This Is, Love (GxG)

By ellyciaDC

169K 4.5K 1K

Professor x Student!!! [ Hi, this is my first time finishing a book here on Wattpad. I hope this story entert... More

Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Finale
Author's Gratitude
Special Chapter 1

Chapter 52

3.1K 69 20
By ellyciaDC

Xyianne




"That's it for today, I'm glad you made the right choice. I'm sure you'll never regret being part of this company, Ms. Castillo." I stood up and extended my hand as I closed a deal with our new client.



"It's a pleasure to be involved in this. Thank you so much, Ms. Zamora. Nice meeting you in person. You really looked so fine." She held my hand immediately to do a hand shake but it took longer than I expected when she won't let go of mine.





Napangiti na lang din ako nang maiksi dahil sa sinabi niyang compliment, actually, kanina pa ako naiilang, grabe kasi siya makatitig, feeling ko nga wala siyang naintindihan sa sinasabi ko kanina. Kung hindi lang useful yung business niya sa kompanya ko, hindi ko ito kukunin.





"I'm sorry, my hand..." Medyo nahiya ko pang sabi dahil hindi pa niya binibitawan.





"Oh—" She chuckled and finally released my hand. "I'm sorry, I was just really starstruck. I mean, I've heard a lot about you and one of them was...you are pretty handsome. And oh my god! They're right!" Lumapit pa ito sa pwesto ko para hawakan ako sa magkabilang balikat ko which is very inappropriate.




I don't want to be touched by her kaya naman umatras ako para bigyan ng space ang pagitan namin.




"T-thanks," tipid kong usal at ngumiti ng peke sa kanya.




"Well, last na. Can we take a picture? I'll send it lang to my Dad para informed siya na I closed the deal with the most prestigious company here in the Philippines! I'm sure he'll be glad to meet you too in person." Mahaba niyang sabi, ang daldal din pala nito samantalang kanina halos ako lang ang nagsasalita.




"S-sure," Tatanggi pa sana ako kaso mas nauna pa niya akong nakulong sa bisig niya at lumapit ng sobra sobra, tipong nakadikit na ang dibdib niya sa dibdib ko and I swear kinakabahan na ako.





"Smile!" She clicks her camera on her phone to take a selfie of us. I smiled pero tipid lang dahil sobrang naiilang na ako at kumakabog na talaga ang dibdib ko sa kaba.




"One more," She added and leaned closer to me. Then unexpectedly, I felt her lips on my cheek as the camera clicked with it. Agad akong nabato sa pagkabigla dahil sa ginawa niya. Hindi ako nakareact dahil rinig na rinig ko na ang tibok ng puso ko sa mga tenga ko sa sobrang kaba.




"Ouch! Excuse me?! What's your problem, Miss?" Usal ni Ms. Castillo nang bigla siyang kabigin palayo sa akin ni...Love at pumagitna samin.




Oo, kanina pa siya nandito sa kabilang table! Nandito kasi kami nagmeet up sa Valentía Restobar dahil malapit lang si Ms. Castillo dito at malapit lang rin ang school dito ng anak ko. Diretso na kasi kami ng punta doon after this meet up. Kaya kanina pa ako kinakabahan! Dahil kanina pa siya nakatingin ng masama saming dalawa.





Help—




"You are the problem!" Agad na bwelta niya sa client ko. Hindi ako makakilos dahil sa bilis ng pangyayari. Wala akong magawa ngayon kundi panuorin silang magbangayan. Jusko!





Ms. Castillo scoffed at what she heard from her. "Unbelievable! Who are you?! You have no rights to lay a finger on me, stupid!" Galit niyang usal sa kanya.




Nasa likod lang niya ako at napapagitnaan namin siya. Nakaharap siya kay Ms. Castillo ngayon kaya hindi ko nakikita ang reaksyon niya lalo na nung sinabihan siyang stupid nitong babaeng ito.




Cancelled ka na.




"And you have no rights to touch what's mine, tadpole!" Palaban niyang balik sa isa. Pinigilan kong matawa dahil sa tawag niya sa babae dahil baka ako pa ang pagbuntungan niya. Halos magsigawan na rin sila ngayon kaya halos lahat ng mga taong kumakain sa restaurant ngayon ay nakatingin na sa gawi namin.




Napapikit na lang ako ng mariin dahil sa eksena ngayon. Masyado na silang nag iinit at alam kong anytime ay magsasapakan na ito. At syempre hindi ko papaabutin sa ganon.




"What did you just call me?!"



"Tad..pole.. Butete!" Pag uulit pa niya na may diin kaya hindi ko na napigilan at natawa na ako na hindi naman dapat dahil sobra na silang nagkakainitan.




Parehas silang napatingin sa akin kaya nahigop ko agad yung tawa ko at sumeryoso ang ekspresyon ko. Ang sama niya kasing tumingin, parang may pagbabanta na, 'walang nakakatawa!' look.




"How dare you call me that?! Atsaka isa pa, who's yours, Miss? Wala akong inaagaw sayo okay?! You're crazy! Now, if you'll excuse me. I have to talk to that person behind you. Masyado kang istorbo!" Mahabang litanya niya at akmang naglakad papunta sa akin pero hinarangan niya si Ms. Castillo gamit ang katawan niya para hindi siya makalapit sa akin at mahigpit akong hinawakan sa palapulsuan ko.



Kumunot ang noo ni Ms. Castillo habang pinagkrus pa ang dalawang braso nito dahil sa ginawa niya. "What's the deal with you, Miss? Can you get out of my sight already?!" Asar na sambit niya sa kanya.



