(R-18)A TASTE OF BEBENGKA

By KeichiYeol

57.2K 2.2K 436

*EMBRACE YOUR PASSION AND ALLOW YOUR STRENGHTS TO GROW. YOUR CONFIDENCE IN YOUR ABILITIES WILL NATURALLY GRO... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32

CHAPTER 6

1.7K 82 15
By KeichiYeol

NAGPATULOY na ako sa paglalakad patungong PE locker room para doon magpalit ng damit.

Sobrang di na katanggap-tanggap ang amoy dahil sa likidong malagkit na lumapat sa buong katawan ko. Hindi ko mawari kung anong klasing dumi ba itong itinapon nila sa'kin.

Sobrang baho!

Samantala hindi parin mawala sa isip ko mga katagang binigkas ni Fidel kanina bago pa man nito akong iwan.

Ano kayang nais niyang ipahiwatig? Naku-curious tuloy ako sa pagkatao ng lalakeng yun.

"Di bale na nga, basta wag lang niya uulitin ang ginawa nito kanina dahil malalagot talaga sa'kin ang isang 'yon. Subukan lang niya!"Naiinis na bulong ko nang makapasok na ako sa loob ng locker room.

Ngunit

Napahinto ako bahagya ng may dalawang bulto ng tao ang nahagilap ng aking paningin mula sa kasulok-sulukan nitong locker room.

Marahan akong sumilip doon para alamin kong ano ba ang ginagawa nila.

Subalit ganun nalang ang panlalaki ng mata ko sa aking nakita.

"Hmmm...ahhh babe!"

Mahinang ungol ng babae habang mabilis namang gumagalaw sa likod nito ang lalake.

Langya naman oh, dito pa talaga nila naisipang gumawa ng milagro. Mga tinamaan ng kalibugan!

Hindi  man lang nila ako napapansin kaya tuloy lang ang mga ito sa ginagawa.

Pigil talaga ang ungol ng babae pero halata naman na nag-eenjoy ito sa kung ano man ang kaligayahang nadarama niya dulot ng walang patid na paggalaw ng lalake sa kanyang likod.

Tanging mga saplot lang sa pang itaas ang suot ng mga ito dahil nasa sahig na ang ibang parti ng kasuotan nila.

Nakatuwad lang naman si babae habang nasa likod nito si lalake na mukang nag-eenjoy na din sa ginagawa.

Bago pa man ako mawalan ng hwisyo sa kahihiyang ginagawa nila ay maingat kong binuksan ang aking locker para kunin ang PE t-shirt ko don at nang aking back pack.

Maingat kong ipinasok sa loob ng back pack ang mga libro ni Joly pati na ang PE t'shirt ko. Mamaya ko na iyon susuotin dahil nakakahiya naman dito pa ako maghubad eh inunahan na ako ng dalawang ito.

Pagkatapos ay dahan-dahan kong  isinara ang locker para nang saganon hindi ako makagawa ng ingay dahil nga baka mapansin nila ako.

"Babe sige pa...malapit na ako ahhh!"

Mahinang halinghing ng babae. Napapailing nalang talaga ako, naku lagot ang mga iyon once na mahuli sila ng ibang tao.

Kasi kung ako lang naman, wala akong pakialam sa mga ganyan. Parang nakakasanayan ko na kasi, dati sa old school namin madalas na din ako makakita ng ganitong eksena eh.

Pero sa totoo lang talaga sobrang nakakahiya, ako na ang nahihiya sa pinaggagawa nila.

Pero hindi ko naman sila masisi dahil marahil dyan sila masaya. Ganyan talaga siguro nagagawa ng mga taong inlab.

Kailangan ba talaga humantong sa ganyan kapag in love ang dalawang nagmamahalan?

Tsk! Whatever nalang.

Palabas na sana ako sa pinto nang biglang umalingawngaw sa kabuoan ng room ang aking selpon.

Natampal ko nalang ang aking noo ng mapansin ang pagtigil ng ungol ng babae.

"B-babe may tao yata."Saad ng babae.

"Sino yan?"Dinig ko naman na sambit ng lalake.

Hindi na ako nag tangkang lingunin pa ang dalawa dahil kaagad akong lumabas saka sinagot ang tawag.

Naisip ko, malamang hiyang-hiya ang dalawang iyon dahil nalaman nilang may isang tao pala sa loob bukod sa kanila.

Well, diko na kasalanan 'yun. Pwede naman kasi sila maghanap ng lugar kung saan walang makaka huli or makakakita sa kanila.

