Sa Taong 1890

Von xxienc

86.3K 3.6K 1K

Siya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang... Mehr

Mula sa May-akda
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70

Kabanata 54

485 18 2
Von xxienc

|Kabanata 54|

“Nakababagot naman dito. Ano ba ang ginagawa mo para malibang?” tanong ni Agustin habang patingin-tingin sa mga libro sa likod ng tukador.

“May mga pinagkakaabalahan naman ako, pero nasa labas kasi iyon. Hindi ko pa naman naranasang makulong dito kaya hindi ko alam. Marahil ay matulog na lang.”

“Sana ay makalabas ka na rito. Nais pa naman kitang yayain—kayo na lumabas at mamasyal,” aniya na tila pa'y nadulas sa kaniyang sinabi at mabilis na itinama iyon.

"Makalalabas din ako rito. Gagawa ako ng paraan," wika ko. "Kaya may utang ka sa akin na sisingilin ko kapag nagawa ko iyon."

"Sige, gagawin natin iyan. Kapag nakalabas ka na."

Hindi na nagtagal si Agustin at ilang minuto ang lumipas ay umalis na rin siya. May gagawin pa raw kasi siya at binisita niya lamang ako upang alamin ang kalagayan ko kaya hindi siya nagplano na magtagal. Baka raw ay maabutan pa siya ni Dueña Hilda at ni ama na bumibisita at baka mas lalo pa raw akong parusahan.

Nang makaalis na si Agustin ay siya namang mabilis na paglapit ni Isay sa akin na hindi matanggal ang malaking ngisi sa kaniyang mukha. Tila ba ang mapupunit na nga ang kaniyang labi.

"Bakit? Anong ginawa mo at tila ikaw ay tuwang-tuwa pa. Halos mapunit na iyang labi mo ah," tanong ko pa sa kaniya.

Matapos kong sabihin iyon ay ganoon na lamang ang paglaki ng aking mga mata nang bigla siyang tumili at nagtatalon sa aking harapan habang hawak ang aking mga braso.

"Senyorita! Wooh, hindi ko labis akalaing masasaksihan ko mismo sa aking harapan ang aking mga hinahangaang pares! Nakakatuwa talaga kayong dalawa," puno ng panggigigil na aniya at nagpaypay pa sa kaniyang sarili.

"Ano ka ba? Kaibigan ko lamang 'yong tao noh. Ikaw talaga nilalagyan mo ng kahulugan ang mga bagay na hindi naman dapat," saway ko.

Ngumuso naman siya paismid saka siya bumitaw sa akin. "Sows, eh yumakap ka nga agad noong dumating siya," bulong na aniya saka lakad papunta sa bintana.

"Narinig kita, Isay," paalala ko sa kaniya.

"Aba'y dapat lang. Nang malaman mo kung ano ang mga ginagawa mo, Senyorita."

"Ikaw talaga, Isay. Andito pa nga ako nakakulong dahil sa kasunduan at para sa aking kasintahan ikaw naman tinutukso mo pa ako sa natitira kong kaibigan."

Bumuntong-hininga naman siya saka ngumiti ng kaunti. "Pasensya ka na, Senyorita. Natuwa lamang ako."

Umiling ako saka nginitian siya, "Kalimutan mo na iyon. Sabihan mo na lamang si Mang Pedring na magpapadala ako ng sulat."

Kaagad naman siyang tumango saka naglakad na papunta sa pinto at palabas. Kumuha na lamang ako ng papel at pluma at umupo na.

Joaquin,

Magandang umaga!

Hiling ko sana ay maayos lamang ang iyong araw at ikaw ay nasa maayos na kalagayan din. Sumusulat ako sa iyo ngayon sapagkat nababagot ako at nais ko sanang makausap ka.

Habang sinusulat ko ang mga katagang iyon ay hindi ko maiwasang maalala ang naging usapan namin ni Joaquin nang magkita kami.

"Alam mo ba, noong inanunsiyo ang inyong kasunduan ay labis akong nagulat at hindi ko maintindihan kung anong naramdaman ko kaya mabilis na lamang akong umalis doon."

"Pasensya ka na, Joaquin. Pati na nga rin ako ay nagulat sa kanilang sinabi. Hindi ko inaasahan ang bagay na iyon, sobra."

"Kumirot ng labis ang puso ko nang marinig kong ika'y ipapakasal sa iba."

"Hinding-hindi naman mangyayari iyon. Pinapangako ko talaga na gagawin ko ang lahat. Walang kasalan na magaganap. Kaya sana ay pagkatiwalaan mo ako at hindi ka bibitaw at susuko. Malalampasan natin ito."

