Meet Lucy

By Mirmodepompoms

3.7K 333 27

Katrina Angeline Casabueno, the angel in disguise professor, meets Lucy Natsume, a half-Japanese, devil-incar... More

こんにちは
1 一
2 二
3 三
4 四
6 六
7 七
8 八
9 九
10 十
11 十一
12 十二
13 十三
14 十四
15 十五
16 十六
17 十七
18 十八
19 十九
20 二十
21 二十一
22 二十二

5 五

165 15 3
By Mirmodepompoms

Unedited. Grammatical and typographical errors ahead.




Kat




"Nice, bago?" Tanong ko kay Lucifer ng makita ko siyang inaantay na ako sa harapan ng bahay. Dahil nga monday ngayon, start na din ng pag hatid sundo niya sa akin.

"This is Xenia's gift." Tukoy niya sa sasakyang gamit niya ngayon. Sabagay, parehas naman silang mahilig sa sasakyan kaya siguro iyan din ang ibinigay ng kaibigan ko. Mabilis na akong sumakay sa passenger seat para makaalis na kami.

"I think we're going to be late." Feel ko din, maaga naman kami umalis pero sobrang traffic ngayon. Traffic in the Philippines is worst talaga. "Professor, can you play some music, connect ka nalang sa car bluetooth." Pakiusap niya kaya ginawa ko nalang din.

"Anong gusto mong pakinggan?" Tanong ko, siyempre dahil siya ang driver siya din ang may-say sa music choices ngayon.

"Tchaikovsky Symphony No. 6 Pathetique." Sagot niya. Hmn? Tchaikovsky.. Nisearch ko agad yung sinabi niya sa music player app ng phone ko at agad na pinatugtog. Ang akala ko yung mga hilig niyang music is yung rock, basagan ng tenga pero kabaliktaran ito ng pinapakinggan namin ngayon. Siguro na judge ko lang talaga siya based on her name pero kasi may pagkasutil din siya kaya ang hirap talagang isipin na mabait siya.

"You like this kind of music?" Tanong ko.

"Yes, and it also makes me calm. I'm irritated right now because of the traffic. We left early, but here we are, still stuck." Pailing iling niya pang sagot. Nakita ko rin naman ang dissapointment sa mukha niya. Maya maya pa't umandar na rin naman kami at mabuti naman ay dire diretso na 'to. Napansin ko naman na bumibilis ang pagpapatakbo niya ng sasakyan.

"Slow down, Lucifer. Late na din naman tayo e."

"Yes we are late at mas nakakainis kung mas male-late pa tayo, ma'am." Sabagay, totoo naman. Naalala ko na Japanese pala siya, it's either maaga sila or always on time. Pero bakit siya na late sa first class ko before?? Ah, oo nga pala kasama niya si Xen noong araw na yun. Malamang lamang nahila muna siya kung saan-saan bago makapasok.

Pero never naman na na ulit yun. She's always early sa class ko.

"Lucifer, 60 lang ang speed limit dito. We're running 80 now." Paalala ko pa, mahuhuli kami ng pulis if pinagpatuloy niya 'to. Mas malaking abala 'to sa amin. Pero parang wala namang naring 'tong kasama ko.

"Kuso!" Madiin niyang sigaw.

Ayan na nga ba ang sinasabi ko, may humabol na traffic enforcer sa'min at nag wangwang pa. Iginilid naman ni L yung sasakyan at kinuha ang wallet niya para ilabas ang lisensya. I think she has an international driving license permit.

Kinatok ng officer yung bintana, at ibiniba naman ito ni L.

"Good morning mga madam. License please." Inabot naman 'to ni L

"Good morning, officer." Bati niya at ako naman ay ngumiti lang. Kahit anong gawin siguro namin ay magkakaroon kami ng penalty lalo na si L dahil siya ang nag da-drive.

"Siguro naman po ay may idea kayo kung bakit po namin kayo pinahinto." Sabi pa ni kuya officer habang tinitignan ang permit.