Pero don pa talaga sa locker room nila naisipang magparaos, hayysst mga kabataan nga naman. Nakakahiya, ka edad ko pa naman din sila.

"Hello, Brando napatawag ka?"Paunang tugon ko sa pagsagot ng tawag.

["Bakla, umuwi kana dali!"]Dinig kong sagot ni Brando mula sa kabilang linya at halatang natataranta ito dahil sa tono ng ganyang pananalita.

Ako naman ay biglang kinabahan sa di malamang dahilan. Di naman kasi basta tatawag ang lalakeng ito kung hindi importante.

"Bakit? Anong problema?"Nagtatakang tanong ko.

["Si...si kuya Ahmon kasi, basta mahabang kwento bakla. Kaya magmadali ka nang umuwi, kanina pa umiiyak si lolabels. Dalian mo."]

Pagkarinig ko non ay kaagad akong lumiko sa isang hallway patungong restroom at doon nalang magpalit ng damit.

Dahil nasusuka na talaga ako sa amoy na nakadikit sa katawan ko.

At pagkatapos ay nagmamadali na akong tumakbo palabas ng gate.

Naiinis ako na di pa binanggit ni Brando ang nangyayari pero pinatay ko nalang ang selpon para mabilis na makauwi.

Nag-aalala na tuloy ako sa kung ano na ang kaganapan doon.

Agad akong pumara ng taxi, saka sinabi sa driver ang location at agad naman nito pinatakbo ang kotse.

Ilang minuto pa nakarating na ako sa tapat ng aming bahay, sobrang natataranta na din ako kaya halos madapa na ako sa pagtakbo makarating lang agad sa bahay.

Pagpasok ko sa loob tanging si Brando at lola lang na nakaupo sa sofa na nasa maliit na sala at umiiyak ang nabungaran ko.

Nakaakbay naman sa kanya si Brando para patahanin ito subalit kitang-kita ko ang mga luhang nagkalat sa pisngi ng aking lola.

Bigla ay nanlambot ang tuhod ko sa ganung eksena, ayaw na ayaw kong nakikita siyang umiiyak.

Mabilis ko siyang tinungo saka umupo sa tabi niya."la? La anong nangyari? Bakit ka po umiiyak?"Sobrang nag-aalalang tanong ko.

Pagkwan ay ini-angat nito ang kanyang mukha upang sa akin tumingin na luhaan parin.

"A-ang kuya mo, ang kuya Ahmon mo."'Mas dumagsa ang luha nito ng sabihin ang mga katagang iyon.

Ako naman ay hindi na mapakali."Anong si kuya? Bakit anong nangyari kay Kuya Ahmon?"Akmang tatayo pa sana ako para puntahan ang kwarto ni kuya Ahmon nang magsalita si Brando na naiiyak na din.

"Bakla, kinuha nila si Kuya Ahmon. Kinuha ni Tito Jack, ni hindi na nga namin napigilan eh. Wala na kaming nagawa ni lolabels, sapilitan talaga nilang kinuha si kuya Ahmon."Mangiyak-iyak nang sambit ni Brando.

Nanlumo naman ako sa aking nalaman."Hindi, hindi nila pwedeng kunin si kuya ng ganon-ganon lang. Bakit? Anong pinaplano nila at sapilitan nilang kinuha si kuya? Ni hindi man lang sila nagpaalam sa akin, ni hindi man lang sila nagsabi na pupunta sila dito para kunin si kuya? Sa anong dahilan at bakit nila ginawa yon?"Hindi ko na napigilan ang sarili na maiyak at malakas na salitang binibigkas ang mga katagang iyon.

Tito Jack, siya ang bunsong kapatid ng nanay ko. May kaya ang tao na iyon, nakatira siya sa ibang bansa at doon na din bumuo ng sariling pamilya.

Hindi sila magkasundo ng aking nanay sa di ko malamang dahilan. Maliit pa kasi ako noon nang huling beses ko makita si Tito Jack, sa time na iyon ay lagi nalang sila nagbabangayan ng aking Ina.

Tuwing dadalaw sa bahay si Tito Jack ay puro bangayan nalang maririnig ko sa kanila.

Dahil bata pa ako noon kaya wala ako matandaan sa dahilan ng hindi nila pagkakasundo.

Ang matatandaan ko lang noon ay ang mga sinabi ni Nanay sa kanya na wag na wag daw nito pakikialaman ang buhay namin.

Hindi ko alam kung sino ba sa kanila ang papanigan dahil nga wala akong alam kung bakit ganon nalang sila kung umasta sa isat-isa.

