Sa Taong 1890

By xxienc

85.7K 3.5K 1K

Siya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang... More

Mula sa May-akda
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70

Kabanata 52

513 20 1
By xxienc

|Kabanata 52|


“Binibining Kristina, maaari ba tayong mag-usap?”

Huminga ako ng malalim bago ako tumalikod at humarap sa kaniya.

“Ayos ka lamang ba talaga, Binibini?”

Napatitig ako sa kaniya ng ilang sandali bago nagsalita. “Ayos lang ako, Primitivo.”

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya gayong dati ay hiniling ko na magkaroon na siya ng kasintahan o makilala na niya ang babaeng magmamahal sa kaniya ng buong-buo. Pero ngayon andito ako, magkaharap kaming dalawa, gulat na gulat sa naging anunsiyo na ikakasal pala kami sa isa’t-isa.

Mas lalo pang pinalala talaga ng sitwasyon na ito ang lahat. Inamin sa akin dati ni Primitivo na gusto niya raw ako at ngayon may kasunduan. Dahil sa kasunduan na iyan mas lalo kong masasaktan si Primitivo dahil hindi ko masusuklian ang pagmamahal niya.

“Primitivo...kailan mo pa nalaman ang tungkol sa bagay na ito? Na nakatakda pala ta–tayong ikasal sa...isa’t-isa,” kuryuso kong tanong sa kaniya.

Humakbang siya paabante ng isang beses saka nagpamulsa. Tumitig siya ng ilang segundo sa akin bago tumingin sa kalangitan. Narinig ko pa ang mahina niyang paghinga ng malalim.

“Matagal na...” mahinang aniya.

Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Hindi ako tiyak ngunit may bakas ng kalungkutan ang kaniyang boses nang sumagot siya. Hindi ako umimik at hinintay na magsalita pa siya ulit. Hindi naman ako nabigo nang magsimula na siyang magkwento.

“Bago ang iyong ika-labinwalong kaarawan ay narinig ko si Ama at Don Agaton na nag-uusap tungkol doon. Marami na akong narinig tungkol sa iyo na mga bagay na hindi kanais-nais at may ilan na naranasan ko rin. Kaya hindi ako sang-ayon sa kasunduang.”

Mula sa kaninang bahagyang malungkot na mukha ko ay sumilay ang kaunting ngiti sa aking mga labi. Hindi na pala ako labis na mahihirapan dahil pati si Primitivo ay hindi naman pala sang-ayon dito. Nilingon ko siya matapos tumingala sa langit nang nakangiti at nagsalita.

“Primitivo, nais ko sanang...humingi ng tawad dahil nadamay ka pa sa kasunduang ito. Iniisip ko kung paano ito matapos o mapuputol. Huwag kang mag-alala hindi ko rin nais ang kagustuhan nila. Ayaw kong pumasok sa isang bagay na pareho nating hindi gusto.”

“Bakit naman ito’y hindi mo magugustuhan? Dahil ba mayroon ka ng kasintahan? Binibini, labas na rito si Joaquin sapagkat magulang na natin ang nagbigay ng salita.”

Napaangat ang kilay ko. “Ang akala ko ay...hindi mo nais ang kasunduang ito. Kasasabi mo lamang.”

Hinarap niya ako at seryoso siyang tumingin sa akin. “Noon iyon, Binibini. Noong panahong hindi pa kita lubos na nakikilala. Nagbago lamang ang aking pananaw nang ika’y nagsimula nang pumansin sa aking presensya.”

Nagdugtong ang mga kilay ko dahil sa narinig. Kung ganoon nga talaga ay totoo ang mga sinabi niya sa akin dati. Na hindi ko naman siya pinapansin.

“Batid ko noong kaarawan ng iyong ama na kahit hindi mo pa rin ako pinapansin ay alam kong nagbago ka na. Hindi na ikaw ang Kristina na nakilala kong may kagaspangan ng ugali.”

Dahil sa sinabi niya ay mas lalong napaangat ang kilay ko at napakunot lalo ang noo ko. Pero kung sa bagay ay hindi ko naman iyon maipagkakaila dahil iyon naman talaga ang ugali ng totoong Kristina.

“Pangako, Binibini, kahit pa nalaman ko ang kasunduan ng mas matagal bago pa ako nagkaroon ng pagtingin ko sa iyo ay sinisiguro ko sa iyong tunay ang nararamdaman kong ito. Tunay kitang iniibig, Binibining Kristina.”

