Meet Lucy

By Mirmodepompoms

7.4K 609 48

Katrina Angeline Casabueno, the angel in disguise professor, meets Lucy Natsume, a half-Japanese, devil-incar... More

こんにちは
1 一
2 二
3 三
4 四
5 五
6 六
7 七
9 九
10 十
11 十一
12 十二
13 十三
14 十四
15 十五
16 十六
17 十七
18 十八
19 十九
20 二十
21 二十一
22 二十二
23 二十三
24 二十四
25 二十五
26 二十六
27 二十七
28 二十八
29 二十九
30 三十

8 八

147 21 2
By Mirmodepompoms

Unedited. Grammatical and typographical errors ahead.




Kat


"Professor, may request ako." It's been three months since nag start na ang second semester sa JVU.

"Ano?"

"Aabsent ako sa class mo." Napatigil ako sa pagtitipa sa laptop ko sa sagot niya. May isang subject ngayon si L sa'kin. Yung subject na binagsak niya last semester ay kinuha niya ulit. Nakikita ko naman siya sa University at minsan sa labas lalo na if may ganap kami ng mga bff's ko. Sumasama kasi siya at madalas ko na rin siya nakakausap. We're basically friends at this point.

Achievement dahil hindi siya umaabsent sa ibang classes niya at kahit papaano ay nagpaparticipate na rin siya sa klase ko, pero mas madalas pa rin siyang tulog at hindi sumasagot pag tinatanong.

Iba ang aura ni Lucifer pag nagiging active siya sa klase at mas gusto ko pag ganoon siya. Active rin siya ngayon sa Kendo at Archery club.

"Any reason?"

"Ah..makiki birthday lang."

"Ayos ka rin ah, aabsent ka kasi pupunta ka ng birthday. Why not attend my class and then sumunod ka dun sa birthday party."

"Dapat on time, Professor. Bawal malate." Napakasinungaling nitong batang 'to. Ang dami niya pwedeng maayos na idahilan pero yan talaga yung naisip niya.

"Magsabi ka ng totoo or else hindi kita ieexcuse." Matapang kong sagot sa kanya.

"I have to pick up my date." Oh? Talaga ba?

"Pick up? Your date? You have a date?" Maganda si L, I'm not going to deny it kaya medyo famous din siya dito sa University. Boys and girls are lining up just to get her attention, kaliwa't kanan ang admirers niya. Madaming na ding students ang nagiging interesado sa Kendo and Archery Team ng dahil sa kanya.

"Yes, Professor."

"Ahh..okay.."

"Okay na? Payag ka na, Prof?" Nakangiti niyang tanong sa'kin. Ang ganda ng smile, tuwang tuwa. Sirain ko nga.

"No. Attend my class." Sagot ko at tumayo na para mag ready sa susunod na class ko. Kita ko ang pagkawala ng malaking ngiti niya. Pwede naman siya pumunta sa date na sinasabi niya ah, pwede naman sila magkita after class pero talagang aabsent siya para lang sa lakad na yan.

"But...my date...Professor!"

"I don't care."

6:00 pm to 7:30 pm ang class sa'kin ni Lucifer and ito na rin ang last subject na tuturuan ko for this day.

"Good evening, class...Please get one whole sheet of paper, we will have a quizz. I'll give you 20 minutes to review."

Hinahanap ng mata ko si L pero wala siya at talagang itinuloy ang pag absent niya. Kahit pa nag paalam pa siya, ay hindi ko naman siya pinayagan. Bahala siya. Sige, tutal three absences naman ang is pwede sa'kin, pag bibigayan ko ngayon. Dalawa nalang buhay niya sa subject ko.



Me
At talagang umabsent ka para sa date ha

ルシファー・ナツメ
She's really pretty. ok?

Me
Ano naman? Hindi ba yan makapag hintay?
Alam niya namang sigurong estudyante ka
at may priorities ka

ルシファー・ナツメ
You sounded like a strict mother

Me
🙄

ルシファー・ナツメ
ok my date is here.
I'll send u a picture later
(๑>◡<๑)

Me
di ko kailangan ng update sa lovelife mo 🙄




Nag message si Andrea sa akin na hindi daw siya makakapag dinner sa bahay dahil may late meeting siya at sa labas nalang raw siya kakain. Timing naman din kasi wala ako sa mood magluto ngayon.

