Game Over (EndMira: Ice -- bo...

By alyloony

28.9M 742K 198K

Five years have passed and finally, Timi is back in the Philippines. Being away and studying culinary abroad... More

Intro
chapter 1 (01/05/15)
Chapter 2 (01/08/15)
Chapter 3
Chapter 4 (2/2/15)
Chapter 5 (2/9/15)
Chapter 6 (2/17/15)
Chapter 7 (2/24/14)
Chapter 8 (03/13/15)
Chapter 9 (3/19/15)
Chapter 10 (3/28/15)
Chapter 11 (4/6/15)
Chapter 12 (4/15/15)
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17 (6/20/15)
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 (Last Chapter)

Chapter 16 [6/16/15]

543K 16.4K 2K
By alyloony

Chapter 16

 

[Timi's POV]

 

"We're here," sabi ni Ice.

            At pagka-paradang pagka-parada niya sa parking lot ng ospital eh agad akong lumabas ng kotse.

            "Wait Timi!"

            "Ano na naman Ice? Kailangan natin puntahan si Jasper!" irita kong sabi sa kanya.

            Kanina pa kasi talaga mainit ang ulo ko sa isang 'to! Hindi na ako natutuwa. Nagmamadali na ako at aalala na ako kay Jasper!

            "Wear this."

            Pinatong niya ang jacket na suot niya kanina sa balikat ko at itinaas niya ang hood nito sa ulo ko. Inabot din niya sa akin ang sunglasses niya.

            "Maraming media doon sa may entrance. Alam kong ayaw mong kumalat uli ang mukha mo sa social media."

            "O-oh.."

            Natigilan ako bigla. Nakaramdam ako ng guilt na pinagtaasan ko siya ng boses.

            Kasi naman...

            "P-paano ka?"

            He smiled at me, "okay lang ako. Ine-expect naman nila na pupuntahan ko si Jasper eh."

            Tumango lang ako.

            "Let's go."

            Dali-dali kaming nag-lakad ni Ice papunta sa entrance ng ospital. And as expected, ang dami ngang media na nagkalat. Inaalam ang nangyari sa isang superstar.

            "Si Ice Monasterio!" sabi nung isa at agad nagtakbuhan papalapit sa amin yung mga reporters. Nasagi pa ako ng ilan kaya naman napahiwalay ako kay Ice.

            "Ice, alam mo ba ang nangyari kay Jasper?"

            "Sabi ng ilang witness, nakipag-suntukan daw siya sa bar?"

            "Totoo ba na lasing siya?"

            "Totoo ba na pinagtanggol lang niya yung kaibigan niya?"

            "Girl friend niya ba yung kasama niya?"

            Anak ng pagong oh! Eh mas marami pa silang alam kesa sa amin ni Ice eh! Kami nga rito, clueless kung ba't nasa ospital ang mokong na yun! Nakakairita!

            "Excuse me," tanging sagot ni Ice sa kanila at hinila niya ulit ako papalapit sa kanya.

            "Wag kang lalayo, baka matulak ka nila," bulong niya sa akin at inakbayan niya ako.

            Biglang may dumating na mga security at hinarang ang mga reporters, writers, paparazzi, usisero at chismoso na pumapaligid sa amin. Gitgitan. Ang daming tao. Parang concert ground ito kesa ospital.

            Minsan nakakalimutan ko na sobrang sikat na pala talaga ng EndMira. Na ibang klase na ang fanbase nila at talagang onting galaw lang nila eh pinaguusapan na sila.

            Sa wakas eh nakarating din kami sa room ni Jasper. Nakita kong nandoon na si Ayen, William, Geo at ang manager nila. Sa kama eh nakaupo si Jasper. Naka-simangot ang mukha. May bandage sa ulo at braso, may black eye, at puro pasa.

            Pero napanganga ako dahil sa isang sulok doon, nakatayo si Nica, yung server ko.

            "What the hell are you doing here?" tanong ko kay Nica.