Wala rin sinasabi sa akin si Lola at hindi ko na din binabalak itanong pa mga yon. Dahil sapat na sa akin ang mamuhay na kasama si Lola at Kuya Ahmon.

Kahit iniwan na kami ng magulang namin nang walang sapat na dahilan ay nakayanan naman namin mabuhay ng tahimik.

At wala na din akong balak hanapin kung nasaan na sila ngayon.

Nakapagtataka lang na bakit ngayon ay nakikialam sa amin si Tito Jack at inilayo pa talaga nito sa amin si Kuya Ahmon.

"Ako man nagulat din sa biglaan nilang pagdating dito kanina, ang dami nila. Sa palagay ko mga tauhan ni Tito Jack iyong anim na lalakeng  kasama niya."Tugon naman ni Brando at halata sa boses nito ang galit.

"Bakit niyo pinayagang kunin nila si kuya, lola? Anong binabalak ni Tito Jack kay kuya? Hindi ko maintindihan. Hindi na dapat nila tayo pinakikialaman dahil wala naman silang ambag sa buhay natin eh. Kaya natin mabuhay ng di humihingi ng tulong sa kanila. Pero ano 'to? Anong ibig sabihin nito lola?"Patuloy parin sa pag iyak na binalingan ko si lola.

Pagkwan ay marahan siyang humawak sa kamay ko saka pinakatitigan ako ng maigi.

"Hindi ko nasabi sa iyo nitong mga nagdaang araw apo, tumawag ang Tito Jack mo at nataon na ako ang nakasagot ng tawag niya. Sinabi na nito na pupunta siya para sa kuya mo, pero hindi naman niya sinabi ang dahilan. Kanina ko lang nalaman ang totoong dahilan kung bakit niya kinuha ang kuya mo. Wala akong magawa dahil para din iyon sa kuya mo, nalulungkot lang ako dahil mawawalay na sa atin ang kuya mo." Mahabang paliwanag na ani lola.

Napadilat-mata akong napatitig sa kanya dahil sa mga sinabi nito."Anong ibig niyong sabihin lola? Anong sinabi ni Tito Jack? Bakit niya kinuha si Kuya Ahmon?!"

"Ang sabi ng Tito mo sa akin kanina, dadalhin nito sa Canada ang kuya mo para doon ipagamot. Dahil nag-aalala na daw ito sa kalagayan ng kuya Ahmon mo, matagal na panahon na daw na hindi bumabalik sa dati ang kuya mo kaya napagpasyahan niyang kunin satin si Ahmon para ipagamot. Labag man daw sa loob niya ang suwayin ang kagustuhan ng Nanay mo pero hindi daw nito kayang hayaan nalang na ganyan ang kuya mo habang-buhay"Bakas sa boses ni lola ang pag-aalala and at the same di rin nito maitatago ang konting saya sa dahilang maipapagamot na si Kuya Ahmon.

Napahugot ako ng malalim na hininga dahil sa mga sinabi ni lola. Doon ko lang napag alaman na maganda naman pala ang hangarin ni Tito Jack kung bakit nito inilayo sa amin si kuya.

"To think na maipapagamot na si Kuya Ahmon ay kahit papaano nakakagaan na din ng pakiramdam. Kaya lang nakakalungkot lang na wala siya sa piling natin huhu."Malungkot na saad naman ni  Brando.

"Siguro mas mabuti na din ang ganon, gustuhin ko man maipagamot si kuya pero di parin talaga sapat ang kinikita natin. Maaaring mas mapapagaling si kuya don sa Canada, isa pa Doctor ang asawa ni Tito Jack kaya magtiwala nalang tayo. Masakit lang para sa akin ang di man lang nabigyan ng pagkakataong makapag paalam kay Kuya. Nakakalungkot lang isipin na wala na siya,at hindi natin alam kung kailan ulit natin siya makikita."Hindi ko na din naitago ang mga luha sa aking pisngi.

Dahil sa lungkot na nararamdaman namin kaya napayakap nalang kami ni Brando kay Lola na wala parin tigil sa pag iyak.

Matagal na panahon din namin nakasama si Kuya kahit na ganon ang kalagayan niya. Never namin siyang pinagdamutan ng oras pagdating sa pag-aalaga at pag-aaruga. Dahil sobrang mahal na mahal namin si Kuya.

Pero marahil ay ito na din ang nararapat para gumaling na siya. Sana nga gagaling na si Kuya, sa totoo lang namimis ko na din pagiging sweet niya sakin noon.

