This Is, Love (GxG)

Por ellyciaDC

167K 4.3K 952

Professor x Student!! [ Hi, this is my first time finishing a book here on wattpad. I hope this story enterta... Más

Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 51
Chapter 52
Finale
Author's Gratitude
Special Chapter 1

Chapter 50

2.9K 62 10
Por ellyciaDC

Xyianne





Naalimpungatan ako dahil parang nangunguryente ang isang binti ko mula sa pamamaluktot nang matagal dito sa couch na pinagtutulugan ko.




Sinubukan kong idilat ang mga mata ko nang dahan-dahan para maigalaw ko ang sarili ko pero may naramdaman akong nakahawak sa braso ko at may nakacover ng comforter sa katawan ko. Nagtaka ako dahil wala naman akong kahit na anong dinala dito bago ako matulog.




At dahil sa pag aakalang may multo dito sa loob dahil na rin sa naramdaman kong kamay na nakahawak sa braso ko ay mabilis kong inalis ang comforter para icheck kung tama nga yung feeling ko.





Shet, kamay nga! Pero pamilyar yung kamay...Sinundan ko iyon ng tingin at laking gulat ko nang makita ko siya sa baba ng couch na mahimbing na natutulog.






Nagdala siya ng unan at naglatag ng sapin sa lapag para lang makatabi ako sa pagtulog. Ang pwesto niya ay nakatigilid na nakaharap sa ibaba ng couch habang ang braso niya ay nakaangat dahil inabot niya ako gamit ang kamay niya para lang mahawakan o maramdaman ako sa tabi niya. Para siyang nakayakap pero hanggang braso ko lang ang inabot dahil sa laki ng agwat ng height ng couch sa baba. Kaya pala may kabigatan na ang hawak niya dahil sa tulog na tulog ito at tila ngalay na ang braso niya.





Grabe...grabe yung kabog ng dibdib ko dahil sa babaeng ito. Mas pinili niyang maglatag sa lapag para lang makatabi ako sa pagtulog at hindi na lang niya ako ginising pa kahit na sinabi niyang ayaw niya akong makatabi dahil sa pinagtalunan namin kagabi. Kakaiba talaga.






Sobrang lumambot ang puso ko, hindi ko naiwasang hindi maluha dahil sa ginawa niyang gesture.





Lord ang swerte ko talaga. Salamat super dahil sa babaeng ito na sobrang magparamdam ng pagmamahal kahit na nainis ko siya kagabi.





She loves to touch me. She wants to feel me. Ramdam ko ang matindi niyang pahiwatig na ayaw niya akong mawala sa kanya maski sa pagtulog.





Sumilip ako sa orasan, 4:00 AM pa lang. Mahaba pa ang oras na pwedeng itulog. Alas dyes pa naman ang alis namin kaya napagdesisyunan kong bumangon sa couch matapos kong maramdaman ang binti ko na okay na.






Agad ko siyang binuhat pabalik sa kama. Pasaway din talaga ang isang ito, pwedeng pwede naman niya kasi akong gisingin pero matigas din talaga ang ulo niya't siya na ang nag adjust para lang makatabi ako. Mahal niya talaga ako ng sobra. Feel na feel ko.





Once I settled her in bed, I get the other things we used. Binitbit ko pabalik ang comforter at unan at inilapag ko ulit yun sa kama, I covered the comforter above us until our shoulders atsaka ako nagsumiksik sa kanya. I hugged her, I put my arm around her waist at pinakatitigan ang mahimbing niyang mukha.






I smiled from ear to ear, "I love you, Love." I whispered and kissed her pouty lips before I settled back in my sleep with the warmth of her.







***








"Hmmm," I lazily groaned when I felt something poking my cheek. Then, I heard a soft chuckle kaya napagdesisyunan ko nang dumilat nang kaunti. Nanlalabo pa ang mga mata ko dahil sa pag aadjust sa liwanag ng kwarto pero mabilis rin ang guhit ng ngiti ko nang masilayan ko ang mukha ng isang anghel sa harapan ko.






Nakangiti ito at nakatitig sa akin gamit ang mapupungay niyang mga mata. "Good morning, Sweetie." Bati niya sa malambing niyang boses.




Kinikilig ako!

Sarap gumising lagi kung siya ang katabi.





Hinapit ko siya para sa isang yakap at ikinulong ko siya sa mga braso ko. Napahiga ito sa kalahati ng ibabaw ng katawan ko sabay isinandal niya ang ulo niya sa dibdib ko at niyakap din ako pabalik.





Inamoy ko ang buhok niyang amoy rosas sabay bumati at pumikit ulit. "Good morning, my Love."






I felt a vibration from her sweet chuckle. Kinikilig din siya. "How's your sleep? Bakit nandito na tayo sa kama?" Tanong niya at inangat ang tingin sa akin kaya tinignan ko rin siya habang haplos haplos ang buhok niya.







"Actually, ang sarap ng tulog ko, Love. Hindi mo talaga ako matiis eh tumabi ka pa talaga sakin hindi mo na lang ako ginising. Pasaway ka." I pinched her cheek sa sobrang gigil ko sa ka-sweetan niya.






"I was just planning to take a nap there because I can't sleep but unfortunately napahaba yung tulog ko at nakalimutan ko nang bumalik sa kama." She laughed at her own mistake kaya natawa din ako.






"Kunwari ka pa, gusto mo lang talaga akong makatabi. Bakit kasi pinatulog mo pa ko sa couch." Pabebe kong reklamo.






"It's your fault though! You're very good at ignoring me. I hate it when you're the one doing it." Nakatanggap pa ako ng palo sa balikat.






"Sorry na nga eh, what do you want me to do to make it up to you?" I pouted at nagpaawa ng mukha.