Mag aalas otso na ng gabi kaya nagpasya na ko umuwi, halos nauna na rin naman mag uwian yung ibang professor.

Nagmamaneho ako ngayon papunta doon sa restaurant na pinagdalhan sa'kin ni L. I'm craving for some Japanese food and perfect naman yung restaurant na yun para sa gusto ko.

"Irrashaimase." Bati ng staff sa'kin kaya ngumiti at bumati rin ako pabalik. Hindi ko lang ineexpect na makikita ko rin dito si Lucifer. Tapos na ba yung date niya? Bakit mag isa nalang siya? Hindi ba siya nagustuhan ng ka date niya? Bakit siya umiinom mag isa?

Hindi ko muna siya nilapitan, mukhang hindi rin naman niya ako napansin kasi focused siya sa iniinom niya.

Umorder muna ako para makaalis na rin kaagad. "To go, please." Sabi ko doon sa cashier. Habang nag aantay ay hindi na ako nakatiis kaya nilapitan ko na siya.

"Akala ko ba may date ka." Nag angat siya ng tingin at ngumiti sa akin.

"Hi, professor...Yes, she's at my place."

"Iniwan mo?!" Tumango naman siya at sabay inom ulit sa alak na nasa harapan niya. "Are you crazy? Hindi mo man lang ba ieentertain yun? Dapat hindi mo iniwan!"

"She's safe in my apartment. Hindi ko naman siya gugutumin doon. She's probably happy in her new environment." Oh my god. Nakipag live in na ba kaagad yung babae sa kanya? Akala ko first date palang? Ganoon na ba kabilis ngayon? "and me entertaining her?"

"Oo, hello? Ano sinundo mo tapos dinala mo sa bahay mo tapos bigla mong iiwan? Anong klaseng date yan?"

"Hmm, you got a point, but I'm the one who paid her to accompany and entertain me, not the other way around." Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Jesus Christ, umabot na ba siya sa punto na nagbayad siya ng babae para lang sa date na sinasabi niya. "Anyway, she can entertain me later."

"Order number 8!" Sigaw ng cashier, lumapit na ako para makuha yung order ko at para na rin makaalis na dito sa lugar na 'to. Hindi ko na kinakaya yung mga sinasabi ni L. Sumasakit ang ulo ko.

"Professor, uuwi ka na?" Speaking of the devil, nasa tabi ko na kaagad. "Do you want to see her?" Baliw na yata 'to?! Bakit ko naman kikitain yung date niya? Ni hindi ko nga alam if tama ba na makita ko yung babae niya.

"I think personal agenda mo na yan, labas na ko diyan. Just please, pauwiin mo siya ng maayos."

"Oh no, she's not coming home. Her home is with me. I paid for her, so she can't leave. Never." Hindi ko inasahan na ganito siya ka posessive. Wala siyang karapatan ikulong ang isang tao kahit pa binayaran niya 'to. This is scary and wrong. I have to do something bago pa siya makagawa ng katarantaduhan.

"You know what...I changed my mind, I want to see her."

"Really?" Tumango naman ako. Yung place niya ay hindi malayo dito sa restaurant. 5 to 10 minute walk lang naman siya kaya hindi ko na ginamit yung sasakyan ko at naglakad nalang kami. "Do you know why that restaurant is called secret in the alley?"

"Hindi, bakit?" Siguro yung restaurant yung secret sa eskinita na yan, sa tingin ko lang ha. Kasi hindi naman madali makita yung resto unless ikaw si Dora the explorer na mahilig mag susuot sa kung saan saan.

"Sabi kasi nung owner, madalas daw sila magkita ng patago noon ng asawa niya diyan sa alley na yan."

"Talaga?" Nakangiting tumango tango naman siya. "Bakit sila patago magkita?"

"Ayaw nung parents ni Mrs. Takahasi kay Mr. Takahashi noon. Kaya ayun, they always meet up in that alley. Mabuti nalang after ng ilang taon natanggap din nila si Mr. Takahashi."

"Siguro ang hirap nun, no? Yung nagmamahalan lang naman kayo pero may mga tumututol." Sagot ko sa kanya.

"That's true. How about you, Professor? Anong gagawin mo if mangyari yung ganyan sa'yo? Who will you choose, your family or the love of your life?" Medyo bumagal yung lakad ko at napaisip. Dahil kung saakin mangyayari yan tiyak na mahihirapan at maguguluhan ako.