Lagi niya akong pinapatong sa likod niya tuwing magbebenta kami ng bibingka sa bayan.

Tapos siya lang din nagturo sa akin na maging matapang noon mga bata pa kami.

Sinasabi nito sa akin na kapag inapi ako ng ibang tao, lumaban daw ako. At wag ko daw hahayaang apak-apakan ng iba. Dapat ipagtanggol ko rin ang sarili ko.

Pero mula nang madisgrasya sya,doon na ako nawalan ng kalaro at wala nang nag-aalaga sa akin.

Wala na din nagtatanggol sa akin pag may umaaway sa akin. Pero ganon pa man natutunan ko na din ipagtanggol ang sarili.

Kahit ngayong malaki na kami, aaminin ko nakakamis din ang dating kuya Ahmon ko.

Gusto ko na din marinig ang boses niya, hindi na ang matinis na boses ng isang batang Ahmon kundi ang isang binatang Ahmon na kuya ko.

Kahit papaano gumaan naman pakiramdam ko na may pag-asa pang manumbalik sa dati ang kuya Ahmon ko.

"I think, we have to wait nalang sa pagbabalik niya. At kapag dumating ang time na yon, siguradong isang normal na Kuya Ahmon na ang haharap sa atin."May ngiti na turan naman ni Brando na punong-puno ng pag-asa.

"Tama ka bakla, hintayin nalang natin si Kuya. Alam ko babalik yon sa atin pag magaling na siya."Masayang saad ko naman upang mabawasan ang aming kalungkutan.

Dapat think positive lang kami at aasang gagaling din si kuya Ahmon.

Muli kong niyapos ng yakap si lola na medyo kalmado na pero humihikbi parin. Ngunit may napansin akong malaki na blue bag na nakapatong sa mesa na nasa harapan namin.

"La, ano yan?"Tukoy ko sa bag na iyon.

Naalarma naman agad si lola nang makita ang bag na itinuro ko."Iyan ang bagay na iniwan ng Tito Jack mo, hindi ko rin alam ang laman nyan."Ani lola.

Agad naman iyon nilapitan at hinawakan ni Brando."Ngayon ko lang ito napansin ah,buksan natin?"Baling nya sa amin ni lola.

Nagtataka man ay sinang-ayunan nalang namin si Brando na tingnan ang laman non.

Dahan-dahan naman nito iyon binuksan at ilang sigundo pa bumungad sa amin ang limpak-limpak na pera sa loob non.

Halos walang salita na lumabas sa bibig naming tatlo sa aming nakikita. As in napaka raming pera non, sa gulat ni Brando agad nya ito naisara saka napahakbang palayo.

"Oh em Z! Ano yan? Totoo bang pera yan? Ang dami."Di makapaniwalang sambit niya.

Ako man ay napalunok sa pagtataka and at the same time sumagi sa isip ko kung bakit nag-iwan ng pera si Tito Jack ng ganyan karami.

"Lola, anong sabi ni Tito Jack nang ibigay niya ang bagay na yan sayo?"Pagkwan ay nag-aalalang tanong ko kay lola na bakas sa expression nito ang pagkabahala.

Minuto bago nakapag salita si lola."Wala siyang sinabi sa akin apo, basta nalang niya yan ini-abot sa akin. Pero..."Bago pa man matuloy ni lola ang iba pa nitong sasabihin ay siyang pagtunog naman ng selpon ni lola na nakapatong sa isang mesa na nasa likuran ni Brando.

Nagkatinginan pa kaming tatlo at bawat isa sa amin ay nagmistulang estatwa.

Subalit mabilis akong tumayo tsaka lumapit doon at sinagot ang tawag nang makita ko ang pangalan ni Tito Jack.

"Hello, Tito Jack!"Napaka lamig na tugon ko.

Sigundo naman bago sumagot ang nasa kabilang linya.["Oh, Chiara. Good thing na ikaw ang nakasagot ng tawag ko."]

Napa kuyom ako sa aking kamao dahil nakaramdam ako ng galit. Maraming rason upang magalit ako sa kanya, una, basta-basta nalang nito kinuha si Kuya sa amin, pangalawa, ni hindi man ako nito kinausap para sa binabalak niya.

At pangatlo, naiinis ako dahil di man lang ako nakapag paalam sa kuya ko.