"Yes, officer. We are well aware. Are we okay now?" Tanong pa ni L, napansin ko din ang pagkindat niya sa enforcer. Binalik naman ng enforcer yung lisensya niya.

"Oks na mga madam, Ingat sa pagmamaneho!" What? Anong nangyari? Paano? Nakita ko pang sumaludo yung enforcer sa amin. Dali dali namang pinaandar ni L ang sasakyan.

"Anong ginawa mo?" Sobrang nagtataka ako kasi wala naman siyang ibang ginawa or sinabi man lang kanina pero paano kami pinaalis ng ganun ganun na lang.

"I just gave him pang-coffee." Relax na sagot sa akin nito.

"Binigyan mo ng pera?!!" Tumango it at nakangiting tumingin sandali sa akin.

"Yup! I slid it together with my license, works everytime." Pagmamayabang niya pa, Ilang beses niya na ba ginawa ito? Diyos ko, wala na kong magagawa sa batang 'to, masiyado ng mahaba ang sungay at pag pinutol mo sure akong tutubo lang ulit at ito namang mga governement enforcer mukhang kakaunti nalang talaga silang nanghuhuli ng may mga violations lahat nalang idinadaan nila sa under the table. Nakakaloka.


"Hanggang anong oras ang class mo?" Tanong ko kay L, sabay kami ngayong naglalakad sa hallway. Halata namang pinagtitinginan kaming dalawa, lalo na 'tong katabi ko. Anong meron?

"Until 3pm then I have Kendo practice until 5 pm"

"Hi L." Bati ng isang lalaki na biglang humarang sa amin. "Good morning po, Miss Casabueno." Bati niya rin sa akin kaya tumango at ngumiti naman ako dito.

"For you." Inabot nito kay L ang chocolates na bitbit. Nakatitig lang si Lucifer dito kaya medyo siniko ko siya. Mabenta din pala ang beauty niya. Magkasalubong ang kilay niyang tumingin sa akin, pinanlakihan ko siya ng mata para tanggapin niya yung inaabot nung isang estudyante. Mukang nagets niya naman kaya kinuha niya 'to. "Mag thank you ka." Mahinang bulong ko.

"Uhh. Thanks." Pasasalamat niya at mabilis na naglakad ulit. Sumunod na din naman ako sa kanya. Inabot niya sa akin yung chocolates.

"Oh, ayaw mo?"

"I prefer dark chocolate. Sa'yo nalang yan...message me later pag magpapahatid ka na. Bye, professor."




"Ano ba yang tinitignan mo diyan? Parang kanina ka pa focus na focus diyan sa phone mo." Tanong ko kay Carla na para bang may nakikitang kung anong kagandahan diyan sa cellphone niya.

"Hindi mo ba alam 'to?" Pinakita niya sa akin yung phone niya.

"JV Insider?"

"Oo, sis. Mga chika tungkol dito sa school na'tin." Hala, may ganoon? Alam kaya ito ng kaibigan ko? Sa pagkakaalam ko bawal yung mga ganyan ah.

"Ano ba mga nakapost diyan?"

"Oh eto sample... Who is this mysterious girl that caught the attention of our one and only captain of the basketball Team?" 

"Sino daw?" Kilala naman sa University kung sino ang captain ng basketball team pero yung mysterious girl ay siyempre hindi namin kilala.

"Siyempre hindi sila nag ne-name drop dito, sis. Hulaan portion 'to. Pero minsan naman magegets mo na kung sino dahil sa mga clues." Naputol ang usapan namin ng napansin namin na may nagsisigawan na dito sa cafeteria.

Yung Captain ng basketball at isa pang estudyante. Nagulat kami ng biglang nagsapakan ang dalawa pero merong isang taong pumukaw ng atensyon ko, dahil ang dalawang lalaking nag-aaway ay nasa harapan ngayon ni L.

Si Lucifer na kasalukuyang kumakain at walang pakialam sa paligid nito. Maya maya pa ay inawat ng mga lalaking professors yung dalawang nag-aaway habang ito namang si L ay inaayos ang pinagkainan at saka tumayo para umalis.

