso ang expression nito.

"Then...what?"I asked.

"Basta, maging aware ka sa paligid mo."Tugon niya pa.

"Ah Okay gets ko na kung anong gusto mong ipahiwatig. Don't worry, mag-iingat ako."Litanya ko nang mapagtanto kung ano ang nais nitong ipabatid."Then...i'll take my leave na."

Tatalikuran ko na sana siya nang mas humigpit ang hawak nito sa braso ko na kanina pa niya hinahawakan.

"Pwede naba akong umalis?"Medyo iritada kong baling sa kanya.

Bagamat napalitan ng matamis na ngiti ang kanina ay seryoso nitong expression.

"Thank you, Ara."Malumanay nitong saad with a deep voice and serious looks on his eyes.

"For what?"Takang sambit ko.

Then he suddenly pulled me in and hugged me sabay bulong nang..."For giving sunshine to my gloomy days like always."

***MONTERELAOS.

Naks! Kunwari pa tong si Kenji eh🤣


Continue Reading

You'll Also Like

27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
87.3K 1.2K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
46.3M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
45.9K 909 56
Eanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. B...