"You're the one who should get out of MY restaurant and MY wife! Get lost, tadpole, before I kick you out of here." She said as calmly as possible. Dahil napansin niyang marami nang naiistorbo dahil sa pagtatalo nila.




Ms. Castillo scoffed again, "You're delusional, Miss. And I don't care if this is your restaurant, I am a customer here so you should respect me. And whose wife are you talking about? Her? Oh my god, insane!" Turo pa niya sa akin na may mapang asar na ekspresyon sa mukha dahil hindi siya makapaniwala sa narinig niya.




Napalunok naman ako dahil sa mga naririnig ko sa kanila. Grabe na rin kasi ang higpit ng hawak niya sakin. Feeling ko sakin siya kumukuha ng lakas para pumatol kay Ms. Castillo.




Ganito talaga siya kapag nagseselos 'no? Natatawag akong wife...sarap sa ears kaso ayokong napapaaway pa siya dahil sakin.



"I've done my research about her, okay? She's single. So what are you saying that she's your wife?" She scoffed sarcastically again dahil hindi nakasagot agad si Love sa kanya. "Pumila ka sa likod kung gusto mong mapansin—"



"She's right, Ms. Castillo." I cut her off dahil baka kung saan pa mapunta ito at bigla na lang magwalk out ang babaeng nakahawak sakin.



Mahirap pa naman ito suyuin. Baka imbis na kasama ko siya sa piano recital eh baka hindi pa niya ako pasamahin sa mismong big day ng anak ko.



Kumunot ang noo ni Ms. Castillo dahil sa sinabi ko. "What?"


Pinagpalit ko ang pwesto namin ni Love at siya na ngayon ang nasa likuran ko. I intertwined our hands which resulted in Ms. Castillo's widened her eyes.



"She's my wife and you have no right to say improper things about her and I'm sorry to say this but I'm cancelling our deal. You don't deserve to be part of my company with that kind of manners."



"Wait—"



Hindi ko na siya hinintay pang magreact. Para saan pa? Sayang lang oras namin sa kanya. I got my things with me in joint with her as we went out of the restaurant together, not minding other people's murmuring and curious eyes.



As we reached the parking lot, I opened the door of the passenger seat for her to enter but she pulled her hand in my grip and just looked away.


Yari.


"Love, I'm sorry..." I said and tried to reach out to her hands but she ignored me and just decided to enter in the car and closed the door a little loud.



Napabuntong hininga ako at napahawi nang buhok paitaas bago maglakad patungo sa driver's seat at makapasok sa loob nang tahimik at nangangapa kung ano ba ang dapat kong gawin para hindi na siya magtampo.




I watched her searching for something in her bag as I buckled up my seatbelt.



"Love, sorry na. Hindi ko naman alam na aabot sa ganun yung kilos niya eh."


She ignored me.



"Hayaan mo, hindi ko naman na yun makikita ulit kasi binawi ko na yung deal namin." Patuloy ko pa habang pinagmamasdan ang mga kilos niya. Natigil lang siya nang makita niya ang kung anong hinahanap niya sa bag niya.



"Bati na tayo, please? Ayaw kong magka away tayo papunta natin sa school."



Humarap ito sa akin kaya naman napaayos ako ng upo.

"Sorry na po, please?" Pagpapaawa ko pa ng mukha pero tinitigan lang niya ako. Sabay baba ng tingin niya sa dibdib ko at napairap. Bumuntong hininga ito at napiling tumingin na lang muli sa harapan ng sasakyan kaysa sakin.



I was about to say sorry again but I stopped when she spoke kaya naiwang nakakanganga ang bibig ko dahil rin sa sinabi niya.


"Does her boobs feel better against you than mine?" Usal niya nang hindi nakatingin. Kalmado lang yung boses niya pero alam kong kumukulo na yung loob loob niya.



"No! Ano ka ba, Love! Naiilang nga ako don sa ginawa niya eh—"



"Really? Bakit wala ka naman atang ginawa para pigilan siya? Kapit na kapit pa nga sayo eh. Does it make you happy that she's head over heels for you. Kulang na lang matunaw ka kakatitig niya and you did nothing." This time lumingon ito sakin, her gaze at me was intense yet her voice is so calm. It contradicted.




"I don't wanna be rude but I don't like what she's doing una pa lang. I'm not comfortable, yet, I need to be professional because she's my client." Paliwanag ko.



"A client," pag uulit pa niya.


Wala sa sariling tumango ako bilang pag sang-ayon. "Yes, I know you heard our conversation."


Ngumiti lang ito pero peke. "I just want to confirm if every client you've met was giving you a kiss after a closed deal?"

"You know, just making sure that she's not the only one." She added with her sarcastic voice and chuckled fakely.




Sabi ko na dahil sa kiss. Bwisit naman kasi yung babaeng yon! Siya kaya sumuyo dito? Ang harot harot kasi.




Napapikit na lang ako nang madiin at bumuntong hininga bago sumagot. "She's the only one who did that and I swear to god, I didn't expect it at all. I was too shocked about it and I'm sorry if I didn't do anything to push her away. I'm really sorry about everything. Punish me if you want, I will gladly accept it. I deserved it. I know I've hurt you." Sambit ko with my sincerest apology. Ito lang talaga ang alam kong gawin, ang tanggapin ang parusa niya dahil wala akong maisip na ibang dahilan bakit ginawa yun nung babaeng yun sakin. Kainis talaga.



She stays quiet and just stares at me the whole time. After a while, she gets something in her bag and then she pulls me towards her at naramdaman ko na lang bigla ang malamig na bagay na dumadampi sa pisngi ko. A wet wipes to be exact. She's wiping something on my cheek, maybe the lipstick stain of that woman.



