Chapter 17

294 17 0
                                    

- Harriet' s POV -

-

"I really don't get where all of this hatred comes from." Out of nowhere na basag nitong katabi ko sa katahimikan. Hawak sa magkabilang kamay ang tini-trace na letter sa illustration board, nilingon ko ito ng may halong pagtataka.

"What are you saying, dude?"

Malalim ang pagbuntong hiningang ginawa niya. Pailing-iling din na nagbaba ng tingin at may kung anong kinalikot sa sahig na kinauupuan namin bago ito nagdesisyong salubungin ang aking nag-aabang na tingin. She seems conflicted about something. But I can't figure it out kung hindi niya sasabihin sakin. Mahina pa naman ako sa mga guessing games na yan.

"Your cousin." usal nito sa mahinang boses.

"Celeste? What about her?"

Huwag mo sabihing nagpang-abot na naman silang dalawa? I mean, pagkatapos nung ginawa nilang pambubulabog sa bahay nung nakaraan kung saan nadamay pa ako at nagrounded halos hindi ko na masyadong nakakausap ng magkasabay itong dalawa. It seems like they were trying their best to avoid each other's presence.

I notice how Kenzie nervously chewed on her bottom lips, and it's giving me a suspicion that something has happened lately without my knowledge. Her nervous mannerism only proves my suspicions.

"Kenzie, com'on, dude, spit it out already. What about my cousin?"

"Well, just..." She paused momentarily, shaking her head as she did so. "It just... I feel like something shifted. I don't know, baka naprapraning lang ako or something pero kasi—"

"Wait, wait." Awat ko dito kaya napahinto siya agad sa pagsasalita. "Dude, hindi kita masyadong ma- gets pwede bang diretsuhin mo nalang ako? Ano ba kasi yung gusto mong sabihin?"

She just stared at me. Wala ako masyadong mapuna sa expression ng kanyang mukha dahil napaka-neutral lang nito pero nung nagbaba ako ng tingin doon ko lang napagtantong kinakabahan nga ito. Kanina pa kasi panay galaw yung binti niya.

Napalunok ito at saka bahagyang umusog ng sa ganun ay mas malapit yung distansya naming dalawa.

Nandito kami sa gym ngayon. Pinatawag kasi lahat ng senior para tumulong mag- assist sa pag dedecorate ng buong gymnasium para sa gaganaping graduation ball sa katapusan ng buwan na ito.

Buti nga kahit papano makakapag-pahinga rin yung mga utak namin sa maduguang discussion ng mga professor namin. Akala mo laging may hinahabol na deadline ang mga yun at iniisahang bagsak lagi yung isang topic sa isang session lang. Isipin niyo nalang pano namin mapagkakasya sa mga utak namin ang napakaraming info na yun? Gusto ata nila pag-graduate namin sa SVU mga little Einstein na kami.

"Please mangako ka muna hindi ka magrereact ng negative pag sinabi ko sayo?"

"Bakit naman ako—"

"Mangako ka nalang, Rie. Wag na maraming salita"

"Okay, fine fine. Pangako." Mukhang nakahinga naman ito ng maluwag pagkatapos kung sabihin yun.

"So? Pwede mo na bang sabihin ngayon na nakapangako na ako?"

Tumango ito at nagsimulang paglaruan ang sariling singsing sa dalawang kamay.

Me Plus You (I Love You) || PorDeeWhere stories live. Discover now