This Is, Love (GxG)

By ellyciaDC

167K 4.3K 952

Professor x Student!! [ Hi, this is my first time finishing a book here on wattpad. I hope this story enterta... More

Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Finale
Author's Gratitude
Special Chapter 1

Chapter 26

2.4K 73 20
By ellyciaDC

Xyianne






Hindi ko maiwasang mapanganga sa tinitignan ko ngayon sa harapan ko.


Ang professor kong nagluluto ngayon nang may ngiti sa mga labi nito at tila nag eenjoy sa ginagawa niya. She's cooking sinigang na baboy which is my favorite dish pero hindi niya yon alam. Buti na lang ayun ang niluluto niya ngayon because that's my comfort food.



Maasim para sa maasim na kalooban ko. Charot!



Nakapangalumbaba lang ako dito habang sinusundan ang bawat galaw niya. Matamang naglagay siya ng sabaw sa sandok at iniihipan niya yun gamit ang bibig niya para tikman ang lasa kaya hindi ko maiwasang hindi mapalunok dahil sa nakanguso niyang labi.



Ang pula tsaka kumikislap. I slapped myself para matauhan sa iniisip ko.



"Do you want to taste it?" Tanong nito sa akin habang inilalapit ang sandok sa bibig ko.



"Ah, hindi na Ma'am. Tiwala ako sa cooking skills niyo. Mukha namang masarap." Tanggi ko sa kanya habang winawagayway ang mga palad ko sa patanggi.



"Are you sure? Paano pag hindi pala masarap ito at nagpapanggap lang akong marunong magluto?"



"Kakainin ko pa rin, Ma'am. Sayang effort niyo eh."



"Kahit hindi masarap?"


"Kahit hindi masarap." Tango kong sagot.


"Sure?"


"Sure po," Tumatango ulit ako habang sumasagot.


"Hindi nga?" Pangungulit pa niya.



"Yes, I'm really sure." Sinagot ko rin naman.



"Talaga?" This time parang sinasadya na niya.


"Ma'am, ang kulit niyo." Sukong sagot ko sa kanya habang kinakamot ng bahagya ang sentido ko. Mukhang makulit din ito katulad ni Bridge. Alam ko naman sa sarili kong maiksi lang ang pasensya ko eh (⁠╥⁠﹏⁠╥⁠) pero para kay Ma'am, sige hahabaan ko.



Tumawa ito dahil sa itsura ko. Nahalata niya siguro yung mukha kong hindi na maipinta.


I sigh, bakit ba sila natutuwa kapag napipikon ako? Nagmumukha yata akong clown.


Parang hindi mo gawain? Tuya ng isip ko sa sarili ko.


Pinatay na nito ang stove, naghugas ng kamay at nagtanggal ng apron tsaka nagtungo sa tabi ko.


"Napikon ba kita?" Amused niyang tanong sa akin.

Tuwang tuwa siya oh, kitang kita ko sa mata niya. Awit na iyan.



Hindi ko siya kinibo bagkos ay tumayo ako sa kinauupuan ko at kumuha na lang ng tissue na nasa gilid ng counter.



"Uy, galit ka? I'm just testing your patience. Hindi ko naman akalain na super bilis mo mapikon." Sinundan niya ako na parang batang nakabuntot sakin.

Hindi siya nakatakong ngayon kaya naman mas matangkad na naman ako sa kanya.



"Zamora, uy." Tawag pa nito habang kumukuha ako ng maraming tissue sheets.



Pero hindi ako kumibo dahil busy ako masyado.



"Hey, Xyianne. Yuhoo!" Wagayway pa nito sa mga kamay niya na animo'y isa siyang multo na hindi ko nakikita.

I mentally chuckled.

"Yunis."



And yet again, the only person who can make me feel that my heart leaps like it's above the clouds is...her.



The way she calls me by my second name for the first time, the way her sweet voice naturally flows out of her mouth and the way she's making me feel at peace when she's just simply around me is something I can't comprehend, even science can't explain this shit I'm feeling for this woman behind me.



I am mysteriously captured by her existence.



