This Is, Love (GxG)

By ellyciaDC

169K 4.5K 1K

Professor x Student!!! [ Hi, this is my first time finishing a book here on Wattpad. I hope this story entert... More

Intro
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Finale
Author's Gratitude
Special Chapter 1

Chapter 1

10.8K 150 18
By ellyciaDC

Xyianne

*Cellphone Ringing*

Nagising ako sa tunog na naririnig ko, binuksan ko ng bahagya ang isa kong mata to check what time is it. It’s 6:30 am. Who the fuck's gonna call me that early?

Oh, I have an idea already. Kainis talaga!

*Cellphone Ringing*

“Aaargghh!” I groaned so loud by the nonstop sound of my phone.

There’s someone calling me, again! For the love of god, I’m so tired of this bullshit!

“NO, NOT GONNA HAPPEN!”

“STAY THE FUCK AWAY FROM ME!”

I shouted to the other line.

Agad naman nagcall ended. “Ayan! Madali ka naman pala kausap eh! Istorbo kayo masyado sa tulog ko. Bwisit!”

Hinagis ko naman agad ang cellphone ko sa sobrang inis ko. I turned it to DND para wala ng makaistorbo sa tulog ko.

Kaso ilang minuto pa lang ang pagpikit ko ay may kumatok na sa pintuan ng kwarto ko.

Putang inang buhay to!

“Madam, nandiyan na po ang bago niyong date.” Yes, you heard it right and I'm not happy with it. Obvious naman sa reaksyon ko kanina nung may tumawag.

“Manang please sabihin niyo patay na ako. Para tigilan na nila ang kalokohan nila.” Sigaw ko para marinig ako ng katulong namin sa bahay.

“Anong sinasabi mo dyan, Xyianne Yunis!? Bumangon ka na dyan kung ayaw mong kaladkarin pa kita.” Baritonong boses ang sumagot sa akin sa kabila ng pintuan. Biglang nandilat ang mga mata ko at nawala ang antok na nadarama ko dahil sa narinig ko. It’s my dad at sinet up na naman niya ako for a date with who knows who? Pang ilan na ito, di ko na mabilang.

Naiirita na naman ako, bwisit na buhay ito. Ayoko pa ngang magjowa eh! Bakit ba napakabig deal non sa kanila? Sila na lang magshota.

“Dad naman! Ayoko na po, wala naman akong mapapala dyan eh.” Reklamo ko dito.

I heard a sigh. “My dearest daughter,”

Haayy~

Tumayo ako sa kama ko para maglakad papuntang pintuan at pagbuksan ang tatay ko.

May kalakihan itong tatay ko. Guwapo pa rin kahit sa edad nitong 64 yrs old. He has a clean cut beard, bagay na bagay sa itsura nito. Matipuno pa rin ang pangangatawan sa kabila ng pagkakakulubot nitong balat.

Ngumiti ako sa kanya ng maiksi pagkakita ko sa kanya.

“I hope you understand me, Dad. I hate dating a person whom I don't even know. I honestly don't understand your point. I’m not even a toy. I have feelings. I will love someone if I’m ready.”

“I’m sorry anak, I'm just so desperate to see you being happy and successful while I'm still here. Tumatanda na ako alam mo naman iyan. I want to meet my apos before leaving for good.” Sagot nito sa akin na may halong lungkot at pagkasabik na tono ng boses. 

Apo agad!? Hindi ko nga alam kung gusto ko mag anak eh. Ang hirap kaya magpalaki ng anak.

I know tumatanda na si dad. Hindi ko rin naman maiwasan na hindi malungkot dahil sa iniisip niyang paglisan agad. Pero kasi, college pa lang ako para sa mga ganyan. My ghad!

I sighed. “I know, Dad but please don’t rush things. You still look young though you are not that old enough! Para nga lang kitang boyfriend eh.” Pagbibiro ko dito sabay siko sa kanyang tyan. I heard him chuckled.

