This Is, Love (GxG)

By ellyciaDC

165K 4.2K 937

Professor x Student!! [ Hi, this is my first time finishing a book here on wattpad. I hope this story enterta... More

Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Finale
Author's Gratitude
Special Chapter 1

Chapter 3

3.9K 78 6
By ellyciaDC

Xyianne

Pasalampak akong umupo sa may upuan dito sa dulo ng room. Dito ako sa dulo para hindi ako pinagtitinginan. Malalaman ko lang na tinitignan nila ako kapag lilingon sila dito sa dulo. Matalino ako sa part na yon diba?

Alam kong maganda ako kaya siguro sila tumitingin. Pero panay naman ang irap ko sa kanila. Hindi ko naman kasi kailangan ng atensyon nila.

May 5 mins pa bago ang klase. Kaya nagcellphone na lang ako pampalipas oras.

"Hi, can I sit beside you?" Tanong ng lalaking mukhang kapre. Napatingala ako eh. Masakit sa leeg. Kaya umiwas na ko ng tingin at nagpatuloy lang sa pagcecellphone.

Walang ano't anong umupo itong kapre sa tabi ko kahit wala akong sinasabi. I mentally rolled my eyes.

"So, I'm Henry. Nice to meet you." Sabi pa nito at akmang ilalahad ang kamay nito sa akin. Buti na lang at pumasok na ang best friend ko kasabay ng prof kanina sa cafeteria.

Lagi na lang akong saved by the bell nitong kaibigan ko. Pero wait! Sabay sila? So... Siya yung prof namin sa first subject!? At Major subject pa namin siya. Ang sched ko ngayon ay Fin 12. 

Pumasok silang dalawa na nakangiti. Hindi ba sila nangangawet. Tsss.

Lahat ng students sa loob ng room ay masayang binati agad ang prof na nasa harapan namin at ganoon din ang prof sa kanila.

Nakita ko naman ang pagikot ng mata ni Bridge sa loob ng room at alam kong ako ang hinahanap nito.

Nang makita niya ako ay naningkit agad ang mata niya dahil sa katabi kong kapre. Mas kitang kita kasi yon dahil sa laki niya. Basketball player siguro ito.

Dali daling pumunta sa pwesto ko si Bridge at nakapamewang na ito sa harapan ko.

"Bakit may katabi kang iba?" Tanong nito sa akin na medyo nagtataray. Sabay tingin sa lalaking katabi ko. "Excuse me that's my seat." Sabay lingon ni kapre sa kanya.

"Sorry Borja, but this seat was first taken by me. You can go there, it's empty." Sabay turo ng lalaki sa may upuan sa harap katabi ng table ni Miss Adler.

"Sorry din pero ayaw ka niyang katabi." Sumbat ni Bridge sa kapreng ayaw umalis sa tabi ko.

Ako naman ay naiinis na sa kanilang dalawa dahil naguumpisa ng magsitinginan ang mga classmates namin sa gawi namin.

Papansin kasi tong dalawang ito. Hays!

"Excuse me, at the back. What's the commotion all about?" Mahinahong tanong ng prof sa kanila. Nakatalikod kasi si Bridge kay Ma'am at iba pa naming kaklase kaya hindi niya pansin ang mga tingin ng mga ito.

Ako naman ay nauubusan na ng pasensya dahil ayaw nilang magpatalong dalawa. Si Bridge pa talaga ang hinamon ng kapreng ito. Eh mas matigas pa ulo niyan sa bato eh.

"Tumayo ka na dyan, Batumbakal. Lady's first hindi ba?" Madiin na pagkakasabi ni Bridge sa surname nito. Napabuga naman ako sa surname nitong kapreng ito. May paHenry Henry pa siya ha. Pero hinigop ko yung tawa ko kasi ayaw kong makita nila akong natatawa.

Sinamaan ng tingin nung kapre si Bridge dahil sa pagbanggit niya ng surname nito halatang nahiya sa tawag sa kanya lalo na't nasa tabi niya ako.

"Lumang tugtugin na iyan Borja doon ka na sa harap." Sagot nito.

At dahil sa atensyong pinupukaw ng lahat sa amin at sa kahihiyang nararamdaman ko dahil nasa harap na ang prof pero wala silang paki kung magtalo sila.

