Collide

By taleswithelle

9.9K 476 117

Caitlyn Lim thinks that as long as her feelings for Kade Montes, her boss, is under wraps, everything is goin... More

Foreword.
Prologue.
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15.
Chapter 16.

Chapter 14

108 11 3
By taleswithelle

I sighed, then closed my eyes. "Sorry, I didn't mean to say that." Bahagya akong pumihit sa kabilang side para medyo naka talikod ako sa kanya.

"You're upset," It's not a question, but a statement.

Denial is futile. Hindi na ako sumagot. Sumarap sa pakiramdam ang pagpikit ko. Nabawasan ang hilo.

"You can rest in the guest room," Maya ay sabi ni Kade.

I chuckled. "No, thank you. This is already too much trouble. I'm really sorry about this." Dahil unti unti nang bumababa ang tama ay bumabalik na rin dahan dahan ang hiya ko upon realizing that I am not acting 'professionally' like what I was supposed to.

"You're my guest tonight. Don't worry about it."

Dahan dahan akong lumingon sa kanya. Naka harap na pala sya sa akin, his arm is resting on the sofa's backrest habang naka tukod iyon sa mukha nya. Kitang kita ko ang kagwapuhan nya dahil direktang naka tutok ang dim light ng lampshade sa mukha nya.

I sighed then I closed my eyes again. "Why do you have to look like that?"

"Look like what?"

"Wala," Bumaling ako ulit patalikod sa kanya. Bakit ang gwapo mo masyado?

"I'm saying you can stay for the night in one of the guest rooms."

Kumabog na naman ang dibdib ko. No. Hindi pwede. I'm going home. I'll regret most of the things I said in the morning kaya gusto ko na maramdaman ko ang mga regrets na 'yon sa condo ko na.

"Do you usually tell your guests that they can stay for the night?"

Kade chuckled. "No, not all the time. Why do you ask?"

"Nothing. Ang hospitable mo naman pala." I bit my lower lip. "Sir," Pahabol ko.

"I should really get you a coffee." Natatawa na sabi nya bago sya tumayo at dumiretso sa kitchen.

Hindi na ako tumutol. I'll have more time to relax. Hopefully ay hindi nya makalimutan na gusto ko mag-uwi ng mga niluto nya, because I will really ask him na ibalot ako. Natawa ako sa naisip ko. Damn, how did I come to this point?

Hindi naman talaga ako lasing, eh. Tipsy lang. I just needed a few minutes para mawala ang medyo pamamanhid ng mga binti ko. I am not even slurring my words. And it's just red wine. Sunod sunod kasi ang inom ko kaya nabigla ako.

Naka idlip ako. Napa balikwas ako when I felt him sit next to me again.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Yep. I feel better.

"Drink your coffee," Mahinahon na sabi nya.

Nilingon ko sya. "T-Thank you," Nahihiyang sabi ko. I immediately took a sip on the cup. It's hot, but it felt good as it sent warmth to my body.

"How are you feeling?"

"Better." Ngumiti ako before I took another sip. "And... 'yung food. I am serious, magti-takeout ako."

"I figured. Is it okay that I put it in plastic bags? I don't have any container..."

"Yes, oo naman." I took another sip before I put back the cup at the table. Huminga ako ng malalim bago ako tumayo.

Okay na, hindi na ako nahihilo at hindi na masyadong namamanhid ang mga hita ko.

"You sure you're, okay?" Hindi nawala ang concern sa boses nya kaya lalo akong nahihiya.

I smiled at him. "O-oo." I glanced at my wrist watch. "It's almost eleven na. I better get going para makapag pahinga ka na. Galing ka pang Laguna with your mom." Noon ko naalala na baka pagod nga nga talaga sya tapos nagpasaway pa ako.

"I'll get the keys," Ang sabi nya lang.

Nang bumalik sya ay dala nya na ang isang plastic kung saan naka lagay ang mga niluto nya na naka plastic rin individually. Kinuha ko iyon from him, then sabay kaming tumayo sa harap ng elevator.

Sa fourth-floor parking kami bumaba.

