The Numb Princess is a Gangst...

Od yongseolianne

261K 3.8K 952

[ON GOING] Francheska Hyun Lee, is definitely not like any other high school girls, with the cold and express... Více

A BIG HUGE MASSIVE NOTE
Prologue
Introduction: The Story of her Past
Chapter Six: The Realization
Chapter Seven: The REAL Start
Chapter Eight: The Tutor
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Side Story: Nanay Linda's reason for leaving
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Side Story: A Happy Ending
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Side Story: Where we started
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
BASAHIN NYO PLEASE
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four

Chapter Nine: The Private Room

12K 262 62
Od yongseolianne


Francheska Hyun

They have their own building. One whole building.just.for.them. Nakatayo lang ako sa loob ng tinatawag nilang 'private room'. What a joke, dahil hindi lang naman sya isang room. This is a proof na hindi sila at kahit kailan, magiging normal na estudyante lang. They're from the Underground.

I say that aloud, inside my head habang pinapanood ko ang mga kaibigan ko na nakikihalubilo sa kanila. Para silang mga bata na tuwang tuwang nakapasok sa isang playground. They keep on moving around, at mukhang tuwang tuwa naman yung mga Knights sa nakikita nila.

They look amused.

Gusto kong hilain yung tatlo, palabas. Nakatitig lang ako sa mga Knights. I'll be watching them just in case. Napatingin sa akin yung Kyle, he saw me looking at him. Nagulat sya pero nakabawi din at nginitian ako, altough he looked a bit shy.

What the—anong klaseng reaksyon yun. He just reminds me of Kris kapag nakikita nya yung mga lalaking hinahangaan nya.

"Oh my gosh Cheskaaa~!!"

Bigla akong nilapitan ni Kris, niyakap nya yung braso ko na tuwang tuwa.

"This is a dream come true~" pigil ang boses nyang sabi

Tinignan ko lang sya.

"They have their own kitchen!!" amazed na sabi naman ni Arcie sa akin, ng lumapit din sya.

"They also have this huge bath tub on their restroom! And it's soooo spacious!" nanalalaki ang mga mata ni KC habang binabalita sa amin yun

Nakapulupot na naman sila sa akin. This is my chance.

"Alis na t—"

"There's more upstairs, we can tour you for a bit."

Natigilan ako ng lumapit sa amin yung Andrei. Sinara ko yung bibig ni Kris na naiwang nakabukas habang nakatulala sa lumapit sa amin. Walang sumagot sa amin at nakatitig lang sila.

"Well, kung gusto nyo lang naman." natatawa nyang sabi

Pinagtatawanan nya ba mga kaibigan ko. Ako na tatanggi sa alok nya.

"Hin—"
"Y-yeah! We'd love to."

Napalingon ako kay Kris na mukhang normal na. Nginitian sya nung Andrei tapos niyaya na silang sumunod. Nauuna na yung dalawa pang Knights, paakyat.

"Let's go!" excited na sabi ni Arcie

"He's so nice..." sabi ni Kris na mukhang wala na sa sarili nya, naglalakad na din sya pasunod dun sa Andrei.

Ugh. Hinila ko sya palapit sa akin.

"Umalis na tayo, ayokong magtagal dito."
"Eh?! Kakarating lang natin, isa pa wala pa nga naituturo sayo si Knight Shin."
"Gusto ko na umuwi."
"Hindi pa pwede, teka—" inalis nya yung pagkakahawak nya sa akin "iwan muna kita! Gusto ko din makita yung mga nasa taas" kinikilig nyang sabi tapos naglakad na paforward ng nakatingin padin sa akin.

Hanggang sa may mabangga sya.

"Got you." sabi ng isang boses habang hawak si Kris.

Tinignan ko lang ang reaksyon ni Kris ng makita nya na si Andrei yung nabangga nya. Mukhang mahihimatay ata sya.

"Okay ka lang?"

Hindi sumagot si Kris at nakatulala lang sa kausap nya. Tumingin sa akin si Andrei, na parang nagtatanong kung normal lang ba na di sumasagot yung hawak nyang babae. Tinignan ko lang sila.

"Kris!!"

Natauhan lang si Kris ng narinig nya yung sigaw ni KC mula sa hagdan.

"I-i don't know!!!"biglang sabi ni Kris na akala mo kakagising lang at nananaginip

Napaatras din sya mula sa pagkakahawak nung Andrei.

"It's okay." nangingiti pading sabi nung Andrei

Naglakad na ako palapit sa kanila, kahit na wala akong interest na libutin itong lugar nila, ayokong maiwan dito sa baba, mag isa. Pero natigil ako ng tumingin sa akin yung Andrei.

"You'll have to stay here and wait for your tutor."

Natigilan ako dahil parang sinasabi nya na hindi ako pumunta dito para mag enjoy, kung hindi para mag aral at wala akong karapatan na magliwaliw. Tinitigan ko sya habang nasa tabi padin nya si Kris, na mukhang naa-awa sa akin.

Insert*Don't-you-dare-lay-a-hand-on-my-friends-look*

Medyo tinaas nya yung dalawa nyang kamay na parang naintindihan ang tingin ko.

"Don't worry, they're safe with us."

"Fighting Cheska!!~" sabi naman ni Kris bago sila umakyat.

Nakita ko din sila KC at Arcie sa hagdan na hinihintay si Kris. They're cheering for me too. Argh. Dahil sa mga cheer na yun kaya nandito ako ngayon sa lugar na'to.

Dahil sa mga cheer na yun kaya lagi akong napapasok sa mga ayaw kong sitwasyon. But I do admit, nag gro-grow ako sa mga bagay na pinupush sa akin nila Kris. But I think it's different this time. Wala akong makukuhang maganda sa ginagawa namin ngayon.

Kung meron man, baka gulo lang.

Tumingin ako sa paligid, para akong nasa lounge ng isang hotel, actually parang bahay ng isang mayaman na pamilya. This must cost a lot, hindi basta basta nagbibigay ng financial support ang UO sa mga hindi importante bagay, and to be honest, this place is unnecessary, sigurado ako na hindi funded ng UO ang lugar nito, malamang galing ito sa sarili nilang mga pera.

I heard they all came from wealthy families na may koneksyon sa Underground.

Dahan dahan akong naglakad para tignan kung may mga secret passages. Sa laki nitong building, hindi yun imposible—may nakita akong mga picture frame sa isang cabinet. Picture ng mga bata, napatitig ako sa mga yun. Bakit ang sarap titigan ng mga bata, there's something about their little features. I want to squish them.

Huh—May isang pamilyar na mukha.

Lumapit ako para titigan pero biglang may boses na nagsalita sa tabi ko.

"Do you remember me now?"

My body reflexes moved and without thinking, nahampas ko yung nagsalita. Bumungad sa akin yung 1st Knight na sinalo ang paghampas ko gamit ang braso nya. Seryoso syang nakatitig sa akin.

I was on my full defense mode dahil alam kong nasa paligid lang sila and I still don't trust them lalo na at kasama nila ang mga kaibigan ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Sorry, did I scare you." sabi nya at nagbago na bigla ang expression nya.

Napatingin ako sa braso nya na sumalo sa hampas ko, kitang kita ang pamumula nun. Ang puti kasi nya. Napaayos ako ng tayo.

"I'll note to myself to never scare you again." bigla nyang sinabi

Hindi naman nya ako natakot, nabigla lang ako. And his voice was just so near, may naalala ako. Sa underground, kapag lumalaban ako, isang sign na malapit na akong masaktan ng kalaban kapag malapit na ang boses nila. The nearer the voice the more painful it is. Siguro nasanay lang ako.