I gather all my strength to turn around and face her. Kahit na ramdam ng sistema ko ang pagwawala ng puso ko.



One meter distance. It's the distance between us right now. She still managed to do that. I can't believe her.



She looks at me with pleading eyes, "Sorry if I pissed you off." Our height difference is cute. Nakaangat ng bahagya ang tingin niya sa akin.



"Lapit ka, Ma'am." Utos ko sa kanya.



"Huh?"


"Lapit ka po," ulit ko.



Nagtataka man ay lumapit naman siya nang kaunti. Tama lang para maabot ko siya. Walang salitang pinunasan ko ang pawis niyang kanina pa nakabalandra sa noo niya dahil sa pagluluto ng sinigang.  Ginamit ko ang tissue na kinuha ko kani-kanina lang.



Ito ata secret ingredient niya pampaasim sa sinigang. Charot lang! Hehe. Mabango si Ma'am kahit pawisan. For sure matamis din pawis nito dahil ganoon ang amoy niya.



Bakas sa mukha niya ang gulat at mabilis na dumaloy ang kapulahan sa pisngi niya nang ginawa ko iyon pero mabilis lang din niya iyong ikinubli.



"Hindi ka na galit?" Tanong niya sa akin habang mariing nakatitig sa mukha ko. Hindi naman niya ako pinipigilan sa pagpunas ng pawis niya kaya nagpatuloy lang ako.



"Hindi po ako galit," seryoso kong saad sa kanya at binitawan ko na siya para itapon ang mga tissueng nagamit ko.



"Sure ka? Kasi yung face mo ang seryoso." Ngumuso ito nang bahagya while puffing her cheeks nang makabalik ako sa tapat niya. Remind me that she's older than me and she's my professor, please!



"Ma'am, this is literally my normal look."
Saad ko habang tinuturo ang mukha ko at pilit itinatago ang pagkapula nito gamit ang cold aura ko.


"So, bati na tayo?" Ngumiti ito sa akin nang matamis kasabay ng pagkislap ng mata nito.


"Hindi naman po tayo nag-away?" Patanong kong sagot sa kanya.


"I just felt that I pissed you off."


"Hindi naman po,"


"Sure ka ha?" Paninigurado pa niya.


"Yeah," tipid kong sagot sa kanya.


"Bati tayo ha?" Ayan na naman siya...


"Ma'am." Sukong sagot ko sa kanya, gusto kong irolyo ang mga mata ko pero hindi ko na lang ginawa at napagdesisyunan ko na lang na magtungo sa kitchen at maghanda para sa pagkain dahil baka gutom lang yung professor ko, ang kulit eh.


I heard her chuckle behind me. Pambihira para siyang buntot ko. Nakasunod na naman sa likod ko.


I never ever imagined that she's like this. Though, given na yung pagkamasiyahin niyang tao pero yung ganito kakulit? Ang sarap niyang ibulsa.


"Let's eat na lang, Ma'am. Baka gutom lang iyan. Umupo na po kayo doon, ako na po ang maghahain." Turo ko sa dining table malapit sa kusina.


"Okay," masayang sagot nito at naupo na habang patuloy lang siya sa pagsunod ng tingin sa mga ginagawa ko.


I feel awkward kasi para akong kinukuryente sa tingin ni Ma'am. Naiilang ako. Buti hindi siya naiilang kanina noong tinitignan ko siyang nagluluto.



"Ma'am, tingin po kayo sa plato huwag sakin." I coldly utter para kunwari hindi ako affected sa ginagawa niya.


"Why? Wala namang maganda sa plato mo. Ang plain, mas maganda ka pa tignan." Walang muwang niyang saad kaya napatid ako bigla sa paglalakad ko, nagkabuhol buhol ang paa ko dahil sa sinabi niya, mabuti na lang at wala pa akong hawak na baso dahil kukuha pa lang ako.


Jusko, nabibigla talaga ako sa kanya!


I heard her laugh kaya feeling ko tuloy pinagtitripan niya ako. Aish! Nakakainis. Kuha niya ang karupukan ko.


