Meet Lucy

By Mirmodepompoms

3.9K 344 27

Katrina Angeline Casabueno, the angel in disguise professor, meets Lucy Natsume, a half-Japanese, devil-incar... More

こんにけは
1 δΈ€
2 二
3 δΈ‰
4 ε››
5 δΊ”
6 ε…­
7 δΈƒ
8 ε…«
9 九
11 十一
12 十二
13 十三
14 十四
15 十五
16 十六
17 十七
18 十八
19 十九
20 二十
21 δΊŒεδΈ€
22 二十二
23 δΊŒεδΈ‰

10 十

124 13 1
By Mirmodepompoms

Unedited. Grammatical and typographical errors ahead.





Kat




"Seryoso ba?!" Hindi makapaniwalang sambit ko ng biglang tumirik ang sasakyan ko sa kalagitnaan ng daan. Lumabas kaagad ako sa kotse dahil binubusinahan na ako ng mga nasa likuran ko.

Hindi pa nag uumpisa ang araw ko pero pagod na ako.

Pasensya na sa mga nasa likuran ko, hindi ko naman sinasadya na mamatayan ng makina. Mukhang napansin ng mga ilang dumaraan na nasiraan ako kaya nagtulong tulong sila para maigilid ang sasakyan ng maayos.

"Thank you po talaga." Pasasalamat ko sa mga kuya, manong, at tatay na tumulong sa akin. Mabilis kong kinuha ang telepono para makatawag na ng tulong.

"Natsume...natsume.." Bulong ko habang hinahanap ang number ni Lucifer sa cellphone. Napatigil ako ng mapagtanto ko na bakit siya ang tatawagan ko. Naalala ko din naman ang sinabi niya sa akin nung nakaraang linggo na kung may mangyari man daw sa akin ay siya ang tawagan ko. Pero puwede naman ako tumawag ng ibang tao o mas mainam kung towing service nalang ang tatawagan ko.

Napapailing nalang ako sa mga pumapasok sa isip ko ngayon.

"Excuse me, Miss?" Napalingon ako sa taong biglang nagsalita dito sa aking tabi.

"Yes?"

"Nasiraan ka?" Kuya naman...Nakita mo na nga e.

"Ah, yes. Tatawag na sana ako ng towing service."

"Is it okay if I check the engine?" Hmm, hindi ko kilala kung sino itong lalaking ito pero mukha naman siyang maayos na tao. Matangkad, mukhang negosyante, maayos ang itsura niya dahil sa suot niyang suit, at hindi ko ikakaila na may kaguwapuhan siya.

"Oo sige, okay lang." Sagot ko at pinanood lang siya sa kanyang ginagawa. Para siyang si L, alam na alam kung anong kinakalikot sa loob ng makina.

"You should bring your car sa autoshop. Hindi na maganda ang condition nito." Parehas din sila ng sinasabi ni L.

Hindi ko kaagad nadala ang sasakyan sa autoshop, dapat pala sinunod ko na agad ang sinabi sa akin ni Lucifer.

Ibinaba ni kuya ang hood ng makina at pumasok sa loob ng sasakyan ko para paandarin ito.

"All good." All smile niyang sinabi sa akin. Napangiti rin ako sa kanya dahil para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng napagana niya ang sasakyan ko. "But you need your car to be fixed right away." Dugtong pa nitong sinabi sa akin.

Umikot ako sa kabilang side ng sasakyan para makuha sa glove compartment yung wet wipes, napansin ko kasi na medyo nadumihan ang kamay niya sa pag kalikot sa makina kanina. Lumabas na siya ng sasakayan at nilapitan ko kaagad siya para ibigay yung wipes sa kanya.

"Thank you talaga." Pasasalamat ko. Hulog siya ng langit sa aking ngayong araw na ito.

"Hindi ako tumatanggap ng thank you, paano ba yan?" Napangiti ako sa sinabi niya, may naalala kasi akong tao na ganito din sa akin.

"Uhm..so, ano ba dapat?"

"Have coffee with me. Pwede?" Nakangiti niyang sinabi sa akin.

"Sure." Nakangiti ko ring sagot sa kanya. "Pero okay lang ba kung sa mga susunod na araw nalang? Or puwede namang iset nalang na'tin kung kailan tayo parehas available. Medyo may hinahabol kasi ako ngayong araw."

"Of course. Can I have your number?" Iniabot ko sa kanya yung calling card ko. "Katrina Angeline Casabueno." Pagbanggit niya sa pangalan ko habang sinusuri ang card.