            Hindi siya sumagot. Iniwas niya lang ang tingin sa akin. Doon ko lang napansin na nakasuot siya ng tube na damit at napaka-ikling shorts. Nakabalabal sa kanya ang jacket ni Jasper.

            Alam kong kay Jasper yun kasi regalo ko yun sa kanya.

            Nilingon ko si Jasper, "what happened?"

            Iniwas din niya ang tingin sa akin.

            Anak ng—! Ba't ba nila iniiwas mga tingin nila? Mukha ba akong mangangain ng tao?!

            "He saved this girl from some drunkard in the bar. Tapos ayun, nagkasuntukan na. May kasama pa pala yung lalaking sinugod niya," paliwanag sa akin ni Geo.

            "You know her?" tanong naman ni Rochelle, yung road manager nila.

            I glanced at Nica at tumango ako.

            "Nag w-work siya sa restaurant ko."

            "Okay good dahil kasalanan niya kung bakit nasaktan si Jasper. Buti at hindi masyadong napuruhan ang kamay niya." Nilingon ni Rochelle si Nica, "hindi mo ba alam na maaring masira ang kinabukasan niya pag napuruhan ang kamay niya. He's a drummer!"

            "I-I'm so sorry," nakayukong sabi ni Nica at nakita kong nangingilid-ngilid ang luha sa mata niya.

            "Stop it Rochelle! It's not her fault!" iritang sabi ni Jasper.

            "N-no. K-kasalanan ko talaga. I'm sorry!"

            "Ba't ka kasi nagsusuot ng ganyang klaseng damit? Mababastos ka talaga sa lagay na yan!"

            Napayuko na lang si Nica at kitang-kita ko ang panginginig niya. Hindi ko lang alam kung dahil sa takot kay Rochelle o dahil nilalamig na siya sa suot niya.

            "Tama na Rochelle," sabi ni Ice. "Nangyari na ang nangyari. There's no use kung magagalit ka."

            "Pero may mall shows kayo next week! Paano yun?!"

            "We need to cancel it," sabi naman ni Ayen. "Hindi naman natin pwedeng ipilit na tumugtog si Jasper."

            "Oo nga. Chill lang tayo guys. Ang mahalaga okay si Jasper," dagdag naman ni William.

            "What's your name again?" tanong ni Geo kay Nica.

            "N-Nica po."

            "Nica," tumango siya. "Pwede ka nang umuwi. Kami na bahala kay Jasper."

            "S-sige po."

            "No," mariing sabi ni Jasper. "Wag kang aalis dito."

            "P-pero—!"

            "That's an order!" sigaw niya.

            Anong nangyayari sa kaibigan ko?

            "Jasper, you cannot order her around! She's not your employee!"

            Hindi ako pinansin ni Jasper. Nahiga siya at nagtalukbong ng kumot.

            "Salamat sa pagaalala guys, pero pagod na talaga ako. Matutulog muna ako," sabi niya. "Makakaalis na kayo. Except you, Nica."

            Nagkatinginan kami.

            "Uhmm, let's leave them alone," mahinahong sabi ni Ayen while giving us an encouraging smile.

            "Hay, puputi agad ang buhok ko sa mga batang 'to!"

            "Tara kain na lang tayo Rochelle!" sabi naman ni William at inakbayan ang kawawa nilang road manager.

            Isa-isa nang naglabasan ang EndMira.

            "Timi, let's go?" aya ni Ice sa akin.

            "S-sige wait lang."

            Tumango siya at mukhang naintindihan naman niya na gusto kong magpaiwan saglit. Nang makalabas silang lahat, tinignan ko si Jasper na nakatalukbong at si Nica na nanliliit sa isang sulok.

            "Now tell me, ano talaga ang nangyari?" taas kilay kong tanong sa kanila. "Ba't ganyan ang suot mo Nica? Hindi ka naman ganyan ah."

            Napayuko si Nica, "s-sorry Chef Timi. Ganito po talaga ako."