"Tito Jack! Kailangan kong malaman kung bakit niyo ito ginagawa? Bakit niyo inilayo sa amin si Kuya ng walang pasabi sa akin?! Oo naiintindihan ko ang gusto niyong mangyari na mapagamot si kuya. Pero hindi naman po ata tama na basta niyo nalang siyang kukunin sa amin!"Turan ko sa kanya habang pigil ko ang hindi maiyak.

["I'm sorry hija, nataon lang kasi na wala ka sa bahay kaya hindi na kita nahintay. Naghahabol kasi kami ng oras, at nasa airplane na kami at this moment. Ilang minuto lang aalis na kami. Pasensya kana, wag kang mag-alala magkikita pa naman kayo ng kuya mo. Kapag magaling na siya alam kong kayo agad ang hahanapin niya. Alamo kasi hija sobrang nag-aalala lang ako sa kalagayan ng kuya mo, kaya noon pa man gusto ko na talaga siyang tulungan na maipagamot. Alam ko magagalit sa akin si ate kapag nalaman niya itong ginawa ko, pero wala na akong pakialam dun. Dahil wala na rin naman akong balita sa nanay mo, para sa akin napaka iresponsable nilang magulang dahil sa murang edad ay..."]

"Ayoko pong pag-usapan ang tungkol sa kanila Tito Jack. Kaya please wag niyo na sila mabanggit pa!"Putol ko sa iba pa nitong sasabihin dahil mas kumulo ang galit sa puso ko nang mabanggit nito ang kawalang kwentang magulang ng aking nanay at tatay sa amin ni Kuya.

["Sorry hija."]Mahinang paghingi naman nito ng paumanhin.

Now ko lang napagtanto na mabuti pala talaga ang kalooban ng Tito kong ito. Sobrang layo ng pag-uugali niya sa nanay ko.

"Basta po kapag gumaling na si kuya, aasahan namin ang pagbabalik niya dito. Tito Jack, ingatan niyo po ang kuya ko."At tuluyan na nga akong napahagulgol ng iyak.

["Oo hija,ako nang bahala sa kuya mo. Don't worry, alagaan mo nalang ang lola mo ah. Alam ko sobra kayong nalulungkot ngayon dahil sa mawawalay na ang kuya Ahmon mo. Pero asahan niyong babalikan niya kayo balang araw. Pinapangako ko yan."] Sa klasi nang pagkasabi nun ni Tito Jack ay naramdaman kong napaka seryoso niya sa mga sinabi nito.

Kaya kahit papaano napagaan nito ang nararamdaman ko."Salamat po Tito Jack, asahan po namin yan. Mag-iingat po kayo. Basta tatawag kayo sa amin ah kapag maayos na ang lahat kay Kuya."Pinilit kong pasiglain ang aking tinig.

Dinig kong napatawa ng mahina si Tito Jack sa kabilang linya. Iyong tawa na parang pinapahiwatig nito na wag na akong mag-alala at magiging okay din ang lahat.

["Yes hija, tatawag ako kapag okay na ang lahat. Nga pala, may iniwan akong pera sa lola mo. Gamitin niyo yan sa pag-aaral mo at sa iba pang gastusin niyo. Pero nasa sayo parin kung lilipat ka ng school or mananatili kalang dyan sa probinsya. Nasa sayo parin ang decision Chiara. At isa pa hija, may ibinigay akong bahay na pinangalanan ko sayo sa MAKATI."]Tito Jack.

Nanlaki ang mata ko sa huling sinabi nito."Po? A-anong ibig niyong sabihin Tito Jack?"Gulat at hindi makapaniwalang saad ko.

Hindi ko ito inaasahan, na may mga ginawa siyang bagay na mas ikakagulat ko pa.

Muli naman siyang napatawa ng mahina.["Yes hija, ano mang oras ay pwede na kayong lumipat doon. Sarili mong bahay na iyon dahil nakapangalan sayo. Alam kong tatanggihan mo ang bagay na ito kapag sinabi ko sayo, pero wala ka nang magagawa dahil andyan na yan. Tulong ko na din yan sa inyo ng lola mo, nasa ilalim ng bag na yan ang mga documents at address. Oh siya sige kailangan na natin tapusin ang pag-uusap dahil malapit na kaming umalis. Sige hija, mag-aral ka ng mabuti ah."]

Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay siya namang pag end sa tawag.

Nabitawan ko ang selpon dahil sa hindi inaasahang pahayag ni Tito Jack. Kasabay naman non ang mabilisang paglapit sa akin ni Brando at lola.

Labis ang pagtataka sa kanilang mukha at pilit inaalam kong ano mga napag usapan namin ni Tito Jack.

