Irresistible Pulchritude

By Saiiros

72K 3.6K 488

Fascination Series 1st instalment. Can you resist her beauty? More

Irresistible Pulchritude
Primero
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Ultimo

Chapter 7

1.9K 110 6
By Saiiros

ATTICUS HEAD was a mess after Khaila told her that it was her little brother. A man like that? His body was so close to his body type, same height… It was hard for him to notice that they're siblings. Blood related.

Nahihiya siya sa naisip niya.

What made him think that he was her boyfriend… It's that guy's action. He's too territorial.

Pinaikot niya ang ballpen sa mga daliri at mariin na pumikit.

That guy… He purposely caught him off guard and asked him to play volleyball with him. Ang akala niya noon ay galit ito sa kanya dahil panay ang sunod at papansin ni Khaila sa kanya. Kaya sa bawat tira na pinapakawalan nito ay halos mabali ang braso niya.

Now, he understands why he's madly hitting the ball.

Was he mad because he rejected his sister?

That's… petty?

"Lalim, sir!" Lhey knocked on his table.

There's really one person— no matter how good your day was— had the ability to ruin the mood.

Atticus sighed. "Is it true? Sigurado ako na may alam ka. Tsismoso ka, e."

Nalukot ang mukha ni Lhey, "True? Ang alin?"

"That Khaila and that guy is… blood related?" Tumaas ang kilay ni Atticus nang unti-unti na lumiwanag ang mukha ng kaibigan niya.

"Oo naman, sir. Magkapatid sila, kambal ni Ky 'yung isa pang maganda, si Kyrstal?"

"The clingy one?" maarte na tanong niya.

"Yes, she's clingy." Tumatawa na sagot nito. "Bakit pala?"

"I thought he was…" Hindi niya natuloy ang sasabihin.

"Hindi ko ba nasabi sayo? Kalaro mo siya noong nakaraan lang ah?" Bahagya na sumandal si Lhey sa lamesa niya. His hand was gripping the edge of the table.

"Hindi. Wala kang sinabi sa akin." Atticus flatly answered him.

Kung may sinabi ito sa kanya, hindi sana naging magaspang ang pakikitungo niya sa dalaga.

"Tinawag kasi ako sa computer lab. noon! Intense ng laban niyo, may pasa ka pa oh!" Itinuro nito ang braso niya.

It was a fair warning that he'll do something that guy  won't like, hindi lang pasa galing sa volleyball ang matitikman niya. As if he'll do something. Hindi pa rin naman siya interesado…

Atticus was shy. The reason why he's avoiding her was because of the thought of her having a boyfriend, and it turns out that it was her little brother all along. The only reason he has now to avoid the woman… was to protect himself.

Simula nang malaman ni Atticus na single ito. He started greeting her back, kapag nakasalubong sila sa daan o kaya naman ay sa faculty.

And with those small interactions, Atticus started to notice how lovely her personality was. She was raised in a great environment, she loves sharing words of God, and she loves taking care of kids. Palagi rin ito na may bitbit na paper bags, at kapag tinanong kung ano ang laman noon, her answer was always, 'para sa mga bata.'

The school have its own cafeteria. Libre ang mga pagkain doon para sa mga estudyante nila but she's bringing foods na hindi available sa cafeteria. In short, the kinds of food that only rich people could afford.

"Sir! Habol na lang po kami… Tatapusin ko po, promise!" His student raised her right hand.

He chuckled softly. "Sure, hatid mo na lang sa faculty."

"Thank you po!"

Bahagya lang siyang tumango at naglakad na pabalik sa faculty. He still needs to check some papers and record them, ayaw niya na nag-uuwi ng trabaho sa bahay.

Liliko na sana siya nang makita si Khaila na may kausap na lalaki. It was one of the school primary teachers. Naningkit ang mga mata niya nang makita rin ang bata na hawak nito sa kamay. The kid was filled with mud.

She was smiling shyly at the male teacher. And Atticus nearly scoffed at himself when his thoughts started to cloud his mind. He doesn't like it. He doesn't like her talking to another guy. He's going crazy!

PAPUNTA SI Khaila sa dati niyang room para puntahan ang ninang Krizzia niya. Dumaan daw kasi kanina ang Tita Rion niya at may gustong ipatikim sa kanya na bagong recipe, kaya lang ay kasalukuyan niyang nagtuturo. They didn't want to disturb her, kaya iniwan na lang sa ninang niya.

