Under the Stars (Tonjuarez Se...

By raindropsandstar

92K 1.3K 156

Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that fol... More

I.I
Under the Stars
first page
Prologue
UTS 1
UTS 2
UTS 3
UTS 4
UTS 5
UTS 7
UTS 8
UTS 9
UTS 10
UTS 11
UTS 12
UTS 13
UTS 14
UTS 15
UTS 16
UTS 17
UTS 18
UTS 19
UTS 20
UTS 21
UTS 22
UTS 23
UTS 24
UTS 25
UTS 26
UTS 27
UTS 28
UTS 29
UTS 30
UTS 31
UTS 32
UTS 33
UTS 34
UTS 35
UTS 36
UTS 37
UTS 38
UTS 39
UTS 40
UTS 41
UTS 42
UTS 43
UTS 44
UTS 45
UTS 46
UTS 47
UTS 48
UTS 49
UTS 50
Epilogue
Note
P l a y l i s t

UTS 6

1.6K 28 1
By raindropsandstar

Chapter 6

Ngayon na ang simula ng bakasyon at dahil wala ng pasok ay wala na rin akong ibang magawa. Kung kailan bakasyon at doon naman ako maagang nagising at naligo. Nakasanayan na siguro. Huminga ako sa kama at tumitig sa kisame.

Biglang tumunog ang cellphone ko, I lazily grabbed it.

Caden:

Bored?

Paano niya nalaman ang nasa isip ko? Nakakabasa ba siya ng isip?

Yara:

Hindi ah.

Syempre tatanggi ako, hindi ako aamin na wala akong magawa sa bakasyon ko. Ang mga kaibigan ko, nagpeprepare para sa mga out of town nila. Tapos ako ay walang plano ni lumabas ng mall ay hindi ko naisip.

Caden:

Kaya ang bilis mong magreply?

Tsk, medyo naniniwala na akong matalino nga 'to.

Yara:

Chat ka ng chat, baka ikaw ang walang magawa.

Caden:

May gagawin ako.

Pake ko?

Yara:

?????

Caden:

May susunduin ako.

Huh? Halos matapon ko ang cellphone nang bigla itong nagring. Tumatawag si Caden. Kumabog ang dibdib ko, tumikhim ako bago ito sinagot.

"Bakit?" bungad ko.

"I'm outside." Lalong kumabog ang puso ko, parang alam ko na ang mga mangyayari.

"B-Bakit?"

"Aalis tayo."

Napabangon ako ng wala sa oras, agad akong umalis ng kama. "You're kidding." Hindi makapaniwala kong sabi.

"Palalabasin ba kita kung nagbibiro lang ako? Lumabas ka na, mauubos oras natin."

Wala sa sarili akong naglakad sa table para kunin ang sling bag na lagi kong ginagamit.

"S-Sandali, magbibihis lang ako. Nang bibigla ka kasi e."

"Five minutes—-" Pinatay ko na ang tawag.

Patakbo akong pumasok sa walk in closet. Kumuha lang ako ng fitted jeans at white shirt. Ipinusod ko lang ang buhok at hinayaang malaglag ang humaba ko na bang sa gilid. White shoes lang rin ang sinuot ko para malinis tignan, mabuti nalang at nakaligo na nga ako kanina.

Para naman akong naghanda sa lakad na'to, parang prepared talaga ako. Kinuha ko na ang bag at ang cellphone tsaka tumakbo palabas ng kwarto.

Naabutan ko itong nasa labas ng gate, nakasandal siya sa sasakyan niya. Kahit ang init at pwede namang sa loob nalang mag antay. Hindi niya na pinasok ang sasakyan, balak niya lang talagang daanan ako.

He is also wearing a white shirt na may classic logo design ng designer brand, black jeans and a black designer shoes. Nakashades pa nga ang loko.

Hinihingal akong lumapit sa kanya, tumakbo ba naman ako palabas ng bahay. Maikli pa naman ang pasensya nito at baka bigla nalang magbago ang isip.

"Nang gugulat ka naman, magsasabi ka nandito ka na." salubong ko sa kanya.

Umayos na ito ng tayo. Imbis na sagutin ako ay ipinatong niya ang kamay sa aking ulo para takpan ang mukha ko sa init.

