Half a heart without U

By celinemuse_m

2.5K 274 85

Michelle x Alexa More

NOT chapter 1
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22

chapter 11

92 11 8
By celinemuse_m


Michelle

"Matagal pa ba?" Bagot na tanong ko kay Jana.

"Sandali na lang. Wait lang kasi." Hinila ako nito sa bench para maupo ulit.

Nakabusangot na naupo ako. Palibhasa'y alam nitong wala akong duty kaya dinamay ako sa pag-aaksaya ng oras dito.

Tiningnan ko ito ng masama ng saksakan nito ng headset ang teynga ko.

"Arte. Nangatuli sad ko uy!" Agad depensa nito na nakairap pa.

"Wag mo akong pagsalitaan ng mother tongue mo. Saksakin kita dyan eh." Gigil ko ring ganti dito.

"Tss. Sabi ko malinis ang teynga ko."

"Ano bang bisaya ng teynga?" Nagdududa kong tanong.

"Ano.. dunggan." Nag-aalangang sagot nito.

"Walang dunggan sa sinabi mo kanina!" Akmang pipitikin ko ito sa noo pero agad naman nitong pinalis ang kamay ko.

"Wag ka ngang makulit. Makinig ka sa song."

Sinubukan kong pakinggan ang kantang naka-play sa Spotify nito.

"Mas gusto ko parin yung Save your tears at Love Me Harder." Komento ko sa bagong collaboration ng The Weeknd at ni Ariana Grande.

"Girl, tugtog lang ang maganda dun pero di naman maganda ang meaning. Ito oh, pakinggan mong mabuti. Die for you! Imagine?"

"Duh! Di naman nangyayari sa totoong buhay kaya di na nagma-matter ang lyrics ngayon."

"Jazmin, ikaw ba yan?" Kunwaring sinuri ako nito mula ulo hanggang paa.

"I'm prettier." Pasakay ko naman sabay hawi ng buhok ko. Biro lang syempre. Maganda si Jaz.

"Can't argue with that."

Napalingon kaming dalawa ni Jana sa nagsalita. Ganun na lang ang pag-init ng mukha ko ng makita ang dumating. Si Alexa lang naman kasama ang buong barkada nya. Habang natatawa ang iba, si Jazmin poker face lang. Anong bago?

"Gretch, wala ka bang comment?"

"H-huh?" Napakurap na tanong ni Gretchen kay Riva.

"Mas maganda daw si Michelle kaysa kay Jaz." Paglilinaw pa ni Riva.

"Totoo naman!" Di ko alam kung nang-aasar lang tong si Alexa kay Jazmin pero uminit ang buong mukha ko.

"Uhmmm... They're both pretty naman." Namumula din ang teyngang sagot nito.

"So, sino mas bet mo sa kanilang dalawa?"

"Huh?" Sabay tanong namin ni Gretchen.

"I mean, sinong beauty mas bet mo?" Mas lalong nanlalaki ang mga mata ni Gretchen.

"What the hell, Riv! Straight ako. I have a boyfriend. Walang kwenta yang tanong mo!" Mukhang napikon ito sabay walk out. Natahimik kaming lahat at sinundan namin ito ng tingin hanggang sa nawala na ito sa paningin namin. Lahat kami nagulat sa reaction nito.

Maliban sa dalawa. Riva at Alexa.

"I didn't mean it that way. What's wrong with her?" Nasabi na lang ni Riva.

"Yeah, right." Walang ganang saad ni Jazmin at umalis na din.

"Jaz, wait!" Agad itong hinabol ni Kendra.

"Ayan kasi. Joke mo wala sa ayos. Bad mood yun kanina pa." Pangaral ni Alexa dito.

"Kaya nga. Gumawa na nga ako ng paraan para mag-usap sila. Nung isang araw ko pa napapansin na di nag-uusap yang dalawang yan. Naku!" Busangot na saad nito.

"Just let them be. Malalaki na sila." Balewalang saad ni Alexa na natatawa pa.

"I'll go ahead. Kakausapin ko si Gretch. Magtatampo yun sakin." Paalam ni Riva at tuluyang umalis.

"Naunsa man to sila? Sure sila nga mao ra to ilang awayan? Naglibog ko sa kalibutan." Nakahawak sa sentidong saad ng kaibigan ko. Animo'y na-stressed sa nangyari.

Agad ko itong binatukan. Bukod sa overacting sya, libog lang yung naiintindihan ko sa sinabi nito. Hindi naman appropriate sa kasalukuyang nangyayari.

"Aray uy!"

"Pinagsasabi mo? Anong nalibog ka?" Gusto ko pa itong batukan ng isa pa. Lalo pa't pinagtatawanan lang ako nito.

