The Scent of You [Under Revis...

By ARLabyouu

6.2K 538 65

Matinik hindi lang sa babae kungdi pati sa kama ang boss ni Rosie na si Echarri. Hindi mabilang sa daliri ang... More

The Scent of You
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3 (spg)
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7 (spg)
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20 (spg)
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30 (Wakas)

Kabanata 16

154 21 3
By ARLabyouu

Kabanata 16

Rosie's huge indifference towards her boss is steady for the following days. Even Fran can't believe her eyes, her friend takes it to a whole new level, for real.

Isang oras bago mag uwian ay mayroong dumating na 'di inaasahang mga bisita. Tumayo si Fran nang mamataan si Zayn. Kasama nito sina Axel at Hudson.

Nakangiti siyang lumapit sa tatlo ngunit napawi 'yon kaagad dahil sa paglitaw ng isang bruha (ayon kay Fran) mula sa kanilang likuran.

"Is Echarri in his office?" Mataray na tanong ng bruha na kumuha sa atensyon ni Rosie.

Bahagya siyang inirapan ni Fran at bagkus ay tumingin lang sa tatlong binata. "Hello, guys! Si Sir ba hanap n'yo?" tanong nito.

Hindi makatingin sa mata ni Fran si Zayn, napapa haplos lang iyon sa sariling batok. Tila 'di pa digested sa sistema ang pag amin sa kaniya ni Fran.

"Yep. Alangan naman ikaw ang pinunta namin? Joke!" Si Axel na tawang-tawa sa sariling biro na nakatanggap ng ngiwi mula kay Fran.

Si Hudson ay nasa tabi ni Zayn, lumilibot ang mata sa kabuuan ng opisina. At tumigil sa oras na nagtagpo ang kanilang mata ni Rosie. Mula no'n ay hindi na maalis sa dalaga ang tingin ni Hudson.

Lumabas sa kaniyang cubicle si Rosie at humarang sa daraanan ni Monica 'pagkat akma iyon di-diretso sa loob ng silid ng amo nang walang paalam.

"Please wait while I inform Mr. Avanzado that you are here, Miss La Torre," she spoke, unintimidated.

"You again?" pangmamata ni Monica sa kaharap. "I have all the right to visit my boyfriend. So, get your ugly ass out of my way." Bahagyang umatras si Rosie sa ginawang pagtulak ni Monica sa kaniyang balikat.

Kaso pinagsawalang-bahala niya lang 'yon, pinigilan pa si Fran nang akma siyang lalapit sa kanila.

"I appreciate it if you don't get physical, Ma'am," she warned her. "Lalo po kung naiintindihan mo na ang scope ng trabaho ko bilang sekretarya ni Sir Avanzado. At isa na po ro'n ang sabihan siya kung mayroon man siyang dumating na bisita nang walang pasabi... katulad mo po." Sa mata ni Monica ang kaniyang tingin habang sinasabi iyon.

Fran on the side is teary-eyed while clasping her hand. Proud na proud ito sa kaibigan. Kaya nang humakbang si Zayn upang lumapit sa dalawa'y hinuli kaagad niya ang kamay no'n. Nakatsansing pa ito nang walang kahirap-hirap.

Si Axel ay nilabas ang cellphone upang kunan ng bidyo ang nangyayaring sabong sa pagitan ni Rosie at Monica.

Si Hudson naman ay tahimik lamang na nagmamasid ngunit sa itsura ay handa itong sumaklolo sa oras na makitang maagrabyado ang dalagang nakapukaw ng kaniyang atensyon.

Tumaas ang kilay ni Monica. Hindi makapaniwala na kaya siyang pag salitaan nang ganoon. "What a freak..." aniya at tinaas ang kaniyang kamay sa ere.

However, Rosie will never let her do the same thing twice. Hindi na nito hahayaan na masampal ulit. Sinalo niya ang dumadapo na kamay ni Monica at pinilipit pa 'yon kaya naman sobra kung dumaing ang huli.

"Lift your hand on me again and I will make sure to break your bones, Miss La Torre. Pangako 'yan." Maangas na wika ni Rosie, 'di na iniisip kung ano'ng kapalit ng pagtatanggol nito sa sarili laban sa anak ng Mayor.

Lumapit na ang lahat sa tabi ng dalawa sa takot na baka saan pa humantong ang bangayan ng dalawa. Pumagitna si Zayn sinusubukan na pakalmahin ang namumula sa galit na Monica.

"We're not here to pick a fight, Mon. Stop this, come on," turan ni Zayn.

Ngunit umangil ang kausap. "Hell, Zayn! Bakit ako ang pinagsasabihan mo? Hindi mo ba narinig ang banta ng freak na 'yan?!" sigaw nito na nakatawag pansin pala kay Echarri.