I watched her face in close proximity as I felt her warm breath against mine. Ang ganda talaga nito kahit na nagtatampo at kahit alam kong hindi kami okay inaalagaan pa rin niya ako.




"I badly want to erase that tadpole's lips earlier. How dare her to even touch you like that. I can't believe her." Mariin niyang usal hanggang sa matapos siya sa pagpunas ng pisngi ko.




"I'm sorry, Love. Hayaan mo na yun, hindi siya worth it pag aksayahan ng atensyon. Just focus on me, okay?" Malambing kong sabi sa kanya nang akmang aalis na siya pero yinakap ko muna siya.




After a quick hug ay nilapit ko ang mukha ko sa kanya para bigyan siya ng kiss pero inurong lang niya ang mukha ko palayo sa kanya na kinagulat ko.




"Why?" Hindi makapaniwalang tanong ko.



"Punishment," tipid niyang sabi at umayos na ulit ng upo at tumitig na naman sa harapan ng sasakyan.



"What punishment?" Nagtataka kong tanong ulit.



"You have no right to kiss me today. Someone else has kissed you already. You don't deserve mine as of the moment." Seryoso niyang usal kahit hindi nakatingin sa akin.


Ano daw? Walang kiss buong araw? Kaya ko ba yon ha?! Bwisit kasi yung babaeng yon! Hays!



Wait, Seryoso ba talaga?!


"Love naman—"


"Drive now, we're going to be late." Pinutol na niya ang sasabihin ko at doon ko na rin naalala na pupunta nga pala kami ng school ng anak ko. Kaya kahit malungkot ako dahil sa punishment na binigay niya ay nagdrive na lang din ako patungo sa pupuntahan namin.




Sana umokay kami mamaya. First time niyang makikita yung anak ko at for sure matutuwa siya at magbabago ang mood niya.



Gagamitin muna kita anak para magbago isip nitong mommy mo. Hehehe. Kailangan ko kasi ng kissperin everyday.




***



Great Beethoven Academy.

"Good afternoon, Ms. Zamora. It's nice seeing you again. Where's Mr. Zamora by the way?" Bungad sa akin ng adviser ng anak kong si Mrs. Pablo. She has bangs and her hair is a mix of black and white in an apple-cut style. She wears a pair of navy blue uniforms for teachers like her. Medyo may katabaan din ang katawan and she's at age 40.



I smiled as I greeted her back, "Good afternoon din Mrs. Pablo. He's not with me, may check up po kasi but I'm with my soon to be wife." Sabi ko sabay hatak sa babaeng nasa likod ko.



Nahiya pa kasi siyang magpakita pero kita ko agad ang pamumula ng mga pisngi niya nang tuluyan ko siyang i-introduce sa guro.



"Oh, Siya na ba yun? Aba't ang ganda ganda naman! Ikaw pala itong laging kinukwento sakin ni Letyzia na may bago daw siyang mommy. Anong pangalan mo?" Masayang usal sa kanya ni Mrs. Pablo. Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti dahil sa kadaldalan din nung anak ko. Walang pinagbago sa kapilyahan.




"Hi po, I'm Lovely Uzziah po but you can just call me Ziah." She shyly introduces herself. Ziah Ziah ka pa dyan ha. Alam kong ayaw na niyang tawagin siya ng iba sa first name niya baka daw kasi marami akong kaagaw at magtampo ako kung puro Love ang tawag sa kanya.


Aba dapat lang! Charot!



"Naku, baka Mrs. Zamora na lang ang itatawag ko na sainyo tutal soon to be na pala kayo." Nakangiting sabi ng guro. Tawang tawa naman ako dahil sa sobrang pamumula talaga ng pisngi niya.




"Si-sige po," utal niyang sabi sabay siko sa tagiliran ko dahil hindi ko mapigilan yung ngiti ko.



"Osya sige, dumiretso na kayo sa theater room. Nandoon na lahat ng mga magulang, napadaan lang talaga ako dito sa classroom dahil may naiwan akong gamit. Mauna na kayo at mag-uumpisa na yung program." Sambit ng guro sa amin kaya naman wala na kaming sinayang na oras at nagtungo na kami sa theater room.



Madami na ang tao sa loob at halos nag uusap-usap ang mga ito habang hindi pa nag uumpisa ang program ng mga bata. Sarado pa rin ang kurtina ng malaking stage sa harapan kaya napagdesisyunan na naming maupo na dito sa bandang gitna. Pinauna ko siyang umupo at sumunod naman agad ako.


"I'm so excited to see her, are you?" Bakas sa boses niya ang excitement. Mas excited pa kesa sakin.




"Oo naman, proud na proud ako dyan dahil magaling sa klase at interisado pa sa mga instruments. Idol kasi ako niyan." Sagot ko pa.


Napailing iling na lang ito sa sinabi ko. "How old is she by the way? And how did you get a child? Hindi ko pala natanong sayo before. Did you get pregnant?!" Tuloy tuloy niyang tanong. Oo nga noh, hindi namin napag usapan ang tungkol sa bagay na ito.




"You'll see," tipid kong sagot sa kanya at nagfocus na lang sa stage dahil pinatay na ang ilaw sa loob, indication na magstart na ang program.


"What?" Tanong ulit niya. Pero naggesture lang ako na quiet muna kaya wala siyang nagawa.


"Welcome to our 7th year Beethoven Musical Concert! Where we are about to witness extraordinary talents from our dearest students in this beloved academy. Let's give them a round of applause before we start, please." The emcee said in his introduction.




We clapped our hands to cheer those kids behind the stage. I know they're waiting to present their talents. I always love playing different instruments so I am excited to see them perform especially my daughter. I know she will do great because I already watched her play my piano inside my room and I'm in awe while watching her. She's flawless.




