This Is, Love (GxG)

By ellyciaDC

169K 4.5K 1K

Professor x Student!!! [ Hi, this is my first time finishing a book here on Wattpad. I hope this story entert... More

Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Finale
Author's Gratitude
Special Chapter 1

Chapter 23

2.3K 77 5
By ellyciaDC

(TW⚠️: Abused)

Xyianne







I am waiting patiently here inside the office of CCF. Gusto ko kausapin ang head ng foundation regarding for adoption kay Trixie. As I promised to her that I will get her here in the future. This is the least I can do for now.





Gustong gusto ko rin naman ang batang yon, I was alone for so long dahil nag iisa lang akong anak at ni wala na ring kamag anak kundi si daddy kaya hindi ako nagdalawang isip na kupkupin siya dahil kaya ko naman siyang buhayin.





I always feel loved and happy when that kid is around. Parang bumabalik ako sa pakiramdam na bata ako, yun bang karanasan ng bata na hindi ko masyadong naenjoy dahil sa may kulang akong nararamdaman dati. She fulfilled my inner child.




"Good afternoon, Ms. Zamora. What can I do for you?" Bati ng isang babaeng may katandaan na ang itsura, siguro'y nasa late 40's na siya. Kakapasok lang niya sa loob ng office kaya naman napaayos ako ng upo.





Nang maupo siya sa swivel chair niya ay nagsalita na ako. "Good afternoon din po, bali I'm planning to adopt a child pero ang plan ko po kasi ay hindi ko muna siya kukuhain or isasama sa akin kapag naayos na yung adoption papers. Bali ako na lang po mismo ang kukuha sa kanya dito sa foundation. May kailangan lang po kasi akong ayusin at asikuhin personally that's why I can't get her right away but I'm willing to adopt her."




Masusing paliwanag ko sa matanda. She looks at me sabay ipinatong ang baba niya sa likod ng magkasiklop niyang mga palad. "And who's the child we are talking about, Ms. Zamora?" 





Napalunok ako, nakakatakot din pala ang aura nito. Bigla kasi siyang naging seryoso. "Si Trixie po, I promised her that I will get her out of here soon and she's fine with it so I hope na papayag din po kayo." Pinaglalaruan ko ang mga daliri ko ngayon sa ibabaw ng hita ko. I suddenly felt nervous.




She chuckled amusingly. "You promised a child? That's very bold move of you, iha." Tinanggal niya ang baba niya sa kanyang magkasiklop na mga palad, pinaghiwalay niya ito, ang isang kamay nito ay inaayos ang salamin niyang suot at ang isa niya namang kamay ay tinutuktok ang lamesa na tila nag iisip.





Hindi ko alam kung masaya ba siya sa sinabi ko o hindi. But I have no choice. I want the child.




"You know what, iha. Ang pinakahuli mong dapat gawin sa isang bata is making a promise. Worse case scenario kapag hindi mo tinupad, habang buhay nilang dadalhin yon at hindi nila makakalimutan hanggang pagtanda. Mahirap mag paasa ng bata. Yan ang lagi mong tatandaan. Hindi mo alam ang epekto niyan sa kanila kung hindi ka pa sigurado sa desisyon mo––"





"I'm serious about adopting her, Ma'am."
I said in my monotone voice and looked at her with full of assurance. "I'm not playing around and make foolish decisions just for fun. I will adopt Trixie."




"But you can't for now, right?" I heard a slight mocking in her tone of voice.




I nodded, still, I keep my serious gaze on her.




"You can't, iha. That's not how adoption works. We need someone who would be capable and willingly keep the child with security and assurance. Hindi ito parang ticket sa concert na gusto mong makuha kaya ipapareserve mo. Walang ganon, iha. Hindi ganon kadali ang lahat." She explains in all seriousness. Sumandal na rin ito sa kanyang inuupuan.





I mentally cursed. She's right, nagbabakasakali lang naman akong papayag sila sa gusto ko. But I don't want to break Trixie's heart. I promised her that's why I will do anything to persuade this woman in front of me.





"I swear that I genuinely want to adopt Trixie, Ma'am. I can provide her needs. Not just security and assurance, I can also give her the love she deserves. That child becomes important to me even in a short period of time. That's why I'm begging you to allow me to do this kind of set up for a while. Please, Ma'am?"





I never begged for anyone. Hindi ako yung tipo ng tao na ipipilit ang sarili sa iba para lang makuha ang gusto niya. I'm not like that at all but if it's for someone important to me that I cherish, I will.





