Impish Hearts

By clockwork_chaser

1.2M 33.9K 2.1K

Story of an Unexpected Love of Ericson Jyn Jacobs and Fallon Teresse Masambique. How can a simple power trip... More

Prologue
Chapter 1: Stressed
Chapter 2: Habagat
Chapter 3: Eleventh Floor
Chapter 4: The Model
Chapter 5: Hataw Pa
Chapter 6: Avery
Persevered Hearts
Chapter 8: Yakap
Chapter 9: Seryoso
Chapter 10: Vulnerable and Hurt
Chapter 11: Kumiskis
Chapter 12: Ang Laki ng Titik O
Chapter 13: Limutin ang Lahat
Chapter 14: TLC
Chapter 15: Jealous
Chapter 16: Ampalaya
Chapter 17: Nauwi sa Wala
Kanta Niya
Chapter 19: Lalong Nahuhulog
Chapter 20: Dahil sa Awa
Chapter 21: Mommy
Chapter 22: Tamis ng Unang Halik
Chapter 23: Bye
Chapter 24: Yellow
Chapter 25: Manliligaw
Chapter 26: HHWW
Chapter 27: Likod ng Malaking Bato
Chapter 28: Haplos
Chapter 29: Amihan
Chapter 30: Sakit
Chapter 31: Lamig
Chapter 32: Bawing-Bawi
Chapter 33: Espesyal
Chapter 34: Tawad
Chapter 35: Oo
Chapter 36: Mrs. Jacobs
Chapter 37: Not Ready
Chapter 38: Role Model
Chapter 39: May
Chapter 40: Hiling
Chapter 41: Pasko
Chapter 42: Wala Na
Chapter 43: Nakakasakal
Chapter 44: Sorry
Chapter 45: No Choice
Chapter 46: Regrets
Chapter 47: Impish Heart
Chapter 48: Too Much
Chapter 49: Masungit
Chapter 50: Achieved
Chapter 51: Another Yellow Day
Chapter 52: First Kiss
Chapter 53: Sunset
Chapter 54: F & F
Chapter 55: Happy Lang
Finnick Jyn Jacobs
Freia Jasmine Jacobs
Avery Jane Jacobs
CHASE

Chapter 7: Pasingit

21.2K 565 47
By clockwork_chaser

FALLON'S POV



"Erica will get Avery on Saturday night and return her on Sunday afternoon. You can have your off during the time that Avery is not here" Sir Eric explained



"Ano'ng off ang sinasabi mo?" pinamaywangan ko siya at tinaasan ng kilay. "E maglilinis pa ako ng bahay, tapos lalabahan ko pa ang mga damit niyo"



Three days...



Three days ko pa lamang inaalagaan si Avery pero pakiramdam ko ay tatlong buwan na akong hindi nagpapahinga!



Tinimplahan ko ng gatas si Avery at kinarga ko na siya para patulugin.




"Kukuha ako ng ibang helper na maglilinis at maglalaba. Ang gagawin mo lamang ay ang alagaan ang anak ko. Mukhang close naman na kayo kaya sa'yo ko na siya ipagkakatiwala" sabi niya nang hindi man lamang ako tinitignan at nasa laptop lamang ang buong atensyon.



Karga ko si Avery na hinehele ko.



"Pwede na ba akong umuwi mamaya?" tanong ko sa kanya. Dalawang gabi na akong dito natutulog. Nag-aalala na din ako sa mga tao sa bahay. Walang nagluluto ng ititindang ulam kaya sinabihan ko si May na mangutang na lang muna ng pangkain at pambaon nila.



Hindi naman umuwi si Habagat at ngayon lamang ulit. Mukhang allergic siya sa anak niya. Kaya hindi ko maiwan si Avery at hindi ko din naman maiuwi sa bahay dahil baka mapagkamalan pa akong kidnapper.



"Humanap ka na din ng bahay na gusto mo kung saan mang lupalop" dagdag niya pa



Tumaas ang kilay ko. "At bakit naman?"