You are probably wondering where my mom is. Well, she died when she gave birth to me at the age of 46. Yes, I was a miracle baby. An only child. That’s why my dad is strict and paladesisyon towards me.

Minsan pa ay sobra na siya sa pagiging ganon kaya madalas kami magtalo dahil parehas kaming matigas ang ulo, masungit at seryoso. Ayun ang nakuha ko kay Dad. They said I looked like my mom and I'm not complaining. She is gorgeous, sexy din ang katawan nito base sa mga pictures nito kaya bagay na bagay talaga sila ni dad kung tutuusin. Idagdag mo pa ang talino ng nanay ko kaya wala akong maisusumbat kapag sasabihin nilang mana ako sa nanay ko kahit hindi ko ito naabutan. I miss her so much and it saddens me that I didn't get to feel a mother's love and care.

“Last na ito nak.” Biglang salita ni Dad na may ngiting nakapaskil sa kanyang poging mukha kaya nabalik ulit ako sa katinuan… at pagkabad trip.

“Dad naman! Pang ilang last na ba iyan?” Pag iirap ko rito sabay halukipkip ng braso.

“Last na talaga ngayon tutal balik eskwela ka na ulit sa university mo at graduating ka na. Hahayaan muna kita sa pag-aaral mo. Just this once malay mo magustuhan mo siya.” Pagpupumilit ni Dad sa akin. Hays, kainis talagang buhay ito. Kung di ko lang mahal itong tatay ko eh hahayaan ko lang siya kahit lumuha pa siya ng dugo sa harap ko, di ako magpapapilit, kaso siya na lang ang natitira kong pamilya sa bahay na ito so I should cherish the moment to at least follow him even though it's very hard on my part.

“Dad last na ito ha! Kapag may nireto ka na naman sa akin. Lalayas na ako dito.” Pagbabanta ko sa kanya at tumango naman ito pero may pahabol.

“For now, I said. Until you haven't met anyone yet. After you graduate, you'll get married sa anak ni tito Louis mo. Okay? Iyan ang deal natin.” He firmly said with finality na ikinakulo ng dugo ko dahil siya lang ang pumayag sa deal na iyon!

I just met tito Louis Lopez kapag may company event sila dad. And dad also said na may anak siyang dalawa, yung isa ay lalaki which I already met before dahil sinasama din ito ni tito sa events dahil business partners nga sila ni dad at ang alam ko ay tagapagmana rin iyong anak niyang lalaki.

His name is Lewis, one of the handsome (daw) faces sa family clan nila but I doubt his manners, he is super mahangin, GGSS, at manyak. I dated him once because that's what dad wants but after that ay hindi ko na itinuloy dahil nananching agad. Kadiri! I'd rather die than be with him forever.

Ewan ko na lang din sa tatay ko bakit desisyon sa buhay ko. That's why napapaisip ako, kung nandito ba si mom my life would be like this? Hell, I can't stop being emotional so I just kept the pain inside me. Hidden grudges sometimes. Naisip ko minsan sana si mom na lang ang nabuhay rather than me. But I guess miracles do happen, bad luck lang siguro talaga ako.

“Dad, I hate you! I didn't agree with that!” Singhal ko dito at sabay pabagsak ng isinarado ang pinto. Bahala siya dyan! Kainis.

"Hey, Xyianne Yunis! You can't do that to me! That's very disrespectful." Puna nito sa akin habang nakasandal ako sa likod ng pinto. Nakakaiyak pota.

"I hate you, Dad." I whispered to myself and let my tears fall down freely.

"I'm sorry dad. Sige na, mag aasikaso na ako." Sagot ko sa kanya. Narinig ko naman ang yapak nito papalayo sa kwarto ko kaya nagpadausdos ako sa kinasasandalan ko at umiyak muna bago mag asikaso para sa lecheng date na yan!