That caught me off guard, in just a quick swift of motion he's now standing a few inches away from me. He lowered his head to face me. Sa lapit namin ay naaamoy ko na ang pabango at panlalaking shower gel patunay na kaliligo lang nito.

My heart thumped, loudly. My insides started churning.

"Ang init sa loob ka na magsalita." saad nito at inilakad ako hanggang sa tapat ng passenger seat. Binuksan na rin niya iyon, agad naman akong nakabawi at pumasok na sa loob.

Hinawakan ko ang dibdib, ang lakas ng tibok ng puso ko. Sa sobrang tahimik ay halos marinig ko na iyon. Para akong uminom ng limang tasang kape.

Pumasok na rin ito sa loob at pinaandar ang makina.

"Sabi ko five minutes lang. You're seven minutes late." Reklamo niya, isinuot na nito ang seatbelt kaya ginaya ko na rin siya.

"K-Kasalanan ko bang bigla ka nalang tatawag pag nasa bahay ka na ng bahay. Atsaka, wala naman talaga akong lakad ngayon. Saan tayo pupunta?" pilit akong umaakto na parang normal lang.

"I know a place, they also serve good food." sagot niya, at pinaandar na ang sasakyan.

Kumunot ang noo ko, ngayon lang niya ako naisip yayain kumain sa labas. Kung hindi niya ako pinapasama sa mga lakad niya ay sa J Prime lang.

"Nagplano ka? O, naisip mo lang ito bigla?"

"Bakit?" pagtataka niya, he even glanced at me.

Bumuntong hininga ako. "Kung ginagawa mo ito, para icomfort ako. Okay lang talaga ako,"

Natigilan siya sa sinabi ko, I can feel it. He didn't ask me more about what happened last night. Hindi niya ako kinulit. It's either hindi niya alam paano niya ako icocomfort, o wala talaga siyang pakialam.

Pero sa mga kilos niya, at sa pag sapaw niya sa amin ni Cian noong malaman niyang gusto ko iyon, tingin ko naman may pakialam siya. He didn't even said something about it today, parang pinapakiramdaman niya pa ako.

"I know. Who said I asked you out to comfort you?" balik nito, ang mata ay nasa daan pa rin.

"Nililinaw ko lang, ayoko na rin i-big deal iyon. Tayong dalawa lang naman ang nakakaalam, kaya wag na rin nating pag usapan pa."

Tumango-tango siya.

"If you're not comfortable, I am okay with it. Besides, I have something to tell you."

Bigla akong napalingon sa kanya, kumunot ang noo ko.

"Ano?"

"Later. Don na lang pagdating natin."

Lalong nagsalubong ang kilay ko. Na-cucurious tuloy ako. Hindi kaya nilaglag niya na ako kay Cian? Dahil may girlfriend naman na siya?

Bigla tuloy akong kinabahan!

"H-Hindi mo naman ako sinumbong kay Cian? 'Di ba?" pag-aalangan kong tanong.

Nilingon niya ako, kahit nakashades ito ay halata ang pag kunot ng noo niya.

"What? No, why would I tell him?" matigas na sagot nito. Nakahinga naman ako ng maluwag.

Magmomove on na nga lang, malalaman niya pa. Abot-abot na kahihiyan iyon, lalo pag nalaman ng girlfriend niya!

Nakarating na kami sa tinutukoy niyang kainan, the design outside looks minimalist. At hindi rin siya mukha restaurant sa labas. Pag pasok sa loob ay para lang itong hotel, the resto was upstairs.

Nag elevator pa kami para makarating doon, inilakad kami ng staff sa may malaking balcony. My lips parted by the view, dahil mataas kami ay tanaw na tanaw ang mga building. And the clouds and sun as it's background completing the perfect view.

Nasa balcony ang mga upuan at mesa, I think this is where they serve they food. Mukha nga itong tambayan, ng mga mayayaman I supposed.

"Enjoy your stay Sir, Ma'am." Paalam noong staff, tumango na lang ako sa kanya.

Medyo lumilim na rin kaya hindi na mainit, sakto lang para sa pwesto namin.