"Sa totoo lang, mahirap yan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sobrang mahal ko yung pamilya ko, yung parents ko. Parang hindi ko alam kung kaya ko ba silang suwayin pero kung para sa taong mahal ko naman, siguro kaya ko? Ay, hindi ko talaga alam! Ipagdarasal ko nalang na hindi mangyari sa'kin yan." Ipagdarasal ko din na sana makatagpo ako ng taong mamahalin at matatanggap ng pamilya ko. "Eh ikaw? Anong gagawin mo?"

"I'll choose the love of my life, ipaglalaban ko siya sa pamilya ko kung kinakailangan."

"Eh paano kung yung pamilya ng girlfriend mo yung may ayaw sa'yo, anong gagawin mo?"

"Then I'll try to win their approval. There's no harm in trying, right? As long as my partner is by my side, supporting me, walang magiging problema, kahit ano pang pagsubok ang maranasan ko."

Wow. Nakakagulat talaga si Lucy minsan. Hindi mo aasahan sa kanya na ganito pala siya pag na inlove.

"Tapang naman."

"Of course. Hindi ako lumaking duwag. I'm Lucifer, everything can be done by dealing with the devil." Natatawa tawa pa nitong sagot. "Joke lang. Siyempre kailangan din naman maging matapang tayo para sa mga taong minamahal na'tin."

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami dito sa condo building tower niya. Pumasok na kami sa elevator at pinindot niya ang letter P, sa penthouse level pala siya. Ngayon lang ako makakapunta sa place niya.

"Nag rerent ka lang?" Pagbasag katahimikan ko.

"Sabi ko ka kay Xenia, babayaran ko siya monthly pero ayaw niya. She told me I can stay here for free until I graduate. I'm just paying for the condo dues and other utility fees." Ah, oo nga pala sa bff ko nga pala 'to.

Narinig ko ng nag hu-hum si L, parang kinabahan naman ako bigla. Napalunok ako ng nasa tapat na kami ng pintuan ng unit niya. Hindi ko alam bakit ba yung mga naiisip ko eh nakakatakot, samantalang kaibigan naman 'to ng kaibigan ko.

"Welcome, feel at home." Sabi nito ng mabuksan niya na ang pintuan at ang ilaw. Alam ko namang minimalist ang mga Japanese, pero hindi ko naman inexpect na ganito ka minimalist.

Malaki naman yung unit, o baka sadyang nalalakihan lang ako kasi walang gamit na nasa loob.

Is this even a living room? No, is this even a home? Meron lang isang monoblock tapos maliit na lamesa. Yung kitchen, wala man lang kagamit gamit. May lutuan naman pero sobrang linis at mukhang brandnew kasi hindi man lang ginagamit. Wala siyang fridge, oven, microwave o kung ano pa man. Baka nga pati kutsara at tinidor wala siya eh.

There's a mini bar na puno ng alak. Ayan lang siguro ang maganda dito sa kitchen niya. Umiinom pa ba ng tubig itong taong 'to?

Kung vlogger ako ito na siguro yung pinakamabilis na house tour video na magagawa ko sa sobrang wala namang makikita dito.

"Lucifer, kakalipat mo lang ba?"

"Hindi naman, Professor. Dito na ko nag stay simula ng pumasok ako sa JVU." Inilapag ko sa may kitchen counter yung bitbit kong food at nagsimula ng libutin yung unit niya. Gusto ko rin kasi mahanap yung babae, baka kasi nasa kwarto niya at kung ano na nangyari.

May tatlong pintuan pa akong nakita. Binuksan ko yung una, walang kalaman laman. Siguro ito yung spare room. Pumunta ako sa pangalawa, okay, bathroom. Maayos naman at may iilang toiletries na naandon.

"Is this your room?" Tukoy ko sa huling pintuan.

"Yes. You can go inside. She's there." Mabilis na binuksan ko ang pinto ng kwarto niya. Unang napansin ko ay ang isang medium sized aquarium, may ilaw yung aquarium kaya kitang kita ko yung isda na lumalangoy doon. Binuksan ko yung ilaw ng kuwarto niya. Diyos ko naman, kuwarto ba 'to? There's a queen-size bed and a TV that's hanging on the wall. Yun lang. Inikot ko pa yung kuwarto, may sarili siyang bathroom at maliit na walk in closet.

