Chapter 30

398 19 0
                                    

-Harriet's POV-

-

"I think I've seen this film before, and to tell you frankly, I didn't like much the ending of it." Komento ni Kenzie mula sa pwesto niya sa likuran, bali nakapwesto siya mismo sa likuran ko habang yung dalawang stubborn women ay nakapwesto naman sa unahan namin.
 
Kung titignan mo yung kasalukuyang pwesto namin na nakatago sa likuran ng pader malapit sa isang condominiom building, iisipin mo talagang may gagawin kaming krimen.
 
Sino ba kasi nagsuggest na magsuot pa kami ng black cap at shades ng ganitong gabi naman at walang tirik ng araw.
 
Kung hindi lang talaga malakas sa akin tong si Mahal nunka papayag ako dito sa naisip nilang plano.
 
I was about to agree with Kenzie's sentiment when I noticed two pairs of eyes boring holes in my skull. Konting kembot nalang talaga ipapa-DNA test ko na tong dalawang to. Parang mas mukha pa silang magpinsan kaysa sa amin ni Celeste. Ultimo mga ganyang pang malupitan gesture nila hindi halos nagkakalayo.
 
Napalunok nalang tuloy ako ng sariling laway dahil sa nyerbyos, at pinili nalang itikom ang sariling bibig.
 
Saglit kaming napuno ng katahimikan hanggang sa makita namin ang isang pamilyar na sasakyan na huminto sa harapan ng building.

Saglit itong nagreverse hanggang sa tuluyan nakapagpark ng maayos. Sandali lang bumukas na din ang pinto sa driver seat at mula dito ay lumabas si Olivia.
 
Mabilis nitong tinawid ang kabilang side, sa may passenger seat at pinagbuksan nito ang taong nakaupo doon.
 
Ganun nalang ang pagsinghap at gulat naming lahat ng makita ang pamilyar na mukha ng taong lumabas mula dito.
 
Kahit bahagyang nakatungo at natatakpan ng mahaba at itim na buhok nito ang kanyang mukha, hindi kami pwedeng magkamaling iisang tao lang ang nasa isip naming lahat ng mga oras na yun.
 
We saw Olivia cupped Maam Alvarez face, kaya napaangat ang tingin ng propesora sa kanya. Pinahid niya pa ang sa hula kong luha sa pisngi nito bago niya dahan-dahan at maingat na ikinulong sa mga bisig niya si Maam.
 
Hindi ko alam pero habang pinapanood ko sila ng mga oras na yun may kung anong pamilyar na init ang unti-unting umusbong sa puso ko.
 
Unconsciously, I reached out and held on to the woman's hand standing in front of me. I felt her slightly flinch because of the unexpected contact, but when she saw that it was me, her surprise was immediately replaced with worry.
 
She slightly adjusted her posture so she could reach out and cup my face with her free hand.
 
"What's wrong?" she mouthed.
 
Napangiti lang ako ng bahagya at umiling. I kissed the back of her hand that I was currently holding in my own.
 
Nandon parin ang pag-alala sa mukha niya, pero bago pa man siya makapagtanong ulit naagaw agad ang atensyon namin ng biglang magsalita si Celeste sa harapan.
 
"They're going in, guys. Let's go." Hindi na nito hinintay ang magiging sagot namin at mabilis na nagpatiuna na papasok sa building.
 
Mabilis bumaling ulit ng tingin sa akin si Mahal. Bahagyang pinaningkitan ako nito ng mata, as if she's trying to read me or get some clue from me. I am not really sure.
 
"We're going to talk later, okay?" She mouthed as she quickly pecked my cheeks before she trailed after Celeste.

Halos pareho nalang kaming napabuntong hininga ni Kenzie ng magtama ang mga tingin namin.
 
At the end, alam namin, wala nang ibang paraan para mapigilan pa yung dalawa sa balak nila.
 
Kaya it's either sasamahan namin sila to make sure na wala silang gagawin na ikakapahamak nila or we will surely regret all of this at the end.