Tumayo na lang ako bigla sa upuan ko dahil ang tagal nilang magbangayan, parang mga tangang nagaagawan makatabi lang ako. Ako lang ito guys, bakit naman ganyan. My ghad!

"Dyan ka na Bridge." Maiksing sagot ko at iniwan ko silang dalawa doon sa likod at nagtungo sa bakanteng upuan sa harap malapit sa prof namin.

"Huh? Uy teka lang, Beshy!" Rinig ko sa kanya pero hindi ko ulit ito pinansin at nagmadali na maglakad papunta sa harap.

Ramdam ko ang mga pares ng matang nakatitig sa akin habang papalapit ako sa harap. Kaya ayaw ko talagang dito uupo eh. Para akong artista na ngayon lang nila nakita.

Habang papalapit sa upuan ay ramdam ko din ang intensidad ng tingin ni Ma'am sakin. Para akong matutunaw. Parang may anghel na nakatingin sakin. Bahagya din itong ngumiti. Para namang kinuha ang hininga ko sa ginawa niya.

Nanghina bigla yung tuhod ko and I felt my heart skip a beat. Kaya nagmadali akong nag iwas ng tingin sa kanya at yumuko hanggang makaupo ako sa upuan. Lintek na iyan, bakit ganon!?



Huminga ako ng malalim at hinilot ang sentido ko. Ang aga naman para sa mga ganito. Gusto ko lang naman matapos na agad yung araw na ito. Kaso first class pa lang!


I heard our prof cleared her throat. Kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

Hanggat maari ayoko nga eh. Kasi may kakaiba sa kanya. Parang nakita ko na talaga ito eh.

She plastered a smile to them and then to me. "Okay, since we have a new face in my subject. Even though I suspect that all of you know her as well. May I request you to introduce yourself to me before we start our discussion. What's your name?" She said gracefully.


"H-ha?" Ayun lang ang nasagot ko. Bakit need pa iyon? Hindi na kailangan, hindi ba? Fourth year na ako. Ayoko na ng ganyan! Tsaka kilala naman talaga nila ako dito kasi yung iba dati ko ring kaklase eh. Siya lang naman hindi nakakakilala sakin. Kausapin ko na lang siya mamaya.

Ma'am wag na please...

"I said introduced yourself. Since kakapasok mo lang dito sa subject ko." She said while letting her weight on the side table and her both hands are on her back.

She wears a navy blue pair of suit with black top underneath while partnered with black 3 inches stilettos. Napakaformal yet napakahot niyang tignan ngayon. Wait.. did I just said she's hot!? I mean, am I checking her out?

(Photo of Professor Adler)

Halos natuyot ang lalamunan ko sa imaheng nasa harap ko, pero dali dali rin akong napakurap dahil sa pagtapik ng katabi ko sakin.

Grabe makatapik ha, parang hampas na!

"What!?" Inis na bulong ko rito.

"Ubos na oras natin kakatitig mo. Magpakilala ka na kay Ma'am, hindi naman iyan nangangain ng tao. Nangaakit lang." She giggled after saying those words to me.


Inirapan ko ito dahil sa inis ko. Yun lang pala sasabihin kung makatapik wagas.
Wala naman akong pakialam kung nangangain o hindi. Hindi naman ako takot sa kanya noh! Mas matakot siya sakin kasi wala akong paki. Charot.

"Time is running. We will not start the class until you introduce yourself. I don't tolerate inactive students in my class." Dugtong pa nito, kahit kalmado siyang magsalita at may nakapaskil mang ngiti sa mukha niya ay parang gagawin niya talaga yung sinabi niya.

Hala edi sige wag tayong magklase Ma'am.

De joke lang! Huhu, bakit ganito!

"Hoy, Beshy bilisan mo na! Gusto ko pa grumaduate!" Sigaw ni Bridge sa likuran. Epal talaga ito nakakahiya lalo.

Rinig ko ang tawanan ng mga kaklase namin.

Kukuritin ko talaga ito ng nail cutter mamaya.

Huminga ako ng malalim bago tumayo at humarap sa kanya.

I straightened my body and crossed my arms. Yes, I always cross my arms whenever I feel angry, anxious, or nervous as well. Lumala lang ang pagcope ko ng ganitong act since my last epic date.