Napatitig ako sa kaniya ng ilang segundo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Tila ba’y natali na ang dila ko at naging blanko na rin ang isip ko. Narito na naman siya, denideklara ang pag-ibig niyang hindi ko kailanman kayang suklian. Tanging nararamdaman ko lamang ay konsensya at awa.

Paumanhin, Primitivo.

“Pasensya ka na at hihingi uli ako ng tawad. Primitivo, hindi ko kayang suklian ang pag-ibig mo para sa akin. Alam kong sa pamamagitan ng kasunduang ito maaangkin mo ako, magiging sa’yo ako. Ngunit pasensya ka na sapagkat hindi mo maaangkin ang puso ko dahil may taong nilalaman na nito.”

Kahit pa hindi gaanong maliwanag ang paligid ay nakita ko kung gaano ka dugtong ang kaniyang mga kilay.

“Kung sa–sana lamang ay...bibigyan mo ako ng pagkakataon, Binibini. Sa tingin ko ay maiibigan mo rin ako sa loob ng mga taong magsasama na tayong dalawa..,” pagsusumamong aniya.

“Primitivo, kasi...alam mo naman, hindi ba? Hindi ako papasok at makikialam sa mga bagay na hindi ko nais at gustong gawin. Pasensya ka na pero...gagawin ko ang lahat para maputol ang kasunduang ito.”

Nakatingin ako sa kaniya ng may tingin ng patawad mula sa aking mga mata. Primitivo, kung alam mo lang kung gaano rin ako nasasaktan habang sinasabi ko ang mga bagay na ito. Ngunit, hindi ko kayang lokohin ka at ang sarili ko. Hindi ko kayang ibigay sa iyo ang isang bagay na alam kong hindi totoo.

“Narito lang naman pala kayong dalawa.”

Sabay kaming napalingon nang marinig ang boses ni Donya Amelia. Kasama niya ang kaniyang asawa at sina Ina. Lumabas na silang lahat.

“Ah, nag-uusap po kami ng Binibini,” tugon ni Primitivo. Habang nakatingin ako sa kaniya ay hindi ko na nabakas ang kaninang malungkot niyang mukha. Bumalik na iyon ng normal na tila ba ay walang nangyari sa aming dalawa.

“Nawa’y nagkaroon na kayo ng pagkakaintindihan tungkol sa kasunduan,” wika ni Don Miguel saka bumaling sa akin. “Sapagkat mangyayari at mangyayari ang kasunduan at walang makakapigil niyon.” Ngumiti pa siya sa akin sa bandang huli kaya inipit ko na lamang ang mga labi ko at hindi na nagsalita.

“Magpapaalam na kami sa inyo, Don Miguel, Donya Amelia.” Si Ina na ang nagsalita saka niya nginitian ang mag-asawa. Tumango naman si Don Miguel bilang sagot. “Maraming salamat sa paanyaya at sa inyong inihandang mga pagkain.”

“Walang anuman, Donya Florentina,” ngiti ni Donya Amelia. “Isang karangalang kayo ay maparito sa aming tahanan.”

Nagsipagpaalam na sila at ako naman ay nanatili na lang na tahimik habang sinukbit ang mga braso sa kay kuya Lucas. Nginitian naman niya ako ng tipid at pinapantayan ang wala kong ganang reaksyon.

Hindi rin nagtagal ay sumakay na kami sa karwahe at maya-maya ay umalis na rin. Inaantok na ako ng bumabyahe na kami pauwi kaya natulog na lang ako sa balikat ni kuya Lucas.

“Sige na. Gigisingin na lamang kita kapag tayo ay nakarating na.”

Tumango ako sa kaniyang balikat at pumikit na para matulog. Pinilit kong tanggalin ang mga bagay na gumugulo sa isipan ko. Pakiusap, kahit ngayon lang. Ayaw kong mag-isip ng mga bagay na nakakasakit ng ulo.



Nadatnan ko si Isay na naghihintay sa loob ng silid ko habang nakaupo sa may mesang pang-aral. Kaagad siya napalingon sa akin nang marinig niya akong pumasok. Napangiti siya at mabilis na lumapit sa akin.

“Senyorita, mabuti naman at kayo ay nakarating na,” aniya.

“Oo nga, at kanina ko pa gustong umuwi.”

Nagsalubong naman ang kaniyang mga kilay. “Bakit? Tila ika’y hindi yata nasiyahan sa iyong pagdalo.”

Umiling ako saka huminga ng malalim. “Ikukwento ko sayo mamaya. Magtatanong muna ako kung may maghahatid pa ba ng mga sulat ngayon.”

Napatitig siya sa akin bago nagsalita, “Uh..hindi ako tiyak ngunit marahil. Subalit, kung nais mo naman talaga na magpadala ng sulat ay narito naman si Mang Pedring. Maaasahan mo naman lagi iyon.”

“Siya, sige. Si Mang Pedring na lang ang pakikiusapan natin. Magsusulat muna ako.”

“Sige, Senyorita. Ipapaaalam ko muna sa kaniya.”

Lumabas na si Isay at kumuha naman ako ng papel at pluma mula sa aparador katabi ng higaan. Umupo ako sa mesang pang-aral at nagsimula nang magsulat.

Joaquin,

Magandang gabi! Nawa’y nakarating na kayo sa inyong tahanan ng maayos at ligtas. 

Sa dami ng nangyari ngayon gabi ay hindi ko na alam kung ano ang aking uunahing isipin. Ngunit, sumusulat ako sa iyo ngayon sa kadahilanang nais ko sanang tayo ay magkita sa lugar kung saan madalas tayong magkita. Nais kong makausap ka tungkol sa mga bagay na nangyayari ngayon.

Hindi ko batid kung nasaan ka at bigla ka na lang naglaho gayong nais pa sana kitang makausap kanina. Ganoon pa man sana bukas ay pumunta ka. Alas nueve ng umaga.

Nagmamahal,
Martina



Itinupi ko na ang liham at inilapag iyon sa mesa. Inusog ko ang upuan ko at humarap sa bintana saka doon tumingala sa kalangitan. Ang dilim sa labas ngunit may mga bituin naman. Malimig ang simoy ng hangin na tumatama sa akin ngunit hindi ko na naalintana iyon dahil sa dami ng iniisip ko.

Ngayon batid ko ng si Primitivo ang ipapakasal sa akin at hindi si kuya Luis. Kaya naman pala ganoon na lang ang naging pagkontra ni Ama nang malaman niya ang tungkol sa amin ni Joaquin. Hindi naman pala kasi Varteliego ang pinagkasundo sa akin. Ngunit ang akala ko ay mas magkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga Del Veriel at Varteliego kaysa sa mga Del Veriel at Letreval.

Iyon pa naman ang sabi nina Kuya na mas malapit ang mga Del Veriel sa mga Varteliego.

“Senyorita?”

Narinig ko ang pagkatok ni Isay mula sa labas at maya-maya pa ay pumasok na siya. Narinig ko ang mga yabag niya papalapit sa akin kaya nilingon ko siya mula sa aking balikat.

“Hinahanda na ni Mang Pedring ang karwahe. Pagkabigay niyo ng liham ay aalis na siya.”

Mabilis ko naman na inabot ang liham na nasa mesa saka niya kaagad na tinanggap. Ngumiti siya sa akin ng mabilis saka tumango.

“Ibibigay ko muna ito sa kaniya. Babalik ako at baka nais mo ng makakausap bago matulog.”

Tumango ako at ngumiti sa kaniya bilang tugon bago siya naglakad na uli paalis ng silid. Bumalik na lang ang atensiyon ko sa labas ng bintana.

Ano naman kaya ang dahilan ng kasunduang ito? Para pag-isahin ang dalawa sa maimpluwensiyang mga pamilya sa panahong ito? Bakit laging ganoon na lamang ang dahilan? Bakit laging dalawang mayayamang pamilya? Hindi ba pwedeng ang isa ay hindi mayaman? Para naman kahit papaano ay makatulong sila sa pag-angat ng buhay ng ibang tao.

Ano na ang gagawin ko ngayon? Hindi naman ako maaaring pumayag sa kasunduang ito dahil hindi ko nais na ipakasal sa taong hindi ko naman mahal. Sa tingin ko naman ay ganoon ang nais ni Kristina. Kaya nga siya nagkaroon ng malabong relasyon sa kaniyang Ama dahil ayaw niya sa mga nais nito, lalo na itong pagpapakasal. Isa pa, may kasintahan na ako. Baka kapag nalaman pa ng mga tao ang tungkol dito ay masisira ko pa ang dignidad at reputasyon ni Kristina.

Ah, basta hindi ako papayag na mangyari ang kasal.

Hindi nagtagal ay nakabalik na si Isay mula sa labas. Tila pa ay sabik siya na bumalik sapagkat ang bilis niyang buksan ang pinto at kaagad na siyang napatakbo papunta sa akin na nakaupo na sa aking higaan.

“Maaari ko bang matanong kung bakit tila malungkot ka gayong galing naman kayo sa kasiyahan, Senyorita?” ani Isay matapos umupo sa upuan sa harap ko.

Bumuntong-hininga ako saka ngumiwi. “Eh kasi naman, ipinagkasundo akong ipakasal.”

Imbes na sana ay magulat siya dahil sa narinig ay napangiti pa siya, “Talaga?! Kay Ginoong Joaquin ba? Kung iyon na man pala ay bakit ka malungkot?”

“Hindi naman kasi si Joaquin eh. Si Primitivo,” pagtatama ko. “Si Primitivo ang ipinagkasundo sa akin. Hindi ko naman siya gusto bilang kasintahan o kabiyak.”

Ganoon na lang ang panlalaki ng kaniyang mga mata sa narinig. “Ano?! Si Primitivo?!”

“Shhh. Huwag kang maingay at baka may makarinig pa sa atin. At oo nga, si Primitivo. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Ngayon ang kaarawan niya at ngayon din inanunsiyo ang kasunduang pagpapakasal.”

Napatutop siya habang nakaawang ng kaunti ang kaniyang bibig. Nakatitig pa siya sa akin at hindi makapagsalita. Tila ba’y napantayan niya ang aking pagkagulat kanina.

“Sina Ina at Kuya nga ay hindi alam ang tungkol sa kasunduan kaya gulat na gulat sila nang marinig nila iyon,” pagkwento ko.

“Na–naroon ba si Ginoong Joaquin? An–anong naging kaniyang saloobin sa nangyari?”

“Nagulat din siya, syempre. Nagkaroon pa nga kami ng hindi pagkakaintindihan. Hindi ko rin nga inaasahan na mawalan ng malay doon. Sinabi nina Kuya na sanhi niyon ang hindi ko pagkain ng ilang araw,” wika ko. “Kakausapin ko pa sana si Joaquin ngunit pagkagising ko ay umalis na siya.”

“Ano? Hindi man lang ba niya inalam ang iyong kalagayan? Nakakasama naman iyan ng loob,” dismayadong aniya.

“Hindi ko alam. Marahil ay inalam niya ngunit may dahilan naman siguro siya kung bakit siya umalis. Kaya nga sinulatan ko siya dahil nais ko siyang makausap.”

“Ngunit, huhulaan ko, Senyorita. Si Ginoong Agustino ang nasa iyong tabi kanina,” aniya pa habang nakaturo sa akin.

“Huh?” Napataas ang kilay ko dahil hindi ko siya maintindihan.

“Si Ginoong Agustino ay naroon at tumutulong sa iyo, hindi ba?” ulit niya.

Magkarugtong naman ang mga kilay ko nang dahan-dahang tumatango sa kaniya. Bigla naman siya pumalakpak na ikinaigtad ko sa gulat.

“Nakita mo na, Senyorita? Mabuti pa si Ginoong Agustino. Nariyan siya palagi para sa iyo. Kaya nga gustong-gusto ko siya para sa iyo eh,” wika niya.

Hindi naman ako nakapagsalita at napatitig na lang sa kaniya.

“Hindi naman sa ayaw ko kay Ginoong Joaquin pero kasi hindi siya ang taong iniisip kong maging kasintahan mo. Tila kasi hindi marunong magpakita at ilabas ang kaniyang nararamdaman para sa isang tao si Ginoong Joaquin.”

“Huwag sana kayong magalit ngunit ang akala ko nga, Senyorita, ay si Ginoong Agustino ang iniibig ninyo. Iyon kasi ang nakikita ko sa iyo noon. Iba kasi ang ngiti mo kapag kasama mo siya, abot hanggang buwan.”

“Huh?” Iyon lamang ang tanging nasambit ko habang nakikinig sa kaniya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Naging blanko ang isip ko dahil sa mga sinasabi ni Isay.

“Oo, Senyorita. Nakita ko sa iyo na mahal mo si Ginoong Agustino. Napakapanatag mo kasi at sobrang saya sa tuwing kasama mo siya na kasalungat naman kapag si Ginoong Joaquin ang kasama mo. Tila kinakabahan ka pa at hindi makatingin sa kaniya kapag nasa iisang lugar lamang kayo,” paliwanag niya.

“Hindi naman sa sinisiraan ko si Ginoong Joaquin, Senyorita, ngunit hindi ka karapat-dapat na makaramdam ng tila hindi tiyak kung ano ka ba talaga sa kaniya.”

Bumuntong-hininga ako. “Isay, mahal ako ni Joaquin. Kasintahan niya ako. Ano ba ang sinasabi mo?”

“Senyorita, naaalala mo ba ang mga araw na kapag magkikita kayo ay minsan hindi siya darating. Minsan din ay huli na siya at ang iba ay nakikita ko pa na kaniyang kasama si Binibining Clara? At ngayon naman nawalan ka ng malay-tao ngunit paggising mo ay umuwi na pala siya. Hindi man lang niya hinintay na magkaroon ka ng malay at siguraduhing nasa maayos kang kalagayan?”

“Ma–marahil ay may mga dahilan siya kung bakit niya ginagawa ang mga iyon. Isay, mahal ako ni Joaquin. A–at ganoon..din siya sa akin. Kaibigan lamang ang tingin ko kay Agustin.”

“Ngunit, kasalungat iyon sa nakikita ko, Senyorita,” aniya habang nakatitig sa akin.

Wala akong nasabi sa buong sandaling iyon. Kahit ni isang salita ay hindi ko man lang kayang ibigkas. Anong ibig niyang sabihin?

Napalingon naman siya sa labas ng bintana saka biglang tumayo. “Kailangan mo ng matulog, Senyorita. Napakalalim na ng gabi. Baka ay hinahanap na rin ako sa baba.”

Matapos niya akong tulungan na kumutan ang sarili ko ay hindi na siya nagtagal pa at kaagad na umalis na. Nanatiling dilat ang aking mga mata habang nakatingin sa kisame ng aking higaan sa gitna ng dilim.

Rinig na rinig ko ang mga kuliglig na nagbibigay ng ingay sa kalaliman ng gabi ngunit mas rinig ko ang boses ni Isay na kanina pa paulit-ulit na dumadalaw at pumupuno sa utak ko.

Hindi ko mawari ang ibig niyang sabihin. Anong nakikita niya? Paano niya nasabing mas mahal ko si Agustin kaysa kay Joaquin? Mahal ko ba talaga si Agustin? Eh ano itong nararamdaman ko para kay Joaquin? Biro?

Sa sobrang pagod at sa dami ng mga iniisip ko ay hindi ko na napigilan pa ang katawan at sistema kong magpahinga. Tuluyan nang pumikit ng aking mga mata at naging blanko na ang aking isipan.



Nagising ako kinabukasan na tahimik na ang buong mansiyon kaya napagpasyahan kong umalis na papuntang kagubatan. Tiyak akong nasa tanggapan na si Ama sa bayan. Hindi na niya ako mapipigilan na makita si Joaquin.

Nang maisip ko si Joaquin ay naalala ko na naman ang sinabi ni Isay kagabi. Hindi naman yata totoo na si Agustin ang tunay kong minamahal. Kaya ko nga ginagawa ang lahat ng ito kahit pa hindi payag si Ama ay dahil mahal ko si Joaquin.

Tama. Mahal ko siya.

Wala pang tao sa may puno ng balite nang marating ko iyon. Panay pa nga ang lakad-takbo ko para lang makarating ako ng maaga at makita kaagad si Joaquin. Naglakad-lakad na lamang ako ng pabalik-balik mula sa kahoy papunta sa may bangin.

Ano na kaya ang mangyayari sa amin ngayon at ipakakasal na nila ako kay Primitivo? Kung bakit ba naman kasi ito nangyari. Kung hindi lang sana nagkaroon ng kasunduan si Ama at Don Miguel ay walang kamatayan na magaganap at hindi ako mapupunta sa kapanahunang ito.

“Binibining Martina...”

Napatigil ang mga paa ko sa paghakbang at wala pang isang segundo ay mabilis akong napalingon sa taong nagsalita mula sa aking likuran. Natagpuan ko si Joaquin na nakatayo ilang metro ang layo mula sa akin. Mabilis akong lumapit sa kaniya na hindi napigilang mapangiti.

“Dumating ka,” usal ko.

Ngumiti naman siya pabalik saka tumango. “Nais kitang makita, Binibini.”

Umikot naman ako at naglakad papunta sa may bangin. “Halika, roon na lang tayo mag-usap.”

Sumunod naman siya kaagad. Umupo na ako sa may dulo at tumabi naman siya sa akin, ilang pulgada ang aming pagitan. Masaya akong makita siya. Sobrang saya. Mabuti naman at siya ay dumating.

“Kumusta na pala ang iyong kalagayan? Labis akong nag-alala sa iyo kagabi. Kahit pa ayaw kong umalis ay sumunod na lamang ako sa utos nina Ama habang humihiling na sana ay ayos ka lamang.”

Nakatitig lamang ako sa kaniya habang inaamin niya ang mga bagay na iyon. Tama nga ako, mahalaga ako para sa kaniya. Kahit labag sa loob niyang umalis ay ginawa niya na lamang. Tiyak naman talaga akong kailanman ay hindi ako iiwan ni Joaquin ano man ang mangyari.

“Ayos na ako, Joaquin. Salamat sa iyong pag-aalala at pasensya na. Na–nagulat lamang talaga ako sa naging anunsiyo nina Ama. Hindi ko lubos akalaing may ganoong mangyayari.”

Napaayos naman siya ng pag-upo paharap sa akin. “Ano ang ibig sabihin niyon, Binibini? Labis rin ang aking pagtataka roon. Kung saan pa ako’y handa nang humarap sa iyong Ama ay mangyayari pa ito.”

“Huwag kang mag-alala sapagkat sinabi ko na sa kanilang hindi ako magpapakasal kay Primitivo. Gagawin ko ang lahat para hindi mangyari iyon. Kung magpapakasal man ako ay sa...iyo lang, Joaquin.”

“Ganoon din ako, mahal ko. Kagaya ng mga pangako ko sa iyo dati pa ikaw lang ang babaeng iibigin ko at ipaglalaban ko ang ating pagmamahalan.”

Hindi ko mapigilan na mapangiti habang naririnig ang mga salitang kaniyang sinasambit. Tila pa’y mukha na akong timang dahil sa sobrang lapad ng aking ngiti. Dahil nga niyon ay sumakit ang aking pisngi kakapigil na hindi iyon maging halata.

Wala akong salitang mabigkas at maitugon sa kaniya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya. Hindi ko naman kasi labis akalaing sasambitin niya ang mga katagang iyon. Napangiti na lang ako at namumula ang mga pisnging ngumiti sa kaniya.

“Naaalala mo pa ba ang unang bulaklak na ibinigay mo sa akin?” usisa ko.

Napangiti ako nang maalala ko na naman ang araw na iyon. Doon kami unang nagkaroon ng interaksyon dalawa.

“Ang sabi mo sa bata ay ibibigay mo iyon sa babaeng nilalaman ng puso mo. Anong ibig sabihin niyon? Bakit mo naman sa akin binigay?”

Napatitig naman siya sa mga kamay niya nang marinig iyon saka niya hinawakan ang pulseras sa kaniyang pulsuhan.

“Oo nga. Ibibigay ko naman talaga iyon sa babaeng nilalaman ng puso ko,” aniya.

“Si Clara nga?” intriga ko.

“Hindi, ang aking Ina. Siya lang naman ang babaeng laman ng puso ko ng mga panahong iyon,” kaniyang lahad. “Ngunit, ayaw ko naman na naglalakad tayong magkasama habang may hawak akong bulaklak at ikaw wala. Kaya ibinigay ko iyon sa iyo.”

“Kung ganoon, hindi mo buong-puso na ibinigay sa akin at napilitan ka lang. Ganoon ba, Joaquin?” pagpameywang ko habang nakatingin sa kaniya.

Natawa naman siya sa inasal ko at napailing. “Oo, dati. Ngunit, hindi ko naman na binawi iyon mula sa iyo kaya para sa iyo na iyon.”

“Hmmm,” kunwari kong ismid. “Pero ang akala ko talaga noon ay iniibig mo si Clara. Naaalala mo ba ang gabi ng kaarawan ni Ama?” pagbalik ko sa paksang iyon.

“Noong nakikinig ka sa usapan ng ibang tao?” taas-kilay naman na aniya kaya nilakihan ko siya ng ilong.

“Oi, hindi kaya. Hindi ko nga narinig ng pinag-uusaan ninyo,” depensa ko.

“Umamin siya sa akin,” deretsahang wika niya.

“Huh?”

“Noong gabing iyon ay umamin si Binibining Clara na iniibig niya raw ako,” aniya na parang walang pakialam. “Sinabi niya sa aking matagal na raw niya akong gusto. Ngunit, hindi ko tinanggap ang pag-amin niya. Kaibigan lamang ang tingin ko sa kaniya kaya nagalit siya sa akin. Ayaw kong saktan ang damdamin niya ngunit kung magsisinungaling ako ay mas lalo pa siyang magdurusa.”

Natameme ako at ni isang salita ay hindi lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hindi ko naman inaasahan na aamin siya ng ganito.

“Nanibugho siya’t hindi ko na maintindihan kaya siya umalis. Sinubukan ko siyang kausapin ngunit hindi ko na lamang ginawa dahil masasaktan ko lamang siya.”

“Bakit kinabukasan ay nakita namin kayong dalawa na magkasama?”

“Magkasama kami noon ni Ina at nakita namin siya. Sinabi niyang mayroon siyang pupuntahan kaya pinasama ako ni Ina sa kaniya. Iyon lang iyon, wala ng iba pang dahilan.”

“Hmmp,” ismid ko nang maalala kong nang-insulto pa iyon sa akin. “Akala mo naman kung sino, eh hindi naman kagandahan.”

Napailing naman siya ng may ngisi sa labi. “Naalala mo noon kaniyang kaarawan noong nagkasayaw tayo’t inungkat mo ang paksang iyon? Sasabihin ko sana sa iyo ang katotohanan ngunit kaagad akong napalitan ng iyong kapatid. Kaya hindi ko na nagawa pang umamin ng gabing iyon.”

Kung ganoon ay may nararamdaman na pala siya para sa akin noong gabing iyon? Bakit hindi ko man kang nabatid o napakiramdaman?

Pero ayos na, ang mahalaga ay alam kong ako lang talaga ang nagugustuhan niya at wala ng iba. Kaibigan lang ang tingin niya sa bruhang Clara na iyon. Ako ang kasintahan niya at hindi si Clara. Ang tanging problema ko lang ngayon ay kung paano namin pipigilan ang kasal. Dahil ayaw kong ipakasal kay Primitivo ay lalong hindi ako pwedeng ipakasal sa kaniya dahil hindi iyon ang kagustuhan ni Kristina.


Pagdating ko sa sala mayor ay may mga kasambahay na parito at paroon na abala sa kanilang mga ginagawa. Tila normal naman ang lahat kaya bumuntong-hininga na lang ako saka naglakad na papunta sa hagdan, paakyat papuntang kwarto.

Marahil ay nasa bayan sina Kuya pati na rin si Ina. Medyo tahimik kasi sa bahay. Ganito naman din talaga ito mula pa noong una akong napunta rito pero lumipas ang ilang mga linggo ay medyo nabubuhayan na ang mansiyon dahil sa tawanan at pag-uusap nina Kuya sa azotea sa baba.

Ngunit mabuti na lamang at wala sila dahil alam kong tatadtarin na naman nila ako ng mga katanungan kung saan ako galing. Naiintindihan ko naman ang punto nila pero mas gusto kong ilihim sa kanila ang mga bagay-bagay dahil ayaw kong pati sila madamay sa galit ni Ama sa akin.

Kaagad na lang akong pumasok sa silid at sinara ang pinto. Nakangiti akong naglakad papunta sa mesang pang-aral at inilapag ang aking bolso de cabestrillo saka ang pamaypay. Napatingin ako sa labas ng bintana habang nakatanaw sa mga tao sa labas.

Ang saya ng araw ko! Nakita ko uli si Joaquin.

Napailing na lang ako at naglakad na papuntang bihisan upang magpalit ng damit. Nasa gitna na ako ng silid nang nanatili sa ere ang paa ko at hindi ko iyon magawang ihakbang.

Nawala ang mga ngiti ko at nakatitig lamang sa harap ko. Ang kaninang panatag na loob ko ngayon ay hindi ko na maintindihan. Ang bilis ng kabog ng puso ko at nagsimula nang manlamig ng aking mga kamay.

“Galing ka mula sa pakikipagkita kay Joaquin, hindi ba?” nababagot na aniya.

Hindi ko alam kung sasagot ba ako. At ano ba ang isasagot ko, ang katotohanan o kasinungalingan? Nanatili lang din ang mga mata ko sa pagkatitig sa kaniya dahil sa gulat.

“Kahit hindi ko pa iyon itanong ay tama naman ako,” wika niya nang hindi ko sumagot.

Nasa harap ko si Ama na ilang metro ang layo mula sa akin. Nakasandal siya sa aparador malapit sa pinto ng bihisan at palikuran. Hawak niya pa ang kaniyang tungkod sa kaniyang magkabilang kamay na nakatukod sa gitna ng kaniyang mga paa. 

Napalunok ako ng isang beses. Kagaya ng dati hindi ko talaga maiwasan na matakot kay Ama. Isang salita niya lang naman kasi ay kaya na niyang sirain ang buhay ko.

“Kahapon lamang ay opisyal nang inanunsiyo ang iyong kasunduan kay Primitivo ngunit ngayon ay nakuha mong makipagkita sa isang ginoo ng palihim? Nasaan na ang iyong delicadeza? O kahit man lamang ay inisip mo ang sasabihin ng ibang mga tao sa ating pamilya. Hindi ka na nahiya pa, Kristina.”

Kahit nanginginig ang labi ko ay pinilit ko na lamang talagang sagutin siya. “Alam naman po natin na labag sa loob kong ipagkasundo sa kaniya. Kasintahan ko si Joaquin kaya may karapatan naman yata akong makipagkita sa kaniya kahit kailan ko gusto.”

Ikinarugtong ng mga kilay ko ang sununod na nangyari. Natawa si Ama. Hindi tawa dahil natuwa kung hindi iyon ay natawa siya dahil tila isang malaking biro ang sinabi ko. Napakasarkastiko ng kaniyang tawa.

“Kung ganoon, tatanggalan kita ng karapatan na makita siya,” malamig na aniya at wala na ang kaniyang ngisi mula kanina.

Hindi ko lubos mawari ang kaniyang sinabi at bakas iyon sa mukha ko dahil alam kong labis na nakakunot na ngayon ang aking noo habang nakatitig sa kaniya.

“Simula sa araw na ito hindi ka na makakalabas pa ng mansiyon, espisipiko sa iyong silid, hanggang sa dumating ang araw ng iyong kasal.” Nandidilim ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin.

Dumagundong ang puso ko nang marinig ko iyon. Hanggang sa dumating ang araw ng kasal? Dalawang buwan din iyon! Nagbibiro ba siya?!

“Sinusubok mo ang aking pasensya, Kristina. Kaya ngayon, aanihin mo ang iyong itinanim. Sinabi ko naman sa iyo na hiwalayan mo na si Joaquin ngunit hindi ka nakinig sa akin. Ngayon, huwag na huwag mo akong sisisihin sa mga hakbang na gagawin ko.”

Hindi man lang siya kumurap habang sinasabi niya ang mga iyon. Napakatalas pa ng kaniyang mga tingin na tila ikakahandusay ko na sa sahig.

“Hi–hindi mo pwedeng gawin sa akin ’yan. Hindi mo ako... pwedeng ikulong dito!” bulalas ko.

“At bakit naman hindi? Sino ka ba upang utusan ako o bakit naman ang iyong kagustuhan ang masusunod?” taas-kilay na aniya. “Pamamahay ko ito! Ako. Ang. Masusunod.” Bawat pagbigkas niya ng mga salita ay may diin at galit.

“Hindi sa lahat ng panahon ang nais mo ang susundin!”

“Hindi ka makakalabas dito hanggang sa araw ng iyong kasal! Tapos ang usapan!”

“Gagawa ako ng paraan. Pipigilan ko ang kasal!”

“Sige, gawin mo,” ismid niya. “Gawin mo, Kristina. Dahil ang mga kapatid mo na malapit sa iyo, sila ang magdudusa.”

Naniningkit ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin na may kaunting ngisi sa kaniyang mga labi. Napatigil ako nang marinig ko ang salitang kapatid. Hindi ko inaasahang gagamitin niya iyong alas laban sa akin.

Napaayos naman siya ng tayo at matalas ang mga matang tumingin sa akin ng ilang sandali. Hindi na siya muling nagsalita pa at maya-maya ay naglakad na siya papunta sa pinto. Nakasunod lang ako ng tingin sa kaniya habang malalalim ang ginawang paghinga.

O, ano na ngayon? Hahayaan ko na lang bang ikulong ako dito hanggang Hunyo? Ayaw kong maapektuhan sina Kuya nang dahil sa mga nangyayari sa akin ngunit ayaw ko naman na sumuko na lang at magpakasal.

Kalayaan o mga kapatid?

Napabuga ako ng hangin kasabay ng pagkarinig ko ng mga susing tumatama sa isa’t-isa mula sa labas ng aking pinto. Mukhang kinadado na talaga ang aking silid. Makakalabas pa kaya ako rito?




Sa Taong 1890

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 18.5K 51
HIGHEST RANK ACHIEVE - #1 in Bloody Category (1 week) #2 in Brutal Category - HELL IS EMPTY. ALL THE DEVIL IS HERE - Humanda ka na Isusunod ka na ni...
7.6M 260K 81
A school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished...
4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
32.3K 241 47
These poems and declamation pieces will be written in either tagalog or english. These are originally made so take out with full credits. Remember: P...