This Is, Love (GxG)

By ellyciaDC

169K 4.5K 1K

Professor x Student!!! [ Hi, this is my first time finishing a book here on Wattpad. I hope this story entert... More

Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Finale
Author's Gratitude
Special Chapter 1

Chapter 20

2.5K 84 11
By ellyciaDC

(TW⚠️: Abused)

Xyianne











"Alright guys, pack all of that like the way I showed you. Make sure that it has all the goods, complete and secure. Okay?" Ma'am Chan said as she's done showing us all the things needed inside the eco bag for a small token of appreciation to the women in this foundation.

We all answered her and started to pack everything. Halos magulo kaming tignan dahil sa dami namin at sa dami ng nakakalat na ibabalot sa pahabang lamesa dito sa malawak bakanteng silid.

Ang mga estudyante at mga professors lamang ang nandito sa loob dahil may kanya kanyang trabahong ginagawa ang mga kababaihan sa VWF.










"Xy, can you give me an eco bag." Ani Lewis nang matapos siyang makumpleto ang isang eco bag. Hindi na naman kasi siya maalis sa tabi ko, nakadikit na naman. Hanggang ngayon ay nasa wheelchair pa rin siya.

Iniabot ko agad sa kanya ang kailangan niya at minabuti ko ng damihan.

Si Bridgette at ang iba naming kasama ay masaya lang na nagkukwentuhan sa tabi namin habang nagbabalot. May times pa na nagbabatuhan sila ng mga towel na kasama sa loob ng eco bag kaya naman napapagalitan sila ng mga facilitators na nagmamasid sa amin.










"Xy, pakuha naman ako ng tubig. Nauuhaw na kasi ako." Ani ulit ni Lewis kaya naman nilingon ko siya at tinitigan ng masama. Ginagawa akong utusan!

"What? Ikaw ang nagpilay sa akin eh. So you have to help me." Walanghiya niyang dahilan.

I rolled my eyes. Hindi ko naman sinabing iligtas niya ko sa pagkakahulog ko. Siya ang nagkusang sumalo! Nakakainis na araw ito.

Hindi na lang ako nagsalita at nagtungo na lang sa dining hall para kumuha ng bottled water. Kukuha na lang ako ng isang box para na rin sa mga kaibigan ko.








Buhat ang mabigat na box ng tubig ay nagtungo ako pabalik ng silid kung saan nagaganap ngayon ang pagpapack nang mahagip ng mata ko si Nanay Emy papunta sa elevator. Naalala ko bigla ang sinabi niya sa akin na puntahan siya.

Kaya naman ibinaba ko muna ang karton sa tabi ng pintuan ng silid at nagumpisang sundan ang matanda.

Pipindutin ko na sana ang button ng elevator nang biglang lumitaw si Bridge sa harapan ko. "Saan ka na naman pupunta? Sabi ko sayo diba huwag kang hihiwalay sakin?" Medyo may inis na turan nito sakin.

"Dyan lang ako sa first floor may kakausapin lang ako."

"Hindi, walang aakyat ng first floor. Balik na tayo sa loob!"

"Saglit lang ito, Bridgette." Walang gana kong sagot sa kanya at papasok na sana sa elevator pero hinatak niya lang ako paalis.

"I told you, huwag matigas ang ulo mo! Nadadamay ako sayo eh. Alam mo namang buddy buddy tayo dito. Ang mali mo mali ko din, gustong gusto mo talaga akong nadadamay sa mga kalokohan mo eh!" Frustrated na sambit nito at napasuklay na lang ng buhok sa inis.

Alam kong kapag ganito na siya ay inis na inis na siya sakin. Kaya inikutan ko lang siya ng mata at padabog na bumalik sa loob bitbit ang kahon ng tubig.










"Oh tubig!" padabog kong bigay kay Lewis sa dibdib niya.

"Jeez! Kalma lang, Xy. Nakisuyo lang naman ako sayo kumuha ng tubig." Reklamo niya habang hinahagod ang dibdib niyang nasaktan.

"Umayos ka nga, Beshy. Yung mukha mo kanina pa nakabusangot." Komento ng kaibigan ko sakin. Naiinis ako ngayong araw dahil sa mga nangyayari sakin tapos ang dami ko pang bantay. Arrgh!

Hindi ako umimik sa kanila at nagpatuloy lang sa pagbabalot.

"Ah, Xy. Pwede pabukas ng tubig ko?" Humirit na naman ang ulupong na ito sa akin kaya mas lalong kumulo ang dugo ko.

Pinukulan ko siya nang nakakamatay na tingin, "Tang ina naman, Lewis! Paa ang nabali sayo hindi kamay! Kaya mo na yang buksan! O baka gusto mong baliin ko rin iyang mga kamay mo para may dahilan ka talaga!?" Tumaas ang boses ko dahilan para mapalingon ang iba sa gawi namin.

Kamot ulong sumagot si Lewis, "Naglalambing lang naman ako sayo eh. Huwag ka namang ganyan, Wifey."

"Putang ina!" I blurted out at akmang susuntukin ang bibig niya dahil sa mga lumalabas doon na walang kwenta. Mabuti na lang at napigilan ako ni Bridge at Nervana.