Napatingin ulit ako sa braso nya. He didn't deserve that, gusto ko sanang mag sorry pero naalis na sya sa harap ko.

"You want water?" tanong nya habang hawak na ang isang baso na kinuha nya sa lamesa

Umiling ako. Tumango sya at hindi naman nya ako pinilit. Kinuha nya ang isang glass bowl na punong puno ng—chocolates. Na distract ako saglit pero nakita ko na naman yung braso nya na parang nag iiba na ng kulay.

Uhhh. Nagpapasa na ba agad—baka kapag nakita ng iba nyang kasama magtaka sila. I mean, sinong normal na babae ba ang makakagawa ng ganun sa isang—UO member.

"Ayaw mo?"

Umiling nalang ako.

"Are you sure?" tanong nya na parang pinipilit akong pa kuhain.

Fine. Kung pinipilit nya ako, kumuha ako ng ilang piraso, hindi ko na tinignan yung reaksyon nya. Basta nilapag na nya yung bowl sa lamesa at naupo na sa isa sa mga sofas.

"Shall we start?"

Tumango ko pero nakatitig padin ako sa braso nya. I need to do something para di mahalata yun dahil kitang kita sa balat nya.

"You can sit" sabi nya

Naupo naman ako. Pumwesto ako sa harapan ng inuupuan nya.

"Nakita ko yung mga quizzes and test papers mo."

Whatthe—nakita nya yun—alam na nya kung gaano ako-ka-$&@$&. He'll look down to me for sure.

"And based on those, I think you understand how it works but you keep using the wrong formula."

Nakikinig lang ako sa kanya, seryoso naman sya sa pagtuturo. May mga nilabas sya na libro at papel. Napalunok ako ng makita ko kung gaano kakapal yung mga yun, at nung binuksan nya ang isa, puro numbers ang nakita ko. Argh.

"We'll try to solve the questions on your tests again."

Ano, pagsasagutin na naman nya ako. Ayokooooo.

"Cheska?" tawag nya sa akin ng mapansin nya na di ako sumasagot.

Gusto ko ng umuwi. Pero tumango nalang ako at kinuha yung inaabot nya na papel.

"Here, you could use this formula, there's a step-by-step procedure on how its done." sabay abot ng makapal na libro.

I want to throw it away. Nilapag ko yun sa lamesa at nagsimula ng magsagot. Pero isang minuto lang ako ng scribble ng mga number dahil pakiramdam ko may mali sa ginagawa ko. Sinunod ko naman yung nasa libro.

Sumilip ako sa kasama ko, nakita ko na may sinusulat sya sa isang notebook. Tapos bigla nyang iha-highlight. Seryosong seryoso sya. Majority ng mga nakilala kong member ng undeground, maiingay at magulo. Lalo na pag lalaki, nung unang kita ko sa kanya kahit na nung pinakilala na sya nila Kris sa akin. Alam kong tahimik sya, but seeing him like this feels different—ack sht nakita nyang nakatingin ako. Hindi na ako umiwas ng tingin.

"Do you have a question?"

Bakit ang amo ng pagkakasabi nya. Imagination ko lang ba yun.

"Tapos na ako"

Well, totoo naman na tapos na ako pero hindi ko pa na do-double check.

Inabot ko sa kanya yung notebook, tapos hindi bigla akong kinabahan. Tinignan ko yung reaksyon nya habang tinitignan yung papel ko. Hindi ito yung first time na magka tutor ako kaya di ko alam bakit kinakabahan ako na tinitignan nya yung sinagutan ko.

Poker face nyang tinignan yun kaya mas lalo akong di mapalagay. Nilingon nya ako ng naka poker face padin, tapos ng makita nya na nakatingin ako sa ginagawa nya, ngumiti sya.

"You got it.." sabi nya

Buti naman kasi nakakahiya—

"But if you could..."

Hindi ko na narinig yung sinabi nya kasi nakita ko sa may bandang hagdan na may mga nakasilip. Ugh. Sila Kris. Binalik ko ulit yung tingin sa nagdadaldal na lalaki. May tinuturo sya doon sa sinulat ko, tapos nag lean ako para makita ko.

Pero tumigil sya bigla, kaya natigil din ako. Anong nagawa ko?

"Do you want to sit here instead?" bigla nyang alok

Tinuro nya yung tabi nya. Uh no thanks. Umiling ako. Tumango sya tapos biglang tumayo, sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa marealize ko na sya ang umupo sa tabi ko.

"This is better." sabi nya ng maupo sya

Nilapag nya sa harap namin yung sinagutan ko at pinakita sa akin. Pero naka lean backward ako, napansin nya yata kaya nag lean forward sya.

"Let's not make this hard for the both of us."

Pagkasabi nya nun, nag focus na sya sa pagscribble ulit sa papel ko. Parang sinabi nyang wag akong pabebe.

"You got it mixed." sabi nya na naman tapos inusog na yung papel sa akin.

Umayos naman na ako ng upo at tinignan yung papel. Nag mark sya sa mga nagkamali ako. Tinignan ko sya, pero may ginagawa na ulit sya.

Inayos ko yung mga sagot ko = Tumitig sa papel ng isang minuto

"You need to cross this out."

Biglang lumapit yung 'tutor' ko at pinakita sa akin yung dapat gawin. Sana kanina pa nya ginawa yun—pero sana hindi din sya masyadong malapit. Pakiramdam ko kapag lumingon ako sa side nya, makikita ko na ang mga pores nya.

Naalala ko bigla, pinagpipilitan ni Kris na walang pores itong 1st Knight. Tumingin ako pero mata lang ang gumalaw.

Huh—wala nga. Napalingon na ako ng tuluyan sa mukha nya. Wala nga. Paano yun—napatingin ako sa mga labi nya na biglang ngumiti.

"Do you get it now?" tanong nya na nakatingin na din sa akin

Tinitigan ko pa sya saglit bago ako lumingon ulit sa papel ko. Tumango lang ako

***

How did he managed to memorize everything? Ang dami na nyang naituro sa akin, sinusundan nya yung nasa libro pero hindi nya tinitignan. Kasalukuyan nya akong pinapasagutan ng limang problems na galing sa libro.

Okay, he's smart. Really smart.

Now I know why he's an important member of the organization.

Ah—natigil ako ng maramdaman ko na may gumagalaw sa buhok ko. Sya ba.. lumingon ako sa kanya at nakita kong nakahiga ang ulo nya sa mesa.. at hawak nya ang dulo ng buhok ko.

Anong ginagawa nya?

Drake Jiro

What a bunch of baby faces.

This feels like we're babysitting three kids. Tinapunan ko ng tingin sila Andrei at Kyle na kasalukuyang nakatingin din sa tatlong babaeng kasama namin ngayon.

"Why are we doing this again?" tanong ko sa mga kasama ko.

Tinignan nila ako bago sumagot.

"To help Shin"

I just have to remind myself, dahil baka makalimutan ko at masyadong akong mag enjoy. Naupo ako habang pinag mamasdan yung tatlong babae na pinapasok namin dito sa Private Room namin.

"Please, make a good impression." that line which Shin said, echoed on my mind. It sounded easy.. not until now, pinipigilan ko ang sarili ko na paglaruan ang mga babae na nasa harapan ko. Nothing too serious though, I just have a bad habit na paglaruan ang mga batang nakikita ko and they're giving me the same vibe when kids are around me.

Just a scare jump would be nice. Pero hindi ako papayagan nila Andrei at Kyle and I wouldn't even try to mess this up for Shin.

"Bakit mukhang natatakot ka na ngayon?" nilapitan ako ni Kyle para sabihin yun.