"How many of your cars are here?" Curious na tanong ko. Nakita ko na 'yung Ford ang gagamitin namin dahil iyon ang susi na hawak nya.

"Just two. Ito lang naman ang mga sasakyan ko. Hindi practical na bumili ako ng marami when I only need two." Kibit balikat na sabi nya. He opened the shotgun seat's door for me. Kunwari ay hindi ako affected pero parang gusto ko tumili.

What a life. Ngayon pa lang iniisip ko na agad na ganito pakiramdam maging girlfriend ni Kade Montes. Sadly, I am only experiencing a taste because he's like that with his employees, or should I say, his assistants. Tanggap ko naman iyon.

"Uhm, ilalagay ko ba address ko?"

"Nope, no need." He started the engine.

"Uh, sige, ituturo ko na lang ang daan."

Lumingon sya sa akin. "Caitlyn, I know where you live. Just... let me do the driving."

Nangunot ang noo ko. "What? Paano?"

"Personnel file,"

That shut me up hanggang makalabas na kami sa premise ng building.

Alam na alam nya ang daan. Kinilig ako knowing na alam nya kung saan ako naka tira kahit wala namang meaning iyon. I mean, oo, nasa personnel file. Pero kabisado nya ba lahat ng address ng mga employee nya? Siguro, kaming mga assistants nya.

Ah, whatever!

Bitin ang byahe. Before I knew it, papasok na sa main entrance ng Saffron Tower II ang sasakyan ni Kade. Hindi ko tuloy alam ano ang sasabihin.

"We're here," He announced as if hindi ko naman nakikita.

"Uh, t-thank you. And sorry ulit for the trouble kanina." Mahigpit ang hawak ko sa plastic na naglalaman ng mga pagkain na niluto nya.

"No, I should be the one thanking you. It's a thank you dinner, remember?" He grinned.

I smiled. "Yep. Okay. Take care, Sir."

"Thank you, Caitlyn. Take care as well."







Alas kwatro pa lang ng madaling araw ay nasa Neonova na ako para tumulong at mag assist sa mga nagse-set ng finishing details para sa birthday party ni Kade. The event hall can hold up to five hundred people at kulang kulang na ganoon ang bilang ng mga invited.

Si Mrs. Montes ang namahala sa guest list. Parties like this are still all about business. Mga who's who sa industry ang nasa list pati na mga politicians, celebrities at syempre pa, mga naka deal na nila. Kaya alam ko na invited si Theo at ang papa nya. He told me a few days ago nang magkausap kami na pupunta raw sila.

Since dinner time naman ang party, nang matapos na ang lahat ng preparations before lunch time ay umakyat na ako sa office. I finished everything dahil gusto ko na umidlip sandali pag umuwi na ako. Theo will pick me up. Hindi raw sya sasabay sa daddy nya. Late na raw makaka punta ang daddy nya dahil galing pa raw sa Japan at sa party na dididretso from the airport.

Whenever I hear things like that, namamangha pa rin ako sa way ng mga mayayaman. That's when you'll truly realize that most problems can be solved kapag may pera ka. Minsan magiging kalaban mo lang ang oras sa mga bagay bagay but if you have money, there will be less problem.

That's why I really want to achieve my goals while I am still young and earning big.

Hindi na ako kumain ng lunch. Nang maka uwi ako pasado alas kwatro ay natulog na ako agad. Nagpa alarm ako ng alas sais. I woke up and saw na may message si Theo. He will probably arrive around seven thirty daw. I still have plenty of time pero hindi naman kasi ako sobrang matagal mag handa.

Of course, gagamitin ko ang handbag na regalo sa akin ni Mrs. Montes. I don't think I'll attend any occasion any time soon kung saan pwede ko sya magamit so it's best to use and flaunt it now. Kaming dalawa lang ni Ninang Angelou ang makaka attend dahil may kanya kanyang schedule ang iba.

Ngayon pa lang, ini-imagine ko na how Kade would probably look more stunning than he usually is. Naiimagine ko na rin kung ilang babae na naman ang magso-swoon sa kanya. Hell, he will probably bring home one later.

