Me Plus You (I Love You) || P...

By SonTina08

20.1K 674 97

The first time I saw you, my heart whispered, 'That's the one'- More

Cast Of Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 16

317 19 1
By SonTina08

- Harriet' s POV -


-

"This is really a bad idea. Why do we have to do this in the first place?" Kabadong pabulong kong tanong habang magkakatabi kaming tatlong nakayuko sa likod ng pader malapit sa isang bintana ng Student Council Office.

"Hush! Could you just please stop complaining? Sino ba kasi nagsabi sa inyo sundan niyo ako dito?" Nagtataray na tugon nitong bruhilda kong pinsan.

"Wow! So bakit parang kasalanan pa namin? Concern lang kami baka bigla ka gumawa ng gulo masama na pala yun?"

Pinaningkitan lang ako nito sabay irap ng kanyang mata. "I won't stoop that low, Harriet. I have a reputation to take care of, so I won't do anything stupid just to ruin it."

"Okay, sabi mo eh."

"Guys, I think we really need to get out of here right now bago pa may makahuli sa'tin." Bulong ni Kenzie sa likuran. I know maging siya kinakabahan na rin sa ginagawa namin ngayon.

"Can you both just freaking leave nalang? Wala na akong narinig sainyo kundi puro complaints. Just go and leave!" Umabante na ito ng pwesto pagkatapos niyang sabihin yun. Nagkakatitigan nalang kami ni Kenzie sabay napailing. Stubborn talaga.

At the end, sumakay nalang kami sa trip niya. Kahit may choice naman kaming ewan siya hindi namin magawa. Aminin ko man o hindi pero curious din talaga ako sa ganap ni Olivia. I can feel something's off din sa kilos niya kanina.

"Shit! Someone's coming!"

Nagulat nalang kami pareho ni Kenzie ng biglang sinabi ni Celeste yun, hindi na din namin nagawang makapagreact pa ng sabay nitong higitin ang mga kwelyo ng suot naming damit at itulak kami papunta sa dulong pader kung saan kami hindi makikita ng taong sinasabi niyang papunta sa direksyon ng SC office.

"What the heck is Ms. Alvarez doing in the Student Council office?" Pagkaraa'y sabi ni Celeste na siyang nakaagaw ng atensyon namin ni Kenzie. Sumilip na din kami mula sa likuran nito at doon namin nakita ang propesora na papasok sa opisina ng Student Council.

"Baka may kailangan lang."

"Well, that's kind of unusual. Why would a professor like Ms. Alvarez personally visit the Student Council office when she could just order someone to do it for her? At ang layo kaya ng faculty office mula dito. Grabeng dedication naman yan." May halong paghihinala na ang tono ng boses nito bukod dun ay seryoso na rin ang mukha nito habang hindi parin inaalis ang tingin sa gawi ng propesora.

"You're just assuming too much." rinig kong komento ni Kenzie mula sa likuran na nagpa-irap naman ng mata ni Celeste.

"Talk to the wall, Castillo. No one's asking for your opinion!" Mabilis ang pagtalikod na ginawa nito at nagulat nalang kami ng muli itong bumalik sa dati naming pwesto kanina. Mabuti nalang at nakapasok na sa loob ang propesora.

"Sumasakit na ulo ko sa pinsan mo, Rie." pabulong na reklamo sakin ni Kenzie.

"Bigyan kita advil mamaya. Tiisin mo nalang muna yung sakit." Biro ko pa dito bago binigyan ng magaan na tapik ang balikat nito. Nagdesisyon na rin akong sumunod nalang ulit sa pasaway kong pinsan.

Nakapwesto na naman kaming tatlo sa dating pwesto namin kanina habang puro parehong nakasilip na sa bintana ng opisina.

Walang ibang tao sa loob maliban kay Professor Alvarez na nakatayo sa harapan ng pintuan ng opisina ng Student Council President. Mga ilang segundo din siguro siyang nakatayo doon bago namin nakita ang dahan-dahang pagbukas ng pintuan ng opisina. Iniluwa nito ang nakangiting si Olivia. Mabilis ang paggawad nito ng halik sa pisngi ng propesora kasabay ng magaang yakap bago niya ito iginaya papasok sa loob ng kanyang opisina. Sandaling tumigil sa may pinto si Olivia. Nagpalinga-linga pa ito na animo'y sinisiguradong walang ibang tao sa paligid bago nito isinara muli ang pintuan.