Bilib din talaga ako sa batang 'to, wala bahid ng pakialam sa mga nangyayari sa paligid niya.

4 pm ay natapos na ang klase ko, hihintayin ko pa si L kasi mamaya pang 5 matatapos yung kendo practice niya. Imbes na sa parking lot or sa office ako tumambay ay pupuntahan ko nalang siya.

Saktong pagpasok ko naman ay mukhang magkakaroon sila ng one on one sparring.

"Hello po, ma'am." Bati ng iilang students na nakikinood din.

"Hi, Miss Casabueno." Bati ng captain ng Kendo.

"Hello, Cap. Panood ha."

"Anytime po ma'am. Sakto, special day 'to. One on one spar with Natsu."

"Team! Miss Casabueno is watching! Galingan niyo ha!" Sigaw pa nung Captain. Kakahiya naman may pa ganoon pa.

"Hi, professor!!!!" Biglang bati ni L na may malaking ngiti at nagwave pa. Tinanguan ko lang siya. Parehas na silang nagsuot ng helmet nung kalaban niya. Medyo naglapit na sila at parehas nag crouch at saka tumayo ulit. Yung captain ang magiging referee nila ngayon.

20 seconds na nag simula ang laro ng biglang itinaas ni cap yung red flag, means point for L. Teka nga ang bilis ng pangyayari, ni hindi nakita ng mata ko kung saan tumama yung sword niya. Kinalabit ko yung katabi kong isang member ng kendo team.

"Anong nangyari?"

"Ay, hello ma'am. Natamaan kasi ni L yung wrist nung kalaban niya. So, sa kendo po kasi makakapoints ka pag tinamaan mo yung sa ulo, sa wrist, sa torso at sa may bandang throat." Explain naman nito sa akin. Tuloy tuloy naman ang laban nila, ang bilis kumilos ni L, maya-maya pa ay natamaan niya ang kalaban niya sa ulo.

"Alam mo ma'am, isang hulog ng langit talaga yan si Natsume sa'min sa Kendo Team." Kung alam mo lang, sa impyerno yan galing. Literal na ihinulog galing sa langit para magbantay sa underworld. "Ang galing niya talaga, ma'am. Tapos galing pa siya sa Japan kaya talagang knowledgable siya sa sport na 'to. Ang dami niya na rin naturo sa amin." Mabuti naman marunong din siya mag share ng knowledge.

"May chance na mag champion?" Tanong ko

"Ay opo ma'am. Sure na sure. Kay Natsu palang panalo na e!" Narinig namin ang sigaw nila which is normal I think sa sports na 'to. Parang hangin si Lucifer kung gumalaw, alam na alam kung saan niya papatamaan yung kalaban niya, sobrang kalmado din siya, hindi ko akalain na ang pasaway na katulad niya ay nagiging kalmado sa ganitong sport.

At the end of the game nanalo si Lucifer

"Kung sino makatalo kay Natsu sa susunod, libre lunch for a month!" Sigaw ng captain. Nagbow lang naman si Lucifer at mahinang tinapik ang balikat ng captain nila. Hindi mo rin naman maikakaila na magalang din naman si Lucifer sa ibang tao.

After ng training nila ay dating gawi siya ang naghahatid sa akin. Kinabukasan ay ganoon din, hatid sundo lang. Hindi lang kami masyado nag papahalata sa mga ibang students kasi mahirap na at baka machismis pa ng wala sa oras.




Habang nag papa antok ako ay nag check muna ako ng mga socials at saktong napadpad ako dito sa JV insider na kinahuhumalingan ng mga nakikichika sa university.

Oh my god. Kami ba 'to??? This is bad. Meron bang nakakakita sa amin ni Lucifer na laging sabay pumasok, maingat naman kami ah. Ang bilis naman ng chismis dito, nakakaloka. Nag chat nalang ako kay Lucifer kasi hindi maganda na may ganitong chismis na kumakalat sa Uni. Kahit naman wala kaming masamag ginagawa e iba pa din ang nakikita ng mga tao.

Me
L, No need to pick up me tomorrow.
I got it covered.