"Still, we can't approve of that. I'm sorry, Ms. Zamora––"





"I can pay for it! How much do you want? A million? I'm willing to give you the money right here, right now. Just let me reserve the child for me." I firmly said. Hindi ko na rin napigilang hindi mapatayo at maibagsak ang dalawang palad ko sa table niya para lang pumayag siya sa gusto ko.





Tumawa lang siya at umiling ng mabagal. Tila hindi makapaniwala sa ginawa ko. I clenched my fists that were still above her table para pigilan ang inis ko. This is absurd! She finds it funny? I'm not even joking here! Nauubos na ang pasensya ko.





"Oh dear, hindi mo kami madadala sa bayad. That's a very wrong move. We are not after the money at all. We are for the better welfare and protection of the child. They already suffered enough of the world in their early lives but look at you. Your patience is as thin as the others who hurted them. If you think that's a good reason for us to give you the child, then think again." She leaned forward so we could eye each other nearer. Nakikipagtagisan siya akin ng tingin.





I removed my hands above her table and sat again then calm myself. I should take a hold of my emotions right now. Hinilot ko ang sintido ko at nagpaumanhin. "Sorry po, I am just frustrated. I badly need you to believe that I want her to be part of my life. Kahit ang bata mismo ang tanungin niyo. Gusto niya rin ako bilang pamilya niya."





Bumalik muli siya sa pagkakasandal niya. "Even so, that's not a guarantee that we can reserve her for you. I'm sorry but the child is not a ticket for reservation. Come back here when you're done fixing your personal problems and we will gladly welcome you with warm embrace. Thank you for your time and interest, Ms. Zamora. You may go now."




Tila nadurog ang puso ko sa bawat salitang binitawan niya. Hindi ko kayang tanggapin na hindi ko matutupad ang pangako ko sa bata. Nakakainis sa part ko. Bakit ganon? Ang hirap niyang pakiusapan!





Hindi ko napigilang tumulo ang mga luha ko sa mata. Na iimagine ko na ang mukha ng bata na nasasaktan kapag nalaman niya na walang assurance ang pag adopt ko sa kanya.





Dali dali kong pinunasan ang mga luha ko at nagpaalam na sa matanda at mabilis na lumabas ng office para ilabas muli ang mga luha kong nagbabadyang umalpas sa mga mata ko.





Mabilis kong pinunasan ang luha ko lalo na ng makita ko sa hallway si Trixie na nakangiting tumatakbo papunta sa akin.




"Ate astig! Nakausap niyo na po sila?" Masayang bungad sa akin ng bata na lalong nagpadurog ng puso ko. Pigil hininga kong tinigil ang pagluha ng mata ko.




Ngumiti ako sa kanya at lumuhod para pantayan ang bata. "Oo Trixie nakausap ko na sila."



"Talaga po? Ibig sabihin maaampon niyo na po ako? Yehey! Family na tayo!" Tumalon ang bata sa galak na nararamdaman niya. Gusto kong humagulgol ngayon dahil nasasaktan ako, ayaw ko man siyang paasahin pero gagawa talaga ako ng paraan para makuha siya. Hindi man ngayon pero papaspasan ko para lang matupad iyon. At sana sa pagbalik ko ay nandito pa rin ang bata.





Pinilit kong ngumiti ng malaki pero hindi na napigilan ng mata ko ang pagtulo ng luha nito.




Kaya naman nag alala ang bata sakin. "Ate astig, okay lang po kayo? Bakit po kayo umiiyak? Hindi po ba totoo na maampon niyo ako? Hindi po ba sila pumayag?" Mangiyak ngiyak niyang tanong habang pinupusan ng maliliit niyang daliri ang mga luha ko sa pisngi.





I fake a chuckle and shake my head. "Sobrang masaya lang ako, Trixie. Kasi we will become a family na soon. Diba, ayun ang promise ko sayo? Tears of joy lang ito." Halos pumiyok na ako sa mga salitang binitawan ko sa harap ng bata. Kaya hindi ko na napigilan na yapusin siya ng maghigpit na yakap at ipagpatuloy ang pagiyak ko.






Hinaplos ng maliliit niyang palad ang likod ko at idinantay ang baba niya sa balikat ko. "Huwag ka na pong umiyak, ate astig. Nakakawala po ng angas yan."
Bulong nito kaya natawa ako ng bahagya.