"Mukha kang pato," Pang-aasar niya sabay pingot sa ilong ko kaya napakunot ang mukha ko sa bahagyang sakit sa panggigigil niya sakin.






"Love naman! Ang hilig mong hawakan yung ilong ko!" Reklamo ko pero tumawa lang ito at piningot ulit ako sa ilong.






"Lhaav! Sthap!" Reklamo ko na parang ngongo na ang boses dahil sa ginagawa niya pero ang saya niya lang at hindi pinapansin ang reklamo ko, hirap din kaya huminga!






Kaya naman ibinagsak ko siya sa higaan at ako na ang pumalit sa ibabaw. "Oh—" Nabigla niyang usal.




Nakatanggap ulit ako ng palo sa balikat dahil sa pagkabigla niya at agad akong bumawi dahil kinagat ko ang ilong niya. "Yunis!" Daing niya.






Tumawa ako matapos kong gawin yun, namumula tuloy ang ilong niya maski ang pisngi niya.

"Kulit mo eh," saad ko habang nakatukod ang dalawang braso ko sa magkabilang gilid ng ulo niya para suportahan ang bigat ko sa ibabaw niya.







"Hindi kita kinagat! You really love biting me." Reklamo pa niya habang tinutulak ang mga braso ko para maalis ako sa ibabaw niya pero hindi ko siya hinayaan at napangiti lang ako nang nakakaloko dahil sa sinabi niya at may naisip na naman akong kalokohan.






"I want to tell you something," Saad ko habang nakatingin sa mga mata niya na nagtataka ngayon.





Kunot noo siyang sumagot, "What is it?"






"I'm a vampire, rawr!" Pagkasabi ko non ay mabilis kong sinunggaban ang leeg niya at pabirong kinagat kagat ang balat niya doon na kinahiyaw at kinatawa niya.






"Hey! Hahaha. Yunis! Stop!" Pilit niyang pagpupumiglas dahil sa kiliti na naramdaman niya kaya napatigil na din ako at natawa dahil sa kalokohan ko.






Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama dito sa gilid niya at nagpatuloy kami sa pagtawa. Ang aga aga pa pero kung ano ano na ang ginagawa kong kalokohan but I'm happy I got to do it with her now because I missed her so much.






Parehas kaming natigil sa pagtawa at sabay na napalingon mula sa pagkakatitig sa kisame para tignan ang ngiti ng isa't isa.






"I'm happy," She muttered under her breath.






Tumango ako nang maiksi at hindi pa rin nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa sinabi niya. She's happy, I made her happy so I am much glad she felt that way.






Pinakatitigan ko siya sa mata hanggang sa lumandas ang mga tingin ko sa labi niyang nakakurba nang matamis. It really looks great on her, smiling.





Bumalik ang pagtingin ko sa mga mata niyang ngayon ay malalim na namang nakatingin sa akin, bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko rin ang paggapang ng kamay nito para ipagsiklop sa kamay kong nakalapag sa pagitan namin.






Pinisil ko iyon at nagsalita, "I am happy that you're happy." I gave her a genuine smile hanggang sa unti unti kong naramdaman ang paglapit ng mukha niya sa akin.





Hinawakan ng isang kamay niya ang pisngi ko at bumulong sa tapat ng mga labi ko habang nakatitig ang mapupungay niyang mga mata sa akin. "I love you," she said shortly.

Agad kong naramdaman ang malambot at makinis niyang mga labi sa labi ko. I slowly closed my eyes with her as I started to feel her moving lips in mine. Hindi ako nagdalawang isip na tumugon sa malalim na halik na binibigay niya sa akin.





Naramdaman ko na lang rin ang bigat niya sa ibabaw ko, kinulong niya ako sa mga binti niya sa magkabilang gilid ko atsaka siya napabitaw sa isang kamay ko upang mahawakan niya ako nang tuluyan sa magkabilang pisngi ko at haplusin iyon ng dahan-dahan gamit ang thumbs niya.






I automatically placed my hands on her waist and on her thigh as we kissed slowly, hindi nagmamadali, tila ba sinusulit at tinatamasa namin ang labi nang isa't isa sa mabagal na paraan. Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng paru-paru sa loob ng tyan ko dahil sa mabagal na halik na binibigay niya.






It's so sweet, passionate, full of love and full of assurance. It's like the world around us is spinning at a slow pace with us. She then slid her tongue inside my mouth and devour it with no rushing. I felt the goosebumps all over me. This is different from the kisses we shared before. This is beyond marvelous.






As we continued kissing ay dahan-dahan ko ring iginala ang mga kamay ko sa loob ng suot niyang nighties dress. I lifted it up slowly making her body tense with my touches from her thighs up to her flat tummy. She moans carefully inside my mouth as she also started to grind with the slow rhythm of our mouths. Oh, this is heaven!






You're my honeybunch, sugarplum
Pumpy-umpy-umpkin
You're my sweetie pie
You're my cuppycake
Gumdrop, snoogums-boogums
You're the apple of my eye






Parehas kaming natigil sa mainit na halikan namin nang marinig namin ang tugtog kung saan man iyon. It was my phone and my daughter is calling me.






"I guess someone's missing you already." She chuckled as she gave me one final kiss on my lips before she removed herself on top of me.





"It's my daughter," I said while smiling at her at tsaka ako bumangon para hanapin kung saan nanggagaling ang tunog dahil hinagis niya nga pala iyon kung saan kagabi.





"I know, I like her." She said as she sits on the bed and watched me searching for my phone.




And I love you so and I want you to know
That I'll always be right here



Napaangat ako ng tingin sa sinabi niya at ngumiti lalo. "Oh, you will surely love her if you would see her."