ルシファー・ナツメ
R u sure prof?
Sinong taga hatid and sundo mo?

Me
friend ko. Ilang araw nalang naman eh

ルシファー・ナツメ
Okay, but please be careful.

Me
Will do. Thanks!




***

Wala naman sigurong mangyayaring masama kung gagamitin ko yung sasakyan ko, matagal naman ng naayos 'to. Fresh na fresh ang gulong at I can feel na walang maglalaslas nito ngayon. Magiging maganda ang araw na 'to, walang mangyayaring kakaiba.  Ngayon ko lang ulit gagamitin yung sasakyan ko kasi nung mga nakaraang araw ay si Andrea ang taga hatid at sundo ko. Kaso ngayong araw ay hindi talaga siya available.

Nagpatugtog lang ako ng mga favorite songs ko while driving to school, maayos at walang nangyari kababalaghan hanggang sa maipark ko ito sa University parking.

"Aha!"

"Ay! Anak ka ng tatay mo!" Sigaw ko ng biglang sumulpot sa harapan ko si Lucifer. "Ano ka ba namang bata ka."

"You told me may maghahatid sa'yo." Sambit nito kasabay pa ang pag iling ng ulo. "Magagalit yung kakampi mo sa itaas, nagsisinungaling ka." Pang aasar pa nito.

"Hindi mo ba kaya banggitin yung salitang Lord? Jesus Christ? God? Jesus? Kaaway mo ba talaga siya?" Inirapan niya lang ako.

"Isusumbong kita kay babe! Akala mo ha." Sumbungera naman nito. Kakainis.

"Heh!" Hinila ko siya sa medyo malayo sa mga mata ng tao. "Ganito kasi...Hindi tayo puwede makita ng tayong dalawa lang." Pagbibigay alam ko sa kanya. Kailangan ko sabihin sa kanya kasi ano namang saysay kung itatago ko. She should also be aware of what is happening, parehas naming pwede ikapahamak yung mga chika na kumakalat sa University.

Nakita ko naman na medyo napakunot ang noo niya. "Why?" Tanong niya. Kinuha ko naman yung phone ko at ipinakita yung blind item na nakapost doon sa page. It is a blind Item pero siguradong sigurado ako na kami yun.



"Oh. Because of this?"

"Oo."

"So what?" Anong so what so what ka diyan? Hindi ba siya natatakot? "I do agree that this is us they're talking about."

"You can be kicked out, Lucifer. If hindi tayo mag ingat yan ang mangyayari sa'yo." Medyo natawa naman siya.

Para sa'kin naman if ever matanggal ako, ayos lang. Pabor pa nga sa'kin dahil gusto ko na mag focus sa ibang bagay.

"Oh no. Never...Okay, listen to me, professor. Do you think they have enough evidence? Sige, let's say na may kumukuha na ng pictures na'tin secretly pero ano bang ginagawa na'tin? Nag uusap lang naman tayo. Hindi naman tayo naghahalikan, hindi naman kita hinahawakan."

Hm, oo nga naman. Bakit nga ba ako natatakot? Hindi pala dapat ako natatakot or nag rereact ng ganito. She's right.

"We're not doing anything na ikakasama ng image na'tin parehas. You are a professor and I am a student. I know my boundaries. If gagawa pa man ulit ako ng ibang kalokohan, I'll make sure na hindi nakatapak ang paa ko dito sa University."

I did not expect na makakarining ako ng mga ganitong bagay kay L.

"So please, don't worry about that trash. Those people don't have a life kaya puros chismis lang ang inaatupag. Hayaan mo sila."

"O-okay... Tama ka naman." Hindi na ko nakipagtalo pa kay L kasi tama naman din talaga ang lahat ng sinabi niya. "Sige na, go na. Baka malate ka pa sa class mo and please lang pumasok ka sa klase ko later."


Dahil meron nga akong class ngayon kila L, mabuti naman ay pumasok siya at sa nakikita kong grades niya sa akin ngayon, lalagpak talaga 'tong batang 'to.