Tinignan niya ako sa seryosong mga mata. "Bibilhin ko. Doon ka na tumira, isama mo ang gusto mong isama. Syempre kasama mo si Avery. Babayaran kita ng thirty thousand a month sa pag-aalaga sa anak ko. Ako na din ang bahala sa supplies niya sa isang buwan at sa lahat ng pangangailangan niya. Ako na din ang bahala sa utilities"



Napasinghap ako. "Seryoso ka?" di makapaniwalang tanong ko



Tinignan niya ako ng masama. Mukhang masama ang timpla niya ngayon. "Mukha ba akong nagbibiro?"



Kumunot ang noo ko. "Pababayaan mo ang anak mo?" hamon ko sa kanya



He sighed. "Hindi ko naman siya pababayaan." Itiniklop niya ang laptop niya at tumayo. "Fallon, look..." simula niya sa tila hindi mapakaling tono. "I'm not yet ready to be a father. I don't know how to handle a child. And can pay for someone who will take care of her. And that someone is you"



Nainis ako sa kanya. Kahit hindi siya handa, anak niya pa din si Avery. Ano ba naman ang subukan niya?



Inabot ko sa kanya ang tulog na bata. Hindi niya alam kung paanong karga ang gagawin niya. Pinaupo ko siya sa sofa at isinandig and bata sa kanya.



"Anak mo 'yan. Hindi ka ba naaawa sa kanya na iniwan na nga siya ng nanay niya, tapos pababayaan mo din siya?" pangongonsensya ko sa kanya



"Hindi ko naman siya pababayaan. Kaya nga ikaw ang pag-aalagain ko sa kanya dahil alam ko na hindi mo siya pababayaan. You can do what I can't do. At isa pa, maganda naman ang offer ko sa'yo. Ang gagawin mo lamang ay alagaan ang anak ko. Bibisitahin ko din siya weekly" paliwanag niya pa.



Oo, maganda ang offer niya. Thirty thousand plus magandang bahay at libre ilaw at tubig. Okay na okay. Pero nakakaawa kasi ang bata.



Mas nakakaawa ang bata kapag hindi mo inalagaan. Wala namang mapapala 'yan sa tatay niya. Ni hindi marunong gumawa papa-dede sa anak niya. Ang alam lamang niya'ng pisti na 'yan ay dumede sa kung sinu-sinong babae niya!



Napangiwi ako sa bulong ng aking konsensya.



At isa pa, baka kapag tinanggihan mo at sa iba mapunta, ay hindi naman alagaan ng maayos ang bata. Ano ba naman ang malay niyang damuho na si Habagat kung nabibigyan ba ng quality care ang anak niya.




Tinitigan ko si Habagat na hindi mapakali sa pagkakahawak sa anak niya. Mukhang wala talagang alam.



Hay... kawawang Avery.



Kinuha ko na ang bata sa kanya bago niya pa mahulog o mapilayan.



"Deal" sabi ko sa kanya. Agad naman na ngumiti ang matsing. "Pero kailangan every Saturday ay ilalabas mo siya at aalagaan. At please lang, 'wag mo siyang ikakahiya"



Kinunutan niya ako ng noo. "Bakit ko naman siya ikakahiya? Anak ko 'yan e. Saka ipinapaayos ko na ang legal documents niya para ilipat na sa pangalan ko"



Natuwa naman ako sa sagot niya.



Tinalakay na din namin ang iba pang mga bagay-bagay tungkol sa magiging arrangements namin.