Lumingon ako sa katabi ko na nakangiti na rin nang malaki. Katulad ko habang nakatingin sa stage. Nakalimutan na niya yung tanong niya bigla.



"Alright! Thank you for that wonderful cheers for our dear students and without further ado, let's get started!"

"Please welcome, from Grade 4 Humility, Trixianne Letyzia Zamora!"



"Oh my god?!" Napatayo bigla sa kinauupuan niya ang katabi ko. She's standing with her both hands covering her mouth as she watched my little girl walking on the stage with a huge smile on her face.




People around us were cheering that little tiger over there and I was clapping my hands proudly at her.




"Oh my god! It's her!" Pag uulit pa niya at tumingin na sa akin nang may luha sa mga mata niya. "It's Trixie?!" She confirmed to me with still her shocked expression.




"Miss, can you sit down, please?" Reklamo ng nasa likuran namin dahil nakatayo pa rin ito.



Mabilis naman siyang umupo at hinapit agad ako ng yakap nang mahigpit matapos kong tumango nang may malaking ngiti sa mga labi ko. I hugged her too and caressed her back gently as I felt her crying on my shoulder.




"Oh my god, it's really her?" Mahina niyang tanong sa akin. Kaya napatawa ako at humiwalay na sa pagkakayakap para punasan ang mga luha niya sa mata.




"Yes, Love. I did it. I adopted her after you left and ever since then my life somewhat changed and I became more responsible. Siya rin ang dahilan kung bakit nakakaya kong bumangon araw araw kahit wala ka." I said as I emptied the traces of tears from her cheeks.





"I still can't believe it. She's grown and she became prettier! Look at her, she's waving to the crowd. She really likes being around people." She said her observation. Hindi ko na maalis yung ngiti ko sa sobrang sayang nararamdaman ko ngayon. I know she misses Trixie too. That silly girl who only wants to be called baby by her alone.




"You're right, ayan lang ata ang hindi niya namana sakin. Masyado siyang confident bata pa lang." Biro ko na tinawanan din niya.



"Go Tiger! Eat that piano!" Proud na sigaw ko mula sa upuan kaya napatingin sila halos lahat sa gawi namin. Maski ang bata sa stage ay natunton ang kinauupuan ko.


Malaki ang ngiting iginawad niya sa akin ng makita niya ako pero mabilis din na gumuhit ang gulat sa mga mata niya nang ibaling niya iyon sa katabi ko.



"Ma'am Angel?" She only mouthed with her shocked expression too. Nagkagulatan sila hehe.



Kumaway naman ang katabi ko sa kanya kasabay ng matamis na ngiti.



"Okay, let's give another round of applause to Letyzia!" The emcee spoke again so we did as he told and then she started to perform. At syempre ang paborito niya ang tutugtugin niya.

[Frozen-Let It Go via piano]

"Whooo!! Anak ko yan!" I proudly cheered at her incredibly fast hands while playing the first verse and chorus of the song.

"Oh my goodness! She's so great! How can she do that? It's very fast!" Hindi makapaniwalang usal ng katabi ko.


Patuloy sa palakpakan ang mga tao sa paligid ko kada nagchicheer ako sa bata. As a proud parent syempre kailangan todo cheer ako. She deserves to be cheered kasi ang galing talaga niya at ang smooth nang paggalaw ng mga daliri niya sa piano keys.



May times pa na tumingin siya sa gawi namin habang nagtitipa nang mabilis sa piano sabay ngumiti pa nang malawak. Kumpleto na rin ang ngipin niya hindi tulad dati na bungi.



"Galing nung bata! Kantahin nga lang yung let it go hindi ko na ma-achieve i-piano pa kaya?"

"True, ang galing."

"She's extraordinary,"

"I know right! Such an amazing child. I'm sure her parents are very proud of her."

Rinig kong bulungan ng mga tao sa paligid ko. Habang nararamdaman ko naman ang paghawak ni Love sa kamay kong nakapatong sa lap ko at ngumiti ng matamis.



"I'm so proud of her and you. You both really did a great job while I'm not around." She said while staring into my eyes with her proud smile again. The smile I used to see when I'm performing on stage and she's watching.



"Thank you, Love." I said with my genuine smile and leaned closer to her to give her a kiss but she moved my face swiftly using her hand which she held on me earlier.


"No, kiss remember?" Masungit niyang paalala.

Kala ko nakalimutan na! Sayang!

I pouted but she just ignored me and continued watching my daughter and the rest of the talented kids until the end of the program.



***


"Mommyyyy!" Tili nang bata matapos niya akong salubungin ng yakap mula dito sa backstage. I kneel down immediately to match her height and hug her too.


"Congratulations, little tiger! You did very very well today! I'm proud of you!" Masaya kong sambit sa bata na kinatawa nito na parang kinikilig pero natigil din agad nang mapagtanto niya kung sino ang nasa likuran ko. Napabitaw agad ito sa pagkakayakap sa akin at tumingala sa taong nakatayo na sa tapat niya.



Tinitigan niya itong mabuti na para bang sinisiguradong tama ang nakikita niya. Habang ang isa naman ay matamis lang na nakangiti sa kanya at hinihintay ang reaksyon ng bata.



"Ma-Ma'am Angel? Ikaw po iyan diba?" Paninigurado pa niya sabay pindot sa katawan nito gamit ang maliit niyang hintuturo.

We both chuckled at what she did.


"I am real, baby." Malambing niyang sabi sa bata. Hindi ko maiwasang hindi maging madrama ngayon dahil sa nakikita ko. Finally, they reunited again. Matagal ko na rin hinintay na magkita silang dalawa and this is a great time for that. Mabuti na lang rin at inimbitahan siya mismo nitong batang ito.


