The Scent of You [Under Revis...

بواسطة ARLabyouu

6.2K 538 65

Matinik hindi lang sa babae kungdi pati sa kama ang boss ni Rosie na si Echarri. Hindi mabilang sa daliri ang... المزيد

The Scent of You
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3 (spg)
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7 (spg)
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20 (spg)
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30 (Wakas)

Kabanata 11

179 18 3
بواسطة ARLabyouu

Kabanata 11

Mainit ang panahon.

Problemado pa parehas ang magkaibigang Rosie at Fran. Sabi tuloy ng mga ito na deserve nila ang kahit na anong mahal at malamig na inuming p'wedeng pumawi sa kanilang uhaw. 'Yon nga't nagkayayaan ang dalawang ubusin ang kanilang breaktime sa isang coffee shop.

Pumwesto ang mga ito sa table na nakaharap sa bintana. Nagpapaligsahan kung sino ang may pinakamalalim na buntong-hininga sa kanilang dalawa.

"Rosas?"

"Umm?"

"Why do our minds speak without control?" Si Fran sipsip ang straw ng kaniyang caramel frappe.

Si Rosie naman ay pinaiikot-ikot ang straw sa iniinom na iced coffee. "Why do our body move without thinking straight?"

Again, they sighed.

"I confessed my feelings to Zayn, their two other friends were present like it was an open confession, girl..." pag-amin ni Fran.

"Sir Echarri and Chairman Avanzado are looking for me. Para akong wanted na pinaghahanap tapos may reward na nakapatong sa ulo ko..." siya rin na pag-amin ni Rosie.

Both exhaled air when they realized what each other just said.

"Huh?" Napaupo nang diretso si Fran.

Ganoon din si Rosie. "Huh? Umamin ka kahit hindi mo naman sure na gusto mo si Sir Zayn?" usisa niya.

Kung sa bagay... walang magiging problema si Fran kahit magkagusto ito kay Zayn. May kaya sa buhay ang kaibigan, kaya nitong lumibel at makipagsabayan kay Zayn.

Sadya lang matigas ang ulo ng kaibigan. Ayaw nitong magpasakop sa buhay na planado na ng kaniyang magulang. Kaya siya napunta sa Avanzado Corp. ay upang bumukod at hindi umasa sa pera ng magulang niya.

"What's there not to? His clean look and peachy butt are enough for me to like him. It's love at tenth sight," she giggled. "E, ikaw? Hinahanap ka ng mag-ama? Kay Echarri maiintindihan ko pa kasi ikaw ang sumira ng 'no pure woman' streak niya. Pero si Chairman? Like whyyy is that?"

Bilang nag-iisang matalik na kaibigan ni Rosie si Fran, lahat ng bagay ay pinapaalam niya rito. Nagkagulatan pa nga sila sa nalamang prinsipyo sa buhay ni Echarri. May ganoon din pala, anila.

"Baka raw ako rin ang maging daan para tuluyang tumino si Sir."

She was just wondering about the steamy night they had shared together in Echarri's bed. Kung sumadlak man siya sa libangan... bakit mayroon itong gana noong gabi? Dahil ba sa kalasingan niya? Dahil alak ang dumadaloy sa dugo niya?

Fran rubs her back. "Ito na ang pagkakataon mo para yumaman, Rosas," sambit nito sa seryosong boses.

May pagtataka sa mukha siyang sinulyapan ni Rosie. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"What if umamin ka kay Chairman? Tapos 'di ba sa teleserye, lalapagan ka ng cheque with 6 zeros o higit pa layuan mo lang ang anak nila? What if ito na 'yong solusyon para 'di ka na tumandang secretary forever—"

Sinalpak ni Rosie ang straw ng frappe sa bibig ni Fran upang tumigil ang kaibigan sa walang kwenta nitong imahinasyon.

"Mga biro mo hindi nakakatuwa, Fran."

Pinunasan ni Fran ang bibig dahil lumabas ang frappe sa gilid ng kaniyang labi. "Genuine what if 'yon, Rosas. Hindi malabo na mang—" she stopped midway and gestured a zipped mouth when Rosie gives her a dagger look.

Kinalog-kalog ni Rosie ang cup ng iced coffee. "Dagdag pa sa problema ko si Monica. Gusto niyang patunayan na mayroon akong gusto kay Sir Echarri."

Hindi na bago kay Fran iyon dahil nakuwento na iyon ng kaibigan. Sa katunayan nga ay kamuntik na niyang sugurin si Monica kung hindi lang siya pinigilan ni Rosie.