"Masayang masaya rin po ako ngayon. Hindi na po ako makapaghintay na sumama sayo." Dagdag pa niya at kumalas sa pagkakayakap ko para hawakan ako sa pisngi at tignan sa mata na puno ng saya, pagmamahal at pag asa. "I love you po, ate astig." Dumampi ang labi niya sa pisngi ko at yumakap muli ng mahigpit sa akin. Kaya hindi ko na napigilang humagulgol ng malakas dahil sa pinaramdam sa akin ng bata.





Ang huling hagulgol ko lang ng pag iyak ay noong pinanganak ako sa mundong ito at wala ng kasunod. I suddenly felt a pang of pain in my heart. I lied but I will never give up that easy. I will make my promise come through. I swear it. "I love you too, Trixie." I replied with my wavering voice.






Naghiwalay na kami sa pagkakayakap kaya hinaplos ko ang kanya ulo. "Sige na, magplay ka na muna. May gagawin lang na importante si ate astig."





Tumango ang bata at tumakbo na may kasamang paglundag. Halata ang saya sa bawat kilos niya kaya hindi ko na naman mapigilang hindi maging emosyonal. Tumulo na naman ang mga luha ko sa mata. Grabe naipon na ata yung luha ko ng matagal na panahon kaya walang humpay siya sa pagtulo! Ang sakit pa rin kasi ng puso ko.






I run towards the back of this building where the garden is located. Magtatago muna ako dito para mailabas ko ng tuluyan ang mga luha ko at ang sakit na nararamdaman ko. Kailangan kong huminga. For sure hindi makakapunta dito ang kaibigan ko kapag hinanap niya ako dahil allergic siya sa bulaklak. Magdadrama muna ako at magpapahangin.






Nang makarating sa gitna kung saan may fountain at may mahabang upuan sa gilid ay dali dali akong nagtungo doon at naupo. Pinagmasdan ko ang paligid. Payapa, makulay at puno ng buhay. How I wish I can feel it too.






Napabuntong hininga ako at hindi ko na pinigilan ang luha ko sa pagtulo. Pagod na kong magpunas.





Ipinikit ko ang mga mata ko, sumandal sa sandalan ng upuan at itiningala ang ulo. I imagine my mom's face, I want to talk to her. Wala ako ngayon sa puntod niya kaya dito ko na lang siya kakausapin sa imagination ko para gumaan ang loob ko.






"Mommy..." Tawag ko na parang bata at napasinghot. "I can't do anything right now. I'm so useless."





"Alam mo po, I promised someone and I'm afraid that I will possibly break that promise to her." I whispered between my sniffles. "My anak na sana ako ngayon, Mommy." I chuckled. "Pero hindi ko pa siya makuha, malabo pa, marami pa akong kailangan gawin at ayusin sa buhay ko before ko siya makuha.." Mariin kong pinikit ang mata ko dahil sa sakit habang patuloy ang mga luha ko sa pagtulo. "I don't want dad to interfere with my problems. Baka lalo niyang diktahan ang desisyon ko." I sniffed.





"Mommy..multuhin mo sila dito. Sabihin mo pumayag na sila sa pag ampon ko sa apo mo. Cute pa naman siya at napakasweet kahit makulit. For sure magugustuhan mo rin siya, mmy." I unconsciously smile still my eyes are shut.






"I wanna feel your hug right now. I always hope for a miracle to feel you, Mommy. I miss you so damn much.." Hindi ko na naman mapigilan ang paghagulgol ko kaya yumuko na ako at tinakpan ang mukha ko gamit ang mga palad ko para pigilan ang mga hikbing lumalabas sa bibig ko.






Ilang sandali pa ay may naramdaman akong yumakap mula sa likuran ko. Isang mainit at malambot na mga braso ang paunti unting lumilingkis sa akin. Ang pamilyar na matamis niyang amoy ang lumukob sa buong kapaligiran ko.






"Cry it all out, Xyianne. I'm here." Isang malamyos na boses ang namutawi sa aking tenga. Tila lalong nagbigay sa akin ng dahilan para lalong umiyak at ilabas ang naipon kong sakit na nararamdaman.






Haplos haplos niya ang magkabilang braso ko habang patuloy lang ako sa pagiyak. Wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya. Ang presensya niya lang ang tangi kong nararamdaman.