**

Nakapagbihis na ako,  I just wear a nude cargo pants and a white crop top shirt with it's statement ''I hate my date" nakita ko lang ito sa online shop kaya tuwang tuwa ako at binili ko kaagad. Hapit ito sa katawan ko. I also wear my black beanie. I have long dark brown hair with a natural curl on the tip of it. Inggit nga yung baklang naggugupit sa buhok kapag napapadpad ako sa salon dahil ang natural daw ng buhok ko lalo na yung pagkakulot nito sa ilalim, hindi na daw kailangan i–stylan kasi maganda na daw pati may ari ng buhok...

Well, ganon talaga kapag pinagpala ng kagandahan pero hindi naman pinagpala sa love life. Ngek.

I also partnered my outfit with a white nike air 1 shoes.

Nagspray lang ako ng perfume and put a light make up and then ready to go.

Ready to be bored and to be irritated.

Tsk!

Pagkababa ko ay agad kong nakita sa living room si Dad kasama nung magiging kadate kong lalaki. Ewan ko kung saan pinagkukukuha ni dad yung mga lalaking nakakadate ko.

Iniripan ko agad yung lalaki nang tumingin ito sa akin habang bumaba ako sa hagdan.

Mukha naman itong nataranta sa ginawa ko. That's good. Napangisi ako.

"Oh, here's my only daughter, my only child. Gervacio—" Napabuga ako sa pagtawa dahil ambaho ng pangalan niya.

Agad na lumingon sa akin si Dad na ikinatigil ng tawa ko. Seryoso kasi yung mukha niya parang mangangain ng tao.

Tumingin ito sa akin."What's funny? and what kind of shirt is that? Bakit ganyan ang nakasulat!? Xy—"

Hindi ko na pinatapos ang panenermon ni Dad sa akin at agad na tumakbo ako sa labas para doon na lang kami magkita ni... Gervacio.

I wonder kung may second name pa ito? Joselito? Cardo? Apolinaryo? Pepe Rizal? Pangsinaunang panahon amp hahaha

Napatawa naman ako mag-isa sa naisip ko habang nakasandal dito sa kotse nung lalaki.

''Ang cute mo pala kapag tumatawa." Nagulat naman ako nang biglang may sumulpot sa gilid ko. Napahawak pa ko sa dibdib ko.

Agad kong binawi ang ngiti sa mga labi ko at inirapan muli ito.

"Flowers for you." She creepily smiles.  Sabay abot ng boquet sa akin. Hindi ko ito kinuha at agad na pumasok sa kotse niya. Dami pang alam eh hindi naman ako magtatagal sa date na ito.

"Where do you want me to take you?" He asked while driving.

"I don't know." tipid kong sagot. Siya ang pumayag sa date na ito kaya siya ang mag isip!

He just gave me a look from head to toe.  Ugh! Ang creepy talaga.

Napansin ko naman na parang medyo matagal na kaming bumabyahe sa kalsada at nakaramdam na ako ng kaba.

"Hoy! Saan mo ako dadalhin?" Inis kong tanong pero hindi ko pinahalata ang kaba sa mukha ko.

"Just wait, okay? Alam mo maganda ka sana kaso ang sungit mo. No wonder kaya wala ka pang boyfriend." Sambit nito habang nakafocus sa pagdadrive. Aba! ang yabang naman nitong lalaking ito. Pogi ka oo, pero pangit din ugali mo! Che! Tsaka ayoko talaga magboyfriend hindi dahil sa ayaw nila sakin! Tss.

I just scoffed sa sobrang inis ko. I badly need to escape from this hell of a date pero bigla kong naramdaman ang gutom. "Kumain na nga lang tayo at hindi pa pala ako nagbbreakfast."

"Sino ba naman kasi ang siraulong pupunta nang napaka aga para sa date. tsk!" I mumbled to myself.

Tumingin naman ito sa akin na parang gusto tanungin kung ano yung huli kong sinabi pero inirapan ko lang ito.

Napailing iling na lang ito at huminto sa isang restaurant. Dito ata kami kakain. Sa wakas. I need an escape plan, ayaw ko na sa taong ito. Hindi ko talaga trip lumabas ngayon ng bahay, gusto ko lang humilata magdamag.

Pagkapasok sa loob ay inilibot ko ang mata ko sa paligid, kakaunti lang ang tao dahil maaga pa. What should I do?

Naglakad na kami papuntang table. Gusto ko tumakbo kaso nakadikit itong lalaking to sakin madali niya akong mahahablot.

What if magCR ako tapos doon ako lalabas sa bintana if meron man? Tama, yun ang gagawin ko!

Nakarating na kami sa table at agad naman hinawakan nitong si Gervacio ang menu at inabot sa akin.
"Pumili ka na kahit ano dyan." Sambit nito.

"W-wait lang, I'll go to the restroom." Medyo nautal ko pang sagot. Bakit naman nauutal Xyianne??? huwag mo masyado ipahalata na may balak ka.

Tumingin ito sa akin na parang binabasa ang utak ko.

"Make sure to come back here. I'll let Tito Xian know this." Pangbabanta nito.

Kapal din nito magsumbong eh. "Excuse me? I don't care if isumbong mo ako. Gusto mo samahan pa kita eh!" Pagsagot ko rito at naiinis na umalis sa lamesa para magtungo sa CR. Nakakahigh blood!

Pagpasok ko sa CR ay inilibot ko kaagad ang mga mata ko para hanapin kung saan ako pwede lumusot. Binuksan ko din ang bawat cubicle pero wala akong nakita. Shocks! I wanna go home na.

Sumandal muna ako sa sink ng CR para mag isip isip.

Nilabas ko ang cellphone ko para tawagan ang nagiisang kaibigan ko, ang bestfriend kong si Bridgette Borja, kaso hindi ito sumasagot. Baka humihilik pa ito. Tanghali pa naman ito nagigising lagi. Tsk! what if umiyak na lang ako?

No, no. I'm not that weak.

I heaved a sigh nang biglang may pumasok sa CR.

Isang babae, I think hindi kami nagkakalayo ng edad mas matanda lang siguro ito ng konti sa akin. Mukhang maamo ang mukha nito. Ang mata nito ay kulay brown na medyo bilugan na may mga mahabang pilikmata at may saktong kapal na kilay, bagay lang sa itsura nito. Hanggang balikat ang medyo wavy at dark brown hair niya. Napakamillenial ng datingan. Hindi ko din maipagkakaila na maganda ito at may hubog ang katawan. Mas matangkad lang siguro ako ng isang dangkal. Maputi ang balat at ang bango bango niya. Gusto ko sana mag sana ol pero dahil sa maganda ako. Hindi tayo mag sasana ol for today's bidyow.

"I'll melt if you continue to do that stare." Ngumiti ito at nagsalita. Napakurap kurap ako nang bigla itong magsalita. Kanina pa ba ako nakatitig??

"Ha? I'm sorry. May iniisip lang. I didn't mean to stare tho." Sabi ko na medyo cold. Umiwas na ako ng tingin at nagcrossed arms at bumuntong hininga. Ano kaya pwede kong gawin para makatakas sa date ko. Haayy.

"You seem to have a problem." Akala ko naman pumasok na ito sa cubicle bakit pa ito nandito. Lumakad pa ito papalapit sa akin at lalo kong naramdam ang presensya niya but I just hold my stand and prevent myself to look at her.

"It's none of your business." Pagtataray ko sa kanya.

Narinig ko naman ang pagtawa nito ng bahagya. Baliw ba ito? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko.

"Ikaw yung kasama nung lalaki, diba? I saw how uncomfortable you are. You hate your date?" Sambit nito sabay din sa turo niya sa damit kong obvious masyado.