"Yup, that's me."

"By the way, I'm Ryu." Pagpapakilala niya at nakipagkamay sa akin. Tinanggap ko naman ito. "Anyway, I also have to go. Please don't forget to bring your car to an autoshop. Ingat sa pagmamaneho."

"Ikaw din."

"See you soon, Katrina."



"Hiiiii, Professor."

"Kamay mo." Everytime na nakikita niya ako dito sa University tapos babati siya ay hindi niya rin nakakalimutan na laging umakbay sa akin. Ayos lang naman sa akin kung nasa labas kami, parang tropa friends lang. Pero pag dating dito sa loob, medyo iba na dapat.

"ooops, sorry." Sagot nito at inalis ang nakaakbay na braso. "Late ka yata ngayon, Professor?"

"Nasiraan ako." Mabilis na sagot ko sa kanya.

"Ng bait o ng sasakyan?"

"Alam mo, ikaw...Mas sira ang ulo mo kumpara sa akin" Kahit kailan talaga ito, walang araw na hindi mang aasar. "Ng sasakyan, ano pa nga ba."

"I already told you last week that you have to bring your car to an autoshop." Pailing iling pa nitong sinabi sa akin. "Why didn't you call me? How did you get in here?"

"May tumulong lang mag ayos nung sasakyan."

"Haay, Professor...You're one hard-headed woman. Give me your keys." Halatang iritang sabi nito at binuksan pa ang palad niya sa harapan ko.

"Bakit?"

"Just give it to me." Napatigil ako sa paglalakad at kinalikot ang bag ko para mahanap at iabot sa kanya ang susi ng sasakyan.

"Don't you have class?"

"May two hours pa ako before my next class."

"Anong gagawin mo sa sasakyan ko?"

"Itatapon ko. Bye, Professor."





May klase ako ngayon kila L, kanina niya pa nakuha ang susi ng sasakyan ko at wala akong ka ide ideya kung anong ginawa niya roon, hindi rin naman siya nag bigay ng update kung ano ang lagay nito. Basta ang sinabi niya sa akin kanina sa text at dinala niya ito sa autoshop ni Xen.

"Good evening, class." Bati ko. Nahagip naman kaagad ng mata ko si Lucifer. Mabuti naman ay nakapasok siya.

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at sinimulan ko ng magturo kaagad. Minsan, pag tinatamad ako, nag papa quiz nalang ako tungkol sa mga na discuss na na topics pero hindi naman puwedeng ganoon lagi. Hindi ka naman puwede mag pa exam ng hindi nagtuturo.

"Mr. Tuazon, can you tell me what is a board definition of product in marketing?"

"Product may be defined as everything, both favorable and unfavorable, that one receives in an exchange. It can be a tangible food, a service, an idea, people, places, organizations, and ideas or combination if these things—." Habang busy kakasagot itong student ko sa tanong ko tungkol sa topic namin, hindi ko naman mapigilan mapatingin kay Lucifer at sa isang babaeng estudyante ko rin na katabi niya.

Puwede naman sila mag kwentuhan, o maglandian, pero h'wag sa klase ko. Kung nagagawa niya yan sa ibang propesor, sa akin ay hindi maari.

Ano bang pangalan nitong katabi niya...Ah!

"Ms. Lucero." Tawag ko. Agad naman silang napatigil sa pag uusap. Tumayo naman si Ms. Lucero. "Define product hierachy." Nag iintay ako ng sagot mula sa kanya ngunit tahimik lang siya. Sinenyasan ko siya na maupo na. "Okay class, anyone? What is product hierarchy?" May iilang estudyante ang nagtaas ng kanilang mga kamay. "Yes, Ms. Beltran."

Ito lang din naman ang gusto ko kapag nagtuturo, yung nakikipag communicate at participate ang mga tinuturuan ko.

"Very good, Ms. Beltran. Ms. Natsume, stand up." Sumunod naman agad siya sa inutos ko. "Ms. Natsume, can you tell me what is branding? and please describe its role in marketing."

"Ahh..I.. I don—" Malamang I don't know ang isasagot niya. Pasalamat nalang ako ngayon kasi gising siya sa klase ko.

"Sit down. Class, additional 10 points on midterms if someone can answer it." Nagsitaasan na naman ng kamay ang estudyante kong halatang excited at gustong gusto ng dagdag points. Sino ba namang may ayaw ng ganoon, 'di ba. Kinuha ko yung mga index cards para sa klase ko na ito.