"Yeah, I think so too." She agrees immediately while nodding her head.
"It's below the chair, by the way." Turo niya sa phone ko na nakadapa sa ilalim ng upuan sa may vanity area.





And I love to sing sweet songs to you
Because you are so dear





"Oh, finally." Hinga ko nang maluwag sabay kuha sa phone ko at lumapit sa kama para tabihan siya sa pag upo at sagutin ang tawag nung anak ko. I turned it into a loud speaker.





"Yes, little tiger. Good morning." Bati ko agad sa bata.




Umayos rin siya ng upo para mas tumabi sa akin at sumandal ang ulo niya sa balikat ko't yumakap sa bewang ko habang kausap ko ang bata sa kabilang linya. I love her clingy side talaga! Who you talaga sa hate ang physical touch. Hindi kita kilala.





"Good morning, Mommy! I'm excited to see you na po!" Masiglang bati niya kaya napatawa kami pareho.





"Oh, sino po ang kasama niyo?" Tanong pa niya sa cute niyang boses.





"Hulaan mo," Biro ko sa kanya na kinatawa ulit ng katabi ko.





"Uhmmmm...si Ninang B?" Ramdam ko ang pagkamot niya sa baba at ang mukha niyang nag-iisip kahit hindi ko nakikita kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiti maski ang katabi ko.





"No, hulaan mo ng tama para may pasalubong ka pag-uwi ko." Pagbibiro ko ulit sa kanya na kinasinghap nito ng malakas na akala mo namamangha sa sinabi ko.We both giggled at her reaction.





"Ano pasalubong ko muna?" Aba't nagtanong pa kung anong pasalubong. Mukhang ayaw niya manghula kapag hindi maganda ang pasalubong niya.




"Anything you want,"



"Really po?!"


"Yes, what do you want ba?"


"Okay! I waaannnttt...a sibling!"



Parehas kaming napaubo ng katabi ko dahil sa pagkasamid namin. Napahiwalay siya bigla sa pagkakayakap sa akin dahil doon.




Rinig namin yung pagtawa nang bata sa kabilang linya dahil sa kapilyahan niyang request.




POTEK? KAPATID?!




"Please, Mommyyy! Promise ko tama yung guess ko kung tutuparin mo po yung pasalubong ko."



NAKU NAMAN!



Ayan, hula hula ka pa kasing nalalaman, Xyianne! Eh mas loko loko iyan sayo.




"Water," bulong ng katabi ko at sabay abot ng tubig matapos kaming makaahon sa pagkasamid dalawa. Nagpasalamat ako at uminom ako agad at itinabi yun sa bedside table.




"Mommy?" Tawag pa ulit niya nang hindi ako makasagot.



Napapikit na lang ako pero yung katabi ko natawa na naman. Hay jusko naman!




"H-huwag mo na pala hulaan." Utal kong sagot at napakagat na lang sa ibabang labi ko para pigilan yung pagtawa ko kasi tumatawa nang mahina yung katabi ko dahil sa kahihiyang ginagawa ko.




"Ayyy," malungkot niyang tono ng boses.




Napahinga ako nang malalim at napatingin sa katabi kong nakatingin na rin sa akin na tila may sinasabi gamit ang mga mata niya.






"Go, guess who's with your mom. It's a deal." Siya na ang kumausap sa bata na kinabigla ko. Ngumiti lang ito sa akin at sabay wink.






Minatahan ko lang siya at kinausap siya ng pabulong, "Love! Paano yun?!" Usal ko.





"Really? Yehey! You're with Mommy Love!" Confident niyang sagot na nagpalaglag ng panga ko.





Nalaglag talaga mga mare! Anong tawag niya? M-mommy...Love????? Tama ba narinig ko? Tinawag na niyang Mommy?!





Shet! Kailan pa? Ito siguro yung nakausap niya yung bata sa phone ko...Isang beses lang yun tapos mommy agad?!





My god! Lakas ng kabog ng puso ko ngayon! Isama mo pa yung pasalubong na hinihingi nung isa tapos sabi pa ng katabi ko it's a deal. Jusmiyo!




AAAAHHHH. How?!





"I'm correct po ba? Mommy Love is that you?" Bigla akong napabalik sa katinuan dahil sa nagsalita sa kabilang linya.





Love can't stop giggling at my reaction and soon she answered my daughter.




"Yes, baby. It's me! Good morning!" Masaya at malambing niyang sagot sa bata habang nakatingin sa phone kong nakalapag sa kama na akala mo nakikita niya ang kausap niya.




"Hello po, mommy Love! Good morning!"

"Mommy, yung pasalubong ko ah?" Dugtong pa niya referring to me.




"H-huh? P-pasalubong? A-ano kasi..."




"Paano ba ito, Love? Ikaw kasi! Paano ko yan bibigyan ng kapatid?" Pabulong kong usal sa katabi ko na nakangiti lang na pinagmamasdan ang reaksyon ko. Ano nginingiti-ngiti niya dyan? Seryoso ako!





"We will give your pasalubong soon, baby. We promised you that but for now we can only give you other things. Is that okay?" Malumanay niyang tanong sa bata. Napapatulala na lang ako sa mga sinasabi niya at nagpromise pa siya. Nako talaga!





"Yes po, it's okay! I can wait naman po eh. I know it's hard to make one kasi galing yun sa stomach tapos it will grow like plants. Ano po kaya yung seeds na sinaswallow nila para may tumubong baby sa tyan?" Tuloy tuloy na usal ng bata na kinasapo ko sa noo ko dahil sa kainosentehan ng tanong niya habang ang katabi ko naman ay tumatawa na naman.