"Beshy, ano ba? Gusto mo talaga mahagis sa bangin ngayon noh? Kumalma ka nga! Kanina ka pa iritable!" Bulong na sigaw ni Bridge sa akin habang hawak hawak ako sa braso. Si Nervana naman ay pumalit sa pwesto ko para siya na ang katabi ni Lewis ngayon.








I heaved a sigh and refocus my attention again on the task in front of us. I was having a hard time to focus myself right now because of all the thoughts that are running in my mind. Firstly, about my mom. Gustong gusto ko ng malaman ang about sa kanya from nanay emy. Tapos idagdag pa yung about kay Ma'am Adler. I really wanna know the root of all the things that is hindering her cousins to tell me about her panic episodes. Dahil ako ulit ang dahilan, kaya hanggat maaari gusto kong malaman ang lahat para maiwasan ko ang pangyayaring iyon kung sakaling makapag usap ulit kami ni Ma'am Adler.










Natapos na ang lahat ng pagpapack ng mga kailangan ibalot. Nakapagwater break na rin kami. Nagtungo kaming muli sa function room para magtipon tipon at makinig sa mga testimonies ng mga survivor of abuse.

"Isa akong babae na hindi nabiyayaan ng pagkakataong magka anak. Ang asawa ko ay nagtatrabaho sa pabrika. Syempre, bilang babae masakit sa akin na isiping hindi ko mabigyan ng pamilya ang asawa ko. Kaya tuwing nalalasing siya o kaya ay nag iinit ang ulo, palagi niya akong nasasaktan at nabubugbog. Dumating sa punto na nanlaban ako sa pananakit niya at nasaktan ko siya pero binaliktad niya ako sa mga kinauukulan at sinabing may sira ako sa utak dahil depressed ako sa sitwasyon ko, at dahil mas pinaniniwalaan nila ang boses ng mga kalalakihan ay nakulong ako..." Huminto siya sa pagsasalita at pinunasan ang luhang pumapatak sa kanyang mga mata.








Halos lahat sa mga estudyante ay tutok na tutok sa karanasang ibinabahagi ng babae sa taas ng stage at ang iba ay napaluha na rin, ang iba ay naririnig kong nagrereklamo dahil sa sama ng ugali ng asawa niya. Pinagmasdan ko lang ang bawat reaksyon ng mga tao sa loob kahit nakakadama rin ako ng simpatya sa mga naririnig ko ngayon.







Biglang huminto ang mata ko sa pigura ng propesorang nasa harapan kasama ng iba pa. Parang hindi siya mapakali sa kinauupuan niya at bigla na lamang tumayo at umalis sa pwesto niya papalabas ng function room. Si Lewis naman ay kanina pa tahimik at hindi nagrereact sa mga naririnig niya ngayon bagkos ay nakatitig lamang siya sa stage pero halatang wala ang utak niya ngayon sa pakikinig.

Nagkibit balikat na lamang ako sa mga napapansin ko sa paligid at pinagpatuloy ang pakikinig.









Super proud ako sa mga kababaihang nakasurvive sa mga pang aabusong nararanasan nila sa kamay ng mga taong abusado. Isa sila sa tinitingala ko bilang isang tao. Nakayanan nilang makaalpas sa hamon ng buhay at ipagpatuloy ito sa kabila ng dinanas nila. Nakakaencourage sila sa katulad kong napanghihinaan ng loob madalas. If they can face the challenges and survive it then I think I can too.

Iba iba man ang paraan ng pagsubok na dumadating sa atin, iba iba man tayo ng pag-cope up sa mga solusyon ng problemang dumadating sa buhay natin. Nawa'y lagi nating isaisip na huwag mawalan ng pag-asa. Dahil bukas makalawa ang paghihirap natin ay masusuklian din ng saya at ginhawa.

Hindi man natin mapigilan ang mga solusyon ng iba sa kanilang problema, ay proud pa rin ako sa kanila kung mas pinili nilang lisanin ang mundo at itigil ang oras sa mismong mga palad nila.

Life is about more than just surviving ika nga sa isang palabas. But if surviving makes you feel like suffering forever, then it's your choice to make if you continue to strive or end it.

Let's be gentle to those people who need guidance, love and understanding. Pasasaan pa't nabuhay tayo sa mundo kung puro lamang panghuhusga ang gagawin natin.









***










"What the fuck!? Did you really kissed her!?" Bulalas na sigaw ni Bridgette. Bigla rin siyang napatalon sa higaan niya at lumapit sa akin para alugin ako sa balikat. "Gago, sure ka!?" Hindi pa rin makapaniwalang saad nito.

Hilong hilo na ko sa ginagawa niya kaya naman tinampal ko ang kamay niya. "Huwag ka nga magulo! Kala ko ba gusto mo malaman? Kanina ka pa nanggugulo tapos ngayon ayaw mo maniwala?" Namumula kong saad habang nagiwas ng tingin sa kaibigan ko.








"Hayup ka!" Binatukan niya ako. Siya lang talaga ang nakakagawa nang pambubugbog sa akin at naiinis ako dahil kapag gumanti ako bugbugan talaga abot namin.

"Aray! Parang gago naman to. Isa pa tamo!"

"Eh kasi! Tang ina talaga! Kala ko ba crush mo lang si Ma'am? Bakit may pagkiss?!"

