First Love (Ongoing)

By maxieloveyoo

4.4K 390 30

(First love is under editing, a lot will be change from now on. Expected that every parts are gonna be change... More

First love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Author's note
Chapter 12
Chapter 14

Chapter 13

142 16 0
By maxieloveyoo

Chapter Thirteen.

Nang makauwi ako ay pakiramdam ko pinagbagsakan ako ng langit at lupa dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Naabutan ko si Hannah na nakaupo sa couch kaya inayos ko muna ang aking sarili bago nagpatuloy sa paglalakad.

Agad naman niya akong nakita nang napadaan ako sa gilid niya. Umupo siya at sinenyasan niya akong maupo sa tabi niya.

"Upo ka." Sabi nito

"Bakit?"

"Any chika? Gusto kong makipagchimisan ngayon eh," nakangiting sabi nito

Umiling ako.

"Wala." Pagsisinungaling ko

"How's work?" Tanong niya, hindi niya man lang pinansin ang sagot ko

"As usual, nakakapagod at nakakatsress." Sabay lapag ko ng aking mga gamit sa couch

Tumango tango ito. Nagtalumbababa ito habang nakatingin sa akin. Kumunot naman ang aking noo at nagtatakang tiningnan siya

"Bakit...?"

"Bakit pakiramdam ko may nangyari?" Naniningkit ang mga mata nang magtanong

"Kase, hindi ka masungit pagkauwi at nung makita mo akong nakatambay na naman sa bahay mo. At ang bigat bigat ng pagkakapasok mo sa bahay kaya... Anong naganap kanina?"

"Wala nga,"

"Sige magsinungaling ka pa. Raine, Kilala kita jusko por mio! Kaya hindi ka makakapagsinungaling sa akin."

Alam kong hindi niya ako titigilan sa kakatanong kaya napagdesisyonan ko na lamang na sabihin sa kanya kung ano ang nangyari kanina.

"Nagkita na kami."

Kumunot naman ang noo niya. Hindi niya kaagad nakuha ang ibig kong sabihin

"Nino?"

Matagal bago ko siya sagutin. Ngayon pa lang ay alam ko na ang magiging reaksiyon niya kapag marinig niya ang lahat ng mga ikukuwento ko.

"Alexis-"

"Hala pota!" Gulat na bulalas niya

Napatakip naman ako ng tainga sa sobrang lakas ng pagkakamura niya. Tiningnan ko naman ito. Halatang halata sa kaniyang mukha ang pagkagulat at pagkagulo sa narinig.

"Seryoso ka?!" Di makapaniwalang tanong niya

Tumango ako.

"Bakit di mo kaagad sinabi? Kailan naman kayo nagkita? Saan? At paano?" Sunod sunod niyang tanong

"Teka lang isa isa muna kase mahina ang kalaban."

"Spill the tea! My ghad ka! Naeexcite ako sa ikukuwento mo tonight!! Muling magbabalik ang #RaZi." Naeexcite niyang saad tsaka bigla na lamang akong hinila paupo sa tabi niya

Napairap naman ako at inalis ang pagkakahawak niya sa akin at umayos ng upo. Lumunok muna ako at napabuntong hininga bago magsalita

"Anong magbabalik? Sira na ba ang ulo mo? Ha? Baka nakakalimutan mo na siya ang taong nanakit sa akin ilang taon na ang nakalilipas at baka nakakalimutan mo rin kung paano niya ako iniwan?"

Natawa naman siya. Kumunot naman ang noo ko sa naging reaksiyon niya

Mayroon bang nakakatawa?

"Ba't ka tumatawa?"

"Nakakatuwa lang naman kase biruin niyo after 9 years nagkita ulit kayo, TADHANA na ang lumalapit sa inyo."

"Kaibigan ba kita?" Inis na baling ko dito

"Of course! Pero kase number one fan ako ng love team niyo eh... Tsaka isa pa, noon pa yun. Past is past dapat di na binabalikan."

"Yun nga eh, past is past dapat di na binabalikan kaya sa tingin mo babalikan ko pa ang heartbreaker na yon?"

"Why not di'ba? I mean, I know you still loves him." Nakangising aniya

Sarap mong sabunutan kung alam mo lang

"What the heck are you saying?" Naiirita nang tanong ko

"I don't love him anymore. So, stop shipping us because that's not gonna be happen."

"Oh sige na, ikwento mo na ang naganap sa inyo kanina."

"Tsaka na, inaantok na ako." Pagod kong sabi sabay humikab

"Hep!" Pigil niya sa akin "hindi ka matutulog ngayong gabi, ikukuwento mo ang lahat lahat sa akin. Hindi ako makakatulog no!"