At tsaka bakit pumapayag itong batang ito na tawagin siyang baby tapos pag ako ang gumawa ayaw niya?! Kaya tigre tinatawag ko dyan eh nagiging tigre kasi reaksyon kapag tinatawag kong baby. Hays! Favoritism talaga itong bata ito palagi.





"Osya, magbreakfast muna kami, bab—"





"Mom!" Kita mo?! Itong batang ito!





Napaikot na lang ako ng mata samantalang ang isa ay napakunot ng noo marahil ay nagtataka.




"Tss. Favoritism ka talagang bata ka!"




"I like her voice, mommy. I like it when she's calling me that. It reminds me of someone." Usal ng bata na lalong kinakunot ng noo ng isa.





"Sige na, breakfast na muna kami. Uwi na rin ako later okay? Huwag ka magpasaway kay Manang Rosita tsaka kay DaddyLo mo. Kundi wala kang pasalubong. Ingat sa school!" Sagot ko na lang sa bata para wala nang maraming tanong ang mangyari.






"Okay po, I miss you mommy! Can't wait to see you rin po Mommy Love. Don't forget po yung promise niyo ha? It's on Friday po. Babyeeee! I love you po!"






I watched her reactions while listening to what my daughter was saying. She's smiling all the time and how her eyes sparkle while listening to that tiny voice on the phone. Madami siguro silang napag-usapan nung isang araw kaya may pagpromise pang nalalaman.






Ano naman kaya iyon?





"Bye baby. Can't wait to see you too. Pupunta ako don't worry. We love you too." Siya na ang nagkusang sumagot dahil nakatitig lang talaga ako sa kanya the whole time. Hindi ko kasi maiwasang hindi kiligin at sumaya dahil sa mga nangyayari ngayon. Baweng bawe talaga ang tatlong taong wala siya kahit three days pa lang rin kaming magkasamang dalawa.






The call ended already but I am still staring at her and she stared back at me. Her cheeks immediately turned into a crimson red while her smile flashed in front of me. That sweet smile of hers.






"I promised her to go with you in her piano recital at school. I hope it's okay with you." She shyly informed me.





Lumambot lalo ang tingin ko dahil sa sinabi niya. Ayun pala ang pinag-usapan nila at pumayag agad siya sa invitation nung bata kahit na hindi pa kami okay that time.





"Thank you, Love. Of course you can join me. I'm sure she'll be the happiest once she sees you there." Pinisil ko ang kamay niyang nakalatag sa binti niya sabay pinagsiklop iyon sa kamay ko.





"She'll be more than happy to see you there but I'm glad that I'll be there with you." She genuinely said which brought another strange feeling in my heart. She's too precious. 





Tumango ako ng marahan at lumapit sa kanya para bigyan siya ng isang halik sa labi. "Thank you." I said after while smiling.




She smiled back. "Always,"




"Come on, let's have breakfast. I'm sure they're already waiting for us." She added as she started to stand up from the bed and pulled me with her.




"Ayaw mo ng breakfast in bed?" Maloko kong tanong habang nakangisi.





"Naughty girl!" Usal niya na ikinapula agad ng mga pisngi nito at nagtungo sa banyo para maghilamos na lang at naiwan akong tumatawa na parang baliw dahil sa reaksyon niya.







***







"Have you seen Bridge?" Tanong ko kay Nervana dahil kanina ko pa siya hinahanap, malapit na kasi kaming umalis at wala pa ang best friend ko.





Nervana shrugged her shoulders but her eyes were looking at her sister who's silently putting her things inside the van.






"I think there's something wrong between them." She said to me lowly, tipong ako lang ang nakarinig.





Kumunot ang noo ko, "What's wrong bukod sa walang label nilang relasyon?" Walang preno kong sabi, I'm sure naman na alam niya ang nangyayari sa dalawa.





Tumingin si Nervana sa akin this time at bakas sa mata niya ang lungkot na hindi ko maipaliwanag, basta may ganoon akong nakita sa mata niya, mabilis rin kasi siyang umiwas at itinuon muli ang tingin niya sa kapatid niya.






"Maybe they have misunderstanding again, just looked for Bridgette and I'll handle my sister so we can all go home." She said at umalis na rin agad sa pwesto ko para magtungo sa van at tumulong sa pag aayos ng mga gamit nila.






Ilang minuto ko pa silang pinagmasdan bago ko napagdesisyunang maglakad para hanapin ang kaibigan kong nawawala.






Pagtapos kasi naming magbreakfast ay umakyat na kami agad para magligpit ng mga gamit pero nakita ko silang dalawa ni Ma'am Levine na nagtungo sa dalampasigan bago kami makaakyat ni Love sa room namin. So maybe there's something wrong that's why I'm worried about my best friend.







Iniwan ko na lang din muna si Love doon sa mga friends ko dahil gusto niya daw tumulong sa pagliligpit, sasabay na kasi siya sakin at si AZ na ang papalit sa kanya sa Van. Inaya ko naman si AZ na sumabay na samin tutal ako naman ang kasama niya sa kotse papunta dito pero hindi na daw dahil okay naman daw siya kasama yung mga kaibigan ko, mukhang nag enjoy din talaga siya kausap sila kaya naman natuwa ako dahil doon at naging komportable na siya kasama sila at hinayaan ko na lang siya magdecide kung saan siya sasama pag-uwi.






May iilang tao na akong nadatnan sa dalampasigan, nagpapa araw ang iba at ang iba naman ay sumuong na sa dagat habang ang ilan ay naglalaro ng beach volleyball.






I walked further to find my long lost best friend and finally, I am right that she's here. The place where we talked about our personal problems last last night, at the rock formation.






