Chapter 9

587 24 7
                                    

-Harriet's POV-


-

"Baka matunaw naman." Nakaramdam ako ng siko sa aking tagiliran dahilan para mabalik ako sa sariling ulirat. Halos magkasalubong ang kilay na nilingon ko ang katabi, nagtatanong ang mga mata kung para saan ang siko na yun. Pero ang siste nginisihan lang ako ng nakakaloko.

"Kamo baka matunaw yung ice cream na tinitinda ni manong. Init pa naman ng panahon ngayon." Patuya pa nito na halata namang may double meaning. Lakas din mang-asar ng isang to minsan eh. Kung di lang masama manakal ng tao eh baka nasampulan na to matagal na

"Dami mong alam." Asar kong tugon dito na sinagot niya lang naman ng malakas na halagap ng tawa.

"Bakit ang serious mode naman ng beshy ko ngayon?" dagdag pa nito.

"Isa Kenzie tumigil kana. Kanina ka pa dyan sa mga patuya mo ah" tapos sinamaan ko pa ng tingin dahilan para tuluyan itong mapatikom ng bibig.

"Ito naman hindi ka na mabiro. Pinapasaya ka lang eh. Ang serious mo kasi. Tignan mo" sinundot pa nito ang magkabilang pisngi ko pero ng makita ang matalim na tinging pinupukol ko mabilis din nitong binawi ang kamay niya.

"Bagay talaga kayo pagtambalin ni Celeste. Lakas niyo mang-asar dalawa eh no." deadpan ko pang sagot.

Umasim naman bigla ang mukha nito sa sinabi ko."Huwag mo nga isama sa usapan yung babaeng yun. We're different. Mas malakas amats nun kaysa sakin"

Isa pa 'to eh. Ang lakas mang-asar pero pagdating sa pinsan ko tiklop din naman.

Parang mga aso't pusa kasi ang dalawang ito. Siguro since elementary days pa yung animosity nila sa isa't isa hanggang sa nadala na nila pagtanda.

Pero duda ako na hatred talaga yung nararamdaman nila para sa isa't isa. Pustahan hindi matatapos 'tong school year may mabubuo na namang bagong love team.

Nakarinig ako ng panandaliang kaluskos hanggang sa maramdaman ko na ang presensya nitong kasama ko sa malapit ng biglaan itong umusog at tumabi sa akin ng upo.

"Alam mo, you don't have to divert the topic. Ang pinag-uusapan natin yung sainyong dalawa ni Scarlet. At saka yung pagiging torpe mo" bulong nito na agad kong ikinalingon upang pandilatan ito ng mata.

"Torpe? Sino ako?"

"Tingin mo?"

"Hi-hindi ako t-torpe. Pauso ka ah!" Depensa ko pa at mabilis pa sa alas kwatrong tumayo.

Pakiramdam ko bigla akong pinagpawisan ng malamig kahit hindi naman ganun kainit dito sa pinag pwestuhan namin.

"Eh sino ba ang torpe alangan naman ako?" Rinig kong sabi niya at talagang wala siyang balak na tantanan ako ah. "Sino ba dito ang may secret crush sa dyosang transferee at anak ng---mmhhh" hindi na nito natuloy pa ang sasabihin ng mabilis kong tinakpan ang bibig niya ng isa kong kamay.

Saglit ako napalingon sa paligid, tinitignan kung may iba pa bang tao sa malapit na nakarinig sa sinabi nito. Na-expose na nga sa bahay yung sekreto kong yun pati pa ba naman dito sa campus?

Bagay nga talaga sila ni Celeste. Parehong may warning bell yung mga bibig.

"Nababaliw ka na ba? Baka may biglang makarinig sayo. Gago!"

Mabilis nitong hinablot ang kamay na nakatakip sa kanyang bibig at inusog palayo. Umarte pa itong naduduwal na agad ko namang inikotan ng mga mata.

Kahit talaga kailan Mackenzie Kiera Castillo ang laking mo ring drama queen.

"Gago ka rin." usal nito sa mahinahong boses. Napangiwi pa ito ng bahagya sa sinabi. Gaganito-ganito lang 'tong kaibigan kong to pero hindi talaga yan palamura. Minsan iniisip ko nga baka ako lang talaga itong bad influence sa kanya kaya natututo siya minsan ng mga kalokohan.

Me Plus You (I Love You) || PorDeeWhere stories live. Discover now