"Gagawin ko rin ang lahat upang hindi ka maikasal sa kaniya, mahal ko. Hindi ko lubos maisip na makakaya kong makita kang ikinakasal sa ibang lalaki at hindi sa akin."

"Huwag mo na lamang na isipin ang mga bagay na mahirap paniwalaang mangyayari."

"Tama ka."

"Ano pala ang sinabi nina Donya Victorina? Tiyak akong nagulat sila ng husto. Nahihiya na akong humarap pa sa kanila."

"Noong gabing iyon, hindi ako tinantanan ni Ina ng mga katanungan. Hindi sila labis na makapaniwalang ipinagkasundo ka sa iba gayong kasasabi ko lamang sa kanilang magkasintahan na tayo."

"Galit ba sila sa akin?"

"Hindi, Martina, hindi sila galit sa iyo. Batid nilang wala kang kinalaman. At sabi rin nina Ina't Ama na kakausapin din nila si Don Agaton tungkol sa atin."

"Sana naman ay makinig si Ama. Sana mabatid niyang walang magandang maidudulot ang kasunduang ito sa akin at sa mga tao sa paligid ko. Sana ay ang kagustuhan ko naman ang pagbibigyan niya."

"Sana nga, mahal ko. Kaya nga patuloy kong hinihiling na sana ay sasang-ayon sa atin ang lahat ng bagay at hindi na tayo pahihirapan pa."

Mas nangangamba pa ako dahil baka may pagkakaibigang masisira dahil dito. Batid kong malapit at magkaibigan ang pamilyang Del Veriel at Varteliego kaya natatakot akong baka kapag pakikiusapan nina Don Carlos si Ama ay baka magdulot pa ito ng hindi pagkakaintindihan. Ayaw kong may masisira na relasyong matagal nang nakatanim at umugat pero mabubuwal nang dahil lamang sa akin.

Kaya sana magiging maayos lang ang pag-uusap nila. Huminga na lamang ako ng malalim at nagsulat na uli.


Ano na pala ang balita? Mayroon ka na bang balita mula sa iyong mga magulang? Sana naman ay kapag nag-usap na sila ay walang hindi pagkakaintindihan na mangyayari. Nais ko lang naman sanang matapos ang masalimuot na bagay na ito.

Nais sana kitang makita ngunit hindi muna sa panahong ito. Ayaw kong pagalitan ka ng aking ama. Ngunit sana ay makita na kita sa lalong madaling panahon.

Nagmamahal,

Martina

Sakto namang kakatupi ko lang sa sobre na pinagsidlan ko ng sulat ay dumating si Isay. Agad ko nang inabot sa kaniya iyon.

"Pakisabi si Mang Pedring na hintayin niya ang tugon ni Joaquin."

"Sige, Senyorita." At umalis na siya.

Habang naghihintay na dumating ang tugon ni Joaquin ay hindi ko na napigilan pa ang mga mata kong mapapikit. Sadyang napakasarap lang ng simoy ng hangin na hindi ko maiwasang maidlip.

"Senyorita? Narito na ang tugon."

Nakaramdam ako ng tapik sa aking balikat at narinig ko ang boses ni Isay kaya napadilat ako't lumingon sa kaniya. Nakatayo siya sa tabi ko at may hawak na sobre na kaagad naman niyang iniabot sa akin. Nakangiti ko iyong tinaggap at kasabay ng pag-alis niya ay ganoon din ang pagbukas ko niyon.


Magandang araw, Binibini,

Kumusta ka, mahal ko? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Masaya akong sumulat ka sa akin. Sa katunayan ay padadalhan na sana kita ng sulat nang dumating ang iyong ipinadala.

Naitanong ko kay Ina ang tungkol sa bagay na iyong nais malaman at ang sabi niya ay plano ni ama na kausapin si Don Agaton ngayong araw. Hindi pa nakakauwi ang aking ama kung kaya't hindi ko pa alam kung ano ang naging takbo ng kanilang usapan. Ngunit, sana naman ay naging maayos lamang ito. Sasabihan kaagad kita kapag natanong ko na si ama.

Huwag kang mabahala. Mapuputol ang inyong kasunduan at hindi ka maikakasal sa iba kung hindi sa akin lamang. Hindi ko hahayaang mapunta ka sa bisig at mga kamay ng ibang ginoo.

Iyong-iyo,

Joaquin Varteliego

Kaagad akong kumuha ng papel at pluma at nagsulat mg tugon.


Joaquin,

Salamat sa pag-unlak ng aking sulat. Hiniling ko na naging maayos lamang sana ang kanilang pag-uusap, kung nangyari man iyon.

Masaya rin akong hindi ka bumitaw at hindi ka tumigil sa paglaban sa kung ano man ang namamagitan sa atin. Batid kong balang araw ay malalampasan rin natin ang pagsubok na ito. Hinding-hindi ako susuko. At pangako ko iyan.