I cleared my throat after recovering to my embarrassing moment in front of her and immediately composed myself para makabalik sa lamesa dala ang mga baso at pitsel ng tubig.


"Let's eat, Ma'am." Seryoso kong sambit sa kanya.


"Let's pray first." Ngiti nitong saad sa akin sabay hablot ng dalawa kong kamay para hawakan iyon. Pumikit na ito kahit hindi pa ako nakakarecover sa pagkabigla sa ginawa niya.


Tinitigan ko ang maamong mukha nito at ang payapang pakiramdam na masilayan ang itsura ng babae sa harapan ko habang pinapakinggan ang dasal niya sa pagkaing nakahain ngayon sa harap namin.


"Amen."

"Amen." Patikhim kong sagot pagkabukas ng mga mapupungay niyang matang nakatingin na sa akin. Bumitaw na rin ako agad sa hawak niya sa dalawang kamay ko.


I get the rice bowl and start scooping the right amount of rice on my plate while she waited for me but as an idea crossed my mind, as payment for her humble cooking and for the groceries she bought for me ay ako na ang naglagay ng kanin sa plato niya.



"Thank you, Zamora."

I just nodded and gave her a sly smile.


Nang matapos ay nag umpisa na rin akong maglagay ng sinigang sa mas maliit na bowl at ginawa ko rin iyon sa kanya.


"Thank you, Zamora." Ulit pa niya. Ewan ko pero parang ang pangit na pakinggan ng tawag niya sakin. Diba? Parang mas okay yung tawag niya sakin kanina....

Diba guys? Hays.

Again, I just nodded as a response to her.



"Let's eat, Ma'am." Aya ko sa kanya. Nag umpisa akong sumandok ng kakainin ko habang siya ay nanatiling nakatitig sa akin. "Ma'am Adler?"



"You taste it first." She said while anticipating my reaction to her cooking.


Sumubo ako ng pagkain at inumpisahang tikman ang luto ng professor ko. It is.... it is the best! Hindi ako nabigo sa lasa, gaya ng itsura ng luto niyang masarap tignan ay masarap din talaga ang lasa! This is my new favorite version of sinigang na baboy. Second na lang yung luto ni Manang Rosita. May bias agad.



I tried myself not to over react at the taste kaya hindi ko sinasadyang mapangiwi na agad naman niyang napansin.


"H-hindi masarap?" May lungkot na rumehistro sa mukha niya at bagsak balikat niyang tinikman muli ang luto niya at nag umpisang kumain.


"This is the best sinigang na baboy I ever tasted, Ma'am. For real!" I protested para maibsan ang lungkot sa mukha niya.


"Masarap naman talaga luto ko no!" Protesta din nito sa sinabi ko. "Ayusin mo kasi yung reaksyon mo, nakakainis ka."
Umirap ito sa akin na sobrang bihira lang niyang gawin.



Hindi ko napigilang matawa sa ginawa niya. Ang cute niya talaga kapag naiinis ko siya. My goodness, malala na talaga ako.



Namula ito sa pagtawa ko sa kanya. "Itigil mo iyan. Lalo akong naiinis." Hala nagsungit na siya.



Tinigil ko ang pagtawa ko kahit hindi pa ako tapos tumawa. Uminom na lang ako ng tubig at nagpatuloy sa pagkain ng masarap na luto niya.

"Bakit ka tumigil?"



"Huh?" Takang tanong ko sa kanya.


"W-wala, sige na. Kumain ka na." Kumain na rin siya kahit na nagtataka pa ko sa sinabi niya. Ang gulo rin talaga nito kausap eh noh?



"Sa wakas natuloy din yung naudlot na dinner at lunch natin noong mga nakaraan." Saad ng propesora sa akin habang patuloy na kumakain. In fairness, pangalawang sandok na namin ito ng kanin.


Bigla na naman akong naguilty dahil doon. "I'm sorry talaga Ma'am. Noong niyaya mo kasi ako ng dinner hindi pa ako komportable sa inyo. Tapos nung lunch naman, I honestly forgot about it because of Lewis. Naiinis kasi ako sa kanya that time at hindi niya ako tinitigilan kapag hindi ako pumayag na maglunch kami."