            "Nica—!"

            "Drop it, Timi."

            Inalis ni Jasper ang pagkakatalukbong niya at tinignan ako ng seryoso.

            "Tama na."

            Napa-buntong hininga ako, "is it because of Aiscelle? Kaya ka nag-lasing ha?"

            Hindi ako sinagot ni Jasper.

            "Jasper naman!"

            "I'm tired, Timi. I am so tired. Pwede bang magpahinga muna ako? Kahit saglit lang?"

            "Hindi pwedeng maiwan dito si Nica."

            Napapikit siya, "I need her here."

            "Why?"

            Hindi ulit siya sumagot.

            Kelan pa naging sobrang unpredictable ng kaibigan 'kong 'to? Kelan pa siya naging sobrang wasted?

            Hindi ko makilala ang Jasper na nasa harapan ko ngayon.

            "Do you like Nica?"

            "C-Chef Timi—!"

            "If not then don't do this to her!"

            Hindi pa rin umimik si Jasper. Ayaw na niya akong kausapin.

            For a moment gusto ko siyang batuhin ng bag sa ulo para tumino siya kaya lang kawawa talaga ang itsura niya ngayon.

            "Nica, uuwi ka na."

            Iniwas ni Nica ang tingin niya sa akin.

            Napabuntong hininga ako.

            This girl is really asking for a heart break.

            "Ingatan mo ang puso mo," sabi k okay Nica at nilingon ko si Jasper. "Gugulpihin kita pag gumaling ka na!"

            After that, lumabas na ako sa room.

            Bwiset na isang yun!

            Ako ang nasasaktan para sa kanya eh! Ayaw niyang mag open up sa akin. Ramdam kong nahihirapan na siya. Kita kong gusto na niyang umiyak.

            Pero mali ang pag cope up niya. Mali na maglaro siya.

            Mali na si Nica ang paglaruan niya.

            Hindi niya alam kung gaano kagulo ang buhay ni Nica.

            "Chill!" salubong ni William sa akin. "Para kang kakatay ng baboy."

            "Ano bang problema ni Jasper?!"

            "Hindi rin namin alam. Gustuhin man namin siyang tulungan, wala kaming idea sa pinagdaraanan ng isang yun."

            Napa-buntong hininga na lang ako.

            Humanda talaga yang Jasper na yan. Pag nakalabas siya, gugulpihin ko siya hanggang sa magsalita siya.

            Maya maya lang din ay nagpaalam na ang ibang EndMira. May mga importante pa silang dapat gawin.

            Kahit 11 na ng gabi.

            Kawawa naman sila. Sana nakakapagpahinga sila.

            Ako nga ramdam ko ang pagod ko. Gusto ko na lang matulog at magpahinga.

            "Timi, hatid na kita," sabi ni Ice.

            Umiling ako, "kaya ko nang mag drive mag isa."

            "Sige na. You look tired. Matulog ka na lang habang nasa byahe. Promise, hindi ko na idadaan sa EDSA," naka-ngiting sabi niya.

            He look so genuine. Ramdam ko ang concern.

            Pero magaling kasi manlinlang ang isang 'to.

            "Kaya ko na sabi. Wag ka na makulit please?!"

            "No. Hindi ako papayag."

            "Ba't ba ang kulit mo?!"

            Napa-buntong hininga siya.

            "Ngayon lang. Please? You look so tired. Ngayon lang. Hindi na kita kukulitin na ihahatid na kita pagkatapos nito. Promise."

            Napapikit na lang ako at napahinga ng malalim.

            Naglakad ako papunta sa kotse ko at naka-sunod sa akin si Ice.

            Nakakainis na ganyan siya umasta. Nakakainis na ginagawa niya ang mga bagay na 'to.

            Hindi ko nagugustuhan. Hindi ako natutuwa.

            Iba kasi ang nagiging epekto sa akin. Malala.

            Pinagbukas ako ni Ice ng pinto atsaka siya sumakay sa driver's seat.