"Ikaw po ba si Mommy Love?" Tanong niyang muli.

Tumango siya agad at lumuhod din para mapantayan na ang height ng bata. "Yes, I am." She said softly at hinawakan na ang magkabilang pisngi nung bata at siya naman ang nagtanong. "Ikaw ba si Trixie?" Pabiro niyang tanong sa bata.


Hindi naman pala nakakangawit ngumiti 'no? Lalo na kung yung dahilan nang mga ngiti ko ay ganito. Hindi ako magsasawa.


Tumango ito nang mabilis, "Yes po, but they call me Letyzia now pero okay lang po kung Trixie pa rin ang tawag niyo sakin." She said innocently.


She chuckled softly, "Can I hug you, Trixie?" She asked which the child immediately agrees with with a huge smile and sparkling eyes.


They hug each other, napapikit pa si Love dahil sa muling pagkakataon nilang magkita at makapag usap face to face samantalang ang anak ko naman ay niyaya akong lumapit sa kanila na mabilis ko rin namang sinunod dahil it's our first family hug!



A single tear fell in my eye as I started to feel the two most precious people in my arms. I hugged them both tightly as my heart felt this euphoric feeling inside my chest. I am so happy right now or maybe happy isn't the right word for it because I'm overwhelmed. Unti unti nang nabuo ang pamilya ko.


Isa na lang ang kulang, ang maging Zamora ang isa dyan.


Oo na, next week ko na siya aayain kasi hindi na ako makapaghintay ng katapusan! I'll plan everything after this.


***



"Patrick!" Sigaw ng kiti kiti kong anak nang magkita ulit sila ni Patrick dito sa park. This time may bitbit na itong paninda, mga lobo.


"Uy tropa! Kamusta ka na? Long time no see!" Nag apir pa silang dalawa bilang batian.


"Who's the child?" Bulong sakin ng isang nakakapit sa braso ko.



"Friend niya dito sa park." Tipid kong sabi habang nakangiti. Tumango naman ito at nag 'ah' lang na reaksyon.



"Hello po ulit, Ma'am. Salamat po ulit sa tulong niyo noong nakaraan. Nakatulong po talaga nang malaki, ginamit ko rin pong pangpuhunan pambili nitong mga lobo para hindi na po ako nanlilimos. Okay na rin po ang tatay ko at nakakabili na kami ng gamot palagi." Masayang litanya ni Patrick sa akin nang makalapit kami sa kanya.



Ginulo ko ang buhok nito at ngumiti, "Wala yun, ano ka ba. Proud nga ako sayo dahil sa mabuti at matalinong paraan mo ginamit yung binigay ko. I can't wait to see you being successful in the future."



"Patrick, gusto ko pala ipakilala sayo si Mommy Love asawa ng Mommy ko." Atribida niyang pakilala sa katabi ko. Palihim ko siyang kinurot sa tagiliran dahil sa kapilyahan niya pero tumawa lang ito.


Namumula na naman ang mukha nitong isa. Kinikilig, kanina pa siya ganyan kapag naririnig niyang asawa ko siya. Ikaw ha, masyado kang excited!



"Hello po, Ma'am." Magalang na bati ni Patrick at yumuko pa ng kaunti.


"Hi, Patrick. Ate na lang itawag mo sakin, huwag na Ma'am."


"Sige po ate,"


"Ako din, huwag na Ma'am. Ate na lang din." Sabat ko naman dahilan para matawa silang tatlo.


"Gaya gaya ka naman, Mommy!"


"Hindi ah,"


"Yes, gaya gaya siya, diba?" Sabat naman nitong isang nakakapit sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin dahil sumang-ayon ang dalawang bata sa kanya.

Aba, mukhang magkakampihan pa ata ang silang lahat sa pambubully sa akin.



"Ito pala si Olaf para sayo, tropa. Libre na iyan pambawi ko lang sayo nung nakaraan." Biglang sabi ni Patrick sabay bigay ng Olaf na balloon kay Trixie.


Pero bigla naman akong may naisip dahil sa sinabi nung bata. "Trix, dyan muna kayo ha? Bibili lang kami ng ice cream."

Saad ko sa bata na masaya naman niyang tinanguan. Hindi naman kalayuan ang ice cream dito, kita pa rin kung saan ko iniwan yung dalawang bata. Tinutulungan naman din kasi niya si Patrick sa pagtitinda kaya hinayaan ko muna.



"Ang cute nilang tignan." Bulong ni Love habang naglalakad kami palayo sa kanila.



"Hoy, bata pa iyan. Bawal pa." Agad kong bwelta sa kanya kaya nakatanggap ako ng mabilisang palo sa balikat.



"I'm just saying they're cute! I'm not implying anything." Reklamo niya.



"Oo na, oo na pero bakit kailangan mamalo?" Usal ko habang hinahaplos ang pinalo niya.



"Because your comment was ridiculous." Usal pa niya pero hindi ko na pinansin dahil nakarating na kami sa bilihan ng sorbetes.



"Hi, Manong," Bungad ko kay Manong na tiga Batangas na kumausap sakin noong nakaraan, ang laki ng ngiti ko ngayon dahil kasama ko na ang hinahanap niya dati.



Tinignan ako ni Manong at ang kasama ko nang tatlong ulit bago siya makarecover na nandito kami parehas sa harap niya. Yung katabi ko naman hindi niya alam ang nangyayari saming dalawa ni Manong at nakakunot lang ang mga noo niya sa sobrang pagtataka.




