Folie A Deux

By iamA103

25.5K 888 166

"Folie A Deux" french for "a madness shared by two" Author's note: MAY or MAY NOT contain SPG scenes. Depende... More

One:
Two
Three
Author's note
Four
Five
Six
Seven.1
Author's Note
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve

Seven.2

1.7K 82 12
By iamA103

"I wake up every morning wishing one more time to face her
Something's gotta change
It must be rearranged"
-Goodnight Goodnight by Maroon5

Vic's POV

Please don't see just a girl caught up in dreams and fantasies

Nagising ako ng marinig kong mag ring ang phone ko. Nakaidlip na pala ako nung kaninang pinikit ko yung mga mata ko.

Please see me reaching out for someone I can't see

Sino ba naman kasi tong tumatawag na to?

take my hand let's see what we make out tomorrow

Kim Fajardo calling...

Best laid plans so...

"Istorbo ka ah? Bakit?" Tanong ko.

"Ay sorry. Na istorbo ko ba kayo ng ka one night stand mo? HAHA"

"Pakyu. Ano ba kailangan mo?"

Sorry ganito talaga kami mag usap nito.

"Anong ano kailangan ko? Asan ka na???"

Oh bakit ako hinahanap nito?

"Nasa condo. Bakit?"

"Anong bakit? Kanina ka pa namin hinihintay dito sa Haven! Diba nga may announcement si Mil???"

Ugh. Nakalimutan ko!

"Ugh. Pwede bang pass? Pakisabi itext nala..."

"HOY VIC ANONG PASS?!" Si camille.

"PUMUNTA KA NA DITO. 30MINS." Dugtong nya sabay baba ng call.

Hay nako. Lagi nalang ganito.

-----

Cienne's POV

Andito kami sa VIP room ng Haven kasama ang usual na barkada. Kami nila Cams, Mela, Kim. Well... May mga kulang pero isa nalang ang hinihintay naming dadating pa... si Vic.

Soundproof tong VIP room kaya di namin naririnig ang music sa labas at di din nila kami maririnig kahit gaano pa kami kaingay.

Tinawagan nila si Vic at dumating nga siya before 30mins dito sa Haven. Haha. Masunuring bata ah.

"Oh Mil, ano nang sasabihin mo?" Tanong agad ni Vic pagkaupo na pagkaupo nya.

"Atat ka Vic ah. Nahiya naman kami sayo. Aga mo eh noh."

Hindi naman ito pinansin ni Vic at nagshot ng Bacardi 151 na naka display lang sa table namin. May tatlong bote kasi ng Bacardi, Carlo Rossi at Black Label dinidisplay nila Kim sa kada table. At kapag ininom mo ay dapat mo din bayaran pero kung ayaw mo naman ng tatlong yun, may iba pang pwedeng orderin.

Anyway. Bakit naman biglang nag hard na inumin to ngayon si Vic? Bacardi 151 pa naman ang pinakamalakas dito sa tatlo. 151% alcohol nga daw eh.

"Ahem ahem." Tawag sa atensyon namin ni Cams.

"Uuwi daw si Anton next month... At gusto sana daw nyang mag outing tayo"

Si Anton... Ang fiance ni Cams.

"Sagot ni Anton ang resort and food. Dagdag nalang kayo ng food at kayo bahala sa transpo." Dagdag ko naman.

"Naks! Kailan na ba kasi ang kasal?" Tanong ni Kim.

"Di pa namin napag uusapan. Baka sa uwi nyang to namin planuhin." Sagot ni kambal.

"Nako cams. Bilisan mo planuhin. Baka mauntog pa yan si Anton! Ahahahaha" pang aasar ni mela.

"Onga kambal baka..."

Please don't see just a girl caught up in dreams and fantasies

Napatigil naman kami at napalingon kung saan nagmumula yung tunog.

Please see me re...

"Hello Jake..." Sagot ni Vic sa phone nya. Habang kaming apat ay nanatiling tahimik na nakikinig sa kanya.

Si Jake. Nameet na namin sya once. Sya ang kasama lagi ni Vic makipagdrag racing.

"Hindi ako pwede... Ayoko mag race ngayon..."

Nagtinginan naman kaming apat. Nagtataka.

"Wala akong sakit... Di ko trip ok?" Sabi ni Vic habang tumayo at lumabas ng VIP room at pumunta nalang muna sa counter. Nahalata nya sigurong nanahimik kami.

Nakatingin lang kami kay Vic habang patuloy padin sa pakikipag usap nya kay Jake habang nakaupo na sa may bar stool.

Grabe... May kakaiba kay Vic ngayon... At sa tingin ko pareparehas kami ng naiisip ngayon... Pero di lang kami sigurado... Di lang siguro namin maimagine na dadating pa ang gantong improvement... 5 years...

At ngayong andito na, di namin alam kung paniniwalaan ba namin to o hindi.

Tama ba ang rinig ko? Mali yata eh.