Ilang minuto akong di nakakuha ng sasabihin sabay lingon sa malaking bag na nasa mesa.

"Gurl, anyare sayo? Anong napag usapan niyo ni Tito Jack? Ba't ka natulala dyan?"Pag-aalog sa balikat ko na tanong ni Brando.

Naramdaman ko naman ang palad ni lola na nakadampi sa noo ko, inaalam kong may sakit ba ako or something.

"Apo? Anong nangyayari sayo? Magsalita ka nga. Anong sabi ng Tito mo?"Punong-puno na pag-aalalang tanong ni lola.

Doon pa ako tuluyang natauhan at sabay lunok ng paulit-ulit. Nang makakuha na ako ng tyempo upang magsalita ay agad ko naman ikinwento sa kanila ang mga napag-usapan namin ni Tito Jack.

At ganoon nalang ang pagtitili ni Brando sa tuwa ng marinig nito ang mga sinabi ko.

Maging si lola ay hindi rin makapaniwala sa mga nalaman nito."Pagpalain nawa ng maykapal ang Tito Jack mo apo, napaka buti ng taong iyon. Sobrang laking tulong na ito sa atin at lalo na sayo."

Hindi ko alam kung mapapangiti ba ako or ano. Hindi parin kasi nagsisink sa utak ko ang lahat.

Ibig sabihin lang nito ay lilipat na kami sa isang bahay na bigay sa akin ni Tito Jack.

"Tingnan natin ang address bakla, grabi, bigla akong na excite na makita ang bahay mo bakla."Sa kalikutan niya ay mabilis nitong hinalungkat sa loob ng bag ang documents na sinasabi ni Tito Jack.

Nang ilang minuto pa ay nahanap na niya iyon saka binuksan. Binasa niya ang nakasulat doon, at tama nga si Tito Jack. Totoo ngang nakapangalan sa akin ang bahay na tinutukoy nito.

Ngunit

Nagtaka ako ng biglang huminto sa pagbabasa si Brando. Nanlalaking mata siyang titig na titig sa isang papel na hawak.

Kaya nagtaka na ako sa inasal nito. Agad ko naman kinuha sa kanya ang papel para nang saganon ako na ang magbasa.

At ganon nalang din ang pagkagulat ko sa aking nabasa.

Makati Area Village.
House #10
Near at the LAOS VILLAGE(MONTERELAOS FAMILY CLAN)

"Totoo ba ito?"Sambit ko nalang na pawang di parin makapaniwala.

"Bakit apo? Anong meron dyan?"Nagtataka naman si lola.

Kaagad naman sumingit si Brando na halata talagang di mapakali sa pagkamangha.

"Lolabels, ang bahay na bigay ni Tito Jack kay Chiara ay nasa Makati."Brando.

"Oh, ngayon?"Pagtataka paring tugon ni lola.

"Katabi ng Village ang sikat na LAOS VILLAGE."Pagpapatuloy ni Brando.

"Ngayon? May problema ba dun?"Lola.

"Lolabels,ang LAOS VILLAGE ay isang napaka laking Village kung saan nakatayo ang naggagandahang bahay ng mga Monterelaos."Nangingislap matang anito.

Napaangat naman ang noo ni lola ng may parang naalala ito."Ibig mo bang sabihin, pamilya ni señorito Kiero ang mga nakatira doon?"Aniya.

Sabay palakpak naman itong si Brando."Binggo lolabels, tama ka dyan. Doon nga nakatira ang mga Monterelaos na pinsan ng asawa ni ate Richel na si Señorito Kiero. Malamang sa malamang doon din nakatira ang long time crush ko na si Kira."Bakas talaga sa boses nito ang pagkagalak habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Nakita ko naman na napangiti si lola saka bahagyang lumingon sa akin."Kung gayon, doon din ba nakatira ang binatang pinsan ni señorito Kiero na si Delvin? Natatandaan mo paba siya hija? Yung binata na..."Hindi pa man natukoy ni lola ang ibang sasabihin nang muling humirit itong si Brando.

"Ang pagkakaalam ko lolabels, tanging mga may asawa lang na Monterelaos ang nakatira don. Ayon sa rules nila, kapag ang isa sa mag pipinsan ay may asawa na or sariling pamilya eh doon na titira sa Village. Kaya yung mga wala pang asawa ay hindi pa pwedeng manirahan doon."Paliwanag nito.

"Ganon ba yon?"Lola.

"Yes lolabels, bakit may asawa naba yang si Delvin?"Tanong naman nito.