Tumigil ang binata sa ginagawa at sumilip sa blinds ng bintana. Nagising ang kaniyang dugo nang makita ang eksena sa labas kaya't mabilis pa sa alas-kwatro siyang lumabas ng kaniyang opisina.

"If there's a freak here, it's you, Monica. You almost hit her, so you can't expect her not to fight back." Hudson said as a matter of fact... stealing glances at Rosie.

"Ano'ng nangyayari rito?" Si Echarri.

Sa pagdating niya ay ang transformation din ni Monica. Umasta itong aping-api at pinagtutulungan ng lahat.

"Hudson, Zayn, Axel, what are you guys doing to her?" May bintang sa tono ni Echarri.

Axel steps up trying to show the video from his phone, but Monica blocks his way.

"Your secretary threatened to break my bones. She is scaring me..." sumbong nito.

Hindi na makapagpigil si Fran at lumusob na siya sa tabi ng mga ito. "Sir, don't tell us maniniwala ka sa sinungaling na 'to?" aniya, nangangati ang kamay nitong sabunutan ang bruha.

Hinanap ng mga mata ni Echarri ang sekretarya niyang mataman lang silang pinanonood. "Rosie?" untag nito. "In my office. Right now." Winaksi nito ang nakakapit na kamay ni Monica sa kaniyang braso 'tsaka humakbang pabalik sa sariling silid.

Susunod sana si Monica kung 'di lang siya sinadyang tabigin ni Fran. "Sorry! Nanghina ang tuhod ko sa poot ko sa 'yo," palusot niyang umani ng tawa mula kay Axel.

Monica stamps her feet in exasperation as she is watching Rosie walking towards Echarri's office. She swears like it's nothing.

Nakatalikod na ginugulo ni Echarri ang sariling buhok hanggang marinig nito ang pagsara ng pinto. Bumaling siya kay Rosie, nais sanang tanungin kung nasaktan ulit ito ni Monica. Bakas sa mukha niya ang pag aalala ngunit—

"I want you to tell me what happened there." Ang tanging lumabas sa kaniyang bibig imbes kumustahin ang dalaga.

"Ginagawa ko lang po ang trabaho ko." Matipid na sagot ni Rosie.

Kulang na lang ay magpantay ang kilay ni Echarri sa tipid na tinuran ng kaniyang sekretarya. "That's it? Wala na? Are you not going to explain yourself at all?" Magkakasunod na tanong pa nito.

"Kailangan ko pa po ba na i-explain ang sarili ko, Sir? Sa tagal ko nang naninilbihan sa inyo, kahit kailan ba may inaway ako? Sir, do you see me as someone who can start a fight?" She answered his questions with another set of questions.

Tila naman nakonsensya ang binata sa winika ni Rosie. Ngunit hindi naman gano'n ang ibig niyang sabihin. Nais lang sana niyang iparating sa dalaga na kaya rin siyang ipagtanggol nito bilang kaniyang amo.

"You can fire me of my post, Sir, kung gano'n man po ang tingin n'yo sa akin—"

"Why would you go that far? Rosie, gusto ko lang malaman mo na kakampi mo 'ko rito. Sabihan mo 'ko kung sinasaktan ka ni Monica..."

Awtomatiko na tumaas ang kilay ni Rosie at nagbuga ng hangin. "Mawalang galang na po, Sir. Pero 'di ko kailangan ng simpatiya. At kung mayroon man pong nakasakit sa akin, hindi si Monica 'yon," sarkastiko niyang pahayag.

Nagsilbing paalam ang pagyuko ng dalaga at iniwan si Echarri na walang mahanap na sagot sa huling sinabi ni Rosie. Masyado siyang pinahihirapan nito.

Si Hudson na lamang ang natira roon sa apat.

Si Monica ay nagpupuyos sa galit kaya boluntaryo siyang umalis kahit hindi na utusan pa.

Minabuti naman ni Zayn na kausapin si Fran tungkol sa pagkagusto no'n sa kaniya.

Axel left without any reason, he just doesn't want to waste his time, is all.

"I'm Hudson Buencamino, one of Echarri's friend." Pakilala ni Hudson sa kababalik lang na Rosie. In-extend niya ang kamay ngunit tinapunan lang iyon ng tingin ni Rosie.

Inabot ni Hudson ang sariling kamay at siya rin mismong kumamay sa sarili.

"P'wede na po kayong pumasok sa loob, Mr. Buencamino," sagot ni Rosie.

"Ikaw ang pakay ko, hindi si Echarri." Binulsa ni Hudson ang mga kamay at seryosong tumingin sa dalaga.

Natigilan si Rosie, may pagtataka sa mukha na tiningnan din ang kaharap. "Ako? Sa pagkakaalam ko ay ngayon ko lang po kayo nakita."

"Stop being formal. Just call me Hudson. Um—" Hindi matigil ang pagkiskis ng sapatos nito sa tiles ng sahig. "Do you have time for dinner tonight?" he spilled the beans.