Pero nalaman kong tama nang basagin ni Kim ang katahimikan.

"Nakakagulat..."

Tumango ako pero nakatingin padin ako kay Vic.

"Tumanggi sya makipag race at..."

"Nakikinig ulit sya ng music."

-----

Natapos na kaming magbalak tungkol sa outing. Rough draft palang naman. Puro sugestions. Mag cacanvass pa naman sila.

Di nadin bumalik si Vic sa VIP room. Hay nako. Manlalandi lang na naman yun. Lumabas ako sa VIP room para icheck kung asan sya.

Nakita ko naman syang naka upo parin sa bar counter. Lalapit na sana ako ng may biglang lumapit sa kanyang babae.

"Hi pogi. You're alone?"

"..."

"I'm Nicka..."

Madalas nang may nalapit talaga kay Vic na mga babae. Habulin talaga sya kaya naman di nahihirapan makipaglandian.

Tulad nalang ngayon...

Hay. Makaalis na nga. Maglalandian naman na yan sila.

Tatalikod na sana ako para makauwi na kami. Tutal di na to sasama sa min si Vic.

"...and you are?"

Rinig kong sagot ulit ng babae. Ineexpect kong nagsasalita si Vic pero wala padin.

"And you are?" Ulit ng babae.

"I'm... Not interested"

Sagot ni Vic. Napalingon naman ako. Medyo napahiya naman yung babae at tahimik na umalis na lang.

"So what happened in Palawan?" Tanong ko habang papalapit sa kanya.

Umupo ako sa tabi nya at naghintay ng sagot. Ineexpect ko nang di nya ako sasagutin...

Nanahimik lang kaming dalawa hanggang sa sya na mismo ang bumasag ng katahimikan.

"How do you know na ayaw ng isang tao ang ginagawa nya?"

Huh?

"Huh? Bakit mo natanong?"

"Sa tingin mo ba, right this moment, masaya ako or malungkot?"

Hindi ko alam...

"Ara..."

She smirked and said,

"I honestly don't know either..."

Bakit sya bigla nalang nag iisip ng ganito?

"Masaya ka naman diba?"

Lumingon sya sakin...

"You can't tell?" Tanong nya habang nakataas ang kilay. There's a little irritation in her voice.

Nairita din naman ako kaya napakunot ako ng noo. Ano bang problema nito?

"Sorry... Don't worry... I can't tell my self either."

"Ara... Normal lang yun..."

"I can't tell myself... While she sounds so sure about it... Damn it."

Frustration.

Punong puno sya ng frustration. And this is about this "she".

"She?"

"I've met someone in Palawan."

"Sino sya?"

"Di ko alam..."

"Huh?"

"Di ko alam pangalan eh haha I didn't even asked" she smirked habang nailing.

"I just named her..."

Nakinig lang ako sa kanya... Hinintay malabas lahat ng frustrations nya. Patuloy padin stang nainom. And I know lasing na sya. Di naman sya talaga sanay uminom eh.

"I named her Dora... And I was Batman."

"She saw right through me."

"Like she was so damn sure."

"Bakit ganun?"

"Alam nya? Eh ikaw nga di mo alam?? Eh ako nga di ko din alam?!"

"Sabi nya... Alam ko daw... Di ko alam tinatanggap... That's bullshit."

"Bullshit"

"Bullshit"

"Bullshit"

"Bullshit"

Paulit ulit lang sya sa pagmumura habang nakatakip na ang mga palad nya sa mukha nya...

But I want to know something... I mean, I want to confirm something...

"Ara... You want to see her again, right?"

Napatigil naman sya.

Knowing her... She won't answer the question. Di nya sinasagot ang mga tanong na masyadong nagrereveal sa feelings nya...

Pero...

Baka ngayon...

Baka ngayon sagutin nya...

Kasi after 5 years... Ngayon lang ulit sya naging ganito...

Nakikinig ng music...

Tumanggi sa drag race...

Hindi nakipaglandian...

After 5 years... Nafrustrate sya sa isang bagay na may kinalaman sa feelings nya...

Pero mukhang mabibigo yata ako... Yumuko sya sa counter at parang nakatulog na...

Hay nako...

Tatawagin ko na sana sila Kim ng bigla syang magsalita ng mahina...

"Please..." Bulong nya.

"Yes..."

"Please..."

AN:

Hi guys! Ahaha sorry super tagal ko mag update. May ojt na kasi eh. Pa expect ng longer waiting time please hahaha

Super naappreciate ko po mga comments and votes nyo :))) di ko inexpect ahahaha

Try ko po mag update as soon as possible :) sana may spark ulit tulad nung sa chapter 6 :))

Thanks! Enjoy!

-iamA103

Continue Reading

You'll Also Like

9.6K 342 65
neardy type na mahilig magbasa ng novel about reincarnation ngunit paano kapag napunta Siya sa pinaka favorite niyang libro?... nanaisin niya pa bang...
42K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
183K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
17.3K 953 22
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...