"See you next meeting...Ms. Natsume, please stay." Inaantay ko lang makaalis lahat ng student sa classroom hanggang natira lang kami ni L.

"May next class ka pa ba?"

"Wala na, do we have any problem?"

"Yes. Babagsak ka L. If hindi mo aayusin yung mga quizzes and exams mo, uulit ka sa subject ko. Everytime na may recitation, it's either sasabihin mo lang na hindi mo alam yung sagot or you're sleeping in my class. Hindi na kita pinagbabawalan matulog pero naman if laging ganito yung grades mo, hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo. I think kailangan mo mag effort." Pangaral ko sa kanya. Nahalata ko naman na nasa kamay niya yung fidget toy na niregalo ko nung birthday niya at kasalukuyan niyang nilalaro ito.

"L, are you okay? Is there something bothering you?" 

"No. It's...I'm fine. Okay, I'll make sure na babawi ako sa next exams and quizzes." Sagot niya at bigla nalang umalis. Bastos talaga itong batang 'to. Hindi ko nalang masiyado pinansin kasi unti unti na rin naman akong sanay na ganito siya.





***

Nia Torres
Bes, alam na kung sino nag slash ng gulong mo.

Me
Sino?!

Nia Torres
hulaan mo

Me
Madapa ka sana bes

Nia Torres
Char! Punta ka sa office ko. Nasabihan ko na si Grace.


"Good afternoon, Ms. Casabueno." Bati ni Grace pagkadating ko sa opisina ni Xenia.

"Hi, Grace."

"As per Ms. Torres po diyan daw po muna kayo sa office niya, may tao po yatang kakausap sa inyo." At sino naman?

Mga five minutes na rin siguro ako naghihintay sa loob ng office ni Xenia ng may mga tao ng dumating.

"Ms. Casabueno, naandito na po yung mga police." Pagbibigay alam ni Grace. Teka, anong pulis? Bakit may pulis? Ano bang nangyayari.

Xenia Torres Calling...

Katrina

Oh she's serious.

Xen, what is happening?
Bakit may pulis?

Once na pumasok na silang lahat diyan.
Desisyon mo na.

O-Okay. I'm getting nervous, Xen.
Sobrang seryoso ba ng issue na 'to?

Unfortunately, it is. I trust you, okay.
I know you'll make the right decisions.
I have to go.



"Good afternoon, Ms. Casabueno." Bati ng isang pulis sa akin. Mayroon pa siyang isang kasama.

"Good afternoon, officers." Bati ko pabalik sa kanila.

"Pakitignan po, sabihin niyo po sa amin kung makikilala mo ang mga taong nasa litrato."

Isa isa kong tinignan yung mga pictures na ibinigay ng pulis sa akin.

"Nakikilala niyo po ba?" Tanong ulit sa akin ni Kuya officer. Tumango naman ako. Kilalang kilala. "Puwede po ba namin kayo maimbitahan sa presinto ngayon? Nasa custody na po namin siya at kailangan po ng iba pa ninyong statements, at para narin po sa kaso na isasampa ninyo kung sakali."


I did not expect that I would see him like this. It's not only me who's filing a case against him, but there's another family who is hurt right now because their daughter is fighting for her dear life.

Steven, my ex boyfriend. I met him through a common friend. Mabait si Steven, maalaga, sweet. Ganyan ang pagkakakilala ko sa kanya nung umpisa kaming mag date. We dated for about three months and decided to become an official couple. About six months into a relationship, medyo napansin ko na ang pagbabago niya. Napapadalas na yung pagkamainitin ng ulo niya, ang akala ko naman ay wala lang siya sa mood, ganoon naman ang tao. May time na nasisigawan niya na rin ako. Grabe din siya kung magselos, ayaw na ayaw niyang lumalabas ako ng hindi siya kasama. Nasaktan niya rin ako ng pisikal lalo na nung hindi ako pumayag sa gusto niyang mangyari. After that ay hindi ko na pinatagal pa yung relasyon namin, hiniwalayan ko siya.

