The Scent of You [Under Revis...

By ARLabyouu

6.2K 538 65

Matinik hindi lang sa babae kungdi pati sa kama ang boss ni Rosie na si Echarri. Hindi mabilang sa daliri ang... More

The Scent of You
Kabanata 2
Kabanata 3 (spg)
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7 (spg)
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20 (spg)
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30 (Wakas)

Kabanata 1

382 23 2
By ARLabyouu

Kabanata 1

Huling-huli ulit sa akto na pinagpapantasyahan ni Rosie ang litrato ng kaniyang amo na ginawa pa nitong background sa sariling kompyuter.

"E kung hubaran mo na lang kaya sa personal para makatotohanan? Flesh and fresh, gano'n!" mungkahi ng katrabaho niyang si Frances.

'Di na bago kay Frances ang lihim na pagtingin ni Rosie sa among si Echarri. Paano naman kung ito ay matipuno, may magandang lahi, at may nagsusumigaw na ugat sa katawan.

"Bente-nuwebe na ako, Fran. Gusto ko na lang malahian ni Charri," wika nitong hinahaplos pa ang iskrin. "Hay, saang hotel ulit kaya niya ako papupuntahin upang ipag-book sila ng bago niyang dyowa?"

Naglapag ng umuusok pang kape si Frances sa kaniyang mesa. "Kape ka muna— kaso hindi 'yan matapang kasi hindi mo kayang ipaglaban," biro ng kaibigan. "Sino naman ngayon ang bago niya?" usisa nitong hinihipan pa ang tinimplang instant coffee mula sa snack bar.

Humalukipkip si Rosie sa tanong na iyon. "Pagkatapos nitong bagong usbong na modelo. Anak ng Mayor naman ngayon, maganda, maliit ang mukha parang manyika." Nakairap ito.

"Ilang linggo kaya ang itatagal ng isang ito?"

"Gawin na nating isang linggo. Malakas ang appeal ng anak ni Mayor kaysa roon sa modelo."

"Hanggang tingin ka na lang ba talaga sa litrato niyang 'yan, Rosie? Sabi mo'y gusto mong matikman?"

Binato nito ng kahon ng tisyu ang kaibigan. "Manahimik ka hoy! Ang tabil ng dila mo baka mamaya niyan ay mayroon makarinig sa atin," aniya lumilinga linga sa paligid.

Halos magpantay ang kilay ng kaibigang tinanaw siya mula sa katapat na partisyon. "Tinuruan na kita ng dapat gawin. I-book mo ng magkaibang kuwarto si boss Charri at 'yung present dyowa. Pagkatapos ikaw ang pupunta sa kuwarto ni boss Charri at magtatago sa ilalim ng kumot habang nakapatay lahat ng ilaw. Pagdating niya sunggaban mo kaagad. Gano'n lang 'yun, ikaw kasi masiyadong mahina sa diskarte," sermon ni Frances sa kaniya.

Ngunit imbes sumagot ay napatayo ang mga ito nang pormal sa pagdating ng kanilang boss Echarri. Tagaktak ang pawis nito na bumakat pa sa puting long sleeve polo na tinanggal nito sa pagkaka-butones.

"Isang bouquet ng dahlia." Tinuro nito si Rosie at alam na ng huli kung ano ang ibig nitong sabihin. "Block her number, 'k?" turan nito bago tuluyang pumasok sa loob ng kaniyang opisina.

Sabay nagkatinginan ang magkaibigan. Umiling si Rosie at nagkibit-balikat ang kaibigang si Frances. Gawain kasi ng amo na magbigay ng bulaklak depende sa gusto nitong kahulugan.

Ngunit ang malimit na pinapabili upang ipadala sa kaniya ay ang bulaklak na dahlia. Noong una wala silang mga ideya hanggang sa magsulputan at magwala sa opisina ang mga nabigyan no'n.

Dahlia is seen as a symbol of goodbye.

At dalawa o apat sa isang buwan siyang nagpapa-disenyo ng bouquet no'n.

"Totoo nga ang chismis, confirmed! Ligwak na ang model. Anak ni Mayor... pasok!" usal nitong mayroon pang kasama na sitsit.

