Under the Stars (Tonjuarez Se...

By raindropsandstar

80.4K 1.2K 90

Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that fol... More

I.I
Under the Stars
first page
Prologue
UTS 1
UTS 2
UTS 3
UTS 4
UTS 5
UTS 6
UTS 7
UTS 8
UTS 9
UTS 10
UTS 11
UTS 12
UTS 13
UTS 14
UTS 15
UTS 16
UTS 17
UTS 18
UTS 19
UTS 20
UTS 21
UTS 22
UTS 24
UTS 25
UTS 26
UTS 27
UTS 28
UTS 29
UTS 30
UTS 31
UTS 32
UTS 33
UTS 34
UTS 35
UTS 36
UTS 37
UTS 38
UTS 39
UTS 40
UTS 41
UTS 42
UTS 43
UTS 44
UTS 45
UTS 46
UTS 47
UTS 48
UTS 49
UTS 50
Epilogue
Note
P l a y l i s t

UTS 23

1.1K 17 0
By raindropsandstar

Chapter 23

He said every word with dripping anger, his chest is moving up and down because of it. Ang braso nito ay patuloy na nakayakap sa akin, walang balak na bumitaw.

"Copy, Sir." malalim na boses ni Castiel, tumalikod ito at nag command gamit ang earpiece, he lead his team with such authority.

"Are you okay?" Caden asked softly. His hug loosen already, he faced me checking if there's something wrong with me.

"O-Okay na ako, medyo humupa na ang takot ko." mahina kong sagot, naglakbay ang mata nito sa aking braso hanggang sa aking pulso. Iniangat niya ang pulso kong namumula dahil sa hawak ng lalaki kanina. Hindi ko alam kung dahil din ba sa pagpupumiglas ko kanina kaya sobrang pula nito.

But it didn't hurt that much. Kung hindi niya inangat ay hindi ko rin mapapansin.

"It's swollen." mariin na sabi nito, he looked at the side and clenched his jaw. Parang nagpipigil ng galit.

His gaze darkened as he looked at the guys whose being held, isinakasay na ito sa sasakyan kasama ang mga armadong lalaki.

Tumikhim ako, sinubukan kong lumipat sa kanya kung may ilalapit paba ang posisyon naming dalawa, para makuha ko ang atensyon niya. Dahil baka bigla nalang siyang sumpungin at may magawang hindi maganda.

I tried to hold his hand and his attention quickly drifted towards me. Ang galit na reaksyon nito ay agad napalitan ng pag-aalala.

"Caden, I think we should go?" alok ko sa kanya.

"Oo..." sagot nito at yumuko, parang nag iisip.

Tamang-tama at lumapit ulit si Castiel.

"Ang mga tauhan na ang bahala sa kanila, we will accompany you back at the hotel Sir." turan nito.

"Sure, yes. Let's go." pagsang ayon niya, he held my hands.

"Is this fine?" nag aalala na tanong nito, ipinunto nito ang hawak sa kamay ko, marahan akong tumango. Did he thought that the incident earlier would affect how I see men? Him?

He was the first person that made me feel safe earlier.

"O-Oo, okay lang.." nahihiya kong sagot, umiwas ako ng tingin.

Nagsimula na kaming maglakad, nakaalis na ang sasakyang may dala sa mga lalaki. The other men is on the SUV tailing us,hindi ko parin lubos maisip paano nila naipasok ang malalapad na sasakyan. Bakas sa daan ang mga damong nadaanan nito kanina at may mga lupa rin na medyo nahukay, dahil siguro sa marahas na pag daan ng gulong kanina. Si Castiel naman at dalawa pang lalaki ay nasa harap namin naglalakad.

Nang makalabas kami sa daan ay ihinatid pa kami nila Castiel hanggang sa makasakay kami sa hammer, ni Caden.

"We'll tail you, Sir." paalala ni Castiel, tumango naman si Caden.

Tahimik na ang naging byahe, I am still shocked by what happened. I didn't expect that something worse would happen to me today, if Caden and the security team wasn't there I don't know how I survived that.

Pumikit ako ng mariin, ni ayaw nang maalala ulit ang nangyari.

Nilingon ko si Caden, kumalma na ito pero parang kahit anong oras ay pipitik rin ang pasensya niya. I can see how he tighten his grip on the steering wheel, parang doon binubuntong lahat.

Gusto ko siyang i-assured na okay na ako, but I don't know how. I just want him to calm down totally.

Nakaabot na kami sa hotel, mabilis niyang ipinark ang sasakyan, sa likod namin ay nakasunod parin ang security team. Bumaba na kami, nakita ko rin si Castiel na bumaba ng sasakyan at lumapit sa amin.