"Aba malay ko sa bibig ko." Patay malisya kong sagot habang nagpipigil ng ngiti dahil sa naisip kong paglapat ng labi namin ng professor ko.

I should erase the thought but I cannot because it's my fucking first kiss, right????









"Edi hindi ka na virgin?" Walang prenong saad ng bibig niya. Kaya natampal ko siya.

"Bobo ka ba? Kiss lang yon! Ang OA mong hayup ka. Umalis kana nga sa harapan ko!" Tinulak ko siya paalis ng kama ko.

"Sus, edi hindi na ako ang first kiss mo niyan? Sayang naman! Gawin mo na lang akong second kiss. Dali!" Ngumuso siya pagtapos niyang sabihin iyon na agad ko namang pinandirihan at sinipa ko na siya palayo sakin.

"Gago, kadiri ka! Hindi tayo talo!"

Tumawa siya ng malakas dahil sa reaksyon ko at naupo na siya sa higaan niya. "Pero beshy, I told you diba. That's a no no. She's our professor." Biglang sumeryoso ang tono niya.

Napailing ako, "Hindi ko din alam. Crush ko lang siya." paliwanag ko.

"Crush tapos kiniss, ano yun?" Kamot ulo niyang tanong.

"Malay ko, hindi ko alam. Basta! Huwag ka na nga dumagdag sa iniisip ko. Namomoblema pa nga ako kung bakit siya biglang nagpanic na naman." Bumuntong hininga ako at pabagsak na hiniga ang katawan ko sa kama.

"Pangalawa na ito dahil sakin." Dagdag ko pa na may pagaalala sa tono ko.

"Eh baka naman, gay panic ang nangyayari kay Ma'am? Bading din si Ma'am?"

Binato ko siya ng unan, "Itikom mo na nga yang bibig mo! Wala na namang magandang lumalabas!"

"Hula ko lang naman, Beshy. Bakit ka ba masyadong affected. Gusto mo tanungin mo si Nervana kung bakit."

Napapikit ako at nag isip. "Hindi ko alam, feeling ko wala akong makukuhang sagot don, puro kaharutan lang alam noon gawin sakin."

"Ay, ang taray! Magpinsan ang kinakana!"

"Gago!"

Tumawa lang siya sa sinagot ko habang ako ay napatakip na lang ng unan sa mukha.

Susubukan ko talagang alamin.

Sa pagod ng buong araw ay hindi ko na namalayang nakatulog na ako dahil malalim na rin ang gabi.









***









"Pack your things everyone, we will leave as early as possible today." Ma'am Chan announced to us after we did the zumba and ate breakfast.

After naming makapagayos ng gamit ay bumaba na kami dala dala ang mga gamit at inihanda ang sarili sa panibagong pupuntahan namin.

Naibigay na rin namin sa mga kababaihan ng foundation ang mga munting regalo at pasasalamat sa naging tulong nila sa amin sa loob ng dalawang araw at sa mga natutunan namin sa kanila.








Hinagilap ko si Nanay Emy sa bungkos ng mga tao ngunit bigo akong makita siya. Baka abala na ulit siya sa pagaasikaso ng foundation dahil siya ang tagapangasiwa ng mga kababaihan dito.

May lungkot akong nagtungo sa open yard kung saan nagtitipon tipon muli ang mga estudyante base sa grupo katulad noong unang akyat namin dito.

Habang naglalakad ay may nag abot sa akin ng isang maliit na sobre at umalis na lang din bigla. Hinabol ko ng tingin ang babaeng nag abot sa akin pero mabilis itong nawala dahil sa dami ng estudyante na nakakalat.

Nagkibit balikat na lang ako at binuksan ang laman nito. Napangiti ako sa nakitang litrato ng mommy ko noong tumutugtog pa siya at isang phone number na nakasulat sa likod ng picture.



+639099*****7
- Emy





"Beshy! Halika na!" Tawag sa akin ng kaibigan ko kaya naman ay itinago ko agad ang bigay sa akin at nagtungo sa pila namin.

Nagtama agad ang tingin namin ni Ma'am Adler, ngumiti ito sa akin ngunit nag iwas lamang ako ng tingin sa kanya.







"Babe, did you know na kahapon pa okay ang paa ni Lewis?" Bumulong si Nervana sa tenga ko kaya agad akong napalingon dito. Nagtama ang ilong namin kaya napaatras agad ako sa gulat.

Natawa pa ito sa naging reaksyon ko pero napukaw ng atensyon ko si Lewis na ngayon ay masayang nakikipagbardahan sa mga tropa niyang lalaki sa dulo ng pila.

"Kahapon pa iyan okay, nagpanggap lang siyang hindi pa para utusan ka. Payag ka non?" Panunuya ni Nervana. Agad na naikuyom ko ang mga palad ko sa inis.

Ang kapal talaga ng mukha nang lalaking iyon! Sarap putulan ng dalawang binti para di na talaga makalakad! Kabwisit.







Hinawakan ni Nervana ang kilay kong magkasalubong upang paghiwalayin ito. "You're cute when you're grumpy." Maarteng saad nito kaya iwanksi ko kaagad ang kamay niya.

I hissed and decided to turn my back at her pero naisip ko na may kailangan pala akong malaman mula sa kanya kaya bago ko pa siya talikuran ay nagtanong ako sa kanya.