Umupo na siya kaya umupo na rin ako sa pahabang sofa. Hindi naman kami masyadong malayo pero may pagitan sa gitna namin. Pinagkrus ko ang binti.

"I-susunod nila ang pagkain." ani 'to.

"Okay. So, ano iyong sasabihin mo?" hindi kasi ako mapakali.

"Pagkatapos kumain."

Nanliit ang mata ko sa kanya, ano kaya iyon? At kailangan niya pa akong suhulan ng pagkain.

"Clue lang," pangungulit ko.

Hinarap ako nito at tinanggal ang itim na salamin. "Hindi ka makapag antay. I'll tell you everything later." malumanay na sabi niya.

I pouted. Isinandal ko nalang ang sarili sa sofa. Wala talaga siyang sasabihin pag ayaw niya. Dumating na rin ang mga pagkain, mayroong mga meal na may kanin. Pinili ko iyong salmon, kay Caden naman ay steak.

Nagsimula na kaming kumain, hindi ko na rin siya kinulit at baka mapikon pa siya saakin. Sinabi niya naman na ieexplain niya lahat, hindi lang talaga ako mapakali.

Problema ba iyon? Balita? May hindi ba magandang nangyari? And does it involved me?

Hindi matigil ang pag iisip ko, matapos akong kumain ay ininom ko na rin ang lemonade. Masasarap ang mga inumin nila I can say, well masarap rin naman ang mga pagkain.

"Tapos ka na?" tanong ko kay Caden, nang matapos na itong uminom at ubos na rin ang pagkain.

Tinasaan niya ako ng kilay. "Kanina ka pa hindi mapakali." sita niya.

"Malamang! Sa'yo ko kaya gawin 'to?" reklamo ko. Kinuha ko ang isang throw pillow at niyakap.

"Fine," may bigat sa boses nito, napalingon ako sa kanya agad.

He shifted his position and faced me. He looked away at parang nahihirapan paano sasabihin. Lalo tuloy akong kinakabahan.

"Are you not aware that someone is following you?" bungad niya. Nagtataka ko siyang tinignan.

"Hindi?" alangan kong sagot, wala naman akong maalala. At bakit naman may susunod sa akin?

"I noticed it last-last month. Tuwing uuwi ka, the same black car is tailing you. I once followed it to confirm. I thought it's just a student from our school, so I said it to Tito. He got alarmed and traced the body number."

Nanlamig ako sa sinabi niya, nagtayuan ang mga balahibo sa katawan ko. No way. Who will even stalk me?

"Alam ni Daddy? All this time?"

He sighed heavily. "Yes." mabigat na sagot niya.

Naipaiwas ako ng tingin. Realizations started to hit me.

"It turned out it's an abandoned car, that's when we concluded you might me in danger. Your dad wanted to tell you. But I thought you might... freak out." paliwanag niya, he is looking at me intently.

"Pinag-usapan namin iyon nung birthday mo, I even told Cian. Siya dapat ang magbabantay sayo, pero dahil malayo siya napag desisyunan na ako na lang."

Napalunok ako. Ang tibok ng puso ko ay parang padoble ng padoble sa kaba, gulat at takot. But most of all, there is an upsetting feeling in me right now.

Dahil ba hindi nila sinabi agad sa akin?

"So all of this started, the day I saw you in my room?" hindi makapaniwala kong tanong, he licked his lower lip and nodded.

"Yeah..."

My mouth parted because of shock. Naihilamos ko may kamay sa mukha, this is... insane.

Gusto kong magalit, pero saan ko kukunin iyon? Anong dahilan para magalit ako? Na mas malaki sa dahilan nila bakit nila ito ginawa?

"Go on," pagpapatuloy ko sa kanya.

"That's why I approached you, you still don't know me. I wanted to introduce myself, but instead of you I found your diary in your room. It was not my intention to read it, but when I saw my brother's name on it I got curious."

"When you said you'll do every favor I'll ask. That's when I thought it was the perfect idea to be close to you... " he struggled with his last words.

Ipinikit ang mga mata at yumuko, hindi ko na siya kayang tingnan. I judged him. Do and said bad things to him. I thought he is manipulating me!

The bad boy image he made for me to see. He let those speculations I have for him, described his character.