"Hay. Kailangan ko na naman magpalit ng numero niyan," wika niya. Nakailang palit na nga ba siya? Hindi na nito mabilang.

Uupo na nga sana ang dalawa nang tawagin si Rosie ng kanilang amo upang pagdalhan ito ng tsaa. Madali ang dalaga na tinungo ang snack bar upang tumugon sa amo.

Pagpasok niya sa opisina ng amo ay tila painot inot ang paligid nang mapagmasdan ang nakarolyong manggas ng polo nito. Humihiyaw ang kaniyang mga ugat sa braso.

Napamura sa isip si Rosie ngunit maigi na lang at hindi nito nabitiwan ang baso ng tsaa na hawak. "Ito na po ang tsaa n'yo, Sir," sambit nito pinipigilan sulyapan ang ugat nito sa katawan.

Ngumiti ang amo nito, tinaas ang baso, nagpasalamat bago iyon sumipsip sa tasa. "Ah, paki-cancel ang appointment ko bukas ng hapon," utos nito, ang atensyon ay nasa magasin na binabasa.

No'ng bahagya niyang silipin ay mukha no'ng anak ni Mayor ang nakita. Mayroon ulit itong bagong palay na aanihin bukas. "Okay po, Sir. May ribbon cutting po kayo alas diyes ng umaga, branch po ito sa may Makati."

"Nakabantay pa ba si Chairman?" tanong nito.

"Yes, po. Pinapabantayan pa rin ni Chairman ang bawat galaw n'yo. Kailangan ko pong magpadala ng litrato sa bawat ribbon cutting event na pupuntahan n'yo."

Ang pamilya ni Echarri ang nagmamay-ari ng Avanzado Mall na mayroon humigit-kumulang isandaang sangay sa buong Pilipinas. Tatay nito ang Chairman niyang tinutukoy kung saan kunwaring nagi-spy si Rosie sa kaniyang amo.

"Then— um, I'll just cut the ribbon, have few photos taken and go."

Tumango si Rosie sa plano ng amo. "May iuutos pa po ba kayo, Sir?" aniya.

Tumingin sa suot na relo ang amo bago umiling. "Puwede na kayo umuwi nang maaga."

Matapos niyang sabihin 'yon ay tumayo ito hawak ang baso ng tsaa upang dumungaw sa bintana ng gusali. Ang isang kamay ay nasa bulsa ng kaniyang trouser pants.

Ninamnam muna ni Rosie ang malapad na likod ng kaniyang amo bago tuluyang lumabas ng opisina. Tumawag kaagad ito sa suki nilang flower shop upang tapusin ang huling utos ni Echarri sa kaniya ngayong araw.

Sumitsit si Frances kaya't nilingon niya ito. "Nagpareserve na ba?" usisa nito.

"Hindi pa pero malapit na. May listahan na ako ng hotel kaya walang problema," sagot niya rito.

Bukod ang partisyon ng mesa nilang dalawa ng kaibigang si Frances sa team ng marketing. Siya kasi ay mismong sekretarya ni Echarri samantalang manager ng HR si Frances.

"Nalibot na yata niya ang hotel dito sa Metro. Kailan kaya iyan titino, 'no? Karma is a bitch pa naman."

Nagtaas-baba lang si Rosie ng balikat sa sinabi ng kaibigan at tinutok ang atensyon sa pagtipa sa keyboard upang ayusin ang ibang detalye ng ribbon cutting na pupuntahan nila ni Echarri kinabukasan.

"Oy Rosie wala ka pa bang balak umuwi?" tawag pansin ni Frances sukbit na ang kaniyang sling bag. "Alasais na hindi ka pa tapos diyan?" dagdag pa nito.

Lumayo nang kaunti si Rosie sa kaniyang kompyuter dahil nakaramdam ito ng sakit ng ulo marahil sa tagal na nakatutok ito roon.

"Una ka na. Tapusin ko lang ito," ika nito.

"Okidoks! See you tomorrow!"

Winagayway ni Rosie ang kamay, "ingat sila sa iyo!" At saka ito tumawa.

Isang oras pa ang lumipas nang patayin ni Rosie ang kompyuter. Lampas alas syete na base sa maliit na orasan niya sa mesa kaya't dali-dali nitong binitbit ang kaniyang gamit.