Makaraan ang ilang sandali ay tumahan na rin ako. Inayos ko ang sarili ko pero nanatili akong nakayuko habang pinaglalaruan ko ang mga daliri ko sa ibabaw ng hita ko dahil nahihiya ako ngayon sa itsura ko. Naramdaman ko ang pagikot ni Ma'am Adler para magtungo at umupo sa tabi ko.






"Are you feeling better now?" Her sweet voice lingered. May halong pag aalala.
She places her hand above my hands and gently squeeze it. "What's the matter? You can share it with me."





Naalala ko na naman ang problema ko. Nag isip muna ako, should I say it to her or keep it to myself?





"Don't tell me it's none of my business, Zamora. I swear I'm going to punch you." She nonchalantly said kaya napamaang ako at napatingin sa kanya. Ayun, dapat sasabihin ko. Hehe.





Sino ba naman ako para hindi sabihin, diba? Tutal close din sila ni Trixie.





May pagbabanta ang tingin na ipinupukol niya sakin. Kaya napalunok ako ng hindi oras.




"Come on, tell me.." biglang lumambot ang ekspresyon niya at hinawi ang mga hibla ng buhok kong humaharang sa mukha ko.





At ang malandi kong puso ay nagwawala na naman ngayon. May gana pa talagang humarot eh no?





"It's about Trixie's adoption." Seryoso kong usal sa kanya at sabay tingin ko sa kawalan.




"What about her? May mag aadopt na sa kanya? Kaya ka ba malungkot?"





"No, I'm planning to adopt her because I promised her that I will be her family but the head of this foundation doesn't give me the opportunity to do so..." May umalpas na namang luha sa mata ko kaya pinusan ko agad. Pambihira hindi pa rin ubos!





"Why? Bakit hindi sila pumayag? Anong mali don? Dapat matuwa sila na may gustong umampon sa bata." Medyo frustrated niyang saad sa akin. Patuloy pa rin siya sa paghaplos sa kamay ko.





"I-- I can't adopt her right now, nakiusap ako na kung pwede ireserve ang bata para sa akin at huwag na ipaampon sa iba habang tinatapos ko ang pag aaral ko at habang inaayos ko ang issue ko kay Lewis." Paliwanag ko sa kanya at tumingin sa mata nito. Napahinto siya sa paghaplos ng kamay ko at tila lalong sumeryoso ang aura niya pero nanatili lang siyang tahimik at tila nag iisip.






"I kinda act a little reckless persuading the head of this foundation. That's why she doubted me even more. I thought I could do it... I promised Trixie that I will get her here soon..and..I lied to her that it's already done. That..that I'm her family now..but it's not true..and now I'm scared that she'll hate me forever if she finds out that I lied to her.." I cried again and sniffles every time I hardly say what I wanted to say to her.






She immediately hugged me which I didn't intend to protest. I feel her hand above my head, gently stroking my hair for comfort. "Shh... don't worry too much, I'll help you." Pag aalo niya sa akin kaya kumalas ako sa pagkakayap niya.





I looked at her in disbelief. As much as I want to get Trixie, I don't want her to meddle with it. It's my personal problem.
"No Ma'am, hayaan niyo na po. Hahanap po ako ng paraan para makuha yung bata."





She shook her head, "I will help you, that's final." She firmly said.





"Pero Ma'am––" she stopped my mouth using her index finger.





"No buts, Zamora. I will talk to the head. If you want her then we will get her, okay? Besides, baby Trixie really wants to be part of your life. It's a horrifying feeling for a child to bear that kind of emotion of being not...wanted and valued...for the rest of their life." Nag iwas siya ng tingin at tila nagpipigil din ng luha sa pagpatak.






She breathes heavily to be calm then fan herself. "I'm sorry, I'm getting emotional."





Umiling ako at hinawakan siya sa braso. "It's okay, Ma'am. Nakakalungkot naman kasi talaga ang topic natin." Ngumiti ako sa kanya ng maiksi para gumaan ang loob niya.





"Si baby Trixie.. naikwento na sakin ni Sister, kaya siya nagkaka-nightmare dahil sa father niya." Saad ni Ma'am at umayos ng upo kaya biglang naging interisado ako sa sinabi niya at mas piniling pakinggan siya.