"The three guys are already held captive, they're in the facilities already. Miss Monterio is safe, do you still want my men to supervise?"

"Yes, kahit magbabantay lang sa pinto ni Yara." sagot nito, nanlaki ang mata ko. Okay naman na diba? Nahuli na sila?

"H-Hindi naman na sila makakapunta dito Caden, kailangan pa ba?" tanong ko.

"Just to make sure, kanina hinayaan lang kita mag-isa sandali muntik ka nang mapahamak. I will not allowed that again." matigas na sagot nito.

"Bring me at least two to three men, magbabantay lang." utos nito kay Castiel.

"Yes, Sir."

Bumalik na ito sa sasakyan, para siguro sabihin ang request ni Caden. I am totally alright na walang magbabantay, magkatabi lang naman ang kwarto namin. Pero tama si Caden, for safety not just me but him also.

Lumapit sa amin ang tatlong lalaki na magbabantay, sumunod na ang ito sa amin nang maglakad na kami papasok. Pag sakay sa elevator ay nasa harapan namin sila tatlo, napatingin ako sa mga baril na nakasukbit sa gilid nila.

Now that I realized the security team is no joke. The way these men worked earlier is so good, ni hindi ko naramdaman ang pagdating nila. Just the fact, that they are supervising us since earlier! Napagkamalan ko pa silang turista.

These guys are professionals.

Nang tumunog na ang elevator ay nauna silang lumabas, pero pinauna na nila kaming maglakad. Caden is just beside me, like literally just by my side that I can feel his body pag nagtatama iyon dahil sa paglalakad.

Huminto na kami nang makarating sa harap ng pinto, pumwesto na ang tatlong lalaki sa harap ng pinto namin.

"Mag pahinga ka na," inunahan na ako nitong magsalita.

"I-Ikaw rin, by the way salamat." I stuttered, he showed a small smile.

"You're welcome, get inside."

I nodded to him, lumingon pa ako sa tatlong lalaking bago pumasok sa loob. Naligo na ako at nagpalit na ng damit, matapos akong makapaglinis ay nakaramdam na rin ako ng pagod, hinawakan ko ang pulso kong namumula parin. Humupa na rin ang pamumula kahit papaano, at hindi ko rin naman ramdam ang sakit.

Umupo ako sa kama, I wonder what will they do about those guys? Nasa pangangalaga na sila nila Castiel? Governor? Wag nilang sabihin na madadamay at maaabala pa sila Governor dahil sa nangyari kanina?

This is a big deal to me, but I hope I won't bother other people's business because of me. Tama ng si Caden nalang, tutal siya ang kasama ko rito. But that's it, ayoko ng palawakin pa ito. Ibinagsak ko ang katawan sa kama, hindi kalaunan ay tinawag na ako ng antok.

My eyelids are starting to get heavy, as my vision blurred I passed out.

Madilim na nang magising ako, nagising lang ako dahil sa katok sa aking pintuan. Kinusot ko ang mata, marahan akong tumayo sa pagkaka higa at binuksan ang pinto. It's a room service, isang babae ang may dala-dala ng cart na may mga pagkain.

Naabutan ko pa ang isang bantay na inuusisa ang dalang pagkain, napakahigpit naman nila. Wala naman manglalason saakin dito.

"Good evening ma'am, room service po." magalang na sabi ng staff. I smiled at her.

"Good evening." pinalaki ko ang awang ng pinto para makapasok ito, lumingon pa ako sa mga bantay. Baka harangin pa nila siya? Tumango ang mga ito sa akin, ibig sabihin ayos lang.

Pumasok na ang babae at nag simula na ilipat ang mga pagkain sa lamesa, lumapit ako para tumulong pero pinigilan niya ako.

"O-Okay lang ma'am, mabilis lang naman po ito."

"Ah, okay.."

"Pinadala na po ni Sir, ang pagkain niyo. Para daw po hindi na kayo bumaba." paliwanag niya, kaya pala. Hindi naman ako nag order ng room service, si Caden pala ang nakaisip.

"Siya ba? Kumain na?" tanong ko nang maalala na baka hindi rin siya kumain kanina pag dating.

"Kabibigay lang rin po ng pagkain niya."

So ngayon lang siya kakain? Natulog rin siguro?

"Sige po, ma'am." paalam ng babae,

"Thank you." I walked her through the door before closing it.

Bumalik na ako sa lamesa at umupo sa upuan, ngayon ay kumukulo na ang tiyan ko. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom, how can I survive this if wala si Caden dito? He is also taking care of so many things.