Mukhang inaasar nya ako. I gave him a smirk.

You see, they think I'm an anti-social guy. They think I hate to be surrounded by people, that I hate to be with new people. But no, I don't hate it, hindi lang talaga ako interesado. Also, smiling and being friendly to people I'm not familiar with is just too much for me.

Okay, siguro nga medyo anti-social ako pero hindi ako umiiwas sa mga tao. Konti lang talaga ang nakakakuha ng atensyon ko.

"Ganito ang mukha ng takot?"

I gave him a smug look and in exchange he gave me a look of disgust.

"Why don't you help Andrei and get along with them?" sabi nya

Nakatingin na kami ngayon sa tatlong babae kasama si Andrei na kinakausap na sila.

"They're nice." dagdag pa nya

"I know, I've already heard about them."

Merong weird na ranking ang mga boys ng Danford, I personally think its lame pero mukhang sikat na sikat yun sa campus. May list sila ng 'pinaka' pasok sa standard nila ng 'ideal girl'. Minsan ko ng nakita yung list na yun at nakita ko ang pangalan ng tatlong babae.

Gusto nila ng mga baby face, I guess?

Karamihan din sa mga babae sa Danford, kilala sila and I'm not surprise, they have that friendly aura.

"Alam mo na pala, bakit hindi ka pa lumapit."
"bakit hindi ka PA lumapit"
"Kilala na nila ako, if there's someone in this room na kailangan maki pag socialize, ikaw yun."

He look so serious and a bit proud.

"Just because you know them—don't act so though. Kung hindi mo sila kilala, baka hindi mo din naman sila agad lalapitan." sabi ko

"Seryoso? Makikipag talo ka pa talaga tungkol dun?"

"Hindi."

Tumayo na ako.

"Basta wag mo akong sisihin kung matakot sila" sabi ko bago maglakad papalapit sa mga bisita namin.

Habang naglalakad ako papalapit sa kanila, napansin ko ang paglingon nila sa akin, at sa unting unting pagbabago ng itsura nila. Para silang nakakita ng multo.

"Hey DJ!" kahit si Andrei parang nagulat

He doesn't need to make it so obvious na parang hindi talaga ako nakikipag socialize.

"Sabi ni Kyle, lumapit ako" I said frankly

Nanahimik lang yung tatlo habang nakatingin sa akin, and I have to stop myself from laughing. Bakit sila nakakapit sa isa't isa? Mukha talaga silang mga bata.

Natawa si Andrei bago ako itap sa balikat at iharap ng maayos sa tatlo.

"Girls, this is Drake Jiro, he's a man of few words—at first pero kapag tumagal madaldal din. He's nice, just looks like a serial killer."

Tinignan ko sya. Lame joke. Pero natigilan ako ng tumawa yung tatlo. Uhh. It's official. They really are kids who laughs even at senseless jokes.

"Hi I'm Kim Coleen!"

Napatingin ako sa babae na inaabot ang kamay nya. She's smiling at me. Without any hint of fear or intimidation. Mukhang sya ang pinaka may malakas na loob, cause I could still sense her other two friend doubting kung kakausapin nila ako.

Brave soul.

I took her hand.

"KC." sabi ko na mukhang ikinagulat nya

"Ah, yeah! Or KC for sho—"

Natigilan sila ng bigla kong halikan ang likod ng palad nya.

"DJ for you." sabi ko

Napangiti ako ng makita ako ang reaksyon nya, nakabukas ang bibig nya habang ganun din ang mga kaibigan pero nakatakip ang mga kamay nila.

Mabilis nyang hinila pabalik ang kamay nya na parang nakuryente.

"I already have a boyfriend." bigla nyang sinabi habang namumula ang mga pisngi nya

This time, ako ang natigilan. Napatingin ako kay Andrei na mukhang maraming gustong sabihin sa akin at si Kyle na mukhang hindi na nagulat sa ginawa ko.

"I like her" I mouthed at them

Hinila ako ni Andrei bago mag sorry kay KC.

Andrei Cielo

I have to admit na nagulat ako. Usually, nag pu-pull lang ng ganung klaseng prank si DJ kapag kumportable na sya sa isang tao.

"You're unbelievable. Kunwari ka pang anti-social pero mas malandi ka pa pala kay Cloud." rinig kong sabi ni Kyle kay DJ

Humiwalay muna kami sa tatlong bisita namin para bigyan sila ng time na mag enjoy. Nasa loob sila ng library namin, buti nalang they love books. Naging busy agad sila pagpasok doon.

"You sound like a jealous girlfriend." sabi lang ni DJ

"Tama si Kyle." singit ko

"Na malandi ako?" tanog naman ni DJ
"No, nagulat lang kami. You've never been so open to other people."
"Hindi parin naman."
"Pero kanina—you kissed her hand. That's not you and if i'm not wrong you said you like her. Ano yun?"

Lumaki na kami ng magkakasama, na parang magkakapatid. Minsan mas kilala pa namin ang isa't isa kesa sa mga sarili namin. Just lile DJ, he might not say it or deny it pero alam namin na hindi sya 'okay' sa lahat ng tao. Mahirap makuha ang loob ni DJ, you could be the most kind person on earth pero hindi masisigurado na magugustuhan ka niya. Hindi ko alam kung anong basehan nya pero hindi lahat nakukuha ang atensyon nya.

And it's not so often for that word to come out from his mouth.

"Wala"

"Hey—alalahanin mo na hindi mo sila pwedeng pagtripan." sabi ni Kyle na mukhang alam na ang nasa isip ni DJ

Tsaka ko lang din naintindihan.

Mukhang nagustuhan ni DJ ang tatlo dahil kasing inosente sila nitong si Kyle pagdating sa mga kalokohan nya. And they're just as soft.

"They're girls, take note of that." paalala ko nalang

"What? Hahayaan mo ba syang—"
"Hindi, DJ is responsible enough to know the limit of his jokes and pranks."

Tinignan ko si DJ para makita na narinig nya ang sinabi ko, he gave me an assuring nod.

"Stop worrying about it. Just enjoy, lalo na at kasama mo si Arcie ngayon."
"Huh?" he gave me a confused look.

He's really trying hard to act like he doesn't know.

"Yeah, why don't you focus on her, little boy" sabi ni DJ bago guluhin ang buhok ni Kyle

Nauna ng lumabas ng room si DJ, tinapunan ako ng tingin ni Kyle na parang batang nag susumbong.

"Nandito lang kami para suportahan kayo ni Shin." sabi ko bago ko sya malampasan

"Pati ba naman ikaw.."

Natawa ako ng marinig ko ang naiinis nyang tono.

***

Mabilis naging kumportable yung mga bisita namin. Napansin ko na panay ang ngiti at tawa nila sa mga sinasabi namin pero hindi sila masyadong nagsasalita.

"Si Shin ang pinaka matagal kung mag stay dito. He's a bookworm, halos lahat ng nandito nabasa na yata nya." kwento ko

Make a good impression, yun ang bilin sa amin ni Shin. So that's what i'm doing, but I don't want to overdo it baka mahalata na nila.

"Talaga? He read this?" tanong ni Arcie

She's holding a book about life on other planet. Tumango ako. Sa pag kaka alala ko si Arcie ang pinaka interested sa kakaibang mga bagay, gaya ng mga kwento ni Kyle.

"Yeah, nakita ko sya na binabasa yan. By the way, feel free to borrow any book of your preference."

"Really??!!" sabay sabay nilang tanong

Sobrang excited ng itsura nila na sigurado akong iiyak sila kapag binawa ko ang sinabi ko. Tumango ako.