Nasaan na yung babae? Nasaan na yung sinasabi niya?! Lumabas na ulit ako ng kwarto. "Nasaan? Wala naman akong nakita doon?!" Nakita ko ang biglang panic sa mata niya.

"Anong wala? She's there! Hindi siya pwede makawala!" Tumakbo siya sa loob ng kwarto at sinundan ko siya. Parang nakahinga siya ng maluwag ng nasa tapat na siya ng aquarium. "Professor, come here."

Lumapit naman ako, nakatitig pa rin siya sa isda habang ako naman ay nakatingin sa kanya. "Go on, entertain me." Kinatok niya yung aquarium at yung isda naman ay naglalangoy langoy.

Oh my god. Please don't tell me na yung date na sinasabi niya ay itong isda. Napahilot nalang ako sa sentido ko.

"Lucy..." Kalmado kong pagtawag sa kanya.

"Yes, Professor?"

"Sino yung ka date mo?"

"Ah! Okay, I haven't formally introduced you to her." Kinatok katok niya ulit yung aquarium. "Snow, this is Professor Katrina Angeline Casabueno. My favorite professor at Javier Valero University. Professor, this is Snow." Turo niya sa isda.

"Paano mo yan naging ka date, aber?" Hindi ko alam kung tatawa ba ako o iiyak sa mga nangyayari ngayon.

"I met up with the seller earlier, mga around 6:00 pm tapos pagkakuha ko kay Snow dumiretso kami sa park, nag stroll lang, appreciating the beauty of the place. Then we went to the pet shop para bilhan siya ng pellets at binilhan ko rin siya ng bahay bahay niya. Look oh, ang cute ng house niya. Tapos inayos ko na yung aquarium niya dito para masaya siya. Happy ka naman 'diba, Snow?"

"You have a problem with your brain." Pailing iling na bulong ko. "Wala ka bang kasamang kaibigan kanina? Nasaan ang mga kaibigan mo?"

"Xen—"

"Except for Xenia." I cut her off.

"May class si Macey kanina hindi niya ko nasamahan, same with Paulo." Macey and Paulo, her classmates. Madalas niyang kasama yang dalawang yan, same course silang tatlo at pare-parehas na irregular students. Napabuntong hininga nalang ako.

"Kinakausap mo talaga yan, ano?"

"Oo naman. We are just the same, you are also talking to your cat." That's true. May alaga akong pusa, at siyempre kinakausap ko rin iyon kahit alam kong hindi kami magkakaintindihan. Lumabas na ulit kami ng kwarto niya, looking at her house makes me feel heavy.

Hindi ko ma coconsider 'tong home kasi hindi talaga siya homey. Hindi kasi maganda sa pakiramdam.

"Professor, kumain ka na. Hindi na masarap yan pag hindi mainit." Gutom na rin naman ako kaya mas mabuti pa kung dito ko nalang kainin yung take out ko kanina.

Buti nalang may kasama cutleries kasi kung wala paano ko 'to kakainin.

"Seat here." Inayos niya yung monoblock tapos inalis niya yung mga papel n nakapatong doon sa maliit na lamesa. "Dito ka para mas comfortable."

Nagsimula na ako kumain at si L naman ay pumunta ng mini bar niya para kumuha ng maiinom. Puro alak na yata nasa katawan ng babaeng ito pero kahit ganito siya thankful naman ako kasi hindi siya pumapasok sa university ng lasing o nakainom.

Habang ako'y tahimik na kumakain ay naglapag naman siya ng isang bottled water sa tapat ko.

"okay lang hindi malamig? I don't have a fridge."

"Ayos lang. Thanks.. Lucy, bakit hindi ka bumili ng refrigerator?" May kakayahan naman siya bumili ng gamit at pagandahin itong place niya.

"Madalas naman akong sa labas kumakain kaya hindi na ko nag abala."

"Kahit na, what if gusto mo ng malamig na tubig? Or di naman kaya gusto mo ng ice cream? At least you can store it sa fridge, 'di ba." Tumango tango naman siya para bang iniisip kung bibili na ba siya ng ref or hindi. "How about a couch? okay din mahiga sa sofa minsan. At saka hindi ka ba nahihirapan dito sa isang monoblock chair?" Kailangan ko siya mabudol. At least masimulan ko man lang sa sofa or mga bar chair para pwede niya ilagay sa kitchen island o kaya ref.