"Ano bang pinaglalaban ng babaeng 'yon? Bakit ayaw niyang tanggapin na nakatanggap na siya ng dahlia from Echarri?" Inis na komento ni Fran.

"Sino ba naman ang may gusto kung good catch 'yong tao?"

Umalma si Fran sa sinabing 'yon ng kaibigan. "May good catch ba na babaero?"

"Baka nakakalimutan mo na 'yung pagsusulsol mo sa akin para akitin siya?"

Rosie was on point. Tuloy ay natahimik ulit ang kaibigan. Nais lang naman sana nitong magsilbing kupido sa dalawa, 'yon lang ay kupido sa dilim ang naging atake.

Tumunog ang buzzer sa table ni Rosie na hudyat na mayroong kailangan si Echarri sa kaniya. Lumapit ito sa pinto, hinagod ang uniporme at inihanda ang ngiti na kaniyang ipapakita pagharap sa amo.

Kumatok muna siya nang tatlong beses bago pihitin ang doorknob. Magkahawak ang kaniyang kamay na lumapit sa desk.

"May kailangan po ba kayo, Sir?" Nakangiti niyang tanong.

Tumigil si Echarri sa ginagawa upang tingnan si Rosie. Hinubad nito sa mata ang suot na rimless reading glasses 'tsaka nilapag sa table.

"Stores inside the main branch were getting complacent. Almost half of the stores have fluctuating sales for consecutive quarters," he stated.

Sumandal ito at minamasahe ang sariling sintido. Ilang segundo bago muling magsalita. "I need you to send them an email containing a sales quota and incentive pay if they reach a certain goal," he continued.

"Yes, Sir. Understood."

"If any of the stores refuse to comply, then we will have to give them an ultimatum and stop the partnership with them."

Rosie jotted down Echarri's exact words in her notes. And nods as her response. Hindi niya masisisi ang amo, kung tutuusin ay matagal na nitong binibigyan ng pagkakataon ang ibang stores sa mall. Hinihintay na tumaas ang sales ngunit katulad ng sabi nito, masyado nang kampante ang mga iyon.

"Ilan po ang percentage ng quota at incentive ang ilalagay ko sa letter?"

"Thrice their quarterly sales. Incentive pay will be twice their monthly wage."

"I understand and will take care of it right away, Sir. Anything else po?" tanong ni Rosie bago ito umalis sa silid.

"That's all. Thank you, Rosie."

She just smiled before leaving him alone. Ginawa naman kaagad nito ang utos ng amo. Sa 'di mabilang na stores sa mall ay paniguradong matatagalan ito. Minabuti na rin niyang tawagan isa-isa ang mga 'yon para siguradong tanggap nila ang mensahe ng CEO.

Nakatutok lamang siya sa kompyuter. Pati nang magpaalam si Fran ay hindi na niya napansin pa. Pati na rin ang pagdalaw ng antok sa kaniyang sistema.

Naalimpungatan lamang siya sa pagtunog ng cellphone. At no'ng pagmasdan niya ang malaking orasan ay laking gulat niya. Maga-alas-onse na ng gabi!

Tanging ang kaniyang table lamp na lang ang naiwang bukas. Tumayo si Rosie, madali niyang niligpit ang kalat sa mesa nang mayroong malaglag na kung ano sa kaniyang likuran.

Pagtalikod niya, nakita ang nasa sahig na jacket. Jacket ni Echarri. Marahil ay nilagay niya 'yon habang mahimbing siyang natutulog.

Ibinalik ni Rosie ang jacket sa opisina ng amo. Pagkatapos ay binitbit ang bag, pinatay ang ilaw bago nagmadaling lumabas ng gusali.

Pumara kaagad siya ng taxi ngunit ang hindi niya alam ay naghihintay ang kaniyang amo sa paglabas niya. Huli na nang mamataan siya ni Echarri dahil nakasakay na ang taong hinihintay sa taxi.

Upang mapanatag ang loob ni Echarri, minarapat nitong sundan ang taxi hanggang sa huminto iyon sa palagay niyang tinutuluyan ni Rosie.

Nag-maneho lang siya paalis nang makapasok na sa loob ang dalaga.

###

Rosie elbowed Fran with the sight of Zayn in the building. Fran tries to run away, but Rosie held the helm of her uniform as firmly as she could.

"Good morning, Sir Zayn!" Kinawayan nito ang paparating sa harap nilang si Zayn.

"Bitiw, Rosas. Bitiw!" Mariing bulong ni Fran sa kaniya na hindi pinansin ng kaibigan. "Hoy, Rosas, pinagttripan mo ba 'ko? I'm not yet prepared to face him, ano ka ba..."