Wala halos nakapagsalita o nakapagreact agad saming tatlo. Naka-yuko lang kami doon puro pareho habang sinusubukan paring i-proceso ang mga nakita namin mula sa loob.

"Can someone tell me that what I just saw is not real? Because, god forbid, I have never imagined my own best friend doing that thing or whatever that is, and with a professor, if I may add!"

"I wish I could just tell you what you really want to hear right now, Celeste, but I'm pretty sure we just all saw the same thing just now."

Napahilamos nalang ng sariling mukha itong pinsan ko. "This can't be happening right now. What the heck was she even thinking? "

"I think it's better not to conclude anything that we saw. We should give Olivia the benefit of the doubt unless proven that it is true."

Napailing lang si Celeste.

"Whether it was true or not, she still has a lot of explaining to do. Whatever her relationship with Prof. Alvarez needs to be stopped unless mismong higher ups na makaalam and mas magiging complicated pa both of their situations,"

Tumayo na ito ng diretso bago kami hinarap pareho ni Kenzie.

"As far as I know, my best friend is bisexual. On the other hand, Professor Alvarez is straight, married, and already has her own family. I don't think it will do any good if others see them being together and secretly meeting up like this. So they better stop whatever games they've been playing around right now."

Tumalikod na ito at mabilis ang mga hakbang na naglakad paalis.

"She's being too judgmental." komento ulit ni Kenzie habang pareho naming tinatanaw ang papalayong pigura ng pinsan ko.

"But she got a point though, Kenz." Sabi ko. "I don't think magandang image kapag nakita o may nakaalam sa ginagawa ni Prof. Alvarez at Olivia. Not to be too judgmental, but that was the consequence talaga kapag out and proud ka. People are going to judge and make assumptions about you pag nakita ka may kasama lalo na kung same sex mo din. I'm saying all of this based on experience."

Napabuga nalang ng malalim na hininga si Kenzie.

"I don't know, Rie. I just think that it's kind of unfair, you know, to easily judge someone without even valid proof."

She looks at me. I don't know why this is suddenly stressing her out. Something is telling me that there's more to the story, or I am just reading it too much.

"Kenz, are you okay?" I couldn't help but ask, but her initial reaction makes me even more suspicious, as it seems that she was taken aback by my sudden question.

Napakurap pa ito at pilit inililihis ang kanyang tingin. Kumunot na rin ang noo ko sa medyo weird na ikinilos nito.

"Kenzie?"

Mabilis itong nag-angat ng tingin. Makikita sa mga mata nito na may gusto siyang sabihin ngunit sa hindi malamang dahilan ay nahihirapan siyang ilabas ito.

"Com'on, dude, you're making me worried. Ayos ka lang ba talaga?"

Iginalaw niya ang kanyang ulo na parang umiiling, saglit na ipinikit ang mga mata, at nang muli itong dumilat ay diretso na itong nakitingin sa akin. "Your cousin is just giving me the aura of a homophobic bitch."

"What?"

Hindi ko napigilan ang sariling matawa sa sinabi nito. Celeste, homophobic? Nah, mas maniniwala pa siguro ako kung sasabihing dakilang flirt ang pinsan ko na yun.

"Huwag mo akong tawanan dyan, Rie. Yun talaga ang nafefeel ko dun sa pinsan mo!" Parang batang depensa nito.

"Kenz, napaka-impossible niyang sinasabi mo." Kontra ko habang may pinipigilan paring ngiti sa labi. "I mean, I know Celeste is straight, but I'm pretty sure she's far from being homophobic. Kasi kung homophobic siya siguro matagal ko na siyang itinakwil bilang pinsan ko."

Kumunot ang noo ni Kenzie, animo maging siya ay naguguluhan na rin sa mga nangyayari.

"Talaga lang?" Napaismid ito. "So madaling sabi baka kasi exclusive lang pagiging homophobic niya sa akin. Lakas ng trip." Bulong nito na hindi ko na masyadong naintindihan pa.

"Ano yun dude?"

"Wala, sabi ko umalis na tayo bago pa tayo makita nina Prof. Alvarez at Olivia dito. Tara na."

Nauna narin itong maglakad sakin habang ako naman ay naiwanan sandaling nakatayo doon sa gitna ng hallway.