"Pwede naming iuwi?" tanong ni KC

"Yes."

Tumalon talon sila na parang bata habang nag te-thank you.

"You got them excited." sabi ni DJ

At hindi sya nagloloko lang, dahil talagang mukhang na-excite sila. Bukod sa pag talon nila, mabilis din silang nagsitakbuhan sa iba't ibang sulok ng library namin at isa isang kinuha ang mga libro na gusto nila.

"Here, use them."

Nakita namin si Kyle na nagbigay ng mga recycled bag sa tatlo.

"Ilang libro ang pwede naming hiramin?" rinig kong tanong ni Arcie kay Kyle

Napatingin sa akin si Kyle.

"As much as you need?"

Lalong lumaki ang ngiti ng mga bisita namin, nakita ko na napangisi si DJ sa tabi ko. Tinapik ko yung tyan nya ng mahina.

"What are you smiling about?"
"Kids."
"Ha?"
"They're basically kids inside."

That reminds me, he's really fond of kids. Wala sa itsura nya pero hindi mo sya maihihiwalay sa mga bata kapag nakakita sya.

"Thank you so much!" nakangiti na sabi ng tatlo pagkatapos nilang mamili ng mga libro.

"Don't worry! Isasauli agad namin." si KC
"We'll finish it within this week! Promise!!" si Arcie

Napatingin ako sa mga bag na dala nila, napailing ako. Hindi nila matatapos lahat ng yun within a week, except if, sila si Shin.

"It's okay, take your time." sabi ko

"Iwan nyo muna dyan yung mga books, let's go to the next room." yaya ni Kyle

Binuhat nila yung mga bag para ilagay sa isang sulok, tumulong kami. Nilapitan ko si Kristel, natigilan sya ng hinawakan ko ang isa nyang bag.

"Let me help you." paalam ko

"Ahhh-y-yeah. T-thanks." sabi nya ng hindi ako tinitignan.

Binuhat ko yung isa sa mga bag nya. Wow. Ang dami nyang kinuha.

"Kaya mo bang iuwi ito mag isa?" tanong ko
"May kotse naman si Arcie, sasabay ako." matipid nyang sagot

Tinignan ko sya only to found out na sobrang pinag papawisan sya. Mainit ba? Okay naman ang aircondi—ah oo nga, nagbuhat kasi sya ng mabigat. Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa ng pants ko, I offered it to her.

"H-ha?" nakatulala lang sya sa akin
"Use it." sabi ko habang tinituro din ang mukha nya.

Bigla syang namula at agad na kinuha yung panyo. Tinakip nya yun sa mukha nya tapos ay tumalikod sa akin.

"Sorry."

Bakit sya nag so-sorry?

"For what? Hindi mo naman kasalanan na pinagpapawisan ka."

Natigil sya at biglang humarap sa akin. Umayos sya ng tayo, at doon ko lang napansin na yung bibig lang nya ang pinupunasan nya at may pawis padin sa noo nya.

"Akala ko naglalaway ako."

Hindi ko masyadong narinig yung huling sinabi nya kaya lumapit ako.

"Anong akala?"
"HA?"

Bigla na naman syang nagulat at napaatras.

"Hindi ko narinig yung sinabi mo."

Umiling iling lang sya habang namumula ang buong mukha nya. What's happening with her? Bakit namumula sya?

"Okay ka lang ba? Namumula ka."
"Hot." sabi nya na parang nahihirapan pang magsalita

Mainit? Pero okay naman ang lamig dito sa loob.

"You want cold water?"

Tumango sya. Hindi na kami nagpaalam sa mga kasama namin, dinala ko sya sa kitchen.

Kumuha ako ng isang basong tubig na nilagyan ko ng ice cubes na agad kong iniabot sa kanya.

I hope wala syang sakit at talagang naiinitan lang sya.

"Are you okay now?" tanong ko, pagkatapos nyang maubos ang laman ng baso na binigay ko.

"Yeah!" she said, loud and clear.

She has the energy again. Nakangiti na rin sya. That made me feel at ease. Akala ko kailangan ko ng magpatawag ng medical help.

"Good, akala ko mag pa-pass out ka."

Natawa lang sya.

"Sorry, medyo—na—na-initan lang ako.. siguro."
"Baka dahil sa pagbubuhat mo ng mabigat?"
"Uhh.. baka."

Sa liit ng katawan nya hindi na ako magtataka kung hindi nya kayang magbuhat ng mabibigat. She's a petite girl, around 5'2, I guess? Halos hanggang dibdib ko lang sya kapag tumayo sya malapit sa akin, wala pa sa balikat ko. She's really small.

"Okay na ako!" sabi nya bigla.

Umayos sya ng tayo at tinignan ako na parang sinasabing handa na ulit syang pakipag laban. I don't know how I got the Idea na yun ang sinasabi ng tingin nya pero... yun talaga yung dating sa akin. Also, she's doing a 'fighting' pose.

Tumango ako at sinamahan na ulit sya papunta sa room na dapat naming pupuntahan.

"I recommend you to try exercising." sabi ko habang naglalakad kami

Napansin ko ang pag iiba ng aura nya, feeling ko may nasabi akong hindi maganda.

"Hey, I don't mean anything ill about what I said, baka makatulong lang para lumakas ang immune system mo at hindi ka madaling mapagod."

I sound defensive pero mukhang iiyak na kasi sya and that's the last thing that I need to happen right now. Isa pa, it will make me feel really bad kung mapapaiyak ko itong mukhang batang kaibigan ni Cheska.

"I'm strong naman" mahina nyang sabi

Oh crap. She really is close to crying. Did I made it sound that harsh para maapektuhan sya?

"O-okay you are. Sige— maybe just to make you stronger?"

Hindi sya nagsalita. Malapit na kami sa room, pero hindi parin nawawala yung gloomy aura nya. I can't let her friends see her like this, baka isipin nila, sinadya ko—I need to make a good impression!!

"Hey!"

Pumunta ako sa harap nya dahilan para matigil sya sa paglalakad, hinawakan ko ang balikat nya. Sa wakas, tinignan na nya ako. Nginitian ko agad sya bago pa nya bawiin ang tingin nya.

"I'm not saying you're weak, okay?"

Tumango sya. Hindi ko na nakikita yung pag ka down nya. She just look shock.

"So.. please don't look so down."

What am I doing.. Shin, you better do well cause we're doing every-POSSIBLE thing to help you.

"Y-yeah." mahina nyang sabi

Namumula na naman sya kaya binitawan ko na sya at lumayo na. Space. She need sp—

"You make me so happy."

Wha—natigilan ako sa sinabi nya. Did I hear it right? I don't know, she said it with so much joy. Nakangiti pa sya na parang—

Bigla nyang tinakpan yung bibig nya na parang gulat na gulat. Then, lalong lumala ang pamumula ng mukha nya.

"Are you—"

Tatanungin ko sana sya kung okay lang sya o kung inaatake sya pero bigla syang umiling iling at umatras palayo.

"Anong problema?"

"W-wala! T-thank you, i'm okay—I just want to thank you." sabi nya habang pahina ng pahina ng boses nya

Habang tinititigan ko sya, lalo akong uma-agree sa sinabi ni DJ. She's definitely a kid.

A cute one.

Kristel Akira

I just don't want to give a bad first impression, hindi ko inaakala na ma bo-bother sya.

"So.. please don't look so down."

Aaaahhhh! Sinong hindi kikiligin sa sinabi nya?! And the way he said it! Parang worried talaga sya. Sobrang lapit din nya kanina sa akin, at yung tingin nya—am I really not dreaming?