She just nodded but I can sense that she's still affected by that postponed events. "I understand your reason on my first invitation about dinner and I also understand about our supposed to be lunch together kaya kalimutan na natin iyon. Ang importante, we're sharing our food right now and I'm glad you like it." She smiles at me.



"I actually love it. Like is an understatement." I sincerely said to her.


Lalong lumawak ang ngiti niya sa mukha. "Ano ka ba, wala yun." She said while tucking a hair behind her ear kaya hindi ko maiwasang mapailing dahil sa itsura niya. Para siyang kinilig o delulu lang talaga ako.


Bakit naman siya kikiligin? Sino ka ba, Xyianne? You're just her student who confessed your feelings to a professor like her. She's just this kind and caring around people.

Right, stop being delusional, Xyianne.


"Are you alright?" Tanong nito.


"Yes po." Sagot ko sabay inom ng tubig. "Thank you for cooking for me, Ma'am."


Nang matapos kami ay ako na rin ang nagligpit sa pinagkainan namin at naghugas. Nagtalo pa kami dahil ayaw niyang pumayag pero wala siyang nagawa dahil mas matigas ang ulo ko sa kanya.



Pinaupo ko na lang siya sa sala para makapagpahinga siya bago ko siya palayasin dito sa unit ko.



Matamang nanunuod siya ng T.V. nang matapos ako sa mga gawain ko.

I checked my wall clock and it's already past 9 in the evening kaya minabuti kong kausapin ang professor kong napasarap sa pagkakasandal sa malaking couch ko habang yakap yakap ang throw pillow sa dibdib nito. She's currently watching The secret life of pets.




I watch how her face giggles when she saw the cute white bunny on the screen. So, dito pala nanggagaling ang t-shirt niyang pink na may cute na rabbit na nakaprint. Until now, hindi ko pa rin nababalik yun. Ang lala na talaga ng pagkaulyanin ko.



"Nandyan ka na pala. Are you done?" Tanong nito nang makita niya ako malapit sa kanya.



"Yes, Ma'am. And it's already past 9 PM po, you should go home. Do you have your car with you?"



Bahagya siyang nalungkot sa sinabi ko at umiling, "Hinatid lang ako ng kaibigan mo dito kanina at sinabi ang Unit number at passcode mo kaya ako nakarating dito pagtapos niya akong samahan mamili ng groceries mo. Siya rin kasi ang namili ng mga iyon dahil siya rin naman daw ang uubos." Paliwanag niya na lalo kong kinahiya. Ako na ang nahiya para sa loka lokang iyon! Sa sobrang confident eh hindi na marunong mahiya! Bwisit talaga siya.



Kamot ulo akong nagsalita sa kanya. "Pagpasensyahan niyo na po ang isang iyon, Ma'am. Ibabalik ko na po iyon sa sinapupunan ng mama niya. Nakakahiya masyado. Naistorbo at napagastos pa tuloy kayo."



Tumayo ito sa pagkakaupo niya para lumapit sa akin. She chuckled because of what I said. "It's okay, sabi ko naman sayo it was me who insisted and you'll never be a disturbance to me. I also don't mind spending my money on you, Okay?"



Nabigla ako sa sinabi niya. Masyado siyang generous and sweet sakin. Ganito rin kaya siya sa iba? Kay Sir Dexter kaya? Okaya don sa Nate na laging tumatawag sa kanya.



Speaking of Nate, umilaw na ang phone ni Ma'am na nakalagay sa center table ng sala ko. Calling na naman ang Nate na iyon.



"Tumatawag na ang jowa mo, Ma'am. Hatid ko na lang po kayo sa inyo." Saad ko at akmang aalis para kunin ang susi ng kotse kong naiwan ko sa kwarto pero pinigilan niya ako.



"Answer the call." She seriously said to me.



"Huh? Bakit ako, Ma'am?" Takang tanong ko sa kanya.



"Please answer it."