"Madami naman pala kayong may alam. Okay, bunutan pangalan nalang para fair."Nagsimula na akong bumunot. "Mr. Abella."

"Yown!"

Tumagal din yung mga pa recitation ko sa klase ngayon, may iilan din akong nabigyan ng plus points para sa midterm exams.

"Very good, class. Sa susunod yung mga hindi nakasagot or mali yung answers. Makinig ng mabuti sa klase, mag review, pwede din kayong mag advance reading kung gusto niyo."

Tumitig ako kay Lucifer na nakatingin din ngayon sa akin. "and next time, kung makikipagkwentuhan lang kayo magdamag sa klase ko, siguraduhin niyong may maisasagot kayo sa mga tanong ko. That's all for today, see you next meeting. Thank you, class."

"Thank you, ma'am." Sagot ng ibang estudyante ko.

"Thanks po, ma'am. Ingat po sa pag uwi."

"Kayo din. Uwi kaagad ha." Sagot ko pa. Nagsialisan naman na halos lahat ng mga students at ako naman ay inaayos na laht ng mga gamit para maka diretso na sa faculty office at ng makauwi na rin kaagad.

"Professor." Tawag niya sa akin, napatingin naman ako sa kanya.

"Try mong hindi makipaglandian sa klase ko, hindi nakakamatay yan. Nasaan na yung sasakyan ko? Naayos ba? akin na susi."

"Ah, nasa shop pa, Professor. Pero ihahatid na kita pauwi."

"Hindi na, mag co-commute nalang ako. Bigay mo nalang sa akin pag okay na. Thank you." Paalis na ako ng hinawakan niya ako sa braso.

"Please, Professor. Let me take you home." Tumaas ang isang kilay ko at inalis ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.

"Kaya ko umuwi mag isa." Paalam ko sa kanya at umalis na.







***

"Napakasipag at talino talaga nitong batang ire." Sambit ni Mrs. Rolando habang tinitignan ang results ng exams sa kanyang subject.

"Sino ma'am?" Tanong ni Carla.

"Si Ms. Natsume ba. Laging perfect sa mga exams and quizzes. Active din sa klase ko at lagi ko pang nauutusan."

Si Lucifer? Napeperfect ang exam at quizzes? Imposible!

"Ay opo, ma'am. Matalino talaga yan, hawak ko din siya sa subject ko." Sagot pa ni Carla.

"Si Natsume ba?" Singit ni Mr. Marciano.

"Yes, sir."

"Oo, matalino yan. Madalas tahimik lang yan sa klase ko pero laging high score sa exams, tapos pag tinanong sa recitation, alam na alam ang mga sagot. Para bang nabasa niya na yung buong libro."

Anong nangyayari sa mundo? Hindi ako makasabay sa kanila kasi yung Lucifer na inilalarawan nila ay ibang iba pag dating sa klase ko.

"Hawak mo din siya sa subject mo, Ms. Casabueno?" Ngumiti at tumango nalang ako bilang sagot. Sasabihin ko bang bagsak lagi yan sa quiz ko tapos pasang awa sa exams at madalas tulog lang sa classsroom?



Naandito ako ngayon sa labas at nakapila sa bilihan ng palamig.

"Ate, isang melon please."

"Okay po, ma'am."

"Hi, Professor."  Speaking of the devil. Tumingin ako sa kanya at siya naman ay ngumiti lang ng pagkalaki laki.

"Sasakyan?"

"Wala pa nga, ang hirap kaya ayusin nun, nagrereklamo na yung ibang mechanics ni Xen." Ganun na ba ka luma at kasira ang sasakyan ko? Napabuntong hininga nalang ako.

"Gusto mo?" pag aalok ko, tumango naman siya at biglang inagaw yung inumin na hawak ko. Hindi na ako nakapag reklamo kasi ininuman niya na. Ang balak ko sana ay bilhan siya ng sarili e.

"Masarap." Sabi nito at ibinalik yung inumin ko. Naalala ko naman bigla yung usapan kanina sa faculty office.

"Umamin ka nga sa'kin." Napakunot ang noo niya.

"About what?"

"Nananadya ka 'no?" Tanong ko pa. Halata namang naguguluhan na siya sa sinasabi ko.

"What are you talking about, Professor?"

"Sabi ng iba mong professors, lagi kang perfect sa exams, quizzes, and always active sa class nila. Pero bakit sa'kin? Bakit bagsak ka?"

"Ahhh. Your subject is difficult. I doubt I'll be able to pass it, even this semester."

