(R-18)A TASTE OF BEBENGKA

Oleh KeichiYeol

57.1K 2.2K 435

*EMBRACE YOUR PASSION AND ALLOW YOUR STRENGHTS TO GROW. YOUR CONFIDENCE IN YOUR ABILITIES WILL NATURALLY GRO... Lebih Banyak

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32

CHAPTER 2

1.8K 59 10
Oleh KeichiYeol

Notice: Inayos ko lang ang chapters dahil magulo, kasing gulo ng life ko.

Someone's point of view Pov;

"SIYA nga pala gurl, baka next week na ang alis ko papuntang maynila. Doon na ako mag-aaral ng Dress making, kilala mo si Tita Miya? Siya tutulong sa'kin."Abala sa pagliligpit ng mga hugasan na saad ni Brando.

Habang ang kausap nito kanina pa tulala. Hindi nito matapos ang kanyang ginagawang paglilinis sa mesa.

Marami pa silang aayusin dahil magsasara na sila ng store. Pasado 6:00 pm na, oras na ng kanilang pagsasara.

"Okay."Wala sa sariling tugon nito habang nasa malayo ang isip.

"Alam ko mamimis mo ako gurl pero kailangan ko talaga lumuwas ng maynila, at alamo naman ang dahilan diba?"Malungkot na anito at nagsimula ng maghugas ng mga hugasan sa lababo.

"Okay "Nanatili lang na ani Chiara.

Nagpatuloy naman sa pagsasalita ang pinsan nito.

"Wag kang mag-alala, tatawagan ko parin kayo ni lolabels at Kuya Aamon para kamustahin."Brando says.

"Okay."Tugon ni Chiara at wala sa sarili na naupo sa upuan habang nasa malayo parin ang tingin.

"At saka babalitaan lang kita kapag nakahanap ako don ng jowa, ayyyyie"Parang kinikiliti pa na pagpapatuloy ni Brando sa pagsasalita.

"Ok."Chiara.

Natigilan sa ginagawa si Brando ng mapansin na nito ang panay tipid na tugon lang ng dalaga.

"Tapos magpapagalaw ako sa kanila, tapos papatayin ko sila kapag hindi nila ako pinanagutan! Tama yon diba girl?!"Parang nahimasmasan na saad ni Brando at nilingon ang dalaga.

"Ok."Tulala parin na tugon ng dalaga.

Hindi namamalayan ng dalaga na napaka sama na ng titig sa kanya ng pinsan na nakapamewang sa likod niya.

"Tapos uuwi ako dito sa atin dahil buntis ako, diba tama, girl?!"Nakabusangot na anito at gigil na siyang batukan ang pinsan.

"Okay...Aaaaaarrrayy!"Napasubsob ang mukha nito sa mesa ng ingudngud siya ni Brando."awwwts! Aray ko naman Bakla! Ang sakit ah!" At di pa nakuntento sinabunutan pa niya ang dalaga para matauhan.

"Masakit? Ha! Masakit ba?! Ano tutunganga kalang ba?! Kanina pa ako salita ng salita dito tapos wala kang sumbat kundi Okay, okay! Ano bang problema mo bakla? Bakit kanina kapa dyang lutang na parang tanga? Okay kalang?!"Naaasar na sermon ni Brando at padabog itong umupo sa upuan paharap kay Chiara.

Nahimasmasan na din ang dalaga dahil sa ginawa sa kanya ng pinsan na hindi na maipinta ang mukha sa asar.

Nakangusong inayos ni Chiara ang buhok nitong nagulo."Sorry na, ito naman. Kailangan talaga saktan mo pa ako ah."Tugon nito.

"Aba eh deserve mo yan bruha ka, kanina pa ako nag-eemot tapos hindi mo pala ako pinapakinggan.Nakakaloka ka!"Daig pa ang isang big sister na sumesermon sa bunsong kapatid na litanya ni Brando. "Ano ba kasi nangyayari sau? Kanina ko pa napapansin simula pagdating mo galing sa school ganyan kana kumilos eh. May nangyari ba sa school?"Gumuhit ang pagtataka at pag-aalala sa expression na tanong nito.

