PROFESSOR SERIES

By deinakoo

5.1K 158 3

Responsibility. Career. Beliefs. Love. Kapag dumating ka sa punto ng buhay mo na kailangan mong mamili, ano... More

Author's Note
CME EPISODE 0
CME EPISODE 1
CME EPISODE 2
CME EPISODE 3
CME FINALE
CME SPECIAL EPISODE
TYT EPISODE 0
TYT EPISODE 1
TYT EPISODE 2
TYT EPISODE 3
TYT FINALE
TYT SPECIAL EPISODE
FFML EPISODE 0
FFML EPISODE 1
FFML EPISODE 2
FFML EPISODE 3
FFML EPISODE 4
FFML SPECIAL EPISODE

FFML FINALE

118 4 0
By deinakoo

Isang hindi katandaang babae ang sumalubong sa amin ni Rensey nang makapasok ang sasakyan nito sa isang modernong bahay. Sa labas palang ng bahay ay makikita mo na agad ang personality ng mga nakatira rito.

"Good morning, Ma'am." Masayang bati sa amin ng babae saka inayos ang natabinging apron nito. Todo ngiti ito sa akin kaya ngumiti rin ako sa kaniya pabalik. Nakangiti ring tumango sa kaniya si Rensey bago ako nito hilahin papasok ng bahay.

Agad gumapang ang kaba sa dibdib ko dahil mamemeet ko na talaga ang buong pamilya niya. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko nang mapansin niya ang pagtahimik ko. Kahit naman na sinabi nitong excited akong makilala ng family niya ay hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-isip ng kung ano. Paano kung hindi nila ako nagustuhan?

"Ate.." Isang batang babae ang agad tumakbo kay Rensey nang makapasok kami sa sala. Agad nagningning ang mata ko dahil sa kakyutang taglay nito. Sa isang tingin mo palang ay makikita mo na little version siya ni Rensey.

"Miss mo agad si Ate?" Malambing na tanong sa kaniya ni Rensey saka ito binuhat. Tumango-tango ang bata saka ako nito itinuro gamit ang maliliit niyang kamay. "Sino 'yan? Kilala mo ba siya?" Tanong ni Rensey sa kaniya saka ako nito pilyong tinignan.

"Ate Yuna, asawa ni Ate." Masigla nitong turan na ikinapula ng pisngi ko. Ngumisi sa akin si Rensey bago ito lumakad palapit sa isa ring babae na sa tingin ko ay nasa edad sampu. Seryoso lang itong nakatingin sa TV. Kung hindi pa siya tinabihan ni Rensey ay hindi ito titingin sa amin. Nang makita ako nito ay agad itong ngumiti sa akin saka tumayo. Gulat ako nang yakapin ako nito.

"Ate Yeona.." Turan nito. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil hindi ko inaasahan ang kilos nito. Akala ko ay snob ito base na rin sa seryosong ekspresyon nito ngunit hindi pala.

"Look honey, andito na sila." Isang malamyos na tinig ang narinig ko mula sa likod ko. Nang bumitaw sa akin ang kapatid ni Rensey ay nakangiti akong lumingon dito. Isang morenang babae na may hawak na bowl ng popcorn ang nakatingin din sa akin. "Mana talaga sa akin ang anak ko, magaling mamili. Hey, darling." Inilapag nito ang bowl sa coffee table saka ako inalukan ng yakap. Muli ay hindi ako nakagalaw.

"Good morning po." Magalang kong bati nang pakawalan ako nito sa kaniyang yakap.

"Drop the po Darling, I'm still young." Usal nito saka binalingan ng nakakalokong tingin si Rensey. Napansin ko ang pamumula ng pisngi ng girlfriend ko. "Honey, hurry up. Your daughter's girlfriend is here. She's beautiful like me."

Isang nagmamadaling yabag ang narinig ko mula sa hagdan. Nang lingunin ko ito ay natigil sa paghakbang ang matangkad na babae na may mahabang buhok. Sa unang tingin palang ay mapapansin mo agad na isa siyang modelo dahil sa tindig niya. Gulat itong nakatingin sa akin. Maya-maya pa ay nagmamadali itong lumakad palapit sa akin.