"You're joking! Ang dali dali nun! Mas mahirap pa yung stats na subject ni Mrs. Rolando tapos iyon naperfect mo!" Reklamo ko.

"I'm good at math. Let's go, Professor! Baka malate tayo!" Mabilis na sagot nito sa akin at saka biglang umakbay. Papalapit na ulit kami sa main gate ng university kaya tinanggal ko na yung braso niya na nakaakbay sa akin.

"I know you can go home by yourself, but please allow me to take you home today, tomorrow, and the day after that." Bulong niya bago kami maghiwalay ng landas. Hindi ko alam kung bakit pero lihim akong napangiti sa sinabi niya.







"Si Lucifer ba naghatid sa'yo?" Tanong ni Andrea at tumango naman ako bilang sagot. "Ingat ka, baka sa susunod sa impyerno ka na ihatid niyan." Tumatawang sabi niya pa sa akin.

"Baliw."

"Charet leng.. ay, bessy, malapit na magpasko."

"September palang, bes." Sagot ko naman kay Andrea

"Ber months na, ibig sabihin malapit na!" Excited na sagot pa nito sa akin.

"Ang oa talaga." Sanay na rin naman ako dito kay Andrea, pag patak palang ng ber months, gusto niya nag dedecorate na kaagad kami dito sa bahay.

"Anyway, ayun na nga dahil malapit na ang pasko, baka naman gusto mo uminit init na ang pasko mo bessy ko."

"Ano na naman ba yan? Baka naman ikapahamak ko yang mga pinagsasabi mo."

"Shunga, blind date kasi, bes. Nakakailang hindi, ayaw ko, ikaw nalang, busy ako. Iyan lagi ang sagot mo sa'kin. Baka naman puwede mo nang pagbigyan ang sarili mo. Pati sila tito hinahanapan ka na ng jowa, ano ka ba."

May katotohanan din naman ang sinabi ni Andrea sa akin. Kada uwi ko rin sa bahay ng magulang ko lagi silang nagtatanong kung kailan daw ba ako magdadala ng ipapakilala at kung kailan ko ba balak mag karoon ng sariling pamilya at anak. Kung makahingi naman kasi sila ng bata akala mo ay candy lang na puwedeng bilhin sa tindahan. At isa pa, paano ako mag kakaroon ng anak? Eh boyfriend nga wala ako.

"Ikaw nalang kaya? Tapos pa IVF nalang if gusto mag ka baby? 'di ba ganun naman madalas pag sa same sex couple?"

"Bes, ano ba tinira mo? Mukhang good item yan ha. Hindi kita tutulungan pag ikaw nahuli sa drugs."

Kinurot ko siya sa tagiliran "gaga."

"Charot lang.. Mga iniisip mo kasi kakaiba na, at saka ikaw mag aasawa ng babae? Mas posible pa yata magkabalikan si Sharon Cuneta at si Gabbi Concepcion kaysa ikaw na mag jojowa ng babae."

"Pangit ba ko? Mas gusto mo ba sa mas bata sa'yo? Gusto mo ba yung clingy ganun? Boring ba ako for you? Ayaw mo ba sa'kin?"

"Jusko ka naman, Katrina. Ano bang nangyayari sa'yo? Sige na, hindi na kita pipilitin dun sa blind date."

"Joke lang." Sagot ko habang tumatawa. "Fine, set me up with someone." Nanlaki ang mga mata nitong si Andrea sa sinabi ko.

"For real? Omg, the world is healing! Sa wakas! After so many years, pumayag ka na rin!" Sagot nito at niyugyog pa ang katawan ko. "Available ka nitong weekend?"

"Oo, sino ba kasi yan?"

"Paralegal namin. Mabait naman 'to, atsaka cutie naman yun."





***

"Ah really..." Naandito ako ngayon sa date na sinet up ni Andrea. Totoo naman ang sinabi ng kaibigan ko, cutie siya. Mabait at magalang naman din siya kausap.

Ang issue lang ay pinagkukwentuhan namin yung totga niya. Ano bang klaseng date ito? I want to get to know him, not his ex-lover. Jesus Christ.

Hindi ba niya naiisip iyon? Na meron siyang katapat na babae, na puwedeng maging interesado sa kanya tapos ganito yung mga kuwento niya.

Iwanan ko na kaya siya? Ayaw ko na talaga, alis na alis na ako kanina pa.

"I bought tickets pala. I hope you like visiting art galleries." Inilapag niya yung tickets sa table.