I pinched myself a bit. Naramdaman ko naman. Wow! This is true! Waaaaaaw! Gusto kong tumili at kiligin pero nasa paligid namin ngayon ang Knights kaya hindi ako makapag fangirl. Tinignan ko si KC, she look fine. Nagpipigil lang din kaya sya? Naalala ko yung ginawa sa kanya ni Knight DJ, that almost got her! Muntik na din ako sumigaw sa kilig—gulat?

Bagay kasi sila. Scratch that. KC has a boyfriend na, omg.

Natigil ako sa pag de-daydream ko ng maalala ko yung sinabi ko kay Andrei.

"You make me so happy."

Frick. Why do I have to remember that?! Nakakahiyaaa! Auughh! Ang sabaw ko lang talaga nun dahil naghalo halo na yung kaba, excitement, confusion at kilig. Lumabas nalang yun sa bibig ko.

Hindi talaga nag fe-fail ang habit ko na pahiyain ang sarili ko sa harap ng nagugustuhan kong tao. THIS IS A CURSE.

"Let's eat." narinig ko ang boses ni Kyle

Galing sya sa baba, mukhang nag order sila ng pizza?? Oh wow!! Na excite ako ng maamoy ko yun. I WANT HAWAIIAN!! Pineapples!!!!

Dumeretso kami sa ULAP room? Huh—bakit ulap? Natigil ako sa pag pasok at tumitig sa pangalan na nakaukit sa taas ng pintuan. Bawat room kasi may pangalan, most rooms, malalaman mo agad sa pangalan kung anong use nila pero ito. Ulap? Hindi ako makaisip ng pwedeng gamit nun o pwedeng maging laman. Tatanungin ko sana si Kyle kaso nauna na sya sa loob, at tamang tama naman na nahinto si Andrei.

"You're wondering about its name?"

Napatitig lang ako sa kanya. I'm wondering if I can date you? Tumango ako.

"This room is our friend's favorite place. So we decided to name it on him."

Ulap? Yun ang pangalan ng kaibigan nila? Weird name pero—it reminds me of someone.

"Malapit na akong matakot sa bilis ng pagbabago ng emosyon mo."

Napatingin ako kay Andrei na hindi parin pala umaalis sa tabi ko. Anong sabi nya? Natatakot?! Oh no!! No! No! No!

"I'm normal." I SHAMELESSLY SAID

Naramdaman ko na nag iinit ang mukha ko habang tinitignan sya.

"I know, bigla ka lang kasing sumimangot." sabi nya na halatang pinipigil ang pagtawa

"P-pasok na tayo." yaya ko

Hindi pa sya sumasagot pero pumasok na ako. Tama na ang pagpapahiya ko sa sarili ko.

"Yo! Kanina pa kayo biglang nawawala." salubong ni Kyle kay Andrei

May hawak na syang slice ng pizza. Nakita ko din sila KC at Arcie na nakaupo sa bean couch, kumuha na sila ng sarili nilang slices ng pizza.

Parang isang malaking living room ito, wala lang TV. May isang low table lang na nakapatong sa isang fur carpet na pinaliligiran ng bean couches.

Na excite ako sa ambiance kaya nagmadali ako na lumapit sa dalawa. Their eyes are beaming with joy ng makita nila ako.

"This is too good to be true! Nanaginip ba tayo ng sabay sabay?" sabi ni KC
"I hope not. Sana totoo talaga ito."
"Totoo lahat! Look—"

Biglang hinawakan ni Arcie yung buhok nya at yung pang slice ng pizza. Tapos pinutol nya yung ilang piraso ng buhok nya!!! Nag panic kami ni KC pero in the end, naputol nya at pinakita pa nya sa amin.

Halata yung ilang parte ng buhok nya na hindi na pantay.

"If nanaginip tayo, this will grow as I think of growing it back pero wala, kahit isipin ko. Ayaw humaba."

"You didn't have to do that!" sabi ni KC na mukhang na frustrate sa nakitang kinalabasan ng buhok ni Arcie

"Bawal ka na humawak ng ganito." sabi ni KC na inilayo na kay Arcie yung kutsilyo.

"What's happening here?"

Sumulpot bigla yung Knights sa harap namin kaya nitigilan kami. Tinago agad ni Arcie yung naputol nyang mga buhok. Hindi ko alam kung saan nya nilagay.

"Oh? Bakit hindi nababawasan itong isa?" tanong ni Andrei my loves.

Tinutukoy nya yung isang pizza na walang pineapple. Isang slice palang kasi yung nakukuha don, samantalang nakakalahati na naman yung Hawaiian.

"Favorite kasi nila Kris at KC yan."
"Ikaw? Hindi?"
"Uhmm medyo, ang weird kasi ng pineapple sa pizza."

Halos mailuwa ko ang kinakain ko ng sabihin nya yun. Matagal ko ng alam na ayaw nya ng Hawaiian dahil sa pineapple pero to hear her say na weird yun. Sa kanya pa talaga nanggaling? Tinignan ko si Arcie at binigyan nya lang ako ng peace sign dahil alam nyang love ko ang pineapple sa pizza.

"Pareho pala kayo ni Andrei." sabi ni Kyle

My heart stopped and I died. Whaaaaaaat?!!! Bakit?! Pero mukha naman syang mahilig sa pizza na may pineapple!!

"Sa aming tatlo, sya lang ang may ayaw nun. He's a picky eater." kwento ni Kyle

Okay. I'm all in to this new information pero akala ko talaga pareho kami?!!

"Hindi naman ako picky eater, it's not just my style. I don't like mixing fruits with carbs."

Ouch.

"Then you can have all of this. Since I prefer fruits with carbs too." sabi ni Kyle bago kumuha sa Hawaiian.

"I'll take both." sabi naman ni DJ bago kumuha sa parehong box

"Pinaka matakaw." Andrei mouthed to us habang turo turo si DJ

Aww. Ang cute nila mag asaran.

Natahimik kami. Nagsisinguyaan lang kami—i'm trying my best not to stare at Andrei, kahit na nasa tapat ko lang sya. Quota na ako ng isang buwan nito.

"Yes? Do you want to ask me something?"

Nalingon lahat ng ulo nila sa akin. I failed miserably, hindi ko napigilan na mapatitig. I also failed to make a good impression, kanina pa ako nahuhuli ni my loves sa mga kasabawan ko.

"H-ha? Aaah uhmm"

I'm surprised na may lumabas pang boses sa bibig ko, pero I HAVE TO THINK OF AN EXCUSE. Question!! Anong question ba?

What's your ideal girl?
Can I be your girlfriend?
Can I be yours?

Friiiiick. I can't think of a normal question.

"Sa laki ng lugar na ito, nagagamit nyo ba lahat ng rooms?"

Nalipat lahat ng tingin kay KC. SHE SAVED ME! MY GIRL!!! I gave her a grateful look. She squeezed my hand. I'm so blessed to have her

"Do we?"

Nagpalitan sila ng mga tingin.

"Yes. Nagagamit namin lahat." sagot ni Knight DJ

"Ah yeah! Before! This is actually the room we spent the most time."

Talaga? Napatingin ako sa paligid, pero wala naman masyadong gamit dito. Wala rin namang TV.

"We usually go here for some quiet time together." paliwanag ni Andrei
"Kahit summer kasi pumupunta kami dito, after a busy day."

Summer pero busy? They must be talking about underground assignments. Naalala ko si Cheska, oo nga. Napaka busy nya din dati. Minsan kung saan saan pa sya napa-padpad.