I groaned. Sanay naman na ako mag-isip ng ganoon and obviously ay tanggap ko naman na. But I still hate it whenever I do. Ayoko mawala sa mood. Gusto ko na mag-enjoy kami ni Theo mamaya. I miss having time with him.

I also like the fact that he was never rushing me. No promises or expectations. If he wants to see me or hangout with me, it's good since I feel the same. We're both single and consenting adults. So, I have nothing to worry about. We're just enjoying each other's company.

I wore a beige tube dress na above the knee ang haba. Beige rin ang kulay ng stiletto ko. I partnered it will pearl earrings and pearl necklace. I put my hair in a bun na may ilang hibla na naka baba sa gilid ng mukha ko. Nagdala ako ng oversized brown blazer.

One last look at my mirror and bumaba na ako agad when Theo sent me a message saying na nasa baba na sya.

"You're gorgeous!" Agad na sabi nya nang papalapit na ako. Nag beso kami before he opened the car door for me.

"Thank you! You look stunning as well! Nakaka blooming ba sa Paris?" Biro ko nang maka sakay na rin sya.

Malakas ang tawa nya. "Nag shave lang ako,"

"Ah, kala ko dahil nag stay ka sa Paris."

"Ikaw talaga. Trabaho pa rin naman pinunta ko doon. New venture. Let's go?" He started the engine of his car.

"Yup! Mas okay na maaga tayo."

"If it gets boring, will you be okay to leave early?" He stared to navigate para makalabas na kami. "My dad's appearance at the party is more important anyway. I can ditch early."

"Hmm. It's fine. Tapos naman na ang trabaho ko and I'll attend as a guest."

"Oo nga pala, you said you're a part of the team na namahala sa birthday ni Kade."

"Yep! Umidlip na nga ako sandal when I got home kanina."

"You're really workaholic din talaga, ano?" He smiled at me.

"I have a lot of plans."

"I am sure you can achieve it. Sa sipag mo ba naman."

"Thank you," I really like how Theo's encouraging words make me feel good. Imagine, someone like him who's already established as a businessman encourages me?

We showed our invitation. Magkaiba kami ng table but since Theo said na may plus one sya, there's an extra chair for his plus one. Doon nya na lang ako pinaupo muna.

"I'll go to our table later, ha? Baka hanapin ako, eh." I told Theo.

"Sure. No problem. Kilala ko naman mga kasama ko dito sa table."

Kumuha na kami ng champagne from the waiter that passed by.

Maya maya lang, umingay ang paligid. That's when we saw Kade entering the venue with his parents, Mr. and Mrs. Montes. Everyone greeted them and they were all smiles. They looked like royalties personified. Simpleng simple lang ang suot ni Mrs. Montes but she's oozing with class. Gwapong gwapo rin si Kade at si Mr. Montes sa terno nilang dark blue suit with different accent features.

"It must be nice being an only child," Sabi ni Theo habang naka tingin sa kanila.

"I wouldn't know. May mga kapatid rin ako."

"But it must be lonely rin, no?"

"Well, ang alam ko close naman si Kade sa twin cousins nya."

"I see."

The host announced their arrival. After a while, tinawag si Kade sa stage. He's not smiling now. Seryosong seryoso ang mukha nya.

He cleared his throat bago sya nagsalita sa mic.

"Hello, everyone. First of all, I would like to thank you for your time by coming here. I am really not heavy with this speech thing," He gave an awkward smile and everyone laughed. "But I have to let you all know that I appreciate this. I would also like to thank my mother, who spearheaded this with one of my secretaries, Caitlyn Lim. I'd also like to extend my appreciation to all the employees and people who helped in all aspects of this supposedly surprise birthday party that I already know beforehand," Everyone laughed again. "So, yeah, I hope you guys enjoy and love the food. Thank you again." Yumuko sya and everyone clapped their hands and cheered.

Hindi ako agad makagalaw simula nang marinig ko ang pangalan ko na binanggit nya sa pasasalamat nya.

I gulped my second glass of champagne. My phone vibrated from my hand bag.