"Bisaya yun. Kayo kasi mga tagalog, masyado kayong advance mag-isip. Ang bisaya naguluhan pa, kayo ready for ano na agad."

Mas lalo akong naguluhan dito.

"Naglibog beh, bisaya ng naguluhan. Gets na? Okay na?"

"Tagalog kasi ako. Wag mo akong binibisaya."

Inirapan ako nito saka tumayo na. "I'll go ahead na. Andito na sundo mo."

Saka ko lang naalala si Alexa na nakangiting nakinig lang samin.

"Pinagkanulo mo ako dito? Sya pala hinintay natin?"

"Yeah. Sorry, mah friend. Baboosh."

Bago pa ako makaisip ng sasabihin, wala na ito sa harap ko.

"Pano ba yan? You have no choice but to come with me." Confident na sabi nito.

"Sure ka wala akong choice?" Nagsimula na din akong maglakad.

Ayaw ko mang sabihin pero pagkatapos nung outing namin kasama ang barkada nito, mas naging clingy ito. Kulang na lang sa boardinghouse na ito matulog.

"Yep. I know you can't resist my charm." Ramdam kong nakasunod ito sakin. At ramdam ko ang mata nya sa legs ko kaya di ko alam kung maiinis ako o ano.

"Let's go and let's not waste any more time. You know I won't stop bugging you until you get inside my car." Hinila na ako nito ng akmang mag-iiba ako ng ruta.

She's right. Never akong nanalo sa kakulitan nito.

Ngiting tagumpay ito ng pareho na kaming nakapasok sa sasakyan nito. Favorite car daw nya si Margie. Ito ang palagi nyang ginagamit kapag kasama ako kaya naki-Margie narin ako.

"Are you hungry?" Tanong nito habang nagmamaneho.

"No." Past four pa lang naman ng hapon pero ang totoo medyo gutom na ako. Ayoko lang syang abalahin.

"Okay." Maikling sagot nito. Hanggang dumating kami ng boarding house ay wala nang nagsalita sa amin. Hindi naman awkward, siguro nasanay na ako sa presensya nito.

Parang sya pa ang may-ari dahil sya na ang nagbukas ng pinto pati ilaw. Kung paano sya nakapagpa-duplicate ng susi ko hindi na ako magtaka. Sinuholan nya lang si tita Malen. Ang may-ari ng inupahan ko.

"Pahiram ako ng damit. Makiligo narin ako." Anito at nauna na sa kwarto.

"Pwede ako muna---- ano to?!" Gulantang kong tanong ng makitang may bago sa sala.

"Hmmm... TV?" Pilosopong sagot nito. Alam kong di na maipinta ang hitsura ko ngayon pero parang wala lang itong pakialam.

Tiningnan ko na lang ito ng sobrang sama. Hindi lang kasi simpleng TV ang binili nito, flat screen pa na tingin ko fifty inches mahigit.

"Smart tv yan. May WiFi narin kaya pwede na tayong magnetflix while chillin'--- aray!" Sa inis ko'y binato ko ito ng bag. Buti sa dibdib lang ito tumama.

"Sinong may sabi sayo na pwede mong gawin to ng walang pasabi sakin?" Di natutuwang tanong ko.

"What's wrong with that? Ang boring kasi. Para kapag tumambay ako dito, di ako mabo-bored."

"Edi wag ka dito tumambay!" Siraulo ba sya?

"Para narin sa mga kapatid mo kapag dumalaw sila." Walang kwentang katwiran nito.

Dinamay pa mga kapatid ko.

"Itatapon ko yan!" Sabi ko at tinalikuran ako saka malakas kong sinara ang pinto. Gusto kong magrelax pero ito, stress na ako sa babaeng to.

"I'll buy another one then!" Ganting sigaw nito.

"Itatapon ko ulit---- Alexa Francine!" Mabilis akong lumabas ng kwarto para harapin ito. Nakangisi itong nakaupo sa sofa.

"Problema mo?" Di makapaniwalang tanong ko dito.

"What?" Natatawang tanong lang nito.

Pinalagyan ba naman ng aircon ang kwarto ko. Kakatipid ko ng kuryente tapos ito, pinalagyan nya ako ng smart tv, WiFi, at aircon?!

"Edi lumabas din ang totoo, kuryente lang ang pinoproblema mo." Sumandal ito sa upuan at tiningnan ako. Tapos biglang ngumisi. "Sexy."

"What the ----" saka ko lang napansin ang ayos ko. Nakacyling na lang ako dahil nauna ko palang hinubad ang palda ko.

"Buwesit!" Nagmamadaling bumalik ako ng kwarto.

"I already saw you in your bikinis, love." Malanding sabi nito.

"Shut up!" Pag narinig kami sa kabilang kwarto, baka ano pang sabihin ng mga yun. Buti na lang nasa trabaho pa ang mga ito.