"She was abused by her own father, binubugbog siya at kinukulong sa aparador ng bahay nila palagi kapag nakikita niya yung bata. Ang dahilan ng ama niya ay dahil naaalala niya ang pagkawala ng asawa niya sa kanya at nagkanda leche leche na ang buhay niya simula noong ipanganak si Trixie kapalit ng buhay ng asawa niya. He even verbally tells her that she is a misfortune, a bad luck, and walang kwenta. Kaya kapag sinasabihan niya ang bata ay nagtatago si Trixie lagi sa aparador para hindi niya marinig o makita ang tatay niya. Once kasi na makita siya ay bubugbugin ulit siya. Dumating pa nga daw sa punto na doon na halos tumira ang bata sa aparador, minsan tatlong araw na walang kain. Nakakalabas lang siya kapag pumasok na sa trabaho ang tatay niya. Kaya hanga ako sa batang iyon dahil ang tatag niya sa buhay. She deserves to be happy and loved, Zamora. And I know you can give her that life. I believe you have a pure heart for children just like your mom."






Sobrang devastated ako sa mga narinig ko patungkol sa nangyari kay Trixie. Imagine being abused by her own father, her own blood! It's very infuriating!





Mas lalo akong nadurog sa nalaman ko kaya tumatag ang loob kong ampunin si Trixie no matter what. She really deserves everything and I will give her that once I'm settled.





But what caught my attention was the last statement of my professor regarding my mom. Does she know her?





"Papayag na ako, Ma'am. I'll take your help. However, I'm still certain of my decision which I said earlier that I will get her here soon after I'm done dealing with my personal problems." I firmly said to her full of determination.





She nodded and plastered a smile on her face. "I'm glad to hear that."





"But Ma'am, I'm curious about what you said earlier."





"Which part of what I said?" Kunot noong saad nito.





"About my mom, you said I'm just like her who has a pure heart for children. Do you know her?"





Bahagya siyang natigilan sa tanong ko. Hindi niya siguro akalain na masasabi niya iyon. Halata sa mukha niya ang pagkagulat pero mabilis lang niya itong ikinubli sa mga ngiti niya. "Let's just say, I encountered her before...and I saw how she loves kids. Specifically in this foundation, she loves to volunteer and help other people. She's not just a gorgeous face, she's also a kind-hearted person like you." Paliwanag niya, halata rin ang kislap sa mga mata niya patungkol sa alaala ni Mommy ngunit may halong lungkot akong nakita sa kabila noon. I wonder why pero mas nangibabaw ang saya ko sa puso ko dahil sa narinig ko patungkol sa mommy ko. How I wish I got the chance to meet her!





Nakakalungkot talaga. Gusto ko pa sana magtanong pero tumayo na si Ma'am sa upuan at akmang aalis na.

"Ma'am? Saan po kayo pupunta?"






"I will talk to the head of this foundation. You should get ready too, malapit na tayong umalis before the sun goes down. We need to go back to reality." She said at iniwan na ako mag isa sa garden.



Shit, aalis na nga pala! Mamimiss ko si Trixie :( Babalikan ko siya soon. I promise.









***









"Mugto ang mata natin ngayon ah?" Bridge said nang makaupo ako sa tabi niya. Nandito na kami ngayon sa bus at ready ng umalis.





Nahirapan akong umalis kasi todo iyak ang ginawa ni Trixie kanina noong paalis kami. Jusko, para akong may anak na naiwan tapos isa akong OFW. Ang bigat sa puso ng scenario namin kanina kaya naman nag iwan ako ng number ko sa isang sister doon kung sakaling gusto akong makausap ni Trixie at kung pagbibigyan nila ang bata. Iniwan ko rin ang bracelet ko sa kanya na galing pa sa mommy ko dahil pinagkakatiwalaan ko na ang bagay na yon sa kanya.





Nabanggit na rin ni Ma'am Adler na ipoprocess na daw ang adoption papers ni Trixie at ipapadala na lang daw sa akin iyon sa Manila kapag okay na. Kaya sobrang masaya ako bago umalis. Thankful ako sa tulong ni Ma'am. Napakabait talaga niya kaya hindi ako nagsisisi na naging crush ko ang professor ko.






Mas pinili ko na lang rin tumabi kay Bridge ngayon sa bus dahil baka makatulugan ko na naman si Ma'am sa balikat niya katulad noong nakaraan. Nakakahiya yun masyado dahil tulo laway ako. Yikes! Tsaka nakabantay pa rin kasi si Ma'am Levine sa akin kaya hindi na ako tumabi pa sa propesora.

Nagumpisa na ring umandar ang bus na sinasakyan namin.






"Yung anak ko Bridge naiwan." Nakangusong sabi ko sa kanya.