"This is nice, I like art galleries." Magalang na sagot ko naman. Malapit lang yung art gallery dito, nasa tapat lang ng cafe kung nasaan kami ngayon.

Nag paalam siya sa'kin na mag re-restroom lang muna siya bago kami mag proceed sa gallery date kuno. Inabala ko nalang yung sarili ko sa pag tanaw-tanaw sa labas at sa pagtitig dito sa cake sa harapan ko.

"Alam mo kung ayaw mo kainin, h'wag mong saksakin. Ginawa mo naman giniling yan, Professor." Mabilis akong napatingin sa taong bigla na lamang nagsalita. Nakaupo na siya ngayon sa harapan ko.

"Lucifer, I have a date. Umalis ka diyan." Ano bang ginagawa niya rito? Paano niya ako nakita dito? Sa lahat ng lugar bakit dito pa kung nasaan ako.

"Hm, sure. Where is he?"

"Restroom." Nasaan na ba ang ulupong na yun? Kanina pa siya nag paalam na mag c-cr. Nakatulog na ba siya sa loob?

Tumingin ako sa relos ko. Great, kinse minutos na siyang wala. Tumango tango naman si L sa akin at saka tahimik na umalis sa pagkakaupo sa harapan ko pero doon naman siya umupo sa katabing table lang.

Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik yung kasama ko. Did he ditch me? Ang kapal.

Puwede naman siyang mag paalam ng maayos, pwede rin naman siya magdahilan para makaalis. Mas malupit pa sa multo itong taong 'to. Tumingin ulit ako sa relos ko, grabe, trenta minutos na akong naghihintay. Imposible naman na ganoon siya katagal mag CR. May dagat ba sa loob at naisipan niya ng mag surfing doon?

"I think he's not coming back." Nagsalita si Lucifer na naandito pa rin sa kabilang table.

"Paano mo naman nasabi?" Tanong ko at siya naman ay tumayo para umupo ulit sa harap ko.

"You've been waiting for how long? Ten? Fifteen? Thirty minutes? An hour? Going in the restroom for that long—that's absurd." Napabuntong hininga nalang ako. "Balak ka na niya talaga iwanan." Tumuro siya sa tickets na nakalapag sa table. "Siya ba nagbigay nito?"

Tumango naman ako sa tanong niya. "Well, that's his way of saying sorry, but I have to leave. Enjoy the rest of the day."

Nakaka stress ang mga pinapa blind date sa akin ni Andrea. Nang gigigil ako.

"Ugh! Kainis!"

"He's a total bitch."

"Nakakainis! Sana pala inunahan ko na siya. Kanina ko pa siya gustong iwan. I was being respectful to him the whole time while he was blabbering about his ex, Totga, or something like that! Who is in the right mind to go on a blind date then ganyan yung usapan! Unbelievable!"

"He's the worst."

"Sinabi mo pa!" Napatitig naman ako kay L, na ngayon ay mukhang tanga na nakatingin lang din sa akin na may malaking ngiti sa labi. Madalas din talaga na may pagka wirdo itong babaeng ito, pero nasanay nalang ako na ganyan siya. "Bakit ka pala naandito?"

"I'm just exploring the city when I accidentally see you."

"Ah sige, enjoy exploring the city. Uuwi na ako, sayang lang yung oras ko."

"Hmm.." Kinuha niya yung tickets. "Want to go with me instead? Let's not waste this ticket and your time."

"At bakit naman ako sasama sa'yo? Iba nalang ayain mo."

"You know, Professor. I really didn't expect you to be the jealous type, but it's okay. I like it." May mapaglarong ngisi sa kanyang mga labi.

"Sira."

"Come on, Professor. H'wag ka ng mainis at magmukmok. Men like him don't deserve an angel like you."

Idinikit niya sa mukha ko yung tickets.

"Ano ba." Pagrereklamo ko at saka itinabig ang kamay niya. Ng maialis ko ang kamay na nakaharap sa aking mukha ay laking gulat ko naman dahil ang mukha niya ang bumungad sa harapan ko.

Sobrang lapit.

"Have a date with me, Professor."



つづく


Salamat po sa pagbabasa, sa pag vote, sa comments, sa pag re-recommend at sa pag supporta sa story na ito! 🥹

Don't forget to follow me! Thank you!
happy 20k reads to fate! More reads to come sana!

Continue Reading

You'll Also Like

2M 72.1K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
198K 5.9K 51
I need to pretend that I am her student to execute my plan. - Royce
1.2M 36.8K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...