Umupo siya sa sahig malapit sa akin habang hawak hawak pa rin ang baso ng kanyang inumin.

"Gusto mo ba ng malamig na tubig?"

"Oo, lalo na pag mainit ang panahon."

"Ahh." Sagot niya kasabay pa ang pagtango tango.

"Lucy, hindi ka naman nag iistay dito ng isang linggo or isang buwan, taon kang mananatili dito. You can try to make this place comfortable as much as possible. Para na rin pag nag invite ka ng friends mo mas maayos kayong magkaka pag bonding."

"Ano bang itsura ng bahay ko ngayon?" Seryoso ba siya?

"Mukhang kakatapos lang na construction tapos may multo. Ganun." Natawa naman siya sa sinabi ko.

Napansin ko naman busy na siya kakatipa sa cellphone niya. "I just ordered a refrigerator."

"Ha? Agad agad?"

"Two door."

"Teka, bakit two door? Anong ilalagay mo dun? Eh ikaw lang naman mag isa dito."

"Well, the space for the fridge is supposed to be for a two-door size. Ang awkward if normal size fridge lang yung kukunin ko, makikita ko yung extra space."

"Oh, okay okay. That's good. At least makakapaglagay ka na ng malamig na tubig." Lihim akong napangiti sa ginawa niya. Budol for refrigerator, check!






"Alam mo para kang tanga, ihahatid mo ko sa sasakyan ko tapos ihahatid din kita pauwi. Dapat kasi hindi mo na ko sinamahan."

"It's 11:30 in the evening, hindi maganda maglakad ng mag isa." Nagsalita ang babaeng naglalakad tuwing madaling araw para lang pumunta sa isang cafe or restaurant. Kung alam ko lang ganito edi sana dinala ko na pala yung sasakyan kanina.

"Anyway, bakit pala snow pangalan ng isda mo?"

"Because she's white as a snow. She's pretty, right?"

"Oo, maganda nga siya. Dapat siguro bumili ka pa ng isa para hindi siya malungkot mag isa doon sa aquarium niya. Na dedepress din pati mga isda ah."

"That's true. Did you know that guppies are social fish? They are better in groups. They can be depressed whenever they are alone. But for Snow, she's built like that."

"Like what?"

"Alone. Her kind is aggresive, papatayin niya yung mga isdang makakasama niya sa loob, lalo na if colorful yung isdang isasama mo, wala pang ilang oras magpapatayan na sila." Wala akong masyadong alam sa mga water species pero nakakalungkot din pala na may ganoong klaseng isda.

"Hindi mo pa ba try mag alaga ng ganyang isda tapos sinamahan mo pa ng isa?"

"Na try ko, when I was in Japan, may alaga ako. At first, they really get along, and I can see that they are socializing with each other. But weeks passed, nagkasakitan na sila. Namatay lang sila parehas."

"That's unfortunate."

"Mhm, but don't you worry, Professor. She's not alone anymore."

"Huh?"

"Because she have me. Eventhough we're not breathing the same air, obviously nasa tubig kasi siya. We're not going to be alone anymore because me and Snow have each other." She said while smiling widely at me. Paano niya nagagawang ngumiti ng ganyan? Na para bang sanay na sanay siyang malungkot at mag-isa.

Seeing her house empty, looking at her pet fish, and hearing what she was saying with a big smile on her face—I can't explain why, but my heart aches seeing all of these.

"You also have Macey, Paulo, Xenia, and..."

"And?"

"Me. You have me."


つづく

Pasupport po! Read, vote, and comment! :)
Thanks for the 18k reads on fate! Dati 500 reads ka lang 🥹 Salamat sa inyong lahat.

Continue Reading

You'll Also Like

2.9K 160 75
Matagal nang may nararamdaman si Bria para kay Jezz hanggang sa naging malapit sila sa isa't isa. Ang problema, alam ng marami na straight ito at kai...
3.6K 157 51
enemy to lovers story of Jaeden and Kitty.
149K 4.6K 57
"I thought I had it all figured out-a perfect life with a planned future. Then you came along, adding colors to my black-and-white existence. Now, I'...
2.5M 103K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...