Ngunit sa kamalas-malasan ay inabutan na ito ng malakas na ulan sa labas. Problema pa ay wala itong dalang payong kaya naman wala siyang pagpipilian kungdi magpatila muna.

"Rosie?" Nilingon nito ang pinanggalingan ng boses. "You are still here?" Amo nitong si Echarri ang lumapit sa kaniyang puwesto. "Sinabi kong puwede ka umuwi ng maaga, ah. Ayan tuloy naabutan ka pa ng ulan. Wala ka bang payong?" tanong nito sa kaniya.

Umiling ang dalaga. "Hintayin ko na lang tumila, Sir." Pinapanalangin nga lang nito na sana'y abutan pa ang last bus pauwi sa kanila.

"Halika na, hatid kita."

Naestatwa ito sa narinig. Hinubad ni Echarri ang kaniyang jacket at lumapit sa natigilang Rosie. "Makisukob ka muna sa akin papunta sa kotse, kung ayos lang sa iyo na tumakbo."

Sininok si Rosie nang wala sa oras. "Nako, Sir, hindi na po. Nakakahiya naman sa inyo." Pilit nitong kinakalma ang sarili lalo at nanuot sa ilong nito ang matapang na pabango ng amo.

"I insist. The rain won't seem to stop anytime soon. Baka ka pa malate bukas."

May pagdadalawang isip itong tumango. Sa isip niya ay bahala na. Sumilong siya sa nakaawang na jacket ni Echarri at pagbilang ng tatlo ay tumakbo sila.

Galak na galak si Rosie sa pagkakataon na makatabi ang amo. Hanggang sa makapasok ito sa loob ng kotse at maamoy ang leather-like seat.

"Are you okay?" tanong ni Echarri sa sumisinghot-singhot na Rosie. "Nilalamig ka ba, ang bilis mo naman sipunin," wika pa niya.

Ang hindi nito alam ay mabango lang talaga sa pang amoy ni Rosie ang leather seat ng kaniyang kotse. "Ah hindi po. Ayos lang ako, Sir. Um, pakibaba na lang po ako sa pinakaunang bus stop."

"I will bring you home. Anong oras na rin at malakas ang ulan. Baka wala ka nang masakyan," pilit ng amo kaya naman prente na lang itong sumandal habang kinakabit ang seatbelt sa katawan.

Nasa ganoon siyang posisyon nang bigla na lang humawak ang kamay ni Echarri sa ibabaw ng upuan nito, naglapit pa ang kanilang mukha dahil lumingon si Echarri sa likod habang minamani-obra nito ang sasakyan paalis ng parking garage.

Nanigas si Rosie sa kinauupuan.

Lalo pa't hindi nito sinasadyang masipat ang bakat na katawan nito mula sa pagkakabasa sa ulan.

His chest looks hard and sculpted. His chiseled jaw could cut glass. Strong features of his face are scary yet an apple of the eye.

Nasisiyahan pa si Rosie tingnan ang kabuuan ng amo nang tumikhim ito.

Bigla na lamang siya nitong binigyan ng tuyong jacket. "Cover your body," hindi tumitinging sambit ni Echarri sa kaniya.

No'ng tingnan nito ang sarili ay nanlaki ang kaniyang mga mata. Geez! Hindi nito napansin na bakat na bakat din pala ang kaniyang kaluluwa sa manipis nitong formal dress!

Sa pagkakataong 'yun, hiniling nitong kainin na lamang siya ng lupa.

Continue Reading

You'll Also Like

97.6K 3.5K 31
MATURE CONTENT | R18 | SPG | Complete Edward Steven Walker Edward Steven Walker is a spy and a secret agent who works for the FBI. His latest mission...
2.5K 676 34
Kahit ano pang tapang mo sa akin pa rin ang bagsak mo.
14.5K 411 42
Lumaki sa isang mahirap na pamilya si Luna. Sa murang edad, inabandona sila ng kanyang Hapon na ama kaya maaga siyang natutong magbanat ng buto para...
21.8K 438 36
[LE FAVORI DESIRE SERIES 5] WARNING : SPG | R-18 | MATURED CONTENT (some scenes are not suitable for young readers, but if you are open-minded then f...