Burning Stone Academy (COMPLE...

By LadyZhaquirea

13.2K 699 90

"School for the Gifted and the Cursed." Welcome to Burning Stone Academy where everyone is gifted and others... More

Author's Note
Newbie
Friends And Enemies
Signed By Blood
Mist Forest
Giant
Cursed
Acquaintance Party
The One Who Can't Be Name
Connection Isn't Always A Great Idea
Class B
Enchantment Duel
The Weakest
You've Been Warned
I Quit!
Promises
Never Alone
Red Mist
Saved By Enemy
Company
Into The Wild
Meet The Pack
Spellmans
Alteration
Another Leaf Falls From The Tree
Frim the Scarf
Greatest Possession
Statue
Task Force Eagle
When the Flag Falls
Until Death Do Us Part
Belle
Pieces of the Past
Bed of Steel
Burning Flesh
Retribution
New School
Just A Scarf
Wonder Pets
Moribund
Griffin
Go And Die
Glass Skin
It Is War
Bloodless War
Epilogue

Special Chapter

232 4 3
By LadyZhaquirea

Clavigne's Point of View

After what happened in that building, Alarddon was erased in history. No one remembers him but her daughter, Katara. 

"So, what now?" Tanong ni Rofie kay Katara na kararating lang ng base. 

Hindi sumagot si Katara pero ang mataas na pader na naghahati sa dalawang panig ay unti-unting nadudurog. Maging ang mga tao kanina sa labas ay naging abo. Lahat ay nagtataka, puno ng katanungan. 

"Let's go to the border," saad ni Katara. Halata sa boses niya ang lungkot pero nanatiling matatag ang boses niya. "Without using any of our gifts. Gusto kong pumunta doon sa parang kaya ng lahat," dagdag niya pa.

Tumango si Rofie at tinignan si Cartel. "Okay, I'll get the car." Tumakbo si Cartel palapit sa isang military truck na meron sa base nila. Pinaandar niya ito at sinenyasan sina Katara na sumakay.

"I will stay here. I am going to watch you by the tower," saad ni Rofie bago umalis.

Kasama si Nivara, Bernard, at Sandra ay nagtungo sila sa border na naghahati sa dalawang mundo. Ang Mid Town at ang Modern World. 

Unang bumaba ng sasakyan si Katara at pinagmasdan ang mataas na pader. Hindi siya makapaniwala na isang pader ang naghahati sa dalawang magkaibang mundo. 

Dahan-dahan siyang lumapit dito at hinawakan hanggang magkaroon ng crack ang pader. Unti-unti itong mabubutas mula sa hinawakan ng palad niya. Parang sa isang palabas kung saan ay nagiging abong ang pader, hindi kapani-paniwala pero ilang segundo lang ay naglaho ito.

Everything was peaceful, once again.

Nagkatinginan si Bernard at Sandra, parehas ang tumatakbo sa isip nila. Kung makakasama pa ba nila si Katara? Anong mangyayari pagkatapos nito? At higit sa lahat ay ano ang plano ni Katara?

Sa mga mata ni Nivara ay puno ng pagtataka nang masilayan kung ano ang nasa kabilang parte ng mataas na pader. Walang pinagbago, isa itong normal na gubat. Walang kahit anong mahika dito, hindi na Mid Town ang nasa likod ng pader kundi ay karugtong ng Modern World.

"Nakabalik na ba ang lahat sa Mid Town?" Tanong ni Katara.

"Yes, everyone," sagot ni Nivara dito.

Hinarap sila ni Katara. "Kailangan ko ng bumalik sa Mid Town. Blaine said she knows a book. A book that knows everything in our history, MY history," mariing saad niya.

Saglit na natahimik si Sandra pero tumango siya at ngumiti. Ini-angat niya ang kamay niya sa ere at isang portal ang bumukas mula sa kawalan. Sa kabila nito ay ang sira-sirang library kung saan sinalubong sila ng nagaalalang si Professor Hernan. 

"Oh my- a-are you okay? T-this has been a...a disaster," hindi makapaniwalang saad ng guro. Puno ng pagtataka ang mukha niya maging ang boses niya sa puntong nauutal na siya. 

