Chapter 26

240 13 0
                                    

- Harriet's POV-


-

Kinabukasan halos lahat maaga nagsipag-gising. Kanya-kanya na gawa ng nakatuka ang mga kasama sa bahay ni lolo. Maaga din dumating yung private chef na kinuha ng pamilya para sa special na okasyon na ito. Ayon sa nasagap kong impormasyon isa daw ito sa mga anak ng matalik na kaibigan ni lolo Dmitri nung kabataan niya. Magaling daw itong Chef, sa katunayan ito nga din daw ang kasalukuyang head chef ng isang kilalang five-star hotel sa Germany ngayon.

Minsan talaga nagugulat nalang ako sa mga connections ni Lolo Dmitri. I mean, hindi naman na nakakapanibago siguro yun, kasi dati pa man sadyang masikreto na talaga si lolo. Sa katunayan nga sa sobrang masikreto nito huli na namin nalaman na may iniinda na pala itong mga komplikasyon sa katawan niya.

Three years ago, Lolo Dmitri was diagnosed with stage 3 diabetic kidney disease.

Buti na lamang at nadaan pa sa mga medications at weekly check-up sa nephrologist niya, kaya medyo nagstable yung condition niya ngayon. Yun nga lang grabe din ang binagsak ng katawan ni lolo kumpara nung huling bisita namin sa kanya.

Kahit papano masaya parin kami, kasi nakikita namin na lumalaban naman si lolo sa sakit niya. Malaki ang pasasalamat namin sa dyos dahil binigay niya sa amin ang napakagandang regalong ito na ma-icelebrate naming magkakasama ang ika-80th birthday ni lolo Dmitri.

Hiling ko lang sana magtuloy-tuloy na yung magandang result ng mga check-up niya. Alam ko naman matanda na si lolo at darating ang araw na kukunin rin siya sa amin.

Pero sana naman, hindi pa ngayon. Sana bigyan pa kami ng mas mahaba pang panahon na makita at makasama pa siya.

Speaking of Lolo Dmitri, natanaw ko ang nakatalikod na pigura nito mula sa pwesto ko habang tinatahak ang mahabang pathwalk papunta sa garden ng mansion. Nakaupo ito sa wheelchair niya habang nakaharap sa malaking fountain.

Wala itong kasama ngayon, kaya hula ko nagrequest na naman ito ng ME time sa mga bantay niya. Ganun kasi minsan itong si Lolo lalo na kung gusto niyang ipahinga ang utak niya. Si mother nature gusto niya kasama kasi mas narerelax daw siya kapag ganun.

Malawak na ngiti ang namutani sa mga labi ko, habang papalapit ako sa pwesto niya.

"Lolo!" tawag ko dito.

Mabilis ang paglingon nito. Kalaunan ay napansin ko rin ang ngiti na gumuhit sa sarili nitong labi.

"Apo." Saad niya. "Do you need anything?"

Umiling lang ako bago napagdesisyunang umupo na rin sa bakanteng upuan na gawa sa kahoy na nasa tabi nito.

"Gusto lang kita samahan. Nag-eemo na naman ata kayo dito eh." Biro ko pa ng may kasamang tawa. Natawa nalang din si lolo sa kalokohan ko.

"Still the same kiddo. Maloko pa rin." Pabiro ding komento nito.

Napangiti na lamang ako bago saglit na humugot ng hininga.

There is something I want to share with him. Something that I haven't told anyone yet. Siguro kung may isa man akong gustong unang makaalam nito si Lolo Dmitri na yun.

Naalala ko walong taong gulang ako noon nung napunta ako sa poder nila Lolo Dmitri at noong nabubuhay pa na si Lola Azon.

At that time, pareho kasing laging busy sa trabaho at madalas ding nasa business trip sina Mama at Papa, kaya madalas walang maiwanan samin dalawa ni Maggie.

Kalaunan napagdesisyunan nila na kayna lolo nalang muna kami patuluyin bukod sa may magbabantay na sa amin ay may makakasama din ang dalawang matatanda maliban sa mga kasamahan ng mga ito sa mansion.

Me Plus You (I Love You) || PorDeeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu