Dark Obsession / Dark Plans...

By noowege

925K 20.8K 2.3K

Saonna Rojas believed she was just an ordinary college girl with her best friend slash brother living with he... More

π·π‘Žπ‘Ÿπ‘˜ π‘‚π‘π‘ π‘’π‘ π‘ π‘–π‘œπ‘›
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Epilogue
A/N
Dark Plans
Prologue - Dark Plans
Chapter 1 - Dark Plans
Chapter 2 - Dark Plans
Chapter 3 - Dark Plans
Chapter 4 - Dark Plans
Chapter 5 - Dark Plans
Chapter 6 - Dark Plans
Chapter 7 - Dark Plans
Chapter 8 - Dark Plans
Chapter 10 - Dark Plans
Chapter 11 - Dark Plans
Chapter 12 - Dark Plans
Chapter 13 - Dark Plans
Chapter 14 - Dark Plans
Chapter 15 - Dark Plans
Chapter 16 - Dark Plans
Chapter 17 - Dark Plans
Chapter 18 - Dark Side
Chapter 19 - Dark Plans
Chapter 20 - Dark Plans
Chapter 21 - Dark Plans

Chapter 9 - Dark Plans

2.2K 76 18
By noowege

Nagising ako sa sinag ng araw. May naamoy akong hindi pamilyar sa paligid. Hindi naman ganito ang amoy ng bahay namin. At nakapagtataka ang kakaibang lambot ng higaan na hinihigaan ko. Para akong hinihila nito na matulog pa. Pero nang maalala kong baka sunduin ako ni Sabel ngayon, ang dahilan kung bakit agad akong napabalikwas ng bangon.

Pero imbes na silid ko ang mabungaran ko ay isang pamilyar na napakalaking silid ang bumungad sa'kin. Makailang beses kong kinusot ang mata ko. Nananaginip pa rin ba ako? Gising na naman na ako, pero bakit hindi ko kwarto itong nakikita ko? Isang senaryo noon ang naalala ko sa silid na 'to. Dahilan kung bakit namilog ang mata ko.

Binalingan ko ang naalala kong bagay na nakita ko dati sa silid na 'to. Ang ulo ng usa na nakalagay sa dingding ng silid na 'to. Tama nga ako, nasa silid nga ako ni Damien.

Kaya agad akong umalis sa kama. Agad kong hinagilap sa paligid ang pinto. Kaya lang natigilan ako nang hindi sinasadyang napadaan ako sa body size mirror ng silid. Saka ko napansing ibang damit ang suot ko. Isang satin na sleeveless night dress na hanggang hita ang haba na hindi man lang umabot sa tuhod. Nakalugay ang mahaba at kulot kong buhok.

Parang hindi ko makita ang sarili ko. Parang ibang babae ang kaharap ko sa salamin. Napaawang ang labi ko gayong halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Ilang segundo ang nagdaan at isang katok ang bumulabog sa katahimikan ng paligid. Agad akong napalingon sa bandang pintuan lalo na no'ng bumukas iyon. At iniluwa doon si Manang Odessa, ang mayordom

Hindi nagulat si Manang Odessa ngunit may kakaibang lamig na nakabalatay sa mga mata niya nang tingnan ako mula ulo hanggang paa. Tila may gusto siyang kumpirmahin habang tinititigan ako. Kalaunan ay umangat ang kaniyang kilay.

"Alam mo, Inneya. Maganda ka," panimula niya ngunit nanatiling kakaiba ang tingin na nakabalatay sa mga mata niya. Pinupuri niya ako pero 'di ko maintindihan kung bakit ganiyan niya ako tingnan. Tila may hindi siya ikinatutuwa. "Magandang-maganda na kahit ang mga bisita ng madam Saonna ay nagpapansin sa'yo. Pero, Inneya... sana hindi mo makalimutang magkaiba ang buhay na'tin sa buhay nila."

Hindi ko maintindihan ang gusto niyang ipahiwatig.

"Paulit-ulit ko rin itong pinapaala sa Ate Detas mo noon. Walang magandang maibibigay ang pakikipaglapit sa mga Harvoc. Lalo na sa panganay ng mga Harvoc."

Ngayon ko naintindihan ang ibig niyang sabihin. Agad akong umiling.

"Hindi po ako nakikipaglapit-"

"Buhat-buhat ka ni Senyorito Damien kagabi at inutusan niya akong bihisan ka. Binigyan niya ako ng mamahaling night dress para ipasuot sa'yo. Hindi ko na tatanungin kung bakit kayo magkasama kagabi at parehong basa. Alam ko ang nakita ko at ngayon pa lang sasabihin ko na sa'yong wala tayo sa drama na maaring mahalin tayo ng mga mayayamang lalaki. Nasa reyalidad tayo, Inneya. Kaya sana maagang magising." May iritasyon sa mga mata niya.

Gusto kong sabihin ang totoong nangyari pero hindi ko alam kung papaano magsimula. Hindi ko alam kung paniniwalaan niya ako. Kita ko sa mga mata niyang paniniwalaan niya ang mga nakita niya kahit hindi niya narinig ang side ko. Ang tanging nagawa ko na lang ay umiling habang bakas sa mga mata ang pag-aalala dahil sa mga iniisip ni Manang Odessa tungkol sa bagay na 'to.

"Malapit sa akin ang pamilya mo kaya't hindi ko pwedeng tingnan lang ang nangyayari ngayon. Alam mong may sakit ang Papa mo. Naghihirap ngayon ang pamilya mo at ikaw na lang ang inaasahan nila kaya sana huwag mong isubo sa kapahamakan ang sarili mo. Sinasabi ko ito hindi dahil nag-aalala lang ako sa pamilya mo. Sinasabi ko ito ngayon dahil nag-aalala rin ako sa maaring kahihinatnan mo. Hinayaan kitang bumalik dito dahil nahihirapan na kayo ng Mama mo at alam kung wala kayong ibang mapuntahan maliban sa pagtatrabaho sa mansyon ng mga Harvoc. Pero oras na nakipaglapit ka ulit kay Senyorito Damien at hindi mo ako pinakinggan, mapipilitan akong paalisin ka sa mansyon na ito, Inneya."

Isang banta iyon. May binalikan siya sa labas na basket na may laman na damit. Sa akin ang damit na 'yon. Malinis na, tuyo at mabango at hula ko ay nalabhan na.

"Magbihis na ka na at umuwi. Huwag ka na munang pumasok ngayon."

"Pero-"

"Hindi ko babanggitin sa Ina mo ang tungkol dito. Ngayon, umuwi ka na," sansala niya sa sasabihin ko pa sana. At nagtungo na siya sa malaking glasswall para hawiin ang makapal at malaking kurtina na nakatabing doon.

At nagliwanag ang magarbong silid. Mas lalo itong gumanda ngayong tinatamaan na ito ng liwanag mula sa labas. Tahimik tumalima para makapagbihis. At gano'n din katahimik ang pag-alis ko sa silid na 'yon. Nasa hallway ako nang matigilan ako sa presensiya na nasa harapan ko. Namilog ang mata ko nang masilayan ang mukha niya.

"Inneya..."

Nakatupi ang sleeve ng polo niya hanggang siko at maayos na nakabutones ang polo. His hair is a bit messy, and he's wearing boots. It's obvious he came from outside. Or maybe he just went horseback riding? I don't know.

Nag-iba na rin ang awra niya sa malapitan. He has grown taller and has a very youthful posture. He's completely different from the young Diego who used to be my friend. Masasabi mong ang bilis ng panahon para pareho kaming lumaki ng ganito. Katulad ng pagbabago ng katawan at awra ay ang pagbabago na rin ng sitwasyon naming dalawa. Sana katulad lang noong bata pa kami na patawa-tawa lang at palaro-laro lang sa labas. However, the situation is not the same now.

Siya, natupad na ang pangarap niya sa buhay. Naging kanang kamay na siya ng kapatid niya sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo. Mas umunlad pa ang buhay nila na sa tingin ko ay siyang future asset pa ng Harvoc. Habang ako, heto pa rin, nasa baba. At mukhang mas lalo pang lumalangoy sa putik. Wala na nga akong narating sa buhay, tapos maari pang makapahamak sa pamilya ko. Baka may mali talaga sa'kin. Baka malas talaga ako.

Kita kong may pagtataka sa mga mata ni Diego. Halatang nagtataka siya kung bakit nandito ako ngayon sa taas. Ngunit kahit may pagtataka sa mga mata niya ay nagawa niya pa rin na ngumiti ng tipid. Hindi pa rin nagbago ang liwanag sa mga mata ni Diego tuwing kaharap ako. Nagbinata't nagbago ang pangangatawan at naging successful, pero siya pa rin ang Diego na nakilala ko noon. Maalala mo pa rin ang batang siya dahil sa ngiti na nakikita ko ngayon sa kaniya.

Imbes na ngitian siya ay pormal lang akong yumuko at kaswal na nagsalita.

"Magandang umaga po."

Nasulyapan ko ang pag-awang ng labi niya. Gusto niyang magsalita pero hindi ko na hinintay na gawin niya 'yon, agad akong umalis sa harapan niya ng walang anumang salita. Naramdaman ko ang tingin niya sa likuran hanggang sa nakababa na ako sa grand staircase.

Matagal ko nang iniiwasan ang kahit na sino sa magkapatid. Sinisikap ko naman na hindi magkrus ang landas namin. Pero habang lumalayo ako ay tila nilalapit kami sa isa't-isa. At tuwing naglalapit kami ay parating may napapahamak.

Hindi na tulad ng dati ang lahat. Kailangan kong magbago dahil iyon ang dapat. Kahit pa labag sa loob ko.

......

Kahit alam ni Manang Odessa na magiging abala sila sa araw na ito dahil kaarawan na ngayon ni Madam Saonna ay nagawa niyang pauwiin ako ngayon at pinag-absent. Dahil tulog pa sina Mama at Papa nang dumating ako kaya nagawa kong makapuslit sa bahay at nag-iwan ng pinagkainan para isipin nilang nakauwi na ako kagabi. Tapos ay nagtungo ako sa malaking puno na parati kong inaakyatan noon.

Hindi ko kayang umakyat. Hindi na tulad noon. Ang magagawa ko na lang ay maglatag sa baba para makaupo. Mula doon ay matatanaw ang mansyon at ang malawak na lupain ng mga Harvoc. Malakas ang ihip ng hangin dahil nasa mataas na bahagi.

Doon ako pipirmi hanggang sa oras ng uwian. Kakausapin ko na lang si Sabel bukas para hindi niya sabihin kay Mama na hindi ako pumasok. Ayoko rin na kwestyunin ni Mama si Manang Odessa sa pagpapauwi niya sa akin kaninang umaga.

Baka may maungkat pa.

Doon ako nagpalipas ng oras. Bitbit ko ang makapal na pambatang libro. Makailang ulit ko nang nabasa iyon noong bata pa ako. Pero hanggang ngayon gustong-gusto ko pa rin basahin iyon.

The current weather is pleasant with no imminent risk of rain, and the sky is displaying a vibrant shade of blue. Tahimik kong binubuklat ang bawat pahina hanggang sa nakatapos ako ng apat na maikling kwentong pambata at nakatulog. Nagising lang ako nang mapansin na may nakaupo sa inilatag kong sapin na hinihigaan ko rin.

Namilog ang mata ko nang mamalayan kung sino ang nandito ngayon.

"D-Diego," nauutal kong banggit.

Ngumiti siya sa'kin at ibinaling ang mata sa unahan.

"Hindi ka pa rin nagbabago, paborito mo pa ring tambayan ang punong 'to, Inneya." Bahagya siyang tumawa.

Inayos ko ang sarili at pahiya na umupo ng maayos. Bakit nandito siya?

I glanced at the figure standing by the distant tree. Isang kabayo na puti. Humalinghing ito at nagpapadyak. Sumakay pa talaga siya ng kabayo para magpunta rito.

"M-May kailangan ka ba? Sina Mama ba?" Alanganin kong usisa.

Nagbitiw siya ng tipid na ngiti at binalingan ako. "Am I no longer allowed to visit here?"

Bahagyang napaawang ang bibig ko.

"B-Bakit?"

Tumango siya at ngumiti. "Iniwasan mo ako kanina. Imposibleng di mo na ako nakikilala. Naisip ko tuloy baka galit ka sa'kin kasi matagal akong bumalik-"

Agad akong umiling. "Hindi po ako galit!"

Medyo nahinatakutan ako na ganiyan ang iniisip niya kaya ako umiwas.

"Ayos lang, kasalanan ko naman talaga."

"Pero hindi ganoon iyon..." Lumaylay ang balikat ko.

Pero hindi ko masabi kung bakit ko 'yon nagawa. Hindi ko pwedeng sabihin na hindi ako dapat nakikipagsalamuha sa kaniya at kailangan ko siyang iwasan dahil hindi makakatulong sa akin na lumalapit siya sa tulad ko.

"Kahit ano pa ang dahilan mo, Inneya. Ayos lang. Pero sana huwag mo naman akong iwasan." Bumaling siya sa akin.