"Okay na din na sa ibang bahay lalaki si Avery" out of the blue na sabi ko



"At bakit naman?" tanong niya at kumagat sa apple na hawak niya



Ngumisi ako sa kanya. "Kasi masyadong makamundo ang silid mo. Baka maagang mamulat ang bata"



Inirapan niya ako. "Sino kaya ang sumasayaw ng halos hubad" nakangusong bulong niya. May naglalarong pilyong ngiti sa labi niya



Nanlaki ang mga mata ko. "Hoy!" idinuro ko pa siya. "It's not for viewing noh! Echosero ka lang!" tili ko sa kanya



"Don't be so loud, baka magising si Avery at mag-iiyak na naman. Nakukuliling na ang tenga ko sa'yo tapos baka madagdagan pa" reklamo niya



Tinignan ko siya ng masama. "Siguro kaya gusto mo na maialis siya dito ay para malaya ka na ulit na magdala ng mga babae mo dito" nagdududang sabi ko



Ngumisi siya ng nakakaloko. "Ano naman ang masama doon? Lalaki lang ako"



"Tarantado. Napakahilig mo talaga. Baka ngayon anak lang ang mayroon ka. Bukas baka may tulo ka na" naiinis na inirapan ko siya at nagmartsa na palayo sa kanya.



"Monthly akong may medical check-up" sagot naman niya



Muling hinarap ko siya. "Sa klase na s-exual appetite mo, dapat daily ang check-up mo!"



Humalakhak lamang si g*go.








Malapit lamang sa palengke ang napili ko na bahay. Dalawang palapag at may tatlong kwarto. Malaki ang bakuran na may paradahan para sa dalawang sasakyan.



Walang pag-aalinlangan na nagbayad ang kamahalan ng higit isng milyon, ni hindi nakaisip tumawad! Kaya naman oramismo ay maaari na kaming lumipat dahil kasama na sa binayaran ni Habagat ang mga gamit






"Ibili mo ng crib si Avery, Sir Eric" mungkahi ko sa kanya habang isinisilid sa maleta ang mga gamit ng bata. Kakakuha lamang ni Erica sa kanya



"Sige. Bilisan mo na mag-ligpit" poker-faced na sabi niya.



Nakakapanibago din pala si Habagat kapag ganitong seryoso siya. Ang alam ko ay si Sir Trent ang ganitong kaseryoso.



Nang matapos ako sa pag-aayos ng mga gamit ni Avery ay bumaba na kami para sumakay sa Monterosport niya.



Hindi na ako nagtaka nang pumasok siya sa SM City. Mukhang nagmamadali na maihiwalay sa kanya ang anak niya at kailangan lahat ay areglado na ngayon.





"Mas maganda 'to. Siguradong matibay" turo ko sa crib na kahoy na may simpleng kutson lamang.



"That's too simple" he countered. Itinuro niya ang isang crib na may kulambo pa at mukhang pang-prinsesa. Kulay pink at white iyon. "This will be better for my princess"



Okay sana na prinsesa niya si Avery. Kaya lang...



"Ano ka ba, ano'ng akala mo sa anak mo, bagong panganak? Pang-baby lamang 'yan. Baka isang ikot lang ni Avery ay balentong na sa crib na 'yan" kontra ko. "Saka alikabukin lamang ang kulambo na 'yan e"



Sumimangot siya. "Anong alikabok? Airconditioned ang kwarto ni Avy"



Avy ang nickname niya sa anak niya.



"Hindi naman all the time ay sa kwarto lamang ang bata. Kailangan din na pinapaarawan" apela ko



"We'll buy a stroller for that" nakataas ang isang kilay na sabi niya.



"Pero mas maganda talaga itong crib na kahoy. Mas safe" hindi nagpapatalo na sabi ko.



"Ano'ng safe? Paano kung mauntog 'yung anak ko d'yan?" hamon niya



"Excuse lang po" singit ng sales clerk na nag-se-sales talk sa amin kanina. "Ilan taon na po ba ang anak niyo?"



"One year three months" sagot ni habagat.



"Sir, Ma'am, kung gusto niyo po ay ganito" may ipinakita siya na parang combination ng mga pinipili namin. Pero napakamahal naman.



Sa huli ay nag Jack-en-Poy na lamang kami at ako ang nanalo. Kaya ako ang nasunod.



Sa lahat ng mga binili namin ay nagtalo kami.