"Bagay kang maging model ng clothing line namin, sweetie." Natutuwa nitong saad. "Rensey baby, napakaganda naman ng girlfriend mo. Yeona tama ba? Halika, marami akong ikwekwento sa'yo about Rensey." Hinila nito ang braso.

"Ma." Nagmamaktol na saad ni Rensey. Taas kilay na lumingon sa kaniya ang babaeng ngayon ay hawak parin ang braso ko.

"What? She deserves to know kung paano mo siya ikwento sa amin, araw at gabi."

"Ma naman." Asik ni Rensey saka ako hinila palapit sa kaniya. Natatawa naman ang babaeng morena. "Sila ang mommy ko. Sina Renley at Renbey ang kapatid ko." Pakilala sa akin ni Rensey. Nakangiti sa akin ang mga ito na parang kilalang-kilala na ako. Mukhang inaasahan na rin nila ang pagdating ko sa bahay nila.

"Oh, ituloy natin ang kwentuhan sa kusina. Marami akong niluto, lahat paborito mo." Wika sa akin ng mommy ni Rensey saka ikinawit ang kamay sa braso ko. Naiiling na lamang si Rensey. Marami pang kwento ang dalawang Mommy nito habang papunta kami sa kusina. Hindi ko na nga alam kung sino ang papakinggan ko sa kanilang dalawa. Minsan ay nagtatalo pa sa kung sino sa kanilang dalawa ang unang magsasalita.

Habang nasa hapag ay todo kwento ang magulang ni Rensey tungkol sa kung paano ako ikwento ng girlfriend ko sa kanila. Pati love story nilang mag-asawa ay naikwento na rin sa akin. Nalaman ko rin sa kanilang dalawa na IVF ang maging proseso nila para magkaroon ng anak.

"E kayo, kailan kami magkakaapo?" Bigla kong nalunok ang pagkaing nasa bibig ko nang marinig ko ito. Sunod-sunod ang pag-ubong ginawa ko. Nag-aalalang inabutan ako ng tubig ni Rensey saka hinaplos ang likod ko.

Nang umayos ang lagay ko ay nakangiti sa akin ang dalawang Mommy ni Rensey. Mukhang hinihintay nila ang sagot namin ng girlfriend ko. Nagkatinginan na lamang kami ni Rensey saka ngumiti sa isa't-isa. Napag-usapan na namin ang bagay na iyun nung nasa bahay namin siya. Dahil ang tanong na iyun ay itinanong din sa amin ni Lolo.

"Are you okay?" Nilingon ko si Rensey na kakalabas lang ng cr. Nakabalot ng puting tuwalya ang katawan nito. Kakagaling lang nito sa pagligo.

"Ang saya ng family mo." Sambit ko rito. Tumungo ito sa malaking salamin saka sinimulang i-blower ang buhok niya.

"Ganun din ang magiging family natin." Kinindatan ako nito mula sa salamin kaya't aligaga akong umiwas ng tingin. Hindi ko gusto ang uri ng pagkindat nito lalo na't hindi pa siya bihis. Humalakhak ito nang mapansin niya ang pag-iwas ko. "Come on, soundproof 'tong room ko."

"Rensey!" Panunuway ko sa kaniya pero lalo lamang tumaas ang confidence nito. Ibinaba nito ang blower saka lumakad palapit sa akin habang inaalis ang tuwalya sa katawan niya.

"What? Hindi naman nila tayo maririnig. Saka dream come true na ito."

"Dream come true?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Yes, having s*x with you here in my room is one of my dream." Pinanlakihan ko ito ng mata dahil sa sinabi nito. Pinagnanasahan ba ako nito? Lalo ko pang pinandilatan ito nang maalis na niya ng tuluyan ang tuwalya sa katawan niya. Ibinato niya iyun sa kung saan. Hindi ko maalis ang mata ko sa katawan nito, parang namagnet na ang tingin ko sa kaniya. Hindi na ako magtataka kung saan niya namana ang kagandahang taglay niya dahil parehong maganda ang magulang niya, maging ang kapatid nito. Lahi sila ng magaganda. "Tatakpan o titikman, Yeona?" Pilyo nitong saad saka ako itinulak pahiga sa kama.