Paano kung pinaniwalaan ko iyon? Iyong mga kilos niya at mga sinasabi ng tao tungkol sa kanya?

"A-All of those... lahat iyon dahil pinoprotektahan mo ako?" hindi makapaniwala kong tanong.

He slowly nodded. His heavy breathing tells me this is not easy for him at all.

"Kaya ka nagpa-install ng tracker at camera sa sasakyan mo?"

"That would be safer, hindi natin alam kung sino iyong stalker mo." hindi ako nakasagot, still processing everything.

Lahat ng iyon lahat ng tawag at lapit niya sa akin. Lahat iyon may dahilan, kaya lagi niya akong sinasabay sa kanya dahil may sumusunod sa sasakyan ko pag umuuwi? Kaya kapag uwian, pinapasama niya ako sa kanya.

When he was mad noong umalis ako kasama sila Hannah after the game. Was it because I might be in danger?

Wow, ang bait niya naman.

Bakit naman siya pumayag na gawin lahat ng ito? Dahil family friend? O, inutusan siya ni Daddy?

Kailangan ko pala siyang palakpakan! I should not be mad at him! I should be grateful for his efforts and sacrifices! Hindi biro iyon, dahil pwedeng mapahamak rin siya.

I should feel thankful. But why do I feel upset... about everything?

"N-Nahanap na ba? Iyong stalker?" my voice trembled.

"Hindi pa, pero malapit na. That's why you're still not safe to go outside." He said softly, imbis na kumalma ay mas lalong nadadagdagan ang inis na nararamdaman ko.

"E, bakit tayo nandito? Kung hindi pala ako safe, sana hinayaan mo nalang ako sa bahay!" tumaas na ang boses ko.

"It's fine you're with me, isa pa baka malungkot ka kaya inilabas kita!"

"Hindi mo kailangan—-" hindi ko na itinuloy ang sasabihin.

What is happening to me? Why am I so worked up? Bakit ako nagagalit?!

I should be thankful for his kindness! Tignan mo, iyong bodyguard mo iniisip na malungkot ka at iginala ka pa! Ang thoughtful diba? Dapat magpasalamat ka.

Yumuko ako at tinakpan ng dalawang kamay ang mukha. Hindi pa rin kumakalma ang dibdib, nanahimik kaming dalawa at wala akong ibang marinig kundi ang malakas na tibok ng puso ko.

"Yara..." tawag nito. His voice sounds so concerned.

Hinawakan niya ang braso ko para iharap ako sa kanya pero binawi ko iyon.

I just need to gather myself, dahil parang magkakalat pa siya at ano pa ang masabi. Parang may lumalabas sa sarili ko na hindi ko kilala.

Nang nakabawi ay tinanggal ko ang kamay sa mukha at hinarap siya. I sighed deeply before speaking.

"Thank you," it sounded so dry.

His lips parted, he didn't expect my sudden change of reaction.

"H-Hindi ka galit?" Pagtataka nito, napalunok ako.

"Bakit ako magagalit?" what I am saying is the complete opposite of what I really feel right now.

"Because we hid it from you."

"N-Naiintindihan ko naman. Ayaw niyo lang ako matakot." I even tried to smile, he looks so suspicious of me.

"Ang galing mo nga e, pinipikon mo ako palagi na hindi ko napansin na ginagawa mo pala iyon para sa akin." halos wala ng boses ang lumalabas sa akin, that it sounded so fake.

Pero mukha namang naniwala siya doon, his gaze soften as he realized that I am cool about it.

No, I'm not.

I am terrified. I just found out that someone might be stalking me. At hindi pa nalalaman kung sino.

I am still shocked about the revelation of their schemes.

I am mad about the idea of Caden being by my side just because he needs to protect me.

I wanted to tell him I don't need his protection. I want to get mad, pero para saan ang mga iyon?

Anong makukuha ko sa pagmamatigas?

"You sure?" paninigurado nito. I nodded and smiled at him again.

Parang ito nabunutan ng tinik sa dibdib, he brushed his fingers through his hair. He wet his lips and deeply sighed.

"Thank you. Thank you for not getting mad." hinawakan nito ang dalawang braso ko, he sounded so happy.

I mirrored his smile. He smiled at me, now I realized. This might be the first genuine smile he gave me.