Binuksan ko ang mga lagayan ng pagkain, pinakbet iyon, adobong baboy, plain rice and some desserts. Nagsimula na akong kumain, habang kumakain ay biglang tumunog ang cellphone ko. Sunod-sunod ang tunog ng notification nito, huminto ako sa pagkain at tumayo para kunin iyon.

Mga calls and chats ni Mommy, I forgot to call her! Nang mag flash sa screen ang tawag nito ay agad kong sinagot.

"Mom," I said calmly, kinabahan ako bigla baka nagpanic siya.

"Are you okay hija? Kanina pa kita tinatawagan," she asked, worried.

"I'm okay Mom, nakatulog ako kanina sorry."

"Iyan din ang sinabi ni Caden, baka nakatulog ka. Nag baka sakali lang ako na gising kana ngayon. Thank God you're safe! How are you feeling?"

"Tumawag kayo kay Caden?"

"He called earlier, he told me everything." pumikit ako ng mariin.

"But he assured me you're safe now, he apologized to me earlier. I said it's not his fault, malalagot ang mga barumbadong iyon! He promised me to get you here tomorrow, ASAP."

My eyes widened, hindi pa tapos ang gagawin ko rito.

"Mom, may mga tatapusin pa kami buka--"

"Siya ang nagsabi na uuwi na kayo agad bukas, he doesn't want to make your stay there longer. I agreed to him, iyon din ang sabi ng Daddy mo. Siya na raw ang bahala sa trabaho." putol nito saakin.

"Sinabi niya iyon?"

"Yes hija, mas panatag rin kami ng ganoon. Kaya umuwi kana bukas okay? I just called to make sure you're okay."

"Yes Mom, I'll see you tomorrow."

"See you, Yara. Take care."

Ibinaba ko na ang tawag, I am glad Caden called them. Nauna niya pang naisip iyon kesa saakin. He is really working with everything, and then I am here causing him more trouble. Tinapos ko na ang pag kain, hindi ko naubos iyon dahil marami naman talaga.

Maya-maya ay kumatok na ang housekeeping, matapos sila ay bumalik na ako sa kama. Kinuha ko ang laptop at binuksan iyon, I will try to write. Minutes passed, pero wala parin akong malagay. Blanko ang utak ko, pinipilit kong mag concentrate pero wala talagang pumapasok na ideya sa akin.

I closed the laptop, frustrated.

Huminga na ako sa kama, inabot ko ang cellphone at binuksan ito. It's already 10:00, tulog na kaya si Caden? Hindi pa siya nagpaparamdam simula kanina, I pursed my lips. Binuksan ko ang viber, hindi naman siya online. Should I message him?

Nagtipa ako sa convo namin, ngunit binura ko rin ito. Nevermind, he might misunderstand it again. I would just like to check on him.

Maya-maya ay may biglang kumatok sa pinto ko, kumunot ang noo ko. Katatapos lang ng housekeeping, nagtataka akong lumapit sa pinto at dahan-dahang binuksan.

Napahinto ako nang makita siyang nakatayo sa harap ng pintuan, he is wearing a white plain shirt and black shorts and his hair is still wet. Sa kanang kamay nito ay hawak-hawak niya ang camera na basag ang lens.

I gasped! Oo nga! Nawala na ito sa isip ko. Saan ko ito nalaglag? Doon sa gubat kanina? I covered my mouth with my hand, paano niya nakuha? Napulot niya ba kanina?

Dahan-dahan ko itong nilingon, thinking that he got mad. But he is just looking at me, blankly.

"I saw you typing on viber, you never send it." he said in a very calm manner. We are not thinking of the same thing, I guess.

Kinamot ko ang ulo, nakita niya pala? Akala ko hindi siya online.

I looked away and crossed my arms, pursing my lips trying to think of an alibi.

"A-Ah, itatanong ko sana yung camera. Masosorry sana ako, nasira ko ang lens at puro na rin gas-gas." alanganin kong sagot, I bit my lower lip waiting for his response. Iniangat nito ang camera niya para makita niya ng mabuti, tapos ang inilipat ang tingin sa akin.

Mabilis akong napaiwas ng tingin sa kanya, napahawak ako sa aking batok. Trying to look innocent even though I'm clearly not.

Hindi pa rin nito tinatanggal ang titig, he even tilted his head to move closer to my face, which is starting to turn to red because of embarrassment.