"The book." Itinuro ni Katara ang hawak na libro ni Professor Hernan. Nag aalangan pero binigay pa rin ito ni Professor Hernan kay Katara. 

Mula sa malayo ay pinagmamasdan ni Adair ang nangyayari. Pinagmamasdan niya kung paanong basahin ni Katara ang mga nakasulat dito. "Kung gano'n ay si Katara ang tinutukoy ni Prof. Hernan," saas ni Adair sa kawalan.

"Ha? Katara?" Tanong ng katabi niyang si Rain bago tumingin sa tinitignan ng dalaga. "Curious ka?" Dagdag pang tanong nito.

Tinignan siya ni Adair. Bawat tingin sa kanya ng dalaga ay sapat para pataasin ang balahibo niya sa buong katawan. May kakaiba kay Adair na wala sa ibang babaeng nakilala niya, tila ba ay konektado sila. Hindi alam ni Rain kung siya lang ang nakakaramdam no'n pero para kay Adair ay naguguluhan siya. Buong buhay ni Adair ay binabalot siya ng pagkabagabag, takot na makasakit ng ibang tao ngunit kumakalma ang mga ito tuwing kasama niya ang binata. Para bang nawawala lahat ng sakit at pangamba niya. Nakakahinga siya ng maluwag at kumportable.

He calms her power. The only person who made contact with her and didn't die. 

"Hindi naman. Soon malalaman din natin kung anong nasa libro," sagot ni Adair dito. 

"Sleep. Bukas pag gising natin ay maayos na ang lahat," saad ni Katara bago umalis dala ang libro. Sinundan siya nina Sandra, Bernard at Nivara. "Hindi ako pwede umalis ng Mid Town. I am tied in this place the day I was born. Red Mist was born with me, the library, the whole Mid Town. Kaya kapag umalis ako dito ay- t-this place will turn into dust." Sa pagkakataong ito ay hinayaan ni Katarang lamunin siya ng emosyon. 

"Shh, okay. You're okay, nandito kami." Nilapitan ni Sandra si Katara at niyakap.

Ang bawat isa ay naghanap ng kaniya-kaniya nilang puwesto para palipasin ang isang malamig na gabi. Nagbabakasakali na sana bukas ay maayos na ang lahat. 

Ngunit hindi matahimik ang isip ni Nivara. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung paanong hindi Mid Town ang sumalubong sa mga mata niya nang alisin ni Katara ang border. Para bang itinayo lang ito para sa wala.

Mahika, marahil gawa ito ng isang mahika.

"They died, for real," bulong ni Cadence sa kawalan habang pinagmamasdan ang mga katawang walang buhay. Isa-isa niya itong tinignan. Binalot siya ng lungkot dahil lahat ng nandito ay kilala niya, nakasama niya. "R-rest in peace."

"They look peaceful." Nagmamadaling pinunasan ni Cadence ang mga luhang kumawala sa kulay berde niyang mga mata bago tignan si Blaine na kararating lang. Nagaalala siya nitong tinignan bago lapitan at niyakap, niyakap niya ito na para bang ayaw na niya itong pakawalan. "Bukas. Ang sabi ni Katara ay babalik ang lahat sa dati. May tiwala ako sa kaniya," saad ni Blaine. 

Bumitaw sa pagkakayakap si Cadence para matignan sa mga mata ang dalaga. "Remember what Clavigne said? Tomorrow will go back the same as yesterday. Siguro nga tama siya," aniya.

Ngumiti si Blaine bilang senyales na magiging maayos din ang lahat.

Si Blade ay tahimik lang na nakamasid sa kapatid niya, nakatago sa likod ng normal na mga mata, nang isang pigura ang lumapit sa kaniya. 

"Protecting her? That was once my job," ani Dame. Hindi na niya suot ang uniporme na ibinigay sa kaniya ni Alarddon. 

Binalot ng pagtatakas ang mukha ni Blade bago ipakita ang sarili sa lalaki. "You can see me?"

"Of course," diretsong sagot ni Dame dito.

Parehas nilang pinagmamasdan si Blaine mula sa malayo hanggang sa umalis na sila ng kwarto. Susunod sana si Blade sa kanila nang pigilan siya ni Dame.