"Akala ko yung movie room yung palagi nyong nagagamit." si Arcie
"Nope, actually minsan lang kami manood dun."
"We do it spontaneously, if we're all free."

Napatango ako. I can't believe na nakikinig kami sa Knights habang kinukwento nila ang ginagawa nila tuwing free time nila.

"Anong ginagawa nyo dito? I mean, wala kasing TV or anything—di katulad ng ibang room. Walang medium of activity." si Arcie naman ang nagtanong

"Well, actually ginawa itong room para sa isa naming malapit na kaibigan."

Biglang natawa si Kyle at DJ na parang may naalalang inside joke na hindi namin maintindihan.

"He's a extended member, gaya ng claim nya. He talks a lot kaya magiging madaldal ka din if you're around him. Kapag kasama namin sya, lahat napag kwekwentuhan namin."
"And just like what Andrei said, nag e-exist itong room dahil sa kanya. Nakahiligan na naming makipag kwentuahn sa kanya kapag kasama namin sya. Just talking about random stuffs, nothing so serious."
"Pero minsan din naman seryoso."
"Oo, pero bihira. He's too funny para sa seryosong usapan."
"We have this room to remember what he have started. Every now and then kapag gusto naming makipag usap sa isa't isa pupunta lang kami dito."

Oh my gosh. What a guy. Hindi ko ma-imagine na may isa pa palang mysterious guy ang Knights. It's so nice to see na kahit member sila ng underground, they enjoy doing normal things. Come to think of it, kahit si Cheska. Gusto nya lang manood at mag stay sa kwarto nya.

Ganun ba talaga kapag member ka ng Underground?

Napatingin ako kay KC. Siniko kasi nya ako, pinanlakihan nya ako ng mata. Oh wait. May gusto syang sabihin. 'Mag tanong ka na din' ang nakuha ko habang tinitignan ko sya.

Lumingon ulit ako sa harap ko only to see na nakatingin na din sa amin si Andrei. Whaaa. Kanina pa nya ako pinapakilig ng sobra, konti nalang. Iisipin ko ng may pag asa ako sa kanya.

Haha. Dream on.

"Nasaan sya? Yung kaibigan nyo?"
"He's not here, unfortunately sa U.S sya nag ste-stay. Tuwing summer, umuuwi sya dito."

Ah, so hindi pala namin sya makikilala agad. Na cucurious pa naman ako kung anong klaseng tao sya. To think na ganun nalang sya ka importante sa Knights.

"Pwede pa bang magtanong?" pagputol ni Arcie sa iniisip ko.

Nakataas pa ang isa nyang kamay na parang nagtatanong sya sa loob ng isang classroom.

"Yes. Go ahead." mabait na sabi ng my loves ko

"How is it to be an underground member?"

Nanlaki ang mata ko sa tabong nya. Hindi ba off limits ang tanong na yun? Inobserbahan ko ang reaksyon ng Knights. Uhh.. nakatingin lang sila kay Arcie.

"Uhhh. Okay lang naman na hindi nyo sagutin."
"No! It's okay, wala naman masama sa tanong mo. Iniisip lang namin kung anong ibig mong sabihin? Tinatanong mo ba kung anong nararamdaman namin bilang isang member o kung anong na-e-experience namin bilang isang member?"
"Aahh. Both?" nakangiting sabi ni Arcie

Nanlaki ang mga mata namin ni KC! What a bold girl! Actually gusto ko din malaman yun! Lumapit ako ng kaunti para mag lean sa table, curious ako sa mga sagot nila. Napansin ko din ang paglapit ng dalawa kong kaibigan.

"Okay lang?" hindi sure na sagot ni Knight Kyle.

Natawa si Knight DJ at my loves.

"Lumaki na kami sa Underground, it became a part of our childhood. Our life. Hindi namin alam kung ano ba yung mga hindi normal na ginagawa namin kumpara sa standard ng mga katulad nyo."
"You tell us, ano bang tingin nyo sa amin?" si Knight DJ ang nagsabi nun

OMO. Bakit parang ang sexy ng pag kakasabi nya? Nag iimagine lang ba ako? Pero napatingin din sila Knight Kyle at my loves sa kanya. Napatingin ako sa dalawa kong kaibigan.

"I think you're all cool." si Arcie

Tumango kaming parehas ni KC to agree.

"And heroic." dagdag ko "pinagsisilbihan nyo ang bansa natin kahit na kapalit nun yung time nyo para sa sarili nyo."
"Totoo, and we appreciate it"

We are on our youth days. At sabi nila, ito daw ang pinaka masayang parte ng buhay dahil madami kang matutunan sa buhay habang ine-enjoy ito. Pero sila, hindi nila hawak ang oras nila, kapag may kailangan silang gawin sa underground tinatalikuran nila ang lahat kahit nga ang pag aaral.

Nakakahanga kasi kahit na konti lang yung time na wala silang ginagawa, napag kakasya nila yun sa pag aaral ang other personal stuff.

"Thank you."

Natigil kami ng makita namin yung itsura ng Knights habang nakatigin sa amin. My heart!!!!! They look so soft! Bakit parang tuwang tuwa sila sa naring nila? Haven't they heard it tons of times already? Like everyday?! Ang dami kaya nilang fan girls.

We're one of them pa nga!

"We love what were doing. People thinks its cool pero hindi. Minsan nakaka disappoint to see how other people could make senseless crimes just for the sake of money and power." paliwanag ni Knight Kyle

He sound so sad! OMG. Oo nga, for sure madami na silang nasaksihan na mga ganung bagay. I can't imagine, kung anong mga bagay na ang nakita ng mga mata nila.

How much more, si Cheska?

"Let's not talk about that. Bakit hindi naman kayo ang magkwento?" singit ni my loves

Napatingin ako sa mga kasama ko, mukhang natahimik din sila sa sinabi ni Knight Kyle.

"Wala namang exciting sa amin." sabi ni KC
"I beg to disagree." sagot naman ni Knight DJ

Namula bigla si KC! Hoy! Bakit ka namumula!! Napatingin sya sa akin at pinanlakihan ko sya ng mata.

"Ikaw din" sabi nya sa akin

Napahawak ako sa mukha ko. OMG. Sobrang lakas ng appeal ni Knight DJ! Oh no! Nagkakasala ako sa harap ng my loves ko.

"Anong ginagawa nyo with your free time?" tanong ni Knight Kyle

"Madalas kaming lumabas ng magkakasama."
"Meron kasi kaming goal."

"Goal?" nakakunot ang noo na tanong ng tatlo

Cutie. Sabay sabay pa sila!

"Yes! Ang makainan lahat ng restaurant or fast food chain sa mga mall."
"May checklist kami."

"Really? How many have you tried?" si Knight Kyle

Napaisip kaming tatlo.

"Madami na eh, wait— Diba nasa phone mo yun?" tanong ni KC sa akin.
"Oo, pero meron ka rin ah."

Hinanap ko sa phone yung checklist.

"Yung pinaka malapit na mall sa Danford, nakainan na namin lahat doon." Arcie answered proudly

Ayun! Pinakita ko sa kanila. Inabot ko kay Knight Kyle pero si my loves ang umabot kasi kasalukuyang kumukuha ng isang slize ng pizza si Knight Kyle

"At naka alphabetical order sya." natatawang sabi ni my loves ng makita nya

Kanina ko pa sya napapatawa! I'm so happy talaga today! Thank you so much Cheska! Buti nalang hindi mo ginalingan sa quizzes mo.

Prince Shin

What a pain it is, to be with someone you want to hold but can't. Napatingin ako sa braso ko na hinampas nya kanina, she's incredibly strong. Naalala ko ulit yung unang beses na nakita ko syang nakikipag laban sa tapat ng isang convenience store.