Loading ang isip ni Rosie sa katanungang iyon ni Hudson. Fake scratching her chin, she asked, "b-by any chance... a-are you asking me out?" she stuttered.

"Yes. I do. I'm serious."

He doesn't even know that he is asking someone head over heels for his friend. And that Rosie will say...

"Dinalhan po ako ng pagkain ng kapatid ko galing probinsya. Bugnutin po 'yon kapag hindi ako umuwi nang maaga... so— excuse me po, Mr. Buencamino."

Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Hudson kahit na lowkey siyang binusted ng dalaga. "That's so cute of her." Hindi matigil ang ngiti nito.

Gabi nang mag desisyon si Echarri na puntahan si Rosie upang humingi ng dispensa. Nasa labas na ito, nakasandal sa kaniyang kotse. Pindot-bura sa iskrin ng cellphone.

Hindi siya makabuo ng tamang pangungusap para ipadala sa dalaga. Pinagtitinginan na ito ng mga tao dahil sa mamahalin nitong sasakyan, mabuti na lang at nagsuot ito ng sumbrero kung hindi'y baka nakilala na siya ng buong barangay.

Nang bigla na lamang siyang lapitan ng pamilyar na mukha.

"Oh hey, Robby! I didn't know you'd be here."

Lumabas lang naman ang kapatid ni Rosie upang magpahangin nang mamukhaan nito ang tinatawag niyang Kuya Charri.

"Long time, Kuya Charri! Kumusta na?" Masayang tanong ni Robby dito.

"Alright. Ikaw? How's being a pilot going?"

Nahihiyang nagkakamot si Robby. "Review review pa Kuya, para sa written test. Salamat nga pala ro'n sa bag na bigay n'yo. Ang ganda gamitin, Kuya."

'Tsaka niya naalala ang bagong luto na Chicken Adobo na niluto ni Rosie. Kinain kasi ng dalaga ang Adobo na para dapat kay Echarri kaya inutusan niya ang kaniyang ate na palitan 'yon.

"Saglit lang, Kuya Charri. Kukunin ko lang sa loob ang pasalubong galing sa probinsya." Mabilis iyon tumakbo upang kunin ang baunan ng ulam. At mabilis din na bumalik sa labas.

"Kuya Charri, para sa 'yo."

Echarri accepted the packed container. "Ano 'to?" usisa niya.

"Chicken Adobo po. 'Yan po kasi 'yong pinaka nagustuhan mong ulam noong nagpalipas kayo ng gabi ni Ate Rosie sa bahay."

He smiled when he remembered that. "Thanks, Robby. I'll enjoy this." Binuksan ni Echarri ang kotse upang ipasok doon ang container. "Alis na rin ako," paalam nito.

"Hindi po ba kayo nandito para puntahan si Ate?" taka na tanong ni Robby.

Umiling si Echarri. "Maybe next time." Before Echarri goes in his car, Robby and he do a one-armed bro hug and Echarri double backslap Robby and says, "goodluck on your test. Tawagan mo 'ko kapag may kailangan ka, a'right?"

Somehow, Robby smells familiar when they break the hug. He can't be mistaken for the familiar scent. Robby waved goodbye. But he calls him back.

"May nakalimutan ka, Kuya Charri?"

Umiling ang binata. "What scent are you wearing, Rob?" Hindi siya makapaghintay sa magiging sagot ni Robby, tutok na tutok siya sa mukha nito.

Robby sniffs his shirt. He sprayed the perfume of his sister earlier that morning and the scent stayed on until the evening.

"Hindi ko alam ang pangalan, Kuya Charri, e. Pero nasa nightstand 'yong pabango ni Ate Rosie..."

"That's your sister's?" Hindi maipinta ang gulat sa mukha ni Echarri lalo nang tumango si Robby.

He shakes his head.

It can't be her. Everyone can have the same perfume... so the woman who was wearing the same scent that night... can't be Rosie, shouldn't be Rosie.

Continue Reading

You'll Also Like

125K 2.6K 42
[LE FAVORI DESIRE SERIES 3] WARNING🚨🚨🚨 SPG | R-18 | Matured Content > A story of Zachary and Ainaeco She's an ex-convict but he's inlove with her...
64K 2.4K 48
"Take chances with me, Au." Alok niya sa dalaga. The young beautiful mistress of influential and powerful senator Santander. His life turned upside...
873K 12.8K 38
Quieennee Ocri's Story. Love. Hate. Revenge ang takbo ng kwento ng isang Ocri. Naranasan na niyang magmahal, masaktan, magalit at higit sa lahat ay a...
14.5K 411 42
Lumaki sa isang mahirap na pamilya si Luna. Sa murang edad, inabandona sila ng kanyang Hapon na ama kaya maaga siyang natutong magbanat ng buto para...