"You don't need to meddle with my problem, Miss." Humarap ako sa kanya para sabihin iyon at inirapan ito. Pero tila wala itong pakialam at hindi pinapansin ang pagsusungit ko.

Pakielamera naman pala ito. Makaalis na nga.

Nilagpasan ko ito at bubuksan na ang pinto para sana makalabas nang bigla niya akong hawakan sa braso. Ewan ko pero parang nakuryente ata ako sa hawak niya. Ang lambot ng palad at mainit pa.

"W-what do you think you're doing? Don't touch me!" Pagsinghal ko sa kanya at sabay na inalis ang braso ko sa kamay niya.

She remain her maamo face. Tsk, edi ikaw na anghel. "I think you need my help, Xyianne." Sabay gawad ng ngiti sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nung marinig ko ang pangalan ko sa bibig niya. HOW? WHAT?

"H-how did you know my name!?"

"I'll tell you if you want me to help you." Ngisi nito. Problema nito at bakit kilala ako at gusto niya ako tulungan?

"No. I don't need your help." I coldly utter at sabay labas sa CR at iniwan yung babaeng pakielamera.

Dumiretso na ako ng punta sa table namin at tila bagot na bagot na ang ka date ko kahihintay sa akin. Umupo ako sa tapat niya nang walang gana at hindi kumikibo at tsaka tinakpan ang mukha ko ng Menu dahil sa problemado kong pagiisip. Magtitingin na lang din ako at gutom na talaga ako. Mamaya ko na lang iisipin ang pagtakas ko.

"I thought you already left." Turan nito, ramdam kong nakatingin ito sakin pero hindi ko ito kinibo.

I heard a sigh. "May napili ka na?" Dagdag pa nito.

I rolled my eyes kahit hindi niya nakita at kinausap siya para makakain na ako. Tiis muna self. "Yep, here." Turo ko sa food ng menu.

"Okay." Ngiti nito at tinawag ang waiter at umorder.

"Is that all, Sir?" Tanong ng waiter.

"Yes, atsaka pa add na rin ng special dessert niyo para sa magandang babae sa harapan ko." Sambit nito sa waiter at tumingin sa akin ng nakangiti.

Hindi ako ulit kumibo sa narinig ko. Alam kong maganda ako at hindi na bago sa akin yang mga banat mo, boy!

Nagcrossed arms lang ako na parang nabobored na.

"S-sir, nakakatakot naman yang kadate niyo." Bulong ng waiter kay Gervacio. Pero dinig ko naman kaya sinamaan ko lang siya ng tingin.

Napansin ko naman ang pandidilim ng aura ng kadate ko at nawala na din ang ngiti nito. Hindi ko na lang inimik at nagpatuloy lang sa pagpoker face at tinitignan ang mga kuko ko.

Hindi na umimik si Gervacio kaya't umalis na ang waiter sa table namin para kunin ang mga orders namin.

Nagulat naman ako nang biglang hatakin ni Gervacio ang kamay ko na tinitignan ko lang kanina. Malakas ang pagkakahatak nito sakin kaya medyo tumama ang dibdib ko sa lamesa na nasa  pagitan namin.

"Ouch! What are you doing!?" Ang sakit mga beh!

"How dare you para pahiyain ako sa harap ng iba!?" Nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sa akin habang mahigpit ang hawak sa pulsu-pulsuan ko.

Nakaramdam ako bigla ng takot dahil sa ginawa niya pero hindi ko iyon masyadong pinahalata dahil baka mas lalo niya lang akong kaya kayanin. 

"No one ever dares to do that to me! No one, Xyianne. No one!" Medyo lumakas ang boses nito habang patuloy na hinihila ang braso ko habang nagsasalita ito.

"Kung hindi lang dahil sa papalubog na kompanya niyo at pagpupumilit ng magulang ko dahil sa utang na loob nila sa daddy mo ay hindi ako magtitiis sayo! Ibayad mo na lang kaya iyang katawan mo? Mukhang masarap ka naman eh." Sabay tawa nitong sobrang creepy at nabahidan na ng kamanyakan ang tingin niya sa akin. Kadiri!