Intuition ko lang siguro, pero parang nakakaramdam ako na may something na nangyayari din dun sa dalawang yun. Kung ano man yun sisiguraduhin kong malalaman ko rin yun sa mga susunod na araw.

————————————————

"You're here!"

Mabilis akong nag-angat ng tingin at automatikong napangiti ng makita ang dyosa na naglalakad papalapit sa kinatatayuan ko.

Ewan ko ba pero gumagaan talaga bigla yung pakiramdam ko kapag nakikita ko yung mala-anghel niyang mukha.

"Yeah, hinihintay kasi talaga kita." Sabi ko dito.

Tumango lang ito. May saglit pa itong sinilip sa likuran ko na parang may hinahanap siya.

"So, you didn't bring your car?"

Napakamot ako sa sariling ulo at nag-aalangan pang tumingin sa kanya pabalik. "Yan din sana yung sasabihin ko kanina kaya lang bigla akong na-distract ng napakaganda mong mukha."

Umikot ang mata nito na siyang tuluyang nagpatawa sa akin.

"What a flirt!" bulong nito na narinig ko naman.

"Sayo lang naman kakalampag." rebut ko dito na may nakakalokong ngiti parin sa labi.

"Sino niloko mo?"

"Tatay ko."

"Wala ka nang tatay, Harriet"

Na-real talk pa nga. Hindi naman masakit, Mahal. Slight lang.

"Exactly the point." Bulong ko pero sinamaan lang ako nito ng tingin bago ako ambahan ng isang sipa sa binti buti nalang at mabilis ang reflexes ko ng mga oras na yun at nakaiwas ako agad.

Ngiting tagumpay akong muling nagbaling dito ng tingin pero siya naman ay ngumisi lang ng peke at inirapan ako ulit.

"Hanap ka ibang kausap. Bye!" Pagkatapos niyang sabihin yun ay mabilis na ako nitong nilampasan.

"Wait, mahal! Sandali lang!" Nagmamadali akong tumakbo upang sundan ito. Ang bilis din talaga maglakad nitong si Mahal. Buti at naabutan ko pa siya bago siya tuluyang makalabas ng gate.

I swiftly grabbed her wrist and pulled her back to face me.

Nakakunot na ang noo at sinasamaan na ako nito ng tingin.

"Inform lang sana kasi kita wala muna tayong service ng dalawang linggo kasi grounded ako which means hindi ko rin magagamit yung sasakyan ko."

"Grounded?"

"It was a long story but it has something to do with Celeste and Kenzie so yun na nga dahil wala tayong service ng two weeks mapipilitan tayo mag- commute or pwede mo rin kausapin papa mo if pwede ka na muna niya masabay papasok at pauwi para di masyadong hassle sayo."

Hindi lang umimik si Mahal sa sinabi ko at nanatili lang itong nakatingin pabalik sa mga mata ko. Hindi ko naman mapigilan hindi mailang sa mga titig niya kaya ako narin mismo ang pumutol sa titigan namin.

"Uhm, balak kong mag- commute ngayon if gusto mo lang naman pwede kang sumabay sakin pero pwede mo rin tawagan papa mo at magpasundo ka. Samahan nalang muna kita dito habang hinihintay mo siya"

"As much as I want to, it's not possible."

"What do you mean?" Naguguluhan kong tanong dito.

"Papa's on a business trip in Japan. He will stay there for one week."

Naghugis O yung labi ko sa sinabi niya. So, wala na pala kaming ibang option kung hindi mag- commute nalang.

"Kung ganun ayos lang ba sayo sumabay sakin mag- commute?"

"It's not like I have any choice, Abbott." Irap nito na ikinangiwi ko nalang.

"So, uh kung ganon tayo na para maka-uwi din tayo agad." Aya ko dito na may kasama pang ngiti. Tumango lang siya na parang napilitan lang pero hindi ko nalang binigyan pansin at nagsimula nang maglakad palabas ng gate. Naramdaman ko naman na sumunod din siya kaagad.

Ilang minuto na siguro kaming naglalakad sa may sidewalk ng muli ko siyang nilingon. Nakita kong nasa baba ang tingin nito, hindi ko lang alam kung yung sapatos o yung dinadaanan niya yung tinitignan niya pero ang cute niyang pretty habang ginagawa niya yun. Nakadagdag pa dun ang banayad na paghawi ng hangin sa mahaba at maitim na buhok nito na siyang mabilis niya namang iniipit sa likod ng tenga niya.