Sulatan mo pala ako at paalamin kung ano ang naging takbo ng usapan nina ama. Sabihan mo rin kaagad ako sa mga bagay at hakbang na gagawin mo nang sa gayon ay kikilos din ako rito upang mapigilan ang kanilang mga balak.

Nagmamahal,

Martina

Nang maiabot ko iyon kay Isay ay mabilis naman niya iyong dinala kay Mang Pedring. Tinanaw ko na lamang ang karwaheng may dala ng aking sulat na papalabas ng Casa Del Veriel.


⋅─────────⊱༺ ·𖥸· ♡⁠ ·𖥸·༻⊰─────────⋅

Panibagong araw, panibagong kabagotan na naman sa buhay. Kagigising ko lang kanina ay agad na akong sinalubong ni Dueña Hilda ng sermon at ang kaniyang leksyon. Ipinasok ko na lang ang mga iyon sa tenga ko at kaagad na pinalabas sa kabila. Mabuti na lamang at natapos din kaagad kaya ito ako ngayon tulala na naman sa kawalan habang nakadungaw sa bintana.

"Nga pala, Isay, kumusta na ang mga bata? Matagal ko na rin silang hindi nakikita."

"Maayos lang naman sila, Senyorita. Hinahanap ka na nga nila sa akin. Na-miss ka na raw nila ng husto," aniya pa gamit ang salitang itinuro ko sa kanila.

"Ako nga rin eh," sabay patong ng aking baba sa aking palad habang nakadungaw sa labas ng bintana. "Patuloy pa rin ba silang nagsusulat at nag-aaral?"

"Oo, Senyorita. May mga natitira pa silang mga papel at sabay kaming nagsusulat kapag dapit-hapon at wala na kaming ginagawa."

"Mabuti naman. Masaya akong marinig iyan. Sana ay marami silang matutunan kaso ay hindi naman ako palaging nariyan para sila ay turuan."

"Ano ka ba naman, Senyorita? Huwag kang mabahala dahil naiintindihan ka naman nila. Kaya nga rin sila ibig na matuto dahil kapag nagkita na kayo ay nais nilang marami na silang alam."

Dahan-dahan akong tumango at saka ipinatong ang ulo ko sa mga braso kong ipinakahon sa ibabaw ng mesang pang-aral.

"Wala bang sulat mula kay Joaquin na dumating?" usisa ko.

Noong pinadalhan ko siya ay hindi na nakatanggap si Mang Pedring ng tugon kaya walang liham na dumating sa akin. Tinanong ni Isay kung bakit wala ang sabi ay susulatan niya lang daw ako ng tugon ngunit hindi sa mga sandaling iyon.

"Wala, Senyorita, eh. Tinanong ko si Mang Pedring kaninang umaga ngunit wala raw," tugon ni Isay. "Ngunit, baka ngayon ay mayroon na. Lalabas muna ako't pupuntahan ko si Mang Pedring."

Pagkasabi niya niyon ay mabilis siyang lumabas ng silid at narinig ko pa ang kaniyang mga yabag na tumatakbo sa ikatlong palapag at pababa. Naiwan naman akong nakatulala na lamang sa kawalan.

"Senyorita!"

Agad akong napamulat nang marinig ang boses ni Isay kasabay ng kaniyang pagbukas ng pinto ng aking silid.

"May sulat ka galing kay Ginoong Joaquin," madali niyang aniya saka inabot sa akin ang kaniyang hawak.

Binuksan ko naman iyon at nakitang sulat nga iyon ni Joaquin. Ngunit, bakit kaya ngayon lang siya nakatugon sa akin?


Magandang araw, Binibini,

Sana ay maayos lamang ang iyong araw. Paumanhin kung pinaghintay kita ng aking tugon.

Kagaya nang naibanggit ko sa iyo ay nagkausap na nga sina ama at Teniente Mayor Don Agaton. Naging maayos naman daw ang kanilang naging pag-uusap ayon kay ama. Ngunit, labag sa loob kong sinusulat ang susunod na mga katagang ito.

'Mas nakaiinam na payuhan mo ang iyong anak na putulin na lamang ang kanilang ugnayan ni Kristina. Maiintindihan mo ang nais kong ipahiwatig sapagkat isa ka ring ama na nais lamang ang kabutihan ng kaniyang anak.'

Iyan ang sinabi ng Don sa akin ama. Pinapangako kong ginawa ng aking ama na kumbinsihin si Don Agaton ngunit nanatiling matibay ang kaniyang paniniwala at pasya. Ngunit, huwag kang mawalan ng lakas ng loob, mahal ko, sapagkat hindi ako magpapatinag at kung papahintulutan man ay kakausapin ko mismo ang iyong ama.