Napaayos ng upo si Chiara at napahugot ng mahabang hininga nang muling nag flashback sa utak niya ang mga nangyari sa kanya sa school nito kanina.

Segundo bago ito nakasagot. "May nangyari nga sa school kanina, at hindi ko makakalimutan yon."Aniya.

Na curious naman ang kaharap.

"Sabi ko na eh! So ano pala ang nangyari? Don't tell me may nakaaway ka nanaman!"Brando.

Umiling ang dalaga."No, wala akong nakaaway."

"Well, knowing you na madalas mapaaway eh hindi ka naman umaakto ng ganyan dahil normal nalang sayo ang may makaaway."Taas kilay na anito. "So ano nga ang nangyari?!"

"Kasi...ganito yon..."

At ikunwento na nga niya sa pinsan ang lahat ng nangyari. Sa kung paano nagsimula ang lahat, pati ang isang eksena na mas higit na nag-iwan ng matinding alaala sa kanyang utak at isipan.

"KYAAA...OMG! Oh. My! Totoo? As in kinain nya ang bibig mo?"Napapatili sa gulat na ani Brando.

Tinakpan ni Chiara ang bibig ni Brando dahil kulang nalang magsisigaw ito sa kilig.

"Uy bakla! Hinaan mo nga boses mo. Baka marinig tayo ni kuya at lola."

"Bakla, kinikilig ako sa moment nyo ng rescue guy na yon, ayieee charot."Parang bulate na di mapakali na anito sabay palakpak pa."Tapos anong pakiramdam na mahalikan ng isang strange guy? Charr."

"Huh?"Kunot noo na tugon ni Chiara.

"Gaga, sabi mo kinain niya labi mo, so parang french kiss na din yun, charot. So anong feeling nun? Tell me dali..."Malapad na ngising tanong niya na may pakislap-kislap pang mata.

Isang malakas na batok sa ulo ni Brando ang ginawa ni Chiara."Tange! Wala akong sinabing kinain niya labi ko. Edi sana kung kinain niya labi ko, wala na akong labi nun!"

"Baklang 'toh! Tatawa na ba ako? Korni ng jokes mo duh!"Napaangat ang isa nitong mataray na kilay.

"Sana tumawa ka nalang bilang pakisama, gaga!"Chiara chuckled annoyingly.

"HA.HA.HA! O, ayan tumawa na ako. Satisfied?!"Naaasar na tugon ni Brando.

"Loko!"Akmang tatayo na ang dalaga para dedmahin pinsan ngunit napigilan siya agad nito.

"Ayyy bruha heto na seryoso na, ano ngang nangyari pagkatapos?"Pangungulit niya.

Umupo ng tuwid ang dalaga."Sa totoo lang, parang first kiss ko na din yon. Kasi dumikit talaga ang labi niya sa bibig ko nang kainin nito ang naiwang piraso ng bibingka sa labi ko."Hindi alam ng dalaga kong matutuwa ba siya, maiinis or kikiligin dahil sa nangyaring yon.

Lalong nangislap ang mga mata ni Brando."Masarap ba? Charot."

"Malambot!"Napapamaang na turan ni Chiara.

"Ano pa?"Brando.

"Mabango."Chiara.

"Ang alin?"Brando.

"Yung hininga niya at yung..."Nawawala nanaman sa sarili na tugon nito.

Ito namang si Brando ay lalong kinikilig habang sinusundan ang iba pang sasabihin ng dalaga.

"Yung...?"Brando.

"Bibig niya."Chiara.

"Tapos ano ngang lasa nung bibig niya?"Abot tenga na tanong ulit ni Brando.

Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ng dalaga ng maalala ang mamulang labi nung rescue guy.

"Bakit may nagkalat na pwet ng manok sa basurahan?!"

"Lasang pwet ng manok."Wala sa sariling banggit ni Chiara."Dang!"Natakpan ng dalaga ang bibig ng mapamura siya.