If they find it disrespectful then sorry. It makes me feel calm kasi. Deal with it.

I cleared my throat. Ayoko namang magmukhang kinakahaban. I am a Zamora for a reason. Hinding hindi magpapakita ng kahit na anong kaba sa iba.

"I'm Xyianne Yunis Zamora. Nice to meet you po Professor?" Hindi ko tinapos ang sasabihin ko dahil patanong ang dulo ng tono ng boses ko para malaman ang pangalan niya.

"I'm Professor Lovely Uzziah Adler. Just call me Prof. Adler." Ngiting sambit nito sa akin at umayos na rin ng tayo at tumapat sa akin. Mas matangkad siya ngayon sakin pero kapag wala itong heels for sure ang cute ng height niya.


"Okay po, Prof. Adler. You can call me Xyianne po." Magalang na sagot ko sabay upo. Nakita ko ang bahagyang pag angat ng gilid ng labi ni Ma'am bago tumalikod sa akin at humarap na sa white board at nagsulat ng topic niya at nagumpisa ng magdiscuss. Parang walang nangyari ah. Ganoon na lang iyon? Ang smooth. Pagsinabi niya. Sinabi niya.


Nakatulala lang ako sa kanya habang nakikinig. Magaling siya magturo, lahat ay nakikipagparticipate. Ang gaan ng vibes niya sa pagtuturo. Hindi mo mararamdamang major subject yung tintetake mo.

Lagi din itong nakangiti kaya hindi mo rin masisisi kung halos lahat sa kaklase ko ay nahahawa sa ngiti niya. Para kasing may magnet yung ngiti niya. Hindi ko na nga namamalayan na nangingiti na rin ako eh.

Sinampal ko ang sarili ko dahil sa narealize ko. Hindi pala ako palangiti. No Xyianne Yunis. Hindi ka ngingiti.

Halos nagtatawanan din sila kapag nagbibiro itong si Prof. No wonder kaya gusto siya ng mga estudyante. Okay.

"Please review the following topics I've discussed today. We will be having a short quiz tomorrow before discussion. Refer to your textbook. Class dismissed."


Hay salamat natapos na rin. Ako ang nangawit sa kanya eh. Di ba nananakit ang pisngi nito kakangiti? At hindi rin ba ako napapagod katatanong sa sarili ko kung nangagawet ba siya? Ano bang pakialam mo Xyianne? Pati pagngiti ng prof mo pinoproblema mo. Tsk!

"Zamora, please follow me to my office." Biglang nawala ang pagkalutang ko nang marinig ko ang pangalan ko kay Prof Adler. Ano naman kaya kailangan nito?

Napukaw naman ang atensyon ko sa pagkalabit ni Bridge sa likod ko.

"Beshy, mauna na ako ah? Magkaiba tayong subject eh. See you later at lunch ha? Bye!" Nagbeso lang sa akin si Bridge sabay tapik sa balikat para mamaalam sa next class niya.

Ako naman ay napako sa upuan ko. Bakit ako susunod kay Prof?

Ahh oo nga pala, Professor mo kasi yan Xyianne. Nahihibang ka na ba kung hindi mo siya susundin?

"Zamora." Last tawag niya sa akin at tumayo na ako at sinundan siya palabas ng room.

Pagkalabas namin ay marami na ring mga estudyanteng nagkalat sa corridor. Mga lilipat din ng classroom.


Panay bati din ng mga ito sa prof na nasa harapan ko habang ako ay nakabuntot lang at nanatiling nakapoker face.


Lahat ng madaanan namin ay nginingitian niya rin. Tsk. Nakakangawet talaga ang ginagawa niya.

Kung ang nasa harap ko ay todo nakangiti, ako naman ay hindi. Bahala sila dyan. Kung makatingin kasi sa akin wagas. Ngayon lang ba nila ako nakita? Sabagay kakapasok ko nga lang pala.

Sa wakas ay nakarating na kami sa elevator na exclusive lang sa mga faculty members ng school at mga officers.

Wala kaming kasabay at wala na ring mga tao sa paligid. Buti naman at pagod na ako sa mga tao.