            Nasa kanya pa rin ang susi ko. Ano nga ba ang magagaw ako?

            Dahil sa pagod, nakatulog na ako sa byahe. Naramdaman ko na lang na ginigising na ako ni Ice nung nasa parking lot na kami ng condo ko.

            "Thanks sa pag d-drive," matipid kong sabi sa kanya habang inaabot sa akin ang susi ng kotse ko.

            "T-Timi. P-pwede ba kitang mayaya bukas?"

            Nilingon ko siya, "hmm?"

            "Uhmm... dinner sana..?"

            Wow. Niyayaya niya ako mag dinner matapos niyang sirain ang dinner namin ni Kite?

            Ibang klase rin ang isang 'to.

            "Busy ako."

            Nakita kong lumungkot ang mukha niya. He look so disappointed.

            Parang may sumuntok sa puso ko.

            Anak naman ng—!!

            Be still, heart. Pwede bang kahit ngayon lang eh makinig ka sa akin?! Ang hilig mong magpaka tanga eh!

            "Ganun ba? S-sige. Next time na lang."

            Tumango lang ako at tinalikuran ko na siya.

            Nakakainis. Pabigat nang pabigat ang hakbang ko.

            Ba't ba nakokonsensya ako na ang cold ko sa kanya?

            Tama lang naman 'to 'di ba? Matapos niya akong saktan at pagmukhaing tanga, may karapatan akong magalit!

            Pero ba't ang sakit?

            "Timi wait!" naramdaman ko ang kamay ni Ice. sa balikat ko kaya napahinto ako sa paglalakad.

            Napapikit ako.

            Tama na Ice. Hirap na hirap na nga akong maglakad palayo sa'yo eh.

            "G-gusto ko lang mag sorry sa inasal ko kanina. Mali yung ginawa ko. I'm sorry. I-It's just that...nag selos lang talaga ako nung nalaman kong nandoon ka sa condo ni Kite. Sorry talaga."

            At ngayon ayan ang sinasabi niya! Bakit ka ganyan Ice?!

            Naiiyak na ako.

            "Ayos lang," sagot ko.

            "Sige. Alis na ako. Good night, Timi."

            Nilingon ko siya and he smiled softly bago tumalikod sa akin.

            Ngayon ko lang naisip, wala siyang kotse dahil gamit niya ang kotse ko.

            Paano uuwi ang isang 'to?

            "T-teka Ice! Paano ka uuwi?"

            "Ah... susunduin ako mamaya ni Rochelle. Doon muna ako sa coffee shop malapit dito."

            Napatingin ako sa orasan. 11:45pm na.

            "Kasama ni Geo si Rochelle ngayon ah? May guesting siya sa isang station? Anong oras pa tapos nun."

            "Ayos lang. May dala naman akong libro para malibang ako.  Pasok ka na sa unit mo. Baka nagaalala na si Rika sa'yo. Kailangan mo na rin magpahinga."

            Tumango ako at tinalikuran ko na siya.

            Mas lalong bumigat ang mga hakbang ko.

            Ay bwiset ka Ice Monasterio!! Bwiset ka talaga!!

            Nilingon ko siya. Naglalakad na siya palabas ng parking lot.

            "Ice wait!"

            Mukhang hindi ako narinig kasi medyo malayo na siya kaya naman tumakbo ako palapit sa kanya.

            Bwiset ka talagang yelo ka!

            "Ice!!"

            Napahinto siya.

            "O-oh, Timi. Why?"

            "Doon ka na lang magantay sa unit namin.  Mamaya dagsain ka pa ng fangirls diyan."

            Napangiti siya.

            As in malawak na ngiti.

            As in from ear to ear.

            Kita sa mata niya ang saya.

            "Thanks Timi."

            Kill me now.


To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 149K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
30.8K 289 6
The reason why I'm writing.
3M 55.4K 26
(COMPLETED) I don't believe in DESTINY... I really don't... but along came this girl.
82.4K 1.4K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...