Labag man sa loob ko ay ginawa ko pa rin. May kirot sa puso ko dahil sa inisip na makakausap ko pa ang syota niya. Ang lakas manakit ni Ma'am.



Bumuntong hininga muna ako bago ko i-swipe ang answer sa cellphone niya.



"Ziah. Finally, you answered! Where are you?! Wala ka kanina pa sa school! You're giving me a headache. You shouldn't go anywhere without telling me. You keep me worrying about you! Paano pag napahamak ka na naman dahil kay--"



Hinablot na ni Ma'am ang phone sa akin at siya na ang kumausap kay Professor Levine na siyang may ari ng pangalan na Nate sa phone niya.



Naalala ko na na tinawag niya before si Ma'am Levine ng Nate. It makes sense now. Natalie kasi ang name niya.



Hindi na rin ako nakareact pa nang kuhain niya ang phone niya sakin dahil medyo napahiya pa ako sa sinabi kong jowa niya yun. Nakakahiya! Nag iinarte ako nang wala sa lugar at walang karapatan. Nakakaloka.



And the way na galit na naman ang isang iyon kahit kausap niya si Ma'am Adler. Halatang nag aalala siya sa propesora and I get where she's coming from dahil nga sa nangyari kay Ma'am before. It's still fresh and I know she wants what's safe and best for her. Nabahala lang rin ako sa huling sinabi niya na hindi na natuloy dahil nakuha na ni Ma'am ang phone niya sa akin. Dahil kanino kaya? Sino ang may sala, nais ko ring malaman.




"Okay na," Turan ni Ma'am sa harapan ko pagkatapos nilang mag-usap habang may ngiti sa kanyang mga labi at mariing nakatingin sa akin. "See? It's not my jowa as you always say. I have none..for now. I'm still waiting for someone."




Dahil sa sinabi niya ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi kasi may someone na pala siyang hinihintay pero at least she's still single. Pero kahit na! Impossible pa rin na magkagusto sakin si Ma'am. Sa ganda, bait, at yung great personality nito for sure maraming nagkakandarapa dito at isa na don si Sir Dexter. Hindi ko na iyon trip si Sir, pangit na siya sa paningin ko at lalo siyang pumangit sa isipan ko dahil baka siya pala ang hinihintay ni Ma'am.




"Hey, Zamora!" Sinapo ni Ma'am ang dalawa kong pisngi kaya napabalik ako sa ulirat at napangiwi dahil sa hapdi ng kabilang pisngi ko. Nandon pa rin yung kirot ng sampal ni Daddy.



"Ouch! Ma'am." Usal ko sa kanya at inalis ang kamay niyang nakadapo sa kaliwang pisngi ko.



Nagtaka siya sa sinabi ko kaya naman sinilip niya ang pisngi ko. "What happened to your cheek?"



"W-wala po. Alis na po tayo, hatid ko na po kayo." Hindi ko na siya pinagsalitang muli at dumiretso na ako sa kwarto para kunin ang susi ko. Naramdaman ko na naman ang pagsunod sa akin ni Ma'am kaya lumingon ako sa kanya bago buksan ang kwarto ko.



"Ma'am? Bakit po kayo nakasunod?"



"Uhm, w-wala lang..gusto ko lang makita yung...bulaklak na binigay sayo kanina. Did you keep it?"



My brows furrowed at her statement. "Flowers? The one that your brother gave me a while ago?"



She nodded at umiwas ng tingin sa akin.



"Tinapon ko na po iyon. Wala akong balak itabi iyon. Kaya hintayin niyo na lang po ako sa sala. Kukunin ko lang po ang susi ko."



Her face suddenly lit up of what she heard kaya mas lalo akong nagtaka sa kanya. Tumigil na rin siya sa pagbuntot sa akin kaya hindi ko na lang inisip masyado ang ginawa niya.




Matapos kong makuha ang susi ay nagtungo na agad kami sa parking kung saan nakaparada ang kotse ko. Agad kong pinasibad iyon at tahimik na tinahak ang lugar pauwi sa bahay ng professor ko. Walang sino man ang nagsalita sa amin. Saglit lang din naman ang naging byahe namin dahil malapit lang rin pala sa Unit ko ang village kung saan nakatira si Ma'am.