"Let her have a time for herself." Tinignan siya ni Blade at nagdalawang isip pero sinunod niya ang sinabi ni Dame. "You're not always there for her."

"Anong ibig mong sabihin sa protecting her was once your job?" Tanong dito ni Blaine.

Saglit na natahimik si Dame bago maglakad palapit sa bintana. Mula dito ay tanaw ang Mist Forest kung saan ang ilang puno ay nakatumba na, ang iilan pa nga ay nag aapoy, at ang mga nakatirang hayop dito ay nagkakagulo. Kung saan-saan sila tumatakbo makalayo lang sa pinsalang iniwan ng giyera.

"Katara..."

"Wait, ikaw iyong kapatid na nai-kwento niya saamin dati. Ang sabi niya-" hindi natapos ni Dame ang sinasabi ni Blaine ng mahina itong tumawa.

"Akala ko rin patay na ako pero noong mga oras na hindi ako makagalaw habang sumasabay ang katawan ko sa indayog ng tubig ay tsaka may pares ng kamay na tumulong sa akin. It's Levine, she helped me," kwento niya habang nasa malayo ang tingin.

"Ella. Kaya pala kilala na niya si Katara noon pa," ani Blade na tinanguan ni Dame bilang pagsang ayon.

"You know that the people here are not your parents, right? They are substitutes. That's why they don't have powers," saad ni Dame.

"No." Naagaw ni Blade ang atensiyon ni Dame dahil sa sinabi nito. "They have powers, their kindness, bravery, compassion. Not everyone has them." 

"The point is not everyone volunteered just like your parents here. They almost neglect you two." Hindi makapaniwala na tinignan ni Blade si Dame. Nagtataka siya kung paanong alam nito ang sitwasyon nila ni Blaine sa kinilala nilang tahanan. "If you were given a chance to meet your real parents, will you take it?" Pagpapatuloy na tanong ni Dame.

Hindi sumagot si Blade, umiwas lang siya ng tingin na tila nagiisip nang isasagot pero walang pumapasok sa isip niya dahil puso niya ang sumasalo nito. "It's fine," saad ni Dame. Tinapik niya ang balikat ni Blade bago umalis.

Naiwan si Blade na nakatulala at nagi-isip. May sagot na siya pero hindi ito sigurado.

Tawanan ang bumabalot sa library. Para bang walang nangyari at nagagawa pa rin nilang maging masaya at ngumiti.

"Knock knock!"

"Who's there?"

"Not your father HAHAHAHA"

Binatukan ng isang estudyante ang katabi niyang lalaki na nagbibiro. Nanonood lamang si Adair mula sa hindi kalayuan habang itinatago ang mga ngiti sa labi niya.

"Alam mong pwede kang tumawa," saad ni Rain na nakaupo sa tabi niya.

"Alam ko ring pwede kang manahimik," seryosong aagot sa kanya ni Adair.

"Ohhhkay. Aalis muna ako. Take your time you two," ani Nath bago umalis. Kinindatan niya pa si Adair kaya lalong naalibadbaran ang dalaga. 

"Close kayo?" Tanong ni Rain sabay nguso sa direksyon kung nasaan si Nath.

"We're neighbors in Town," sagot ni Adair dito.

"Edi childhood bestfriends kayo?" Tumango si Adair. Bumuntong hininga si Rain. "Anong laban ko don?"

"Ano?" Tanong dito ni Adair.

"Wala!" Pagsisinungaling ni Rain.

"Hindi, may sinabi ka, eh." Pagpupumilit ni Adair dito.

Tinignan siya ni Rain sa mga mata. Tila nakumbinsi siya ng mga ito na sabihin ang totoo. "Gusto kita," aniya sabay iwas ng tingin.

"Ano?" Tanong ni Adair dito.

"Alam kong narinig mo ang sinabi ko," masungit na saad ni Rain.

"Hindi, gusto kong ulitin mo."

Muling tumingin si Rain kay Adair. Sa isio niya ay ito na ang pagkakataon niya para sabihin lahat ng hindi niya masabi noon. 

Seryosong nakatingin sa kaniya ang dalaga na lalong nagpataas ng kaba niya. Paano kung ayaw din sa kaniya nito? Paano kapag lumayo siya? Mga katanungan na hindi masasagot kung hindi niya susubukan.