She's sitting with her arms around her knees while looking at the vastness of the ocean in front of her eyes. The wind is blowing, causing her black hair to flew at her side. I watched her for a few seconds, she sighed and shook her head like she's having a conversation inside her head and she's not agreeing with herself.







Wala na akong sinayang na panahon at umakyat na ako para tabihan siya.






"Share mo naman iyan," I bumped my shoulder to hers resulting her to look at me. Hindi naman siya nagulat.





She smiled but it doesn't reached her eyes. Hindi ako sanay. "Open mo bluetooth mo," Mapagbiro niyang usal na kinatawa at kinailing ko. Kahit kailan may kalokohan talaga kahit problemado na.





"Baliw! Ano ginagawa mo dito? Kanina pa kita hinahanap, aalis na tayo." Saad ko at napiling tumingin na rin sa malawak na karagatan katulad ng ginawa niya.





Nakalapat ang mga binti ko sa batong kinauupuan namin at nakatukod ang mga braso ko patalikod para umalalay sa bigat ko.





She sighed again, "Mamimiss mo ba ako pag umalis na ulit ako dito sa Pinas?" Sagot nito at hindi pinansin ang sinabi ko kanina.




Tumango ako ng marahan, syempre naman dahil siya lang naman ang natatangi kong best friend pero mas pinili niyang manatili sa ibang bansa at doon i-build ang future niya so I'm just here all the way to support her in everything she wants in her life. "Yes, kahit na nakakasawa ka kasama." Pagbibiro ko pero mali at yung biro ko dahil pumait ang ngiti niya bigla at tila ba kuminang ang mga mata niya dahil sa nagbabadya niyang luha.





"Huy, ayos ka lang ba? Joke lang yun ha." Maingat kong bawi na nagpatawa sa kanya. Aning aning din talaga.




"Gaga! Alam ko naman, may sumagi lang sa isip ko." Saad niya at may pagtapik pa sa braso ko.




"Ano ba kasi problema mo? Ikwento mo na yan," pagpupumilit ko.





"Walang bago, ayun pa rin. Pero huwag mo na alalahanin. Tapos na, wala ng kasunod." Sagot nito at bakas ang lungkot sa mga boses niya.





Lumingon ako sa kanya at may pag-aalalang tinignan siya. "What did you mean wala ng kasunod?" I asked curiously.






Nagkibit balikat ito, "Aalis na ko this Sunday dahil tapos na rin naman ang bahay mo at ipapablessing na natin yun that same day. Ayun ang problemahin mo dahil lilipat ka na!" Sagot niya at binalewala lang ang tanong ko.





Hindi ko naman maiwasang hindi isipin ang sinabi niya. This Sunday na agad? Bakit ngayon ko lang ata nalaman? "Sa Sunday agad? Bakit biglaan ata?"






"Tanga! Syempre alangan naman next month mo pa ipablessing yun? Duh! Wala kong time para bumalik dito, madami na akong naiwan na trabaho at puro bakasyon ang inatupag ko, Beshy! Atsaka...basta, sumunod ka na lang sa sinabi ko at huwag na maraming tanong! Ako na nga nag aasikaso oh, mahiya ka naman kung tatanggi ka pa." Sagot niya at parang may sasabihin dapat siya kanina pero hindi niya tinuloy at napaiwas na lang siya ng tingin sakin. Parang may tinatago.






"Ikaw ha puro ka na paglilihim sa akin, best friend pa ba tayo?" Pangongosensya ko sa katabi ko.





"Parang timang naman, Beshy ko! Huwag ka nga mag overthink. At kung iniisip mo kung bakit ako nandito at nagdadrama ay dahil madrama ang status ng buhay ko, okay? That's it!" Tuloy tuloy niyang usal at nagbalak siyang tumayo para umalis na pero pinigilan ko siya.






Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Bakit madrama? Ikwento mo na kung hindi, mageextend tayo dito hanggang Linggo!" Pagbabanta ko sa kanya.





Napairap ito pero bumuntong hininga na lang rin dahil seryoso na ako sa sinabi ko. "Nag-usap kami,"





I looked at her with may expression 'tapos?' pabitin pa kasi!





"I—I finally asked her about us and...she said there's no us that will happen and she just simply said na good luck sa buhay ko dahil hindi na daw kami magkikitang muli." Umangat ito ng tingin sa langit para pigilan ang luha niyang nagbabadyang bumagsak.





Labis ang lungkot na naramdaman ko dahil sa sinabi niya kaya hinaplos ko ito sa likod niya para maramdaman niyang nandito lang ako nakasuporta sa kanya.





"She's just there sa U.S. because of Ma'am Adler, you know that already right?" Pagkukumpirma niya.





I nodded, "Nakwento nga sakin ni Love na nagpunta siya don para tulungan siya."




She smiled a little, "I'm glad that Ma'am Adler's fine now."




Tumango ako at nagpasalamat ng sincere, "Thanks Bridge, I am too."





Humugot ito ng hininga bago magsalita ulit. "So ayun, everything that happened between us there was just her escaping her stress from the situation before at yung ngayon? Wala lang yun sa kanya. So I must not feel anything daw. That's just it dahil hindi na rin naman daw magtatagpo ang landas namin dahil nga I'm going back to where I came from." Saad niya kasabay ng pagtulo ng mga luha niya sa kanyang mga mata.






My heart broke with her crying. Walang pagdadalawang isip ko siyang inakbayan at isinandal ang ulo sa balikat ko para patahanin siya. "I'm so sorry to hear that, Bridge."






She chuckled while still crying, "Ano ka ba! Okay lang ako. Tama naman siya, wala lang ito 'no! Babalik lang ulit sa dating gawi. Focus sa work." Pagbibiro pa niya sabay punas sa mga luha niya sa pisngi.