"I should be the one, thankful." saad ko.

Natagalan kami sa pag uusap, na hindi ko napansin kung ilang oras kami doon. Takipsilim na nang mapagpasyahan naming umuwi.

Sa byahe ay tahimik lang ako, I can see in my peripheral vision that he is glancing at me from time to time. Maybe he feels the heavy aura I have right now, which I can't hide.

Hindi ko rin naiintindihan ang sarili, what he said was really too much to sync in. But with what I am feeling right now, I am not just confused. But, lost.

Natigil ang lahat ng iniisip ko nang huminto na ang sasakyan, itinigil niya lang dito sa gilid at hindi na ulit ipinasok sa loob.

"Thank you... for today." basag ko sa katahimikan. Tinanggal ko na ang seatbelt.

"You're welcome," he calmly said, I just smiled at him at binuksan na ang pinto.

Ngunit bago pa ako makalabas ay inunahan niya na ako, nagtataka ko siyang sinundan ng tingin. Umikot ito sa akin at siya ang nagbukas ng pinto.

I sighed heavily.

Bumaba na ako, "Bye," walang buhay kong sabi.

Tumalikod na ako at naglakad, "Yara." kusang huminto ang mga paa ko nang tawagin niya ang pangalan ko.

Hindi ko siya nilingon.

"I'm sorry, for everything. I really hope you won't get mad at me." he said it with so much concern.

Pumikit ako ng mariin.

"I'm sorry, isinabay ko pa ito sa nabalitaan mo tungkol kay Cian."

Parang may pumitik sa akin sa paraan ng pagsasalita niya. Na parang naiintindihan niya ang nararamdaman ko. Na ayos lang malungkot at magalit. Na pwede akong umiyak.

I turned back and walked towards him. I wrapped my arms around his waist and my face shoved on his shoulders. Hindi niya iyon inasahan, dahilan upang mapaatras siya at tumama kami sa gilid ng passenger's seat. Ang pinto ay hindi niya pa nasasara kaya nahaharangan kami sa gilid.

"Yara..." gulat na utal nito.

My eyes started to water as I felt a lump in my throat. My heart is throbbing fast, my tears fall down from my eyes.

I started crying.

All of the emotions I've been feeling since last night started to overwhelmed me. Ngayon ko lang ito naramdaman, at hindi ko alam ang gagawin.

All I know is it is heavy and upsetting. My chest is moving up and down because of heavy breathing. Hindi ko siya binitawan, nang maramdaman niyang umiiyak ako ay hindi na siya nagsalita ulit.

He hugged me back, he caressed the back of my head. "It's okay..." he softly muttered.

Lalong bumigat ang iyak ko. I hate this feeling!

Gusto kong magalit, gusto ko siyang sumbatan. Bakit kailangan niya pa akong lapitan kung nananahimik naman ako!

Bakit kailangan niya pa akong guluhin at ubusin ang oras niya sa akin?!

Bakit pa siya pumayag na gawin ito?

Pwede namang mag utos nalang si Daddy ng magbabantay sa akin.

Bakit kailangan si Caden pa?

Naiinis ako! Naiinis ako kasi bakit siya sumunod?

Hindi ako galit dahil pumasok pa siya sa buhay ko. Nagagalit ako dahil sa dahilan niya.

Kung ganoon lang rin pala kababaw ay sana hindi na lang!

There I said it!

Kung ibang kaibigan ko ito ay hindi ako magrereact ng ganito, kaya hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya!

Imbis magalit ako o tabuyin siya. Sa kanya pa ako lumapit at umiyak. Of all the people I can cry to.

I chose to break down in front of him.

He is the first person who saw me like this, in my most vulnerable state. I feel like my own self is starting to trust him more.

"I'm sorry... I made you cry, I'm sorry. " he whispered in my ears, again and again.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 43.7K 34
THE WATTY AWARDS 2021 WINNER: ROMANCE Due to an unexpected pregnancy, ex-lovers Ryo and Frankie are forced to live under the same roof. They can't st...
2.9M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
47.6K 939 56
Eanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. B...
3K 208 5
Montehermoso Series 12 Natasha Heiress Marquez and Archimedes Arellano August 11, 2023 -