Hiling ko sana ay makita ka sa lalong madaling panahon sapagkat ako'y nangungulila na't nalulumbay nang hindi ko makita ang iyong mukha.

Iyong-iyo,

Joaquin Varteliego

Napakuyom ang kamao ko nang matapos kong basahin ang sulat. Hindi nga talaga basta-bastang kumbinsihin si ama. At anong nakabubuti lamang para sa akin? Nakabubuti ba itong kulungin ako sa mismong silid ko hanggang dumating ang araw ng aking kasal? Nakabubuti bang ipilit na ipakasal ako sa taong hindi ko naman gusto? Ang nais niya lamang talaga ang mananaig sa pamamahay na ito.

Magbabago na iyan, ama. Hintayin mo.



Joaquin,

Magandang araw!

Masaya akong natugunan mo na ang aking liham. Ngunit kalahati niyon ay ang katumbas na kalungkutang bumabalot sa aking puso ngayon. Buong akala ko ay mapuputol na ang aming kasunduan ni Primitivo. Ngunit, hindi pa pala.

Naniniwala ako sa iyo at kay Don Carlos at nagpapasalamat ako sa inyong pagkilos upang kahit papaano ay mapigilan ang balak nina ama. Ngunit, nakikiusap ako sa iyong huwag mo munang kausapin si ama sa ngayon. Hindi pa maganda ang pagkakataon. Tiyak akong mas lalo lang magmamatigas si ama. Gagawa ako ng hakbang dito at ipapaalam ko sa iyo kung ano ang naging kalabasan. Maging maingat tayo sapagkat hindi natin alam kung anong kayang gawin ni ama.

Nais na rin kitang makita ngunit batid kong nasa paligid ko lamang ang mga mata ni ama. Baka sa susunod na pagkakataon ay maaari na.

Nagmamahal,

Martina


Dapit-hapon na iyon nang sabay kaming napalingon ni Isay nang makarinig ng katok sa pinto ng aking silid. Mabilis naman siyang tumayo at nagtungo roon. Pagkabukas niya ng pinto ay bumungad ang isang taga-silbi at isang babaeng kaniyang kasama na nakatayo sa kaniyang likuran.

Napataas naman ang kilay ko nang lumitaw si Clara sa kaniyang harapan. Bahagya ring nakataas ang kaniyang kilay at taas-noong naglakad papasok sa silid.

"At sinong nagsabi sa iyong pumasok ka? Sa pagkakaalam ko ay hindi naman kita pinahintulutang pumasok sa aking silid."

"Iyan ba ang asal ng pagbati mo sa iyong panauhin?" taas-kilay na aniya.

Napaismid ako nang marinig ko ang kaniyang sinabi. "Wala akong panauhin. Hindi kita pinahintulutang pumasok dito kaya umalis ka na at huwag ka nang bumalik."

"Hindi ko rin naman nais na maparito ngunit tinitiis ko lamang na makita ang iyong pagmumukha."

"Aba'y dapat lamang. Magtiis ka. Dahil nabuhay ka lang naman upang magtiis."

Matalim at nandidilim ang kaniyang mga mata nang ipinukol niya iyon sa akin. "Binalaan na kita dati, Kristina. Ngayon, panghuli na ito. Layuan mo si Joaquin. Hindi ka karapat-dapat sa kaniya—,"

"Bakit? Sapagkat ikaw ang karapat-dapat sa kaniya? Nahihibang ka na."

"Ano ba ang hindi mo maintindihan, Kristina? Hanggang siya ba naman ay aagawin mo rin sa akin?! Maaari bang itigil mo na iyang pagiging gahaman mo?"

Saglit akong napatigil at napataas ang kilay dahil sa narinig? Rin? Anong ibig niyang sabihin? May nangyari na bang pang-aagaw dati?

"Wala akong inaagaw at hindi ako gahaman. Masyado lamang na makitid iyang utak mo upang matanggap na ayaw sa iyo ng tao sapagkat ako ang minamahal niya at hindi ikaw. Hanggang kailan mo rin maiintindihan na hindi siya naging sa'yo at hinding-hindi rin siya magiging sa'yo?"

"Akin siya, Kristina! Ngunit nang bigla ka na lamang na dumating ay inagaw mo siya sa akin. Matagal ko na siyang minahal pero sa isang iglap lamang ay pagmamay-ari mo na siya."

"Sa'yo na mismo nanggaling. Akin nga siya," wika ko.

"Hindi iyon ang aking punto! Palibhasa, hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ng isang taong nawalan ng minamahal sapagkat sa lahat ng pagkakataon nakukuha mo ang lahat ng gusto mo!"