"Aaaahhhhyyyy, kaloka! Lolabels naman panira kayo ng moment eh."Napatayo naman sa tili si Brando at sa kakapasok lang na lola nila natuon ang kanyang atensyon.

Si Chiara naman ay napatayo ng mahimasmasan sabay lihim nitong binabatukan ang sarili.

Nagtatakang pinasadahan ng matanda ang tingin sa dalawa na kapwa nagulat sa pagdating niya.

"Ano bang ginagawa niyong dalawa at parang kasalanan ko pang nasira ko pagbubulungan niyo dyan ah!"Nagtatakang aniya."Apo, iyong mga pwet nang manok sa labas, ayusin niyo pagtapon. Baka langawin tayo nyan eh, saka bilisan niyo na ng makapag sara na kayo ng tindahan."Aniya at dahan-dahan na itong pumasok sa kwarto ng kanyang isa pang apo.

"Opo la, kami na po bahala dito."Maamong tugon ni Chiara, lihim nitong tinapunan ng Punch sign ang pigil sa pagtawa na si Brando.

"Uyy, kilig yarn."Pabulong na ani Brando sa kanya.

"Di ah! Galit nga ako dun eh sa rescue guy na yun eh! Napaka bastos!"Nag ala angry bird na tugon ng dalaga.

But deep inside, nakaramdam din siya ng kilig.

"Deny pamore. HAHAHA."Natatawang kantyaw pa sa kanya ni Brando.

"Manahimik ka nga dyan?! Panget kaya nun! Wag ko lang siya makita ulit dahil babasagin ko bayag niya!"Pinatigas nito ang klase ng kanyang pagsasalita para kunwari di mahalata na kinikilig siya.

"Weh! Akala ko ba sabi mo blue eyes siya? Matangkad, gwapo at long nose? Am i wrong?"Hindi parin paawat na pang-aasar sa kanya ni Brando.

Oo nga, gwapo siya. As in napaka gwapo. Pero inis parin ako sa kanya dahil sa ginawa nito, aminin ko kinilig din ako pero mali parin yung ginawa niya. Wala siyang galang!

Mga katagang sa isip lang ng dalaga. Hindi lang niya matanggap na basta nalang yon ginawa sa kanya nung rescue guy.

"Magtrabaho na nga lang tayo bakla! Pagod ako."Tugon nalang nito at pinagpatuloy ang ginagawa."Linisin mo yung pwet ng manok sa labas."Naaasar na utos niya sa kasama.

"Ba't ako?! Ikaw ang inutusan ni lolabels ah!"Taas kilay na atungal naman ni Brando.

"Sige ka pag dimo yun sinunod isusumbong kita kay Lola na panay pa-cute mo dun sa kapitbahay natin na apo ni lola Maya."Pagkwan ay taas noo na banta ko sa kanya.

"Tch! Bruha ka talaga kahit kailan bakla!"Pakembot- kembot na lumabas si Brando at maarti nitong inayos ng tapon ang kalat sa labas.

"Hahaha. Lamats, bakla."Natatawang tugon ni Chiara.

Natigil din sila sa pag-aasaran. Isang oras bago sila natapos sa ginagawa.

Matapos nila maghapunan ay nagkanya-kanya na sila ng pasok sa bawat kwarto nito.

Nasa tabi lang din ng room ni Aamon ang room ni Brando. Habang sa second floor naman natutulog si Chiara at ng lola nito.

Nakabihis na silang maglola, nakahiga na sila sa isang lapag lang. Mulat na mulat parin si Chiara ng maalala nanaman nito ang huling eksena nila nung rescue man.

Bakit kaya hindi maalis sa isipan ko ang lalakeng yon?

Saad ng kanyang isang diwa. Nakatitig lang siya sa kisame, at ang daming pumapasok sa utak niya.

"Thank you, so delicious"

Ang mga katagang yon at ang masarap sa pandinig na boses ng rescue man ay kanya parin naaalala.

At yung pagsuntok nito sa mukha ng lalake.

Napangiti sa alaalang yon, she can still imagine ang naging reaction ng lalake dahil sa napaka lakas na suntok niya dito.

Ngunit nawala ang ngiti niya nang maalala ang...

Flashback

"Bastos!"Sigaw ng dalaga sa pagmumukha ng rescue guy.

"Oh, sorry. I didn't intend to do that, i mean it's not what you think."Halata sa boses ng rescue guy ang malugod nitong paghingi ng sorry.

Ngunit napaangat ng kusa ang kanang kamay ni Chiara hindi para sampalin or suntukin ang lalake kundi para abutin at hawakan ang dumadaloy na dugo sa ilong ng lalake.

Nakonsensya ang dalaga, tinubuan siya ng awa at takot na baka napuruan niya sa ilong ang lalake.

"B-blood..."Nauutal na turan ng dalaga.

"What? B-blood?"Nataranta ang lalake.

Pinakita ng dalaga ang palad nito na may bahid ng dugo. Dahilan para magpanik ang binata ng kanya ding hawakan ang ilong na duguan.

"Shit!"Di mapakaling sambit ng lalake.

At ganun nalang pagkawindang ng dalaga ng mabilis siyang binuhat ng lalake sa likod nito.

Pinalibutan niya ng tali ang kanilang bewang para masigurado na walang mahuhulog sa kanila.

Mabilis na kumilos ang lalake paakyat sa madulas na lupa.

Hirap man itong humakbang paakyat pero nanaig parin ang katapangang ituloy ang pag akyat.

Nang ilang minuto pa at safe naman silang nakaakyat.

Walang sabi-sabing binaklas ng lalake ang tali na nakatali sa kanilang bewang.

At kapag kwan ay mabilis itong tumakbo palayo sa kanila.

Lahat ng estudyante ay namangha sa ginawang pagsagip nito sa tatlong dalaga.

Siya lang talaga ang mag-isa at tanging mahabang tali lang nito ang dala.

Maging si Chiara ay napatunganga sa inakto ng lalake.

Pasigaw naman na nagpasalamat ang mga kaibigan nito sa lalake dahil sa pagsagip sa kanila.

Ngunit likod nalang ng lalake ang nasisilayan nila na palayo ng palayo.

"He's weird!"

Bulong sa sarili na ani Chiara habang nakamasid sa palayo nang lalake.

End of flashback.

Okay lang kaya siya?

Nag-aalalang turan nito sa isa nyang diwa.

"Gising kapa apo?"

Kapag kwan ay nabaling ang atensyon nito sa kanyang lola na katabi niyang matulog.

"Opo la. Eh ikaw po,bakit gising pa kayo?"Maingat itong umurong ng higa sa tabi ng kanyang lola.

Niyapos niya ng yakap ang kanyang lola na parang batang maliit.

Gumuhit naman ang ngiti sa bibig ng kanyang lola at sinuklian ng yakap ang apo."Hindi pa ako ginugupo ng antok eh."

"Masakit parin ba tuhod mo lola?"May pag-alalang tanong nito sa lola.

"Bihira nalang apo."Tugon niya.

Napahinga ng malalim ang dalaga in a relief way. Ayaw talaga nitong nakikita ang kanyang lola na may dinaramdam na sakit.

Dahil bata pa lamang nakasanayan na niyang makita na laging malakas at walang ni anong iniindang sakit ang kanyang pinaka mamahal na lola.

"Lola, wag niyo po kaming iiwan ah. Hindi ko kakayanin kapag nawala kayo sa piling namin ni kuya!"Hindi maitago ng dalaga sa boses nito ang pagkabahala.

"Matanda na ako apo, hindi natin alam kung hanggang kailan ako magtatagal dito sa mundo."Sa halip ay mahinang tugon ng kanyang lola.

Naramdaman nalang ni Chiara ang mainit na luhang dumaloy sa kanyang pisngi.

Mas humigpit ang pagkakayapos nito sa kanyang lola.

"Wag po kayo magsalita ng ganyan lola. Diba sabi ko sayo na magtatapos ako ng pag-aaral at maghahanap ng trabaho para kumita ng pera. Magsusumikap ako para maipagamot si kuya, diba nga pareho natin gustong marinig ulit ang boses niya? Isa pa nakikita niyo pa magiging apo niyo sa akin sa tuhod, diba?"Pilit nitong itinatago ang kalungkutan sa paraan ng kanyang pagsasalita.

Nakita niyang ngumiti ang kanyang lola."Oo naman apo, hindi ko nakakalimutan mga yon. Wag kang mag-aalala. Ipanalangin nalang natin na mahaba pa buhay ko, hindi ko pa kayo handang iwan ng kuya mo. Lalo pa at ako na ang tumayong magulang niyo simula nang maghiwalay ang nanay at..."

Pinutol ng dalaga ang iba pang sasabihin ng lola."Wag niyo na po silang banggitin lola, ayokong marinig ang tungkol sa kanila!"

Bigla ay mas lalong tumulo ang kanyang luha at idinampi ang mukha sa dibdib ng kanyang lola.

"Naiintindihan ko apo. Wag kang mag-alala andito lang si lola, hindi ko kayo papabayaan ni Aamon. Nandito lang ako."Panunuyong sambit ng kanyang lola at halata din sa tinig nito ang lungkot at pag-aalala.

Lihim lang din na nanunubig ang mga mata ng kanyang lola.

Dahil bumabalik sa kanya ang mga alaalang matagal na nilang kinalimutan na mag-lola.

Kahit kailan...hindi ko sila mapapatawad!!!

Nanggagalaiting saad ng isa nyang diwa.

At ilang minuto nakalipas ng kapwa na silang iginupo ng antok.

KINABUKASAN;

Maagang nagising ang dalaga para magluto ng bibingka.

Sa kwarto nila ng kanyang lola ay may maliit kung saan sila nagluluto.

Tulad nalang ng pagluluto ng bibingka at iba pa.

May automatic machine naman siya na ginagamit sa paggawa ng bibingka kaya di rin siya ganon nahihirapan.

4:00 am palang abala na ito sa kanyang ginagawa. Pagkatapos niyang makaluto ay ginawa naman nito ang paglilinis sa kanyang mga kalat.

"Morning bakla..."Pupungas-pungas sa matang bungad sa kanya ni Brando.

"Goodmorning din pinsan kong maganda."Balik tugon naman nito sa pinsan.

Umaliwalas ang mukha ni Brando dahil sa tugon sa kanya ni Chiara. Patalon niyang sununggapan ng yakap ang pinsan na abala sa ginagawa.

"That's my cousin, you really appreciate my beauty. Hmmmwaah."Akma nitong halikan sa pisngi si Chiara ngunit itinulak lang niya ito palayo.

"Eeww! Kadiri, lumayo ka nga bakla."Taboy niya dito.

Nginitian lang siya ng maharot na pinsan."O siya sige, maliligo na muna ako. Nga pala, hiramin ko pang shave mo ah. Babooos..."Pakembot-kembot na itong naglakad palabas.

"Sayo nalang yan at wag mo nang ibalik dahil baka mahawaan pa ako ng kaartihan mo sa katawan eh."Ani Chiara.

Isang matinis na tawa lang tinugon sa kanya ng pinsan.

Napapailing nalang si Chiara sa kaartihan ng pinsan nito.

Ilang minuto pa inaayos na nito ang mga naluto nang bibingka, habang ang kanyang lola ay nanood parin ng TV habang namimitas ng malunggay.

"Gising naba ang kuya Aamon mo apo?"Pagkwan ay tanong ng kanyang lola.

Tumango naman si Chiara."Opo la, kanina pagbaba ko gising na siya at pinakain ko ng almusal para sa gamot niya."Aniya.

"Mabuti naman, mas nauuna pa siyang nagigising kaysa sa atin."Turan ng kanyang lola."Wala kabang napapansin na kakaiba sa kuya Aamon mo apo?"Baling nitong tanong.

Napaangat naman ng tingin ang dalaga sa lola."Ano pong ibig niyong sabihin lola?"

Sa halip ay binalik ng matanda ang atensyon sa pinapanood."Ah...wala apo."Alanganin na tugon niya.

Hindi na nagpumilit na umusisa ang dalaga. Pero nagtataka din siya sa ibig sabihin ng kanyang lola kung bakit niya iyon nasabi.

Ano bang kakaiba kay kuya? Wala naman akong napapansin. Maliban sa kaya na nitong tulungan ang sarili makabangon mula sa kama at umupo sa wellchair niya.

Saad ng kanyang isip.

Tatayo na sana siya para magbihis dahil may pasok siya mamaya nang tumunog ang selpon nito na nasa kabilang table.

Kanya agad iyon sinagot."Hello?"

["Chiara?"]Tugon ng nasa kabilang linya.

Nakilala agad ng dalaga kung sino ang nasa kabilang linya."Ate Leni, ako nga po ito. Napatawag po kayo?"Magalang na turan niya.

["Naku eh, itatanong ko lang kong marami kana ba nalutong bibingka? Bibili sana ako mga 100 pieces. Darating kasi mga byenan ko ngayon kasama mga kapatid ng asawa ko at hindi ako nakapag handa. Kaya naisipan kong sayo nalang bumili, at kung pwede sana ihatid mo nalang dito sa bahay. Okay lang ba Chiara?"]Mahabang litanya ng kausap sa kabilang linya.

Gumuhit naman ang malapad na ngiti sa bibig ng dalaga dahil may bwena mano na agad sila ng ganon kaaga.

"Sige po ate walang problema. Right away po ako na mismo maghahatid. Ngayon din po papunta na ako dyan, maraming salamat ate Leni."Malugod nutong tugon na halata talagang masaya siya.

["Naku walang anuman Chiara at salamat din ah. Pa abangan nalang kita kay Derek sa labas ah kasi nagpapasuso pa ako sa bunso ko ngayon eh. Oh sige ah."]Aniya

"Opo ate Leni, papunta na po ako dyan. Salamat po ulit "Tuwang-tuwa na ani Chiara saka tinapos ang kanilang pag-uusap.

Agad naman napatayo ang lola nito saka kinuha ang tungkod at lumapit sa dalaga."Si Leni ba yon apo? Mukang marami siyang order ngayon ah."

"Opo lola, darating daw po mga byenan nya."Tugon ng dalaga at dali-daling inayos at nilipat isa-isa ang bibinga sa isa pang maliit na basket.

Ilang sandali pa nagpaalam na ito sa kanyang lola."Alis na ako lola ah, balik din agad ako. Hintayin mo nalang si Brando para samahan kanya bumaba ah. Bye lola."

"Naku wag muna ako intindihin apo, mag-ingat ka sa daan ah."Saad ng kanyang lola.

At dali-dali na ngang lumabas ang dalaga.

Pagdating sa elevator ay agad naman iyon bumukas saka siya deretsong pumasok.

Masayang-masaya siya dahil maraming order sa kanya ng ganon kaaga.

Akmang magsasara na ang elevator ng may isang matangkad na lalake ang pumasok.

Napansin agad nito ang porma ng lalake. Naka suot ng white khaki shorts, white shoes, black neat t-shirts, naka suot ng cap na kulay itim din. And he is wearing face mask kaya hindi niya ito makita ang mukha.

But the guy is look so neat and has a good scent spreading inside the elevator.

Ang bango niya, at halatang mamahalin ang pabango niya. Sino kaya siya? Ngayon ko lang siya nakita dito. Is he new here?

Mga katagang sa isip lang niya, hindi niya iyon magawang kibuin dahil ni lingon sa kanya ay hindi naman nito ginawa.

Steady lang silang nakatayo inaantay pagbukas ng elevator.

Nang bumukas ang elevator ay kapwa sila naghihintay kung sino maunang lumabas.

Inilahad ng lalake ang palad nito at sinisinyas na mauna na ang dalaga lumabas.

Nguniti ganun din ginawa ni Chiara sa lalake.

Kaya ang ending nagsara na ang elevator ngunit bago pa man tuluyan itong magsara ay naharangan na ng binata gamit ang kamay nito.

Nilingon niya ang dalaga."You go first, ladies first."Baritono nitong turan.

Napangiti naman si Chiara sa pagiging gentleman ng lalake."Ah, okay thank you po."Lumabas na din siya mula sa elevator at sumunod naman ang lalake.

Pagkwan ay tumalilis na ng lakad palabas ang dalaga. Lumiko siya sa parking area ng bicycle kung saan nandun ang kanyang bicycle.

Ipinatong na nito sa likod ng bicycle ang basket na naglalaman ng bibingka. Tinalian niya iyon ng mabuti, pagkatapos ay sinakyan na niya ito palabas ng gusali.

***

MALAPIT na siya sa kabilang kanto kung saan ang bahay ng nag order sa kanya ng bibingka.

Kapansin-pansin ang pagiging tahimik ng lugar, ni wala masyadong dumadaan na kotse or motor sa highway area.

Napilitan siyang mapapreno dahil biglang may tatlong kalakihan ang humarang sa kanya.

Mukha pa lang ng mga yon ay hindi mo na mapagkatiwalaan na gagawa ng mabuti.

Maangas lumapit ang mga yon sa kanya. Alam niyang adik ang mga yon dahil sa mapupula nilang mga mata.

Napahawak ng mahigpit sa kanyang bisikleta ang dalaga, hindi dahil takot siya kundi dahil sa galit.

Alam niyang napaka delikado banda sa area na iyon dahil maraming nagtatagong adik at masasamang loob na tao.

"Hi, ikaw ba si Chiara?"Parang asong ulol na bati sa kanya ng lalakeng may malaking earing sa kanang tainga nito.

Hindi pamilyar sa kanya ang lalake dahil ngayon lang niya ito nakita. Maliban dun sa dalawa nitong kasama na namumukaan niya.

"Tumabi kayo sa dadaanan ko, nagmamadali ako!"Matapang na tugon ng dalaga.

Ngumisi ng nakakaloko ang lalake."Matapang ka nga, ni hindi ko makita sa maganda mong mukha ang takot. Ganyan ang gusto ko sa babae, yung maangas."Nakakalokong ngisi nitong pinakatitigan ang dalaga.

Ngunit hindi nagpapatinag ang dalaga.

Marahan siyang bumaba sa bisekleta at maingat niya itong itinabi saka hinarap ang mga nakaharang sa kanya.

"Boss, mag- ingat ka sa babaeng yan. Lakas ng kamao nyan!"Pabulong na turan nung isa pang lalake.

Habang ang isa ay naglabas na ng mahabang baseball bat."Babae lang yan boss, ano bang kaya niya! Sino siya para katakutan ng mga tambay sa lugar na ito?!"Saad nito.

"Malakas ang kamao ng babaeng yan pare! Kahit babae pa yan."Nababahalang tugon naman nung isa at halatang takot ito lumapit.

"Tsk! Ang sabihin mo duwag ka lang gagu!"Asik nung isa.

"Ang ingay niyong dalawa, magsitahimik kayo dyan!"Matalim na titig na baling sa kanila ng earing guy.

Pinaikutan lang sila ng tingin ni Chiara saka mas tinuon ang tingin sa lalakeng may earing.

Mas lumapit pa ang lalake sa kanya sabay haplos nito sa dulo ng buhok ng dalaga at inamoy-amoy.

"Hmm, ang bango."Napapikit-matang komento ng lalake."Parang gusto kitang ikama, napaka ganda mo. Napaka bango pa at nakakaakit ang mga mata mo, and fuck! You're so fucking hot."Punong-puno ng pagnanasang bulong nito sa kanyang tainga.

Kanina pa nagtitimpi sa galit ang dalaga.

Napahigpit ng husto ang pagkuyom nito sa kanyang kamao dahil sasabog na siya sa galit.

She slowly open her eyes."Lumayo ka sa'akin, ang bantot ng amoy mo. Nakakasuka!"Maangas na litanya ng dalaga.