"Can I ask you something?"

"Oh, anything, Babe. What is it?" She said while twirling the tip of her hair using her finger.

"Later after this." Tipid kong sagot sa kanya na tinanguan at nginitian naman nito.

Humarap na ako ulit sa unahan at muntik na ata akong atakihin sa gulat nang tumambad ang mukha ni Ma'am Adler sakin.

"Ma'am?" Napalunok ako sa itsura niya. Masyado kasing maganda eh tapos ang lapit pa tapos naalala ko na naman yung kiss kaya napaiwas agad ako ng tingin at napaatras.

Baka matulak ako nito Ma'am Levine kung lalapit na naman ako.


"Uhm, Bridge wala ka ata sa pila." Tawag pansin ko sa best friend kong nakikipagchikahan sa kabilang pila habang ang isang professor naman sa harapan ay hindi na mapinta ang mukha sa inip.

"Are you avoiding me?" Tanong ni Ma'am Adler kaya napatingin ako kay Ma'am Levine na busy pa rin sa pagtingin sa kaibigan kong nagdadaldal.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at umiling. "Hindi po," saad ko pero hindi pa rin ako tumingin sa kanya.

"Babe, let's take a selfie." Thank God! Tinawag ako ni Nervana! Wala sa sariling lumapit ako ng bahagya sa kanya at tumingin sa camera.

I need this, para makaiwas muna.

I saw in my peripheral vision that my professor went back in front at naghalukipkip ng braso. I suddenly swallowed an invisible lump on my throat.

"Let's go!" Sigaw ng facilitator sa unahan kaya nagsibalikan nang muli ang lahat sa pila including my best friend.









Nagumpisa kaming maglakad sa madamo at mabatong parte ng bundok. Makikita dito mula sa tuktok ang lokasyon ng Coraje Children's Foundation dahil nasa ibabang parte na ito ng bundok. Makikita dito ang puting gusali na parang mansyon din katulad sa VWF kaya hindi na kami nahirapan sundan ang daanan papunta doon.

Makaraan ang halos isang oras at sampung minutong lakaran ay narating din namin ang CCF.









Tumambad sa amin ang malawak rin nitong lupain, may mga makukulay na baderitas na nakakabit sa paligid. Ang gusali ay may pinta ng puti, blue at pink. May isang parte din ng pader nito ang may paintings na makukulay, halatang mga bata ang may gawa.

Sa hindi kalayuan ay may playground kung saan madalas tumambay o magpalipas oras ang mga kabataan sa foundation.

"Welcome to CCF mga ateee at kuyaaa!" Masaya at matinis na pagbati sa amin ng mga bata sa foundation. May mga malalawak na ngiti sa kanilang labi at halata ang excitement nila sa pagdating namin.

Seeing their happy faces melts my heart! They're so adorable!

Binati namin sila nang may galak at ngiti sa mga labi namin. They even gave us a hug! Kung sila rin naman ang yayakap sakin, why not? Ang cute cute nila!









"Hi, ate! Welcome po sa CCF." Isang na batang babae ang lumapit sa akin para iwelcome ako at bigyan ng maliit na yakap.

"Hi, thank you. Anong name mo?" Tanong ko sa kanya.

"Meanne po,"

"Hi Meanne, pasensya na at pawis ako. Nadumihan ka pa tuloy."

"Okay lang po, hindi pa rin naman ako naliligo eh." She giggled after saying that kaya natawa rin ako. Ginulo ko ang buhok niya at tsaka umalis sa harapan ko para batiin din ang iba.







"Hello po, ate astig! Gusto ko po yang sumbrero niyo." May bumati muli sa akin. This time medyo maliit na batang babae na may panlalaking kasuotan.

"Hoy, Trixie! Iyan ka na naman. Nanghihingi ka na naman ng gamit. Mapapagalitan ka niyan ni sister!" Tawag sa kanya ng batang lalaki.

Yumuko ako para pantayan ang maliit na bata. "Gusto mo nito?" Sabay turo ko sa sumbrerong suot ko.

Tumango naman siya agad at malawak na ngumiti sa akin. Bungi ang dalawang ngipin nito sa harapan and I find it so so cute! Ang taba taba ng pisngi niya at namumula pa dahil sa init dito sa labas. Yung pagkabrown din ng mata niya ay matingkad. Ang buhok nito ay kulay brown din at mahaba. Napakagandang bata pero ang suotan ay jersey short at muscle tee sando.

Hinubad ko ang sumbrero ko at isinuot ko sa kanya patalikod para hindi tumakip sa mukha niya ang bill ng cap ko.

She raised her little hand and formed it into a fist. "Astig na tayo parehas ate."

I chuckled and pinch her nose and gave her a fist bump.

"See you later, ate astig!" Tumakbo na siya palayo at sumunod na sa mga kasamahan niya sa loob ng gusali.

"Astig yarn?" Biglang sulpot ni Bridge sa likuran ko kaya napaayos ako ng tayo.

Tinarayan ko lang siya. "Halika na." Yaya ko dahil may binigay nang susi sa kanya. Kami ulit ang magkabuddy para daw hindi na maguluhan ulit sa listahan.









Nagbigay sila ng oras sa amin para mag asikaso at maligo pagtapos ay bumaba na kaming muli para i-orient sa mga gagawin namin dito sa loob ng CCF.