"Kayo na ba iyan, mga ineng?" Paninigurado pa ni Manong.



Tumango ako nang may malaki paring ngiti sa mukha ko samantalang ang kasama ko naman ay panay kalabit.



"Ano daw? Kilala niya tayo?" Bulong pa niya.




"Kami po ito, Manong. Ayan, kasama ko na siya. Hinahanap niyo kasi nung nakaraan eh napauwi tuloy. Lakas mo kay Lord." Pagbibiro ko pa kahit litong lito na ang katabi ko.



Tumawa si Manong dahil sa sinabi ko. "Nagkatuluyan na kayo? Sabi ko na nga ba at kayo din sa huli. Malakas ang kutob ko noong una ko pa lang kayo nakita sa Batangas eh. Oh ito, libre na iyang mga ice cream katulad ng pinangako ko sayo." Masayang sambit ni Manong sorbetes sabay bigay nang dalawang ice cream na nasa apa.



"Bibili rin ho sana kami ng dalawa pa para dun sa dalawang bata." Dagdag ko.



"Wait...wait, wait, wait..." Sabat nitong katabi ko na mukhang nagegets na niya ang nangyayari.



"Ay, ganda. Ako pala ito yung nagtitinda ng sorbetes sa Batangas. Hindi pa pala niya ako nababanggit sayo. Pero oo, ako ito kung naaalala mo pa. Lumipat na kasi ako dito sa Manila." Si Manong na ang nagbigay linaw para sa sarili niya.



"Oh my god!"

Oh my god siya ulit. Ang cute niya talaga kapag nagugulantang hahaha.



"Siya yun, Love. Yung pinagbilhan natin noon kasi gusto mo ng ice cream." Pagdagdag linaw ko pa.


"Tsaka...ayun din yung first kiss natin," bulong ko dito para hindi marinig ni Manong. "Kaso inatake ka non eh," huli ko pang dagdag sabay kamot sa ulo.



Agad na namula ang mga pisngi niya dahil sa naalala. Pero agad din nakabawi dahil baka matunaw na ang mga ice cream na hawak namin kapag hindi pa siya kumilos.


"Hello po pala, Manong, it's so nice to see you again here. Salamat po dito sa masarap niyong ice cream until now." Sambit niya nang makarecover siya.


"Wala yun, libre na iyan tutal laging sobra ang bayad niyo sakin. Enjoy lang kayo ha?" Masayang usal ni Manong.




"Salamat po ulit dito, ingat po kayo." Ako naman ang nagpasalamat bago namin napagdesisyunang maglakad pabalik sa dalawang batang nag eenjoy mag benta ng lobo.


Pero sumigaw pa si Manong bago kami makalayo na nagpatawa saming dalawa.


"Alagaan niyo ang isa't isa bagay na bagay pa naman kayo!"

"Tao po kaya kami," pabiro kong bulong sa katabi ko kaya lalo kaming natawa.


***

(IG stories of the two)

***

So I put my hands up
They're playin' my song, the butterflies fly away (flying away)
I'm noddin' my head like, yeah (noddin' my head like, yeah)
Movin' my hips like, yeah (movin' my hips like, yeah)

Sabay sabay naming kinakanta ang tumutugtog sa stereo ng sasakyan ko ngayon. Party in the U.S.A. by Miley Cyrus.

May pagsayaw sayaw pa itong batang nasa likurang bahagi ng sasakyan bukod sa pagkanta ay umiindak pa ang mga bewang. Ang katabi ko naman ay sinasabayan lang din siya sa pagkanta ang pagsayaw nang nakaupo.

Kaya puno ng tawanan ang buong byahe namin pauwi sa sobrang kakulitan din ng dalawang ito. Tanchado lang din kasi ang kilos ko dahil nagdadrive ako and we are on the way to our house because she wanted to meet my Dad, finally.



I got my hands up, they're playin' my song
They know I'm gonna be okay (I'm gonna be okay)
Yeah, it's a party in the U.S.A.
Yeah (ha-ha-ha-ha), it's a party in the U.S.A.

Sabay sabay ulit kaming natawa nang biglang gayahin ni Trixie ang tawa ni Miley Cyrus sa dulo ng kanta.

Napailing iling na lang rin ako dahil don.



"This is so fun, mommy! I'm happy na nandito na din si mommy Love kasama natin, hindi ka na masasad." Biglang sabi ng bata sa pagitan namin. Ayaw niyang mapirmi sa upuan sa backseat kaya nandito siya sa gitna namin at nakadungaw.




Nakaramdam naman ako ng paghawak ng kamay ko sa ibabaw ng gear kaya tinignan ko iyon at kay Love galing ang kamay. Nakangiti siyang nakatitig sa akin matapos masabi nung bata ang gusto niyang sabihin.




"I won't let her sad anymore, baby. Hindi na ako aalis." Kausap niya si Trixie pero sakin siya nakatingin.



"Dapat lang, bakit saan ka pupunta, aber?" Sabat ko naman sabay balik ang mata sa kalsada.


Tumawa silang dalawa, "Panget mo naman kausap mommy. Ang sweet sweet na nga nung sinabi ni mommy Love eh!"


I snorted and rolled my eyes, I really can't believe she's always on her side. Kanina pa iyan sa mall at pastry shop, pinagtutulugan ako. Porket madami sa kanyang pinamiling damit at laruan sige din ang sipsip niya. Para rin itong si Bridgette eh.



"Mommy Love kiss mo nga si Mommy para hindi na magtampo satin." Hagikgik ng bata pero nagliwanag ang mukha ko dahil sa suggestion niya. Kiss daw diba? Ito na ang sinasabi kong siya ang susi para mawala ang parusa!