"Bakit? Kasalanan ko bang ako ang mahal niya kaysa sa ikaw? Kasalanan ko?"

"Oo! Nang dahil sa iyo nawala ang kaniyang loob sa akin na matagal ko nang binubuo! Ikaw ang dahilan kung bakit nawawala sa akin ang lahat ng taong minamahal ko. Palagi ka na lamang dumarating at sumisira sa mga pangarap ko!"

"Hindi ko kasalanan kung hindi nila kayang suklian ang nararamdaman mo, Clara. Hindi ko hawak ang puso nila. At anong lahat? Akala mo naman ang dami. Hindi ko alam ang mga sinasabi mo. Marahil ay nahihibang ka na, Clara. Ang mabuti pa ay kalimutan mo na lamang si Joaquin. Dahil kahit pa wala ako, hinding-hindi ka rin naman niya magugustuhan dahil sa ugali mo."

"Hindi totoo iyan, Kristina! Kaya niya akong mahalin at ang tanging paraan para mangyari iyon ay ang mawala ka. Sinasabi ko sa iyo," Hindi nawala ang panlilisik ng kaniyang mga mata at mas lalo pa iyong lumitaw. "simula sa sandaling ito, putulin niyo na ang inyong relasyon. Dahil kung hindi, gagawin ko ang lahat mapasaakin lamang si Joaquin. Kahit anong paraan."

Nang marinig ko ang mga banta niya ay napatitig ako ng husto sa kaniya. Pinantayan ko rin ang kaniyang mga masasamang tingin. Siya ba ang papatay sa akin? Pero kasal naman namin iyon ni Primitivo at hindi kay Joaquin?

"Binalaan na kita, Kristina. Hindi ko na ito uulitin pa."

Nang matapos niyang bitiwan ang mga salitang iyon ay hindi na siya nagtagal pa at mabilis na tumalikod at umalis. Kaagad naman siyang sinundan ng taga-silbi na kasama niya pagdating. Nilapitan naman ako ni Isay sabay hinawakan sa braso.

"Ayos ka lamang ba, Senyorita? Anong mga ibig niyang sabihin?"

Napatalikod ako sa pinto at bumuga ng hangin. "Hindi ko rin maintindihan ang sinasabi niya."

"Hay naku. Huwag mo na lamang pansinin ang kaniyang mga sinasabi. Naiingit lamang iyon sa inyo ni Ginoong Joaquin," aniya nang samahan at alalayan ako papunta sa higaan.

"Sana nga ay pawang hangin lamang ang laman ng kaniyang mga salita," turan ko.

Sumandal na lamang ako sa poste ng aking higaan habang nakatanaw sa tanawin sa labas ng bintana na unti-unting nag-iiba ang kulay. Makulimlim na dalandan ang kulay ng kalangitan na siya namang sinasalamin ng kapaligiran kung kaya naman ay nagmistulang umaapoy ang buong paligid. Unti-unti ring nagtatago ang bilog na araw sa likod ng matayog na bundok na katapat ng San Luisiano at ang kaniyang mga sinag ay kumukulay at kumikinang sa dagat na pagitan.

"Isay."

"Senyorita?"

"May iniibig ka na bang ginoo?"

"Ha?" Batid sa kaniyang boses ang gulat at hindi inaasahang pagkarinig sa tanong na iyon. "Ak–ako? Iniibig? Naku, Senyorita, wala pa akong oras para laanan iyan ng pansin. Mas mahalaga ka pa sa akin kumpara sa mga ginoo kaya ilalaan ko na lamang ang aking oras sa pag-aalaga at pagtulong sa iyo."

"Paano kung wala na ako? Sino ang aalalagaan mo?" bulalas ko.

"Senyorita?! Senyorita, naman. Huwag ka ngang magsalita ng ganiyan. Hindi ka mawawala dahil kung nasaan ka hahanapin kita at pagsisilbihan kita. Nangangako akong kahit anong mangyari ay hindi kita ipagpapalit sa kung sino man."

Nakangiti ko naman siyang binalingan na nag-aayos ng lampara sa mesang pang-aral.

"Asues, alam ko naman iyan eh. Ang sa akin lang naman darating talaga ang panahon na magsisimula ka na ng sarili mong pamilya. Syempre, hindi mo naman ako parating pagsisilbihan dahil may mga panahon na uunahin mo rin ang sarili mo."

"Pero matagal pa iyan, Senyorita. Huwag na lang natin pangunahan ang panahon."

"Kaya naman kapag dumating na ang pagkakataong iyon, huwag mo ng sayangin. Baka hindi na bumalik iyon at pagsisihan mo pa."