"Nandito na po tayo," saad ko dahil hindi pa rin bumaba ang professor ko. Nabuksan ko na rin ang pintuan ng passenger seat kung nasaan siya nakaupo. Bahagya akong nakayuko at nakadantay ang isa kong braso sa pintuan habang hinihintay siyang lumabas ng sasakyan ko.




"Thank you po pala sa dinner at groceries, Ma'am." Dagdag ko pa. Kaya tumayo na siya at lumabas ng sasakyan ko.



Tumango ito at ngumiti, "Don't mention it. Sana maulit, I won't hesitate to cook anything for you."



She stepped forward and slightly tiptoed to reach me for a kiss on my right cheek. "Thank you sa paghatid, that's my payment for your service. Mag ingat ka pauwi and put some ice pack on your left cheek." She gently taps my shoulder and gets inside the gate of her house leaving my heart in an unusual beat again.



After how many minutes of contemplating myself's sanity ay napagdesisyunan ko nang bumalik sa unit ko nang may ngiti na naman dahil sa ginawa ni Ma'am.



Napapadalas na ang pagiging malapit namin, natatakot ako baka masaktan ako neto sa huli. Naalala ko na naman yung sinabi niyang may hinihintay siyang someone niya.



Biglang nalukot ang mukha kong nakangiti at napalitan ng seryosong mukha. Ganito pala pakiramdam magmahal. Wala pa ngang kasiguraduhan nasasaktan na ko.



Pasalampak na nakadapa akong humiga sa mahabang couch ko sa sala. Yinakap ko ang unan na kanina lang ay yakap ni Ma'am. Ang bango, amoy matamis. Kaamoy niya.



Binuksan ko na lang ulit ang T.V. at pinagpatuloy ang pinapanuod niya kanina. Ilang sandali pa ay may nagdoor bell sa pintuan ko.



Wala naman akong inaasahan pumunta ngayon? Chineck ko muna ang phone ko kung may message ni Bridge pero wala naman kaya nagtaka ako kung sino ang pumunta ngayon dito.



Tumayo na ako sa pagkakadapa ko at nagtungo sa pintuan. I first checked the peeping hole to see who it was but I don't see anyone standing there kaya binuksan ko ang pinto ko para masigurong wala ngang nantitrip sa akin dahil irereport ko iyon sa management kung sakaling may ganoon nga.



As the door clung opened, I am completely surprised when I saw a bouquet of flowers in front of my door. It's a bouquet of gardenia flowers sitting prettily on the floor.



Pero dahil sa naisip na baka pakana na naman ito ni Daddy ay dinampot ko iyon without looking at the small card that was attached to it at inilagay ko agad iyon sa loob ng trash bin ko.



Pinatay ko na rin ang T.V. ko na kanina pa nagpeplay. Mag-aaral pa pala ako kaya dumiretso na ako sa study table ko at dinala ang phone kong naiwan sa table kanina.



Hindi ko pa man din naoopen ang laptop ay umilaw na ang phone ko dahil sa isang notification na natanggap ko. Kaya chineck ko agad iyon at nang makitang si Ma'am Adler iyon ay binasa ko kaagad ang message niya.




My Crush:

Have you received the flowers?


My jaw dropped immediately at dali dali akong lumabas ng kwarto para kunin ang bulaklak na tinapon ko sa trash bin kanina.


Bigay ni Ma'am? Bakit?



Buti na lang at hindi pa nadumihan dahil masyadong malaki ang bouquet ng bulaklak kaya hindi siya pumasok ng husto sa basurahan ko.


Okay pa ang bulaklak. Whooo! Pero teka! Si Ma'am talaga nagbigay?

Inilapag ko iyon sa tabi ng vase sa loob ng kwarto ko nang makabalik ako ulit sa loob. I checked her messages again.



Did you like it?

It's just an appreciation
for letting me in your unit

Zamora?

You left me on read again

Are you mad becoz of it?