Napalitan ng angil ang kaninay maamong mukha ng lalake. Nainis ito sa mga katagang ibinato sa kanya ng dalaga.

"A-anong sabi mo? Wow, hahh!"Napipikon na anito at gigil siyang sampalin ang dalaga."Ulitin mo nga! Anong sabi mo?!"Gigil niyang hinawakan sa buhok ang dalaga.

Napapikit-mata ulit ang dalaga dahil ramdam niya ang sakit sa anit ng buhok nito.

At dahil hindi na niya kayang magtimpi pa ay...

"Bwisit! Inuubos niyo oras ko mga walang bayag!" Galit na sigaw ni Chiara at kasabay nun ang malakas na pagsipa nito sa bayag ng lalakeng kaharap.

Halos lumuwa ang mata ng lalake sabay dakip nito sa kanyang hinaharap na halos mapuruan.

Habang namimilipit sa sakit ang lalake ay mabilis namang hinawakan ng dalaga ang tainga ng lalake saka marahas na hinila ang suot nitong earing.

Dahilan para mas umalingaw-ngaw sa paligid ang namimilipit nitong sigaw sa sakit.

Halos mabaliw na ang lalake sa sakit na naramdaman lalo na ng mahawakan nito ang tainga na duguan.

Nakita niya ang palad ng dalaga na hawak-hawak ang earing na may bahid ng dugo.

"Ahhhhhh FUCK!!!"Sigaw niya sa sobrang galit at dobleng sakit na natamo nito.

"Tang-ina naman oh! Late na ako, baka lumamig mga bibingka ko!"Natarantang saad ng dalaga ng makita sa relo nito na mag 7 am na.

Akma siyang sasakay sa bisikleta ng sakalin siya ng lalakeng may may hawak na baseball bat.

Sa gulat ni Chiara ay hindi ito nakaingat.

Itinapon ng lalake ang baseball bat sa isa pang lalake at nasalo naman nito iyon."Gagu, bilisan mo! Hampasin mo na ang ulo niya. Bilisan mo baka may makakita pa satin!"Utos nito sa kasama.

Pilit kumakawala ni Chiara mula sa pagkakasakal sa kanya ng lalake. At dahil mautak ang dalaga ay nakaisip ito ng paraan para makawala.

Isang malakas na apak ang ginawa niya sa paanan ng lalake at buong lakas din niya iyon siniko sa sikmura dahilan para mabitawan siya nito.

At akmang susugod naman yung lalake na may hawak na baseball bat subalit ganon nalang pagkawindang nila ng may isang lalake ang sumali sa eksena.

Nasaksihan mismo ng dalaga kung paano bugbugin ng misteryosong lalake ang dalawang adik.

Hindi na nagawang manlaban ng mga adik dahil di hamak na mas malaki sa kanila ang misteryosong lalake.

Tinigilan lang sila ng misteryosong lalake ng masiguro nitong gulantang na ang mga iyon.

Panay parin sa pamimilipit sa sakit iyong boss nila pero hindi na nito nagawang manlaban.

Napatanga naman at natulala si Chiara dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Dahan-dahan lumapit sa kanya ang lalake. Saka lang nakilala ng dalaga kung sino iyon ng lumapit ito sa kanya.

"Hey, you okay? Are you hurt or something?"Punong-puno ng pag-aalalang tanong ng lalake.

"I-ikaw yung lalake kanina sa elevator..."Naauutal na tugon ng dalaga.

At mas umawang ang labi nito ng alisin ng lalake ang suot na face mask.

"So you really don't recognize me huh...?"Ngumiti na tugon ng lalake.

"I-ikaw...?"Hindi makapaniwalang ani Chiara.

The guy just keep on smiling at her."You haven't changed at all. You stood up alone to fight these bastards with no emotions written on your pretty face,Miss Ara."He complimented.

Chiara couldn't even blinked her eyes in shocked while looking at the guy standing right in front of her.

MONTERELAOS;
@keichiYeol

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

1.1M 36.7K 62
WATTYS WINNER When her fiancé ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...