Tinignan ko sya habang nakatuon ang atensyon nya sa papel na nasa harapan nya. She's so near yet I can't—I stretched my arm towards her but stop before I could even touch her hair. She might get scared and accidentally hurt me again.

But I don't mind, I just want to hold her.

I want to hold her.

Inihiga ko muna ang ulo ko sa lamesang nasa harapan ko. I looked at her. How could you change so much? Walang pang isang araw na magkasama tayo pero ilang mga bagong bagay na ang nalaman ko tungkol sa iyo. Could you please tell me, what made you change?

Dahan dahan kong inabot ang dulo ng buhok nya at pinaglaruan, naramdaman ko ang pagtigil nya. Hinanda ko yung sarili ko sa gagawin nya pero lumingon lang sya sa akin. Wala paring emosyon ang mukha nya pero nakita ko ang gulat sa mga mata nya.

"It's soft" sabi ko

Hindi ko padin binibitawan, nakita kong gumalaw ang mga mata nya, hindi nya ako pinansin at nagpatuloy ulit sa ginagawa nya. Napangiti ako dahil hindi nya ako pinatigil.

"I'm done" sabi nya bigla

Tumango ako. Papatapos narin kami, hindi naman sya mahirap turuan. Nagawa na namin lahat ng mga problems na katulad ng mga mali nya.

"Gusto mo bang mag advance study?" tanong ko

I want to stretch our time together.

Hindi sya sumagot agad, kailangan kong tumingin sa kanya para makita ang rekasyon nya.

"It'll help you for surprise quizzes."

Pareho kami ng isang subject teacher na mahilig magpa surprise quizz. Hindi nya padin ako sinasagot, mukhang ayaw nya. Pero naglabas ako ng libro na kinukuhaan din ng teacher namin sa subject na yun ng mga lessons nya.

Binuklat ko sa last page na naituro na. Tapos pinakita ko sa kanya, nakatingin lang sya.

Hindi naman sya tumanggi kaya sinimulan ko ng ituro sa kanya. Nung nasa kalagitnaan ako ng pag di-discuss naramdaman ko yung antok nya lalo na ng biglang bumagsak ang ulo nya pero nagpatay malisya at umayos ulit ng upo.

"Don't worry, matatapos na din natin." sabi ko bago sya abutan ng isang chocolate

Hindi nya agad tinanggap.

"To keep you awake."

Mabilis nyang hinablot sa kamay ko yung chocolate. Hindi ko napigilan ang mapangiti, she's like a child. Nagpatuloy ako sa pagtuturo tapos nagbigay lang ako ng ilang problem na sasagutan nya ulit.

Mukhang gusto na nya akong saktan ng iabot ko sa kanya yung problem pero hindi ko pinansin. Nag text ako sa tatlo na malapit na kaming matapos at pwede na silang bumaba. Nag basa muna ako ng tinatapos ko na libro.

***

She fell asleep, ilang minuto palang ako nagbabasa ng mapansin ko na hindi na sya gumagalaw. Hindi pa nya natatapos yung ginagawa nya pero mukhang nakatulog na sya habang ginagawa yun. Hindi ko sya ginising at pinagmasdan nalang ang natutulog nyang mukha.

Napalingon ako sa hagdanan ng makarinig ako ng mga yabag. Sumenyas ako sa mga pababa na wag mag iingay, nakita agad nila si Cheska na natutulog at agad na nagdahan dahan sa kanilang mga kilos.

"Sorry, akala ko tapos na kayo" bulong sa akin ni Andrei ng makalapit sila

"Kanina pa ba sya nakatulog?" tanong ng isa sa mga kaibigan ni Cheska. Si Kris.

Hindi pa ako nakakasagot sa tanong nya ng mag salita ang isa pa sa kanila

"Sorry, hindi talaga sanay mag puyat si Cheska" she's Kim Coleen? KC?

Tinignan sya ng dalawa nyang kaibigan.

"Uhh, hindi pala sya sanay mag aral sa gabi." pagtama nya sa sinabi nya

Tumango ang dalawa bago may isa na naman sa kanila ang magsalita.

"Sana hindi ka nahirapan sa kanya err, if pinahirapan ka nya. We apologize"

Umiling ako.

"She didn't."

Nag iba ang tingin nila sa akin, their eyes softened.

"That's a relief!" sabi ni Kris
"Gigisingin lang namin sya."

Sabay sabay silang lumapit sa natutulog pa na Cheska.

"Medyo mahirap kasi syang gisingin."

Nakatingin lang kami sa kanila habang nakatayo sila sa tabi ni Cheska. Hinihintay namin na gisingin nila siya pero nanatili lang din silang nakatayo at nakatingin sa amin.

"Uuhmm medyo magiging maingay kami kaya.."

Nag gesture sya na takpan namin ang mga tenga namin. Nagkatinginan pa sila Andrei bago sundin ang sinabi nila. I did too.

Huminga muna sila ng malalim ng sabay sabay bago—

"WAKE UP CHESKA!!!!!!!"

Sobrang lakas ng boses nila kahit na nakatakip na ang mga tenga namin pero hindi parin nagigising si Cheska. Napakamot sa noo si Kris bago nahihiyang tumingin sa amin.

"She's a deep sleeper hehe."
"Gawin mo na yung lagi mong ginagawa, yung nakakapag pagising talaga sa kanya" bulong ni KC pero rinig ko parin.

Medyo malapit ako sa kanila dahil halos nakatabi lang ako kay Cheska.

"You mean—"
"Oo! Yun nga."
"Baka masaktan ulit nya ako, ayokooo~ masakit!"
"Nakakahiya naman kung sumigaw tayo ng sumigaw dito."

Napalingon ulit sila sa amin.

"Psh. Fine! But if she hit me! Ikaw ang sasalo ha!"
"Umilag ka nalang."

Dahan dahan na lumapit si Kris kay Cheska, sa mukha nya, tapos hinawi pa nya ang buhok nito at inipit sa likod ng tenga. Pagkatapos, hinipan nya yun ng mahina.

Ah. Gusto ko ding gawin yun.

Tumayo agad si Cheska mula sa pagkakahiga at napatalon naman papalayo si Kris, nakakapit na sya kay KC na napaatras din. Ganun din ang isa pa nilang kaibigan.

Naguguluhan pa na tinignan kami saglit ni Cheska ng mapansin nya kami.

"Good morning, Princess."

Kyle Gino

Shin is acting so cheesy around her and the way he looks at her is so.. so different from his usual. I've never seen him like this with that Princess Camille.

But it's also odd to see a girl giving no care about our 'perfect Shin'. He called her Princess pero wala akong nakikitang reaksyon. Alam kong kilala sya sa pagiging emotionless nya pero hindi ko alam na ganito kalala. Hindi ko alam kung wala talaga syang nararamdaman o dahil wala lang syang pakialam? I should have asked her friends.

"Uuwi na ba" sabi ni Cheska na hindi pinansin ang sinabi ni Shin

Tumayo sya at nagpanggap na parang hindi sya nakatulog. So yun pala ang similarity nya sa mga kaibigan nya, clumsy but funny and cute.

"Yes. We're done for today." sagot ni Shin

"Thank you so much!" sabay sabay na sabi ng tatlo bago mag bow.

I smiled at their synchronization. Siguro dala narin ng matagal nilang pagkakaibigan kaya nagagawa nila yun. Ganun din kami minsan at hindi din namin napansin yun hanggang sa may nagsabi nalang sa amin.