Hmm, Good night :)



Shit! Naloko na. Bakit naman kasi ganito siya? Ginugulo niya ang buong sistema ko.



Nagtipa ako ng reply sa kanya. Nagpasalamat ako sa bulaklak na bigay niya kahit gabi na. Pero hindi na siya nagreply, mukhang natulog na nga siya kaya nagdecide na lang akong ituloy ang mga pending school works ko.




While I'm done making some of my school work, I decided to continue my research for my thesis. I checked the time on my laptop and it's already 12 AM. I should be asleep right now but sleep isn't with me tonight. Maaga pa ang pasok ko bukas. Just great!




I decided to stand up from my seat and did some stretching while walking out of my room. I'll make myself a coffee kahit siguro 1 hour lang ang spent ko sa thesis basta may madagdag na progress.




After several minutes ay bumalik na ako sa study table ko with my coffee. I grab the book I got from my father's office and look for some references that will help me add up to my thesis.




As I was browsing the pages, something caught my attention. Parang may mga nakaipit sa loob ng libro kaya agad kong binuklat halos lahat ng pages and hindi nga ako nagkamali. May nakaipit nga! It's a photo of two women, all smiles. I recognize the other one because it was my mom and the other one is familiar too but I don't know where ko siya nakita before. Nakaakbay si mom sa balikat nung isang girl and I saw a glimpse of their background. It has a VWF logo. Yung foundation for abused women na pinuntahan namin before. Parang nakita ko na yung itsura niya somewhere hindi ko lang talaga matandaan.




Suddenly, I remembered Nanay Emy. She gave me her number na nakasulat sa likod ng pic ni mommy kaya kinuha ko agad yun sa wallet ko dahil doon ko yun nilagay.




I added the number to my contacts. I'm about to send her a message when my eyes landed on the back part of the photo of my mom and the other woman.



It has a letter written on it.


Here's a cute memory of us together at the foundation. Emelia told me you're getting married. It breaks my heart to hear that but I know I broke your heart first. How cruel is the standard of the world to us women?

I hope we can see each other again soon. I'll wait for you at the next charity event of VWF and CCF.

Longing for you,
Tilly Uzzaleah





WHAT!? WHAT!? Oh my god! What is the meaning of this? Are they best friends or what?



Nagising ang diwa ko sa nabasa ko. Lalo akong nacurious kaya hindi na ako nag atubiling i-message si Nanay Emy. I told her if we can talk tomorrow over the phone or might as well in person and next week ako pupunta ng Batangas.



I really don't know why but my gut is telling me that my father's statement nung nalaman niyang I like women was also pertaining to my mom. Kaya ba sila magdidivorce? Shit lang!



Hindi impossible yung naisip ko and who's this woman named Tilly Uzzaleah?



I tried browsing more of the pages and mayroon pa akong nakuha na isang picture. This time sa CCF naman ang lugar dahil pamilyar yung office kung saan sila nagpicture. It has 4 people in it.



My mom, the woman named Tilly, the head of CCF--the woman I talked to regarding Trixie's adoption. Namukhaan ko siya dahil hindi ganoon nagbago ang itsura niya. Lastly, a little girl which is also very familiar to me. I checked the back of the photo but it has nothing on it.



Napabuntong hininga ako at tinanggal ang salamin sa mata ko. Sinapo ko ang noo ko gamit ang dalawang palad ko.



Ang daming tanong sa utak ko. Ang dami kong gustong malaman na naman.



I rested my head on my folded arms that were above my study table. I feel like being a curious person is exhausting but being dumb of what is happening around me is much more draining.



I started to close my eyes for a while to rest my brain from overthinking but I never thought that I could fall asleep entirely.



That little girl's face....






*******

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 108K 42
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
2.6M 151K 48
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
7.3K 202 30
[GXG•PROFXSTUDENT] basahin nyo nalang mga bading #gxg #studentxprof
4.6K 155 43
Rylie Ysabelle Monteverde is your typical college girl. Smart, kind, charming, and a model daughter any parents would desire to have. Cause for her...