Wala kaming imikan na dalawa dahil hindi naman ako magsasalita. Ayaw ko mag initiate dahil wala naman akong sasabihin sa kanya.

Nang makarating kami sa office niya ay sumunod lang ako. Dumiretso siya sa isang drawer na tila may kinukuha.


Ako naman ay nanatiling estatwa sa tabi ng pintuan.

Minimalist ang office niya at amoy bamboo scent ang loob. Nakakarelax ang amoy at maaliwalas ang loob at hindi makalat.

Pinagmasdan ko na lang ulit ang ginagawa niya. Nakayuko ito at nakabend ang katawan dahil medyo nasa ibaba ang mga gamit nito.

Ang tambok ng pwet— potek. Ano yang iniisip mo Xyianne!? No!


Ramdam ko yung pula ng pisngi ko kaya tumalikod muna ako at humarap sa labas ng pintuan. Huminga ka muna self.


Pinagmasadan ko na lang ang magandang tanawin mula dito sa open window sa corridor. Kita ko naman kasi ito mula dito sa loob ng office eh. Tama dito ako titingin, hindi sa tanawin sa loob—mali. Walang tanawin dito. Office ito. Office.


Parang tangang nakikipaglaban ako sa sarili kong utak.

Bumuntong hininga ako dahil naiinip na ako. Anong oras na rin at magsisimula na ang sunod na klase ko.

"Zamora." Muntik na akong mapatalon sa biglaang pagsulpot ni Miss Adler sa likod ko. Napapitlag rin ako sa hawak niya sa braso ko. Sa dami ng hahawakan sa braso ko pa.

Eh saan mo gusto? Panunuya ng utak ko sa sarili ko.

Iniwas ko kaagad ang braso ko at hinarap si Ma'am na ngayon ay parang nagtataka.

Umiling na lang ako at nagtanong. "Ano po iyon, Ma'am?" Seryosong tanong ko.

Inilapit niya sa harap ko ang mga textbooks na hawak nito. "Read these so you can easily catch up to the lessons you've missed. Return these to me if you're done." Sambit nito at ngumiti.


"Ah, ganon po ba? Salamat po." Kinuha ko naman agad ang mga binigay nito.
Medyo naiilang ako sa titig niya.

"May kailangan pa po ba kayo sakin, Ma'am Adler? May klase pa po kasi ako."


"Hmm, nothing.. You can go na." Kahit bakas ang pagtataka nito sakin ay hindi pa rin nawala ang ngiti nito sa mga labi niya. Iniwan na niya ako sa pwesto ko at umupo na ito sa swivel chair para mag abala sa laptop niya.


I clicked my tongue and decided to leave her office. But before I close the door, she spoke.

"I hope you're alright, Zamora." Mahinang sambit nito kahit hindi nakatingin sa akin.


Tumango lang ako kahit hindi niya nakikita at sinarado ang pinto.


Medyo nagtagal pa ako sa labas ng pinto niya para mag isip kung bakit niya iyon nasabi. Okay lang naman ako ah?

Dahil ba sa pagiwas ko sa braso ko kaya siya nagsabi ng ganon?

Hmpf, bahala na nga. Ayoko na magisip.

Bumaba na ako agad para magtungo sa room 307. Nasa 6th floor kasi ang office ng mga profs and dean pati ang head ng University.

Dito naman sa 5th floor ay ang office ng mga student councils and other University organization officers while sa 4th floor naman ang computer lab for the IT or ComSci students.

3rd floor ay puro rooms lang for classes ng mga BA students na tulad ko and pati Accounting students.

2nd floor naman ay sa mga HRM or Culinary students then 1st floor ay mga other special amenities ng school.

Many other courses ang nasa iba't ibang buildings. Apat na buildings kasi ang meron dito.

Ang cafeteria namin ay nasa Ground floor pati clinic at library nasa baba rin. Basta maraming pa ang nasa ibang building nakakapagod maglibot kaya dito lang sa building namin ang sasabihin ko sa inyo.

Pagpasok ko sa loob ay saktong kalalapag lang ng prof namin ng gamit niya sa table kaya nagmadali akong umupo dito sa bandang likod.


Kahit ramdam ko ang pagtingin nila sa akin ay hindi ko na sila pinansin pa. Hindi sila worth it pansinin. Gusto ko lang mag aral at matapos na ang araw na ito.