He raised his both eyebrows and smirk, parang nakuha niya na ang  iniisip ko. Humakbang ito palapit lalo sa akin, dahilan para mapa atras ako. Napalunok ako dahil doon, when he moved closer I smelled his musky scent. That made a sudden tingling in my chest.

Halos mabali na ang leeg ko kaiiwas ng tingin, ilang hakbang niya pa ang nasa loob na rin siya ng kwarto ko. Kung hindi pa ako sasagi sa mesa ay hindi pa siya hihinto, mabilis naman akong nakabawi at umayos ng tayo.

Tumikhim ako. He handsomely chuckled and sit on the chair. Nakatayo ako sa gilid nito.

"S-Saan mo nakuha 'yan?" I asked guiltily.

"Nakuha ng isa sa mga security team kanina."

May binuksan siya doon, ihinarap niya sa kanya ang screen kaya kitang-kita ang rim ng camera na wala ng lens. Ngumiwi ako, papalitan ko nalang. Magkano kaya iyon? Feeling ko pati ang lens niya ay ang pinaka latest na pwedeng mahanap sa market.

Busy itong maghalungkat sa camera, napahinto ako nang may maalala.

His pictures!

Bigla kong hinablot sa kanya iyon, he looked so shocked.

"Why?" naguguluhang tanong nito.

"Ipapa-ayos ko! At ako na rin ang mag tatransfer ng mga pictures." kabado kong saad.

"Hindi na kailangan Yara, lens lang naman ang basag." ani 'to, itinago ko ito sa likod ko.

"Ang daming gas-gas, ibabalik ko pag maayos na." pang kukumbinsi ko, kumunot ang noo nito.

"Okay, fine..." pagsuko nito, ngunit mukha parang hindi kumbinsido. He is looking suspiciously at me.

I smiled awkwardly at him, inayos nito ang upo at sumandal sa likod ng upuan. He tilted his head and playfully raised his brows at me. Inantay kong may sabihin niya, pero wala akong naantay, he is just staring at me with so many emotions in his eyes.

Or is it just me?

He is looking at me like he is watching some interesting tv show, my breaths suddenly became heavier. His soft stares are harder to handle, because it feels surreal.

"M-May sasabihin ka pa?" basag ko sa katahimikan dahil wala ata siyang balak magsalita.

"I went here to ask about your chat, sabi mo dahil sa camera." he said, not taking his eyes off me.

"I-Iyon lang?" naiilang kong tanong.

"We'll fly back to Manila at 7:00 am."

"Oo nga pala, sinabi na sa akin ni Mommy. By the way, thank you ulit." he is still staring at me, "Sa pagtawag kay Mommy, at pagsabi ng nangyari." tahip-tahip ko na ang hininga ko.

Stop looking at me.

He looks like a painting sitting on that chair, he looks so good.

"I called your Dad, too."

My eyes widened a little.

"I apologized for what happened. But I'm still going to apologize in person, when we get back." he said in so much sincerity.

H-He doesn't have to...

The thought of him taking my family seriously is making my heart flutter. Is this legal to feel?



Maaga akong nagising, inayos ko na ang mga gamit ko. Pati ang camera ay inilagay ko na rin sa maleta. We are accompanied by the security team again, pagdating namin ay nakahanda na ang chopper.

Sumakay na kami after more than one hour ay nasa Manila na kami. He put my case in the trunk of his car. Siya na ang naghatid sa akin sa bahay at tahimik lang kami buong byahe. Ilang minuto pa ay narating na namin sa village, the gate automatically opened because of Caden's car, that he didn't even need to slow down.

I looked at him and reminded me, he is a J Prime heir. This village is technically his.

Huminto na kami nang makarating sa bahay, hindi ko na siya inantay pagbuksan ako ng pinto at kaya ko naman. Kinuha na lang niya ang maleta ko, inantay ko siyang makalapit sa akin.

"You should rest. Wag ka na pumasok sa office ngayon." he said looking at me.

"Okay na ako Caden, aabot pa ako sa office. Kaya ko naman."

"Bukas ka na pumasok, take a rest. I'll take care of it." he is so determined.

"Ikaw? Hindi kaba magpapahinga?"

"I need to take care of some things,"

Bumagsak ang mukha ko, he is asking me to rest but he won't?

"But Caden--" my words got stuck on the air.

He pulled the back of my head and kissed my forehead with so much carefulness. Shutting me up.

I felt like my whole system stopped. My heart stopped beating, eyes were widely opened and my hands surprisingly just stayed in place.

"Goodbye," he said like a whispered. Binitawan na ako nito at inabot ang maleta sa kasambahay. Bago ito tumalikod at naglakad pabalik sa sasakyan niya.