She chuckled at me, "Parang gago amp, nagkaanak ka kaagad? Wala ka pa ngang asawa!" Panira niyang asar sa akin.





May narinig kaming tumikhim sa gilid, si Lewis na nakikinig pala ng usapan namin. "Actually, may asawa na siya. Diba, Xy?" Kumindat pa ito pagtapos niyang sabihin iyon na pinandirihan lang naming dalawa ni Bridgette.






"Kilabutan ka nga sa ginagawa mo, Lewis. Mukha kang hotdog na lanta!" Pambabasag ng kaibigan ko sa isa.






Napatawa sila Nervana, Sabrina, Naomi at Brandon na nasa likuran lang namin at katabi lang rin ni Lewis.





Sumama ang timpla ng mukha niya bago sumagot. "Hindi ka invited sa kasal namin ni Xy kapag graduate natin, Borja. Tandaan mo iyan!" Mapusok niyang sabi halatang napikon sa sinabi ng kaibigan kong malakas mang asar.






"As if namang may kasalang mangyayari, Lewis. Dream on! Libre lang mangarap!" Banat pa ni Bridge kaya enjoy na enjoy ang mga kaklase namin sa mga naririnig nila. Hindi ko na sila pinigilan dahil pagod akong umiyak mula kanina. Hindi rin naman magpapapigil ang bibig ni Bridgette hanggat hindi niya nakikitang tameme ang kausap niya.





"Sheeesh! Payag ka non, Lewis?"

"Grabe bars ni Borja. Ano masasabi mo don parechong?"

"Bigat ng banatan, kung ako yan babanatan ko rin iyan!"

"Loser," habol pa ni Nervana. Hindi na rin kasi siya nakitabi sa Ate niya dahil silang dalawang professors na ang magkatabi ngayon.





"Ang ingay ng bunganga mo, ganyan ka rin siguro sa kama?" Walang kwenta at malaswang sagot ni Lewis sa kaibigan ko kaya hindi ko na napigilang makisali.





"Itikom mo yang bibig mo kung ayaw mo na naman iyang magdugo––"





Napasinghap kaming lahat sa nasaksihan namin. Hindi ko na rin natuloy ang sinasabi ko dahil sa bilis ng pangyayari.





Sinampal lang naman ni Professor Levine si Lewis.





Natahimik ang buong bus dahil sa galit na aura ng professor. Halata ang pagtagis ng bagang niya sa sobrang pagpipigil.

"Say something sick and bullshit about her and other women right now and I will not think twice about throwing you out of here!"





Hawak hawak ni Lewis ang panga niya, halatang nasaktan sa ginawa ni Ma'am. Masama rin ang tingin niya rito at tila nagpapatayan na sila sa loob ng isip nila.





"You'll pay for this. All of you!" Usal ni Lewis sabay tingin samin nila Bridge at Ma'am Levine na nakatayo pa rin sa gitna ng bus, hindi alintana ang paggalaw ng sasakyan.




Tahimik pa rin kaming nagmamasid sa dalawa. Nakakatakot makisali sa init ng pagaaway nila.




"How much? So I can pay you right here and now. Or do you want to get expelled? I can even kick your ass out of this world if that's what you want." Tiim bagang na wika ng propesora, ang mga kamao niya ay nakakuyom na rin katulad ng kay Lewis.




Mabuti na lang at dumating si Ma'am Adler para pahupain ang away ng dalawa.

"Natalie," may pagbabantang tawag nito kay Ma'am Levine at pinabalik na siya sa upuan niya.




Lumapit si Ma'am Adler kay Lewis para suriin ang pisngi niyang namumula pero winaksi lang ni Lewis ang kamay ng professor at tinignan rin siya ng masama.






"I don't need your pity, big sister."




*******

Continue Reading

You'll Also Like

380K 12.7K 77
***UNDER REVISION When Lara's world shifts with her family's move, it unveils not just a new place, but a realm of extraordinary individuals poised t...
1.4K 79 14
Mackenzie Sawyer has lived with her uncle Charlie Swan for as long as she can remember. It has always been the two of them majority of the time, in a...
3.1M 149K 80
» Mafia/Gang au » "I told you not to fall for me."
108K 2K 25
❝we'de still worship this love❞ [ COMPLETED ] ★ 𝐢𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡 percy jackson and lena brown were the best of friends until they weren't 𝐨𝐫 𝐢𝐧 �...