"Thank you for the time as well." si Andrei ang sumagot

Tumango lang kami. It was nice being with new people. Isa pa, nakita ko si Cheska ng mas malapit ngayon, ilang beses din akong bumaba para tignan ang ginagawa nila. Alam kong alam ni Shin pero, hindi nya ako tinatanong tungkol dun.

"I'll send them home." paalam ni Shin sa amin

Tumango ako sa kanya bago tumingin sa mga bisita namin para magpaalam. They waved their goodbyes enthusiastically, napangiti ako dahil hindi nagbago yung mga energy nila.

Then napatingin ako kay Cheska na nakatayo lang at nakatingin sa amin. I couldn't tell kung nag enjoy sya, dahil nanatili lang normal ang expression ng mukha nya.

"Get home safe" sabi ko, hoping she'll look at me

And she did. I had the chance to look at her face, while looking at me. I waved a good bye at her. Ewan ko kung bakit biglang lumakas ang loob ko. Maybe seeing her with Shin did this to me? Maybe, if she's okay with Shin.. maybe she'll be with me, too.

"Why don't you go with Shin? Hindi mo ba ihahatid si Arcie mo?" sabi ni DJ habang nakapatong ang isang braso nya sa balikat ko

Tinignan ko sya at tinignan din si Arcie na busy sa pagtingin sa mga books na pinahiram namin. How did they even came to that conclusion? Hindi ba mas mukha kaming mag kapatid ni Arcie? I mean, what we have is very platonic.

Hindi ko sana papatulan ang pang aasar nya pero naisip ko na kapag sumama ako, makikita ko pa si Cheska at kung saan sya nakatira.

That made me excited.

"Okay, i'll go too."

Napansin ko ang medyo pagkagulat ni Andrei sa sinabi ko. Habang tinignan lang ako ni Shin at tumango.

Tumulong din ako sa pagbubuhat ng mga libro, hindi sana namin sila pag bubuhatin pero they insisted on helping. Sa maikling panahon na nakasama namin sila ngayon, may mga bagay kaming nalaman tungkol sa kanila.

First, they're childish, in a superlative way. Second, they love to eat and lastly, they're very very stubborn. Ayaw nilang trinatrato sila na parang mga bata, the problem is. They are a kid inside a teenager girl's body.

They're very interesting. It's impossible not to be drawn by their personality.

It started with Cheska, I always admire her strong and mysterious aura, then there's Arcie. She's unique and weird, in every good way. Kris is a charming girl, while KC, she's a strong willed girl.

"Thank you Kyle! Sobrang enjoy ngayon. Sabi ko na nga, cool talaga ang Knights."

Nilalagay na namin sa loob ng Van nila ang mga books when she started our conversation.

"Well, I'm happy that you enjoyed your little time with us."

She giggled. Natawa ako dahil parang baby yung narinig ko.

"Make sure to read every book, magaganda lahat ng nakuha mo."
"Talaga?" sabi nya na nilingon pa yung mga libro

"Paano mo nalaman? Nabasa mo din ba?"
"Oo naman."

Napatakip sya sa bibig nya. Pansin ko pa, lagi nilang ginagawa yun.

"Nagbabasa ka pala ng ganun?"
"Yes. They're interesting."
"I know right? Sobrang fascinating lang to think na merong other life forms outside our planet."

Tumango lang ako. Other might think it's creepy pero hindi ko kayang sumalungat sa ideya nya.

"We'll be fine! Hindi nyo na kami kailangan ihatid." narinig ko na sabi ni Kris.

Nakaharap sya kay Shin na kasalukuyang sinasakay din ang ilan sa mga bag na may lamang libro.

"Okay." agad na sabi ni Shin

Lumapit sya kay Cheska, at may inabot na paper bag. Tinignan nya pa saglit si Shin bago yun kuhain.

Sobrang dami nilang eye contact, pakiramdam ko kaya hindi na sila masyadong nagsasalita dahil nag uusap sila gamit ang mga mata nila.

"Books. Make sure to answer the activities I highlighted."

Hindi sumagot si Cheska.

"Goodnight" sabi ni Shin bago ipatong ang kamay sa ulo ni Cheska.

Napansin kong biglang nagsiksikan yung tatlo. Nakatingin sila sa dalawa na parang nanonood ng TV drama.

Pero para sa akin, horror movie. Pinipigilan ko ang sarili ko na wag tumalikod. Hindi ko gustong ipahalata dahil hindi ko gustong mapansin nila. I don't want to complicate things—kaya as long as I could bare. I'll stop myself.

Pinanood nalang namin ni Shin ang apat habang papaalis na yung Van na sinasakyan nila.

"How was it?" tanong ko

Tumingin sya sa akin.

"I missed her."

Napalunok ako at napaiwas ng tingin. I know how important she is, to him. Bata palang kami sya na ang bukambibig nya.

I just have to remember that.


Francheska Hyun

I want to hit myself for sleeping. Paano ako nakatulog ng nasa paligid ko lang ang Knights? At sa harap ng 1st Knight. But ugh—inaantok na talaga ako.

Nagising lang ang diwa ko ng tumama ang braso ko sa mga para kong uod na mga kaibigan.

"Nakita mo ba yung mga pictures nila? Yung ang liliit pa nila?"
"Yeah! I took pictures!"
"Really?!!"
"Oh my gosh! Ang cute~"

They keep on squealing and squirming. Sobrang nakakainis tignan

"Ang dami ko ring books na nahiram, look at these. Hinahanap ko ito aa mga bookstore pero laging walang stock." sabi ni Arcie

She sound so thrilled. Napatingin ako sa hawak nyang makapal na libro. Naalala ko yung mga libro na binigay din nung 1st Knight. Tsh. Humabol pa.

"Natupad na ang isa sa mga pangarap namin!"  sabi ni Kris na humarap sa akin at hinawakan pa ang kamay ko

Her eyes is sparkling, pwede pala yun. Ugh. Nasisilaw ako sa mga ngiti nila.

"Sobrang laki ng PR nila! Meron silang sariling movie theater at may malaki din silang arcade room!"
"It's humungous Cheska!" excited din na sabi ni Arcie
"At nakakagulat na may karaoke sila."

Nakikinig nalang ako sa kanila pero di ko naiintindihan. I just want my bed, nasandal ako para pumikit sana pero dinambahan ako ni Kris.

"You were so comfortable with Knight Shin that you even sleep."

HINDI.NA.KAILANGAN.IPAALALA

"Kamusta pala ang tutor?"

Hindi ko sila sinagot. Napabuntong hininga lang sya pero ibang klaseng buntong hininga.

"It was beyond my expectations. Alam kong maganda ang loob ng PR nila pero hindi ko alam na ganun kasaya doon."
"Kaya kong mag stay doon ng isang linggo at hindi lumalabas."
"Ako din! If you just saw their library and music room. Grabe!!"

Music room? Library? May sarili ba silang school sa loob.

"Sayang hindi ka nakapag ikot, you will enjoy just as much as we did"

I doubt that.

"Totoo! Dahil and daming laman ng kitchen nila!" sabi ni KC

"And you know, they know how to bake! Si Knight Shin daw ang pinaka magaling sa kanila."

"....."

Nakatingin sila sa akin na parang hinihintay ang sasabihin ko. Pero wala namang akong gustong sabihin.

"You should ask Knight Shin to tour you. Papayag yun!"

Tutor na nga, gagawin pang tour guide. Ano bang pinagsasabi nila. Hindi ko nalang pinansin dahil alam kong na excite lang sila.

I'm bracing myself for tomorrow, sigurado ako na hindi sila titigil sa pag uusap tungkol sa Knights.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

116K 4K 16
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
48M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...