Chapter 6

645 20 0
                                    

- Harriet's POV -




-

Kinabukasan, maaga akong nagising kasi nakisuyo yung magaling kong kapatid na ihatid ko siya sa school dahil may biglaan daw meeting ang mga SC officials.

Kung hindi niyo kasi naitatanong eh kasalukuyan pong member ng SC itong kapatid ko. Freshman Rep yung position niya.

Bilib din talaga ako dito sa bunso namin kasi kahit spoiled to hindi naman siya nagpapabaya sa studies niya. She always make sure na nasa top priorities niya yung pag-aaral kaysa ang paglandi which is pabor sakin.

Hindi rin naman ako papayag na may umaali-aligid sa kapatid kong to no. Masyado pa siyang bata para sa mga bagay na yan at kung sakali mang may magtangka parin pwes dadaan muna siya sakin bago niya ma-jowa tong bunso namin.

"ATE!" Napamura ako ng wala sa oras nang mahulog ang hawak kong gitara na ipapasok ko na sana sa guitar case. Muntik na ma-bull's eye ang magaganda kong daliri sa paa. Nak ng tokwa kasi tong kapatid ko kung makasigaw para kaming nasunugan.

"Uso ang di sumigaw," reklamo ko ng mapansin na nakatayo na ito sa may pintuan ng kwarto ko at nakapameywang pa. Para siyang si mama minsan. Napailing nalang ako at ipinasok na ulit ang gitara sa guitar case nito.

"Alam mo ba 7:30 ang meeting naming mga SC officials? At 7:00 am na malalate na ako!"

"Hays, para namang ang layo ng school dito yaan mo bibilisan ko nalang pagda-drive" pag-aalo ko.

Sige na, oo guilty na akong aminin na sobrang spoiled sakin tong bubwit na'to kaya ganun nalang kalakas ang loob nito na tratuhin ako na parang alila niya.

"Ate, alam mo naman nagugulo yung buhok ko at nagugusot yung uniform ko pag masyadong mabilis yung pagddrive mo ng bike mo"reklamo niya na nakanguso na ngayon.

Isinara ko na ang bag ko at sinukbit kasama ng gitara ko sa magkabilang balikat saka naglakad palapit sa nakabusangot ko paring kapatid.

Sakto kasi pina-car wash yung sasakyan na madalas kong gamitin, yun nga din ang dahilan kaya hindi ko naisabay si Scarlet ngayong umaga. Nag inform naman ako sa kanya ng maaga din about dun, buti at saktong nagkasabay ang schedule ng pasok nila ng papa niya ngayon kaya naisabay siya nito papunta sa school.

Malas lang nitong kapatid ko kasi wala siyang choice dahil yung bike ko ang gagamitin naming service.

Ang pinaka-ayaw pa naman niya ay yung sumasakay dun kasi masyado daw naeexpose yung mukha niya at nagugulo yung maganda niyang buhok.

Napangiti ako saka pabirong ginulo ang buhok niya.

"Ate naman. Alam mo ba kung ilang oras ko pinaghirapang ayusin yan?" reklamo niya ulit habang tinatapik palayo ang kamay ko. Napatawa nalang ako.

"Oo na, hindi ko na masyadong bibilisan pero wag mo akong sisisihin pag malate kana sa meeting ah?"

She just rolled her eyes at me.

"Bahala ka. Basta you make sure na di magugulo buhok ko pati uniform ko" naka cross arm na sabi nito.

Napangisi nalang ako.

"Oo na mahal na prinsesa." saka inakbayan na siya palabas ng kwarto.

Ilang minuto rin ang binyahe namin angkas sa likod ng bike ko ang kapatid na tahimik lang na nakayakap sa bewang ko. Napapangiti nalang ako. Kahit medyo spoiled, di parin talaga nawawala dito ang pagiging malambing.

At kagaya ng inaasahan nakarating kami sa school past 7:30 na. Hindi na nga hinintay ni Maggie na tuluyang makahinto yung sinasakyan naming bike at agad na itong bumaba saka patakbong pumasok sa loob.

Me Plus You (I Love You) || PorDeeWhere stories live. Discover now