Umabot din kami sa presinto pero hindi ako ng nag sampa ng kaso sa kanya, dahil pinangako niya na magbabago siya, etcetera. Pinagbigyan ko siya kasi may pinagsamahan din naman kami at minahal ko siya kahit papaano.

May iilang beses ko din siyang nahuli na sinusundan ako lalo na nung time na hiwalay na kami pero nag usap kami ng maayos at ipinangako niya na hindi niya na uulitin, until one day, I got a threat from him, and again, pina blotter na namin siya ng family ko. Akala ko tumigil na siya, ilang taon na rin yung lumipas ang akala ko wala ng mangyayaring ganito. I thought he will change.

Hindi ko inexpect na siya pala ang gumagawa ng ganito sa'kin. These past few days nakakareceive ako ng mga letters, from an anonymous person. Nung una, medyo okay pa yung mga nakasulat, ang akala ko nga sa student ko galing na ina admire lang ako. Pero nung mga sumunod na araw, ay hindi na maganda ang pakiramdam ko sa mga iyon dahil nakakatakot na yung mga nakasulat doon.

Nakausap ko yung isang family na nag kaso din kay Steven. Until now nasa hospital pa rin yung anak nila. They thought Steven was a good guy, ganyan din ang akala ko pati ng buong pamilya ko.

Patong patong na ang kaso niya galing sa'ming mga nagreklamo. I'm sure mahihirapan na siya makalaya sa ginawa niya. Mabilis talaga ang karma.

"Thank you for your cooperation Ms. Casabueno. Makakahinga ka na ng maluwag. We will make sure na hindi na niya magagawa ang mga krimen na 'to." I'm really curious kung paano nila nahuli si Steven.

"Pwede po ba magtanong?" Tumango naman si Kuyang pulis. "Paano niyo siya nahuli?"

"May nag tip. Ah, Ms. Casabueno, hindi pa po tayo tapos dahil mayroon pang isang tao na kailangan mo makausap." Napakunot naman ang noo ko sa pagtataka. Sino pa ba?

Maya maya pa ay nakita ko ng lumabas si Lucifer na nakaposas ang kamay at may escort na isang pulis sa likod. Umupo siya sa upuan na katapat ko.

"Ms. Casabueno, kilala niyo po ba itong taong 'to?" Tumango naman ako.

"Officer, can you please take off those handcuffs of hers?." Nakita ko ang pagtataka ng mga pulis pero pinagbigyan naman nila ako. "She's my student. Anong ginagawa niya rito?"

"Totoo po bang isa siya sa sumira ng gulong ng sasakyan ninyo?" Nandito na 'to, hindi naman ako pwede mag sinungaling dito sa mga pulis.

"Opo, pero okay na po yun, inamin niya naman po sa'kin yun and okay na po kami." Mabilis kong sagot. Tumango tango ang pulis.

"Hindi na po ba na'tin siya kakasuhan? pwede damage to property atsaka iniistalk ka din ho nito Ms. Casabueno."

"No, we're just going to settle it. She can pay for any damage to my car."

After ng ilang paperworks at ilang minuto pa ng pag uusap ay sa wakas makakaalis na rin ako rito sa police station.

"San ka pupunta?" Tanong ko kay L at hinawakan siya sa braso. "May dala ka bang sasakyan?" Dugtong tanong ko pa. Umiling naman siya bilang sagot. "Sumabay ka na sa'kin. Ihahatid na kita pauwi."

Ewan ko kung anong pumasok sa kokote nitong batang 'to at sumuko sa mga pulis. Alam ko naman yung ginawa niya, humingi na rin naman siya ng tawad sa'kin kaya hindi na dapat siya nagsabi pa sa mga pulis, unless nahuli siya.

Tahimik lang akong nagmamaneho papunta sa condo ni L, napansin ko naman na kanina niya pa hawak hawak yung wrist niya, mukhang nagkasugat yata dahil sa pagkaposas kanina sa kanya. Itinigil ko muna yung sasakyan malapit sa isang drug store.