"Ayoko na pala maging bading, Beshy. Hindi masaya. Straight na ulit ako pagbalik ko sa New York." Dagdag pa niya sabay alis sa pagkakasandal sa balikat ko at tumawa.





Napailing na lang ako sa sinabi niya at natawa na rin. "Siraulo ka talaga! Hindi naman yan sa sexualities natin. It's our own choice if we want to be happy. Don't just allow yourself to feel the happiness to other people. Allow yourself to feel that because that's who you are. Don't let them define the happiness within you. Para saan pa at naging best friend kita kung wala na ang kabaliwan mo diba?"






"Tanga baka magulat ka nasa mental na ko bukas makalawa dahil sa kakasabi mo ng baliw sakin!" Usal niya sabay palo sa balikat ko. Pambihira talaga laging may hampas!





"Ouch ha! Kanina pa!" Reklamo ko pero tinawanan lang ako ng bruha.





"Thanks, Beshy ko. Pero totoo sinabi ko, baka manlalaki na lang ako pagbalik ko sa U.S." Matawa tawa niyang sabi at nagpatuloy.


"Magulat ka na lang ikakasal na ko tulad m— t-tulad mo sa s-susunod...oo, tama. Kailan mo balak?" Awtomatikong nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Bigla kasing nataranta yung boses niya sa dulo. Ewan ko kung bakit pero hindi ko na lang pinansin ang tono niya bagkos ay namula pa ako dahil sa tanong niya.




When nga ba? Hmmm...





Napakagat ako sa ibabang labi ko para mag isip at pigilan ang sariling kiligin dahil sa naisip na wedding




"Mukha kang kamatis na nalamog, Beshy!" Pang aasar nito sa akin sabay tawa nang malakas, napahiga pa ito sa bato sa sobrang tawa niya.





Pinalo ko siya sa braso dahil sa sinabi niya. Pulang pula ba talaga ako? Naiisip ko palang kasi na papakasalan ko si Love at magiging asawa ko na finally ay hindi ko mapigilang kiligin sa tuwa.





Shit! Ang pangit ko siguro.





Napatakip na lang ako sa buong mukha ko gamit ang mga palad ko habang patuloy siya sa paghalakhak dahil sa kahihiyan ko.





"Gago, ang pangit mong kiligin!" Patuloy pa niya at bumangon na sa pagkakahiga para punasan ang luha niyang napalitan ng kasiyahan na kanina'y dahilan ay lungkot.





"Ewan ko sayo!" Pikon kong sagot at umiwas ng tingin sa kanya matapos kong makarecover sa pamumula.




"Yiieeeeh! Kailan mo ba kasi balak?" Pangungulit pa niya sabay sundot sa tagiliran ko na kinahiyaw ko dahil sa matinding kiliti.




"Bridge!" Suway ko pero tumingin lang siya nang nakakaloko sa akin.





"Stop that! Pag-iisipan ko pa kung kailan. Baka next year? Tutal November na. Okaya this December para wala na siyang kawala." Pagbibiro ko na kinangisi lang niya at hindi pa rin nawawala ang nakakaloko niyang ngiti.





"Bakit ganyan ka makatingin?" Pairap kong tanong sa kanya.




"Wala...wala...sige support kita dyan sa desisyon mo........." Sagot niya pero hindi ko narinig ang iba niyang sinabi dahil napakahina non at mas malakas pa ang hampas ng alon sa bato kaysa sa boses niya.




"Ano yun?" Pag uulit ko.




"Wala nga. Halika na, anong oras na baka mabatukan na naman tayo ni Nervana kapag hindi pa tayo kumilos." Aya niya at nauna ng tumayo at bumaba sa bato ng dahan-dahan. Mukhang nadala na sa nangyari noong nakaraan haha.




"Okay," sagot ko at sumunod na sa kanya kahit nabitin ako sa pag uusap namin.




Saktong pagbaba namin ay nakaramdam ako ng pagvibrate ng phone kong nakalagay sa bulsa ng suot kong jeans. Kaya kinuha ko agad iyon para tignan kung sino, sumilip pa nga ang chismosa kong best friend para tignan kung ano yung tinigtignan ko sa phone.




My Girlfriend:

Honeybunch, we're about
to go, where are you?





"Naks! Girlfriend yarn?! Tinalo ang My BB ko ah!" Komento nitong usisera kong katabi kaya iniwas ko agad ang phone ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin.





"Tsaka, Honeybunch?!" Matawa tawa niyang sabi. "Dami niyong alam!" Medyo may kabitteran niyang dagdag.




Natawa ako sa pinagsasabi niya. Inggit ka lang! Sagot ko sa isipan ko pero hindi ko sinabi dahil baka umiyak na naman ito.





Hindi ko na lang sinagot ang text niya tutal pabalik na rin kami ni Bridge. Buti na lang at nagpalitan kami ng number kanina dahil baka makalimutan kong hingiin pag nakabalik na kami sa Manila at wala akong contact sa kanya. Hindi pwede yon!





Inirapan ko lang ang best friend ko bilang sagot at nagpatuloy na ako sa paglalakad at iniwan siyang parang baliw na tumatawa mag isa sa kinatatayuan niya matapos kong ibalik sa bulsa ang phone ko.





Humabol naman agad ito at binunggo pa ako gamit ang braso niya. "Don't worry, I'm so happy for the both of you, Beshy ko. Finally, you're starting again." Sinsero niyang sabi na may malaking ngiti sa mga labi niya.





My heart warms with what she said kaya hindi ko mapigilang hindi siya lambingin pabalik. "Please be happy too, Bridge. I'm rooting for you." Kasabay ng sinabi ko ang paggulo ko ng buhok niya kaya mabilis akong tumakbo para makatakas sa nagbabadya niyang bugbog dahil sa ginawa ko sa buhok niya.