Pilit itinatago ni Fran ang kaniyang mukha pero hinuli ni Zayn ang kaniyang kamay. "Morning, Fran," he greeted her. "Morning, Rose," and Rosie. "Can I borrow your friend for a few minutes?" he asked.

Doon lamang pinakawalan ni Rosie ang kaibigan. "Anytime po, Sir Zayn. Kahit 'wag n'yo na pong ibalik," biro pa niya.

Umismid si Zayn 'tsaka hinila si Fran, si Fran na namumula na sa nerbyos.

Binitiwan siya ni Zayn paglayo nila ng ilang metro. Binulsa nito ang kaliwang kamay samantalang ang isa pa ay nakasapo sa batok.

"I'm not going to beat around the bush, Fran. I'll just ask you straight... do you really like me?"

Natuyo ang lalamunan ni Fran sa wala ngang tumpik na tanong ng kaharap. Ngunit bilang nagtapat rin naman siya, walang silbi kung magpapaliguy-ligoy pa siya.

"Gusto kita." Fran avowed. "Gusto kong mabuhay na walang halong stress— pero mas gusto kita. Hindi ako nakainom, hindi ako lasing, gusto talaga kita. Kaya, you decide, Zayn. Kung tatanggapin mo ba 'ko, o kailangan pa kitang pilitin na tanggapin ako." Malakas ang loob niyang sambit sa harap ng nakatulala na si Zayn.

###

"Let's go."

Uupo pa lang si Rosie sa kaniyang cubicle nang ayain siya ni Echarri. Kunot-noo siyang lumapit sa nangunungang amo.

"Saan po tayo punta?" Maang na tanong niya.

Hindi nagsalita ang kaniyang amo hanggang pagbuksan siya nito ng sasakyan. "You worked late last night. Do you still have time to eat breakfast?" usisa nito.

Naguguluhan man ay pumasok rin siya sa loob. "Busog pa naman po ako," sagot niya nang makapasok din sa loob si Echarri.

"Hindi p'wede 'yan, Rosie. You were not supposed to work late to begin with, let alone skip breakfast."

"Paano n'yo po nalamang late na ako umuwi kagabi, Sir? Alam kong maaga po kayong umuwi kahapon... maliban na lang kung bumalik po kayo sa opisina?"

Sumulyap lang sa kaniya si Echarri at pinaandar ang sasakyan. Wala nga naman itong ideya na naghintay ng ilang oras ang kaniyang amo sa labas at siniguradong ligtas siyang nakauwi kagabi.

Mayroong dumaan na anghel dahil ni isa sa kanila ay nanahimik na lang. Mas maigi rin para kay Rosie na h'wag nang magtanong pa.

Hanggang ihinto ni Echarri ang sasakyan sa harapan ng isang fast food restaurant.

"Mayroon po ba kayong gusto rito, Sir?" Handa na siyang lumabas ng sasakyan upang ipag-order si Echarri ngunit natigilan siya.

"We drove by here so you could fill your empty stomach."

"Po?"

"You are not allowed to starve yourself as long as you're working under my command. Kumain ka muna ng agahan bago kita payagang pumasok ngayong araw," sermon nito.

"P-p'wede naman po ako sa cafeteria—"

"They're not serving breakfast this early, Rosie. Stop making excuses, or else I will go there with you and watch as you're eating."

Para siyang bata na pinapagalitan ng magulang sa oras na 'yon. Ang kaibahan lang, gustong-gusto niyang mapagalitan nang ganito ni Echarri.

She feels special for some reason.

"Rosie, just go. You do not have to argue with me about this. I will wait for you here. Take your time, we are not in a rush."

Echarri makes her feel special.

Rosie might take it the wrong way.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

97.6K 3.5K 31
MATURE CONTENT | R18 | SPG | Complete Edward Steven Walker Edward Steven Walker is a spy and a secret agent who works for the FBI. His latest mission...
326K 7K 46
𝓟𝓾𝓫𝓵𝓲𝓼𝓱𝓮𝓭 𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓘𝓜𝓜𝓐𝓒!!!May physical book na po ito. Edited version. Logan Anderson Cervantes - boss of security agency for VIP and...
54.6K 1.4K 40
The last series of Good boys gone Bad, Alessandro Dela Verde & Ace Montereal
391K 9.8K 37
Timothy Stan Villegas Every woman's desire is to be in his arms, with his looks, body and wealth. But who would have thought, that Timothy Stan Vill...