Bumuga naman siya ng hangin at pasukong tumango. Nginisihan ko naman siya. "Ayaw mo talaga kay kuya Marco?"

"Senyorita, naman. Baka mayroon pang makarinig sa'yo. Ipapapaslang pa ako ng Don kapag malaman niya ang bagay na iyan."

Ngumuso naman ako. "Sobra ka naman. Hindi naman siguro gaanong kahigpit si Ama kina kuya Marco at Lucas. Kay kuya Lucio ay marahil dahil siya ang panganay pero sa dalawa ay hahayaan niya lamang siguro."

"Eh ikaw nga, Senyorita, ipinagkasundo pa nga eh," lumu-lobong ilong na sagot niya. "Kung sabagay bunso ka naman kasi at nag-iisang babae pa."

"Ano namang mayroon do'n? Mas mabuti nga na hayaan lamang ako sa gusto ko kasi nag-iisa ako. Dapat spoiled ako rito, hindi iyong sinasakal."

Napataas naman ang kaliwang itaas na banda na labi niya. "Espoyld?"

"Oo, 'yong binibigay lagi kung ano ang gusto, hinahayaan sa kung ano ang nais na gawin. Gano'n, spoiled."

"Ahh, marahil ay ingles ang salitang iyon."

"Tama ka. Kaya naman, kapag unti-unti mo nang napagtanto na mahal mo na ang kuya ko, sabihan mo kaagad ako ha."

"Alam mo, Senyorita, mas mainam na bigyan mo na lamang ng pansin ang paglabas mo rito kaysa sa buhay-pag-ibig ko," nakailing na aniya kaya natawa naman ako ng kaunti.

Napalingon naman kaagad kami sa gawi ng pinto nang marinig ang tunog ng mga susi sa labas niyon. Maya-maya pa ay pumasok si Dueña Hilda sa silid at inilibot ang paningin saka bumaling sa akin.

"Mag-ayos ka ng sarili. Darating ang pamilya Letreval at utos ng iyong ama na ika'y sumabay sa hapunan," aniya na ikinawala ng gana ko.

Letreval na naman. Hapunan na naman kasama sila. Alam ko naman kung saan papunta ang usapan eh.

"Bilisan mo kung ayaw mong siya mismo ang pumunta rito at kaladkarin ka papuntang kainan."

Iyon ang huli niyang sinabi bago maisara ang pinto sa kaniyang likuran. Mabilis naman akong ngumiwi at tahimik na ginaya siya.

"Nye nye nye, 'kala mo naman nakakatakot ka."

"Mas mabuti na maghanda ka na, Senyorita. Baka magsumbong pa iyon sa ama mo at mas lalo pang hindi ka na makalabas dito kahit ikinasal ka na."

"Hoy, sobra ka naman. Huwag naman gano'n, Isay, mahabagin," natatawa kong turan kaya pati siya ay natawa na rin.

"Kaya nga eh. Ang mainam mong gawin sa panahong ito ay kunyari makikisang-ayon ka sa kanila pero gagamitin mo iyong pagkakataon na gawin ang mga nais mo," aniya at naglakad papaunta sa bihisan.

Lumabas at bumalik naman siya sa akin na may dalang pares ng itim na damit saka niya ako nginitian.

"Ito, Senyorita, suotin mo."

Ngumisi naman ako saka tumango, "Sige, salamat." Naglakad na ako papuntang bihisan at nagpalit na.

Kahit anong sabihin niyo sa akin ngayon hindi pa rin magbabago ang pasya ko. Hinding-hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal.

Pinababa na raw ako kaya ito ako ngayon naglalakad sa hagdan. Matapos ang ilang araw na kulong nakalabas din ako at ito ang magiging simula ng lahat. Ang paglabas kong ito ang magtatapos ng pagkakakulong ko sa aking silid.

Bumuga na lamang ako ng hangin at dumiretso na sa kainan. Pagdating ko roon ay ako na lang pala ang wala. Nakaupo na silang lahat, ang Del Veriel sa may kaliwang kamay ni ama at ang mga Letreval naman sa kabila.

Nakangiti ang mga Letreval nang bumaling sila sa akin. Matamlay naman akong tumitig sa kanila at naglakad na papunta sa upuan ko. Natigil naman ako nang hawakan ni Dueña Hilda ang palapulsuhan ko na hindi ko akalaing nakatayo pala siya sa may malayong banda mula sa mesa.

"Bakit ganiyan ang suot mo?" puno ng pagtitimpi niya bulong sa pagitan ng kaniyang mga ngipin habang hila-hila ako papalapit sa kaniya.

Pinasadahan naman niya ng tingin ang suot kong lahat ay itim. Ginantihan ko rin naman siya nang nakatingin sa kabuuan niya.

"Ikaw? Bakit ganiyan ang suot mo?" usal ko at marahas na binawi ang palapulsuhan kong hawak niya saka ako naglakad na uli upang umupo. Hindi ko naman napalampas ang kaniyang matatalim na tingin na ikinatawa ko na lamang ng lihim. Umupo na lamang siya sa kabilang dulo ng mesa.

"Ngayong narito na ang lahat, kumain na tayo," wika ni ama. Nagdasal naman si Ina at maya-maya pa ay nagsimula nang kumain.

Tahimik lamang ako at nakatingin lamang sa pagkain ko na ibinigay ni kuya Marco. Nginitian naman ako ng tatlo nang makaupo ako kanina at matapos niyon ay naging tahimik din sila.

Hindi naman lingid sa akin ang maya-maya'y sulyap at tingin na ibinibigay ni Primitivo sa aking gawi. Mas pinili kong hindi siya pansinin at pukulan man lang ng isang tingin dahil kapag ginawa ko iyon ay baka mas bibigyan pa niya iyon ng kahulugan.

Kumpleto ang pamilya Letreval ngunit ang tanging nagsasalita lamang ay si Don Miguel. Pawang ngiti at tango lamang ang naging ambag ni Donya Amelia. At si Guillermo ay tahimik lamang na kumakain dahil ganoon din naman talaga ang kaniyang ugali.

"Ikinagagalak kong maging bahagi ka ng aming pamilya, hija," biglang baling ng Don sa akin.

Nagdalawang-isip naman akong tumingin sa kaniya at nang magawa kong salubungin ang kaniyang mga tingin ay naging blanko lamang ang mga titig ko. Ang saya-saya nilang maikasal ako habang ako ay nagdurusa rito. Tama ba 'yon?

"Balang araw, Kristina, ay makikilala mo ang aming anak ng husto at maiibigan. Sana ay buksan mo ang iyong puso kay Primitivo," singit naman ng kaniyang asawa, Donya Amelia.

Huminga na lamang ako ng malalim nang palihim. Andito na naman tayo sa paksang labis kong kinasusuklaman. Maaari bang kumain na lamang kami nang mapayapa, tahimik, o iba ang paksang pinag-uusapan? Nakakarindi.

Tumuloy na lamang ako sa pagsubo ng pagkain at nag-iisip ng ibang bagay na ikakaaliw ng aking sarili. Pilit kong pinaiiral ang pagbibingi-bingihan nang sa gayon ay hindi ko marinig ang kahit isang salita mula sa kanilang bibig.

"Malayo-layo pa ang Hunyo ngunit hindi na kami makapaghintay pa sa pag-iisang dibdib."

Pechay!

Puno ng pagtitimpi kong inilapag ang kamay kong may hawak ng kutsara sa mesa na naging sanhi ng pagtunog nito ng may kalakasan. Bumuga ako ng hangin bago bumaling sa Don na katatapos lamang na magsalita. Panlalaki ng mga mata at pagkawala ng mga ngiti sa labi. Iyan lamang ang naging reaksyon ng Don dahil sa ginawa ko.

"Kristina?" pagtawag ni Dueña Hilda, pero napairap ako at hindi ko na siya pinansin.

"Mawalang-galang na po ah. Atat na atat na yata kayong ikasal ako. Sa tingin niyo ba ay natutuwa ako?"

"Kristina." Si ama.

Kahit pa normal lang ang boses na ginamit niya ay naroon ang pagdagundong nito na tila ba'y kulog. Naroon rin ang pagkairita at pagtitimpi sa kaniyang boses.

"Hindi, ama. Hindi," usal ko at sinalubong ang kaniyang mga tingin. Ang umaapoy niyang mga tingin. Napakaseryoso niyang nakatingin sa akin at ang mga mata niya'y tila kutsilyo na kayang akong hiwain hanggang sa kaluluwa. Wala na akong pakialam. Hindi ko hahayaan ang nais nila.

"Pareho lamang kayo. Interes, nais, at kasiyahan niyo lamang ang iniisip ninyo. Ni hindi niyo inalam kung anong maramdaman ko. Basta na lamang kayong nagdesisyon at dineklarang para ito sa kabutihan ko. Porke't mga magulang kayo tama na ang ginagawa ninyo?"

Marahas akong tumayo at tinignan sila. Bakas sa kanilang mga mukha ang labis na gulat at hindi inaasahang pagkarinig ng mga salitang iyon. Lalong-lalo na ang mga Letreval. Nakatitig lamang sa akin si Primitivo, mga mata niya'y blanko.

Pasensya ka na, Primitivo. Ngunit hindi mo ako mapipilit sa ayaw ko.

"Ito ang tandaan ninyo. Walang kasalang mangyayari. Sa Hunyo man 'yan o sa kahit na anong petsa man ang itakda ninyo," matigas kong sabi bago nagmartsa palabas ng kainan.

"Kristina!"

Ang boses ni ama'y tila kulog na naging babala sa papalapit na unos. Dagdag pa ang kaniyang pagsuntok sa mesang ikinauntog ng mga kubyertos. Kagyat ngang nanginig ang aking mga tuhod nang marinig ko iyon ngunit pinalakas ko na lamang ang aking loob at pinilit na makalabas doon. Ayaw ko na roon.

"Kristina, hija."

Bigla ko namang narinig ang boses ni Don Miguel sa likuran nang makatapak ako sa hagdan paakyat. Humakbang ako ng isang beses ngunit napatigil din. Ano? Kumbinsihin niya naman ako?

Wala sa kagustuhan akong lumingon sa kaniya. Nakatayo siya sa may gitna ng sala mayor habang nakapamulsa ang kaliwang kamay sa kaniyang pantalon. Wala na ang kaniyang mga ngiti na kanina lamang ay bakas sa kaniyang mukha.

"May kaunting minuto ka bang maipahihiram?" tanong niya.

"Babalaan ko na lamang po kayong hindi na magbabago ang isip ko," lakas-loob kong wika.

Naging tipid ang kaniyang ngiti na hindi rin umabot sa kaniyang mga mata. Kasabay ng pagbaba ko sa hagdan ay ang siyang paglabas ni Dueña mula sa kainan. Hindi ko na lamang siya pinansin at naglakad na papunta sa azotea at sinundan naman ako ng Don. Kaagad akong nagpunta sa bintana at doon dinama ang lamig ng hangin.

"Marahil ay hindi mo batid," pagsisimula ng Don na naglakad sa aking aking likuran. "Ang kasal namin ng Donya ay kagaya ng sa inyo ni Primitivo, mula sa kasunduan."

Eh ano ngayon?

Hindi naman sa wala akong respeto at galang sa kanila pero sila lang din naman ang may kasalanan kung bakit ganoon ang pakikitungo ko sa kanila. Mataas ang respeto ko sa kanila lalo na noong dumating ako rito pero nang dahil sa mga pasya at ginagawa nila ay nawawalan na ako ng ganang respetuhin sila. Hindi ako pinalaki ng ganito pero kung ang mga taong nakapaligid sa akin ay may mga ugali ng kagaya ng sa kanila, papayagan ko na lamang ba silang apakan ako?

"Noong una ay hindi ko mawari ang naging pasya ng aking — aming mga magulang. Ngunit kalaunan ay naintindihan ko rin na iyon ay para lamang sa aming kapakanan. Natutunan kong mahalin ang Donya at nagpapasalamat ako sa aming mga magulang dahil sa kanilang ginawa dahil ang aking maybahay ang dahilan ng aking lakas at kasiyahan. Hindi ako mabubuhay kung wala siya. Isinilang kami para sa isa't-isa."

Hindi ko alam kung anong bibigkasin kong mga salita. Ginulat ba naman ako sa buhay-pag-ibig nila. Pero ano naman ngayon? Porque ba't ganoon sila ay igagaya na nila kami sa kanila?

Magkarugtong ang mga kilay kong bumaling sa kaniya. Kahit pa madilim na ang paligid at tanging mga lampra lamang ang nagbibigay ilaw sa buong silid ay nakita ko ang talas ng kaniyang mga tingin. Gaya ng kay ama ngunit hindi hihigit doon. Ngunit nabatid ko sa kaniyang mga tingin at mukha ang ibang ipinapahiwatig.

"Ang pasya namin ay ikasal kayong dalawa at walang makakapigil pa niyon. Ang tanging gagawin mo lamang ay sumunod sa aming nais. Hindi ba't ganoon ang turo sa iyo ng iyong mga magulang? Ang maging tahimik sa gilid at susundin ang ano mang iuutos."


Sa Taong 1890

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

1.2M 18.5K 51
HIGHEST RANK ACHIEVE - #1 in Bloody Category (1 week) #2 in Brutal Category - HELL IS EMPTY. ALL THE DEVIL IS HERE - Humanda ka na Isusunod ka na ni...
45.6K 5.1K 81
Chelsea Reyes, a former homeschooler since childhood, wants to go to regular school as a Grade 10 student. She then enrolled in Empyrean Academy, or...
Socorro Von Binibining Mia

Historische Romane

1.1M 70.3K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
84.6K 3.5K 33
An accident that will bring her back to her past life. Credits to Bb Mariya for the cover ✨ Started: May 12, 2020 Ended: November 28, 2020 Highest Ra...