Hinahanap ako ni ninang Angelou.

"Punta muna ako sa table namin, ha? I'll be back."

"Sure, I'll wait." Magiliw na sagot naman ni Theo.

Nag excuse ako sa mga kasama namin sa table and looked for the table I am supposed to be at. Nagulat ako dahil nandoon si Kade at kausap ni Ninang. Nasa long table naman sila Mr. and Mrs. Montes at nakikipag usap sa ibang bisita.

Huminga ako ng malalim bago lumapit.

"Hey, where were you?" Nakangiting tanong ni Ninang.

Umiiwas akong mapa tingin kay Kade pero ramdam ko na naka tingin sya sa akin.

"M-May kasama po ako." Mahinang sagot ko. Umupo ako sa upuan na nasa tabi nya.

"Sino?" Kunot ang noo na tanong ni Ninang.

"You're with Theo Lau, right?" Imbes ay si Kade ang nagsalita.

Napa tingin kami ni ninang sa kanya.

I swallowed and nod gently. Hindi ko alam kung ngingiti ako.

"Oh. Are you guys dating?" Biglang tanong ni ninang.

I gave an awkward smile dahil pareho silang naka tingin ngayon sa akin.

"Ahm..." Hindi ko alam ang sasabihin.

Tumawa si ninang. "Are you nervous? I was just curious. Anyway," Bumaling si ninang kay Kade. "Sir, I'll get us food." Tumayo sya without waiting for Kade's answer.

I bit my lower lip dahil kaming dalawa ni Kade ang maiiwan.

"H-Happy Birthday, Sir." I said to broke the silence.

"Thank you, Caitlyn." He answered in a formal tone.

I slowly opened my hand bag. Kinuha ko ang box na nandoon at ibinigay sa kanya.

"Regalo ko, sir." I have him an awkward smile.

Kinuha nya iyon. "You didn't have to, but thank you for this." Halata sa mukha nya na hindi nya inaasahan iyon.

Compared sa mga regalo na sa gift table, alam ko na walang wala ang regalo ko kaya ginusto ko na personal ko na lang ibigay.

He pulled the ribbon. I froze. Hindi ko alam na bubuksan nya agad iyon. Umiwas ako ng tingin dahil nahihiya ako.

"This is nice,"

Dahan dahan akong tumingin sa kanya. He's looking at it while holding the box.

Cufflinks na tiger at tiger keychain ang laman ng box. I drew the tiger and pinagawa kong keychain. Literal na 'yung susi lang kasi ng mga sasakyan nya ang kita kong hawak nya. Baka lang maka lusot at gamitin nya.

"Why tiger?" He looked confused. Hinawakan nya ang keychain. Lalo ang nahiya.

"Mukha ka kasing tiger pag naka simangot ka." Mahinang sagot ko.

"What?" Ang lakas ng tawa nya.

Maraming tumingin sa paligid naming dalawa kaya napa yuko ako.

"Itago mo na 'yan, Sir. Nakakahiya," I bit my lower lip.

Hindi sya sumagot. He pulled something from his pocket. I heard it jiggle. Nakita ko na lang na ikinakabit nya ang keychain na bigay ko sa susi ng sasakyan nya. Nanlaki ang mga mata ko habang naka tingin sa kamay nya.

Inangat nya iyon nang maikabit nya. "I like it," Sabi nya habang naka tingin sa keychain.

Continue Reading

You'll Also Like

57.4K 1.3K 33
โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€ you got me down on my knees it's getting harder to breathe out . . . โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€ ๐‘ฐ๐‘ต ๐‘พ๐‘ฏ๐‘ฐ๐‘ช๐‘ฏ . . . ๐œ๐ก๐ซ๐ข๐ฌ ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ง๐ข๐จ๐ฅ๐จ ha...
590K 16K 80
A butler was the job description. Do what he wants. Get what he desires. That's all I have to do, but suddenly, I am thrown into a completely differe...
298K 21.7K 26
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...
508K 32.5K 41
Let's see how different personalities mends with each other to form a beautifull bond together. Where the Eldest is calm and cold, Second is aggress...