Napairap naman ako at binalewala na lamang ang pinagsasabi niya. Tumayo ako at kinuha ang bag ko para makapagpahinga na

"Bukas na. Pagod ako ngayon. Maraming ginawa sa opisina, hayaan mo muna akong magpahinga." Bakas sa tono ng pananalita ko ang pagod at antok

Ngumuso naman ito at hindi na ako muling kinulit pa.

"Psh! Sige na nga! Dapat bukas kumpleto ang kwento mo ah? Walang bitin, kulang o Kahit sobra man lang." Nagtatampong sabi niya

Tumango na lamang ako at nagtungo na paakyat sa kwarto. Nang mabuksan ko ang kwarto ko ay kaagad akong dumiretsyo sa aking higaan at ibinagsak ang katawan ko dahil sa pagod.

Hay salamat makapag pahinga na rin!

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata dahil sa antok ay bigla na lamang lumitaw ang kaniyang mukha sa aking isipan. Bigla naman akong napaupo at inis na napakamot sa aking nagulong buhok sa pagkakahiga

"Ano ba naman yan! Matutulog na nga lang ako Ikaw pa rin ang pinapakita ng isip ko." Saad ko, kausap ang sarili

Hindi ko makalimutan kung paano niya ako tingnan kanina, para bang sobra siyang natuwa at nasabik sa aking mukha base sa pagkakakita ko sa kislap ng mga mata niya nang kami ay magkatitigan. Para bang tumigil ang mundo at kami nalang ang tao nung mga oras na iyon sa tagal ng pagkakatitigan ko sa kanya para sa akin ay napakatagal na ng pagtitigan na iyon kahit na ilang segundo pa lamang ang lumilipas.

Puno ng pagtatanong ang aking isipan ngayon matapos ko siyang makitang muli makalipas ang siyam na taon. Lalo siyang gumwapo at naging matured ang dating niya kahit noon pa man. Napakalaki na ng katawan niya na mapapaghalataan na maalaga na siya sa kaniyang katawan at healthy lifestyle ang peg.

Wala masyadong pinagbago sa kanya, ganoon pa rin ang mga labi niya na kulay pink na Rosas, mga matang kulay tsokolate at para bang nangungusap tuwing titigan mo ito napakaganda kaya hindi ko kayang titigan ng ganoon katagal. Ang mga nagbago lamang sa kanya ay ang paglaki ng kanyang katawan na parang alagang alagang gym at ang tangkad niya na halos hanggang balikat niya lamang ako.

Parang naging kdrama ang ganap sa akin kanina, nang makita ko ang mukha niya halos lahat ay muling nagflashback sa aking isip at mga alaalang matagal ko nang gustong makalimutan ngunit hindi nangyari, Kahit gusto ko mang kalimutan pero ang nakaraan ay parati pa rin akong binabalikan.

Ipinikit ko na lamang ulit ang aking mga mata upang makatulog at Kahit nasa ilang minuto ay makalimutan muna kita at sana mapagtanto ko na panaginip lang ang mga nangyari kanina lang. Ayoko nang masaktan muli sa pagibig. Naoakahirap nang magtiwala ulit sa mga tao lalo na sa mga bunganga nilang sanay na sanay na sa mga matatmis na salita na ipinapakita lamang nila kapag nanliligaw lamang sila. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at marinig ipinikit ang aking mga mata upang ibahin kung sino ang nasa aking isipan.

"Wag mo na nga siyang iniisip, hindi ka nga niya iniisip tapos iisipin mo siya? Kadigust ka ha! Raine, umayos ka. Huwag kang magpakarupok dahil hindi ka naman puno para rumupok dahil lamang may dumating sa buhay mo na handa ka nang hiwain gamit ang palakol."

Inis naman akong napailing iling ng paulit ulit at ibinaliktad ang posision na nakadapa at ibinaon ang aking mukha sa malambot kong unan.

"Sana nga, panaginip nalang ang lahat." Saad ko sa aking isipan at unti unti na akong hinila ng antok

***

Nagising ako kinaumagahan, sa labas sila kumain ng agahan kaya naman naririnig ko ang mga bawat tawanan at halakhak nila. Samantala dinalhan na lamang ako ni ate celes ng agahan sa aking kwarto dahil matagal ako bago nagising.

Ang mga tao sa loob ng bahay ay hindi ganoon kabusy dahil weekends ngayon, dito sila nagpupunta kapag wala silang trabaho o anumang gawain. Sila ate celes at ang kaniyang mga kaibigan lamang ang busy ngayong araw dahil mayroon silang presentation na pinaghahandaan at ang deadline ay next week na kaya naman ang iba ay nasa lavas upang hindi nila maistorbo ang mga nagprapractice na magprepresent.