Hindi namin mapigilang hindi lumingon sa pintuan dahil panay silip ng mga bata doon at kanya kanya silang hagikgikan kapag nakikita nila kaming nadidistract.

Kumakaway pa ang iba sa amin kaya naman kinakawayan din namin sila at napapatawa kami sa tuwing nagtutulakan sila sa pagkaway.

Tumikhim ang coordinator na nagsasalita sa stage, "Sisters, please get the children out of here po muna. Masyado na silang excited makalaro ang mga ate at kuya nila."

Tumayo ang isang sister at sinamahan na ang mga bata paalis ng pintuan.

Nagtuloy ng ilang oras ang orientation at pinaunlakan narin kami ng pagkain para sa tanghalian.











Sabay sabay kaming nagsalo salo kasama ang mga bata pero nakahiwalay sila ng table at mariing nakabantay ang mga sisters sa kanila.

Ang kukulit nila sa totoo lang. Ang dami talagang energy ng mga bata!

Nakita ko ulit si Trixie sa hindi kalayuan suot suot pa rin nito ang sumbrerong hiningi mula sakin, nakatitig siya sa isang professor, si Ma'am Adler to be specific.

Nginitian siya ni Ma'am Adler at si Trixie naman ay tila kinilig sa ginawa niya kaya kinindatan niya pabalik si Ma'am.
Tawang tawa si Ma'am sa ginawa ng bata.

Napangiti ako sa napapanuod ko. Walanghiya! May kaagaw pa ata akong bata!








***









"Feeling ko mauubos ang energy at pasensya ko ngayon, Beshy." Pagod na sambit nito sa akin.

Isa sa ayaw ni Bridgette ay mga bata. Dahil masyadong nasasapawan ang energy niya kaya ayaw daw niya. Kaso wala siyang magagawa dahil need namin asikasuhin ang mga bata ngayon.







Nagtungo kami sa playground kung saan busy maglibang ang ibang kabataan, ang iba ay nagkalat lang sa damuhan at naglalaro ng bola at takbuhan.

Napakachoatic nilang tignan pero at the same time punong puno ng buhay ang paligid. Magaan at masaya na tila wala silang iniindang problema.

"Ate astig, hello po!" Kumaway si Trixie sa gawi ko nang makita niya akong naglalakad at pinagmamasdan sila sa paglalaro. Ang ibang mga estudyante dito ay nakisali na sa takbuhan nila, si Bridge naman ay nananahimik muna sa upuan at nagmumuni muni lang kasama nila Nervana.

"Hello Trix, kumusta ka?"

"Ayos lang po, astig pa rin tulad niyo!"

Napatawa ako sa kagiliwan niya. "Bakit hindi ka muna makipaglaro sa kanila?"

"Ayaw ko na po mga iyakin naman sila eh," ngumuso siya at tumabi sa akin. Naupo kasi ako sa swing kaya naupo na rin siya kabila.

"Baka inaaway mo kaya umiiyak?" Panunukso ko sa kanya.

"Hindi ho, sinuntok ko lang naman po mukha ni Tyrone kasi sabi niya crush ko daw si Meanne."

Natawa ako sa sinabi niya. "Bad yun hindi ba? Huwag ka manununtok." Sabi ko dito samantalang ako itong madaling mapikon at gusto laging manapak.

"Tinulak niya kasi ako, ate. Nakakawala ng angas yon kasi nandon si Meanne nung tinulak niya ko!" Matinis niyang reklamo.

Kaya naman pala gumanti eh. "Ah, kaya pala. Sige tama lang yan, huwag ka magpapaapi. Kapag inaway ka ulit ni Tyrone sabihin mo yari siya sakin."

"Talaga po, ate astig?" Biglang nagliwanag ang mukha niya.

Tumango ako, "Oo naman! Para saan pa at parehas tayong astig diba?" Kinindatan ko siya at ngumisi.

Tumalon siya sa swing at nagtungo sa akin para makipag fist bump ulit. Ang cute ng kamay niya ang liit liit!








"Ate ikaw ba may crush ka na?" Inangat niya ang dalawang kamay niya, senyales na gusto niya magpabuhat at umupo sa kandungan ko. Agad ko naman siyang binuhat at pinaupo.

She giggled when she finally settled herself on my lap. "Teka, ilang taon ka na ba at bakit puro crush ang bukambibig mo?"

"Six po," sagot niya sabay pakita ng tigtatlong daliri niya sa magkabilang kamay nito.

"You're so young pa pala, Baby Trix!" Gulat kong saad. Well, maybe she's still young but the way she speaks is like an adult. I also sense that this little girl is smart because of the way she interacts with me.

"No, ate astig. Ayaw ko ng baby ang tawag! Kasi astig nga ako eh!" Reklamo nito sakin at naghalukipkip ng braso sabay nguso.

Awweee! Gusto ko siya iuwi!

I chuckled at her reaction, "Okay, I will not call you that." I hug her after saying it. She's like a teddy bear, my goodness! Bakit gustong gusto ko itong batang ito?

"Ate astig, sino ang crush mo?" Pagtatanong niyang muli. Ayaw niya talaga akong tigilan.

