Fyglia's Enchantment

By AyhenPey

15.3K 767 151

Fairies in the midst of 21st century?! Mukhang joke pero meron talaga! Rated: SPG More

Chapter 1: Diwata
Chapter 2: Cosplayer
Chapter 3: Shampoo
Chapter 4: Cake
Chapter 5: Model
Chapter 6: Hinihipuan
Chapter 7: Kalahating Lalaki, Kalahating Babae
Chapter 8: Street Foods
Chapter 9: Green Eyes
Chapter 10: Don't push me away
Chapter 11: Wanted
Chapter 12: Puno ng Mangga
Chapter 13: Abandoned
Chapter 14: Fyglia Mortel
Chapter 15: Stay
Chapter 16: Love Triangle
Chapter 17: I can work
Chapter 18: Stranded
Chapter 19: Ang saraaaap
Chapter 20: Nilalandi
Chapter 21: Really jealous
Chapter 22: Bumalik siya
Chapter 23: Faylinn
Chapter 24: Mission
Chapter 25: Halimaw
Chapter 27- Boyfriend
Chapter 28 : Kiss
Chapter 29 : Mama
Chapter 30 : SOP
Chapter 31 : Hindi kita iiwan
Chapter 32: Bistado
Chapter 33: Atik Laham
Chapter 34: Halimaw Encounter
Chapter 35: Alis
Chapter 36 : Inang Reyna
Chapter 37: Torture
Chapter 38: Lagusan
Chapter 39: Sugod
Chapter 40: Islewing
Epilogue

Chapter 26: Rosas

263 19 6
By AyhenPey

Chapter 26

"Sa wakas" sabi niya pagkabukas ko ng pinto kita ko ang paghulog ng konting patak ng tubig mula sa buhok ko. Hindi ko pa napipiga ang buhok ko sa pagmamadali.

"Pasok ka. Sorry kung natagalan naligo ako." sabi ko pumasok naman siya kaagad at gumala ang paningin niya sa buong unit namin.

"-Nadayo ka dito?" dagdag ko. Lumingon siya sa akin at poker face na expression agad ang nakita ko sa kanya.

"Ikaw pala yung kausap ko kanina. Nasaan si Isaiah?" sabi ng wag sasabihin sa kanya eh. Umupo siya sa sofa habang ako lumapit sa lamesa para kunin ang cellphone. Nahirapan pa akong magtype ng message kay Louie.

"Fyglia,"

'Bakit alam na niya? Nandito tuloy'

Message Sent



"Oh?" umupo ako sa tabi niya. Bakit naman ganito ito makareact?

"Nasaan si Isaiah?" tinignan ko siya. Ganoon pa din ang mukha niya ngunit ngayon may bahid na ng pagkainis. Napalingon ako sa orasan alas tres na ng hapon.

"Wala siya dito. Pati bakit ka nandito? Di ba may pasok ka pa?"

"Nag undertime ako." mabilis niyang sagot

"Bakit naman?"

"Para puntahan ka dito. Este para hanapin si Isaiah."

"Wala nga siya dito. Pati bakit niyo siya hinahanap?"

"May meeting sila eh alam mo naman si Louie tamad maghanap. Pero bakit nasa iyo ang phone niya?"

Kanina ko pa ito napapansin si Caloy. Mas gusto ko na lang siyang magsungit. Kapag naging kaclose pala ito nagiging feeling close talaga. Biglang nagbeep ang phone ko.



Louie:

Don't answer all his questions. Make yourself a mystery.

Ang layo ng sagot niya ah. Nangiti na lang ako.

"Ngingiti ngiti ka diyan. Bakit nga nasa iyo ang phone niya?"

"Dami mong tanong. Bakit di na lang si Isaiah tanungin mo tutal sa kanya naman pala itong phone. Gusto mo ba magkape?"

"Hindi ko nga mahanap eh!" ayan na nagsungit na. Ayos lang yan. Namiss ko din kahit papaano ang pagsusungit niya.

"Sungit." bigla kong sinabi para asarin siya.

"Anong sabi mo?" bigla niya akong hinawakan sa magkabila kong pisngi. Kaya magkaharap na ang mukha naming dalawa.

"Ang sabi ko ang sungit mo." Bigla na lang niyang nilapit ang mukha niya sa akin este sa leeg ko.