Medyo boring itong si Mrs. Bautista magturo, nakakaantok. Siguro kasi isang factor ay buntis siya kaya tinatamad na siya magturo. Pero kasi Tax 1 ang subject na ito paano ako matututo niyan? Kaloka.

Binigyan niya lang rin ako ng mga textbooks para maging reference ko para magreview sa mga namissed kong lessons dahil nga late ako nakapagenroll at nakapasok.


Lunch time na rin. Medyo nadrain yung utak ko dahil major subjects ang dalawang klase ko at morning pa ito nakaschedule. Sino ba namang hindi madedrain.


Medyo tamad ang yapak ko papuntang cafeteria. Pero magcCR muna ako, ayoko magmukhang haggard kahit halatang sabog na ako.


Pagtapos kong lumabas sa cubicle ay nag ayos muna ako sa salamin. Pagkatapos kong maghilamos at magpunas ng mukha ay nagpahid lang ako ng powder, nagdampi ng tint at gloss sa labi at nag ayos ng buhok. Pagkatapos ay naghugas na ako ng kamay.


Bigla ring may pumasok sa CR. Medyo pwersahan ang pagtulak nito kaya nagulat ako.


Nanlaki naman ang mata ko nang makita ko si Miss Adler na nakatayo na sa harapan ng pinto.

Medyo namumutla ito at nagulat rin siya na nakitang nandito rin ako sa loob.

Agad naman niyang iniwas ang tingin nito sa akin. Ngayon ko lang nakita yung itsura niyang ganyan. Parang nabalisa na ewan.

Ngumiti ito sa akin na halatang pilit lang at dali daling nagtungo sa cubicle.


Lalabas na sana ako kaso yung paa ko nakapako ata sa sahig at hindi ko maigalaw.


Nagvibrate din bigla ang phone ko. Si Bridge nagtext kung nasaan na daw ako.
Nagtipa ako sa cellphone ko at nagreply na hintayin ako saglit at nagCR lang.

Narinig ko naman ang pagclick ng doorknob ng cubicle kaya dali dali kong itinago ang cellphone ko at humarap ulit sa salamin para umaktong nagaayos ako ng buhok.

Sumulyap ako sa prof kong halatang may problema pero mukha pa rin siyang kalmado lang. Nagpunta ito sa sink kung nasaan ako nakapwesto. Ramdam ko ulit ang presensya niya ng maglapit kami sa isa't isa. Nasa gilid ko ito. Napalunok ako dahil sa pagsagi ng siko niya sa akin.

Parang yun lang nakuryente na ako. Meralco ka ba Ma'am?


Nagpatuloy lang ito sa paghugas ng kamay niya ng tahimik. Iba talaga ang aura niya. Kaya naglakas ako ng loob para magsalita.

"You seem to have a problem, Ma'am." Tila nagulat pa ito sa sinabi ko. Ano ba nakakagulat doon? Siguro nagtaka siya na nagsasalita pala ako. Ngayon lang ito, Ma'am.

Nakarecover naman siya agad at ngumiti ng maikli. "It's none of your business, Zamora." Pinatay na nito ang gripo pagtapos niyang sabihin iyon at nagtungo sa hand dryer para patuyuin ang kamay niya.

Parang may pumitik sa tenga ko dahil sa narinig ko. Okay!? Kaya ayaw kong mag initiate ng salita eh. Ayoko kasi nang feeling nila nangingialam ako.


Bwisit. Makaalis na nga lang. Bobo mo naman kasi Xyianne. Bakit ka pa kasi nagsalita. Hindi naman kayo close.


Medyo mabigat ang yabag ng paa kong lumabas sa loob ng CR at dinaan ko lang siya.

Nagulat siguro ito sa ginawa ko dahil bigla siyang nanigas ng daanan ko lang siya. Akala naman niya pipilitin ko siyang magshare ng problema niya? Neknek mo Ma'am.


"Zamora!" Tinawag niya ako pero sinarado ko na ang pinto at medyo napalakas pa ang bagsak nito.

Oops, sorry Ma'am sinasadya!