Tapos na akong maligo pero di parin mawala-wala ang inis ko sa babaeng kasama ko. Kinasama nga ng loob ko ang bumili ng isa pang tuwalya para sa kanya, ang magbayad pa kaya ng kuryente? Di ko maimagine kung ilang libo ang itataas nun sa susunod kong bayarin.

Paglabas ko ng kwarto ay prente itong nakaupo sa sofa at nanuod ng tv. Di ba, ang galing? Di ko magawang sumulyap kung anong pinanuod nito dahil sa sama ng loob ko.

"Hinanda ko na yung towel at damit mo." My way of saying na maligo na sya.

Nasa kusina ako ng magsalita ito. "Thanks. Nag-order pala ako ng food. On the way na." Kinindatan ako nito bago nagmamadaling pumasok ng kwarto.

Napahawak na lang ako sa magkabilang sentido at napabuntong-hininga.

Lord, bigyan nyo po ako ng mahabang pasensya.

-------

"Can you enjoy your life for once?" Panay reklamo nito habang nanunuod ng TV NYA kesyo di ko daw sya sinamahan.

Sana sa sinehan na lang sya nanuod para marami syang kasama.

Napairap na lang ako at patuloy na nagbabasa. Nag-advance study ako dahil baka magiging busy ako sa susunod na araw. Who knows?

"Why are you making it big of a deal? I already said I'll pay for the electric bill."

Tumigil ako sa pagbasa at tiningnan ito ng seryoso. "Matutuwa na ba ako?"

"Whether you like it or not, I will still spend money every day. May pagkakataon pa ngang mas malaki pa dito ang magagastos ko sa isang araw. Shopping and barhopping are my vices. And I think this is one of the good things I've done so far. Spending my money with you."

"Tingin mo sakin, charity?" Tiniklop ko ang libro at tiningnan ito ng masama.

"Bakit ganyan ang tingin mo sakin?" Seryoso nitong tanong.

"Kasi naman!" Gusto ko ng ibato libro dito sa inis.

"What? Lahat naman ng ginagawa ko walang tama. I don't know what to do with you kaya hindi na ako nagpaalam."

" Yun na nga! Hindi mo ba naintindihan? Ayaw ko sa mga ginagawa mo!" Inis na bulyaw ko dito.

"Then why are you doing the same things for me? Kapag nandito ako ayaw mong bumili ako ng pagkain kasi may binili ka na. Binilhan mo rin ako ng mga gamit pero hindi ako nagreklamo."

"Malamang. " Na-iistress kong sagot. Hindi naman siguro kailangan pang ipaliwanag yun.

"Then, sumama ka sakin ngayon sa bahay so I can do the same things to you without you complaining." Seryosong sabi nito.

"Ayoko nga!" Mabilis kong sagot.

"See? " Tumayo ito at lumapit sakin. "I'm not doing this because I'm trying to change who you are. I just want you to accept who I am. Mayaman talaga ako at wala ka ng magagawa dun." saka hinawakan ang dalawa kong kamay.

Agad dumaloy ang kuryente sa buong katawan ko pero hindi ko magawang bawiin ang kamay ko.

"Hindi ka parin nagbago. Mayabang ka parin."

"What?" Naguguluhang tanong nito.

"Wala," nag-iwas ako ng tingin.

Ramdam ko ang titig nito ilang sandali bago nito hinawakan ang mukha ko at iniharap dito. Sumalubong sakin ang malamlam nitong titig.

"Have we met before?"

"Have we?" Balik tanong ko ng hindi inalis ang tingin dito.

"I... I don't really-----"

Naputol ang sasabihin nito ng tumunog ang cellphone ko kaya agad kaming napalayo sa isa't isa. Hindi ko namalayang sobrang lapit na pala ng mukha namin.

"Hello, sir. Good evening." Napakunot ang noo ko habang nakikinig kay sir Benjie sa kabilang linya.

Pagkatapos ng sinabi nito ay agad na itong nagpaalam.

"What's wrong?" Tanong nito ng maibaba ko ang tawag.

"Emergency meeting." Sagot ko at bumalik sa kwarto para magbihis.

First time ata na may patawag sa restaurant ng emergency meeting. Kinabahan tuloy ako.

"I'm coming with you." Salubong nito sakin pagkalabas ko ng kwarto.

"Ng nakaganyan ka?" Nakapambahay lang kasi ito. Hindi pa branded. Knowing her, puro branded damit nyan kahit pambahay.

"Why not? I'll just wait for you inside the car." Nauna na naman itong naglakad palabas.

"Almost seven na. Umuwi ka na diretso." Matapos kong i-lock ang pinto, sumunod narin ako dito.

"Nope. I'll stay the night."


-----


Short update 😑😑

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 86K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
387K 25.7K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.9M 95.5K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...