Napatikhim ako sa naisip. Inilibot ko ang mata ko sa paligid upang hanapin si Ma'am Adler. At nakita ko naman itong nakikipagkwentuhan sa mga bata. Nasa damuhan din siya habang may hawak na storybook. Mukhang nagstory telling ang professor.

"Yiieeh, si ate astig kanina pa nakatingin kay Ma'am Angel!" Tinusok tusok ni Trixie ang bewang ko kaya nakiliti ako dahilan para mapaigtad ako sa swing at ma out balance kaming dalawa.

"Aaahh!" Matinis na tili ni Trixie.

"Ouch!"Bumagsak ang likod ko sa damuhan habang nakakulong sa bisig ko ang bata para hindi siya mapuruhan.

"Ayos ka lang?" Inangat ko ang ulo ko para tignan si Trixie pero tanging tawa lang nito ang naisagot niya sa akin. Kaya nahawa na rin ako sa kanya at parehas kaming natawang dalawa sa sitwasyon namin.

"Sorry po, ate astig." Yumakap muna siya sa akin bago umalis sa bisig ko at nahiga na lang rin sa damuhan.

"It's okay, Trix. Ganoon talaga kapag astig. Parehas nahuhulog." We both giggled.

Tumitig kaming dalawa sa payapang asul na kalangitan habang nakangiti.

"Hey, baby. Are you alright?" Isang malambing at pamilyar na boses ang namutawi sa tainga ko kasabay nang isang maganda at tila hulog ng langit na imahe ng mukha ang dumukwang sa paningin namin ni Trixie.

"Opo,"

"Y-yes,"

Sabay naming sagot ni Trixie. Napalingon kaming dalawa ni Trixie sa isa't isa at doon ko lang narealize na si Trixie pala ang kausap niya at hindi ako!

Agad na namula ang mukha ko sa naisip at napabangon bigla sa pagkakahiga. I help Trixie to stand at ganoon na lamang ako tignan ng bata habang may mapang asar at pilya siyang ngiting iginawad sakin. Minatahan ko lang ang bata at ngumiti nang mapagbanta.

"Mauna na po ako,"

"Bye, Trix! See you later." I winked at the child and ran away from them to go and find my best friend.

"Zamora!" Tawag pansin sa akin ni Ma'am pero hindi na ako lumingon pa.

"Ma'am Angel, crush ka po ni ate astig!" Matinis na tili ni Trixie na agad kong ikinatuod sa pwesto ko at mariing napapikit ang mga mata.

Ang daldal niya!!! Hindi na siya cute! Nakakatacute na siya dahil sa kadaldalan niya!

I tried my best to ignore what I've heard and just act normal kahit sa loob loob ko ay nagwawala na ang puso ko kasabay pa ng mga paru paru sa tyan kong palipad lipad.









"Ayos ka lang?" Tanong ni Bridge nang makita niya akong tulala.

"O–-o," utal kong sagot.

"Okay, sali ka na lang samin. Naglalaro kami ng spin the bottle with a twist." Maengganyong paunlak ni Bridge sa akin. Kaya pala sila nakapabilog dito sa damuhan at puro bata at sila Nervana ang nandito.

"Bakit may twist?" Takang tanong ko.

"Kapag naturo kasi sayo ang bote, sasayaw ka ng otso-otso kapag hindi ka sumayaw doon magaganap ang twist at sila ang pipili kung anong gusto nila ipagawa sayo." Sabay turo niya sa bata.






Mukhang mapapasabak pa ako dito ah. Mali ata na pumunta ako dito. Tatayo na sana ako kaso pinigilan na niya ako. "Saan ka pupunta? Kasali kana dito!"

"Ate pretty pwede sumali?" Dumukwang sa gitna namin si Trixie habang pinapakita ang kanyang ngiti na bungi kay Bridge.

"Of course, baby. Sit with us." Tugon ni Bridge sa bata.

"Hindi po ako baby!" Reklamo niya sa isa na kinatawa ko. Samantalang nung si Ma'am ang tumawag ng baby sa kanya, okay lang! Favoristism din tong batang ito eh.

"Whatever, just sit here at bawal ang magulo okay?" Bridge rolled her eyes kaya hinampas ko agad siya sa binti. Ang iksi ng pasensya sa bata!? Siraulo!

Umupo na sa gitna namin si Trixie at nagsimula nang iikot ni Bridge ang bote sa gitna.









Tumutok ito sa isang batang lalaki na kalbo at may kayumanggi na balat. Nagsihiwayan ang mga bata pati narin sila Sabrina.

"Otso-otso! Otso-otso! Otso-otso! Mag otso-otso na!" Kantahan namin habang pumapalakpak at tumatawa dahil todo bigay ang bata sa pagsayaw.

Matapos niya ay inikot muli ni Bridge ang bote at natutok ito kay Brandon kaya mas lalong nag-ingay ang mga bata.

Kumanta ulit kami at halos hindi na makahinga ang mga bata sa kakatawa sa sobrang landi ng sayaw ni Brandon sa gitna namin. Napakalambot ng otso-otso niya!

Sinipulan pa siya nila Sabrina at Nervana. Kaya mas lalo kaming natawa.









Inikot ulit ni Bridgette ang bote at nasaktuhan na tumapat ito kay Nervana.
Kaya tuwang tuwa na naman ang mga bata dahil hindi sila ang sasayaw.