"Ang cute niyo po ni Sir, Ma'am" bulong sa akin ng nag-assist na sales lady. Nakapila na kami sa cashier at si Habagat ay pumipili pa ng mga damit niya na ilalagay din daw sa bahay para kapag doon siya matutulog.



"Huh?" narinig ko naman, hindi ko lamang maintindihan ang sinasabi niya, kailan pa kami naging cute ni Habagat? Alam ko na bagay kami, pero hindi cute together. Kasi diwata ako, tapos siya impakto.



"Ang cute niyo po'ng mag-asawa. Siguro ang ganda-ganda ng baby niyo. Sayang naman po at hindi niyo kasama" malaki ang pagkakangiti na sabi niya



Napangiwi ako. "Hindi ko asawa 'yun. At anak niya lang. Babysitter lang ako"



"Talaga po? Bakit hindi kayo mag-artista, Ma'am?" kiyeme niya pa



"Hindi na. Magulo ang life ng mga showbiz. Okay na ako na babysitter" nakangiting sabi ko.



Ngumiti na lamang siya at tumango. Mukhang hindi naniniwala na babysitter lamang ako.



Well, mamahalin ang mga damit na binili ni Habagat sa akin e. Inobliga ko kasi siya na ibili ako ng damit dahil ayaw niya ako pauwiin. At ang binili niya, full set at mukhang pang mayaman.



Dumating na si Habagat at mukhang tutulo na ang mga laway ng mga tao sa palagid.



"Matagal pa ba 'yan?" reklamo agad niya. Ni wala pa nga siyang isang minutong nakapila.



"Mahaba pa di ba?" naiiritang sagot ko sa kanya.



Kinalabit niya ang babaeng nasa harap namin. "Excuse me, Miss. Nagmamadali ka ba?" he asked is a flirtatious way.



Nag-beautiful eyes pa ang haliparot na babae. As if ikinaganda niya.



"Hindi naman" sagot niya na parang nginunguya niya ang dila.



Ngumiti si Habagat ng pagkatamis-tamis. "Pwede ba na mauna na kami sa'yo? Nagmamadali kasi kami, baka hinahanap na kami ng baby namin"



Napataas na lamang ako ng kilay.



Mukhang hindi naman malaman ng babae ang isasagot. Madami kasi ang nasa cart niya, pero doble ang dami ng sa amin. At siya na ang susunod dahil papatapos na ang nasa counter.



"Kapag pinauna mo kami, makikipag-kwentuhan ako sa'yo habang nagbabayad ang kasama ko" patuloy na landi ni Habagat.



Bigla namang nagningning ang mga mata ng babae na mukhang nasa early thirties na at sunud-sunod na tumango. Ngumiti si Habagat at kinindatan siya.



Siya na ang nagtulak ng isa sa dalawang pushcarts ng pinamili namin papunta sa counter. Hinarap na din niya ako at mayabang na ngumisi.



"Pasalamat ka, may kasama kang gwapo" bulong niya sa akin. Hindi na ako nakasagot dahil sinimulan na niyang landiin ang babae na nagpaubaya sa pila



"Ma'am, ang galing naman ni sir" kinikilig na sabi ng sales lady na nag-a-assist sa amin.



I just rolled my eyes on her dahil tumunganga na lamang din siya kay Habagat.



Okay, nakaigi nga sa amin iyon. Pero kawawa naman ang babae dahil hindi naman tama ang paniningit ni Habagat. Ang landi talaga ng damuho!



Hantikin sana sila!




_________________

June 9, 2015 (Tuesday) - 20:51


Continue Reading

You'll Also Like

133K 4.8K 51
"The essence of my existence is excellence" Those were the words that she carried for almost 25 years. Kung wala ang tatlong iyon, she couldn't be wh...
6.9M 140K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
253K 14K 35
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
2.4K 315 41
Lahat ng tao ay nagnanais na makapiling ang taong kanilang pinakamamahal. Mayroong mga sinuwerte na mahalin din pabalik at mayroon din namang hindi...