 
 
Ayon sa naikwento ni Celeste kanina nasa 16th floor daw ang condo unit ni Olivia. Kaya pagkapasok namin sa building ay wala nang sinayang si Celeste na oras at mabilis na nitong tinungo ang elevator. Nang pare-pareho na kaming apat na nakapasok sa loob siya namang pagpindot niya sa floor number ng tutunguin naming unit.
 
Tahimik sa floor ng makalabas kami. Mukhang nakapasok na agad sina Olivia sa condo niya.
 
Nakatayo na kami sa harapan ng pinto ng condo unit niya at parang doon lang din nagsink in sa akin lahat ang balak naming gawin ngayon.
 
Bakit parang ako ata ang mas kinakabahan sa ginagawa namin. Hindi na tumigil sa pagkalabog yung puso ko. Pinagpapawisan na rin ako ng malamig sa hindi maipaliwanag na dahilan.
 
Diyos ko. Tama pa ba tong ginagawa namin?
 
Mas lalo lang nadagdagan yung kaba ko ng makitang unti-unti nang inaabot ni Celeste ang buzzer sa pinto.
 
Kapag tumunog yan wala nang atrasan na mangyayari.
 
Napapakagat na ako sa sariling labi. Inuusig ako ng konsensya ko sa totoo lang. Sa ngayon siguro malinaw na ebidensya na yung mga nakita naming eksena kanina sa labas. Hindi lang basta simpleng teacher-student relationship meron yung dalawa kung halos ganon ka-intimate yung mga gesture nila.
 
Pero...
 
Pero may karapatan ba kaming pakialaman kung ano ang meron sa kanilang dalawa?
 
May reason si Olivia kung bakit ayaw niyang sabihin o malaman yung about sa kanila ni Maam Alvarez. Siguro isa na dun ay ang ma-proteksyunan ang reputation ng propesora.
 
Kaya itong ginagawa namin ngayon. I don't think this will do any good for the two of them. Cornering someone to confess about her personal and private relationship is beyond our business.
 
Napatungo ako. Kailangan kong umisip ng plano para mapigilan sila Celeste sa gagawin nila. Ang dami na nang tumatakbo sa isip ko ng mga oras na yun hanggang sa bigla pag-angat ng ulo ko ay nagtama ulit ang tingin namin ng bespren kong si Kenzie.
 
May sinesenyas ito gamit ang kanyang mata na hindi ko agad naintindihan. Pero nung ginamitan niya na ito ng hand gesture, doon ko lang napunto ang gustong gawin nito.
 
Bahagya akong napangiti at pasimpleng tumango dito.
 
Umalingaw-ngaw na yung tunog ng doorbuzzer, kaya napalunok na ako habang inaabangan namin ang pagbukas ng pinto.
 
Bago pa man tuluyang makalabas yung tao sa loob at makita kami ay mabilis na ang pag-signal na ginawa ni Kenzie.
 
Inisang hakbang nito ang kinatatayuan ni Celeste at mabilis na tinakpan ng isang kamay nito ang bibig ng pinsan ko bago pa siya makagawa ng ingay. Nagpupumiglas pa ito habang akay-akay siya ni Kenzie sa mga braso niya papunta sa nakabukas na elevator. Ilang segundo lang ay nawala na din sila sa paningin namin.

Kinuha ko naman na pagkakataong yun para si Mahal naman ang buhatin pa-bridal style.

Napasinghap pa ito dahil sa gulat, pero hindi ko na hinayaan na makapagreklamo pa siya at mabilis na akong pumasok sa pinakamalapit na fire exit na nakita ko.

————————————————

A/N: Happy Sunday, everyone. I'm back for a two-chapter update. I know this takes too long, so I apologize for that. I am just kind of busy lately. Anyway, I'll try to post another one (if kaya) within this week.

Thank you so much, my loyal readers. Until next time. Mwaphs😘

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Feb 18 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Me Plus You (I Love You) || PorDeeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