Mabilis ang tibok ng puso ko lalo na ng gumiling ito. Sh*t. Kinagat pa nito ang labi na animo'y inaakit ako. Nang hindi ako sumagot sa tanong niya ay kusang tumaas ang isang kilay niya.

"Papakasalan." Usal ko na ikinalawak ng ngiti niya.

"And then?"

"Titikman bago takpan." Nahihiyang kinagat ko ang ibabang labi ko. Isinampa nito ang isang tuhod sa kama saka dumukwang para bigyan ng halik ang labi ko.

"Good answer, Yeona. Pero pwede namang tikman muna bago pakasalan, ng magkatatotoo naman ang pangarap ko." Pagkasabi niya ng mga salitang ito ay tuluyan nitong ipinatong ang katawan sa akin. Nahigit ko ang aking paghinga lalo na ng amuyin nito ang leeg ko. Pagkatapos ay muli itong tumingin sa mata ko bago ako nito siilin ng halik.

"Renseyhmm.." Mahinang halinghing ko nang kagatin nito ang ibabang labi ko. Nararamdaman ko na ngayon ang kamay nitong pumasok sa loob ng damit ko.

"Anak.." Isang katok ang nagpatigil sa paghalik sa akin ni Rensey. Pareho kaming napalingon sa pintuan ng kaniyang kwarto. "May ginagawa ba kayong milagro? Pwede postpone niyo muna, itong kapatid mo kasi gustong magmovie marathon."

Kusang umangat ang palad ko upang takpan ang namumulang mukha ko. Pansin ko ang pagpipigil ni Rensey ng tawa dahil sa ginawa ko. Dinampot nito ang tuwalyang inalis niya saka muling ibinalot sa katawan. Tumungo nito ang pintuan at binuksan iyun ng bahagya.

"Yes Ma. Lalabas na kami, magbibihis lang ako."

"Sure kayo ha. Lalabas kayo hindi lalabasan." Malakas na sambit ng mommy ni Rensey na muling nagpainit sa pisngi ko. Nakakahiya.

"Mama naman." Natatawang usal ni Rensey. Mukhang dito nagmana ng kalokohan si Rensey. Pareho silang walang preno ang bibig.

"Okay ka lang diyan?" Tanong sa akin ng girlfriend ko nang maisara na nito ang pintuan. Inirapan ko lamang ito na muling nagpatawa sa kaniya. Lumapit ito sa akin saka hinila ang braso ko. Agad itong umupo sa kandungan ko nang makaupo na ako sa kama.

"You fill my heart with love, Yeona." She mouthed saka hinalikan ang gilid ng labi ko. Hinaplos pa nito ang pisngi ko down to my jaw.

"You're everything to me, Rensey." Nakatitig sa mga mata niyang sambit ko. Ngumuso ito sa akin bago isiksik ang mukha sa leeg ko.

"Ang bango mo. Baka pwedeng huwag na tayong lumabas para sa movie marathon na 'yun. Ikaw nalang panuorin ko habang pinapalasap ko sa'yo ang sarap."

"Rensey!" Madiin kong sambit dahil sa sinabi nito na sinabayan niya ng paggiling sa kandungan ko. Tumawa muli ito saka iniangat ang tingin. Kasunod nun ang paghalik niya sa akin sa labi. Pagkatapos nun ay ibinaling niya ang labi niya sa leeg ko. "Hmm." Ungol ko nang dilaan niya ang leeg ko saka maingat na kinagat.

"Ate.." Napapikit si Rensey ng mata nang may kumatok na naman sa pintuan niya. Naiiling itong tumungo sa pinto. Sa pagkakataong ito ay ako naman ang tumatawa sa reaksyon nito. Deserved. Nang makaalis ang kapatid niya ay inirapan muna ako nito saka nakasimangot na nagbihis.

Rensey nabibitin Chua.

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
935K 32.1K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
48.6K 3.3K 10
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING