Half a heart without U

By celinemuse_m

2.5K 274 85

Michelle x Alexa More

NOT chapter 1
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22

chapter 6

96 13 1
By celinemuse_m


Alexa

"Pupunta talaga tayo?"

"Ulit-ulit lang, Riv? Pang one hundred mo na yan!"

Natawa pa ito sa sagot ko. Nag-aayos na kami ng gamit para makauwi. Good thing at hindi matagal ang shoot namin ngayon.

"Nakita mo lang ang picture eh,"

"Tigilan mo ako. Nasabi ko na kay Jana na pupunta tayo, di ba? It has nothing to do with that picture." Matigas na sabi ko.

"Okayyyyy, sabi mo eh." Though I know na hindi sya naniwala. Bahala sya.

Wala na sana akong balak hahabol pa pero gaya ng sabi ni Riva, I changed my mind because of that picture. Nagsent lang naman si Jazmin sa gc namin kasama nya pala si Gretchen at Michelle na may kasamang pangit na lalake.

Syempre, asa namang aamin ako na yun ang dahilan. I'm not stupid. Alam kong di ako titigilan sa kakaasar ng mga ito. Knowing them, lalo na si Jazmin. I know she did it on purpose to piss me off. Telling us her whereabouts is not her thing. This is the first.

Gusto ko syang i-confront dahil sa mga pinagagawa nya. Di ko alam kung gusto nya lang akong guluhin para hindi ako magtagumpay sa dare o ano. Hindi naman sya nangingialam dati. Kasi ngayon I can say na nadi-distract nya ako. It should be me who's spending more time with Michelle but she's taking her away from me slowly, and that pisses me big time.

And then, there's this guy. Sino naman kaya 'to?

Papunta ako ng parking para makauwi na ng tumunog ang cellphone ko. I smirked. Someone answered my question a few moments ago. Jazmin is really something.

Dumiretso muna ako sa bahay dahil two days na akong hindi nakauwi doon. Baka sasapakin na ako ni mommy.

"Good evening ho, nay. Andyan ba sina Mommy?" Yumakap ako kay nanay Nita. Pangalawang nanay ko na to dahil ito ang nag-alaga sakin mula pagkabata.

"Magandang gabi din, anak. Di pa umuwi ang mama at papa mo."

"Sige ho. Akyat muna ako."

Di na ako nagtakang wala pa si mommy at dad kahit gabi na. Minsan doon na ang mga ito natutulog sa office. Pero laking gulat ko ng may dyosang nakaupo sa sofa ng kwarto ko.

"Ate!" Tinapon ko ang shoulder bag kung saan at walang patumpik-tumpik na dinamba ito sa upuan. I don't care kung nawala ang poise ko.

"Alexa Francine, what the hell!" Reklamo nito. Syempre dahil mas maarte sya kaysa sakin ten times.

"You don't miss me?" Pout ko.

"Of course I do, I'm here in your room, aren't I? Ikaw ang hindi umuwi dito ilang araw na." Pinitik nito ang noo ko.

"Kailan ka pa nakauwi? Nobody tells me." Sumiksik ako sa leeg nito habang yakap-yakap ito.

"Nung isang araw pa. I wanted to surprise you." Kahit mataray ito, mahal naman nya ako.

"How's lolo and lola?"

"Healthy as carabaos." She chuckled.

She loves our grandies so much. Since sya ang unang babaeng apo ng mga ito ay halos doon sya lumaki sa pangangalaga nila. Halos ayaw na syang iuwi ni lolo eh. She is their favorite apo and I'm not jealous.

"And as what lolo always wishes for you to do, quit your part time job already. At your age, you should start managing some of our business, which I agree."

Palibhasa sya, eighteen pa lang, exposed na sya sa mga family business namin. I promised mom and dad naman na pagkagraduate ko ay magfo-focus na ako sa business. Kaya nga business administration ang kinuha ko, di ba? I just ask them a favor to give me this chance since I'm still studying.

Ang pagmo-model kasi for fun ko lang. Marami akong nakilala sa modelling industry. Maraming hot guys. Isa yan sa mga rason. I love flirting. Syempre, di na ngayon dahil may boyfriend na ako. Kent is one of the hottest men in the modelling industry kung saan kami nagkakilala.

Pero pinasok nito ang acting, dahilan para hindi kami pwedeng mag-out sa public na kami na. Close friends and family lang namin ang nakakaalam. Kaya walang problema kay Kent ng hingin kong hindi muna kami magkikita sa loob ng dalawang buwan.

Don't get me wrong, I love my ate to the moon and back pero ayokong matulad sa kanya. Sobrang seryoso sa buhay. At the age of twenty four, still single. Wala pa yang naging jowa ever. Takot kasi ang mga lalake. Ako twenty, may dalawang exes and currently in a relationship.

And one thing na di nila alam, maliban sa parents naming magkakaibigan, may ilang business na kaming naipundar. Friendship goals. Spoiled man kami sa tingin ng iba, di nila alam na independent kami sa parents namin ngayon. Nagstart kaming magtayo ng business ng senior high school sa tulong din ng mga parents namin kaya ngayon may mga branches na ang bar at coffee shop namin.

"Where are my pasalubong?" Segway ko. Ayokong mag-away kami dahil dito.

Isa to sa aabangan ko pag uuwi ito. Masyado akong spoiled dito.

"In your closet."

"Thanks. I love you." I kissed her cheek saka patakbong pumunta sa banyo. May pupuntahan pala ako. Baka di ko na maabutan ang pakay ko.

Nagmamadaling naligo na ako. Paglabas ko sa banyo ay nandito parin sya.

"Kakarating mo lang, aalis ka na naman?" Hindi kasi pambahay ang pormahan ko. Tumango lang ako bilang sagot.

"Are you still dating that boy?"

Konti na lang at masasabi ko nang ito ang kontrabida sa buhay ko.

"Yes ate, I'm still dating that boy and he has a name."

"Which I don't even remember and I prefer it that way."

Tinawanan ko na lang ito. Ayaw nya kay Kent, I mean, ayaw niya sa trabahong pinili ni Kent. Pareho sila ni lolo.

"Bakit di ka na lang sumama sakin? I'm going to attend a party. "

" I don't do kids party." She snorted. Yes po, kids ang tawag nya sa mga kaedaran ko. Palibhasa gurang.*evil laugh*

"It's not. Actually, bagay sayo ang party na pupuntahan ko. Birthday ng grandma ng friend ko." I giggled.

Kahit mom ni Jana, I exaggerated that part para makuha nyang pang-gurang na hindi nadiligan ang party.

"What did you say?!"

Tawa ako ng tawa ng hampasin ako nito sa hawak na magazine. Kaya ang pikon nagwalk out.

"Aliyah Francess Davis, the walk out queen!"

Naiiling na tinapos ko na ang pag-aayos at pumunta sa kwarto nito. "di ka talaga sasama?"

" No," serious mode na naman ito habang nagbabad sa laptop nya. Business, tsk.

"okay. I'll be home late."

" Be safe. "

"I'm with the girls." Kapag kasama ko ang barkada, alam nilang safe kami sa isa't isa. I kissed her cheek and headed out.

Tinext ko si Riva at Ken na on the way na ako. Sina Jaz at Gretchen ay nasa venue na. Good.

Ilang sandali pa ay tunton ko na ang address na binigay ni Jana. Naunahan pala ako ng dalawa dahil naghihintay na ang mga ito pagbaba ko.

"Nice house. So homey." Bulalas ni Ken ng makapasok kami sa bakuran.

"Hi. Good evening. Buti nakahabol kayo." Salubong samin ni Jana. She looks so good in her dress. Nagbeso kaming lahat dito.

This girl is so nice. Kabaliktaran ng kaibigan nya.

"Of course. We can't say no to free food and drinks." I smiled. "You look dashing, by the way."

" Well, someone has to." Sabi nito sabay flip hair. Sounds familiar but we all laughed at that. "Char. Wala ako sa kalingkingan nyo. Tara na sa loob."

"Was that a line from Baywatch?" Bulong ni Kendra sakin habang nakasunod kami kay Jana.

" Yes, Ken," bored kong sagot.

" I really like that movie. Can we watch it again?"

" You can watch it again as many times as you wish." Nandamay pa eh.

Pagdating namin sa likod kung saan ginanap ang party, agad hinanap ng mata ko ang pakay ko dito, pero wala akong makita.

"Are you sure it's your mom's birthday?" Tanong ni Riva.

Nagtataka din kasi ako dahil mga kaedaran namin ang mga nakikita ko ngayon imbes na mga gors.

"Yup. Mga anak yan ng mga business partners nila mommy. Nasa loob kasi sila, separate ang kabataan kung baga."

"Uh," we nod in understanding.

"Girls,"

"Hi. Where's Jaz?" And Michelle? Kasi silang dalawa na lang nitong lalake ang nasa mesa at nasa magkabilang dulo pa. Mukhang nakahanap ng kakampi si Gretch ng makita kami.

"Washroom. Pupuntahan ko na lang." Si Jana ang sumagot.

"Ako na," agad tumayo si Gretchen at umalis.

Inasikaso kami agad ni Jana sa pagkain at inumin. Napatingin ako sa lalake sa dulo ng mesa na kanina pa walang imik. Tiningnan nya lang kami ng walang kainteres-interes, like what? Bakla ba to? I mean, it's us. Walang lalaking hindi laglag-panga sa first encounter sa amin. Lalo akong nairita ng marealize kung bakit ganun na lang ito ka uninterested samin.

He has someone. But that someone will be mine, soonest.

"Good evening, ladies. Mind if me and my friends will join you? Ang boring kasi sa table namin." Nabaling ang tingin naming lahat sa nagsalita.

Nice voice. Very masculine and deep. Nang makita ko ang hitsura nito ay muntik pang malaglag ang panty ko, kung di lang ako nakaupo.

He's hot and yummy. Tall and handsome as hell. Sya na yata yan.

And mind you, he's already looking at me. Talagang lalabas ang kalandian ko sa mga oras na to. So, I smiled sweetly at him na sinuklian naman nito ng malanding ngiti.

Narinig kong tumikhim si Riva sa tabi ko pero di ko ito pinansin. I'm single and ready to mingle tonight.

"Hi, I'm Thomas."

"Woah, bro. Tatalohin mo ako? Maghanap ka ng iba," pabirong tinulak nito ang kaibigan at tuluyan ng lumapit sakin. "I'm Wane."

Yung ibang kasama nito ay tumabi agad kina Riva, Kendra at Jana at nagpakilala sa mga ito. I think okay lang din sa kanila dahil nakangiti lang ang mga ito. Kung di nila gusto malamang sinungitan na ito ni Riva.

"I challenged you to a duel!" Mukhang may tama na ang mga ito pero kunti lang kaya okay lang. Mukhang di naman sila basaguliro.

"Challenge accepted."

Walang ano-ano'y pumwesto ang mga ito sa mesa para sa arm wrestling. Akala ko ano na.

"Kung sino ang mananalo, sa kanya si Lexie ngayong gabi. Yun kung okay lang sa kanya." Sabi ni Jana.

" Deal." Pagsakay ko sa kagagohan ng mga ito. I mean, they're both good looking pero mas prefer ko si Wane ...

"Go, Thomas!"

"Go, Wane!"

Lahat kami sa table nakicheer sa dalawa. Sobrang engrossed kami ng maramdaman kong may nakatingin, rather nakatitig sakin.

I looked ahead to see the culprit. And there she is. Unti-unting nabura ang ngiti sa labi ko at sinalubong ang titig nito.

She's the most attractive person I've seen here tonight. No doubt about that.

Nagtangis ang bagang ko ng makitang hawak ni Jazmin ang braso nito.

Bakit kailangang sabay silang mawala at ngayon pagbalik, may pahawak-hawak na?

"Pano ba yan? I won." Tapos na pala ang dalawa at may nanalo na.

Ang bet ko, of course. Mabuti naman. He's not just good looking, kaya ka ring ipaglaban. The heck? Lasing na ba ako?

"Okay. So, I'll just find another beautiful girl, dude. Marami naman dito eh."

"Tama ka, dude."

Sa mga oras na to ay gusto ko silang patayin lahat. Biglang nag-init ang ulo ko ng makita kung paano ito tumitig kay Michelle. Mabuti na lang ang kumilos agad ang knight in shining armor nito na halatang ikinatuwa ng isa. Wala sa sariling lumagok ako ng beer. 

Damn. Walang bang mas strong nito?

Kahit paano ay okay narin na hindi sya mapunta sa kahit sinong lalake. Wala akong tiwala sa iba dito samantalang ang lalaking yun ay di man lang uminom ng beer.

Tumabi sakin si Wane. Ngumiti lang ako at patuloy na uminom. Nawalan na ako ng ganang makipaglandian.

"I didn't get the chance to know your name, miss."

"Lexie." Nakipagkamay ako dito.

"Short for?" Hindi pa nito binitawan ang kamay ko.

"Just Lexie." Isang tao lang ang hahayaan kong tatawag sakin ng Alexa.

"Back off, dude. She's off limits."

Umawang ang bibig ko sa inasta ni Jazmin. Mukhang babalatan nito ng buhay ang lalakeng nagtangkang lumapit kay Gretchen. Never seen her acting that way. Maybe because we are protective of each other. Kahit ala Elsa yang si Jazmin, overprotective yan.

Nagkwentuhan lang kami ni Wane. Ex pala sya ni Jana. They parted in good ways and remained friends. Kung ano-ano na ang naikwento namin sa isa't isa. Nasabi ko tuloy dito na may boyfriend ako which is okay lang sa kanya. I can say he's really a good guy kahit mukha syang bad boy. Pwede naman daw kaming magkaibigan na lang. Hanggang tumayo ang babaeng nasa tapat ko. Nagpaalam na uuwi na.

"Una na ako." Dali-dali akong tumayo para magpaalam narin kay Jana.

"Susundan mo ang friend ko noh? Ayiieee!" Lasing na tong isa. Sinundot pa ako sa tagiliran.

"How did you know?" Natatawang tanong ko. Ang cute kasi nitong malasing.

"Kanina ka pa sulyap-sulyap dun eh,"

Aba't----

"Wala lang akong tiwala sa lalakeng kasama nun. Paano mo ipagkatiwala ang kaibigan mo dun?"

"Nah! She trusts that guy more than anyone else in this world." Napaataas ang kilay ko sa sinabi nito. Ganun? "Pero ikaw na maghatid dun, make sure hindi ka lasing. Sa kanto lang kasi yun nagpapa-drop dahil ayaw nyang may pumunta sa boarding house nya. Ewan ko ba dun. Ang dami pa namang tambay sa daan."

"Okay."

Nagpaalam narin ako kina Riva na mauna na. Si Jazmin inasikaso din si Gretchen.

Dali-dali akong lumabas para maabutan pa ang dalawa. Sakto lang pagdating ay akmang papasok na sila sa kotse ng lalake.

"You're coming with me." Walang pakundang hinablot ko ang braso nito na ikinagulat nilang dalawa.

"Bitiwan mo ako." Malamig na sabi nito.

"Don't make me repeat myself." Matigas ko ring sabi dito. I'm so done with her attitude. Kung matigas ang ulo nya, mas matigas ang bungo ko.

"I'm sorry but ----

" You're forgiven," putol ko sa lalakeng kasama nito na di man lang ito sinulyapan. "at ikaw, sasama ka sa lalakeng di mo naman kaano-ano?"

" At bakit naman ako sasama sayo? Kaano-ano ba kita?" She asked while glaring at me.

" Let's just go. I have no time for this." Bagot kong sabi. "Stay there, Mr. Goodie toe shoes." Napataas na lang ng dalawang kamay ang lalake. See? Sadyang masunurin ito.

"Are you sober?"

"What do you think?" Malditang saad ko dito.

"Siguraduhin mo lang na walang mangyari sa kanya." Seryosong sabi nito.

Tinaasan ko lang ito ng kilay. If he is so concerned then he shouldn't have let her live like this. Kung paano ito magtrabaho para lang may pandagdag sa gastusin.

Wala kaming imik habang binabagtas ang daan pauwi. Halatang galit ito sakin at wala akong pake.

"I missed you," wala sa sariling bulalas ko. Halatang di nito inasahan ang sinabi ko pero agad bumalik din sa neutral ang ekspresyon nito. Ano pa nga ba?

"I mean, namiss kitang kulitin,"

Wala parin.

"Susunduin ulit kita simula bukas."

Wow. Grabeng silent treatment na yan!
Hanggang pagdating namin sa may kanto wala parin at nauna pa syang bumaba.

"Good evening po, kuya Mario."

"Magandang gabi din , ginabi yata ang ating mga byutipol ledis!" Kung magsalita ito akala mo tanggaling tapat pa, ang lakas ng boses.

" May pinuntahan lang ho. Kulang yata kayo?" Pansin kong wala ang dalawa nitong kainuman.

"Ayun, pinauwi ni Mina," sagot ni mang Orin.

" Ito po. Dagdagan nyo yang pulutan nyo." Kumuha ako ng dalawang libo at inabot dito.

"Aba'y di na namin to tatanggihan! Maraming salamat, ma'am Lexie."

" Sige ho, walang ano man. Dito na po ako. " Paalam ko dahil di ako hinintay pa ng kasama ko. Hays.

"Michelle," siniradohan pa ako ng pintuan. Grabe talaga. "Michelle, open this door."

Ilang sandali akong naghintay pero wala paring response sa loob.

"Baka tulog na." Halatang kakarating lang din ni kuya Rene. Nakatira sa kabilang kwarto kasama ang live-in partner nito.

"Di rin. Nauna lang sakin ng ilang minuto, kuya."

"Ah. Sige lang, katukin mo lang." Sabi nito bago tuluyang nagpaalam.

Sisigaw kaya ako?

"Michelle, open this goddamn -----

"Bakit nandito ka pa?" Biglang bumukas ang pintuan kaya nasilaw ako sa legs nya, este ilaw mula sa loob. Nagbihis pala sya kaya natagalan.

Masamang tingin ang sumalubong sakin pag-angat ko. Matagal pala akong nakatitig sa legs at hita nyang litaw dahil sa ikli ng shorts. Shorts nga kasi kaya maikli. Pero sobrang ikli talaga.

"So, ganyan ka manamit sa bahay?" I blurted out of nowhere.

"Umuwi ka na."

"Paano pala kung ang lalakeng yun ang naghatid sayo dito?" Pumasok na ako kahit wala syang sinabi at nakaharang pa sya.

"Anong oras na, umuwi ka na."

Ang ganda ng pag-uusap namin. Walang tumugma sa tanong ng isa't isa. Tiningnan ko na lang sya ng matagal. Halatang inaantok na. And I have to go home na din dahil nandun si ate.

"I'll fetch you tomorrow." I walked closer to her and kissed her cheek.

Sa sobrang bilis ng ginawa ko ay hindi ito nakapagreact hanggang lumabas na ako at sinarado ang pinto. I guess that caught her off guard. I love her natural scent. Sarap nyang papakin. Although this is not the first time I kissed her cheek. Sa una, I admit that was an impulsive act but I didn't regret it. Ngayon, sinadya na. At feeling ko magiging habit ko na to.

Di mawala-wala ang ngiti ko sa labi habang nagda-drive pauwi.

--------

Continue Reading

You'll Also Like

53.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
386K 25.6K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
31.5K 1.5K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.9M 95.4K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...