"May sugat ka. Napaano ito?" hahawakan pa lang niya ang leeg ko nang

"SORRY!! OH MY! " natulak ko si Caloy at napatayo. Nandito na si Krissy! Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Fyglia..." bigla kong naalala ang lahat ng pinag-usapan namin. Aalis na siya, iiwan niya lahat ng mga pag-aari niya sa mundong ito sa akin. Niyakap naman niya ako pabalik at binulungan.

"-gala tayo, girl. Next time niyo na lang i-continue ang make out session niyo." bigla kong naalala na may ibang tao pa pala dito. Pagkalingon ko sa kanya nakataas lang ang kilay niya sa aming dalawa.

"Hi Ciel" bumitiw na si Krissy "-I'll borrow muna si Fyglia sa'yo. Nung isang gabi pa daw kayo magkasama eh."

"Okay" sagot niya sabay tayo

"Why are you here pala?" lumapit siya sa aming kinatatayuan at tinulak ako ng bahagya para bumulong kay Krissy. Mukhang mahaba yung sinabi niya! Natawa si Krissy at hinampas sa braso si Caloy.



"Naughty!" sabi ni Krissy pagkatapos niyang bulungan. Nag-init ang pisngi ko doon ah. Ako ba ay iniinis nito? Iniinsulto ba niya ako kay Krissy? Kung malakas ako ngayon maririnig ko yung sinabi niya! Pero ang hina ko ngayon nakakainis. Hindi ko narinig.

"Bye" paalam niya kay Krissy. Tapos hindi na niya ako nilingon pa. Si Krissy naman ngumiti sa kanya sabay wagayway ng phone.



Pagkalabas ni Caloy,

"Jealous? Papatayin mo ata ako Fyglia sa mga tingin mo." bigla akong natauhan sa sinabi niya. "-don't worry. He's all yours meron na ako no..." after noon hinigit na niya ako sa loob ng kwarto niya.



"Anong gagawin ko?"

"Ano pa? Edi imamake over kita. We're gonna party later."



- - -

Malakas na dagundung ng tunog ang umaalingangaw pagkababa namin sa sasakyan ni Krissy. Naka dress kaming dalawa at high heels. Konting make up lang at ayos ng buhok. Pagkapasok namin sa Valkyrie nagulat ako sa dami ng tao na nagsasayawan sa aliw ng musika.

"This is one of the biggest nightclub in the country, Fyglia"

"Talaga?"

"Let's go upstairs..." umakyat kami sa second floor. Mabuti nasa guestlist ang pangalan namin kaya pinapasok kaagad kami. Nagulat na lang ako nung bago kami pumasok sa room may humalik kaagad kay Krissy.

Medyo 1 minute ata akong nganga sa kanilang dalawa.

"Ehem" sabi ko dahil hindi ko na alam gagawin ko. Napatiyad pa si Krissy bago lumingon sa akin.

"Oops sorry, let's go Fyglia. Laters, baby" hinalikan pa niya sa pisngi iyon bago kami pumasok.

Pagkapasok namin, ayos naman ang ambiance, amoy sigarilyo nga lang at syempre alak. Tapos mostly mga babae ang tao dito marami agad ang bumati kay Krissy pagkapasok niya, beso dito beso doon. Mga co-models niya ata ito base sa kurba ng katawan nila.

"Wanna drink?" may nag-abot sa akin ng wine glass. Medyo alanganin pa akong kung kukuhanin ko ba pero kinuha niya agad ang kamay ko at binigay sa akin ito.

Nagtilian ang mga babae nung humiga si Krissy sa malawak na lamesa. May nilagay yung hinalikan niya kanina na asin sa leeg niya. Uminom muna ito bago dinilaan ang leeg ni Krissy.

Ganito pala siya ka-wild!



"Shocked to see your sister?" napatalon ako ng may bumulong sa tenga ko. Pagkalingon ko doon.

"Isaiah!" sigaw ko pero ewan ko kung rinig ba niya ako dahil sa ingay ba naman na lugar na ito. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya para marinig niya ako.



"Hinahanap ka ng barkada mo kanina pa."

"Pabayaan mo sila" bulong naman niya sa akin. Lumayo na ako sa kanya para matikman ang binigay na inumin sa akin noong babae.

Mapait, mainit sa lalamunan at nakakahilo kaagad. Napahawak pa ako sa leeg ko na may sugat pa rin.

"Hey you're here!!!" may lumapit sa amin at nagulat ako sa itsura ngayon. Maikli na ang buhok niya at halos makikitaan na siya sa ikli ng dress niya kung uupo siya.



"Hi Kaylee" bati ni Isaiah sa kanya. Ngumiti na lang ako ng kaunti. Hinding hindi ko makakalimutan ang pag-iinsulto niya sa akin.

"Let's dance..." sabi nito kay Isaiah bago niya pinulupot ang braso sa leeg ni Isaiah. Tumingin pa siya sa akin na parang nang-aasar. Kaya ngumiti na lang ako sa kanya na pagkatamis tamis. Ano kala niya sa akin naiinggit ako? He, kaya nilagok ko na lang ang baso ko sa sobrang inis.

Lumapit ako sa pinaroroonan ni Krissy. Umupo ako sa tabi ng mga co-models niya. Hindi naman sila katulad ni Kaylee na masama ang ugali. Ngumiti pa sila sa akin at inalok na uminom o kumain bago sila magpatuloy sa pagkwekwentuhan.



Mabuti pa ang mga ito.

"Fyglia!" may tumawag sa akin kaya nilingon ko ang likuran ko.

"Sorry about that." sabi ni Isaiah sinenyasan ko siya na lumapit para mabulong ko ang gusto kong sabihin.

"Okay lang sa akin. Iinsultuhin lang ulit ako noon kapag nag-stay pa ako."

"Hmm, ang ingay dito. Wanna go out with me?"



Sasama ba ako? Lumapit ako kay Krissy na busy na nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya.



"Yes, my sister?" tinuro ko si Isaiah at nagets naman niya ang gusto kong iparating. "-alright"

Bago ako umalis sa harap niya nakita ko pa siyang kinuha ang phone niya at mabilis na nagtext.



"Tara" sabi ko kay Isaiah.



Naglakad lakad kami ni Isaiah at hindi naman ako nabobored dahil natutuwa ako sa mga lugar na nadadaanan namin.

"Ayos lang ba sa'yo maglakad? Pwede tayo bumalik sakay na lang tayo sa kotse ko."

"Okay lang. Malapit lang naman ata iyon?"

"Yup. Sa HighStreet lang tayo" pinauna ko siya ng kaunti sa paglalakad. Tinitigan ko ang likuran niya katulad din ni Caloy kahit mag heels ako di ko pa rin naabot ang height nila. Medyo payat nga lang si Isaiah kay Caloy.

Bigla na lang akong napahinto dahil bumunggo na pala ako sa likuran niya.



"Bakit ka ba kasi nasa likuran ko?" ngumiti na lang ako na nahuli niya ang ginagawa ko.

"Ahh Isaiah, tinatanong pala ni Caloy bakit mo daw ako binigyan ng phone. Hindi ko naman alam isasagot ko kaya ikaw na lang magsabi kung sakaling magkita kayo." hindi ko alam kung tama bang sabihin ito sa kanya pero totoo naman ang sinabi ko.

Lumiko kami at this time puro mga kainan o di kaya naman tindahan na ng damit ang nadadaanan namin.

Bigla naman siyang huminto kaya huminto din ako.

"Hindi mo ba ako nagegets Fyglia?" bigla niya akong hinarap. Tapos pinasok niya ang kamay niya sa loob ng coat niya. Laking gulat ko nung naglabas siya ng isang rosas mula doon.



"Isaiah..."

"I like you. Would you give me a chance?" inabot niya sa akin ang rosas. Hindi ko alam gagawin ko. Kapag tinanggap ko yan ibig sabihin noon pumapayag ako sa kanya.

Ngunit... magkaiba kami. At narito ako hindi para sa mga ganitong bagay.



Bigla na lang niya kinuha ang kamay ko at binigay sa akin ang rosas parang katulad lang kanina sa pagbibigay sa akin ng inumin nung kaibigan ni Krissy.



"Pag-isipan mo Fyglia..." tapos tumuloy na siya sa loob nung restaurant na nasa likuran ko pala.



Hindi ako sumunod sa kanya bagkus tinitigan ko lang ang rosas na hawak ko. Nangiti ako ng bahagya. May nagbigay sa akin ng rosas. Sa aming mga diwata kasi malaking bagay kapag ang isang lalaki ay binigyan ka ng bulaklak.