**

"Oh! Nakabusangot ka na naman! Ayusin mo nga iyang nguso mo ang haba eh. Para kang pato." Pagsasalita ni Bridge pagkaupo ko sa upuan sa tapat niya.

Tinarayan ko lang ito at nagcrossed arms.


"Ano nangyari sayo? Akala ko ba nagCR ka? Bakit parang hindi ka ata tinanggap sa langit dahil sa itsura mong yan?" Pagkomento nito na lalong nagpasalubong ng makapal kong kilay.


"Idaduct tape ko na yang bibig mo!" Pagsusungit ko sa kanya, pero Bridge is Bridge. Tatawa lang iyan. Siraulo talaga.


"Nagugutom na ko tas idaduct tape mo ang bibig ko? Aba! Wag kang ganyan at maraming nahuhumaling sa bibig ko para gawin mo iyan." Sambit nito habang nagpatuloy sa pagngisi niya.

"Yuck kadiri ka!" I said plain and simple.


"Makayuck kala mo hindi mo ako kiniss dati! Iwww!" Tuloy tuloy niyang sambit sa akin with matching action pang nandidiri.


Medyo masuka suka akong narinig iyong sinabi niya. Naalala ko na naman yung dating nagtry akong uminom ng alak. Sa sobrang kalasingan ko at problemado pa ako sa tatay kong kakareto sakin ng kadate. Kaya naglasing ako at nakitulog kila Bridgette.


Sabi niya hinalikan ko daw siya. Edi wow! Walang ganon! Dahil chineck ko sa CCTV nila yung nangyari sakin. Oo, sabog ako non nakakahiya nga kasi puro suka ang ginawa ko sa sala nila. Yung mga maids nila nagkakandarapang maglinis ng suka ko habang siya ay tawa ng tawa sa harap ko. Gago iyon eh! Tsaka natulog ako sa couch nilang malaki na parang kama na. Kaya hindi ko siya hinalikan no! Iniisip ko pa lang parang tumataas na balahibo ko.



Kaya simula non, hindi na ako nag ulit na maglasing. Kahihiyan kasi iyon.


"Fake news ka! Hindi ikaw ang kukuha ng first kiss ko! Mamamatay muna ako bago mangyari yon!" Pagbwelta ko sa kanya na kinahagalpak niya ng tawa.


"Bwisit." Pagdugtong ko.


"Ang arte mo Xyianne ha! Ako na ito oh. Ang Binibining BA 2022 niyo at makukuha ko ulit iyon ngayong taon. Tapos aangal ka pa?" Pagrarason niya.


"Wala akong paki kahit maging Miss Universe ka pa!" Inirapan ko siya pagtapos kong sabihin iyon. Kairita talaga ito kausap.


Maganda naman talaga si Bridgette. Matangkad din katulad ko at matalino. Hindi naman iyan pabaya sa pagaaral niya kaya laking pasalamat ko rin dahil ganon siya. Hindi siya bad influence. Buang nga lang at may saltik kaya namomoblema ako kapag kasama siya. Lakas kasi mambwisit.


Tumayo ako sa upuan at hinayaan siya sa pagtawa. Nagugutom na ako bahala siya dyan. Maghahanap na ako ng pagkain.


"Hoy! Bili mo ko burger steak at Mango graham shake ha! Wag kang babalik dito pagwala kang dala para sakin!" Sigaw nito na umaalingawngaw sa buong cafeteria.


Kinuyom ko ang mga kamao ko at napapikit na lang dahil sa kahihiyang ginagawa niya. Napakapalengkera ng bunganga!


Nagmadali na akong umorder dahil gutom na rin ako. Baka lalo lang akong mabadtrip dahil sa mga nangyayari sakin.


Hay! First day of school ko ito of being a 4th year student. Dapat sulitin ko na ito. Hindi ko na mararanasan ulit ang mga ganito pag nagfocus na ako sa trabaho.





******

Continue Reading

You'll Also Like

7.3K 202 30
[GXG•PROFXSTUDENT] basahin nyo nalang mga bading #gxg #studentxprof
4M 166K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
1.2M 94.7K 40
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
191K 5.1K 53
[Unedited] Alex Lenon Roa a respected Head Engineer of Roa Corporation and a Professor in Custadio Imperium University. Cassidy Janea E. Castro an A...