"Abay hindi ko rin alam, matagal kona hindi nakita ang batang 'yon simula lumipat kami dito. Matagal na din kami hindi nakauwi sa dating bahay eh malapit kila Maam Richel. Malaki na siguro mga anak nila, naku napaka bait ng mag asawa na yon sa amin."Masayang tugon naman ni lola.

Napangiti ako ng bahagya, dahil sumagi sa isip ko ang kabutihang loob ni ate Richel at ng asawa nito sa amin ni Lola noon.

Lagi nila kami binibigyan ng isang sakong bigas noon, actually not just me and lola kundi nang buong barangay binibigyan nila.

Kaya simula nang don sila manirahan sa bario ay laking tulong talaga sa lahat ang mga pinamimigay nilang pagkain sa amin.

Matagal na din kami hindi nakadalaw doon ni lola. Simula kasi nag high school ako eh dito na kami nanirahan.

Di naman ito ganoon kalayo mula sa dati naming bahay. Isang sakayan lang ng bus makakarating na doon.

Subalit dahil nga naging abala na kami sa aming buhay kaya nakaligtaan na din namin ang dumalaw doon.

And speaking of Delvin, nakapag tatakang hindi man lang talaga siya nagtext or tumawag man lang. Baka sobrang busy lang niya, pero hindi talaga siya mawala sa isip ko. Ano na kaya ginagawa non?

"Ikaw bakla, may balita kana ba sa childhood crush mo?"Mapanuksong baling naman sa akin ni Brando na may ngising ngiti sa labi nito.

"Wala pang asawa yon!"Mahinang sambit ko.

Napakurap-mata naman lumapit sa akin si lola."Talaga apo? Nagkita naba kayo? Kailan pa?"Halatang sabik na aniya.

Ako naman ay minuto bago nakasagot."Bago lang, nagkataon na magkita kami at sigurado akong wala pang asawa yon."Sambit ko.

"Talaga? Naku mabuti naman kung ganon. Kapag nagkita ulit kayo dalhin mo siya dito ah."Masiglang saad naman ni lola.

Talagang gustong-gusto niya si kuya Delvin kahit noon pa man, sila ni kuya Kira. Siguro dahil malambing sa matatanda ang dalawang yon kaya gustong-gusto sila ni lola.

"Hot din ba siya tulad ng iba nilang pinsan? For sure yummy din siya noh. I want to meet him soon, baka siya na ang para sa akin."Malanding sabad naman ni Brando.

Hinampas ni lola ang braso nito dahilan para mapadaing siya sa hapdi nun. Ang lakas ba naman ng hampas ni lola eh.

"Ayan ka nanaman sa kalandian mo Brando, naku tama na nga ang pag-uusap na ito. Halika na sa kwarto ni Ahmon, tulungan mo akong ayusin ang mga gamit niya."Pagkwan ay naglakad paliko si lola papasok sa room ni kuya Ahmon.

Susunod na sana itong si Brando pero..."Kailan mo balak lumuwas ng maynila bakla? Uyy sama ako ah. Gusto kong makita ang crush ko, si Kira at..."

"Brando! Ano pang ginagawa mo dyan, halika na!"Biglang malakas na tawag sa kanya ni lola dahilan upang di nito natapos ang sasabihin.

"Hindi ka talaga nakaka move on kay kuya Kira noh, mabuti pa samahan mo na si Lola. Aayusin ko lang ito at susunod ako after. Saka na natin pag usapan ang tungkol sa bagay na yan dahil wala pa akong balak iwan ang probinsyang ito. Kaya sige na tinatawag kana ni lola bakla."Seryosong sagot ko naman saka maingat na inayos ang bag na naglalaman ng pera.

"Basta asahan kong isasama mo ako dun ah, at saka Kira is my long time crush at hindi na mababago pa yon."Kinikilig na tugon niya.

"Kahit pa may asawa na siya?"Tanong ko.

"YES, wala akong paki kung may asawa na siya."Pagtataray niya pa.

Napapailing nalang ako."Naku, ewan ko sayo bakla."Saad ko nalang.

"So kailan naman kayo ulit magkikita ni Delvin? Pakilala mo siya sa'kin ah. Para naman..."Di pa nito natukoy ang sasabihin ng muli siyang tawagin ni lola.

"Brando!!!"Lola.

Nataranta namang napatakbo palapit kay lola si Brando."Andyan na po. Heto na nga papasok na."