Jane was still maintaining her body figure kaya hindi pa rin siya madalas kumain ng marami. Ayos lang naman 'yon sa kanya. Jogging was still part of her daily morning routine, kaya kahit papaano ay pinipilit niya na maagang makatulog.

Khaila's hands were on her uniform pockets when he saw a man talking to a little guy. Puno ng putik ang uniform nito. She pursed her lips and approached them instead of going to her ninang's room.

"Hello!" She greeted. "What happened here?"

Napatingin sa kanya ang lalaki at nanlaki ang mga mata nang mapansin siya sa tabi nito.

"Ma'am Khaila… Ikaw pala!"

"What happened?" tanong ulit niya.

He cleared his throat and said, "Nadapa kasi kanina sa putikan habang naglalaro sila. Paliliguan ko muna, ma'am, kaysa pauuwin na ganito…"

Bahagya na tumango si Khaila. They have shower room for kids and even teachers, magkahiwalay lang. She placed her hand on her chest before bowing a little.

"Hello, little guy… May masakit ba sayo?" malambing na tanong niya sa bata. He looks like he's about to cry.

Umiling lang ito sa kanya pero tumutulis na ang nguso.

"Samahan ko na kayo?" tanong niya sa lalaki.

Tumango lang ito. Napansin din ni Khaila na panay ang tingin nito, pagkatapos ay iiwas kapag binalingan niya.

"Ahm… I'm sorry, ma'am, for everything." The male teacher said.

Hindi siya agad nakasagot. If it's about the rumor, her having an affair, at nakokonsensya ang mga ito dahil nalipat siya sa sekondarya. They saw how she loved being with kids. They did not stop taunting her, they did not want to be in the same room with a woman, apparently whom they branded third party. Masakit 'yon para sa kanya but she grew up in a more chaotic environment kaya hindi na 'yon bago sa kanya.

"It's fine… Maayos naman ang pagtuturo ko sa high school. Isa pa, doon naman talaga ako dapat." Khaila smiled. As genuine as she could.

Nasa nature na ng ibang mga tao ang humusga kahit hindi pa alam ang buong katotohanan.

"Still, ma'am. I'm very sorry…"

"Don't be. Unless ikaw ang nagkalat sa fake news na kabit ako?" may laman na biro niya.

Nanlaki ang mga mata nito at mabilis na umiling sa kanya.

"Hindi naman ako ganoon ka-tsismoso, ma'am! Tsaka, kung ako man ang nakakita sayo… Mas mabuti kung magtatanong muna ako sayo, kaysa itanong sa iba, hindi ba?"

Lumabi si Khaila sa tanong nito. There's that… If that someone asked her directly, hindi sana sasakit ang ulo ng Mamu niya. Pero nangyari na ang nangyari. Hindi naman nila 'yon maibabalik. And that's fine.

Khaila smiled to herself. It was a blessing in disguise for her. Mula umaga hanggang sa uwian, nakikita niya ang crush niya.

"It's now in the past. Hayaan na natin." Sagot niya at nginitian ang lalaki.

"Ang bait mo, sobra!"

Hinawakan ni Khaila ang kamay ng bata at inalalayan ito sa paglalakad. She saw him wincing a little earlier, siguro ay nanlalagkit na talaga sa dumi.

Nang makarating sila sa shower room ng mga bata, kaagad na hinubad ni Khaila ang heels na suot at itinupi ang dulo ng pants na suot niya para hindi mabasa.

"Little guy, okay lang ba na ako na lang ang magpapaligo sayo?" She asked. Napangiti siya nang tumango ang bata sa kanya.

"Ako na, baka maglikot, mabasa ka." The male teacher said. Kaagad na umiling si Khaila.

"Ako na."

Khaila undressed the little boy, wala siyang pakialam kahit na kumakapit na ang putik sa kamay niya. Pinanggigilan niya ang pisngi ng bata bago niya ito pinasok sa isang cubicle.

"What happened?"

Nagulat si Khaila nang marinig ang boses ni Atticus sa labas. Bahagya siyang sumilip at nakita na salubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa lalaking guro na kasama niya. Mukhang papunta ito sa cubicle na pinasukan nila para tulungan siya. Binalikan niya ang bata at inumpisahan na itong paliguan.

"Ah, sir, nadapa kasi… Paliliguan lang namin."

"Kaya naman niya." Atticus flatly answered.

"Lalaki kasi, sir, baka maglikot. Mas mabuti kung may kasama."

"So? She can handle it."

Pasimple na napalunok si Khaila sa tigas ng boses ni Atticus. Bahagya siyang sumilip at napabuntong hininga nang makita na nagsusukatan ng tingin ang dalawang lalaki.