"Sayaw sayaw sayaw!" Sigaw ng mga bata.

Tumayo si Nervana sa gitna. Pero natigilan lang din dahil nahihiya siyang sumayaw kaya nagpautos na lang siya sa mga bata dito.

Nagtaas ang isang batang lalaki ng kamay, "ate tumbling ka!"

"What!? What kind of dare is that? I can't!" Maarteng sagot niya.

"Sige na ate please? Otso-otso o sasayaw ka?" Pangungulit ng mga bata.

"Fuck," pabulong na mura ni Nervana sa request nila. Hinilot niya ang sentido niya sa kaiisip kung anong dapat niyang gawin.

"Go! Go! Go!" Pangungulit nila Bridgette sa kanya.

"Fine," lumabas sa bilog si Nervana at nagtungo sa mas maluwag na parte ng damuhan kung saan wala masyadong batang naglalaro.

Tatumbling talaga siya?

Hindi makapaniwalang tinignan ko si Bridge at sila Sabrina. Kinakabahan din ang mga mukha nila.

"Watch this!" Sigaw pa ni Nervana with confidence. Jusko! Sana walang mapilayan sa larong ito!

"Go ate!" Sigaw ng mga bata.

Ilang segundo pa at inangat na ni Nervana ng dalawang kamay nito sa ere atsaka itinukod sa damuhan upang isagawa ang tumbling, she moves so smooth and swiftly and landed herself in a split legs na nagpalaglag ng mga panga namin lahat.

What the fuck!? She really did that?

"Pota!" Gulat na sabi ni Bridge at napatayo sa natunghayan niya. Nagsitayuan ang lahat maski ang mga bata sa bilog na ginawa namin at sabay sabay na pumapalakpak at nagcheer matapos gawin yon ni Nervana.

Bumalik si Nervana sa pwesto namin with her smug look. Tila proud na proud sa pinakita niya.

Habang kaming mga kasamahan niyang estudyante ay napatulala na lang. May tinatago pala itong talento!

"Shut your mouth, babe." She giggled and held my chin. Hindi naman talaga ako nakanganga, sa isip ko lang. Mapang asar lang din talaga itong babaeng ito.

Madami siyang papuring natanggap sa mga bata at kasamahan namin at matapos non ay inikot na muli ni Bridge ang bote.










At kung mamalasin ka nga naman, sakin pa natutok!

Tuwang tuwa ang mga bata lalo na si Trixie. Si Bridge naman ay tinulak pa ako para tumayo sa gitna habang sabay sabay silang nagcheer para sakin.

"Go Babe!"

"Go Beshy!"

"Go Xy!"

"Go Ate Astig!"

Go ateee!"

Sigaw nila. Lalo tuloy akong natuod sa kinatatayuan ko dahil first of all, wala akong confidence. Secondly, hindi ako magaling mag otso-otso. Baka magmukha lang akong lumilipad na kalansay! Nakakahiya yon! Kaya nagpa dare na lang ako.







Napatili si Trixie at siya na ang nanguna sa pagtaas ng kamay. Halatang may balak itong batang ito at inaabangan lang niya akong magsabi ng dare!

"Go, anong dare mo sa kanya?" Tanong ni Bridge.

"Ate astig, sayaw po kayo ni Ma'am Angel tapos kami na po bahala sa kanta! Yung ganito pong sayaw." Hinatak niya si Meanne sa pagkakaupo at atsaka pumwesto na parang sasayaw sa prom! My god, this kid! Ang sakit niya pala sa ulo. Naiiyak ako sa pinapagawa niya.








Tinukso si Trixie ng mga bata kaya tumigil na siya at bumalik sa pwesto niya. "Go ate astig!"

"Galaw galaw na, beshy! Otso-otso o dare?" Tanong ulit nito.

"Mag otso-otso ka na lang, Xy!" Usal ni Lewis sa gilid.

"Let her choose, Loser." Nervana said.

"Go Xyianne! Otso-otso na!" Sigaw nila Brandon.

Kagat labi akong nag isip. Bwisit walang magandang choice!








Binaling ko ang tingin sa professor kong nagbabasa pa rin ng story book sa mga bata at binaling ko rin ang tingin ko kay Trixie na siyang may pakana ng dare na ito. She just wiggled her eyebrows at pinakita ang ngiti niyang bungi. Kung hindi lang siya cute baka nasipa ko na siya. Charot.

Kaloka! Bahala na si Batman!

Naglakad ako papunta sa kung nasaan busy ang babaeng isasayaw ko.
May gulat na rumehistro sa mukha niya nang ilahad ko ang kamay ko sa harapan niya.

"C-can I dance with you, Ma'am? I mean....it's a dare from our game." Nag iwas agad ako ng tingin sa kanya dahil iba na naman ang pagtingin niya sa akin.

"Sure," hinawakan niya agad ang kamay ko at tumayo. Halos mapaso na naman ako sa mainit at malambot niyang palad na ngayon ay hawak ko na naman.

"I'll be back, kids." Saad niya sa mga bata na ngayon at nagtatawanan na rin dahil sa trip ni Trixie!

Nagsihiwayan ulit ang mga loko loko nang makalapit kami sa pwesto nilang nakapabilog. Bumulong si Trixie sa mga kasamahan ko kung anong kanta ang kakantahin nila. They all giggle when they heard what they're going to sing with us.