Hindi ko na mapigilan ang kaba ko at nagbabadya na rin ang luha ko dahil sa mga pinagsasabi nito sa akin. 

Palubog na ang kompanya? How did that happen? samantalang laging wala si Dad sa bahay para magtrabaho. Naiyukom ko ang isa kong kamay na hawak nito at ang isa'y nanginginig sa ilalim ng lamesa. Pakshet! Konting pigil pa Xyianne. Kaya mo yan!

"Xyianne? May problema ba?" Bigla akong may narinig na pamilyar na boses ng babae na ngayo'y nasa gilid na naming dalawa.

Yung babae sa CR kanina na nagaalala ang itsura ngunit hindi ko na ito tinignan pa dahil baka makita niya ang mukha kong natatakot na. Nahihiya ako dahil sa pagsusungit ko at pagtanggi sa tulong na inaalok niya kanina. Kagat labi kong pinigilan ang pag-nginig ng mga labi ko habang nakatingin ng masama sa hayop na may hawak ng wrist ko.

"Can you please stop harassing her? That's very absurd!" Hinawakan niya ang kamay ni Gervacio para pigilan ang patuloy na paghawak sakin.

"Sino ka naman, Miss? Huwag mong sabihing kaibigan mo itong masamang ugali na ito? Akalain mo may kaibigan ka pala? Sabagay, pwede ko naman kayo paligayahin ng sabay—" Sambit nito saming dalawa.

Nagpapantig na ang mga tenga ko sa mga pinagsasabi nitong hayop na ito. Hindi pa rin binibitawan ni Gervacio ang kamay ko pero bahagya iyong lumawag dahil sa pagsulpot ng babae kaya hinatak ko kaagad ang kamay ko habang may pagkakataon para hindi na niya ako mahawakan pang muli.

Pagkahatak ko ay agad ko siyang sinampal ng malakas na halos lumipad na ang mukha niya.  

Kanina pa ako nagpipigil.

"X–xyianne!?"

"Aray! Tang ina!?"

Sabay na reaksyon ng dalawa sa ginawa ko. Ang mga taong nasa loob ng restaurant ay napatingin na rin sa gawi namin. May narinig rin akong pagsinghap sa mga ito.

"Ito lang ang masasabi ko sayong bastos ka."

"Fuck you, jerk!"

Saad ko rito sabay pakita ng middle finger ko sa kanya. Busy siya sa paghimas ng panga niyang sumakit. Deserve mo yan ulol!

Agad akong lumabas ng restaurant at mabuti na lang ay hindi sumunod yung gagong Gervaciong yon sa akin. Siguro'y nakangiwi pa rin ang mga panga nito.

Naglakad ako ng mabilis para lang makalayo sa lugar na iyon.

Nandito ako sa gilid ng kalsada at nagaantay ng may masasakyan. Bigla akong nanghina sa pangyayari, nanginginig ang mga tuhod at hilo na rin ang naramdaman ko dahil sa gutom. Halos hinahabol ko na rin ang hininga ko dahil sa adrenaline ng katawan ko. Halo halo na ang nararamdaman ko at feeling ko'y babagsak ako anytime.... 

"Xyianne!" ang huling boses na narinig ko bago mandilim ang mundo ko.

*****

Continue Reading

You'll Also Like

7.4K 206 4
ProfxStud
468K 19.2K 44
(Wajib baca AKU UNTUK DIA before baca ni) ADAM HAYYAT X *HAWA ZHUFAIRAH* ♥️ Menyelamat Hawa Zhufairah dari genggaman mafia bernama Cobra telah menci...
1.4K 79 14
Mackenzie Sawyer has lived with her uncle Charlie Swan for as long as she can remember. It has always been the two of them majority of the time, in a...