Nakikita ko ang sakit sa mga mata niya. Nakikita ko doon ang pait at kung anu-anong emosyon na sumisimbolo ng paghihirap. At tila may kung anong bagay na pumiga sa dibdib ko dahil sa emosyong nakita sa mga matang 'yon.

"Ikaw agad ang hinanap ko noong umuwi ako. I saw you, but I couldn't find the chance to talk to you.," gumalaw ang adams apple niya sa paglunok niya. "I have a lot of things I want to ask you. And I think one day is not enough to talk about it. Gusto kong dalawang araw na pag-usapan na'tin ang tungkol sa'yo, Inneya. At kung anong naging buhay mo dito noong nawala ako."

His eyes are sparkling while staring at me. Ang banayad niyang mga titig ay nagbibigay ng gaan sa pakiramdam. Ngunit kailangan kong iwasan dahil nakakawili.

I swallowed and bowed my head. I stared at the book.

"Ngayon ang kaarawan ni Madam Saonna. Nagpunta ka ba rito para sabihin sa'kin na tumulong ako sa mansyon? Pupunta ako doon kung-"

Akmang tatayo ako pero inagapan niya nang hawakan niya ang kamay ko. Napaawang ang bibig ko nang balingan ang kamay niyang hawak ang akin.

Kalaunan ay nagbitiw siya ng hilaw na ngiti. "Bakit mo ako iniiwasan?"

Napamaang ako at hindi agad nakapagsalita. Nakakatakot. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ng hindi siya masasaktan.

Nagbitiw ako ng tipid na ngiti. "H-Hindi naman po ako-"

"At hindi mo ako pino-Po kapag kinakausap mo ako dati, Inneya. Kaya bakit ngayon ganiyan ka na?"

Napakurap-kurap ako. Hindi ko napaghandaan ang ganitong tagpo. Hindi ko inasahan ito.

Nakagat ko ang ibabang labi at napalunok. "D-Dahil katulong ako sa bahay niyo."

"Walang batas sa bahay na sinasabing kailangan mo akong tawaging ganiyan imbes na Diego. At wala ring sinasabing kailangan mo akong iwasan dahil nagtatrabaho ka sa bahay." Mariin ang bawat kataga niya.

Ngayo'y lahat ng atensyon niya'y nasa akin na.

"Pero kailangan kong gawin iyon-"

"Kung ganoon, umalis ka na sa bahay at sa akin ka na magtrabaho!" putol niya.

Gulat na napatingin ako sa kaniya. Para akong binagsakan ng malaking tipak ng bato dahil sa mga narinig. Bakit niya gagawin 'yon dahil lang iniwasan ko siya?

Ilang saglit ay napatingin ako sa kamay niya nang may kunin siyang bagay nakasuksok sa likuran niya. Napaawang ang labi ko nang makitang ang flute na iniregalo ko sa kaniya noon ang inilahad niya sa akin.

"Hindi ko alam pero noong sumakay ako sa kotse papuntang airport, palayo sa lugar na 'to, palayo sa bahay at palayo sayo.... parang gusto kong bumalik. Ayokong lumayo. I don't want to leave everything behind, especially you. I don't understand, but I really want to come back. When I was in State, this was the only thing I hold to, para mapagtiisan ko ang lahat." May nagbabantang luha sa mga mata niya.

Nagtiis siya? Di ba at iyon ang pangarap niya? Ang manatili sa tabi ng Kuya niya? Pero ano 'tong mga sinasabi niya?

"This is the only thing that gives me the courage to stay there for a long time. Araw-araw hindi ka na naalis sa isip ko tapos no'ng umuwi ako... iniiwasan mo na ako. So why?"

Hinawakan niya ng dalawang kamay ang isang kamay ko.

"Please don't do this to me..."

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 58.4K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
801K 24.9K 25
Magbabago ang buhay ni Hera kasabay nang pagbabago ng kanyang itsura. Papasok ito sa mansiyon ng isang makapangyarihang lalaki na kinatatakutan ng ma...
4.8K 268 46
LORDS SERIES #2 Anica Carcueva is a con artist that targets big companies and businesses. She used different kind of hypnotism nd tricks to scam her...
258K 8.2K 16
Yuka is the special child. Isang isip bata na nasa katawan ng isang dalaga---malambing, iyakin, at isang masunuring dalaga. Sa loob ng labing siyam n...