I cleared my throat and hold my professor's hand while I place her other hand on my shoulder and my other hand on her waist.

Hindi ako makahinga dahil malapit na naman kami sa isa't isa. Hindi rin inaalis ni Ma'am ang pinupukol niyang tingin sa akin na nagpapataas ng balahibo ko sa katawan. I am tense and cannot breathe properly! My heart just won't stop beating into a normal one and just jump abnormally when she squeezed my palm and shoulder.

"Relax," she said softly and smiled at me sweetly. Lalo lang akong nanghihina sa ginagawa niya.

"Matagal pa ba?" Reklamo ko sa kanila dahil ang kanta na lang nila ang hinihintay ko.

"Ito na po ate astig! 1,2,3.." paguumpisa ni Trixie.

At sabay sabay na nilang binuka ang mga bibig nila at pumapalakpak kasabay ng pagkanta nila.

"May tatlong Bibe akong nakita
Mataba, mapayat mga bibe
Ngunit ang may pakpak
Sa likod ay iisa
Siya ang lider na nagsabi ng Kwak, kwak,

Kwak, kwak, kwak.
Kwak, kwak, kwak.
Siya ang lider na nagsabi ng Kwak, kwak,"

Napamura ako ng malutong sa kinanta nila! Mga hayooop!

"This is so embarrassing!" I uttered under my breath.

Napatawa si Ma'am Adler habang sumasayaw kami kasabay ng ritmo na sinasambit nila. Para kaming tangang sumasayaw dito tapos yung kanta tatlong bibe! Juskolord!

"It's cute though," she whispered, still she can't contain her laughter.






Tinignan ko ng masama ang mga kaibigan kong nagpipigil ng tawa pero bigo silang pigilin iyon. Si Bridgette ay walanghiyang napahiga na sa damo dahil sa kakatawa niya. Hindi na siya nakakanta! Walanghiya. This is so freaking embarrassing!

"Tayo na sa ilog ang sabi
Kumending kumending ang mga bibe
Ngunit ang may pakpak
Sa likod ay iisa
Siya ang lider na nagsabi ng Kwak, kwak,
Kwak, kwak, kwak.
Kwak, kwak, kwak.
Siya ang lider na nagsabi ng Kwak, kwak,"

Patuloy pa nila sa pagkanta. Si Trixie ay tuwang tuwa sa trip niya. Halata sa ngiti niya ang pagkamangha dahil sa kabila ng pagiging sutil niya sa dare ay naitawid namin iyon ng propesora.







"I like your nose. That mole." She points her finger on my nose bridge where my mole is located.

Hindi ako nakaimik. Wala kasi akong masabi dahil sa halo halong nararamdaman ko.

We step our feet like we are making a circular motion as we dance like we are in our own world. 

"You? What do you like on my face?" She suddenly asked. Natigilan ako sa pagsasayaw but she pushed me to move again.

"I like you..r...l-lips." I said stuttering as my heart leaped with it.

I removed my eyes from the distraction––her lips and stopped myself from dancing then removed my body entirely away from her.

"Okay, that's enough guys." Putol ko sa kanila. Kahit hindi pa sila tapos kumanta.

"May tatlong Bibe akong nakita
Mataba, mapayat mga bibe
Ngunit ang may pakpak
Sa likod ay iisa
Siya ang lider na nagsabi ng Kwak, kwak,"

Tinapos pa rin nila ang pagkanta kahit na tumigil na ko sa paggalaw at binitawan ko na rin ang propesora.

Pumalakpak sila pagtapos ng pinagawa nila habang ako ay seryosong bumalik sa pwesto ko at naupo sa tabi ni Trixie.

"Trix, pwede ikaw na maghatid kay Ma'am Angel mo pabalik doon sa pwesto niya?" Pakiusap ko sa bata.

"Okay po!" Masaya naman niyang sinamahan si Ma'am Adler pabalik sa pwesto nito kanina at bumalik muli ang bata sa bilog para sumali muli sa paglalaro.

"Ate astig sabi ni Ma'am Angel she likes your lips too," pabulong na sabi ni Trixie sabay halik sa pisngi ko. She giggled at my reaction.

My mouth went agaped as I gasp and my system is tumbling and swirling, stretching every bit of my fiber and my head is above the clouds again. My heart is about to explode because of what I've heard.

I glance at the direction of my professor and she gave a sweet smile again.

I die, I die.




*******



Continue Reading

You'll Also Like

36.5K 1.3K 125
| Professor x Student | don't judge the book by it's cover | ------ MEET ME IN THE AFTERGLOW - Life Story of Elle Riley Gomez. ------- On Going...
17.4K 224 30
Kaia Theya Frances known as the most cheerful and the happiest person that almost everyone in South Dawn University knows. South Dawn University is T...
468K 19.2K 44
(Wajib baca AKU UNTUK DIA before baca ni) ADAM HAYYAT X *HAWA ZHUFAIRAH* ♥️ Menyelamat Hawa Zhufairah dari genggaman mafia bernama Cobra telah menci...
100K 3.8K 30
Kaz Brekker didn't need a reason. Those were the words whispered on the streets of Ketterdam - but that didn't mean that he never had one. The Shu S...