"First day noon sa training camp. Nakaupo ka mag-isa, lalapitan sana kita pero naunahan ako ni Nath. Palaging si Nath ang kasama mo hanggang ngayon. Yes, may mga pagkakataong mag-isa ka pero doon naman ako pinanghihinaan ng loob dahil baka makaistorbo ako. Since first day, Adair." Tumigil si Rain sa pagka-kwento para tingnan ang reaksiyon ni Adair pero walang pinagbago, seryoso pa rin ito. "Si Nath ba?" 

Binalot ng pagtataka ang mukha ni Rain nang tumawa si Adair. Bigla na lang siyang tumawa. Tinatakpan niya pa ang bibig niya dahil baka magising ang ibang estudyante na mahimbing na ang tulog. "No...no," sagot nito sa kalagitnaan nang pagtawa.

Tumikhim si Adair para ayusin ang boses niya. Nanatiling siyang nakangiti habang nakatingin kay Rain na ngayon ay hindi makapaniwala sa nakikita niya. All this time he never saw Adair laugh genuinely, not until now. "I like you...no. Actually. Akala mo hindi ko alam na ikaw ang nagpapadala ng mga wild flowers sa tapat ng pinto ng kwarto ko, iyong mga letters? I know it's you. I am waiting for you every time when you don't have any idea." 

"So that's--"

"Yes, Rain. Now sleep."

Sa isip ni Adair ay never pa siyang na-excite na makitang muli ang araw para bukas. 

Ganoon din ang iba.

Isinara ko ang libring hawak ko bago sila tignan isa-isa.

"That's it?" Tanong ng isang estudyante.

A bunch of 9 year old kids are staring at me right now, waiting for my answer. 

I smiled. "That's it."

"Pero anong nangyari pagkagising nila?" Tanong ng isa pa. Curious talaga ito dahil naka-kunot pa ang noo niya. 

"That is for tomorrow to solve. Now, go to your beds and sleep." Tumayo ako para i-assist sila sa kaniya-kaniya nilang kama.

"Sana pag gising natin ay malaman natin kung anong nangyari."

"It's just a bedtime story, Samantha."

Before I left the room I made sure na maayos sila at nakapatay ang ilaw. Tinignan ko ang librong hawak ko, I need to keep this. 

Imbes na sa kuwarto ko ay sa library ako dumiretso. "Now, where should I put this?"

"Anywhere." Tinignan ko ang nagsalita. She's one of my Co-Councilor. "If you put it somewhere hidden they will seek it in the places where it's mostly kept. Put it anywhere in the book shelves and they will lose their interest in choosing it," aniya at tinignan ang librong hawak ko. "Lalo na kung ganyan ang itsura niya."

Sumimangot ako dahil sa huli niyang sinabi. Alam kong lukot-lukot na ito dahil ilang dekada na ang tanda nito pero matibay ito, duh.

Tumalikod ako para mamili ng book shelf kung saan ko ito ilalagay, hindi naman ako nahirapan, medyo lang dahil ang alikabok dito, nakakadiri. "There, that should do it," saad ko.

"I heard about the flag."

Huminto ako bago siya tignan. "So, you also heard about the white-haired girl who hates dirt? It's me," pamimilosopo ko na may kaunting inis. "Sorry, what?" Tanong ko na lang dito. 

"When the flag fall-"

"I know…" putol ko sa kanya. She doesn't need to mention it. "But, isn't it like- you know? Mapapabilis lang siya kung mauuna ako?" 

Tinignan niya ako sa mga mata sabay ngiti. "You're here because it didn't fall, Clavigne."

I know.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
10M 496K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
1.6M 64.1K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
23.5K 1.5K 57
𝐀𝐂𝐀𝐃𝐄𝐌𝐘 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #2: 𝐓𝐇𝐄 𝐔𝐍𝐏𝐑𝐄𝐃𝐈𝐂𝐓𝐀𝐁𝐋𝐄 𝐒𝐎𝐑𝐈𝐀𝐍 YESHIN ESREAL, a daughter of a well known Sorian lives a normal life a...