"Kiss daw, Love." Pang uudyok ko pa habang inililiko ang manubela sa pakurbang daan malapit sa village namin.




Ngumuso pa ako samantalang pinipigilan naman ng bata ang kilig niya habang nag aabang, si Love naman ay nakatingin lang na naman sa akin tsaka sa nguso ko.




"No." Tipid at pinal niyang sabi sabay iling. Lungkot, lumbay at pighati ang naramdaman ko dahil sa sagot niya. Totoo talaga yung hindi niya ko ikikiss noh? Grabe natitiis niya ako huhu.

Mission abort. Hindi epektib ang bata.

"Hala, why po? Kala ko po love mo siya mommy Love?" Takang tanong ng bata habang nakatingin ito sa kanya.



Ayan, tama yan anak. Konsensyahin mo iyang mommy mo! Hahaha.



"I do but she has done something wrong today and she has to comply with my punishment." Kalmado niyang paliwanag sa bata habang hinahaplos nito ang pisngi at mariing nakatitig sa mukha ni Trixie.


"What is it?"


Curious niyang tanong kaya napaayos ako bigla ng upo ko sa upuan, bilisan ko na kaya ang takbo ng sasakyan ko? Tutal nasa loob na kami ng village para hindi na niya masabi ang kasalanan ko.



"She let someone else kissed her. So no, she doesn't deserve mine for now." Kalmado pa rin niyang paliwanag pero alam kong nagngingitngit na ang ngipin niya dahil naalala na naman niya yung nangyari kanina. Hay nako talagang tadpole ka!



Mabilis akong nilingon ng bata kaya napalunok ako at hindi ko siya magawang tignan pabalik.



"Mommy?" Tawag niya sakin pero yung patanong na para bang naghihintay ng kumpirmasyon sa sinabi sa kanya.



Napakagat ako sa ibabang labi ko at huminga muna bago magsalita. "A-ano kasi...h-hindi ko yun ginusto bigla na lang niya kong kiniss sa pisngi ko."



"But you didn't retaliate. I was right in front of you." Sabat pa ng isa sa gilid. Naku naman, mas dinagdagan pa.



"Sorry na nga eh, hindi ko lang talaga alam yung gagawin ko nung time na yun." Malungkot kong sagot sa kanilang dalawa dahil nagsisisi naman na talaga ako at hindi ko yun ginusto.

Napahinga ako nang maluwag dahil sa wakas nakita ko na ang gate namin! Nahahot seat ako eh.

"Nandito na tayo, huwag niyo na akong awayin dalawa...pagbuhulin ko kayo dyan eh." Dagdag ko na may pagbulong sa dulo sabay busina rin ng sasakyan ko para mabuksan ang gate. Agad namang bumukas iyon kaya mabilis ko lang ring naipasok ang kotse ko sa loob.




"Ano yun, Mommy?"

"What did you say?"

Sabay nilang tanong. Kaya napangiwi na lang ako. Ewan ko ha, feeling ko anak talaga namin itong batang ito iba lang umiri. Halos parehas ang nakuhang ugali samin ni Trixie.



I stopped the engine and unbuckled my seatbelt. "Wala, let's go na so we can tell DaddyLo about your piano recital."



"Mommy Love, she doesn't deserve your punishment." Napahinto kaming dalawa sa pagkilos dahil sa sinabi niya.



Agad akong napangiti nang malawak sa batang nasa pagitan pa rin namin na nakadungaw. Hay, akala ko wala na akong kakampi sa pamilyang ito eh...




"Because she deserves one week of no kiss than one day. Bakit ka kasi nagpakiss ka sa iba mommy? Tsk." Pailing iling pa niyang usal at nauna nang lumabas ng sasakyan at iniwan kami sa loob.




Nalaglag ang panga ko dahil sa suhestyon niya habang nakatitig sa babaeng nasa gilid ko.




"See? She's with me. But you should be thankful, I won't change my punishment to you but expect that you'll get no kiss for a month if that happens again, okay?"
She taps my cheek and goes out of the car, leaving me behind alone with unbelievable reaction on my face.

Malupit.



***



We walked hand in hand inside our house. I have told Manang Rosita to prepare something special for our dinner because I have a special guest tonight.



"Huwag kang kabahan, mabait na yun si Daddy." Bulong ko pa sa kanya dahil tahimik lang siyang nagmamasid sa loob ng bahay. Hindi pa nga pala siya nakakapasok dito ever since.



Nauna na rin sa kwarto si Trixie dahil pinagbihis ko na siya kasama nung isa naming katulong.



"I am not nervous," Confident niyang sagot sa akin kaya napalingon agad ako sa kanya at nakita kong may ngisi itong nakapaskil sa mga labi niya.



"Wow, sino sumapi sayo at bigla kang naging confident na mamimeet mo na ang Dad ko? Parang nung nakaraan lang kabado ka ah."




Natigilan ito sandali pero mabilis rin siyang nakabalik sa sarili. "Because...you're here with me and my intentions to her only daughter are pure that's why," Ngiti niyang sabi sa akin.



Tumango tango na lang ako at nakahinga nang maluwag dahil sa sinabi niya. At least hindi ako masyadong mag aalala sa kabang nararamdaman niya.




"We're here. Are you ready?" Tanong ko nang makarating kami malapit sa dining area. Rinig na rin namin ang pag uusap at tawanan ng mag lolo sa hapag kainan, maski ang kalansing ng mga kobyertos na inaayos ni Manang Rosita ay rinig na rin namin.




Pinisil niya ang kamay kong nakasiklop sa kamay niya at ngumiti nang malawak at matamis. "I'm always ready, Yunis."




Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan dahil sa sinabi niya. Ako pa ata ang mas kabado ngayon kaysa sa kanya. This is it and my next plan will follow after this. My plan for the wedding.




We both enter in the dining area silently and the three people inside looks at us in unison.




Humigpit ang kapit ng kamay ko sa kanya samantalang siya ay nakangiti pa rin ng matamis habang inililibot niya ang mga mata sa loob katulad ko.




Nakita kong nagthumbs up pa si Trixie sa kanya na may ngiting kita ang ngipin kaya tumango agad si Love sa kanya habang nakangiti. Ang katabi naman niya ay si Daddy na nakatingin lang din sa kanya ng seryoso pero walang mababakas na kahit anong sama ng loob dahil sa nangyari sa kanila dati. Mabuti naman. Si Manang naman ay natigil sa pagbuhos ng juice sa baso dahil sa nakita niya.




Humugot muna ako nang malalim na hininga bago ako nakakuha nang lakas ng loob magsalita at ipakilala sa wakas sa Daddy ko ang mapapangasawa ko. 



"Dad," tawag pansin ko dahil kanina pa sila nagkakatitigan ng katabi ko. Agad naman akong pinansin ng tatay ko pero hindi siya nagsalita.




"I want you to meet my girlfriend," Saad ko habang lalong humihigpit ang kapit ko sa kanya at palagay ko'y pansin niya yun.




"This is, Love." I said proudly to him. I am anticipating his reaction. I don't want to expect the worst but the silence he's giving us tonight, brings anxiety to me yet it all vanished instantly when he finally spoke.



"You mean, your wife?" He corrected. Parehas kaming napatigil sa sinabi niya. Rinig ko naman ang hagikgik nang dalawa pa naming kasama sa dining area.




"Uhm...g-good evening, Mr. Zamora." Magalang na bati niya sabay yuko bilang paggalang.




Minatahan ko si Dad dahil sa sinabi niya kahit pulang pula na ang mga pisngi ko pero ngumiti lang ito sa akin at kumindat pa na tila nang aasar.



"Good evening to you as well. You may take your seat, both of you." Utos niya kaya umupo rin kami agad sa gilid dahil nasa head master chair si Daddy at sa kabilang gilid naman katapat namin ay sina Trixie at Manang.

Hinatak ko muna ang upuan niya bago ako sumunod sa pag-upo katabi niya.



"What should I call you?" Tanong niya agad sa katabi ko.



"Lovely is fine, Mr. Zamora." Sagot niyang may galang sabay ngiti.

Naks, hindi Ziah! Nagpapalakas masyado sa tatay ko.



Hiwakan ko ang kamay niya sa ilalim ng lamesa kaya napalingon siya sakin, tinanguan ko lang siya at ngumiti din.



"Stop the formality, Lovely. Just call me Dad from now on since you'll also be part of our small family." Saad ni Dad habang nakapatong ang baba nito sa likod ng kanyang mga kamay na nakasiklop at nakapatong sa ibabaw ng lamesa.



Agad akong napalingon kay Dad at rinig ko naman ang mahinang pagsinghap nung tatlo.


"Why? Bakit ganyan mga reaksyon niyo?"


"W-wala Dad..." Umiling na lang ako bilang sagot din. Nabibigla ako sa tatay ko! Tapos yung katabi ko mukhang relax lang naman.



"Thank you po, D-dad." Utal niyang sagot sa Daddy ko at bakas ang sobrang pamumula ng mga pisngi niya kaya hindi ko maiwasang hindi matawa.



Sinulyapan ko rin ang dalawa sa tapat namin at parehas silang nakangiti nang malaki saming dalawa.



"It's been a while, Lovely." Saad pa ni Dad at kumindat pa sa kanya na pinagtaka ko nang husto.


"Yes po, it's been a while." Agad naman niyang sinagot nang walang pagdadalawang isip. Kaya lalong nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka. Ano yun?



"Anyway, let's eat already. This is our first complete family dinner. Apo, lead the prayer." Sambit muli ni Dad at nagsimula na ngang magpray si Trixie dahil siya ang laging tagalead ng prayer simula nung dumating siya sa bahay. Alam niyo naman pag ako...




Lumingon muna ako sa katabi ko habang nananatili ang pagkasiklop ng mga kamay namin sa ilalim ng lamesa. She also looked back at me and we both smile from ear to ear while blushing our cheeks before we closed our eyes for the prayer.






Lord, thank you for this opportunity that you gave me. This another chance to be with my love ones, complete and happy. Thank you so much for giving me these people. I owe everything to you and I trust your plans in us. May you continually guide us to the path we are about to take.

Thank you also for the food that we're going to share and eat tonight. Amen.

I prayed on my own inside my head. I lifted her hand below the table so I can give it a quick kiss and putting it back again before they all opened their eyes.





"Amen," sabay sabay naming sabi habang nakangiti. Pero ang katabi ko ay sakin nakatingin.




Kumindat na lang ako sa kanya na kinailing niya. At sa gabing ito ay masaya kaming nagsalo salo sa simpleng gabihang nakahain sa hapag kainan.




We shared laughter, questions and answers, playful banters, smiles and genuine appreciation to each one of us.





I couldn't be more happier. They welcomed her with warmth and love and I know she feels the same way as mine.

We spent the night together with my daughter in this huge bed of mine. Complete and blessed.




My family.


*******

Continue Reading

You'll Also Like

2M 111K 96
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
194K 5.2K 53
[Unedited] Alex Lenon Roa a respected Head Engineer of Roa Corporation and a Professor in Custadio Imperium University. Cassidy Janea E. Castro an A...
7.4K 206 4
ProfxStud