"Aba, nagtatawanan kayo ng wala ako ah!" Sabi ko ng makalapit sa kanila

"Ang tagal mong gumising tsaka walang may gustong gumising sayo at baka mamaya ay sipain mo na naman." Si xyleneth

Naupo naman ako sa tabing upuan ni xyleneth. Pinagkrus ko ang aking mga braso at tsaka nag indian sit sa upuan, mahaba naman ang upuan kaya ganoon ang ayos ko sa pagupo.

Kasama rin nila ang mga ibang kaibigan ni ate celes na sina jared, yna at si charles. Mababait ang mga kaibigan ni ate celes kaya madali lamang silang mapakasamahan at hindi sila katulad ng mga ibang mga matatanda diyan na hindi na nakikihalubilo sa mga kabataan.

"Good morning, raine." Bati ni ate yna

"Morning, saula." Si charles

"Magandang umaga." Si jared

Nginitian ko naman sila at binati rin ng magandang umaga.

"Buenas dias, kamusta na pala ang presentation niyo? Ayos naman ba?" Wika ko

Hindi ako nag 'po o opo' man lang kalag kinakausap ko sila kahit naman na hindi ko yun sabihin alam naman nila na iginagalang ko sila. Nakasanayan ko na rin kase at isa pa medyo hindi ako nagiging komportable kapag nag opo ako sa kanila dahil feeling ko nag papabebe lang ako or something.

Weird no?

"Ayos naman, syempre si celes ang leader ng grupo kaya talagang maayos ang kalalabasan ng presentation namin. May kaunti lang kaming binago para yung iba ay madalian na lamang at hindi na mahirapan." Sagot niya sa akin

Tumango tango na lamang ako at hindi na sila muling tinanong.

Bigla na naman sumagi sa isipan ko ang naganap kahapon, napabuntong hininga naman ako at inis na inis na tuwing ipapakita ng isip ko kung paano kumislap amg mga mata niya.

Tigilan mo na nga kakaisip sa kanya. Nakakairita ka na raine! Ani ko sa aking isipan

Nice to meet you, Teacher, Skyleigh Raine Villamayor.

Nice to meet you, Teacher, Skyleigh Raine Villamayor.

Nice to meet you, Teacher, Skyleigh Raine Villamayor.

Paulit ulit na nag-p-play sa utak ko kung paano niya binggit ang pangalan ko. Alam ko na hindi naman ako ang ipinunta niya at pumayag lamang siya dahil kay mama at hindi dahil alam niyang ako ang tutulungan niya, yun lang dapat ang isipin ko dahil sino ba naman ako para balikan niya? Isa lang naman ako sa mga babaeng pinagalaruan niya.

Walang maganda sa pagkikita namin kahapon at hindi kita ikinagagalak na makita kahapon o kahit kailanman. Bakit ba kase siya ang pinili ni mom? Alam naman ni mom na may history kami nung heartbreaker na yun tapos siya pa talaga ang pinili niya? Ni hindi man lang kinunsulta sa akin. Kaya pala palagi siyang umiiwas kapag doon napupunta ang usapan dahil alam na alam niyang tatanggihan ko yun at kung ano ang magiging reaksiyon ko.

Naalala ko ang bawat katgang sinabi sa akin ni mom. Oo at bata pa kami walang alam sa relasyon at lung paano pagtitibayin iyon pero kase... minahal ko rin naman kase ang taong iyon kaya ang hirap naman kalimutan ng ganoon ganoon nalang lalo na at siya pa ang first love ko.

Nabalik ako sa reyalidad ng biglang may pumitik sa akin sa noo. Bigla akong napapikit sa sakit dahil sa lakas ng pagkakapitik sa akin. Napahawak naman ako sa noo ko at hindi kaagad nakapagreact dahil sa gulat

"Aray!" Daing ko

Ang sakit nun taena!

Kinakapa ko ang noo ko kung saan ako pinitik ng kung sino, nang lingunin ko iyon sinamaan ko kaagad ito ng tingin at minura.

"Tangina, ba't namimitik ka? Bwiset." Inis na singhal ko habang patuloy na hinihimas ang noo ko na paniguradong namumula na

Nagkibit balikat ito at napasinghap. Umatras siya ng kaunti sa akin bago magsalita

"Kanina pa kaya kami tumatawag sayo, tanong kami ng tanong tapos nakatulala ka pala at lipad ang isip." Wika niya

Huh? Kanina pa? Gaano ba ako katagal na nakatulala?