"Please, don't fight? May kasama tayong bata dito…" Suway niya sa dalawa.

"We're not fighting." Masungit na sagot ni Atticus sa kanya at pinagkrus ang mga braso sa dibdib.

Lumabi lang siya at hinayaan ang dalawa sa labas. Khaila was talking with the little guy while washing the dirt on his skin. The silence bothered her, pero hindi na siya nagtangka pa na silipin ang dalawa sa labas.

"Let me." Nagulat si Khaila sa biglang pagsulpot ni Atticus. Kinuha nito sa kamay niya ang shower at ito na ang nagbanlaw sa bata.

Tahimik lang siya habang nakatingin sa lalaki.

"You really love kids, 'no?" Atticus asked her.

"Sobra…" Nakangiti na sagot niya.

Siya ang unang bata sa pamilya. Siya rin ang unang bata nang makilala niya ang mga kaibigan ng Papa niya. She's always alone and sometimes playing with grown up men. Kaya noong lumabas na ang anak ng Tita Isabella niya, nakikipag-unahan siya na bantayan ito. Ganoon din noong lumabas ang kambal and so on…

Even after working, sa school siya dumeretso noon para mamigay ng kung ano-ano sa mga bata.

"Then, why pursue BSED?" He looks genuinely curious.

"Kulang ang mga secondary teachers namin noon. Nahihirapan si Mamu na maghanap ng mga teachers na alam mo na… Hindi sasaktan ang mga bata… I want to help Mamu." Khaila answered.

"So, you left modelling?"

Kumunot ang noo niya sa tanong nito. First, Atticus knows that she's a former model. And now, may ideya ito na iniwan niya ang pag modelo para matulungan ang nanay niya. It's obvious. But she's still curious, kung paano nito nalaman?

She asked. "Paano mo nalaman?"

Atticus just shrugged his shoulders and did not bother to give her an answer. Naningkit ang mga mata ni Khaila nang tahimik lang ang bata habang sinasabunan siya ni Atticus. He was good at it. Well, everyone was good at showering. Pero ang galaw ni Atticus… It looks natural.

Para bang matagal na niya 'yon na ginagawa.

"You're good at it. Hindi umiyak ang bata…" Khaila complimented him.

"Hindi rin naman umiyak sayo, ah?"

"Well, I asked him if it's okay… kung ako ang magpapaligo sa kanya."

"You did?" Atticus' eyes widened a bit.

"I did… Para hindi mailang ang bata sa akin." She immediately explain.

"It's good. That was the first time I heard someone asking a kid for consent." Atticus smiled at her.

Hindi siya sumagot. Ayon ang turo sa kanya sa village nila. Consent was very important. No question asked. Asked for it. If it's given, proceed. If it's not, then don't.

"Ako ang pinaka-una na bata sa village namin noon kaya ako natuto na magpaligo ng bata…" Khaila suddenly blabbered. Kalaunan ay nahiya sa biglang pagbukas ng bibig niya.

Tumingin sa kanya si Atticus, "What kind of village is that? Walang bata? Ikaw lang?"

Pasimple siyang napangiwi. Siya lang ang may alam sa village na 'yon, basically, she grew up going in and out there before her Tito Light and Tito Castiel decided to build another village for them. Masyado pang baby sina Ayze, ang kambal, at si Archer para matandaan ang village na 'yon.

"It's a secret…"

Hindi siya pinilit ni Atticus. Pinagtuunan na lang ulit nito ng atensyon ang bata.

"Ano ang pangalan mo?" Atticus asked.

The little guy answered in a small voice, "Angel."

"Gutom ka ba? Gusto mo kumain?"

Khaila's breathing hitched when she saw Atticus smiling. Masyado siyang nakatitig sa mga labi nito.

"How about you?" Atticus asked her. She was taken aback. Tinuro niya ang sarili.

Khaila wasn't expecting him to be here. She wasn't expecting him to greet her back, sanay na siya sa malamig na pakikitungo nito sa kanya.

"Consider this as a token of my apology. I've been acting rude. Simula noong dumating ka…"

She found herself nodding her own head. Apparently, she wants his attention. She still does.

Continue Reading

You'll Also Like

458K 25K 17
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
314K 8.9K 23
Warning: SPG|R-18|MATURED CONTENT Started: 08|March|2021 Ended: 19|March|2021
3.2M 262K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
26.2K 214 7
G!p Bottom Billie :) Slow updates