"Aarrghh!!"

"Xyianne Yunis! Bwisit ka talagaaa!"


"Sabi ko sayo huwag ang buhok kooo!"


Sunod sunod niyang sigaw habang hinahabol ako.

Tanging tawa na lang ang sagot ko sa kanya habang mabilis na tumatakbo para hindi niya ko maabutan.







***






"Ready to go?" I asked my woman beside me. She's sitting on the passenger seat and was already done with her seatbelt.




She looked at me and smiled, "I'm always ready." She winked at me resulting in me blushing.




Napailing na lang ako at napagdesisyunang i-start ang sasakyan ko. Nauna nang umandar ang van kung nasaan ang iba naming kasamahan, bali magkoconvoy na lang kami.




Gusto pa nga sana ni Bridge na sumakay dito sakin pero pinigilan siya ni Nervana. For sure may balak na naman si Nervana kaya ganon. Alam ko na mga kilos niyan eh. Kaya siguro galit siya nung nalaman niyang malelate ako ng punta dito noong unang araw dahil isusurprise pala niya akong nakabalik na talaga si Love at ang loko pinag isa pa kami ng kwarto.

Kahit kailan talaga pero thankful pa rin ako dahil sa mga ginagawa niya ay successful kaming nagkabalikan at nagkalinawan.





Nervana's like the destiny ruler. She makes everything possible just to make it happen. She's making sure that everything she plans will end successfully.





Good luck sa kanya kung ano man ang balak niya sa kapatid niya at sa best friend ko.





"Babe," Tawag pansin nito sa akin at humawak sa ibabaw ng kamay kong nakahawak sa gear ng sasakyan kaya napabalik ako sa reyalidad.




"Hmm?" I hummed in response while focusing my eyes in front of me because I'm driving.




"Are you okay?" Alalang tanong niya sa akin habang nakatingin. Sumilip ako sa gawi niya saglit at tumango bago ibalik ang mata ko sa kalsada.




"Yeah, just...about Bridge. She's into something—" I was cut off by her.




"You mean, her and Nate?"



I nodded.



I heard her sighed, still not letting go of my hand. "I'm sorry about my cousin. She's just having a hard time accepting her truth."





I glanced at her again and I saw her concerning eyes. "She's not a fan of relationships and not a fan of showing love to someone intimately. She's not expressive enough and she doesn't want to be involved with it." She explained while my eyes were fixed at the road but I can still see her in my peripheral vision.




"I see that very clear but it's so unfair on my best friend's part. She doesn't deserve what she's doing to her. Hindi ko na lang rin alam bakit niya pinatulan si Ma'am Levine gayong hindi naman sila magkasundo in the first place." I said what my mind tells me.





She nodded once and clicks her tongue. "I know but believe me Natalie changed a lot, she's not so stubborn like before and maybe even if that's the type of love they have, we shouldn't judge them by that because we cannot predict what will happen next, right? And love moves in mysterious ways, really. One day I am a stranger to you and look at us now. Have you imagined us being this way? Because I didn't expect you to notice me, hell, I didn't expect you to give me a spot in your heart. Just like to them, one day they hate each other but I'm sure the next they will figure it out." Mahaba niyang litanya sa akin sabay pisil sa kamay kong hawak niya.






I get it and I'm not judging them. It's just my observation and I'm just worried about my best friend's feelings. I know this is very hard on her part and all I want for her is also to be happy at the end of the day. She has done enough to make us happy and it's time for her to be happy too.






I hope that time won't take long. She deserves everything.





"I know, thank you for that wonderful lesson, Professor Adler. I will take note of that." Pagbibiro ko na lang dahil masyadong seryoso ang usapan namin.






"Silly," Tumawa ito sabay umiling at binitawan na ang kamay kong hawak niya kanina pa para ibalik ang kamay niya sa pagkakapatong sa lap niya at tumingin siya sa labas ng bintana.





"Are you going to teach again?" I asked her curiosly para may mapag-usapan. I want to talk to her and not sit here with silence throughout the ride. I wanted to know what's on her mind dahil sa nakalipas na tatlong taon, I'm sure she has a lot to talk about.






Hindi niya inalis ang mata niya sa labas but she still answered me. "I'm not yet sure. It depends on you." She chuckled which made me frown in confusion kaya napatingin ulit ako sa kanya saglit pero hindi siya nakatingin sa akin at nakangiti lang siya sa bintana, bakas ang pamumula ng pisngi niya pero dahil nagdadrive ako kaya hindi ko siya matitigan nang matagal.






"Why me? I don't understand." I said with a lot of confusion in my tone.





"Nothing, I'm just kidding." She said while chuckling but I'm still confused.





"But it's true when I said that I'm still not sure because I still have my businesses running until now and there's something going on with me and Natalie's family but don't overthink about it, it's just about business." She said, assuring my confusion won't go overboard and be replace by a lot of concern. Buti na lang at sinagot niya agad ang namumuong katanungan sa utak ko. Bilib na talaga ako dito. Pero nakakapagtaka lang yung sinabi niyang depende sakin. Parang hindi iyon joke. Hmmm...






Tumango na lang ako sa paliwanag niya at nagpatuloy lang sa pagdadrive dahil sumagi na naman sa isip ko si Bridge nang mabanggit niya ang pangalan ni Ma'am Levine.






Kailan mo balak?

I'm referring to me and my best friend's conversation earlier about marriage.





Napakagat ako sa ibabang labi ko at ramdam ko na naman ang pag akyat ng pamumula sa mga pisngi ko.





Should I make it as soon as possible? Papayag naman siya kapag inaya ko siya diba? Should I propose to her? When? I need to introduce her to my Dad first...