"Ang lalim lalim ng iniisip to the point na hindi mo na mapansin ang mga sinasabi namin. Ano ba iniisip mo?"

Natigilan naman ako. Nagiwas ako ng tingin ng magtanong siya

"Nako! Baka hindi 'ano' kung hindi 'sino', hmm... sino naman kaya ang taong yun?" Tanong niya na para bang alam niya kung ano ang isasagot ko

"Sino naman ang iisipin ko? Napatulala lang ako may kung sinong iniisip na? Tss."

"Bakit hindi nga ba?"

"Sus, alam kong akala mo panaginip lang nangyari kagabi, raine. So, ipapaalala ko lang sayo, nagkita na kayo kahapon ni alexis kaya huwag ka na magpanggap na para bang walang nangyari."

Ang daldal talaga ng bunganga nito

Napalingon naman sa akin si xy na gulat ang mukha.

"Aba! Bakit di ko alam yan? Di ako updated! Nagkita na kayo? Kailan? Paano? Saan? At ano ang ganap? Nag sorry ba siya o nagpakaawa sayo? O kaya naman-"

I cut her off.

Ito na nga ba nag sinasabi ko eh mapapadami lang ang magtatanong at hindi ako titigilan hangga't hindi masasagot ang lahat ng mga katanungan nila.

"Pwede ba, isa isa lang naman ang tanungan, kita mo naman siguro na iisa lang ang bibig ko diba?" Inis na sabi ko dito

"Hindi pa yan nagkukuwento simula kahapon kaya kating kati na akong marinig ang buong detalye ng pagkikita nila." Si hannah

"Ikwento mo na! Dali!! My ghad hindi ako uuwi hangga't hindi ko nalalaman kung anong nangyari."

Kahit na nakatulog na ako hindi ko pa din makalimutan kung ano ang nangyari kahapon.

Nagtungo muna ako sa banyo para mag tooth brush at maghilamos ng mukha, ipinusod ko na rin ang aking buhok dahil nakakasagabal sa aking mukha kapag naghihilamos ako.

Binasa ko ng tubig ang mukha ko bago ako maghilamos ng sabon. Hindi ako bumibili ng mga skincare dahil natamad akong gawin ang mga yon at isa sa tingin ko naman ay wala namang problema o damage sa mukha ko.

Nang matapos ako ay pinunasan ko na ng malinis na towel ang mukha ko at nagtungo na sa kusina. Bahagyang kumalam ang sikmura ko kaya naman naghanap ako ng pwedeng makain o kaya naman ng pagkain na naluto na nila dahil marami namang tao sa bahay kaya imposibleng walang magluto.

Hindi kami nag-h-hire ng kasambahay dahil kaya naman na namin gawin ang mga gawaing bahay at may mga schedule din kami na sinusunod, napagkasunduan kasi namin since dito na muna sila ate celes at hannah dahil nga sa wala pa daw silang mahanap na condo na pwedeng tirahan.

Hindi naman ganoon kalakihan ang bahay ko pero masasabi kong kasiya naman kami dito, sa taas ay mayroong apat na kwarto at sa baba naman ay tatlo kaya kung mayroon man na gusto munang makitira sa akin ay ayos lang dahil marami pa namang i-space.

Bubuksan ko palang sana ang ref ay bigla nalang bumungad sa harap ko si xy na may hawak ng tray na ang laman ay isang plato na may laman na cake at mug na may laman na coffee.

"Napaghanda na kita ng makakain kaya ikwento mo na sa amin kung ano ba talaga ang nangyari kase dzai kating kati na akong malaman!" Nakangusong sambit niya

Napapikit na lamang ako at kinuha na lamang ang tray na hawak niya at nagtungo sa mesa.

Mahabang usapan na naman ito.

A: Hello po!!^^

Kumusta naman kayo? I hope you're okay and doing good. Lo siento kung ngayon lang ako nakapag update hehe medyo busy lang talaga sa life Kahit nung bakasyon.

Good luck sa'tin sa first day of school! Ingatz!

Anyways hope you enjoy reading!

Adios!^^

Continue Reading

You'll Also Like

2M 111K 96
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
1.2M 65.3K 59
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
700K 36.7K 21
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐀𝐧𝐢𝐤𝐚 𝐑𝐚𝐢 𝐱 𝐊𝐚𝐛𝐢𝐫 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ...
682K 35.5K 30
𝐓𝐡𝐞 𝐔𝐧𝐞𝐱𝐩𝐞𝐜𝐭𝐞𝐝 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ~ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟐 Sara Zafar, once a vibrant, effervescent spirit, embarks on a new chapter of her life in New Y...