Napapailing nalang ako sa inasal ng dalawa. Ganyan talaga sila kaingay na maglola, ito naman kasing pinsan ko napaka pasaway din at mukang tuwang-tuwa pa nga kapag naaasar nito si lola.

Matapos kong ayusin ang laman ng bag ay maingat ko iyon binitbit saka naglakad patungo sa loob ng kusina nang biglang tumunog ang aking selpon.

Message; ("Chi! Where are you? Kanina kapa namin hinihintay. Tapos na ang lecture natin sa English pero ni shadow mo hindi na namin nahagilap. Asan ka ba?")

A message from Joly.

Naku lagot, naka skip na pala ako sa klase namin. Patay ako nyeto kay prof, pero mas lagot ako kay Joly pag nakita niyang napaka dumi na ng mga libro niya. At hindi na din ako nakapag paalam sa kanila na nasa bahay na ako.

Sige lang, alam ko maiintindihan naman nila ang paliwanag ko.

Magrereply pa sana ako ng bigla naman nag ring ang selpon ko. At doon nakaramdam ako ng kakaibang feeling when i saw the name of the caller.

Delvin's calling...

Minuto bago ko iyon sagutin na parang excited na ewan."H-hello."

["Hi, it's me Delvin. Look, i'm sorry if now lang ako nakatawag ah. Something just came up kaya di agad ako sayo nakatawag. Are you free tomorrow?"]Husky voice nitong saad mula sa kabilang linya.

Dang, namis ko ang boses niya.

"Okay lang,wala naman problema sa akin yon. May pasok pa ako bukas eh, pero sa makalawa wala akong pasok. Bakit pala kuya Delvin?"Masayang tugon ko.

["Thank you, Chiara. Actually magpapasama lang sana ako sayo, may pupuntahan tayo. Anong oras ang end of class mo bukas? Sunduin kita."]Halatang napaka seryoso nito sa kanyang pananalita.

"Mga 4 pm, tapos na ang klasi ko nyan."Saad ko.

["Good, okay i'll fetch you up tomorrow."]Masiglang tugon naman niya.

"Saan pala tayo pupunta kuya Delvin?"Curious kong tanong.

["Do you know Lolo Pilo?"]Pagkwan ay tanong niya.

I know lolo Pilo, kilalang-kilala siya sa bayan na ito. Pero paano niya nakilala si lolo Pilo?

"Oo naman po, kilala ko siya."Sagot ko naman.

["Magpapasama ako sayo papunta sa bahay niya, kung okay lang sayo."]Anito.

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nito."Huh? Eh ang layo ng bahay ni lolo Pilo. Nasa mataas na bundok pa ang bahay niya, malayo pa ang lalakarin bago marating yon. Tapos di rin basta-basta ang madadaanan sa masukal na bundok."Di makapaniwalang sambit ko.

Dinig ko pang napatawa siya sa kabilang linya na animoy natutuwa pa sa mga sinabi ko.

["That's interesting, gusto ko yan. Challenging, kaya sasamahan mo ba ako bukas? I need your help desperately."]Anito.

"O-okay sige, sasamahan kita bukas. Pero sure ka kakayanin mo yon? Ang layo nun eh."Saad ko.

Dahil kabisado ko na ang lugar na iyon. Minsan din kasi kami pumunta doon ng mga kaibigan ko, dahil magkalapit lang ang bahay ng lola ni Joly at lolo Pilo sa bundok na iyon.

Ang tanong, kakayanin ba ng isang Delvin Monterelaos na pasukin ang ganoon kataas at kadelikadong bundok?

Naku, goodluck nalang. Ngunit magandang idea din ito para naman makasama ko siya, sa loob-loob ko di maikakaila na...

Masaya ko.

Dahil nga makakasama ko siya bukas, pero kami lang ba dalawa?

["Nah, you don't have to worried about that. At saka may makakasama tayo papunta don."]Saad pa nito.

May makakasama kami?

Hayyst, sayang. Akala ko pa naman dalawa lang kami.

"Sinong makakasama natin?"Mahinang tanong ko.

["My two cousins, si Brett and Mac."]

"Huh?"The only words that came out in my mouth.

No way, bukod kay kuya Delvin...makakasama namin ang dalawa sa mga pinsan nito.

Tapos...ako lang ang babae? With three gorgeous adonis? OH MY GOD.

***MONTERELAOS.

Abangan ang mga susunod na kaganapan sa next chapter, tatlong magpipinsan ang makakasalamuha ng ating bida sa masukal na bundok.😁

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 36.8K 62
WATTYS WINNER When her fiancé ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...