Oh shit! Hindi pa nga pala sila nagkikita ni Daddy! Oh my goodness! Muntik ko na makalimutan!





Mabilis ko siyang nilingon at naabutan ko siyang nakatingin na pala sakin. Parang hinigit ang hininga ko nang magtama ang mga mata namin kaya napaiwas agad ako ng tingin at itinuon ang mga mata kong muli sa kalsada.






Baka kasi mabasa niya ang reaksyon ko at mapansin niya yung pamumula ng mga pisngi ko dahil sa naisip kong pagpopropose.





Shit! Baka mabasa niya yung nasa utak ko? Hala! Huwag ko na muna kaya isipin?




"Hon,"



Baka pag inisip ko lalo niyang mabasa na nagbabalak akong magpropose ano?




Hala?! Paano kapag may idea na siya?! Wala nang surprise yun!





"Babe,"





Dapat isipin ko na lang muna yung pagpapakilala ko sa kanya kay Daddy.





What if dumiretso kami ngayon sa bahay?




"Yunis!"





"Bahay! H-huh? A-ano..." Ano ba nangyayari sakin? Nawawala na ako sa sarili ko.





Kunot noo siyang tumitig sa akin. "Are you trying to ignore me again? What's happening to you?"





"No! I'm sorry..." Napagdesisyunan kong tumigil muna sa gilid dahil natataranta ako bigla sa kakaoverthink ko at baka mag isip pa siya nang masama at mapaamin ako bigla sa binabalak kong proposal.





"Kanina mo pa ba ako kinakausap?" I asked and stared back at her. Trying my best to not be obvious.





She sighed, "Yes, what wrong?" She said while sitting herself properly and looked at me with curiosity.






"N-nothing," Napapikit ako nang mabilis dahil sa pagkautal ko. "I—I mean, I'm sorry for not being attentive I just...I just thought of inviting you to our house, uhm...I just want to introduce you to my Dad if that's okay with you."






Kita ko kung paano siya natigilan sa sinabi ko, bigla siyang napalunok nang mabagal sabay napaiwas ng tingin sa akin at napasandal nang maigi sa upuan.






"Uhm, if hindi ka lang busy today...you know, I've been waiting for you to come back so I can introduce you to him that I never did before because of our crazy situation but don't worry he's all good now. We're really good, there's nothing to worry about if you're concerned about what will be his reaction about us." Patuloy ko pa at hinawakan ko na ang kamay niyang nakapatong sa lap nito.






She immediately looked at me at ramdam kong kinakabahan siya.






"But of course, if you're only ready. I'm not forcing you to do it today." I smiled at her while rubbing her hand with my thumb. Giving her the expression that it's okay if she's not ready yet.






"It's not that I don't want to meet him or I don't like your idea to introduce me. Well, there's a part of me that I'm nervous about meeting him but also I just need to do something first since I just went back here straight to our three days vacation and I haven't yet visited my businesses and according to Natalie, we have important family meeting today. And as much as I want your idea right now, I don't think I can do it today, Yunis. I'm sorry..." She explains herself which is all good to me. At least I know what her agenda is and she's cute when she said she's nervous!






"It's okay, Love. As I have said, you don't have to worry about it. Marami pa namang ibang araw para doon at hindi naman kita minamadali." I smiled and get her hand to give it a gentle kiss.






Her body relaxes and her eyes stared at me sweetly.





"Just promise me..." I muttered, barely a whisper while still holding her hand with both of mine. I felt her ring, the ring that I gave to her before she left.





"Promise what?" She asked softly.





"Promise me that you won't be leaving again." I said and squeezed her hand a little tight while searching for an answer in her eyes.





I watched how her lips curves into a smile and her cheeks blushing. Tumango ito at nagsalita, "I promise I won't. That's not in my vocabulary anymore, Yunis. I promise I'm not going to leave you again. Not a chance. You'll stick around me forever and you have no choice but to endure my presence until your last breath." She chuckled which made me chuckle too. Nakahinga ako nang maluwag, at least sigurado na akong mapakikilala ko siya kay Daddy soon before I properly proposed a marriage.






Ang sarap lang din pakinggan. Yung assurance na gusto kong marinig sa kanya ay binibigay niya nang walang pagdadalawang isip and I believe in her. I trust her words. I always trust her words.






Hinatak ko siya gamit ang kamay niyang hawak hawak ko kanina pa para bigyan siya ng isang halik sa labi.





Promise sealed.





Kampante na ako and I'll wait for her to be available so I can already introduce her properly to my family.




I'm so excited!




We both smiled while kissing each other. Kala ko smack lang ang mangyayari pero nadala na naman ako at ako na ang naunang gumalaw na agad naman niyang tinugunan.





After a short while ay bumitaw na rin kami sa masinsinang halik at ngumiti muli nang malawak sa isa't isa.





"Let our journey continues!" Masigla kong sabi na kinatawa niya gamit ang nakakahalina niyang boses.





I started the car engine with a loud beating of my heart because of the purest love I am feeling with the person beside me and I continued driving back to our place, our city where our love story began.






And to our home which we referred as each other.





*******















Seguir leyendo

También te gustarán

1.2M 64.3K 59
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
8K 236 38
"The moment my eyes landed on you, I can't help but to stare longer" - Aleghn - Aleghn Ren Spencer Stanford, a professor who wants to be free from he...
34.5K 1.3K 45
Violette Elaina Clavero, one of East Valley Academy's elites. A top student and the President of the Student Council was betrothed by her parents wit...
193K 5.2K 53
[Unedited] Alex Lenon Roa a respected Head Engineer of Roa Corporation and a Professor in Custadio Imperium University. Cassidy Janea E. Castro an A...