"May bibilhin lang ako." Saglit lang naman ako sa botika, bumili lang ako ng gamot para sa sugat niya. Pagkapasok ko sa sasakyan, nakita ko naman siyang natutulog na. Dahan dahan kong hinawakan yung kamay niya at sinuri kung anong nangyari dito.

"Hay, ano bang gagawin ko sa'yong bata ka." Sobrang ingat ko maglagay ng disenfectant kasi mamaya bigla siyang magising sa sakit pero sa kabutihang palad ay mukhang hindi naman siya nakakaramdam ng kung ano. After ko lagyan ng disenfectant at nang band aid yung sugat niya ay bumalik na rin ako sa pagmamaneho papunta sa place niya.

Marahan ko siyang niyugyog para magising siya dahil nakarating na kami dito sa tapat ng building tower ng condo niya. Maya maya pa ay nagising na rin siya.

"Oh, we're here. Thank you, Professor."

"Ikaw ba ang nagbigay ng tip sa police?" Kanina ko pa kasi iniisip kung paano siya nadamay dito. Alam kong nangako siya na hahanapin niya kung sino yung gumawa sa'kin nito pero hindi ko inaasahan na isasali niya ang sarili niya.

"Yes."

"Then paano ka nadamay? Didn't you give an anonymous tip? Ano, pumunta ka nalang sa police station bigla tas sinabi mo kung sino nananakot sa'kin?"

"Unfortunately, I don't have a choice but to tell the truth. Sinusundan kita para makita kung sino yung sumusunod sa'yo. Ilang araw kitang sinundan actually. At sa ilang araw na yun, andoon din yung taong pakay ko. Once I've gathered all the information, siya naman yung sinundan ko, it's sad that I had to see him hurting the other girl. So, I had to step in. Called the police and tell them the truth. Hindi naman makakatulong sa case if I'm going to lie to them. They asked me, kung bakit ko siya sinusundan and then ayun nag story time na ako sa mga police officers."

Hindi ko naman inexpect na seseryosohin niya yung sinabi niyang hahanapin niya yung gumagawa sa'kin nito.

"You really don't have to do that, L. Mapapahamak ka sa ginagawa mo. At ngayon tuloy nagkaroon ka pa ng police record. Kung hindi na'tin napakiusapan yung police kanina, they were insisting na ipa deport ka nalang."

"I've committed a sin, I deserve to be punished. That's how life works. If they say that I have to be deported, then so be it. Sinuwerte lang ako kasi you're there to save my ass. Thanks to you."

Napabuntong hininga nalang ako mga nangyayari ngayon. I'm thankful sa totoo lang, I didn't expect that this lady would go the extra mile for this.

"You're second name suits you." Sambit niya. "Angeline." Itinaas niya ang kamay na ginamot ko kanina. "Thank you."

Maliit na bagay lang naman yan kumpara sa ginawa niya para sa'kin at para doon sa pamilya ng isa pang babaeng biktima ni Steve.

"Thank you, Lucifer. Really."

"Professor, hindi ako tumatanggap ng thank you. Lahat ng bagay may kapalit."

Ah. Okay, yung lighters niya. Akala ko mabait na siya, fake news pala.

"Fine, I'll gi—"

"Libre mo ko, hindi pa ako kumakain. I'm starving." Nakangiti niyang sinabi sa akin. Ngumiti ako pabalik sa kanya at saka nagmaneho na ulit paalis. "And drop me off sa airport tomorrow morning."

"Ay oo nga pala, pasalubong pagbalik mo."

"Sure, what do you want?" Ay, sineryoso niya. Joke lang naman yung pag ask ko ng pasalubong.

"Joke lang."

"Ano nga kasi gusto mo?" Pag ulit niya pa.

"Kahit ano, basta anything memorable."

"Sure. Memorable, huh? Noted."



つづく




Hello! 👋
We are back!

Continue Reading

You'll Also Like

193K 7.1K 43
Mikylla Franz Garcié is untouchable and hard to reach. She's not allowed to be touched not unless she gave you permission. You will face wrath when y...
1.9M 87.8K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
2.2M 98.2K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
61.1M 944K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...