Nagulat na lang ako sa pagtingala ko si Caloy na ang nasa harapan ko. Magsasalita pa lang sana ako nung hinatak na niya ako bigla kaya napatakbo ako katulad niya.



"Fyglia!!!" sigaw ni Isaiah

"Caloy, saan mo ko dadalhin? Teka-" hindi kinaya ng paa ko ang mataas na takong na suot ko sa pagtakbo kaya nadapa ako.

"Sorry, sorry, sorry, Fyglia" tinayo niya ako at pinagpag ang tuhod ko na may gasgas. Aray.

Ano na naman kaya ang gusto nitong mangyari?



"Bakit ka nandito? Paano mo nalaman na nandito ako?" tumayo siya at hinarap ako.

"I have my ways, Fyglia. Di ba ako na nga lang? Bakit kasama mo na naman siya?" bigla siyang napatingin sa rosas na hawak ko. Akmang hahablutin niya sa akin iyon pero naitago ko agad ito sa likuran ko.



"Ano? Sisirain mo itong rosas?" inis kong tanong sa kanya. Ayan na naman siya kung makaasta akala niya pag mamay-ari niya ako. Lumapit siya sa akin kaya humakbang ako palayo.

Tinignan ko siya at hindi ko maintindihan kung bakit ang nakikita kong expression niya ay nasaktan. Hindi na siya muli sa akin lumapit. Tumayo na lang siya sa harapan ko.

"Oo nga pala, hindi nga pala tayo. Hindi ko pa rin nasasabi sa'yo ang nararamdaman ko. Kung nasabi ko man hindi mo na naalala. Mukha na siguro akong tanga. Hindi lang iyon ang kapal din ng mukha ko. Sorry Fyglia, kung ayaw mo talaga sa akin. Lalayuan na kita. "



Lumakad na siya palayo at hindi man lang lumingon sa akin. Nasaktan ko ba siya? Hindi naman ako gumamit ng kahit anong kapangyarihan ko.



"Fyglia!!!" dumating si Isaiah

"Ayos ka lang ba?" hinawakan niya ang magkabila kong pisngi pero kahit ganoon si Caloy pa din ang nasa isip ko.

"Ayos lang ako" sabay tulak sa kamay niya

"Aalis na pala ako."

"Fyglia--" katulad ni Caloy lumakad na din ako palayo sa kanya na hindi man lang lumilingon. Panay ang lakad ko. Hindi ko nga alam kung paano ako uuwi. Napahinto na lang ako nung bumuhos ang malakas na ulan.



Umuulan. Si Caloy nakasakay na kaya siya? Lumingon ako sa paligid at mabuti nawala na parang bula ang mga tao. Yung iba sumilong habang ako nasa gitna ng pathway at naliligo sa ulan.



Wala na akong paki kung makita nila ako sa gagawin ko. Sorry din Krissy sa gagawin ko pero dapat ko atang gawin ito.



Pinutol ko sa tangkay ang rosas at sinubo ito. Nginuya. Napalingon ako sa kanan ko at diring diri ang mukha sa akin noong ale na maraming hawak na paper bag.



Dahil sa kahihyan napatakbo ako. Mabuti na lang may lugar na walang tao kaya doon ko ginawa ang pagpapalit anyo. Nung nagawa ko na iyon narealize ko umuulan pala. Hindi rin ako makakalipad. Kaya walang atubiling bumalik ako sa pagiging tao.

Ano na gagawin ko?

Si Caloy...



Naglakad lakad uli ako. Mula dito natagpuan ng mata ko si Caloy na nasa isang kanto. Naghihintay ata ng taxi. Basang basa na din siya tulad ko. Kaya binilisan ko ang lakad ko at tumabi sa kanya.

Lumingon naman siya sa akin. Kaso lingon lang. Magsasalita pa sana ako ng may humintong SUV sa harapan namin.



Bumaba ang salamin nito at si Kaylee ang nasa likuran ng sasakyan. May driver siya.

"Hop in!" sigaw nito. Mabilis na binuksan ni Caloy ang pintuan tapos mabilis na bumaba ang salamin nito bago umalis.



Iniwan niya ako. Natawa na lang ako. Iniwan nga niya talaga ako.

Continue Reading

You'll Also Like

80.7K 2.9K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
21.2M 787K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
5.9M 173K 54
White Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...