Tulala akong pumasok ng bahay, I still can't process what happened. Bigla nalang itong umalis pagkatapos ng ginawa niya, I didn't even had the chance to react, I just watched him until his car disappeared. Sa sobrang gulat ko ay hindi ko namalayang naka abot na ako ng kwarto, I must've brought some Astalier air here in Manila!

"Ma'am, dito ko nalang po ilalagay." pukaw ni Manang saakin, inilapag niya ang maleta sa tabi ni vanity.

"S-Sige po," sagot ko, lumabas na rin ito agad. Nakita niya kaya? Hindi ko napansin na andoon lang siya kanina.

Nasapo ko ang noo. What is happening? I am not even angry! What I am feeling right now is way different from anger! Simula nang dumating kami sa Astalier, nag iba na ang trato niya sa akin kahit sa unang gabi palang.

Nadala niya ata sa Manila? Akala ko pagbalik ay babalik na rin siya sa dati. But the biggest problem of this, is I am okay with it! I can't even get angry at him. This is insane!

Worriedly I reached for my phone in my sling bag, agad kong kong idinial ang number ni Gabi.

"Ayara? May problema ba?" mabilis niyang sinagot ang tawag ko.

"Are you busy right now? Sorry I suddenly called."

"No, it's okay. Wala akong check ups ngayon, bakit anong nangyari?"

I sighed.

"I think there is something wrong with me."

"Bakit? Panic Attack?" nag aalalang tanong nito.

"No, that's not it. Hindi naman to sobrang importante, medyo lang..."

"Kindly explain a bit more?"

"I went to Astalier with Caden, it's for work. And his actions are kindly weird, I don't know how to name it, and he has been like that since we arrived. Kahapon kasi, may hindi magandang nangyari sa akin and he is so furious but I understand kasi empleyado niya ako at responsibilidad..."

"Then?"

"I thought pagbalik namin sa Manila, babalik na rin siya sa dati. But I think mas lumala pa ata?"

"Then confront him!"

"I can't!"

"Bakit? Hindi ba lagi naman kayong nagbabangayan? Ba't hindi mo na magawa?"

I hopelessly laid on the bed, she's right.

"K-Kasi hindi naman ako nagagalit?"

She let out a loud laugh.

"You like it?" hindi makapaniwala na sabi nito, nag init ang pisngi ko. Do I? No, this is getting out of control.

"Why would I?!"

"So ano pala? May iba pa bang rason? At kung okay lang naman pala sayo, anong problema? Why are you so worried?" natigilan ako sa tanong niya.

"Because this is not right, this should not be happening in the first place."

"Why? If you think you have feelings for him, single naman siya at ganoon ka rin. What's holding you back?"

Napapikit ako ng mariin, there she pointed it out. Maybe I am having feelings for Caden, na dapat hindi.

Just thinking of letting this feeling grow scares me, what might happen scares me. Before, I was so scared to lose him because of his accident, that I went through all those anxieties and traumas. What more if these feelings grew? What will happen if I lose him again? Baka hindi ko na kayanin.

"Yara?" dugtong nito ng hindi ako sumagot.

"I-I can't, I don't want to care for him like before anymore. If I let this continue, baka bumalik ako sa dati." It sounded so pained.

Natahimik kaming dalawa.

"Kung ganoon, kailangan mo siyang iwasan. Avoid being with him lalo na kapag kayo lang dalawa." she said in defeat.

Gabi knows what I've been through, she saw everything. How I cry every night, how scared I was all those years, those crucial weeks and months.

How I kept myself to go to him, even if the only thing I wanted was to be beside him even if he is not awake.

How hard I cried the night of his birthday, I almost booked a flight to New York, kahit sisilip lang ako.

Kahit hindi na ako magpakita sa kanila. I badly want to take care of him, begging and praying he will wake up. That he will recover.

Kahit hindi ko na siya makita ulit. Kahit hindi na siya bumalik ng Pilipinas. Kahit kalimutan niya na ako. Basta mabuhay siya, kahit habang buhay kong dalhin lahat.

All this time I am not angry at him. I am pushing him away. I am angry with myself.

Pero hinayaan ko pa rin siyang lumapit and now this is happening.

Continue Reading

You'll Also Like

27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
12.7K 311 20
Kalea Harana Siveria, has always been in a separate class because of her intelligence since elementary school. Naturally, the class has many attracti...
1.5M 58.7K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
1.7K 62 44
Rhianne Airis Nidea, ang pinakamahiyain sa kanilang magbabarkada. She grew up in a rich family who can provide their needs and desires. Pero kahit ga...