Ilang sandali pa nakita ko itong nagtaas ng ulo at mabilis nagtama yung tingin namin.

"What are you smiling at?" Masungit na pangungusisa nito. Napailing lang ako habang unti-unting pinapakawalan yung ngiti sa labi.

"Ang ganda mo kasi. Peyborit ka talaga ni Lord."

"What?"

"Wala sabi ko bilisan na natin kasi baka maabutan pa tayo ng rush hour kamo." palusot ko na alam ko namang hindi niya binili dahil tinapunan lang ako nito ng nawewerduhang tingin.

"You're weird."

Dahan-dahan akong lumapit dito, automatiko namang naging defensive ang posture nito na animo sinasabi na kapag may ginawa akong kalokohan hindi siya magdadalawang isip na bigwasan ako agad.

"Relax, Mahal." Nakataas ang dalawang kamay na sabi ko. Nakatayo na ako sa harapan nito ngayon at magkatapat na rin ang mga tingin namin. Nang masigurado kong safe na ay dahan-dahan ko nang inilahad ang isang kamay ko sa pagitan naming dalawa.

"Akin na bag mo ako na magdadala para hindi ka na masyadong mapagod pa." Nakangiti kong sabi dito. Hindi ko alam pero may kakaibang emosyon akong nakitang dumaan sa mga mata nito pero kagaya ng dati ay mabilis niya din itong napagtakpan ng usual nonchalant face niya.

"I can take care of—"

"Mahal, huwag na stubborn, okay? Alam mong ayokong napapagod ka masyado eh."

Sobrang laki na ng ngiti ko kahit pa nakakuha na naman ako ng irap mula dito. Ewan ko ba ang weird ko lang kasi sobrang nacu-cute-an lang talaga ako sa reaksiyon niya kapag ganitong nagbibiro ako.

Hindi na ito nakipagtalo pa ng mabilis kong kinuha yung bag niya at isinukbit ito sa sariling balikat pagkatapos nun ay walang pag-dadalawang isip na hinablot ko na rin ang isang kamay niya at pinagsiklop ito sa sarili kong kamay.

"What do you think you're doi—"

"Baka mawala ka kaya para sure hawakan ko na kamay mo."

Kumislot ang kaliwang mukha nito na tila di nagustuhan ang ginawa at sinabi ko. "I swear to God—"

"Nananahimik si God sa heaven mahal huwag mo na istorbohin." Putol ko dito na may malapad paring ngiti sa labi. "Ako nalang istorbohin mo, I wouldn't even mind."

Napabuga ito ng hininga at nagpailing-iling ang ulo sabay bulong, "Shut up, stupid."

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya at nagsimula nang hilahin siya upang magpatuloy kami sa paglalakad. Wala na naman akong narinig na pagtutol mula dito kaya mas lalong nasiyahan yung badeng kong puso.

Hindi ko man kasi ipahalata pero parang may bultahe ng kuryente na dumaloy sa buo kong katawan nung nahawakan ko ang malambot niyang kamay. Ganito pala yung feeling maka-HHWW ang dyosang kagaya ni Mahal. Dinaig ko pa nanalo sa lotto sa sobrang saya.

Moments like this are one of the few things you would consider unexpected, but you will also treasure them in your life. Spending this night with this goddess and making simple memories together. It feels surreal, but so real. If I could turn back time, I wouldn't trade this moment for anything else.

I might not have the courage to confess what I really feel to her right now, but I still want to make every moment with her special, even just in a subtlest way.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 39.9K 93
๐—Ÿ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐˜„๐—ฎ๐˜€ ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฒ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ณ๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ, ๐—น๐˜‚๐—ฐ๐—ธ๐—ถ๐—น๐˜† ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ, ๐—”๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ ๐—น๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๏ฟฝ...
255K 16.6K 21
"you might not be my lover, but you still belong to me" "crazy, you don't even love me but you want to claim me as yours? have you lost your mind jeo...
673K 24.5K 99
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! ๐Ÿ˜‚๐Ÿ’œ my first fanfic...
9.5M 310K 52
"you're all mine; the hair, the lips, the body, it's all mine." highest previous rankings: - #1 in jimin - #1 in pjm - #1 in btsfanfic cover by: @T...